Rosi's POVILANG araw na rin ang lumipas mula nang pumanaw si Don Isidro. Nagluluksa ang lahat sa pagkawala ng isang mabuting tao—para sa kanila.Hindi mabuting karanasan ang mayroon ako kay Don Isidro, pero kahit ganoon, hindi ko gugustuhin na mawala ito. At mas lalong hindi ako ang tipo ng tao na magsasaya dahil sa pagkamatay ng kapwa ko. Kaya hindi ko maatim makitang nagsasaya ang mga magulang ko.Nilingon ko sina Inay at Itay sa harap ng hapag habang kumakain sa loob ng dining. Nagluluksa ang lahat pero sila ay nagpaluto ng masasarap na pagkain. Masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing iyon habang nag-uusap na parang walang pinaglalamayan sa garden.Hinanap ng mga mata ko si Sixto. Kung mayroon mang pinakaapektado sa aming lahat, siguradong siya iyon. Para nang ama ang turing niya kay Don Isidro, at sa totoo lang, maliban sa mayordoma, ang don lang yata ang kakampi niya."Hindi ako makapaniwala na wala na si Don Isidro. Nagkita pa kami last month, at sobrang lakas pa niya."Nat
Rosi's POVPADABOG na isinara ni Inay ang pinto ng silid at saka pinagtatapon ang mga gamit na mahawakan ng kamay nito. Nagwawala na ito sa galit. Kahit si Itay ay hindi maipinta ang mukha."Tanginang matandang iyon! Bakit niya ibinigay ang lahat ng pera niya sa letseng charity at mga foundation na iyan! Mga wala naman kuwenta!""Itay, huminahon kayo.""Kung alam ko lang na ipamimigay ng matandang iyon ang lahat ng pera niya, sana ako na lang ang pumatay sa kaniya!""Itay, huwag kayong magsalita nang ganyan."Kinikilabutan ako sa mga naririnig at nakikitang reaction nila. Iba talaga ang dulot ng pera sa mga tao. Pero dahil din sa sinabi ni Itay, mas naging sigurado ako na wala talaga itong kinalaman sa nangyari kay Don Isidro.Siguro nga, itinago lang talaga ng matanda ang tungkol sa sakit niya sa puso. Iyon din kaya ang dahilan kung bakit minadali nitong maikasal kami ni si Sixto? Dahil alam niyang mawawala na siya?"Ano nang mangyayari sa atin ngayon, Lito?! Wala na lahat ang pera!
Sixto's POVNATIGILAN ako sa ginagawa nang biglang tinapon ni Rosi ang baso ng juice na dinala ko para sa kaniya. Pati ang cheesecake sa platito ay hindi nito pinalagpas at ibinato sa akin."Puwede bang iwan mo ako mag-isa?! Sinabi ko naman sa iyo! Ayaw kong makita iyang pagmumukha mo!""Rosi, gusto lang naman kitang dalhan ng pagkain. Kaunti lang ang kinain mo kahapon, baka magkasakit ka.""Wala kang pakialam kahit magkasakit ako! Kahit kailan talaga, bwiset ka sa buhay ko! Bwiset iyang mukha mo! Tigilan mo na ako, puwede ba? Huwag mo na akong sundan!"Halos madurog ang puso ko sa mga narinig na sinabi niya. Galit na galit ito at halos hindi na maipinta ang mukha.Sa loob lang nang ilang araw, tuluyang nagbago ang pakikitungo sa akin ng buong pamilya ng asawa ko—maging si Rosi. Lahat ng gusto nila, sinusunod ko para lang matanggap nila ako. Pero kaunting kibo, kaunting kilos, nagagalit sila sa akin. Iniinsulto ako at kung ano-ano pang masasakit na salita ang sinasabi."Lumabas ka! Ay
Sixto's POV"Bilisan n'yo! Kanina ko pa kayo pinagmamadali, ah?! Ang babagal naman!"Kalalabas ko lang ng office ni Don Isidro nang madatnan ko sa malawak na sala sina Inay, nagmamadali ang mga ito."Inay, saan kayo pupunta?""Ah! Wala kang pakialam!"Kinabahan ako nang maisip na aalis na ang mga ito. Agad kong nilapitan si Rosi na kabababa lang ng hagdan. Nakabihis din siya ng dilaw na bestida at naka-clip ang gilid ng buhok."Rosi, saan kayo pupunta? Aalis kayo?""Gustong mamasyal ni Inay. Family day ngayon."Natigilan ako sa narinig. Muli kong nilingon sina Inay na handa nang umalis."Puwede ba akong sumama?"Nilingon ako ni Rosi sa tanong ko. Hindi siya sumagot at wala rin reaksyon sa mukha niya. Nakatingin lang ito sa akin."Hindi ka puwedeng sumama! Nakita mo na ba iyang pagmumukha mo? Nakakahiya! Hindi puwedeng i-display iyang mukhang ganyan!""Inay, puwede naman ho ako magsuot ng cap o hoodie. Itatago ko ho ang mukha ko.""Hindi puwede!" Galit ako nitong pinamaywangan. "Dito k
Rosi's POVHanz Concepcion? Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa mukha niya. Kaya pala pamilyar ito sa akin! He's Hanz!"Are you okay?"Nakatulala lang ako habang nakatingin sa mukha nito. Hindi ako makapaniwala na matapos nang ilang taon, nagkita kami uli."Rosi!""Anak!"Napalingon ako kina ina at itay nang lapitan ako ng mga ito nang may pag-aalala sa mukha. Mabilis na dinuro ni Inay si Hanz."Hoy! Bakit hindi ka nag-iingat sa pagmamaneho, ha?! Bulag ka ba!" asik nito."Inay, tama na ho. Ako po ang may kasalanan.""Anong ikaw ang may kasalanan? Muntik ka na ngang mabundol nang dahil sa hinayupak na ito!""Inay!" Mabilis ko siyang hinila sa kamay. "Tama na ho. Nakakahiya.""I'm really sorry, ma'am. Kasalanan ko, hindi ako nakatingin sa daan. It's just that, I dropped my phone and I was trying to pick it up.""Hindi, okay lang, Hanz. May kasalanan din ako.""Kilala mo ba ang lalaking ito, ha?!" Hindi naaalis ang pagkakaduro ni Inay ng daliri niya rito. "Sino ka ba?!"Nginitian
Sixto's POV"Nandito ako para umakyat ng ligaw."Bigla akong natigilan sa narinig. Mabilis na bumangon ang inis sa dibdib ko nang makita kung paano nito titigan si Rosi. Hindi ba nito alam na kasal na ang babaeng gusto nitong ligawan?Gusto ko sanang magsalita pero natigilan ako nang makitang iniilingan ako ni Inay. Tiningnan din ako nito nang masama."Halikayo sa living room, Hanz, Rosi. Doon kayo mag-usap para may privacy kayo."Muli pa akong nilingon ni Rosi bago ito sumama sa living room kasama iyong lalaking tinatawag nilang Hanz.Susunod sana ako pero mabilis akong pinigilan ni Inay. "Sixto, ipagtimpla mo nga ng juice ang bisita at pati si Rosi.""Pero inay—""Sixto, kung gusto mong umayos ang pakikitungo ko sa iyo, itikom mo iyang bibig mo!""Inay, asawa ko ho si Rosi.""Asawa mo lang siya sa papel!" Nilapitan ako nito at dinuro-duro. "Ikaw pa ang may sabi, di ba? Na maghihiwalay kayo ni Rosi pagkatapos nang ilang buwan? Huwag mong sisirain ang buhay niya! Hindi pa ba sapat na
Sixto's POVILANG minutong napuno ng katahimikan ang paligid bago mabilis na lumapit sa amin si Inay at hinila ako palayo kay Rosi."Ano bang pinagsasabi mong pangit ka! Huwag ka ngang lalapit sa anak ko!""Inay, tama na.""Manahimik ka, Rosi!""Totoo ang sinabi niya, Hanz."Nabaling kay Rosi ang paningin namin dahil sa sinabi nito."Rosi, tumahimik ka sabi!""Si Sixto ang... asawa ko. Kasal kami." Ibinalik ni Rosi ang mga bulaklak at chocolates kay Hanz. "I'm sorry dahil hindi ko agad ipinaalam sa iyo."Matapos sabihin ang mga iyon, mabilis itong tumakbo paakyat sa hagdan. Gusto pa sana itong sundan ni Hanz, pero humarang na ako sa harap niya.Matagal kaming nagsukatan ng tingin. Madilim ang mukha nito at halatang galit pero hindi ako nagpatinag. Ako pa rin ang asawa ni Rosi. Kahit sabihin pang hindi ako mahal nito, ako ang mas may karapatan sa kaniya."Makakaalis ka na sa pamamahay ko, Hanz."Tinaliman ako nito ng paningin. Bago tuluyang umalis, nginisian pa niya ako na parang nagba
Sixto's POVMAAGA akong gumising para makapaghanda ng agahan. Hindi ko pa maiwasan ang mapapito habang abalang nagpiprito ng ulam. Nang matapos, iniwan ko lang sa dining ang mga pagkain at hinintay na lang na magising sina inay.Naglinis na rin ako ng buong bahay nang mapansing maaga pa para pumasok sa trabaho. Kasalukuyan akong naglalampaso nang makababa ng hagdan sina Inay at Gio."Magandang umaga! Inay, hindi ho ba umuwi si Itay kagabi? Gusto ko sana kasi siyang makausap.""Aba, malay ko! Baka nandoon na naman sa pasugalan ang lalaking iyon!" inis na sagot ni Inay habang nagkakamot ng ulo. Dumiretso ito sa dining.Naalala kong mahilig nga palang magsugal si Itay. Kaya ito nabaon sa utang kay Don Isidro dahil sa kakasugal nito."Nakaluto na nga pala ako, inay. Paborito n'yo po ang niluto ko, adobong hipon."Tumayo ako matapos kong maglampaso. Si Gio naman ay nakatayo lang sa gilid ng hagdan at nakasunod ang tingin sa akin. Papasok na sana ako sa kusina nang mapansin kong ginagaya ni
Strawberry's POV"Cinnamon."Mula sa malaking salamin sa harap ko, lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Napatayo ako nang makita kung sino ito."Monday."Banayad ang ngiti sa labi niya nang lapitan ako. "I heard the operation was a success... I'm glad."Napangiti ako sa sinabi niya. Wala na akong nakikitang galit sa mga mata niya at napakagaan ng pakiramdam."Salamat.""Narinig ko rin na ngayon ang kasal n'yo ni Seven."Naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mariin na paglunok niya na parang nagpipigil na lang siyang maluha."Kasal na kami dati, pero gusto niyang ulitin namin. Ngayon daw, sa harap na ng... pamilya natin."Nginitian niya ako. "It's sad I won't get to witness my sister's wedding. I can't... "Inabutan niya ako ng isang maliit na kahon. Tinanggap ko iyon at binuksan. Silver bracelet na may nakasulat na Monday & Cinnamon. Pinakita niya sa akin ang suot niya na kapareha nito."I was a teenager when I personally made this. Para sa atin. This is my wedding gif
Seven's POVHINDI makapaniwala sina Tito Aamon at Tita Candy sa narinig. Lalong nagliyab sa galit ang mga mata ni Tita at inaway na ang babaeng si Pasing."Nagsisinungaling ka! Ilabas mo ang tunay naming anak! Ilabas mo si Cinnamon ko!" Hawak na nito sa damit si Pasing."Sandali lang ho!" Pilit na kumawala si Pasing at galit na tiningnan ito. "Hindi ako nagsisinungaling!"Malakas na sampal ang iginante ni Tita Candy rito. "Anong akala mo sa amin? Tanga?! Siguro, kakuntsaba mo ang babaeng iyan! Gusto n'yo kaming perahan! Tama?!""Ay, teka lang naman, madam. Kaya nga ho hinanap ko kayo nang kusa, para maisauli sa inyo ang anak n'yo! Matanda na ho ako, gusto ko lang ituwid ang pagkakamali ko."Muntikan na naman itong sampalin ni Tita Candy pero napigilan na ito ni Tito. "Hon, huminahon ka! Hindi tayo nandito para maghanap ng gulo.""Huminahon? Ninakaw ng babaeng iyan ang anak natin! Gusto mo akong huminahon? Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa bilangguan!" pagbabanta ni Tita Candy at dinur
Seven's POVDAHAN-DAHAN kaming pumasok sa silid, puno ng pag-ingat na hindi makagawa ng ingay at magising ang prinsesa naming mahimbing ang tulog. Naglalakad kami patungo sa kama, titig na titig ako sa mga mata ni Strawberry.Though unable to see, her beautiful eyes were filled with love and longing. I caressed her cheek, wiping away a tear that flowed from her eyes."Mahal kita, mahal na mahal kita, Strawberry," masuyo kong bulong, habang humahalik ako sa kanyang mga labi.Matapos kong hubarin ang lahat ng suot namin at hinayaan itong mahulog sa sahig, ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Our hands began to explore each other's bodies, caressing every part that we desired to feel."Seven... ""Shhh." Hinagkan ko siya sa noo bago inihiga sa kama.I kissed her cheek, then moved to her lips, down to her neck, her chest, and her stomach. My breath grew heavier with the intense desire I was feeling.Sa pagitan ng mga halik at mga hagod namin sa isa't isa, inumpisahan kong pumuwesto sa pagit
Seven's POVHAWAK ko ang kamay ni Strawberry habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Serenity sa paligid. Katatapos lang namin magsimba tatlo, at ngayon ay nasa carnival na kami para sana sumakay ng rides, pero may nakitang lobo ang prinsesa namin at nagpupumilit magpabili."Nanay! Gusto ko iyong kulay pink!""Pink?" tanong ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. "Oh, manong, pink daw ang gusto. Ibigay mo na lahat ng pink diyan."Marahan akong hinampas ni Strawberry sa braso. "Manong, isa lang po.""Baby, I can buy all these balloons for our princes.""Hindi porke kaya mo, gagawin mo. Hindi naman nakakain iyan. Isa lang ang bilhin mo."Napangiti ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa anak namin at nakitang ngumiti rin ito."Paano ba iyan, anak? Isang lang daw.""Okay lang, papa! Para makabili naman ang ibang may paboritong kulay na pink!"Natatawa kong ginulo ang buhok nito. Pagkatapos namin bumili ng lobo, lumapit naman kami sa nagbebenta ng hotdog at popcorn."Papa, gusto ko rin ng fri
Seven's POV“Serenity!” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Strawberry. Agad akong lumabas mula sa bahay na tinutuluyan ko, katapat lang ito ng karinderya.“Huwag mo na habulin! Serenity!" Gustong sumunod ni Strawberry sa anak namin, pero hindi magawa at nangangapa na lang sa kinatatayuan.Sinundan ko ng tingin ang anak namin. Hinahabol niya iyong nakabisikletang lalaki. Mabilis akong tumakbo para pigilan si Serenity. May bitbit na sampaguita ang lalaking nakabisikleta. Duda ko ay sinabi nitong bibili, pero hindi binayaran si Serenity.Sa kagustuhang maabutan iyong lalaki, hindi napansin ni Serenity ang sunod-sunod na pagbusina ng sasakyang paparating. Nang makitang mabubundol na ng paparating na kotse ang anak ko, halos itapon ko na ang sarili ko sa kaniya. Wala na akong pakialam. Niyakap ko si Serenity. Hindi bale nang ako ang mapuruhan, huwag lang ang anak ko.Napapikit ako habang yakap-yakap si Serenity, ilan sandali pa ay saka ko lang namalayang nagawa pa palang huminto ng s
Seven's POVNATIGAGAL ako. Hindi ko na magawang kumurap pa habang nakatitig sa mukha ng batang nasa harap ko. Nakasuot ito ng over-size na damit at medyo marungis ang mukha. Tila para na itong batang palaboy-laboy. Kumuyom ang kamao ko. Anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari sa kanila ni Strawberry?Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang matuon sa akin ang paningin ng bata. Matagal niya akong tiningnan bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Patakbo siyang lumapit sa kotse ko."Hello po! Gusto n'yo po bili ng sampaguita?"Lumabas ako ng kotse at lumuhod sa harap niya. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, saka ko lang nakikita ang pagkakamukha nila ni Lolo Tres.Napangiti ako. She's really my daughter, she's my daughter."Serenity?"Napasinghap ang bata at mabilis na lumingon sa karinderya. "Tawag ako ni Nanay!"Natigilan ako nang bigla itong tumakbo papunta sa karinderya. Ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung kanino galing ang boses.Strawberry.
Seven's POVHINDING-HINDI maayos ang gulong ito kung hindi ko tutuldukan ang ugat ng problema. Kailangan kong bitiwan ang ibang bagay kung talagang gusto kong ipaglaban ang babaeng mahal ko at ang supling na nasa sinapupunan niya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay mawala sa akin ang lahat. “I'm sorry, but I can't do this," matapang kong saad habang tinitingnan sila isa-isa. Nandito sa Santiban Mansion ang mga magulang namin ni Monday. Pinapunta ko sila para matapos na ito. “What did you say? Sixto, ano na naman ito?!” nanggagalaiti na binalingan agad ng ama ni Monday ang ama ko.“Huminahon nga kayo!” awat ni Mama na mabilis na tumayo at lumapit sa akin. "Please, hayaan na natin ang mga bata. Huwag na tayong makialam sa kanila!""Huwag makialam?" Tumayo si Tita Candy. "Nasasabi mo iyan dahil hindi anak mo ang nasa peligro ang buhay!""Doctor ang kailangan ng anak mo, Tita, hindi ako."Natahimik sila sa sinabi ko. "Anong sabi? How dare you!""Kailangan n'yo siyang tulungan. Monday is
Seven's POVNASA hospital ako sa loob ng private room ni Monday at nakaupo sa tabi ng kama niya. Malalim ang iniisp ko habang siya ay nakatitig sa kawalan at patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi.She was sleeping just a while ago. Nakakatulog siya nang maayos kapag nandito ako. Noong wala ako ay nagwawala siya at hindi makakain.I decided to leave the island after I got a phone call from Tito Aamon. Wala na akong balak na balikan pa si Monday, pero nang isumbat na ni Tito ang lahat ng naitulong niya sa amin at nang pagbantaan na rin niya ang buhay ni Papa, napilitan akong sumunod.Agad na bumuti ang lagay ni Monday nang dumating ako, but I can't stop myself and went to the mansion after I received a text from Rico.Nasa mansion na raw si Strawberry at ligtas na nakabalik. Nagpanggap akong kukuha ng mga damit, pero ang totoo ay gusto ko lang siyang makita. And fuck me, I made her cry again. Dahil sa kagustuhan kong makita siya, napaiyak ko na naman siya.Suddenly, the image of a
Strawberry's POVMATAGAL kong hawak ang PT habang nakatingin kay Rico. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita sa mukha niya, naguguluhan siya na parang nababahala. Pero isa lang ang siguro, masayang-masaya ako."You're pregnant," ani Rico sa mahinang tinig.Wala sa sariling napatango ako. Hinawakan ko ang aking tiyan kung saan may sumisibol nang buhay—ang bunga ng pagmamahalan namin ni Seven."This will complicate everything," narinig kong sabi ni Rico sa sarili niya.Inilingan ko siya. Naluluha akong ngumiti. "Itong baby na ito... ito ang magpapabalik sa akin ng papa niya."Lumambot ang mukha ni Rico nang makita ang katuwaan sa mukha ko. Alam ko naman na nag-aalala lang siya, pero hindi ako magpapadaig sa takot. Ngayon pa ba? Ngayon pa na magkakaroon na kami ng baby ni Seven?"Paano kung... hindi ka pa rin niya piliin?"Banayad akong ngumiti. "Pipiliin niya ako, Rico. Alam kong matutuwa siya sa magandang balita.""Strawberry, hindi mo alam kung anong nangyayari ngayon kay Sev