Share

Chapter 15

last update Last Updated: 2024-03-19 20:19:46

Strawberry's POV

SA LIBRARY natulog si Seven kinagabihan dahil halos buong araw kaming hindi nagpansinan. Ang totoo ay todo iwas ako sa kaniya. Noong matutulog na ay nakatalikod rin ako. Nainis na siguro kaya pinili na lang niyang umalis.

Kinaumagahan, pinatawag ako ni Sir Seven para doon sa dining room mag-almusal. Pagbaba ko, nandoon na siya at kumakain. Tahimik akong lumapit sa table at naupo sa harap.

Hindi ako makakain nang maayos dahil ramdam na ramdam ko ang mga titig ni Sir Seven sa akin. Pinagpapawisan na nga ako kasi hindi ako mapakali.

"Bakit ka ba nakatitig?"

"About yesterday—"

Pareho kaming natigilan nang sabay kaming nagsalita. Natawa ako at ganoon din siya.

"I'm sorry," sabi niya na ikinatigil ko. "I didn't think about you when I thought about doing that. Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin."

Biglang gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi niya. Parang may malaking bato sa dibdib ko ang biglang naglaho.

"Pasensya na rin, sir. Hindi ko talaga kayang gawin iyon, at ayaw ko.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Luuuhhh?? Lagot ka seven, pag pira - pirasuhin knA NG mga readers mo sa pag uugali mo
goodnovel comment avatar
Gessa Mae Balaso Mercado
na high blood naku sa story nato.. seven hndi ka karapat dapat para kay strawberry..sino2x nalang babae kinakama mo..kapal nang mukha yayain mupa mag threesome,.ayaw ko talaga mag katuluyan kayong dalawa .kahit mag bago kapa at sabihin mahal mo si strawberry...
goodnovel comment avatar
Sunshayne
Nakkinis si Seven. Gigil ako sa kanya. Sorry author nadala lang sana iwan na siya ni Strawberry
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 16

    Strawberry's POVILANG gabing hindi umuwi si Sir Seven mula nang gabing sumama siya doon sa anak ng politiko. Gusto ko sana siyang tawagan gamit ang cellphone na ibinigay niya, pero hindi ko naman magawa dahil nahihiya ako. Kaya nang minsang maabutan ko sa bahay si Rico, ito na lang ang pinagtanungan ko.Nalaman ko na nasa office nito si Sir Seven at nag-o-overtime, pero nang itanong ko kung bakit hindi ito umuuwi, nalaman kong natutulog siya sa bahay ng bagong babae niya."Iyon siguro iyong anak ng politiko.""Si Elizabeth?" tanong ni Rico kaya napatingin ako dito."Kilala mo siya? Lagi kayong magkasama ni Seven, kaya baka pinakilala na niya sa iyo."Ngumiti si Rico. Ngayon ko lang napagmasdan mabuti ang mukha niya, nakagupit ang buhok niya na parang sa mga sundalo, singkit ang mga mata at mukha itong badboy. May tattoo rin ito sa braso."May kailangan ka bang ipasabi sa kaniya?"Agad akong umiling. "Wala. Nagtataka lang ako kung bakit hindi siya umuuwi. Baka nagalit na iyon sa akin.

    Last Updated : 2024-03-20
  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 17

    Seven's POV"I'm horny right now."Hindi sinasadyang mabitiwan ko ang hawak kong fountain pen matapos marinig ang sinabi ni Elizabeth sa kabilang linya. I just called her to remind our dinner later, but I was dumbfounded by her sleepy and sweet voice."You're always horny.""And I want you right now so badly.""You know I can't leave the office, sweetie. I need to finish everything to meet with you tonight."Narinig ko siyang nagreklamo sa kabilang linya, pero sa matamis pa ring boses. We were in the middle of our conversation when I heard a knock on the door. It opened and Rico walked inside with a folder on his hand."Please, can you come over here? I really wanna see you.""Let's talk later. I need to hang up."Hindi ko na hinintay na makasagot si Elizabeth, I put down the phone and took the folder from Rico."So, you found them."Tumayo ako at naupo sa gilid ng desk ko habang isa-isang tinitingnan ang mga nakaw na laruan ng mag-asawang Edna at Mauricio."May kamahalan ang singil s

    Last Updated : 2024-03-20
  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 18

    Strawberry's POVWALANG tigil sa pagbuhos ang mga luha ko. Kahit anong pigil ang gawin ko, parang bukas na gripo ang mga mata ko. Iyak lang ako nang iyak habang iniisip ang mga narinig kanina.Ganoon pala ang tingin niya sa akin ni Seven. Alam ko naman kung ano ako para sa kaniya, pero ang marinig mismo mula sa bibig niya, ang sakit pala."Sabagay, totoo naman lahat ng iyon, pero masakit pa rin. Bakit kasi ipinanganak akong ganito? Kung sana hindi ako napunta kina Nanay, baka nasa maayos na pamilya ako, nakapag-aral at hindi pangkama lang."Nagpahid ako ng mga luha pero ganoon pa rin, tuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko. Nahihirapan na akong huminga, kaso mas lamang ang sakit kaysa sa paghihirap ko.Maya-maya lang, nakarinig na ako ng mga katok sa pinto. Hindi ko pinansin nang maisip na baka si Sir Seven iyon, pero agad kong pinunasan ang mga luha ko. Nakakahiya na maabutan niya akong umiiyak na naman nang dahil sa kaniya."Strawberry?"Napatingin ako sa pinto nang marinig ang b

    Last Updated : 2024-03-21
  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 19

    Strawberry's POVKASALUKUYAN akong naglilinis sa malawak na living area nang marinig ko ang mga yabag pababa ng hagdan. Pinigilan ko ang sarili ko na lingunin ito dahil alam ko namang si Sir Seven iyon.Kagabi, hindi siya natulog sa kuwarto. Siguro sa library na naman siya nagpalipas ng gabi. Nakapagpasalamat na rin ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nasa iisang kama kami natulog."Strawberry."Bigla ang pagdamba ng kaba sa dibdib ko nang tawagin ako ni Sir Seven. Pilit kong pinakalma ang sarili ko at marahan na lumingon sa kaniya.Hindi siya nagsalita, pinagmasdan niya lang ako kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Sinubukan kong ibaling sa nililinisan ko ang mga picture frame ng pamilya ni Sir Seven ang atensyon ko, pero nilapitan niya ako at kinabig sa baywang."Sir?" Namimilog ang mga matang nakatingin ako sa kaniya."Babalik ako mamaya, let's have dinner outside. Huwag mo akong tatanggihan. Ako pa rin ang masusunod dito."Tatanggi sana ako pero dahil sa sinabi niya,

    Last Updated : 2024-03-21
  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 20

    Strawberry's POVHINDI ako umalis sa kinauupuan ko. Bawat ungol at halinghing na ginagawa ng babaeng kasama ni Sir Seven ay pinakinggan ko, baka sakaling magising ako sa katotohanan. Kapag narinig ko ang mga iyon, baka kusa nang mawala ang nararamdaman ko para kay Sir Seven.Habang nakikinig, hindi ko napansin na dumating si Rico. Ni hindi ko magawang lingunin ito dahil masyadong okupado ng nangyayari sa loob ng kuwarto ang isip ko. Nagulat na lang ako nang tabihan ako ni Rico at tinakpan niya ang mga tainga ko."Hindi mo kailangan saktan ang sarili mo."Lalo akong naluha sa sinabi niya. Gusto kong pigilan ang sarili ko dahil kahit mababa ang tingin sa akin ni Sir Seven, may kahihiyan pa rin ako. Ayaw kong mas magmukhang kawawa sa harap nila.Nakapagpasalamat ako na hindi ako iniwan ni Rico. At sa halip na patuloy na makinig sa ginagawa nina Sir Seven at Strawberry sa loob, hinila ako ni Rico sa kamay at dinala sa garden.Kahit na medyo nakainom si Rico dahil naaamoy ko ang alak mula

    Last Updated : 2024-03-22
  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 21

    Strawberry's POVNAGLALAKAD kami ni Sir Seven sa mall, tinupad na niya ang sinabi niya, lumabas na nga kami pagkagaling niya sa trabaho kanina. Nag-iikot lang kami dahil wala akong magustuhan na bilhin.Maya-maya, lumapit sa akin si Sir Seven, naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa store na puro pampaganda ang makikita."Take anything you want.""Sir, h-hindi naman po ako marunong gumamit ng mga ganito.""Aralin mo, you need these to take care of your skin. Ayaw ko sa babaeng hindi malinis sa katawan."Nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya. Lumapit ako sa saleslady at nagtanong kung ano ang magandang kunin para mapanatiling malinis ang mukha at katawan. Tinulungan naman ako nito sa pagpili.Maya-maya, lumapit na naman sa akin si Sir Seven at pinulupot ang kamay niya sa baywang ko."We'll take everything, miss. Magdagdag ka na rin ng kahit anong magandang gamitin."Napangiti ang saleslady sa sinabi niya. Tumango ito at pagkatapos ay nagpaalam na sa amin."

    Last Updated : 2024-03-22
  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 22

    Strawberry's POVBUONG akala ko, hindi na uuwi si Sir Seven katulad ng paalam niya nang umalis siya. Kaya nagtaka na lang ako nang bumukas ang pinto at pumasok siya sa kuwarto.Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kaniya. "Sabi mo, hindi ka uuwi?""Hindi ka ba masayang nandito ako?"Ngumiti ako sa tanong nito. Dumiretso siya sa walk-in closet niya at sumunod naman ako. Muntik pa akong mapasinghap nang makita siyang naghuhubad ng damit. Mabilis akong tumalikod."Makaarte ka parang walang nangyayari sa atin."Pakiramdam ko ay nag-init bigla ang buong mukha ko sa sinabi niya. "Kahit na, no? Bakit ka nga pala umuwi nang maaga? Hindi ba natuloy ang lakad n'yo ni Ma'am Elizabeth?""Mama's birthday is approaching.""Mama? Mama mo?""Alangan naman mama mo?" Nilagpasan niya ako at lumabas siya ng walk-in closet."Nagtatanong lang naman."Sumunod ako sa kaniya. Nagsalin siya ng alak sa baso at dumiretso sa luxury sofa para doon maupo."Here." May nilapag siyang card sa ibabaw ng glass table sa

    Last Updated : 2024-03-23
  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 23

    Strawberry's POVMALAPAD ang ngiti sa labi ko habang sinusukat ang gown sa harap ng salamin. Sabi ni Sir Seven, uuwi siya nang maaga ngayon at magdadala na rin siya ng taong mag-aayos sa akin.Malapad akong ngumiti. Ngayon ko lang mararanasan ang ganito, dumalo sa pangmayamang party, magbihis ng mamahalin at magandang gown, magpaganda. Excited na ako!Pagsapit ng alas-kuwatro ng hapon, tapos na akong maligo at hinihintay na lang si Sir Seven sa living area. Ang sabi niya kasi, alas-kuwatro ang labas niya, pero matagal akong naghintay, hindi siya dumating. Muntikan ko na ngang tawagan sa cellphone, mabuti na lang dahil pagsapit ng alas-cinco, dumating na ito."Sir! Kanina ko pa kayo hinihintay. Akala ko, hindi na naman kayo darating. "Malaki ang ngiti sa mga labi ko habang sinasabi ang mga iyon, pero pansin kong tahimik siya at seryoso ang mukha."Bakit, sir, may problema ba kayo?" Marahan niya akong inilingan. "I'm sorry, Strawberry,nagkaayos kami ni Elizabeth, and she wanted to com

    Last Updated : 2024-03-23

Latest chapter

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Epilogue

    Strawberry's POV"Cinnamon."Mula sa malaking salamin sa harap ko, lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Napatayo ako nang makita kung sino ito."Monday."Banayad ang ngiti sa labi niya nang lapitan ako. "I heard the operation was a success... I'm glad."Napangiti ako sa sinabi niya. Wala na akong nakikitang galit sa mga mata niya at napakagaan ng pakiramdam."Salamat.""Narinig ko rin na ngayon ang kasal n'yo ni Seven."Naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mariin na paglunok niya na parang nagpipigil na lang siyang maluha."Kasal na kami dati, pero gusto niyang ulitin namin. Ngayon daw, sa harap na ng... pamilya natin."Nginitian niya ako. "It's sad I won't get to witness my sister's wedding. I can't... "Inabutan niya ako ng isang maliit na kahon. Tinanggap ko iyon at binuksan. Silver bracelet na may nakasulat na Monday & Cinnamon. Pinakita niya sa akin ang suot niya na kapareha nito."I was a teenager when I personally made this. Para sa atin. This is my wedding gif

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 45

    Seven's POVHINDI makapaniwala sina Tito Aamon at Tita Candy sa narinig. Lalong nagliyab sa galit ang mga mata ni Tita at inaway na ang babaeng si Pasing."Nagsisinungaling ka! Ilabas mo ang tunay naming anak! Ilabas mo si Cinnamon ko!" Hawak na nito sa damit si Pasing."Sandali lang ho!" Pilit na kumawala si Pasing at galit na tiningnan ito. "Hindi ako nagsisinungaling!"Malakas na sampal ang iginante ni Tita Candy rito. "Anong akala mo sa amin? Tanga?! Siguro, kakuntsaba mo ang babaeng iyan! Gusto n'yo kaming perahan! Tama?!""Ay, teka lang naman, madam. Kaya nga ho hinanap ko kayo nang kusa, para maisauli sa inyo ang anak n'yo! Matanda na ho ako, gusto ko lang ituwid ang pagkakamali ko."Muntikan na naman itong sampalin ni Tita Candy pero napigilan na ito ni Tito. "Hon, huminahon ka! Hindi tayo nandito para maghanap ng gulo.""Huminahon? Ninakaw ng babaeng iyan ang anak natin! Gusto mo akong huminahon? Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa bilangguan!" pagbabanta ni Tita Candy at dinur

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 44

    Seven's POVDAHAN-DAHAN kaming pumasok sa silid, puno ng pag-ingat na hindi makagawa ng ingay at magising ang prinsesa naming mahimbing ang tulog. Naglalakad kami patungo sa kama, titig na titig ako sa mga mata ni Strawberry.Though unable to see, her beautiful eyes were filled with love and longing. I caressed her cheek, wiping away a tear that flowed from her eyes."Mahal kita, mahal na mahal kita, Strawberry," masuyo kong bulong, habang humahalik ako sa kanyang mga labi.Matapos kong hubarin ang lahat ng suot namin at hinayaan itong mahulog sa sahig, ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Our hands began to explore each other's bodies, caressing every part that we desired to feel."Seven... ""Shhh." Hinagkan ko siya sa noo bago inihiga sa kama.I kissed her cheek, then moved to her lips, down to her neck, her chest, and her stomach. My breath grew heavier with the intense desire I was feeling.Sa pagitan ng mga halik at mga hagod namin sa isa't isa, inumpisahan kong pumuwesto sa pagit

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 43

    Seven's POVHAWAK ko ang kamay ni Strawberry habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Serenity sa paligid. Katatapos lang namin magsimba tatlo, at ngayon ay nasa carnival na kami para sana sumakay ng rides, pero may nakitang lobo ang prinsesa namin at nagpupumilit magpabili."Nanay! Gusto ko iyong kulay pink!""Pink?" tanong ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. "Oh, manong, pink daw ang gusto. Ibigay mo na lahat ng pink diyan."Marahan akong hinampas ni Strawberry sa braso. "Manong, isa lang po.""Baby, I can buy all these balloons for our princes.""Hindi porke kaya mo, gagawin mo. Hindi naman nakakain iyan. Isa lang ang bilhin mo."Napangiti ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa anak namin at nakitang ngumiti rin ito."Paano ba iyan, anak? Isang lang daw.""Okay lang, papa! Para makabili naman ang ibang may paboritong kulay na pink!"Natatawa kong ginulo ang buhok nito. Pagkatapos namin bumili ng lobo, lumapit naman kami sa nagbebenta ng hotdog at popcorn."Papa, gusto ko rin ng fri

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 42

    Seven's POV“Serenity!” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Strawberry. Agad akong lumabas mula sa bahay na tinutuluyan ko, katapat lang ito ng karinderya.“Huwag mo na habulin! Serenity!" Gustong sumunod ni Strawberry sa anak namin, pero hindi magawa at nangangapa na lang sa kinatatayuan.Sinundan ko ng tingin ang anak namin. Hinahabol niya iyong nakabisikletang lalaki. Mabilis akong tumakbo para pigilan si Serenity. May bitbit na sampaguita ang lalaking nakabisikleta. Duda ko ay sinabi nitong bibili, pero hindi binayaran si Serenity.Sa kagustuhang maabutan iyong lalaki, hindi napansin ni Serenity ang sunod-sunod na pagbusina ng sasakyang paparating. Nang makitang mabubundol na ng paparating na kotse ang anak ko, halos itapon ko na ang sarili ko sa kaniya. Wala na akong pakialam. Niyakap ko si Serenity. Hindi bale nang ako ang mapuruhan, huwag lang ang anak ko.Napapikit ako habang yakap-yakap si Serenity, ilan sandali pa ay saka ko lang namalayang nagawa pa palang huminto ng s

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 41

    Seven's POVNATIGAGAL ako. Hindi ko na magawang kumurap pa habang nakatitig sa mukha ng batang nasa harap ko. Nakasuot ito ng over-size na damit at medyo marungis ang mukha. Tila para na itong batang palaboy-laboy. Kumuyom ang kamao ko. Anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari sa kanila ni Strawberry?Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang matuon sa akin ang paningin ng bata. Matagal niya akong tiningnan bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Patakbo siyang lumapit sa kotse ko."Hello po! Gusto n'yo po bili ng sampaguita?"Lumabas ako ng kotse at lumuhod sa harap niya. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, saka ko lang nakikita ang pagkakamukha nila ni Lolo Tres.Napangiti ako. She's really my daughter, she's my daughter."Serenity?"Napasinghap ang bata at mabilis na lumingon sa karinderya. "Tawag ako ni Nanay!"Natigilan ako nang bigla itong tumakbo papunta sa karinderya. Ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung kanino galing ang boses.Strawberry.

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 40

    Seven's POVHINDING-HINDI maayos ang gulong ito kung hindi ko tutuldukan ang ugat ng problema. Kailangan kong bitiwan ang ibang bagay kung talagang gusto kong ipaglaban ang babaeng mahal ko at ang supling na nasa sinapupunan niya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay mawala sa akin ang lahat. “I'm sorry, but I can't do this," matapang kong saad habang tinitingnan sila isa-isa. Nandito sa Santiban Mansion ang mga magulang namin ni Monday. Pinapunta ko sila para matapos na ito. “What did you say? Sixto, ano na naman ito?!” nanggagalaiti na binalingan agad ng ama ni Monday ang ama ko.“Huminahon nga kayo!” awat ni Mama na mabilis na tumayo at lumapit sa akin. "Please, hayaan na natin ang mga bata. Huwag na tayong makialam sa kanila!""Huwag makialam?" Tumayo si Tita Candy. "Nasasabi mo iyan dahil hindi anak mo ang nasa peligro ang buhay!""Doctor ang kailangan ng anak mo, Tita, hindi ako."Natahimik sila sa sinabi ko. "Anong sabi? How dare you!""Kailangan n'yo siyang tulungan. Monday is

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 39

    Seven's POVNASA hospital ako sa loob ng private room ni Monday at nakaupo sa tabi ng kama niya. Malalim ang iniisp ko habang siya ay nakatitig sa kawalan at patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi.She was sleeping just a while ago. Nakakatulog siya nang maayos kapag nandito ako. Noong wala ako ay nagwawala siya at hindi makakain.I decided to leave the island after I got a phone call from Tito Aamon. Wala na akong balak na balikan pa si Monday, pero nang isumbat na ni Tito ang lahat ng naitulong niya sa amin at nang pagbantaan na rin niya ang buhay ni Papa, napilitan akong sumunod.Agad na bumuti ang lagay ni Monday nang dumating ako, but I can't stop myself and went to the mansion after I received a text from Rico.Nasa mansion na raw si Strawberry at ligtas na nakabalik. Nagpanggap akong kukuha ng mga damit, pero ang totoo ay gusto ko lang siyang makita. And fuck me, I made her cry again. Dahil sa kagustuhan kong makita siya, napaiyak ko na naman siya.Suddenly, the image of a

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 38

    Strawberry's POVMATAGAL kong hawak ang PT habang nakatingin kay Rico. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita sa mukha niya, naguguluhan siya na parang nababahala. Pero isa lang ang siguro, masayang-masaya ako."You're pregnant," ani Rico sa mahinang tinig.Wala sa sariling napatango ako. Hinawakan ko ang aking tiyan kung saan may sumisibol nang buhay—ang bunga ng pagmamahalan namin ni Seven."This will complicate everything," narinig kong sabi ni Rico sa sarili niya.Inilingan ko siya. Naluluha akong ngumiti. "Itong baby na ito... ito ang magpapabalik sa akin ng papa niya."Lumambot ang mukha ni Rico nang makita ang katuwaan sa mukha ko. Alam ko naman na nag-aalala lang siya, pero hindi ako magpapadaig sa takot. Ngayon pa ba? Ngayon pa na magkakaroon na kami ng baby ni Seven?"Paano kung... hindi ka pa rin niya piliin?"Banayad akong ngumiti. "Pipiliin niya ako, Rico. Alam kong matutuwa siya sa magandang balita.""Strawberry, hindi mo alam kung anong nangyayari ngayon kay Sev

DMCA.com Protection Status