Share

Chapter 26

Author: Chel Aguirre
last update Huling Na-update: 2023-02-19 15:22:50
"Ano ba ako sa'yo, Isaac? Ano ba talaga ako sa buhay mo?"

Naguguluhan na tinitigan ni Isaac ang umiiyak na ngayong si Hope. "Bakit mo sinasabi 'yan?" tanong niya. Ikinulong niya ang mukha nito sa mga palad niya at sinubukang pahirin ang mga luha sa pisngi nito subalit inilayo nito ang mukha sa kaniya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na allergic ka sa seafoods?" tanong ni Hope. Bakas sa boses nito ang paghihinanakit.

Napakunot si Isaac. Hindi makapaniwala sa inaasta ngayon ni Hope. Tumayo siya at nakasimangot na tiningnan ito. "You're acting like this dahil lang do'n? Hope, why would you get upset to something petty?"

Laglag ang pangang napatitig naman si Hope kay Isaac. Hindi niya mapaniwalaan na ganoon lamang kawalang halaga ang tingin nito roon.

"Petty? You think that was petty? Isaac, hindi mo ba nakita ang nangyari kanina? Napahiya ako sa harapan ng mga kaibigan mo dahil hindi ka naging honest sa akin. Isa pa si Angenette! Pinagmukha niya akong katawa-tawa sa kanilang lahat! Ano na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 27

    "What shall we have this time, Timmy? Chocolate or strawberry?" nakangiting tanong ni Angenette kay Timmy habang nakaupo ito sa loob ng kaniyang shopping cart. Ipinakita niya rito ang dalawang kahon ng cereal na may flavor ng chocolate at strawberry.Ngumuso naman si Timmy at sandaling nag-isip. "Hmmm... Chocolate!" malakas na sabi nito sabay turo sa napili nito.Nakangiti at gigil namang kinurot nang marahan ni Angenette ang pisngi ng anak bago inilagay sa cart ang kahon ng cereal.Nagpatuloy sila sa pag-iikot sa grocery. Nang mapunta sa vegetable section ay napahinto siya nang marinig ang isang pamilyar na boses."Naku naman, Esther, sa tagal mong nagtatrabaho sa amin hindi mo pa rin talaga kabisado ang gusto ng Sir mo? Mabuti na lang at sumama ako ngayon sa pamimili kundi puro palpak na naman ang bibilhin mo. Palibhasa isa ka nga palang pobre kaya ano naman ang aasahan ko?" mahinahon subalit bakas ang matinding inis sa boses ng nagsasalita.Luminga-linga si Angenette hanggang sa nap

    Huling Na-update : 2023-02-28
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 28

    Naglalayag ang isip ni Isaac habang naglalakad sa mataong sidewalk pabalik sa ospital pagkatapos niyang kumain ng tanghalian sa restaurant na madalas niyang kainan. Sinusubukan niya nang alisin sa isip si Angenette ngunit dahil sa pagtatagpo nila kanina ay ito na naman ang laman ng isip niya ngayon.Nagagalit siya sa sarili. Pakiramdam niya ay pinagtataksilan niya ang asawang si Hope. Siguro nga ay nararapat lang sa kaniya ang ginawa nitong pagsigaw, paghihinanakit, at pagsumbat noong nakaraang gabi.Napakunot-noo at napahinto siya nang mapansin ang kumpulan ng mga tao sa unahan niya. Tila ba may pinanonood ang mga ito base sa hitsura at bulung-bulungan ng mga ito.Hindi ugali ni Isaac ang makiusyoso sa iba subalit may kung ano'ng bumulong sa kaniyang isip at nakisilip na rin siya sa mga usyusero. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang malaking lalaki na sinasaktan ang isang babae. Mura, sabunot, sampal, at tadyak ang inabot ng kawawang babae sa lalaki. Nagsimulang umakyat an

    Huling Na-update : 2023-05-12
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 29.1

    "What a surprise, Isaac! I didn't expect na ikaw ang maghahatid ng mga gamot today. Nasaan na iyong mga guwapong nurse ng ospital ninyo at ikaw mismo ang nagdala ng mga ito?" masaya at pabirong sabi ni Penny habang tinitingnan ang malalaking kahon ng gamot na dala ni Isaac. Isa-isang ipinatong ni Isaac ang mabibigat na kahon sa mesa pagkatapos, hinihingal at pawisan na inilibot ang tingin na animo may hinahanap. Napansin naman iyon ni Penny kaya hindi na nito napigalang magtanong. "Are you looking for Angenette?""Ha?" Naiilang namang bumaling si Isaac sa kaibigan nang banggitin nito si Angenette pagkatapos, umiling. "Hindi."May makahulugang ngiti namang umiling-iling si Penny. "Hinay-hinay lang, kaibigan. I know you and Angenette are close friends pero hindi kaya magselos na sa inyo n'yan si Hope?" Huminto ito saglit, saka tumuro sa nakabukas na pintuan at bumuntonghininga. "Katatapos niya lang mag-break. Bumalik na siya sa kitchen."Mahina ang tawa na umiling-iling si Isaac at nakak

    Huling Na-update : 2023-05-25
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 29.2

    Sa gitna ng pagkain ay hindi mapigilan ni Isaac ang titigan sina Angenette at Timmy. Naaaliw siyang tingnan si Angenette na nakaalalay sa anak sa pagkain nito."Baka matunaw ako sa katititig mo, Isaac," nakangiting sabi ni Angenette habang pinupunasan ang sauce sa gilid ng labi ni Timmy. Sinulyapan nito si Isaac pagkatapos, mas nginitian pa.Pumirme ang tingin ni Isaac kay Timmy. Inabot niya ang labi nito at pinunas ang natira pang sauce sa gilid niyon. Napangiti siya sa naalala."Why are you smiling?" usisa ni Angenette.Nakangiti na umayos nang upo si Isaac. "Naalala ko lang si Hope..." Bumaba ang tingin niya sa pinggan ni Timmy na naglalaman ng spaghetti. "Noong nag-uumpisa pa lang kami, everytime na kakain kami sa labas, madalas siyang umorder ng mga pagkain na may sauce..." Tumungo siya at iiling-iling na natawa nang mahina. "Then she will intentionally smear the sauce on the side of her lips so I could wipe it away for her."Unti-unti namang naglaho ang ngiti ni Angenette habang

    Huling Na-update : 2023-05-29
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 30

    "I'm surprised." Matamlay ang ngiting lumapit si Zeke kay Hope nang makita itong papalapit sa kaniya. Nasa airport siya kasama ang ina at ngayon na ang alis nila patungong States. Hindi niya inaasahan na darating pa si Hope pagkatapos niyong huling beses silang nagkasama sa restaurant. "S-si Tita?" naiilang ang ngiting tanong ni Hope sa kaniya."Comfort room," matipid niyang sagot. "Akala ko hindi ka na darating."Nakatungo namang napangiti si Hope. Tinitigan niya si Zeke. "Pwede ba 'yon? My one and only best friend is leaving tapos hindi ako darating? Ni hindi nga natin alam kung kailan ka baba—"Hindi na natapos ni Hope ang sinasabi dahil bigla na lang siyang hinila ni Zeke at niyakap nang mahigpit. "I am going to miss you, dummy," bulong nito.Malungkot naman siyang napangiti. "Me too, grumpy," sagot niya, saka tinugunan ang yakap ni Zeke.Napapikit naman si Zeke at mabigat ang paghingang dinama ang pagyapos sa kaniya ni Hope. Dahil sa presensya nito ay mas lalong bumibigat ang loo

    Huling Na-update : 2023-06-09
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 31

    "Hope, hindi kaya mas mabuting itigil na lang natin 'to?"Maging si Isaac ay nagulat sa lumabas sa kaniyang bibig. Hindi niya akalain na masasabi niya iyon sa napakabait niyang asawa. Gusto niyang bawiin ang sinabi nang makita niya ang gulat at matinding sakit sa mga mata ni Hope subalit huli na para gawin iyon. Nasaktan niya na naman ito."So hindi mo talaga ako minahal?" Mabilis na nagsibagsakan sa sahig ang mabibigat na luha ni Hope. "Hope—" Nagulat siya nang bigla itong lumuhod at kumapit sa mga binti niya. "I'm sorry... I made a mistake! I'll do my best to become the best wife you could have. K-kung may hindi ka nagustuhan sa akin, handa akong baguhin iyon! Please, honey, huwag mo lang akong iwan..." umiiyak na makaawa ni Hope. Napaawang ang bibig niya sa ginawa ni Hope. Ni minsan ay hindi niya inakala na aabot sila sa sitwasyong ganoon. Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Hope dahil minsan niya na ring ginawa iyon. Ang magmakaawa sa taong mahal nila na huwag silang iwan. "

    Huling Na-update : 2023-07-06
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 32

    Tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha ni Angenette habang sakay sila ng taxi ni Timmy. Patungo sila sa ospital para kausapin si Isaac. Hindi niya kayang tanggapin na ganoon kadali na lang matatapos ang lahat sa kanila. Kailangan niya ito. Kailangan nila ito ng anak niya. Wala na rin siyang pakialam kahit ano pa ang sasabihin ng iba sa kaniya.Hindi na niya mabilang kung ilang beses niya nang sinubukang tawagan si Isaac subalit hindi pa rin ito sumasagot. Dahil do'n ay mas lalong tumitindi ang pag-aalala niya na baka tuluyan na talagang mawala ito sa kaniya. Pagkadating sa ospital ay nag-send na lamang siya ng text message kay Isaac at sinabing nasa ospital siya ngayon.Pagkapasok sa entrance, eksaktong nakasalubong nina Angenette ang dati niyang katrabahong nurse. Iniwan niya rito saglit si Timmy dahil ayaw niyang marinig ng anak ang mga sasabihin niya kay Isaac.Pumunta siya sa elevator subalit natuklasan niyang under maintenance iyon. Dahil do'n, napilitan siyang dumaan na lang sa hag

    Huling Na-update : 2023-07-25
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 33

    Nakaupo sa bench si Hope. Halos mapudpod na ang kuko niya sa daliri dahil sa kangangatngat niya rito. Hindi siya mapakali. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Angenette. Pinagmukha siya nitong masama sa mga mata ng tao. Higit sa lahat sa mga mata ni Isaac.(Flashback)"Hindi na ako magpapaliguyligoy pa, Angenette. I'm begging you. Please stay away from my husband. Alam kong hindi naging maganda ang pagtatapos ng relationship niyo ni Isaac, pero Angenette ang lahat ng 'yon ay parte na lang ng nakaraan. Please, move on. Huwag mo na kaming guluhin ng asawa ko," pakiusap ni Hope.Kagat ang ibabang labi na napaluha si Angenette. Huminga siya nang malalim bago muna nagsalita. "I'm sorry, Hope... But I love him. Alam kong ako ang puno't dulo kung bakit tayo humantong sa ganito. And I am very sorry for dragging you into this mess... Alam ko na sobrang kapal ng mukha ko para sabihin 'to... Pero Hope, he was mine first... "Kung hindi lang sana ako naging mahina, kung hindi lang sana ako

    Huling Na-update : 2023-07-31

Pinakabagong kabanata

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 50

    Tahimik na naupo si Isaac sa hapag-kainan habang si Hope naman ay nauna na sa kaniyang kumain ng agahan. Pagkatapos ng nakita niya kagabi ay hindi niya nagawang makatulog nang mahimbing. Hanggang sa panaginip ay dala-dala niya ang imahe ni Hope na nakahalik sa pisngi ni Doc Kevin."Isaac, hindi mo ba gusto ang breakfast? Pwede kitang ipaghanda ng bago," wika ni Hope nang mapansin na hindi niya man lang ginagalaw ang pagkain.Tinitigan niya si Hope. Gusto niya itong tanungin ng tungkol sa nakita niya subalit nag-aalangan siya. Baka kasi kung saan mapunta ang usapan nila kung uusisain niya ito tungkol do'n. Bukod do'n, pakiramdam niya'y wala siyang karapatang husgahan ito pagkatapos ng mga kasalanan niya rito noon."May dumi ba ako sa mukha? Bakit mo ako tinititigan nang ganiyan?" naiilang ang tawa na sabi pa ni Hope.Pilit at tipid niya na lamang itong nginitian, saka umiling. Nagpasya siyang huwag na lamang itong tanungin sa nakita. Maaari rin kasing wala namang ibang ibig sabihin iyo

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 49

    "I'm home," matipid ang ngiti na bati ni Hope kay Isaac nang datnan niya ito sa kanilang living room. Sa halip na batiin siya pabalik ay nanatili lamang na tahimik si Isaac habang seryoso ang tingin sa kaniya. Tumayo ito sa pagkakaupo sa sofa at hinarap siya. "Honey?""You're with him again. Bakit parang napapadalas naman yata masyado ang pagkikita ninyo?" Bakas ang disappointment sa mukha at tono ng pananalita nito.Sakay ng wheelchair, nilapitan niya ito. "Isaac, alam mo naman na friends na kami ni Kevin, so normal lang naman na magkita kami paminsan-minsan. Isa pa, wala ka naman dapat ipag-alala. You guys are colleagues.""Wala nga ba dapat akong ipag-alala?"Naniningkit ang mga mata na tiningala niya ang asawa. "What are you trying to imply?"Marahas na bumuntonghininga si Isaac, saka umiling-iling. "Wala," matipid at walang gana nitong sagot, saka naglakad na paakyat sa kanilang silid. "I'm tired. Magpapahinga na ako."Walang kaemo-emosyon namang sinundan ng tingin ni Hope si Isa

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 48

    Walang paglagyan ang tuwa ni Doc Kevin nang makatanggap ng tawag mula kay Hope. Hindi malinaw sa kaniya ang dahilan kung bakit gusto nitong makipagkita sa kaniya ngayon subalit hindi niya na iniisip iyon; ang mahalaga makikita at makakasama niya ulit si Hope ngayon. Dali-dali siyang nag-out sa trabaho at nakipagkita na kay Hope. Sinundo niya ito sa isang bus stop. "I'm glad you called. Alam mo, I had so many patients today, sobrang nakakapagod. Mabuti na nga lang, e, puro out patient lang. Kung nagkantaon na mayroon akong surgery today, naku, baka hindi ko nagawang makipagkita sa 'yo ngayon," kwento niya habang nagmamaneho. "Doc Kevin." Nilingon niya si Hope sa shotgun seat. "Yes?" balik niya rito. Napansin niya na tila nag-aalangan ito. Medyo kinabahan siya sa hindi niya malamang dahilan. "Are you stalking me?" biglang tanong nito. Nagulat siya at bahagyang bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib. Napalunok siya. Nagpasya siyang itabi ang minamanehong sasakyan pagkatapos, alangani

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 47

    "So, what you're trying to say is itong number one fan kong ito at si Doctor Kevin ay iisa? Hmmm, hindi kaya nagkataon lang na bumili rin si Doc Kevin ng pink roses para sa girlfriend niya?" Naihilamos ni Zeke ang palad sa mukha pagkatapos ng sinabi ni Hope. Sa kabila kasi ng mga ebidensiya na inilalatag niya rito ay hanap pa rin ito nang hanap ng posibleng rason para luminis ang imahe ng Doctor Kevin na iyon. "What about their handwriting? Are you still just going to shrugged it off kahit obvious naman na pareho nilang sulat-kamay 'yan?" May bahid na ng inis sa boses ni Zeke. Nakanguso namang napatangu-tango si Hope habang pinagkukumpara ang mga sulat ng fan niya sa sulat ni Doctor Kevin doon sa table napkin. "Yeah, they do look similar... Pero—" "Hope, please, stop... Alam ko na nakikita mo rin kung ano ang nakikita ko." "Okay, let's say na si Doc Kevin nga itong fan ko? So what? What's wrong with being my fan?" Napaawang ang bibig ni Zeke sa narinig. "You're joking, right?" "

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 46

    "Should I tell her? Pero paano kung lumayo siya kapag sinabi ko na alam ko na ang totoo?" natutulirong tanong ni Zeke sa sarili. Nasa coffee shop siya ngayon. Nakaugalian niya nang dumaan doon upang bumili ng kape bago siya pumasok sa trabaho. Halos ilang gabi na siyang napupuyat kaiisip sa dahilan kung bakit kailangang magsinungaling ni Hope sa kaniya at sa pamilya nito tungkol sa pagkakaroon nito ng amnesia. Isa lamang kasi ang naiisip niyang posibleng dahilan kaya ginagawa nito iyon, walang iba kundi dahil sa may pinaplano ito laban sa asawa nitong si Isaac. Hindi maiwasan ni Zeke ang ma-guilty dahil pinag-iisipan niya nang ganoon si Hope. Kilalang-kilala niya kasi ito at wala sa personalidad nito ang gumanti sa kapwa. Pero iba kasi ang sitwasyon nito ngayon. Masyado itong nasaktan sa mga nangyari noon at kahit sinumang makaranas ng naranasan nito noon ay talagang makakaisip gumawa ng masama laban sa mga nanakit dito. Bukod do'n, para kay Zeke ay sapat na rin ang mga nakita ni

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 45

    "Hope honey, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang mapagtaasan ka ng boses kanina. Sobra lang talaga kasi akong nag-alala," sinserong paghingi ng tawad ni Isaac kay Hope. Nasa loob sila ngayon ng kanilang silid at magkahiwalay na nakaupo sa magkabilang gilid ng kama. Patuloy pa rin sa paghikbi si Hope at hindi pinapansin si Isaac. Maingat na sumampa sa kama si Isaac at umusog palapit kay Hope. Niyakap niya ito mula sa likuran. "Sorry na, please?" malambing niyang bulong sa asawa pagkatapos, ipinatong niya ang baba sa balikat nito. "I wasn't able to take your calls kasi nasa operating room ako." Umiiyak na umismid si Hope. "Hindi mo ba nabasa ang text ko?" Naguluhan naman si Isaac dahil wala siyang naaalalang text message na natanggap mula rito. Hinugot niya mula sa bulsa ng pantalon ang kaniyang cell phone at nakumpirma na wala talaga siyang natanggap na text. Ipinakita niya ang cell phone kay Hope. Napahinto naman agad sa pag-iyak si Hope at nagtatakang kinuha sa kaniya ang cell phone

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 44

    "Baka mauna pa akong matunaw dito sa ice cream ko sa katititig mo," puna kay Zeke ni Hope sa gitna ng pagnanamnam nito sa kinakaing strawberry ice cream. Nasa isa silang sikat na ice cream shop, malapit sa agency nina Zeke. Saka lamang huminto sa pagtitig si Zeke kay Hope nang punahin nito. Bumaling siya sa kaniyang mint chocolate ice cream na halos hindi man lang niya nagalaw dahil sa malalim na pag-iisip. Inaalala pa rin kasi niya iyong natuklasan niya kay Hope. Matipid na nginitian ni Zeke si Hope. "Masama na ba ngayon na tingnan ko ang best friend ko?" Ikinunot ni Hope ang ilong pagkatapos, pabiro siyang inismiran. "Hindi naman basta lang tingin ang ginagawa mo eh." Tumawa nang mahina si Zeke, saka sumandal sa kaniyang upuan. "Did I made you feel uncomfortable?" "Hindi naman, just curious kung ano'ng tumatakbo sa isip mo habang nakatitig ka sa mukha ko. Did I became a lot more beautiful over time, huh, Zeke?" may bahid pagbibiro na tugon naman ni Hope. Nangingiti namang dinam

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 43

    Karamihan sa mga bisita sa resort ay nagpasya nang umalis pagkatapos ng insidenteng pagkahulog ni Hope sa swimming pool. Nasa likod pa rin ng bahay si Zeke, nakaupo sa isang tabi habang malalim ang iniisip. "Bakit uwi na sila? Marami pa foods o," sabi ni Timmy kay Zeke nang mapansin din nito na nagsisialisan na ang mga tao. "Stop talking to me, young man, I'm thinking," seryosong sabi ni Zeke kay Timmy. Napanguso naman ang bata at napaismid sa lamig ng pakikitungo niya rito. Kanina habang nag-uusap sina Hope at Angenette ay pinanonood niya ang mga ito. Kitang-kita niya ang buong pangyayari. Habang wala kay Hope ang tingin ni Angenette, nakita ni Zeke na sinadya ni Hope na magpatihulog sa swimming pool. Kung ano ang dahilan kung bakit nito ginawa iyon ay kutob niyang dahil iyon sa naghihiganti ito kay Angenette. Gusto nitong siraan ito sa mga taon roon sa party. Malinaw na ngayon kay Zeke na walang amnesia si Hope. Naguguluhan siya kung bakit nito kailangan magsinungaling sa kanil

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 42.2

    "Natulala ka na diyan. First time seeing me feeding a child?" natatawang tanong kay Zeke ni Hope. Sinusubuan na ngayon nito si Timmy para hindi na ito maging makalat sa pagkain. Saka lang natauhan si Zeke nang bumaling na ulit sa kaniya si Hope at kinausap siya. Ginawa niya ang lahat upang magmukhang natural sa harapan nito at pilit na isinantabi muna ang mga gumugulo sa isip. Nginitian niya si Hope at tinanguan. "Yeah, I think wala pa talagang instance na nakita kita with a kid." Bahagyang kumunot ang noo ni Hope subalit nakangiti pa rin. "Really? Not even once?" Tumango ulit siya. "As far as I remember." Tumangu-tango din naman si Hope. Napansin ni Zeke na tila biglang tumamlay at lumungkot ang ngiti nito. "What's wrong?" tanong niya, saka nilapitan ito. "I know masama ang mainggit pero I can't helped it, Zeke. Naiinggit ako kay Angenette kasi may Timmy na siya. Matagal na kaming mag-asawa ni Isaac pero kami wala pa rin," bagsak ang mga balikat na paliwanag sa kaniya ni Hope s

DMCA.com Protection Status