Home / Romance / My Sweet Surrender / Kapitulo II - Text Message

Share

Kapitulo II - Text Message

Author: itsartemiswp
last update Huling Na-update: 2021-09-09 17:26:39

"Just call me when it's your turn," I calmly said without looking at him.

Naramdaman ko ang pagtatagal ng kanyang tingin sa akin bago tuluyang umalis sa harapan ko at tumungo sa isang bakanteng monoblock chair kung saan uupo at pipila ang magpapa-screening for blood donation. Nakahinga ako nang maluwag at napagtantong kanina pa pala ako nagpipigil huminga simula noong kinausap niya ako. Muli kong naalalang naririto nga pala ang mga kaibigan ko matapos akong kurutin sa tagiliran ni Rafael. "Sino na naman 'yon, ‘teh? Bago mo na naman bang boylet?! Ang g’wapo naman!" eksaheradang aniya habang nananatili ang malagkit na tingin sa lalaking kumausap sa akin kanina.

Sinimangutan ko siya. "Hindi mo ba narinig kanina? Siya nga 'yong kapalit ng isang donor ko!" I argued.

Bago pa makasagot si Rafael ay tinawag ako ng aking kaklase. "Carvajal, tawag ka ni Dean Rodriguez!" Isa-isa ko munang sinamaan ng tingin ang mga kaibigan kong nang-aasar sa akin bago tuluyang tumulak patungo sa kinaroroonan ng dean ng College of Medical Technology.

"Dean, pinapatawag niyo raw po ako?" panimula ko nang makalapit sa kanya. Nahihiya akong napatigil nang mapansing may kausap pala siya.

Makahulugang tumingin sa akin si Dean Rodriguez at ngumisi. Bumaling siyang muli sa kanyang kausap na nakausot ng isang semi-formal attire. Sa unang tingin ay mapapagkamalan mo itong businessman o kaya board member ng isang kumpanya pero napansin ko ang bitbit niyang white coat kaya nahinuha kong isa siyang doktor. Tumikhim ako at bahagyang yumuko bilang pagrespeto sa kanya bago muling tumingin kay Dean. "Georgianna, this is Dr. Avanzado, my former colleague."

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi at nakaramdam ng kaunting hiya sa kaharap. Nakipagkamay ako sa matandang lalaki at nahihiyang ngumiti. "Good afternoon po, Dr. Avanzado..." pormal na bati ko.

Nang bitiwan niya ang kamay ko ay pasimple akong napaisip kung sino ang kamukha niya at kung saan ko ito nakita. Naputol ang aking iniisip nang pormal din siyang bumati pabalik sa akin. "Good afternoon din, hija." He glanced at Dean Rodriguez and gave him a knowing look.

Bahagya akong na-intriga dahil sa kanilang makahulugang palitan ng tingin ngunit nawala ito sa isip ko nang muling magsalita si Dean. "She also wants to be a doctor someday, Arturo."

Dr. Avanzado looked at me with amusement. "Do you also want to be a surgeon?"

Hindi ako agad nakasagot dahil sa pagkabigla. Paano niya nalaman? Is it that obvious? Tumikhim muna ako bago marahang tumango. "Kung kakayanin po sana..." nahihiyang sagot ko.

"Kayang-kaya mo 'yan lalo na't sabi nitong si Thomas ay masipag kang mag-aral. Actually, surgeon din ako, hija. I'm an army surgeon," aniya bago magiliw na tumawa.

Dean Rodriguez gave out a hearty laugh after he saw how my jaw dropped at his revelation. Pasimple kong pinagmasdan ang hulma ng kanyang katawan. No wonder why his body looks a bit lean and muscular kahit nakasuot siya ngayon ng pormal na kasuotan at medyo ma-edad na.

"Papa..." a familiar deep voice echoed behind me.

I stiffened when he walked past me and stood beside the doctor. I tried to maintain my composure in front of them, pero sa loob-loob ko'y unti-unti na akong ginagapangan ng kaba at hiya. He swiftly glanced at me before fixing his gaze to his father. Dr. Avanzado looked at me and smiled. "My son here is also training to become a part of the Philippine army. He is currently finishing his degree here before applying to the military academy," aniya bago sumulyap sa anak.

Naramdaman ko ang pananatili sa akin ng kanyang tingin kahit na nakatingin sa kanya ngayon ang kanyang ama. Sumulyap ako kay Dean Rodriguez at ipinahiwatig sa kanya na gusto ko nang umalis ngunit hindi niya yata nakuha ang ibig kong sabihin dahil taliwas doon ang sinabi niya. "Balita ko ay nagpalista bilang donor itong si Caleb dito sa blood-letting activity? Tama ba, hijo?" kuryosong tanong niya bago sumulyap sa anak ni Dr. Avanzado at sa akin. Kung may iniinom lang akong tubig ay paniguradong nasamid na ako. Why are you making this even more awkward for me, Dean? Damn it.

"Opo, Dean. Actually...” he trailed off before looking at me. “…  si Ms. Carvajal nga po ang nagdala sa akin dito. Siya po ba ang mag-aasikaso sa akin?" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. He smirked when he saw my reaction.

Ms. Carvajal? Kilala niya ako? Or... maybe Emil told him about me. Of course, he would tell him! Siya nga ang proxy niya, hindi ba? At saka, paano niya nalaman na ako ‘yong kumuha kay Emil, hindi ba? Yeah, right. Whatever floats your boat, Georgianna Isabella.

"A-ah, oo nga po... Siya po ang donor na kinuha ko para sa activity, Dean," napapaos na sagot ko habang pilit na itinutuon ang atensyon kay Dean.

Dean Rodriguez narrowed his eyes and immediately glanced at the guy in front of me with amusement in his eyes. "Ibig sabihin ay magkakilala na pala kayo nitong anak ni Dr. Avanzado?" namamanghang tanong ni Dean bago muling sumulyap sa akin.

I awkwardly smiled at him. Bago pa ako makasagot ay nakapagsalita na agad ang anak ni Dr. Avanzado. "Opo, actually kanina lang po kami nagkakilala," he said coolly.

I gritted my teeth and held my breath. I slowly sighed and tried to remain calm. I drifted my gaze on his amused father and tried my best to hide the embarrassment I'm feeling in a soft chuckle. "Actually, sabi po sa akin kanina ni Mr. Avanzado ay gusto niyang maunang mag-donate. 'Di ba, Caleb?" I smiled cutely at him. Napakurap-kurap siya dahil sa sinabi ko at nakita ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang Adam's apple. Bakas ang pagtatanong sa mata ni Dr. Avanzado nang bumaling siya sa kanyang anak.

"O-oo nga po, tama si Ms. Carvajal. Mauuna na kami, Papa. Dean..." napapaos na aniya bago yumuko upang magpaalam sa kanila. I smiled inwardly. Lintik lang ang walang ganti, Caleb!

Magiliw akong nagpaalam sa aking mga kausap ngunit pagkatalikod ay napawi agad ang aking ngiti. Nauna na ako sa paglalakad at nang medyo nakalayo na kaming dalawa ay pasimple kong sinamaan ng tingin ang anak ni Dr. Avanzado. Nakapamulsa lang siyang nagpatuloy sa paglalakad at supladong sumulyap sa akin. Kalmado siyang umupo sa bakanteng bed na nakalaan para sa mga magdo-donate ng dugo. Napairap na lang ako nang mapansing pinapanood niya ang bawat kilos ko. Akala ko ba gusto niyang magsundalo? Bakit parang mas kina-career niya ang pagiging CCTV camera?

Lumapit ako sa isang volunteer ng Red Cross at nagpaturo kung paano ang gagawin. Nang matapos siyang mag-demonstrate sa amin ay lumakad na ako pabalik sa kinaroroonan ni Caleb. Naabutan ko siyang kumportableng nakahiga habang nakapatong ang ulo sa isa niyang braso ngunit nang makitang papalapit ako ay napaayos siya agad nang pagkakahiga. His sleepy eyes fixated on me while I calmly stride my way to him.

Inilapit ko sa kanyang higaan ang isang monoblock chair at padabog na umupo roon. Ipinatong at hinanda ng staff ang mga gagamitin ko para sa gagawing pagkuha ng dugo. Inabot niya sa akin ang tourniquet na agad ko namang tinanggap. Kinuha ko mula sa kamay ni Caleb ang kanyang form sa pre-donation screening kanina. Sinulyapan ko lang ito bago inabot agad sa staff.

I firmly held his right arm and tied the tourniquet tightly. I pursed my lips as I tried to palpate the middle vein on his arm. Mabuti na lang ay labas na labas ang kanyang mga ugat dahil na rin siguro sa intense training at work-out na kitang-kita naman sa hubog ng kanyang katawan. Nilagay ko sa gilid ng aking tainga ang ilang takas na buhok na nakaharang sa aking mukha. I can still feel his warm gaze at me while I'm trying to palpate his vein, which made me a bit uneasy.

Kinalas ko muna sandali ang tourniquet na nakatali sa kanyang braso bago nagsuot ng surgical gloves. Dinampot ko ang forceps at kinuha ang isang bulak bago nilagyan ito ng anti-septic. Matapos linisin nang tatlong beses ay itinali ko muli ang tourniquet sa kanyang braso. Hinanda ko ang karayom na gagamitin at sinulyapan siya habang hinihintay matuyo ang alcohol sa kanyang braso.

"Do you like Messi?" he asked out of nowhere.

I immediately frowned at his weird question. "Huh?” naguguluhang tanong ko sa kanya.

He looked at me with disbelief. Napaawang saglit ang kanyang labi ngunit agad niya rin itong itinikom. "Y-you don't watch Korean drama?" he muttered slowly.

Narinig ko ang pagpipigil ng hagikgik ng staff na nasa tabi ko. Nang sulyapan ko siya ay nagpanggap siyang busy sa pag-aayos ng gagamitin kong blood bag. Maya maya ay napatingin sa gawi namin ang ilang kaklase ko at lumapit upang panoorin ang aking gagawin.

I ignored his question and just focused on what I have to do. "Take a deep breath for me..." I calmly instructed before inserting the needle carefully into his skin then precisely inserted it into his vein. Napansin ko ang bahagya niyang pagkibot at ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa pagpasok ko ng malaking karayom sa kanyang braso. Muntik na akong matawa sa kanyang reaksyon kaya kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.

Pagkakita ko ng pagdaloy ng kanyang dugo sa needle hub patungo sa blood bag ay nagliwanag agad ang mukha ko. Nagpalakpakan din ang ilang staff at volunteers na nakinood kasama ang ibang kaklase ko. Nilagyan ko iyon ng tape upang ma-secure ito habang patuloy na dumadaloy ang dugo ni Caleb sa blood bag at kinalas ang pagkakatali ng tourniquet sa kanyang braso. Iniwan ko na siya roon pagkatanggal ko ng suot na surgical gloves at tinawag na si Archi na kanina pa yata naghihintay sa akin.

"Close kayo ni Kuya Caleb?" usisa niya pagkatapos niyang mahiga sa isang bakanteng bed malayo kay Caleb.

"Kuya? Kapatid mo?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

Sinimangutan niya ako. "Senior natin 'yon, Gella! He's a few years older than you!" pangaral niya sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin at mahigpit na tinalian ng tourniquet sa braso. "Aray ko naman, Gella! Yung balahibo ko, naipit!" reklamo niya.

I chuckled a bit and immediately released the tourniquet. Itinali ko iyon nang mas maayos bago nagsuot ng bagong surgical gloves at hinanap ang kanyang ugat sa braso. Nang makapa ito ay ginawa ko ulit ang procedure na ginawa ko kanina. "You're good at this, Gella..." napapaos na puri sa akin ni Archi matapos kong lagyan ng tape ang karayom sa kanyang braso.

Tinanggal ko ang suot na surgical gloves bago dinampot ang kanyang blood bag. Ngumiti ako habang pinapanood ang mabilis na pagdaloy ng kanyang dugo roon. "Weh? Hindi ba masakit ang turok ko?" I narrowed my eyes and looked at him intently.

He chuckled. "Parang kagat lang ng langgam..." he mimicked what I said earlier.

Ginulo ko ang kanyang buhok at nagpaalam na bibisitahin ko muna ang isa ko pang donor. Tahimik akong umupo sa monoblock chair sa tabi ng kama ni Caleb at inangat ang kanyang blood bag. Namamangha kong pinagmasdan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng kanyang dugo roon at napansing mukhang malapit na agad itong mapuno. Ibinaba ko ito at inangat ang tingin sa kanyang mukha. I tilted my head and unconsciously stared at his angelic sleeping face.

I don't really have a specific standard for an ideal man. Actually, wala rin akong basehan sa lebel ng attractiveness ng isang lalaki, but I can say that this man in front of me is on a whole other level. I've already heard a lot about Caleb Atticus Avanzado before. Palagi kasi siyang nagkukwentuhan ng batchmates ko noong senior high school. Sa tingin ko ay ilang taon na siyang nagte-train upang maging bahagi ng Philippine army. My classmates and friends find him very attractive and manly, too. Hindi ko siya nakikita noon at itinuturing ko pa rin siyang estranghero kahit pa sagana na noon pa man ang pandinig ko mula sa mga kwento ng mga kaibigan ko tungkol sa kanya.

He is insanely attractive, alright... but I don't like him. There's something about his presence that I dislike the most. Maybe it's the intensity of his gaze every time he looks at me or the depth of his expressive and soulful eyes that looks treacherous to me. Mga matang para bang kayang-kaya kang ihulog sa mga bitag niya. The fact that he's this dangerously attractive makes me feel inferior to him.

"Paki-check nga, feeling ko kasi natutunaw na ako." Halos mahulog ako sa kinauupuan dahil sa gulat nang bigla siyang magsalita habang nananatiling nakapikit. Heat rapidly spread across my face. Tumuwid ako nang pagkakaupo at inabala ang sarili sa pagkalikot ng weighing scale. Naramdaman ko ang nanunuya niyang tingin sa akin kaya hindi ko na siya tiningnan pang muli.

Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng aking kamay kaya dinampot ko agad ang kanyang blood bag at sinubukan itong timbangin. Mabuti na lang at napansin kong nasa tamang timbang na ito kaya nakaalis ako roon upang magtawag ng staff na magche-check doon. "Okay na 'yan, pwede mo nang alisin 'yong needle. Alam mo na ba ang susunod na gagawin?" tanong sa akin ng staff na nagturo sa akin kanina.

Saglit akong nag-isip bago sumagot. "I'll have the donor elevate his donation arm and tell him to apply slight pressure to promote clotting," I answered.

Bakas ang pagkamangha sa kanyang mukha habang marahang tumatango. "Very good! Oh, sige na, tanggalin mo na 'yon para makapagpahinga na 'yong donor mo," may bahid panunuksong sabi niya na nagpasimangot sa akin.

Nang muli akong bumalik kay Caleb ay bakas pa rin ang panunuya sa kanyang mukha ngunit hindi ko na ito pinatulan pa. Unti-unti kong tinanggal ang mga tape sa kanyang braso at hinanda ang isang malinis na bulak. I carefully removed the needle and replaced it with a cotton ball. "You should apply pressure on your arm para hindi magkaroon ng pasa at wala munang strenuous activities. Magpahinga ka muna dito..." I trailed off when I noticed that he was not listening to me. Diniin ko ang cotton ball sa kanyang braso kaya napangiwi siya. "Can you please stop mocking me?" masungit na sabi ko.

His lips twisted as he tried to hide his sneer. "Alright..." napapaos na aniya.

I sighed. "Magpahinga ka muna rito hanggang sa maging ayos na ang pakiramdam mo at para na rin hindi ka mahilo mamaya. Dadalhan kita ng pagkain at inumin, saglit lang," sabi ko bago umambang tatayo na ngunit natigilan ako nang maramdaman ang kanyang paghawak sa pala-pulsuhan ko.

"W-wait..." Bakas ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha kaya napakunot ang noo ko. "Pwede bang, ano..."

"What?” I impatiently asked him. My eyes drifted from his hesitant eyes to his warm hand holding my wrist. Suplada kong inalis iyon bago ibinalik ang tingin sa kanya.

"Pwede bang makahiram ng cellphone sa’yo? Ite-text ko lang sana ang kapatid ko... Na-lowbat kasi ako," he politely asked.

I narrowed my eyes and eyed him suspiciously. Nang makitang mukha naman siyang seryoso sa kanyang sinabi ay napabuntong-hininga na lang ako at tumango. Kinuha ko mula sa bulsa ng aking uniporme ang cellphone ko ngunit nanatili ang aking pagdududa nang mapansing sinusundan niya ng tingin ang dahan-dahan kong pag-abot nito sa kanya. My heart skipped a beat when he lifted his gaze and smiled at me. "Thanks," aniya pagkatanggap ng phone ko at nagsimula na agad magtipa ng kanyang mensahe para sa kapatid.

Tumango ako. "Saglit lang, kukuha lang ako ng pagkain at inumin para sa’yo," sabi ko bago umalis sa harapan niya.

Nakahinga ako nang maluwag habang naglalakad patungo sa lamesa kung saan nag-aabot ng pagkain at inumin ang mga staff ng Red Cross para sa mga nag-donate ng dugo. Pumila at kumuha na agad ako ng pagkain para kay Caleb at Archi. "Here, eat this to replenish your energy," sabi ko bago inabot kay Caleb ang isang paper box ng pagkain at bote ng tubig. A corner of his mouth rose after he accepted it and returned my phone in exchange.

Habang kumakain siya ay napansin kong panay ang sulyap niya sa isa ko pang bitbit na box ng pagkain. "What?" masungit na tanong ko sa kanya nang hindi na napigilan.

Napahinto siya agad sa pagkain at gulat na napatingin sa akin. Nang makuha ang ibig kong sabihin ay bumuntong-hininga siya. "Is that for your boyfriend?" he casually asked before glancing at the helpless Archimedes Vaughn Valderrama lying on his bed while casually talking with my girl classmates flocking in front of him.

Sinimangutan ko si Caleb. "Just eat your damn food and stop being nosy," inis na sabi ko. Iniwan ko na siya roon at tumungo na sa kinaroroonan ni Archi. Nang makitang nasa tamang timbang na rin ang kanyang blood bag ay tinanggal ko na rin ang karayom sa kanyang braso. Ibinigay ko na sa kanya ang pagkain at tubig niya bago pakikipagkwentuhan din sa mga kaklase ko. Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay muli kong naalala ang paghiram ng cellphone sa akin ni Caleb kanina. Napatayo ako sa gulat nang makita ang isang mensahe sa aking sent box.

To: Caleb Avanzado

Thanks for your number! See you around. :)

Iritado akong lumingon upang hanapin si Caleb at nakitang bakante na ang kanyang higaan. Padabog akong umupo muli sa higaan ni Archi at hinilamos ang aking palad sa mukha upang pakalmahin ang sarili. Sabi ko na nga ba ay kaduda-duda talaga ang pakiki-text ng lalaking iyon! At talagang s-in-ave niya pa ang number niya sa contacts ko, huh?

Kaugnay na kabanata

  • My Sweet Surrender   Kapitulo III - Substitute

    Nang matapos ang blood-letting activity ay tumulong muna kami sa pagliligpit at paglalagay ng mga ginamit sa service van ng Red Cross. Pagkatapos ay nagpaalam na agad ako sa mga kaibigan ko dahil may daraanan pa ako. "Sigurado ka bang ayaw mong ihatid kita sa inyo, Gella?" tanong sa akin ni Archi nang makarating kami sa may parking lot. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya bago tinapik ang kanyang balikat. "Thanks for the offer, pero susunduin ko pa talaga ang kapatid ko at kailangan ko pang umuwi sa condo ko bago pumasok sa part-time job ko." He sighed before finally letting me go. I waved him goodbye and walk towards my golden Wildtrak. Pagpasok ng sasakyan ay agad akong nagsuot ng seatbelt bago ito pinaandar. Nagmaneho na ako palabas ng university at dumiretso na sa school ng nakababata kong kapatid. Nang mamataan ng binatang Skylen Arrius Carvajal ang aking sasakyan ay agad siyang napatayo mula sa pagkakaupo sa bench na nasa tabi ng guardhouse. B

    Huling Na-update : 2021-09-10
  • My Sweet Surrender   Kapitulo IV - Attract

    "Nakapag-review ba kayo nang maayos?" masiglang tanong sa amin ng professor namin sa Principles of Medical Laboratory Science na siyang nire-review ko kanina. My classmates automatically groaned in unison. Magiliw na tumawa si Ma’am Jenny habang pinaglalaruan sa kanyang kamay ang mga papel ng aming quiz. Pinatago niya na ang mga reviewer namin dahil magsisimula na kaming mag-quiz. Pagkatapos magsagot ng long quiz ay pinayagan niya na kaming mag-recess. Nauna akong matapos sa mga kaibigan ko kaya naman nauna na akong kumain dahil hindi pa ako naga-almusal dahil sa maagang pasok namin kanina sa NSTP. Pagpasok ko sa canteen ay dumiretso agad ako sa counter para tumingin at pumili ng makakain. Isang order ng carbonara at hot chocolate lang ang in-order ko bago nagbayad sa cashier at umupo sa isang bakanteng table upang hintayin ang aking order. Humalumbaba ako at ipinikit ang aking mga mata upang makapagpahinga saglit habang wala pa ang aking order. Nagising lang ako dah

    Huling Na-update : 2021-09-11
  • My Sweet Surrender   Kapitulo V - Left

    Weeks passed by so fast at ngayon ay isang linggo na lang bago ang final exam week namin. Hindi ko alam kung paano namin nalagpasan ang dalawang buong linggo na tadtad ng quizzes at deadlines ng final requirements. Ngayon ay dedicated na lang itong week na ito para matutukan namin ang pagre-review para sa upcoming exams next week. "Good morning..." Inangat ko ang tingin ko sa naglapag ng kape sa aking lamesa. Nandito ako ngayon sa canteen upang mag-almusal at makapag-review nang mag-isa. Every Monday, napapadalas ang pagsama ni Caleb sa propesor namin sa NSTP. Madalas din akong inaasar ng ilang mga kaklase ko dahil doon. Kapansin-pansin din ang madalas niyang pangungulit at pagpaparamdam sa akin after our last conversation on the parking lot. Napapadalas din ang kanyang pagte-text sa akin kahit na paminsan-minsan ko lang siyang nire-reply-an. At school, he would patiently wait for me on the entrance of the parking lot after my classes and during times like these, pal

    Huling Na-update : 2021-09-11
  • My Sweet Surrender   Kapitulo VI - Angry

    Kinagabihan din ng araw na iyon ay umuwi ako sa bahay kasama si Skylen upang kumustahin si Mommy. Naisipan kong dito muna ako matutulog dahil wala naman akong part-time job buong linggo dahil nag-file muna ako ng temporary leave para sa Finals week namin starting next week. Pinatay ko ang makina ng aking sasakyan at tinanggal ang aking seatbelt pagka-park ko sa aming garahe. Nakita kong balisa pa rin sa kanyang kinauupuan ang kapatid ko. "Hindi pa rin ba sinasagot ni Mommy, Skylen?" Bakas ang kaba at pag-aalala sa kanyang habang hinihintay pa rin ang pagsagot ni Mommy sa kanyang tawag gamit ang cellphone ko. Kanina ay sinubukan niya na rin itong tawagan gamit ang kanyang cellphone pero hindi rin ito sinagot kaya naisip namin na baka ayaw niya lang talagang sagutin iyon dahil numero iyon ni Skylen. Nagmamadali kaming bumaba mula sa sasakyan at pumasok na sa bahay. Lumapit ako sa isa sa mga kasambahay. "Manang, nasaan po si Mommy?" mahinahong tanong ko sa kanya upang h

    Huling Na-update : 2021-09-12
  • My Sweet Surrender   Kapitulo VII - Take

    Days passed by so fast at ngayon ay first day na ng final exam week namin. I've spent the whole week studying for the finals. Wala rin akong naging distractions dahil hindi na muling nagparamdam pa si Daddy sa amin ni Skylen at hindi na rin ako nilalapitan pa ng 'half sister' ko dito sa school. I also haven't heard anything about Caleb these past few days. Hindi ko na siya muling nakita at nakasalubong pa dito sa school pagkatapos noong naging huli naming pag-uusap sa may parking lot. It's not like I'm looking for him or waiting for him, though. It's actually a good thing for me. Diretso uwi na lang ako pagkatapos ng klase at wala ring nagte-text sa akin para mangulit at magtanong kung kumain na ba ako o kung gusto ko ba si Messi. My life has been very peaceful since then and I'm honestly very thankful for it. "Gella!" Napatigil ako sa paglalakad upang lingunin ang tumawag sa akin. I immediately raised a brow when I saw Tatiana rushing towards me. May hawak siyang is

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • My Sweet Surrender   Kapitulo VIII - Drop

    Ngayong araw ay ang first day ni Skylen bilang intern sa kumpanya namin. We told Mom about it last night and as expected, she immediately approved it. Hindi namin in-expect na sasama pa siya ngayon papuntang A&G Engineering & Construction Services, Inc. para samahan ang anak niya sa kumpanyang 'mamanahin niya balang araw'. Napalingon kaming dalawa ng kapatid ko nang bumaba mula sa hagdan ang aming ina. The sophisticated Gabriella Carvajal is wearing an elegant dark green off-shoulder bodycon dress paired with gold stilettos. Her usual French braided updo was slightly loose to look naturally messy. Nakasuot din siya ng malaking sunglasses na itinaas niya muna sa kanyang ulo dahil nasa loob pa naman kami ng bahay. Ihahatid ko lang naman si Skylen sa kumpanya at saglit na maglilibot doon bago aalis na. I understand that Monmy's working there but... bakit pakiramdam ko ay may iba siyang dahilan sa kanyang magarbong bihis? I dramatically sighed. "Mom, you

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • My Sweet Surrender   Kapitulo IX - Offer

    Buong biyahe akong tulala at nagsisisi sa pagiging impulsive ko sa pagdedesisyon kanina. I should've rejected his offer like I usually do! Bakit bigla ko itong tinanggap ngayon? Teka nga… eh, ano naman kung tinanggap ko, 'di ba? Hindi naman siya estranghero sa akin at saka wala namang malisya 'to! We're just friends and we've already known each other for months! "Gella..." Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan dahil sa gulat nang biglang magsalita si Caleb. Huminga muna ako nang malalim at umayos nang pagkakaupo. “A-ano?" "Nandito na tayo..." mahinahong sabi niya. Kung wala lang siya sa harapan ko ngayon ay paniguradong nasapo ko na ang aking noo dahil sa kahihiyan. Hindi ko man lang namalayan at naramdaman na dumating na pala kami dito! Ano na, Georgianna Isabella? Lutang na lutang? "O-okay... Thanks for the ride," halos pabulong na sabi ko. Sinulyapan ko siya at napansin ang pagtataka sa kanyang mata. Nang makitang nakatingin ako sa kanya

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • My Sweet Surrender   Kapitulo X - Ask

    Naging ganoon ang eksena namin sa mga sumunod pang araw. Hindi kami madalas nag-uusap habang nagta-trabaho ako sa café at hindi rin naman siya umaalis doon hanggang sa matapos ang shift ko. Sa minsang pag-uusap namin, I found out that he graduated from his degree last week at nagbabalak nang magpalista at mag-enroll sa military academy ngayong taon. Madalas ay doon na rin siya sa café kumakain ng tanghalian at hapunan. He would just sit at his favorite spot at the corner beside the glass window and make himself busy all day. Minsan ay may mga dala siyang papeles at abala sa pagtitipa sa kanyang laptop ng kung anu-ano. Madalas din siyang may katawagan at minsan ay doon na nauubos ang kanyang oras sa pakikipag-usap sa iba't ibang tao. I'd like to think that maybe he just liked the ambiance of this café or the food and drinks we serve... o baka naman wala lang talaga siyang ibang magawa at mapuntahan ngayong bakasyon. Pero may ibang sinasabing dahilan ang isipan ko at hindi ko

    Huling Na-update : 2021-09-13

Pinakabagong kabanata

  • My Sweet Surrender   Letter of Appreciation

    Dear beloved readers, Hi, this is itsartemiswp! I would like to take this opportunity to thank each and everyone of you who've made it to the end of My Sweet Surrender. This is actually my first time writing a medicine-related fiction/romance-medical fiction. Isa ito sa mga akda kung saan mas naging malaya at kumportable akong magsulat. Kung mayroon man kayong natutunang aral sa istoryang ito, gusto ko lang malaman niyo na marami rin akong napulot na aral habang sinusulat ko ito. I dedicate this story to my beloved Artemians, my readers, who supported me until now and to the people who always believed in my potential as a writer. I love you all so much! At ikaw na umabot hanggang dito, this is for you. From the bottom of my heart, thank you very much. <3 See you in my next one! Love, itsartemiswp

  • My Sweet Surrender   Special Chapter: Part 2

    Itinutok ko ang laser pointer sa isang litratong nilagay ko sa aking presentation bago ibinalik ang tingin sa aking propesor sa Clinical Correlation. “In this figure, the supraclavicular lymph node biopsy, accompanied by histologic examination and immunohistochemical analysis, showed the presence of Reed-Sternberg cells, which serve as a marker for Hodgkin lymphoma, and a positive test for CD30, which both made the diagnosis of classical Hodgkin lymphoma,” I trailed off and glanced at the man patiently waiting in front of our classroom while watching me present. Tumikhim muna ako bago muling nagpatuloy. “Based on the complete staging workup, the final diagnosis for this 27-year-old patient was classical Hodgkin lymphoma, nodular sclerosis subtype, stage IV-A.”“Very well done, Ms. Carvajal! Let’s give her a round of applause!” magiliw na pagbati sa akin ng aking pr

  • My Sweet Surrender   Special Chapter: Part 1

    “Georgianna, pahiram naman ako ng notes mo sa Math! Nalimutan ko kasi sa bahay ‘yong reviewer ko, hays!” Pinagtaasan ko ng isang kilay ang kaibigan kong si Tatiana na halatang kakapasok lang sa aming silid-aralan at mukhang hinihingal pa dahil sa pag-akyat ng hagdan. Ngumiti siya nang matamis sa akin at pabirong kinurot ang aking pisngi. “Pretty please?”Napabuntong-hininga na lang ako sa pangungimbinsi niya sa akin at patamad na inilahad sa kanya ang aking reviewer. “Tinanghali ka na naman ng gising, ‘no?” napapailing na puna ko sa pagka-late niya ngayon sa klase.Sinimangutan niya ako habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok gamit ang kanyang kamay. “Napuyat kasi ako kaka-review kagabi,” depensa niya sa sarili gamit ang maliit na boses.Napaangat muli ang isang kilay ko sa sinabi niya at hindi na napigilan ang pagbaling ng buong atensyon sa kaibigan. “Talaga? Bakit sabi sa akin ni Jona ay ma

  • My Sweet Surrender   Wakas - Epilogue

    "Huling time-out para sa Grade 12 Humanities and Social Sciences strand," the announcer said. "Go, HUMSS! Go, Caleb!" "Akin ka na lang, Avanzado!" "Caleb lang malakas!" Tinukso ako ng teammates ko dahil sa tilian ng mga nanonood ngayon sa basketball championship game namin sa Intrams. Kalaban namin ngayon ang Basic Education Department na karamihan ay Grade 9 and Grade 10 students ang nasa line up. Kami naman ang representative ng senior high school department dahil natalo namin ang ibang strands at ang mga Grade 11. Noong semi-finals ay hindi namin inaasahang matatalo nila ang College Department ngunit ngayon ay napagtanto kong magagaling nga talaga ang players ngayon ng Junior High. Napailing na lang ako at lumagok mula sa water bottle na inabot sa akin ng aming manager. "Ganoon pa rin ang plano. Mas higpitan niyo pa ang depensa niyo para hindi na makahabol pa ang kabilang team. Tandaan niyo, dalawa lang ang lamang niyo kaya bantayan

  • My Sweet Surrender   Kapitulo XXX - Last Chapter

    Pagpasok ko pa lang sa ospital ay dumiretso na agad ako sa front desk upang tanungin kung saan ang room ni Daddy. Pagkabukas pa lang ng elevator sa tamang palapag ay naglakad na agad ako palabas. Hindi na ako nagulat nang nakasalubong ko si Allena sa hallway. Bumalatay ang gulat sa kanyang mukha nang makita ako na agad namang napalitan ng iritasyon. "Anong ginagawa mo rito?" pigil niya sa akin ngunit hindi ko siya pinukulan ng pansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Marahas niyang hinigit ang braso ko at pilit akong hinila paharap sa kanya. "Akala mo ba ay hindi ko nalalaman ang panglalandi mo sa fiancé ko habang wala ako?" Pagod ko siyang tiningnan at hinarap. "Ano na naman ba, Allena?" I drawled lazily. Humalukipkip siya at taas-noo akong tiningnan. "Just so you know, Georgianna, naging kami ni Caleb noong nawala ka. Nagkabalikan kami at nag-propose siya sa akin two years ago," she confidently said before showing off her engagement ring on her ring finger.

  • My Sweet Surrender   Kapitulo XXIX - Truth

    Pinanatili ko lang ang tingin sa pasyenteng maingat na itinutulak ngayon palapit sa helicopter. Bahagyang bumigat ang bawat paghinga ko nang maramdamang tumabi si Caleb sa akin. "Dr. Carvajal, sasamahan mo ba ang pasyente?" tanong ng isang paramedic sa akin. Bago pa ako makasagot sa kanya ay tumunog ang aking dalang two-way radio. "Dr. Carvajal, are you there?" I cleared my throat before speaking. "Received. What do you have there?" "Doc, we have an emergency case here. We have a trauma patient. His vitals are currently stable. He suffered from some abrasions and he's complaining about wrist pains. Na-check na po namin kung may nararamdaman ba siyang sensation sa kamay pero hindi niya raw maigalaw ang kanyang hinlalaki." Saglit akong napaisip. "Baka naipit ang median nerve niya. Use a pad splinter on his arm for now. Dalhin niyo muna sa rescue tent at hintayin niyo ako riyan." "Copy, Doc." Ibinaba ko muna ang radyo upang tumulo

  • My Sweet Surrender   Kapitulo XXVIII - Ironic

    Hindi ako tinigilan ni Caleb sa mga sumunod na araw. Araw-araw pa rin siyang nagpupunta sa ospital kahit na-discharge na ang kapatid niyang si Maddison. I kept myself preoccupied with work to avoid bumping into him. Madalas ay tinatapos ko ang shift ko hanggang madaling araw o kaya'y hatinggabi kaya wala siyang choice kundi umuwi nang maaga dahil bawal siyang manatili sa labas ng visiting hours ng ospital lalo na't wala naman talaga siyang binibisita rito. "Gella, nandito na naman 'yong sundalo mo," pabulong na sabi sa akin ni Tati. Napabuntong-hininga ako at pinanatili na lang ang tingin sa hawak na application form para sa field of specialization. "Hayaan mo siya, mapapagod din 'yan," matabang na sabi ko. Naramdaman ko ang pagtatagal ng kanyang tingin sa akin. "Are you sure you're okay with this?" Lumipat agad sa kanya ang tingin ko. "With what?" Nanatiling seryoso ang kanyang mukha. "With Caleb's presence... Ginagambala na naman niya ang bu

  • My Sweet Surrender   Kapitulo XXVII - Enough

    "Georgianna..." Sinulyapan ko lang si Caleb nang salubungin niya ako pagkalabas ko sa operating room at nagpatuloy lang sa paglalakad. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pang muli. Nginitian at binati ko pabalik ang mga nakasalubong kong doktor at hospital staff. Napansin ko ang pagsulyap nila sa lalaking nakabuntot sa akin kaya umusbong ang aking iritasyon. Halos mapatalon siya sa gulat nang bigla ko siyang harapin. "What exactly do you need, Caleb?" Napansin ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang Adam's apple. He parted his lips but immediately pursed it again. I looked at him nonchalantly. "Ano? Wala ka bang sasabihin?" Sinulyapan ko ang wrist watch ko bago patamad na ibinalik ang tingin sa kanya. "Marami pa kasing naghihintay na pasyente sa akin. Nasasayang 'yong oras ko." Binasa niya muna ang ibabang labi bago magsalita. "I just want to talk to you, Georgianna." "Nag-uusap na tayo," nauubos ang pasensya

  • My Sweet Surrender   Kapitulo XXVI - Survived

    Imbis na umuwi sa condo upang magpahinga at mag-drama tungkol sa nangyari noong araw na iyon ay pinili kong ibuhos ang lahat ng aking oras sa pagta-trabaho. Halos buong araw akong nag-duty sa ospital hanggang sa lumagpas na ang bilang ng oras na kailangan kong punan ngayong linggo. "Kailan mo balak umuwi sa bahay niyo? Ilang buwan ka nang hindi nagpapakita sa Mommy mo, ah? Alam pa ba ni Tita Gab itong ginagawa mo sa sarili mo?" seryosong tanong ni Ivory. Ngumuso ako. "Bakit? Ano bang ginagawa ko? Nagta-trabaho lang naman ako, ah?" depensa ko. Suminghap siya. "Tingnan mo nga ang sarili mo, Georgianna Isabella! Ilang araw ka nang walang matinong tulog at madalas ay wala ka pang kain! Magdo-doktor ka ba talaga? Gusto mong mag-alaga ng ibang tao pero ultimo sarili mo ay hindi mo maalagaan!" sermon niya sa akin. Napapikit na lang ako nang marahan at hinayaan siyang pangaralan ako. Mahaba-habang sermon pa ang iginawad niya sa akin bago niya ako nakumbinsing

DMCA.com Protection Status