"Nakapag-review ba kayo nang maayos?" masiglang tanong sa amin ng professor namin sa Principles of Medical Laboratory Science na siyang nire-review ko kanina. My classmates automatically groaned in unison. Magiliw na tumawa si Ma’am Jenny habang pinaglalaruan sa kanyang kamay ang mga papel ng aming quiz. Pinatago niya na ang mga reviewer namin dahil magsisimula na kaming mag-quiz.
Pagkatapos magsagot ng long quiz ay pinayagan niya na kaming mag-recess. Nauna akong matapos sa mga kaibigan ko kaya naman nauna na akong kumain dahil hindi pa ako naga-almusal dahil sa maagang pasok namin kanina sa NSTP. Pagpasok ko sa canteen ay dumiretso agad ako sa counter para tumingin at pumili ng makakain. Isang order ng carbonara at hot chocolate lang ang in-order ko bago nagbayad sa cashier at umupo sa isang bakanteng table upang hintayin ang aking order.
Humalumbaba ako at ipinikit ang aking mga mata upang makapagpahinga saglit habang wala pa ang aking order. Nagising lang ako dahil sa mahinang tunog ng paglapag ng plato sa aking lamesa. "Here's your order, Ma'am..."
Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin sa nagdala ng aking order. Nakasuot si Caleb ng isang apron sa ibabaw ng kanyang cadet uniform. Itinikom ko agad ang aking bibig nang mapansing napatitig pala ako nang matagal sa kanya. "What are you doing here?" Muntik ko nang murahin ang sarili dahil sa obvious na tanong ko.
"I'm helping Manang Rosa... Siya ang dating nag-alaga sa amin ng nakababatang kapatid ko noong maliit pa lang kami," paliwanag niya. "I'm sorry, did I wake you up?”
I slowly shook my head as a response and pursed my lips. Inabala ko ang sarili sa pag-aayos ng aking kakainin ngunit napatigil ako nang mapansing nakatayo pa rin siya at hindi pa rin umaalis sa harapan ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at pinagtaasan siya ng isang kilay. "What?"
Kita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha at ang pagpipigil magtanong. Pinasadahan niya ng daliri ang kanyang clean cut na buhok bago umiling. "Nothing... Enjoy your meal, Georgianna..."
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumunta siya sa counter at tumulong muli sa pagse-serve ng mga order. Habang kumakain ako ay pinapanood ko lang siya habang nagta-trabaho. Madalas ang pagsulyap niya sa gawi ko kaya nagkukunwari akong abala sa pagkain. Nang matapos akong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan ko at binitbit ngunit napatigil ako nang makitang mabilis na naglalakad patungo sa kinatatayuan ko si Caleb.
"Akin na..." marahang sabi niya. Ibinigay ko ito sa kanya nang walang pag-aalinlangan upang hindi na humaba pa ang interaksyon namin. Nilagpasan ko na siya at naglakad na papalabas ng canteen. Nakasalubong ko pa sila Rafael at Ivory na parehong nagra-rant tungkol sa hirap ng aming quiz kanina.
"Oh, tapos ka nang kumain, Gella?" gulat na tanong sa akin ni Ivory.
Tumango ako. "Kakatapos lang. Mauuna na ako sa laboratory..." sabi ko bago sila hinayaang pumasok sa canteen.
"Gella!" Gulat kong nilingon si Archi nang makita siyang tumatakbo patungo sa direksyon ko.
Ngumiti rin ako sa kanya. "What are you doing here?" kuryosong tanong ko.
Itinuro niya ang Chemistry laboratory na ilang dipa lang ang layo sa amin. "May laboratory activity kami ngayon sa Chemistry..." I slowly nodded. Muling bumalik sa isip ko ang kagabi pa bumabagabag sa aking isipan kaya tumikhim ako at tumingin sa kaharap.
"Archi... do you like Messi?" seryosong tanong ko sa kanya. Napansin ko agad ang pagbabago ng ekspresyon sa kanyang mukha. Bakas ang pagkalito sa kanyang mukha ngunit may halo itong kaunting pagkamangha na mas nagpakunot ng noo ko.
Sandali siyang nag-isip bago sumagot sa akin. "Well, yeah... But I like Cristiano Ronaldo more. Or maybe I like them both equally? I don't know," aniya bago namamanghang tumingin sa akin. "I didn't know you like football, Gella..."
"I don't. There's just something... bothering me." Hinayaan ko ang sariling sumandal sa barandilya sa aking tabi bago kunot-noong tumingin sa kanya. "Wala ka bang naiisip na ibang ibig sabihin sa tanong ko?"
Kumunot din ang noo niya. "Uh... meron ba? Tinatanong mo lang naman ako kung gusto ko si Messi, ‘di ba?"
I pouted even more. "Pero... wala ka bang ibang naisip matapos kitang tanungin no'n?" I drawled.
He blinked twice and shifted his weight a bit. Tumikhim siya at umiling. "Wala, I just thought you liked football, too."
Wala ba talagang ibang ibig sabihin iyon? Was it all in my head? Am I just overthinking it? Damn that Caleb Avanzado!
Maya maya ay tinawag na siya ng mga kaklase niya kaya nagpaalam na siya sa akin at pumasok na sa laboratory. Nang dumating sila Rafael at Ivory ay agad nila akong tinukso kay Archi ngunit hindi ko iyon pinansin. "What does 'Do you like Messi?' mean?" diretsong tanong ko sa kanila.
Nagulat ako nang biglang humalakhak ang dalawa kong kaibigan habang pinapanood akong nalilito at walang kaide-ideya. "Pick up line iyon sa isang Korean drama! Manood ka kasi ng mga nakakakilig paminsan-minsan! Puro ka medical Kdrama, eh!" natatawang sabi ni Ivory.
"Bakit ba? Medical Kdramas are my thing! May natututunan kasi ako roon..." I argued. "At saka may mga romance din naman doon, ah!"
"Kaya wala kang kaalam-alam kung paano lumandi, eh!" panunuya sa akin ni Rafael.
"Kaya wala kang jowa!" dagdag pa ni Ivory.
Iritado ko silang tiningnan. "Inaano ko ba kayo?!"
Humalukipkip si Rafael at puno ng pagdududa akong tiningnan. "Teka nga... sino bang nagtanong sa'yo no'n at bakit mukhang nababagabag ka?"
Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya. "Si Caleb," kalmadong sagot ko upang hindi niya ako pag-isipan ng kung ano.
Nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa ang tingin ko nang bigla silang maghampasan sa harapan ko at nagtitili na para bang may sinabi akong nakakatuwa. "What?" nalilitong tanong ko sa kanila.
Hinampas ako ni Rafael sa braso. "Girl, kung ako sa'yo... ikaw mismo ang magtanong kay Caleb kung anong ibig niyang sabihin para malinawan ka!" nangingiting sabi niya.
Ivory laughed heartily. Inakbayan niya si Rafael at inayang pumasok sa loob. "Sana all anak ng Diyos, Gella..." aniya bago humalakhak ulit. Pinanood ko silang masayang pumasok sa loob ng laboratory. Napabuntong-hininga na lang ako at napailing. Pumasok na rin ako sa loob dahil nakita kong kakalabas lang mula sa faculty ng aming professor.
Pagkatapos ng mahabang araw sa loob ng laboratory ay nagpasya ang aming propesor na bigyan kami ng early dismissal dahil maaga siyang natapos sa pagtuturo ng methods kung paano mag-measure ng hematocrit level sa dugo. Habang naglalakad kaming tatlo papunta sa parking lot ay napapahikab ako dahil sa antok at pagod. Nagising lang ang diwa ko nang makitang nakaupo sa isang bench sa may entrance ng parking lot si Caleb at mukhang may hinihintay. Nang magtama ang aming tingin ay nagliwanag ang kanyang mukha at dahan-dahang tumayo.
"OMG! Ivory, 'di ba sabi mo kanina ay bibili pa tayo ng scantron paper para sa exam?!" sabi ni Rafael na biglang huminto sa paglalakad bago inakbayan si Ivory at hinila pabalik sa aming dinaanan kanina.
Nalilito ko silang tiningnan. "Te-teka, ibili niyo rin ako!" natatarantang sabi ko ngunit kumaway lang sila sa akin at nauna na sa pagpunta sa bookstore sa kabilang building. Halos mapatalon naman ako sa gulat nang makitang nakalapit na pala sa akin si Caleb. Bahagya kaming tumabi dahil may mga dumadaang sasakyan papasok sa parking lot. His dark clean cut hair complemented his facial features. The light from the setting sun perfectly highlighted the right angles on his face. Napakurap-kurap ako at bumaba ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi nang umawang ito at umambang magsasalita.
"Pauwi ka na ba?" His deep husky voice sent my senses back to reality. Tumikhim ako at marahang tumango.
"What does 'Do you like Messi?' mean?" diretsong tanong ko sa kanya bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa sasakyan ko.
Sumulyap ako sa kanya at nakitang tahimik siyang sumusunod sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang magkahalong gulat at pagkamangha dahil sa sinabi ko. I noticed his Adam's apple moved a bit. "It's a pick up line from one of my favorite Korean dramas..." napapaos na sagot niya.
I stopped walking and raised a brow. Napatigil din siya sa paglalakad at nanatiling nakatayo sa harapan ko. "Alam ko... Gusto kong malaman ang ibig sabihin no'n."
He immediately shifted his weight. "The friends of the lead actress of that particular drama said that guys are attracted to girls who share the same interests as them. I thought it's the same when it comes to girls being attracted to guys kaya... si-sinubukan ko sa’yo," he trailed off. "I also thought you're familiar with that pick up line and that you also like Korean dramas just like most girls that I know... but I guess you're not," nag-aalinlangang dagdag niya.
Humalukipkip ako. "I only watch Medical Kdramas..." sabi ko bago pinagtaasan siya ng isang kilay. "By any chance, are you a Kdrama addict?"
Agad siyang umiling. "N-no... I've only watched some popular Kdramas like 'Crash Landing on You' and 'Descendants of the Sun'." Napansin ko ang bahagyang pamumula ng kanyang tainga pagkatapos niyang sabihin ang mga pamagat ng mga napanood niya.
I looked at him with amusement. Pinigilan ko ang sariling matawa dahil alam kong nahihiya siya sa ginawang pag-amin. I can't help but smile, though. He looks so cold and manly so I did not really think he can be this soft. "Okay... sabi mo eh," sabi ko bago umambang lalagpasan na siya ngunit nagulat ako nang bigla siyang magsalita.
"Can I... take you home?" Napatigil ako sa paglalakad at hindi agad nakabawi sa kanyang sinabi. He immediately avoided my gaze and scratched the back of his head like a shy high school kid. Tumikhim ako upang pigilan ang pagkawala ng ngiti sa aking labi.
"No, thanks..." I simply said before unlocking my Golden Wildtrak standing majestically behind him. Nilagpasan ko siya at taas-noong pumasok sa sasakyan ko.
Pinaandar ko na ang makina ng aking sasakyan at sinuot ang aking seatbelt. Nakita kong sinusundan niya pa rin ako ng tingin kahit nasa loob na ako kaya bumusina ako upang patabihin siya sa daraanan ko. Dahan-dahan siyang umatras at nagbigay-daan sa akin. I smirked as I slowly drove my way out of the parking lot.
Weeks passed by so fast at ngayon ay isang linggo na lang bago ang final exam week namin. Hindi ko alam kung paano namin nalagpasan ang dalawang buong linggo na tadtad ng quizzes at deadlines ng final requirements. Ngayon ay dedicated na lang itong week na ito para matutukan namin ang pagre-review para sa upcoming exams next week. "Good morning..." Inangat ko ang tingin ko sa naglapag ng kape sa aking lamesa. Nandito ako ngayon sa canteen upang mag-almusal at makapag-review nang mag-isa. Every Monday, napapadalas ang pagsama ni Caleb sa propesor namin sa NSTP. Madalas din akong inaasar ng ilang mga kaklase ko dahil doon. Kapansin-pansin din ang madalas niyang pangungulit at pagpaparamdam sa akin after our last conversation on the parking lot. Napapadalas din ang kanyang pagte-text sa akin kahit na paminsan-minsan ko lang siyang nire-reply-an. At school, he would patiently wait for me on the entrance of the parking lot after my classes and during times like these, pal
Kinagabihan din ng araw na iyon ay umuwi ako sa bahay kasama si Skylen upang kumustahin si Mommy. Naisipan kong dito muna ako matutulog dahil wala naman akong part-time job buong linggo dahil nag-file muna ako ng temporary leave para sa Finals week namin starting next week. Pinatay ko ang makina ng aking sasakyan at tinanggal ang aking seatbelt pagka-park ko sa aming garahe. Nakita kong balisa pa rin sa kanyang kinauupuan ang kapatid ko. "Hindi pa rin ba sinasagot ni Mommy, Skylen?" Bakas ang kaba at pag-aalala sa kanyang habang hinihintay pa rin ang pagsagot ni Mommy sa kanyang tawag gamit ang cellphone ko. Kanina ay sinubukan niya na rin itong tawagan gamit ang kanyang cellphone pero hindi rin ito sinagot kaya naisip namin na baka ayaw niya lang talagang sagutin iyon dahil numero iyon ni Skylen. Nagmamadali kaming bumaba mula sa sasakyan at pumasok na sa bahay. Lumapit ako sa isa sa mga kasambahay. "Manang, nasaan po si Mommy?" mahinahong tanong ko sa kanya upang h
Days passed by so fast at ngayon ay first day na ng final exam week namin. I've spent the whole week studying for the finals. Wala rin akong naging distractions dahil hindi na muling nagparamdam pa si Daddy sa amin ni Skylen at hindi na rin ako nilalapitan pa ng 'half sister' ko dito sa school. I also haven't heard anything about Caleb these past few days. Hindi ko na siya muling nakita at nakasalubong pa dito sa school pagkatapos noong naging huli naming pag-uusap sa may parking lot. It's not like I'm looking for him or waiting for him, though. It's actually a good thing for me. Diretso uwi na lang ako pagkatapos ng klase at wala ring nagte-text sa akin para mangulit at magtanong kung kumain na ba ako o kung gusto ko ba si Messi. My life has been very peaceful since then and I'm honestly very thankful for it. "Gella!" Napatigil ako sa paglalakad upang lingunin ang tumawag sa akin. I immediately raised a brow when I saw Tatiana rushing towards me. May hawak siyang is
Ngayong araw ay ang first day ni Skylen bilang intern sa kumpanya namin. We told Mom about it last night and as expected, she immediately approved it. Hindi namin in-expect na sasama pa siya ngayon papuntang A&G Engineering & Construction Services, Inc. para samahan ang anak niya sa kumpanyang 'mamanahin niya balang araw'. Napalingon kaming dalawa ng kapatid ko nang bumaba mula sa hagdan ang aming ina. The sophisticated Gabriella Carvajal is wearing an elegant dark green off-shoulder bodycon dress paired with gold stilettos. Her usual French braided updo was slightly loose to look naturally messy. Nakasuot din siya ng malaking sunglasses na itinaas niya muna sa kanyang ulo dahil nasa loob pa naman kami ng bahay. Ihahatid ko lang naman si Skylen sa kumpanya at saglit na maglilibot doon bago aalis na. I understand that Monmy's working there but... bakit pakiramdam ko ay may iba siyang dahilan sa kanyang magarbong bihis? I dramatically sighed. "Mom, you
Buong biyahe akong tulala at nagsisisi sa pagiging impulsive ko sa pagdedesisyon kanina. I should've rejected his offer like I usually do! Bakit bigla ko itong tinanggap ngayon? Teka nga… eh, ano naman kung tinanggap ko, 'di ba? Hindi naman siya estranghero sa akin at saka wala namang malisya 'to! We're just friends and we've already known each other for months! "Gella..." Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan dahil sa gulat nang biglang magsalita si Caleb. Huminga muna ako nang malalim at umayos nang pagkakaupo. “A-ano?" "Nandito na tayo..." mahinahong sabi niya. Kung wala lang siya sa harapan ko ngayon ay paniguradong nasapo ko na ang aking noo dahil sa kahihiyan. Hindi ko man lang namalayan at naramdaman na dumating na pala kami dito! Ano na, Georgianna Isabella? Lutang na lutang? "O-okay... Thanks for the ride," halos pabulong na sabi ko. Sinulyapan ko siya at napansin ang pagtataka sa kanyang mata. Nang makitang nakatingin ako sa kanya
Naging ganoon ang eksena namin sa mga sumunod pang araw. Hindi kami madalas nag-uusap habang nagta-trabaho ako sa café at hindi rin naman siya umaalis doon hanggang sa matapos ang shift ko. Sa minsang pag-uusap namin, I found out that he graduated from his degree last week at nagbabalak nang magpalista at mag-enroll sa military academy ngayong taon. Madalas ay doon na rin siya sa café kumakain ng tanghalian at hapunan. He would just sit at his favorite spot at the corner beside the glass window and make himself busy all day. Minsan ay may mga dala siyang papeles at abala sa pagtitipa sa kanyang laptop ng kung anu-ano. Madalas din siyang may katawagan at minsan ay doon na nauubos ang kanyang oras sa pakikipag-usap sa iba't ibang tao. I'd like to think that maybe he just liked the ambiance of this café or the food and drinks we serve... o baka naman wala lang talaga siyang ibang magawa at mapuntahan ngayong bakasyon. Pero may ibang sinasabing dahilan ang isipan ko at hindi ko
Habang naglalakad sa pathway papalabas ng university ay para akong naglalakad sa mga ulap at nakalutang sa ere. Kung hindi siguro importante ang tawag na sinagot ni Caleb kanina ay paniguradong magkasama pa rin kami hanggang ngayon. For some reason, my heart is still booming in my chest yet my mind seems to be finally at peace after what he said. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan 'yong inamin niya, pero ang katotohanang sinabi niya iyon sa akin para malinawan ako ay nagpakalma sa isipan ko kahit papaano. I don't even care now if it's true or not... basta ang mahalaga ay nasagot na ang matagal na bumabagabag sa aking isipan. "Hoy, gaga! Lagpas ka na!" Napabalik ang isip ko sa realidad nang hawakan ni Ivory ang pala-pulsuhan ko. "Bakit tulala ka? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tati pagkaupo ko. Marahas akong humugot ng hininga bago saglit na ipinikit ang aking mga mata. Iminulat ko ang aking mga mata at sinalubong ako ng mga nag-aala
"Gella?" tawag muli sa akin ni Archi nang mapansin ang pagkatulala ko. I cleared my throat and forced a smile. "Tinawagan ka raw ni Tati?" tanong ko sa kanya. He slowly nodded but his curious eyes remained watching me. "Hindi ko nga naintindihan masyado ang mga sinabi niya habang sumusuka siya, eh. Naintindihan ko lang 'yong part na pinapapapunta niya ako dito para sunduin ka dahil lasing na lasing ka na..." he trailed off and his brows furrowed. "But you don't look wasted to me." Nilipat ko ang tingin kay Tati na mapayapa nang natutulog sa couch ngayon. "Naparami lang ang inom ko pero hulas na ako kanina pa," sabi ko bago sumulyap sa tatlong kaibigan. "Itong mga 'to ang hindi na yata makakauwi nang mag-isa. Doon ko na lang siguro sila patutulugin sa condo ko." Sumulyap siya kay Rafael at Ivory na magkatabi sa couch at parehong tulog habang magkayakap. "I'm sorry kung naistorbo ka namin, Archi... I didn't know Tati would call you. Kaya ko naman silang
Dear beloved readers, Hi, this is itsartemiswp! I would like to take this opportunity to thank each and everyone of you who've made it to the end of My Sweet Surrender. This is actually my first time writing a medicine-related fiction/romance-medical fiction. Isa ito sa mga akda kung saan mas naging malaya at kumportable akong magsulat. Kung mayroon man kayong natutunang aral sa istoryang ito, gusto ko lang malaman niyo na marami rin akong napulot na aral habang sinusulat ko ito. I dedicate this story to my beloved Artemians, my readers, who supported me until now and to the people who always believed in my potential as a writer. I love you all so much! At ikaw na umabot hanggang dito, this is for you. From the bottom of my heart, thank you very much. <3 See you in my next one! Love, itsartemiswp
Itinutok ko ang laser pointer sa isang litratong nilagay ko sa aking presentation bago ibinalik ang tingin sa aking propesor sa Clinical Correlation. “In this figure, the supraclavicular lymph node biopsy, accompanied by histologic examination and immunohistochemical analysis, showed the presence of Reed-Sternberg cells, which serve as a marker for Hodgkin lymphoma, and a positive test for CD30, which both made the diagnosis of classical Hodgkin lymphoma,” I trailed off and glanced at the man patiently waiting in front of our classroom while watching me present. Tumikhim muna ako bago muling nagpatuloy. “Based on the complete staging workup, the final diagnosis for this 27-year-old patient was classical Hodgkin lymphoma, nodular sclerosis subtype, stage IV-A.”“Very well done, Ms. Carvajal! Let’s give her a round of applause!” magiliw na pagbati sa akin ng aking pr
“Georgianna, pahiram naman ako ng notes mo sa Math! Nalimutan ko kasi sa bahay ‘yong reviewer ko, hays!” Pinagtaasan ko ng isang kilay ang kaibigan kong si Tatiana na halatang kakapasok lang sa aming silid-aralan at mukhang hinihingal pa dahil sa pag-akyat ng hagdan. Ngumiti siya nang matamis sa akin at pabirong kinurot ang aking pisngi. “Pretty please?”Napabuntong-hininga na lang ako sa pangungimbinsi niya sa akin at patamad na inilahad sa kanya ang aking reviewer. “Tinanghali ka na naman ng gising, ‘no?” napapailing na puna ko sa pagka-late niya ngayon sa klase.Sinimangutan niya ako habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok gamit ang kanyang kamay. “Napuyat kasi ako kaka-review kagabi,” depensa niya sa sarili gamit ang maliit na boses.Napaangat muli ang isang kilay ko sa sinabi niya at hindi na napigilan ang pagbaling ng buong atensyon sa kaibigan. “Talaga? Bakit sabi sa akin ni Jona ay ma
"Huling time-out para sa Grade 12 Humanities and Social Sciences strand," the announcer said. "Go, HUMSS! Go, Caleb!" "Akin ka na lang, Avanzado!" "Caleb lang malakas!" Tinukso ako ng teammates ko dahil sa tilian ng mga nanonood ngayon sa basketball championship game namin sa Intrams. Kalaban namin ngayon ang Basic Education Department na karamihan ay Grade 9 and Grade 10 students ang nasa line up. Kami naman ang representative ng senior high school department dahil natalo namin ang ibang strands at ang mga Grade 11. Noong semi-finals ay hindi namin inaasahang matatalo nila ang College Department ngunit ngayon ay napagtanto kong magagaling nga talaga ang players ngayon ng Junior High. Napailing na lang ako at lumagok mula sa water bottle na inabot sa akin ng aming manager. "Ganoon pa rin ang plano. Mas higpitan niyo pa ang depensa niyo para hindi na makahabol pa ang kabilang team. Tandaan niyo, dalawa lang ang lamang niyo kaya bantayan
Pagpasok ko pa lang sa ospital ay dumiretso na agad ako sa front desk upang tanungin kung saan ang room ni Daddy. Pagkabukas pa lang ng elevator sa tamang palapag ay naglakad na agad ako palabas. Hindi na ako nagulat nang nakasalubong ko si Allena sa hallway. Bumalatay ang gulat sa kanyang mukha nang makita ako na agad namang napalitan ng iritasyon. "Anong ginagawa mo rito?" pigil niya sa akin ngunit hindi ko siya pinukulan ng pansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Marahas niyang hinigit ang braso ko at pilit akong hinila paharap sa kanya. "Akala mo ba ay hindi ko nalalaman ang panglalandi mo sa fiancé ko habang wala ako?" Pagod ko siyang tiningnan at hinarap. "Ano na naman ba, Allena?" I drawled lazily. Humalukipkip siya at taas-noo akong tiningnan. "Just so you know, Georgianna, naging kami ni Caleb noong nawala ka. Nagkabalikan kami at nag-propose siya sa akin two years ago," she confidently said before showing off her engagement ring on her ring finger.
Pinanatili ko lang ang tingin sa pasyenteng maingat na itinutulak ngayon palapit sa helicopter. Bahagyang bumigat ang bawat paghinga ko nang maramdamang tumabi si Caleb sa akin. "Dr. Carvajal, sasamahan mo ba ang pasyente?" tanong ng isang paramedic sa akin. Bago pa ako makasagot sa kanya ay tumunog ang aking dalang two-way radio. "Dr. Carvajal, are you there?" I cleared my throat before speaking. "Received. What do you have there?" "Doc, we have an emergency case here. We have a trauma patient. His vitals are currently stable. He suffered from some abrasions and he's complaining about wrist pains. Na-check na po namin kung may nararamdaman ba siyang sensation sa kamay pero hindi niya raw maigalaw ang kanyang hinlalaki." Saglit akong napaisip. "Baka naipit ang median nerve niya. Use a pad splinter on his arm for now. Dalhin niyo muna sa rescue tent at hintayin niyo ako riyan." "Copy, Doc." Ibinaba ko muna ang radyo upang tumulo
Hindi ako tinigilan ni Caleb sa mga sumunod na araw. Araw-araw pa rin siyang nagpupunta sa ospital kahit na-discharge na ang kapatid niyang si Maddison. I kept myself preoccupied with work to avoid bumping into him. Madalas ay tinatapos ko ang shift ko hanggang madaling araw o kaya'y hatinggabi kaya wala siyang choice kundi umuwi nang maaga dahil bawal siyang manatili sa labas ng visiting hours ng ospital lalo na't wala naman talaga siyang binibisita rito. "Gella, nandito na naman 'yong sundalo mo," pabulong na sabi sa akin ni Tati. Napabuntong-hininga ako at pinanatili na lang ang tingin sa hawak na application form para sa field of specialization. "Hayaan mo siya, mapapagod din 'yan," matabang na sabi ko. Naramdaman ko ang pagtatagal ng kanyang tingin sa akin. "Are you sure you're okay with this?" Lumipat agad sa kanya ang tingin ko. "With what?" Nanatiling seryoso ang kanyang mukha. "With Caleb's presence... Ginagambala na naman niya ang bu
"Georgianna..." Sinulyapan ko lang si Caleb nang salubungin niya ako pagkalabas ko sa operating room at nagpatuloy lang sa paglalakad. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pang muli. Nginitian at binati ko pabalik ang mga nakasalubong kong doktor at hospital staff. Napansin ko ang pagsulyap nila sa lalaking nakabuntot sa akin kaya umusbong ang aking iritasyon. Halos mapatalon siya sa gulat nang bigla ko siyang harapin. "What exactly do you need, Caleb?" Napansin ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang Adam's apple. He parted his lips but immediately pursed it again. I looked at him nonchalantly. "Ano? Wala ka bang sasabihin?" Sinulyapan ko ang wrist watch ko bago patamad na ibinalik ang tingin sa kanya. "Marami pa kasing naghihintay na pasyente sa akin. Nasasayang 'yong oras ko." Binasa niya muna ang ibabang labi bago magsalita. "I just want to talk to you, Georgianna." "Nag-uusap na tayo," nauubos ang pasensya
Imbis na umuwi sa condo upang magpahinga at mag-drama tungkol sa nangyari noong araw na iyon ay pinili kong ibuhos ang lahat ng aking oras sa pagta-trabaho. Halos buong araw akong nag-duty sa ospital hanggang sa lumagpas na ang bilang ng oras na kailangan kong punan ngayong linggo. "Kailan mo balak umuwi sa bahay niyo? Ilang buwan ka nang hindi nagpapakita sa Mommy mo, ah? Alam pa ba ni Tita Gab itong ginagawa mo sa sarili mo?" seryosong tanong ni Ivory. Ngumuso ako. "Bakit? Ano bang ginagawa ko? Nagta-trabaho lang naman ako, ah?" depensa ko. Suminghap siya. "Tingnan mo nga ang sarili mo, Georgianna Isabella! Ilang araw ka nang walang matinong tulog at madalas ay wala ka pang kain! Magdo-doktor ka ba talaga? Gusto mong mag-alaga ng ibang tao pero ultimo sarili mo ay hindi mo maalagaan!" sermon niya sa akin. Napapikit na lang ako nang marahan at hinayaan siyang pangaralan ako. Mahaba-habang sermon pa ang iginawad niya sa akin bago niya ako nakumbinsing