Home / Romance / My Sweet Surrender / Kapitulo XI - Anticipation

Share

Kapitulo XI - Anticipation

Author: itsartemiswp
last update Huling Na-update: 2021-09-13 16:50:58

Habang naglalakad sa pathway papalabas ng university ay para akong naglalakad sa mga ulap at nakalutang sa ere. Kung hindi siguro importante ang tawag na sinagot ni Caleb kanina ay paniguradong magkasama pa rin kami hanggang ngayon. For some reason, my heart is still booming in my chest yet my mind seems to be finally at peace after what he said. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan 'yong inamin niya, pero ang katotohanang sinabi niya iyon sa akin para malinawan ako ay nagpakalma sa isipan ko kahit papaano. I don't even care now if it's true or not... basta ang mahalaga ay nasagot na ang matagal na bumabagabag sa aking isipan.

"Hoy, gaga! Lagpas ka na!" Napabalik ang isip ko sa realidad nang hawakan ni Ivory ang pala-pulsuhan ko.

"Bakit tulala ka? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tati pagkaupo ko.

Marahas akong humugot ng hininga bago saglit na ipinikit ang aking mga mata. Iminulat ko ang aking mga mata at sinalubong ako ng mga nag-aala

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • My Sweet Surrender   Kapitulo XII - Ghost

    "Gella?" tawag muli sa akin ni Archi nang mapansin ang pagkatulala ko. I cleared my throat and forced a smile. "Tinawagan ka raw ni Tati?" tanong ko sa kanya. He slowly nodded but his curious eyes remained watching me. "Hindi ko nga naintindihan masyado ang mga sinabi niya habang sumusuka siya, eh. Naintindihan ko lang 'yong part na pinapapapunta niya ako dito para sunduin ka dahil lasing na lasing ka na..." he trailed off and his brows furrowed. "But you don't look wasted to me." Nilipat ko ang tingin kay Tati na mapayapa nang natutulog sa couch ngayon. "Naparami lang ang inom ko pero hulas na ako kanina pa," sabi ko bago sumulyap sa tatlong kaibigan. "Itong mga 'to ang hindi na yata makakauwi nang mag-isa. Doon ko na lang siguro sila patutulugin sa condo ko." Sumulyap siya kay Rafael at Ivory na magkatabi sa couch at parehong tulog habang magkayakap. "I'm sorry kung naistorbo ka namin, Archi... I didn't know Tati would call you. Kaya ko naman silang

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • My Sweet Surrender   Kapitulo XIII - Wait

    "Gella, feeling ko talaga may third eye na ako..." bulong sa akin ni Ivory na agad naki-usyoso sa amin nang makita niya si Caleb na lumapit kanina. Sinimangutan ko siya bago ibinalik ang tingin kay Caleb na ngayon ay nag-aayos ng mga monoblock chair sa tapat ng stage kung saan gaganapin ang seminar. I paused for a second to get a better look at him. His dark hair is now in a clean cut again and it's a bit shorter than usual. Bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan. His body looks more lean and muscular now. I also noticed that he's wearing the same uniform when I first met him at the blood-letting activity. Pinasadahan ko rin ng tingin ang mga kasamahan niyang sa pagkakatanda ko ay alumni rin ng university at ka-batch niya sa BS Criminology dahil pareho sila ng suot na uniporme. Napansin kong nandoon din ang propesor namin sa NSTP at may kasama siyang iba pang officer ng mga hinahandle niyang sections ngayong school year. Muling bumalik kay Caleb ang tingin k

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • My Sweet Surrender   Kapitulo XIV - Volunteer

    Kinabukasan, nang matapos ang klase namin sa Clinical Chemistry ay dumiretso ako sa locker room upang kunin ang paper bag kung saan nakalagay ang PE uniform at sapatos na suot ko kaninang umaga para sa PE class namin. Nagtext na lang ako kina Rafael na mauuna na akong umuwi dahil magre-review pa ako para sa mga quiz naming bukas. Habang bumababa sa hagdan ay narinig ko ang biglaang pagbuhos ng ulan sa labas. Suminghap ako at agad na nilagay sa harap ang aking bag. Hinalughog ko ito at agad na napasimangot nang mapansing hindi ko nadala ang payong ko. Habang naglalakad sa ground floor palabas ng aming building ay namataan ko ang isang pamilyar na bulto ng lalaking nakatalikod at nakatayo sa may dulo ng hallway na daraanan ko. Marahas akong bumunot ng hininga at sinadyang bagalan ang aking paglalakad. Bahagya siyang tumagilid bago tumingala sa kalangitan. Inangat niya ang kanyang kamay upang saluhin ang ilang patak ng ulan. I stood there in awe of his almost perfect si

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • My Sweet Surrender   Kapitulo XV - Stop

    Nanatili siyang tahimik matapos niyang paandarin ang sasakyan. Simula pa lang noong una kaming nagkita sa blood-letting activity, madalas ko nang napapansin ang madalas niyang pagsulyap at paninitig sa akin. Everyone around me thinks he's damn attractive. Kapansin-pansin naman kasi ang pagiging iba niya sa lahat. Para bang iba siya sa tipikal na gwapo at matipuno. Maganda ang bulto ng kanyang pangangatawan at may pagkamisteryoso ang mukha. I hated him for that and I hated him even more everytime I see him. Even before he confessed his feelings to me, he already made me feel uneasy and uncomfortable. His presence makes me feel... nervous, or something similar to that. Something more intense and very unknown to me. Thinking about him makes me nervous as hell. Looking at him makes me nervous as hell. And being this close to him makes me nervous as hell. Nanatili lang kaming tahimik sa loob ng sasakyan at ang tanging ingay lang na naririnig ay ang mahinang tunog ng makin

    Huling Na-update : 2021-09-16
  • My Sweet Surrender   Kapitulo XVI - Blood

    I woke up still feeling a bit dizzy. Medyo mabigat pa rin ang katawan ko pero hindi na kasing-bigat noon. Nalanghap ko ang pamilyar na amoy ng ospital. Nang imulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang puting kisame. Ipinilig ko ang ulo ko sa tabi at nakita ang kapatid kong payapang natutulog habang nakahawak sa kamay kong may nakakabit na dextrose. I parted my cracked lips and called his name. Napabalikwas siya agad at gulat na napatingin sa akin. "A-Ate, gising ka na? Te-teka... tatawag muna ako ng nurse—" Hinawakan ko ang kanyang pala-pulsuhan kaya natigilan siya. Kahit nanunuyo ang mga labi ay pinilit ko pa ring ngumiti. "I'm fine, Skylen..." He shifted from his seat a bit. Inayos niya ang pagkakahawak sa aking kamay at inilagay iyon sa pagitan ng dalawa niyang kamay. Nanatili pa rin ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Ilang oras na akong tulog?" mahinahong tanong ko sa kanya. Bakas ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha kaya napaku

    Huling Na-update : 2021-09-17
  • My Sweet Surrender   Kapitulo XVII - Allow

    Today is the second day of my second semester in third-year college. Naging mahirap para sa akin ang nagdaang taon ngunit nalagpasan ko naman ito. Somehow, I managed to recover from my downfall and retained my scholarship for the past two semesters. It was indeed a very tough year for me, but I got through it and moved on. It's been a year since I last saw Caleb, too. Naiwan pa rin sa kanyang inbox ang last text message ko. Somehow, I feel relieved about it. I did not have any distractions and I have nothing to worry about. Some say it's painful to wait for someone while others say that it's more painful to try to forget someone. But for me... the worst pain comes when you don't know whether you should wait or just forget. He's always been that way to me. Bigla-bigla na lang siyang susulpot tapos bigla-bigla na lang ding mawawala. Bigla-bigla na lang siyang magpaparamdam at bigla-bigla na lang ding maglalaho. I sighed at my emotional train of thoughts. Kakatapos lang

    Huling Na-update : 2021-09-18
  • My Sweet Surrender   Kapitulo XVIII - Flowers

    The next days felt so unreal. Sinulit nga ni Caleb ang mga natitirang araw ng kanyang bakasyon. Hinihintay niya ako every dismissal at sinasamahan niya akong magreview sa café kung saan ako nagta-trabaho dati. Simula kasi noong nagkasakit ako ay hindi na talaga ako pinabalik ni Mommy sa part-time job ko kaya naman dumadayo na lang ako dito after class upang dito mag-aral. Minsan ay sinasamahan ako nila Ivory dito pero madalas ay ako lang talagang mag-isa. "Sasamahan ka ba ulit ni poging sundalo mag-aral sa cafe?" kuryosong tanong sa akin ni Tati. I slowly nodded. "Yeah... he texted me earlier." "Kailan daw ang alis ng baby boy mo?" tanong naman ni Rafael. I sighed. "Probably next week or the other week..." matamang sinabi ko. Pabiro akong kinurot ni Ivory sa tagiliran. "Wow, hindi man lang itinanggi! Malandi ka talaga, Gella! Sana all anak ng Diyos!" pang-aasar niya. "Hindi naman kasi talaga..." I denied. Napahalakhak na lang ako dahil

    Huling Na-update : 2021-09-18
  • My Sweet Surrender   Kapitulo XIX - Favorite

    Naging busy ako dahil sa internship namin kaya hindi ko na rin namalayan ang mabilis na paglipas ng panahon. When he went out from the military academy, he immediately sent me a text message. Dahil sa sobrang busy ko sa trabaho ay late ko na itong nabasa at na-reply-an ko na lang ito nang matapos na ang shift ko para sa araw na iyon. Ako: Sorry, kakabasa ko lang ng message mo. Busy kasi ako kanina for clinical internship :) Nagulat ako nang wala pang isang minuto ay mayroon na agad siyang reply sa akin. Binuksan ko ito at agad na binasa. From: Caleb Avanzado Where do you work? Pupuntahan kita d'yan. I bit my lower lip as I typed my reply. Ibinigay ko agad sa kanya ang pangalan ng ospital at pansamantala munang naupo sa may lobby. Sinulyapan ko ang cellphone ko nang makitang wala pa rin siyang reply sa text ko pagkalipas ng halos sampung minuto. "Oh, Gella! Hindi ka pa ba uuwi?" tanong sa akin

    Huling Na-update : 2021-09-18

Pinakabagong kabanata

  • My Sweet Surrender   Letter of Appreciation

    Dear beloved readers, Hi, this is itsartemiswp! I would like to take this opportunity to thank each and everyone of you who've made it to the end of My Sweet Surrender. This is actually my first time writing a medicine-related fiction/romance-medical fiction. Isa ito sa mga akda kung saan mas naging malaya at kumportable akong magsulat. Kung mayroon man kayong natutunang aral sa istoryang ito, gusto ko lang malaman niyo na marami rin akong napulot na aral habang sinusulat ko ito. I dedicate this story to my beloved Artemians, my readers, who supported me until now and to the people who always believed in my potential as a writer. I love you all so much! At ikaw na umabot hanggang dito, this is for you. From the bottom of my heart, thank you very much. <3 See you in my next one! Love, itsartemiswp

  • My Sweet Surrender   Special Chapter: Part 2

    Itinutok ko ang laser pointer sa isang litratong nilagay ko sa aking presentation bago ibinalik ang tingin sa aking propesor sa Clinical Correlation. “In this figure, the supraclavicular lymph node biopsy, accompanied by histologic examination and immunohistochemical analysis, showed the presence of Reed-Sternberg cells, which serve as a marker for Hodgkin lymphoma, and a positive test for CD30, which both made the diagnosis of classical Hodgkin lymphoma,” I trailed off and glanced at the man patiently waiting in front of our classroom while watching me present. Tumikhim muna ako bago muling nagpatuloy. “Based on the complete staging workup, the final diagnosis for this 27-year-old patient was classical Hodgkin lymphoma, nodular sclerosis subtype, stage IV-A.”“Very well done, Ms. Carvajal! Let’s give her a round of applause!” magiliw na pagbati sa akin ng aking pr

  • My Sweet Surrender   Special Chapter: Part 1

    “Georgianna, pahiram naman ako ng notes mo sa Math! Nalimutan ko kasi sa bahay ‘yong reviewer ko, hays!” Pinagtaasan ko ng isang kilay ang kaibigan kong si Tatiana na halatang kakapasok lang sa aming silid-aralan at mukhang hinihingal pa dahil sa pag-akyat ng hagdan. Ngumiti siya nang matamis sa akin at pabirong kinurot ang aking pisngi. “Pretty please?”Napabuntong-hininga na lang ako sa pangungimbinsi niya sa akin at patamad na inilahad sa kanya ang aking reviewer. “Tinanghali ka na naman ng gising, ‘no?” napapailing na puna ko sa pagka-late niya ngayon sa klase.Sinimangutan niya ako habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok gamit ang kanyang kamay. “Napuyat kasi ako kaka-review kagabi,” depensa niya sa sarili gamit ang maliit na boses.Napaangat muli ang isang kilay ko sa sinabi niya at hindi na napigilan ang pagbaling ng buong atensyon sa kaibigan. “Talaga? Bakit sabi sa akin ni Jona ay ma

  • My Sweet Surrender   Wakas - Epilogue

    "Huling time-out para sa Grade 12 Humanities and Social Sciences strand," the announcer said. "Go, HUMSS! Go, Caleb!" "Akin ka na lang, Avanzado!" "Caleb lang malakas!" Tinukso ako ng teammates ko dahil sa tilian ng mga nanonood ngayon sa basketball championship game namin sa Intrams. Kalaban namin ngayon ang Basic Education Department na karamihan ay Grade 9 and Grade 10 students ang nasa line up. Kami naman ang representative ng senior high school department dahil natalo namin ang ibang strands at ang mga Grade 11. Noong semi-finals ay hindi namin inaasahang matatalo nila ang College Department ngunit ngayon ay napagtanto kong magagaling nga talaga ang players ngayon ng Junior High. Napailing na lang ako at lumagok mula sa water bottle na inabot sa akin ng aming manager. "Ganoon pa rin ang plano. Mas higpitan niyo pa ang depensa niyo para hindi na makahabol pa ang kabilang team. Tandaan niyo, dalawa lang ang lamang niyo kaya bantayan

  • My Sweet Surrender   Kapitulo XXX - Last Chapter

    Pagpasok ko pa lang sa ospital ay dumiretso na agad ako sa front desk upang tanungin kung saan ang room ni Daddy. Pagkabukas pa lang ng elevator sa tamang palapag ay naglakad na agad ako palabas. Hindi na ako nagulat nang nakasalubong ko si Allena sa hallway. Bumalatay ang gulat sa kanyang mukha nang makita ako na agad namang napalitan ng iritasyon. "Anong ginagawa mo rito?" pigil niya sa akin ngunit hindi ko siya pinukulan ng pansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Marahas niyang hinigit ang braso ko at pilit akong hinila paharap sa kanya. "Akala mo ba ay hindi ko nalalaman ang panglalandi mo sa fiancé ko habang wala ako?" Pagod ko siyang tiningnan at hinarap. "Ano na naman ba, Allena?" I drawled lazily. Humalukipkip siya at taas-noo akong tiningnan. "Just so you know, Georgianna, naging kami ni Caleb noong nawala ka. Nagkabalikan kami at nag-propose siya sa akin two years ago," she confidently said before showing off her engagement ring on her ring finger.

  • My Sweet Surrender   Kapitulo XXIX - Truth

    Pinanatili ko lang ang tingin sa pasyenteng maingat na itinutulak ngayon palapit sa helicopter. Bahagyang bumigat ang bawat paghinga ko nang maramdamang tumabi si Caleb sa akin. "Dr. Carvajal, sasamahan mo ba ang pasyente?" tanong ng isang paramedic sa akin. Bago pa ako makasagot sa kanya ay tumunog ang aking dalang two-way radio. "Dr. Carvajal, are you there?" I cleared my throat before speaking. "Received. What do you have there?" "Doc, we have an emergency case here. We have a trauma patient. His vitals are currently stable. He suffered from some abrasions and he's complaining about wrist pains. Na-check na po namin kung may nararamdaman ba siyang sensation sa kamay pero hindi niya raw maigalaw ang kanyang hinlalaki." Saglit akong napaisip. "Baka naipit ang median nerve niya. Use a pad splinter on his arm for now. Dalhin niyo muna sa rescue tent at hintayin niyo ako riyan." "Copy, Doc." Ibinaba ko muna ang radyo upang tumulo

  • My Sweet Surrender   Kapitulo XXVIII - Ironic

    Hindi ako tinigilan ni Caleb sa mga sumunod na araw. Araw-araw pa rin siyang nagpupunta sa ospital kahit na-discharge na ang kapatid niyang si Maddison. I kept myself preoccupied with work to avoid bumping into him. Madalas ay tinatapos ko ang shift ko hanggang madaling araw o kaya'y hatinggabi kaya wala siyang choice kundi umuwi nang maaga dahil bawal siyang manatili sa labas ng visiting hours ng ospital lalo na't wala naman talaga siyang binibisita rito. "Gella, nandito na naman 'yong sundalo mo," pabulong na sabi sa akin ni Tati. Napabuntong-hininga ako at pinanatili na lang ang tingin sa hawak na application form para sa field of specialization. "Hayaan mo siya, mapapagod din 'yan," matabang na sabi ko. Naramdaman ko ang pagtatagal ng kanyang tingin sa akin. "Are you sure you're okay with this?" Lumipat agad sa kanya ang tingin ko. "With what?" Nanatiling seryoso ang kanyang mukha. "With Caleb's presence... Ginagambala na naman niya ang bu

  • My Sweet Surrender   Kapitulo XXVII - Enough

    "Georgianna..." Sinulyapan ko lang si Caleb nang salubungin niya ako pagkalabas ko sa operating room at nagpatuloy lang sa paglalakad. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pang muli. Nginitian at binati ko pabalik ang mga nakasalubong kong doktor at hospital staff. Napansin ko ang pagsulyap nila sa lalaking nakabuntot sa akin kaya umusbong ang aking iritasyon. Halos mapatalon siya sa gulat nang bigla ko siyang harapin. "What exactly do you need, Caleb?" Napansin ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang Adam's apple. He parted his lips but immediately pursed it again. I looked at him nonchalantly. "Ano? Wala ka bang sasabihin?" Sinulyapan ko ang wrist watch ko bago patamad na ibinalik ang tingin sa kanya. "Marami pa kasing naghihintay na pasyente sa akin. Nasasayang 'yong oras ko." Binasa niya muna ang ibabang labi bago magsalita. "I just want to talk to you, Georgianna." "Nag-uusap na tayo," nauubos ang pasensya

  • My Sweet Surrender   Kapitulo XXVI - Survived

    Imbis na umuwi sa condo upang magpahinga at mag-drama tungkol sa nangyari noong araw na iyon ay pinili kong ibuhos ang lahat ng aking oras sa pagta-trabaho. Halos buong araw akong nag-duty sa ospital hanggang sa lumagpas na ang bilang ng oras na kailangan kong punan ngayong linggo. "Kailan mo balak umuwi sa bahay niyo? Ilang buwan ka nang hindi nagpapakita sa Mommy mo, ah? Alam pa ba ni Tita Gab itong ginagawa mo sa sarili mo?" seryosong tanong ni Ivory. Ngumuso ako. "Bakit? Ano bang ginagawa ko? Nagta-trabaho lang naman ako, ah?" depensa ko. Suminghap siya. "Tingnan mo nga ang sarili mo, Georgianna Isabella! Ilang araw ka nang walang matinong tulog at madalas ay wala ka pang kain! Magdo-doktor ka ba talaga? Gusto mong mag-alaga ng ibang tao pero ultimo sarili mo ay hindi mo maalagaan!" sermon niya sa akin. Napapikit na lang ako nang marahan at hinayaan siyang pangaralan ako. Mahaba-habang sermon pa ang iginawad niya sa akin bago niya ako nakumbinsing

DMCA.com Protection Status