Share

My Sweet Seductress
My Sweet Seductress
Author: Glenda Marie

Chapter 1

Hindi nakapaniwala si Daphne na nasa Espanya na siya, napanganga siya habang nakatingin sa daan. 

Spain in all its glory is the one of the city she love to explore, the place is breath taking.

"Love what you saw, My Lady," nakangiting tanong ni Charles sa kanya nang makita nito ang paghanga sa kanyang mata "Wait till you see the Castle," wika nito. 

"Castle?" nakakunot niyang sabi.

"Yes, a Castle, hadn't princess told you that Austin owned a castle?" nakangiting tanong ni Charles sa kanya habang ang mga mata ay nanatiling nasa daan.

"No, Charles hindi niya sinabi, saka pwede ba 'wag kang mag english masyado, dumudugo ang ilong ko eh. Di ba matatas ka naman sa tagalog? Mag-tagalog ka na lang please. Nauubos na ang Englis ko na inipon sa baul eh. Maawa ka naman sa ilong ko parang  dudugo na!" reklamo niya kay Charles

Tumawa nang  mahina si Charles sa kanyang sinabi.

Ang totoo, hindi naman totoong hindi siya marunong mag-English, in fact she is fluent with the language. Marami rin siyang alam na lenguahe dahil sa nag-aral siya sa Sebastian University, isang international school, where most of its students are foreigners.

She can speak English, Spanish, French, and Mandarin. At sa mga native dialect naman ng Pilipinas, kaya niyang magsalita ng Pangalatok at Hiligaynon pero seyempre hindi niya pweding sabihin or ipahalata kay Charles, naalala niya ang sabi ni Ate Hera niya, "My cousin is a very strict and arrogant person but once you caught his heart,  you will be surprise to know how caring and sweet he is. Pretend you don't know how to speak his native language or English."

"Oo naman Daphne, I am half French and Half Filipino, purong pilipina ang aking ina. Pero dapat kang masanay magsalita ng English,  mahihirapan kang makipag-usap sa mga tao dito, saka madalang lang ang pinoy dito sa Espaniya." 

"Hahahaha.. Nagpapatawa ka ba Charles? Syempre Espaniya ito, kung Pilipinas ito di maraming pinoy dito," sarkastikong sabi niya. 

"Kaya pala gustong-gusto ka ni Wendy ipadala dito, loose threat na ang turnilyo ng utak mo eh. Nakikinita ko na ang pagputi ng buhok ni Austin" 

"Matanong nga kita, mabait ba ang damuho iyon?"

"Damuho?" kunot noong tanong ni Charles. 

"Si Austin"

"Bakit biglang kang naging intersadong malaman ha?"

"Curious lang ako. Syempre magiging magkasama kami sa bahay, saka mabuti na may alam ako sa kanya para ma iwasan ko ang galitin siya."

"I doubt kung magkikita kayo lagi.  He is a busy man kaya malabo kayong magkita palagi. They said curiosity kills Yuri, all I can tell you.is... he don't bite." 

"Ganoon? ginawa mo naman siyang aso.Wag mo nga akong matatawag na Yuri, naalala ko tuloy ang walang hiya kong ama," inis na sabi niya habang nakatingin sa labas

"Teka, hindi ba kayo nagkausap sa wedding ni Princess? He was bewitched by your voice when you sang at the BarCAfe!" anito sa kanya

"Tigil-tigil sabi ang pag e-English eh! Oo, nagkita kami, nagkausap pa nga kami pero 'Hi' lang, walang kwenta. Sigurado ako na hindi niya alam na ako, si Yuri at Daphne ay iisa." itinirik niya ang kanyang mata

"Paano mo nasabi iyon?"

"Well, kasi 'pag alam niya baka hindi na ako makarating dito. Alam mo ang nagyari sa wedding ni Ate Hera," madaling sagot niya.

"He has no choice Yuri. Hawak siya sa leeg ni Hera. He can't say no to her. Hera literally owns  the castle and owns half of the airline and wine factory, but she never intend to claim it. You see Hera is not a greedy person. So, she gives Austin a special power of attorney to her inheritance. You will be surprised how wealthy is Heramarie. She's more wealthy than Owen himself."  pahayag ni Charles. 

"Huh? Talaga pero napaka-humble ni Ate Hera, Walang siyang kaarte-arte sa katawan. She doesn't even wears make up."

"Because she was raised by her mom to be that, humble and kind hearted."  He smiled at her widely then turn the vehicle on the side, "Here we come!"  

Halos maluwa ang mata ni Daphne sa kanyang nakita, hindi nga nagbibiro si Charles. Isang napakagandang kastilyo nga ang tinitirhan ni Austin.

The gates immediately open when Charles press his right thump on a small box near the gate.

Charles resume driving and pulled the car as they reach the drive way.

A fine young man went out and open the car door and greet her. 

"Buenos días señora, bienvenidos a España (good day madam, welcome to Spain)," The young man said as she stepped out the car.

"Habla inglés Nathan, ella no habla español (speak english Nathan, she don't speak spanish)" wika ni Charles sa binata.

"Pardon Madam, Welcome to Spain, and to our humble home," nakangiting ng binata. 

Humble home daw eh kastilyo ang nasa harapan niya. Pinagloloko 'ata siya ng lalaking ito, sabi ng tinig sa isip niya. 

"It's okey no problem," nakangiting sagot ni Daphne sa binata habang ang mata ay abala sa kakatingin sa paligid.

Binuksan ng lalaki ang malaking pintuan, at sinalubong sila ng isang magandang babae na halos kasing edad lang ni Charles, para itong mayordoma ang dating. 

"Oh Charles, you're here! Who's this very pretty lady? Is she the one that young master talking about?"  she said smiling at them. 

"Yes, she is. Rebecca, this is Daphne Isabelle Leonardia. You can called her Daphne," pakilala sa kanya ni Charles, at napakaseryosong nitong sabi "Ah, Daphne, this is Rebecca Sevilla. She's the master servant of the house,"  dagdag pa ni Charles na nakangiti. 

"Nice to meet you, Ma'am," she said, and beam at the lady. 

"The pleasure is mine, Young Lady. You must be exhausted from the long trip." Ngumiti  ito sa kanya, at tinawag ang isa pang babae na halos kasing edad lang niya. "Lily, kindly take Ms. Daphne to her room," utos nito sa babae.  "Rest for a while my child. The young master will arrive later. He will joined you for dinner." 

"Papa Charles, 'wag ka munang umalis ha," mahinang sabi niya sa kaibigan na ngumiti lamang sa kanya.

"Relax Daphne, sa makalawa pa ako babalik ng Pilipinas," alo ni Charles sa kanya.

"Pangako?" seryosong tanong niya. 

"Promise, Peksman man," nakabungisngis na tugon ni Charles sa kanya.

"Come with me, Señorita," nakangiting sabi ni Lily sa kanya "I will show you your room." 

Sumunod siya sa dalaga. Napailing siya sa kanyang nakikita, parang gustong kurotin ni Daphne ang kanyang sarili. Hindi siya makapaniwala na titira siya sa isang kastilyo.

Pumakawala siya ng isang buntong hininga habang sumusunod kay Lily. Gustong niyang sampalin ang sarili para  makasigurado na hindi siya nananaginip lang. Halos ma wendang ang kanyang isip. Subrang napakalaki ng kastilyo. Halos maliligaw ka dito. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip ni ate Hera niya ng ipadala siya dito.

Sa subrang laki nito,  sana walang multo. Takot pa naman siya sa multo.

"Mahabaging Panginoon,  'wag niyo po akong pabayaan, " ang tanging usal niya habang pinapanhik ang malaking hagdan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status