Share

Chapter 59

Author: Rina
last update Last Updated: 2021-10-23 06:43:59

Hindi ko na matandaan kung paano ako mabilis na nakapagpaalam kay Isha at Mateo sa apartment nang pumasok sila sa loob kasama ang isang sanggol na nasa stroller.

Wala na akong pakialam kung magtatanong pa si Isha kay Mateo kung bakit ako naroon. Ang gumugulo sa isipan ko ngayon ay ang pagtawag ng 'dada' ng sanggol, na kasama niya, kay Mateo.

Anak niya ba ito? May anak na ba sila?

Nabuntis niya ba ito kaya iniwanan niya ako bago pa kami magpakasal?

Naglakad ako nang naglakad sa kabila ng iniindang hapdi sa paa, hindi alam kung saan patungo. Hindi ko napadalhan ng mensahe si Kuya Joel, dahil hindi ko rin alam kung saan magpapasundo.

Hanggang sa isang sasakyan ang huminto sa aking tabi. Bumukas ang bintana nito.

"Sandra?" Si Troy.

Nakahinga ako nang maluwag at kahit 'di niya naman ako inaalok ay sumakay na ako sa kotse niya. Tahimik niya akong inihatid dahil siguro'y naramdaman niyang may malalim ang aking iniisip.

They had a baby

Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 60

    "Lesie, schedule ko?" Tila ayaw pa'ng sabihin ng aking sekretary at kaibigan ang schedule ko para sa linggong ito.Tinaasan ko siya nang dalawang kilay kaya bumuntong hininga siya bago nagsalita."A whole week meeting with the clients." Iyon lang naman pala ang sasabihin niya ay nagpapa-suspense pa.Kinagatan niya muna ang tsokolateng nasa kan'yang kamay, mula pa iyon sa garapon ng chocolates na gawa ni Mateo."Hindi ako makakasama but Mateo will go with you." Napatigil ako sa pagsusulat nang idagdag pa iyon ni Lesie sa sinabi niya.Iniiwasan ko na nga ang lalaki tapos ay makakasama ko pa sa mga client meeting ngayong linggo."How about Mr. Morales?" Mas gugustuhin ko pa yatang makasama si Mr. Morales ngayon kaysa kay Mateo."Sure ka gusto mo makasama 'yon?" tila nanunuyang tanong nito. Mr. Morales was good but he kept on interrupting in meetings outside the office. Hindi tuloy ako makapagdesisyon ng tama kapag siya ang kasama ko.

    Last Updated : 2021-10-23
  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 61

    "Leave kayo pareho ni Mateo. Saan kayo pupunta?" tanong ng chismosa kong kaibigan.Tinanggap ko ang pagdalo sa binyag ng anak ni Mateo at Isha, na si baby Paupau, bilang ninang."Binyag ng anak nila ni Isha. Kinuha akong ninang."Mabilis na nanlaki ang mata ni Lesie at umupo sa harapan ng aking lamesa."'Di nga? May anak na sila? Pero sa personal info na ibinigay niya sa HR ay single daw siya. Baka hindi kasal." Hindi rin siya makapaniwala sa sinabi ko.Nagkibit-balikat na lamang ako. Kung hindi lamang malas ang pagtanggi sa imbitasyon ng binyag ay tumanggi na ako. Maaari naman akong magpadala ng representative ngunit ayokong isipin nilang bitter ako para hindi personal na dumalo doon."Dadalo ka ba talaga?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Lesie nang tingnan ko itong muli.Alam kong nag-aalala siya sa imbitasyon na iyon ni Mateo. Tumango ako. Hindi ko na maramdaman kung ano nga ba ang tunay na emosyong mayroon ang puso ko.Hin

    Last Updated : 2021-10-23
  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 62

    Suot ang puting white formal sleeveless top na nakatuck-in sa itim na pantalon ay nagtungo na ako sa simbahan kung saan gaganapin ang binyag.Mula sa sasakyan ay pinagmamasdan ko ang mga taong naroon. Wala akong kakilala maliban kay Mateo at Isha na wala pa doon."Tama ba itong ginagawa ko?" tanong ko sa sarili habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin.I am wearing a light make-up na bumagay sa event ngayong araw.Maya-maya pa'y isang pamilyar na kotse na ang dumating, kotse ni Mateo.Bumaba na ako kasabay ng pagbaba niya doon at ni Isha sa shotgun seat. Parang gusto ko na lamang bumalik sa loob ng sasakyan ko at pinagsisihan na pumunta pa ako dito."Sandra!" Ang nakangiting mukha ni Isha ang sumalubong sa akin habang sa kan'yang likod ay si Mateo.Mayroon silang kasamang katulong na siyang may karga sa bata.Bumeso sa akin si Isha at ngiti naman ang ibinigay ko kay Mateo."Thank God you came!" Tinawag nito

    Last Updated : 2021-10-23
  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 63

    Mapaglaro talaga ang tadhana. Kung kailan nakakaya ko na ang humakbang palayo sa lugar kung saan ako iniwan noon ni Mateo ay unti-unti naman akong hinihila nito pabalik."Lesie, could you please check Mateo's background?" Hindi ko na kayang sarilinin ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko simula pa kagabi."Bakit?" Lumalim ang pagkakakunot ng kan'yang noo. Nagtataka sa biglaan kong utos."Hindi si Mateo ang ama ng anak ni Isha. Wala rin silang relasyon. Naguguluhan lang ako dahil sabi niya sa akin ay si Isha ang dahilan kung bakit niya ako iniwan noon. He lied and I think there's something wrong about it."Karapatan kong malaman ang rason ni Mateo noon pero kung ayaw niyang sabihin ang totoo ay karapatan niya iyon.Gusto ko lamang mapanatag ang aking loob sa pamamagitan ng pagsagot sa sariling katanungan, kahit alam kong ikakasakit ko pa ito.Kinabukasan ay inilapag kaagad ni Lesie ang papel na naglalaman ng personal information ni Mat

    Last Updated : 2021-10-23
  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 64

    Ang malawak na lupain na nabili sa kabilang bayan ang bumungad sa aking umaga. Nagsisimula nang tumubo ang mga punlang itinanim ng masisipag naming magsasaka."This will be a great start for Hacienda Miraflor, Sandra." Ang boses ni Troy mula sa aking likod ang tuluyang nagpasilay ng ngiti sa aking labi.Nagsisimula nang magtayo ng mga kubong pahingahan ang ilang magsasaka sa tabi ng taniman.Ang mga cacao na maaani mula rito ay ibabyahe na lamang patungo sa hacienda kung nasaan ang bodega, na ngayon ay mas pinapalaki ko pa.Mas mahigpit na din ang seguridad doon upang huwag nang maulit ang insidente noon."Ikaw kailan ka magsisimula ulit?" tanong niya sa akin."Huh?" Kahit alam ko ang ibig niyang sabihin ay nagulat pa din ako, dahil ito ang unang pagkakataon na may nagtanong ng ganoon sa akin."Nevermind. I'm not pressuring you. Pero kung ako ang tatanungin, liligawan na kita ngayon kahit hindi ka pa nakakapagdesisyon," aniya.

    Last Updated : 2021-10-23
  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 65

    Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw ay kinakatok na ako ni manang sa kwarto."Yes po manang?" Magulo pa ang aking buhok at si manang ay katulad kong tila kakagising lang din."Nasa labas na po si Sir Mateo." Tiningnan ko ang malaking orasan na nakasabit sa may salas.Mag-aalas-sais pa lamang ng umaga. Hindi niya sa akin sinabi ang eksaktong oras ng meeting. Wala din akong ideya kung saan at sino ang kakatagpuin namin na kliyente.Nagbilin ako kay manang na papasukin na ito dahil wala naman si tatay. Hinayaan ko munang magbakasyon ito sa mga kamag-anak namin at kaibigan niya sa probinsya.Mabilis akong naligo at nagbihis. Pagkatapos kong maglagay ng kaunting kolorete sa mukha at magsuot ng dalawang pulgada kong takong na pang-opisina ay bumaba na ako.Naabutan ko doon si Mateo na masayang kinkausap ni manang.Tumayo siya nang makita ako."Good morning," bati niya.Binati ko siya pabalik. "Late na ba tayo?"T

    Last Updated : 2021-10-24
  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 66

    Malaki ang pasasalamat ko na mayroon pa'ng signal sa gitna ng dagat. Tinawagan ko kaagad si Lesie."Lesie, can you book a boat, a yacht or whatever that can travel by sea to Isla Benito?" bungad ko dito."Ang haba naman ng magandang umaga mo. Gan'yan ba kapag kasama ang ex?" pang-aasar nito.Alam niya na magkasama kami ni Mateo?Tiningnan ko si Mateo nang maramdaman ang paninitig nito. Inirapan ko siya. Hindi ko gusto ang wala niyang pasabing pagpunta namin sa isla at pananatili doon ng ilang araw."How did you know?" tanong ko sa kabilang linya. Nasa tabi ko lang si Mateo at wala akong pakialam kung marinig niya man ang usapan namin o hindi."Mr. Morales, told me that you and your ex will be in an out of town meeting for a week." Mas lalong uminit ang ulo ko sa sinabing iyon ni Lesie.Sa akin dapat nanggagaling ang bagay na iyon at hindi kay Mr. Morales."No, I am going back later. Magpadala ka ng barko, bangka. Ba

    Last Updated : 2021-10-25
  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 67

    I was awake the whole ride. Napakagandang tingnan ng karagatan na aming dinaraanan. Banayad ito at sinabayan pa ng magandang sikat ng araw."Welcome to Isla Benito!" Ang masayang pagbati ng tatlong lalaking nakasuot ng puting collar shirt na may logong Benito's Resort ang sumalubong sa amin ni Mateo pagkababa ng barko.Kinuha ng dalawang lalaki ang bagahe mula kay Mateo at ang isa naman ay iginiya kami pasakay ng kulay asul na van. Mayroon din itong tatak na Benito Island."Salamat," sabay namin sabi ni Mateo nang makasakay sa loob ng van.Nasa tabi ng driver si Mateo samantalang ako nama'y sa likuran nila nakaupo. Ang dalawa pang lalaki ay nasa likod ko din."Tiyak po na mag-e-enjoy kayo ni Ma'am Beautiful dito sa isla," ani driver na isa sa mga sumalubong sa amin kanina.Napangiti ako."Cassandra po," pagpapakilala ko. May katandaan na din kasi ito kumpara sa dalawang lalaki na nasa likod namin na mukhang mga estudyante pa.

    Last Updated : 2021-10-25

Latest chapter

  • My Sugar Daddy's Brother    Epilogue

    Who says I don't have a choice? "Kanina pa kita tinatawagan Mateo!" Bakas ko ang inis sa tono ng pananalita ng aking misis. Bumusina ako sa mabagal na pagpapatakbo ng sasakyan sa aking unahan. Mabilis akong nag-overtake dito. Naghuhuramentado na ang asawa ko sa galit. "Mahal, I'm sorry dumaan pa ako sa opisina. You know I can't just leave my job and come over to see you when you call." Napaka-demanding niya nitong mga nagdaang araw. Gusto niya na sa isang tawag lang ay naroon na ako sa tabi niya, kahit pa naroon siya sa probinsya, na dalawang oras ang layo sa Hacienda Miraflor. "Isa pa ay pinahanap mo ako ng mangga." Pinasadahan ko ng tingin ng manggang hilaw na nakalagay sa isang supot ng plastic. Napapailing na lamang ako kapag naaalala kung paano ako humingi nito sa may-ari ng punong mangga na nadaanan ko kanina. Detalyado ang gusto ni Cassandra. Gusto niya ng mangga na mayroong pa'ng tangkay at dahon. Ang tangkay na i

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 126

    "Cassandra, are you sure about it? Maayos naman na ang lahat. Nakakulong na si Veronica at wala nang banta sa buhay n'yo." Napirmahan ko na ang mahalagang dokumentong hiningi ko kay Lesie subalit iyon pa din ang katanungan niya."Mateo will not accept it for sure," ani Attorney Sheldon na nandito sa opisina dahil kinailangan ko ang kan'yang pirma."Sigurado ako. I think about it a couple of times. Isa pa'y hindi niya na ito matatanggihan dahil pirmado ko na."Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso kami ni Mateo sa sementeryo. Sa dami ng mga nangyari ay nararapat lamang na bisitahin namin si nanay at si Arman pati na rin ang ama nila ni Mateo."Daddy. Tatawagin na kitang daddy dahil sabi ni Manang Dory ay iyon din naman ang itinuturo mo sa akin na tawagin ko sa'yo. Dad at kuya Arman, tapos na. We finally beat Ate Veronica and the devil inside her. Malaya at ligtas na ulit ang Hacienda Miraflor na pinaghirapan niyong buuin."Napangiti ako sa sinabi

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 125

    Hawak-hawak si Veronica at ang gatilyo ng baril ay paatras kaming naglakad ni tatay palabas ng silid. Umaatras ang mga tauhan sa takot na totohanin ko ang pagbaril sa kanilang amo.Hindi ko gustong pumatay dahil masama iyon, subalit sa puntong ito ay desidido na ako.Pagbaba ng hagdanan ay sinalubong kami ng mga tauhan ni Veronica, na nagbabantay sa labas. Subalit kaagad din silang umatras nang makitang bihag ko ang amo nila."'Tay buksan n'yo na po ang pintuan." Utos ko kay Tatay na mabilis niya naman tinugunan."Mga walang kwenta kayo! Kunin n'yo ako sa babaeng ito!" bulyaw ni Veronica sa mga tauhan niya subalit puro porma lamang ng baril nila sa akin ang nagagawa ng mga ito.Tagumpay na nabuksan ni tatay ang pintuan, nang maramdaman ko ang samyo ng hangin sa aking likod mula sa labas."Mateo! Salamat," sigaw ni tatay dahilan upang mabilis akong mapalingon.Marami na ang pulis sa labas at kasama na roon si Mateo. Nakahinga ako nang

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 124

    Sanay ako na pumirma ng sandamakmak na papeles sa buong araw, subalit ang ipinapagawa ni Veronica ang napakahirap sa lahat.Pinagmasdan ko si tatay, habang kinakalagan ng isa sa mga tauhang ang aking tali sa kamay. Panay ang pagpalag niya sa tauhan na pilit siyang hinahawakan sa braso. Siya at si Mateo na lamang ang mayroon ako. Ayoko na mawala ang isa man sa kanila.Hindi ko maikakaila na nagtanim ako ng sama ng loob kay tatay, dahil minsan sa buhay ko ay hindi siya naging mabuting ama. Iniwan niya kami ni nanay dahilan upang mapilitan akong magtrabaho sa club. Subalit, kagaya nga ng sinasabi nila, everything happens for a reason. Nakilala ko si Arman dahil sa pagtatrabaho sa club, na siyang nagbigay sa akin ng magandang buhay ngayon. Dahil dito ay nakilala ko din si Mateo.Nagawa man kaming iwanan noon ni tatay ay muli niya naman ipinaramdam sa akin ang pagmamahal nang mawala si nanay. Sapat na iyon makabawi siya sa akin."Pirmahan mo na!" sigaw ni Vero

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 123

    Kanina pa ako pabalik-balik nang lakad sa aking opisina ngunit hindi pa rin ako makapag-isip ng idadahilan kay Cassandra. Ayoko na sana magsinungaling sa kan'ya pero kinakailangan.Tumunog ang aking telepono. Isang mensahe mula may Sheldon. Tinatanong kung nasaan na ako.I suppose I have no choice but to tell a lie. It will be the last, I promise.Mayroong police operation na gagawin sa isang abandonandong bodega. Isang hindi nagpakilalang tao, na nakakita daw kay Veronica, ang nagbigay sa amin ng impormasyon.Ayokong ipaalam iyon kay Cassandra dahil panigurado akong sasama siya. Delikado ang operasyon at nagpumilit lamang kami ni Sheldon sa mga pulis na sumama.Nang pumasok ako sa opisina ni Sandra parang ayoko na lang umalis. Suddenly, I want to go home with her. Subalit hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataon na mahuli ang taong nag-iisang hadlang para maikasal ako sa babaeng pinakamamahal ko."I'll meet my siblings." Alam ko'ng maha

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 122

    Mr. Morales wife was under the witness protection program. Bilang bihag ni Veronica ay nasaksihan niya ang kasamaan na ginawa nito. Humiling sa amin ang abogado ni Mr. Morales na pati ito ay gawing witness subalit si Attorney Sheldon na mismo ang tumanggi.Habang patuloy ang paglilitis sa kaso at paghahanap kay Veronica ay bumalik kami ni Mateo sa trabaho. Ipinasara niya na ang kan'yang negosyo at sa totoo lang ay labis akong nalulungkot para sa kan'ya. Mas madalas na siyang nasa opisina at nagtatrabaho kasama ko."Mahal," tawag niya sa akin nang marahan nitong binuksan ang pintuan ng aking opisina. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita siya.It was a stressful but a blessful day. Nagsisimula na kaming tumanggap ng mga bagong kliyente at umaasa kami na magtutuloy-tuloy na ito."Yes?" Tumayo na ako upang ihanda ang aking gamit. Mag-aalas sais na nang gabi."Hindi pa ako uuwi. Pinatawag ko na si Kuya Joel. Siya muna ang maghahatid

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 121

    “Manang, nand’yan na po ba si Mateo?” tanong ko kay manang Dory nang salubungin niya ako sa pungad ng mansyon.“Wala pa hija,” sagot niya.Kagaya nang nagdaang mga araw ay malalim na ang gabi kung umuwi si Mateo. Hanggang ngayon ay pilit niya pa din na nilulutasan ang problemang kinakaharap ng kan’yang negosyo.Ang mga materyales na ipinadala sa kanila ay mababa ang kalidad taliwas sa nakasulat sa kontrata. Mariin na itinanggi ng supplier na sa kanila nagmula ang mga produkto. Kilala ang supplier ni Mateo na mayroong mga de-kalidad na materyales. Inimbestigahan ngayon ang pagkakaroon ng anomalya sa transaksyon.Kinuha ko ang aking cellphone. Mayroong mensahe doon si Mateo, ipinapaalam na pauwi na siya. Napangiti ako.“Ipaghahanda na kita ng hapunan.”Kahit na maraming ginagawa ang aking nobyo ay hindi pa din ito pumapalya na ipaalam sa akin kung nasaan na siya at kung ano ang kan’yang gin

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 120

    We drove straight home after dinner. Mabagal lamang ang pagmamaneho ni Mateo dahil panay ang pagsagot nito ng mga tawag, kaya hindi ko napigilan ang pumikit. Dumilat lamang ako nang natahimik siya, subalit hindi niya pa man naibababa ang telepono ay isang panibagong tawag muli ang dumating.Kumunot ang kan’yang noo nang makita ang numero doon bago bumaling sa akin.Attorney Sheldon was calling him. Madalang na tumawag ito nang gabi sa kan’ya, maliban na lamang kung mahalagang bagay ang sasabihin nito.“Hello Sheldon, napatawag ka?”Inilagay niya sa loudspeaker ang telepono kaya naririnig ko ang ingay sa kabilang linya.“Where are you?” Humihingal ang boses nito.Tiningnan ako ni Mateo bago siya sumagot. “We’re heading home.”“Alright, keep your guards up. Kumikilos na naman si Veronica.”Humina ang pagmamaneho ni Mateo. Ako na ang sumagot kay Attorney. I know the

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 119

    Hindi ako pinatahimik ng senaryong nakita namin ni Mateo sa sementeryo ng ilang gabi. Subalit hindi niya ako pinabayaan at palaging ipinaparamdam sa akin na nasa tabi ko lamang siya.Matapos ang pag-iimbestiga ng mga pulis ay wala silang nakuhang matinong ebidensya na magtuturong si Veronica ang may gawa noon. Gayunpaman, ay pinaigting pa din ang paghahanap dito.Hindi na nasundan ang pananakot na iyon ngunit naging mas maingat pa din kami.Ang plano kong bumalik na sana sa sarili kong bahay ay hindi natuloy dahil sa nangyari.Si tatay ay nasa probinsya at binilinan ko itong doon muna manatili. Ayokong pati siya ay madamay sa kasamaang idinudulot sa amin ni Veronica.Lumipas ang sumunod na mga araw na hindi kami nagpaapekto sa ginawang pananakot at pagbabanta ni Veronica. Hatid at sundo pa din ako ni Mateo sa opisina pero nang nakaraan ay si Kuya Joel ang nagmaneho para sa akin dahil naging abala siya sa negosyo, bagay na naiintindihan ko."

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status