Malaki ang pasasalamat ko na mayroon pa'ng signal sa gitna ng dagat. Tinawagan ko kaagad si Lesie.
"Lesie, can you book a boat, a yacht or whatever that can travel by sea to Isla Benito?" bungad ko dito.
"Ang haba naman ng magandang umaga mo. Gan'yan ba kapag kasama ang ex?" pang-aasar nito.
Alam niya na magkasama kami ni Mateo?
Tiningnan ko si Mateo nang maramdaman ang paninitig nito. Inirapan ko siya. Hindi ko gusto ang wala niyang pasabing pagpunta namin sa isla at pananatili doon ng ilang araw.
"How did you know?" tanong ko sa kabilang linya. Nasa tabi ko lang si Mateo at wala akong pakialam kung marinig niya man ang usapan namin o hindi.
"Mr. Morales, told me that you and your ex will be in an out of town meeting for a week." Mas lalong uminit ang ulo ko sa sinabing iyon ni Lesie.
Sa akin dapat nanggagaling ang bagay na iyon at hindi kay Mr. Morales.
"No, I am going back later. Magpadala ka ng barko, bangka. Ba
I was awake the whole ride. Napakagandang tingnan ng karagatan na aming dinaraanan. Banayad ito at sinabayan pa ng magandang sikat ng araw."Welcome to Isla Benito!" Ang masayang pagbati ng tatlong lalaking nakasuot ng puting collar shirt na may logong Benito's Resort ang sumalubong sa amin ni Mateo pagkababa ng barko.Kinuha ng dalawang lalaki ang bagahe mula kay Mateo at ang isa naman ay iginiya kami pasakay ng kulay asul na van. Mayroon din itong tatak na Benito Island."Salamat," sabay namin sabi ni Mateo nang makasakay sa loob ng van.Nasa tabi ng driver si Mateo samantalang ako nama'y sa likuran nila nakaupo. Ang dalawa pang lalaki ay nasa likod ko din."Tiyak po na mag-e-enjoy kayo ni Ma'am Beautiful dito sa isla," ani driver na isa sa mga sumalubong sa amin kanina.Napangiti ako."Cassandra po," pagpapakilala ko. May katandaan na din kasi ito kumpara sa dalawang lalaki na nasa likod namin na mukhang mga estudyante pa.
Dala ng labis na pagod ay mabilis akong nakatulog. Nagising na tuloy ako sa alanganin na oras, alas-tres nang madaling araw. Saka ko lamang din napansin na kaya pala malamig sa kwarto kahit naka-off ang aircon ay dahil sa bahagya pa’ng nakabukas ang pintuan patungong terasa.Lumapit ako doon kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Tila ako naenganyong lumabas.Mula sa railings ng terasa ay sumandal ako at pinagmasdan ang tanawin mula doon. Walang ibang nakikita doon bukod sa matataas na punong-kahoy, kung saan nagmumula ang malamig na ihip ng hangin.Napakatahimik ng madaling araw. Sariwa pa ang simoy ng hangin, talaga naman masarap matulog sa probinsya.Ang mapanatag na oras ay nabulabog nang sunod-sunod akong makarinig ng alulong. Nang dumating kami kanina ni Mateo ay wala akong maalalang may asong tumahol o sumalubong sa amin. Pero kung may umaalulong ngayon ay baka marami silang alagang aso at nasa likod lamang itong parte ng mansyon kanina ka
Wala akong galit sa mga aso, sa katunayan nga ay mababait ito at nakakatuwang alagaan pero sa lalaking nakikipaghabulan sa kanila ngayon ay matindi ang inis na nararamdaman ko.“Come ‘on Sandra!” aya pa nito sa akin.Binigyan ko siya ng ngiting aso.Kanina niya pa ako niyayang magpakain ng aso at makipaglaro dito pero hindi ko pinapaunlakan. Sumunod lamang ako nang dumating na ang mag-asawa.“Nakatulog naman ba kayo?” tanong ng mag-asawa.“Opo, kaya lang pagdating ng alas-tres nang maaga ay ginising po ako ni Sandra,” kaswal na kwento ni Mateo kaya pinanlakihan ko siya ng mata.“Bakit?” nagtatakang tanong ng ginang.“Kasi po- ”“Hindi ko po kasi maisara ang pintuan sa terasa. Malamig na po kasi.” Pinutol ko kaagad ang sasabihin ni Mateo.May mapaglarong ngiti ang mukha nito.“Malamig talaga ang simoy ng hangin doon dahil nasa tapat
Ginabi na kami sa daan pauwi ng mansyon. Maaga pa lamang ay sarado na ang ilang kabahayan na aming dinaraanan. Napakatahimik ng lugar.Pagdating sa mansyon ay may nakahain ng hapunan sa hapag kainan.“Tataba po yata ako dito Ginang Lorie,” biro ko.Tumawa ang mag-asawa maliban kay Mateo na nanatiling blanko ang mukha.Simula nang matapos ang tawag ko kanina kay Troy at Lesie ay hindi niya na ako kinulit. Nagsasalita na lamang siya kapag kausap ang mag-asawang Benito.“Bukas ay bibisitahin naman natin ang dalawa pa’ng lupain.” Bahagya akong nabigla sa sinabi ni Ginoong Alfredo, kung gayon ay hindi lamang isa bagkus ay tatlong lupain ang pagtataniman ng mga cacao. Siguradong malaking tulong ito sa mga taga-rito at sa Hacienda Miraflor na din.Katulad ng aking inaasahan ay masarap ang pagkain na inihain sa amin. Mabilis akong nabusog at dinapuan ng antok, pero nilalabanan ko iyon dahil nakakahiyang humikab ulit ako
Maliwanag ang kabuuan ng kwartong tinutuluyan ko. Nakatalukbong din ako ng kumot at nakasuot ng earphones. Natatakot akong makarinig ng kahit anumang ingay katulad ng alulong, kaya mabuti nang makinig na lamang ng musika.Ilang minuto na siguro akong pabaling-baling sa kama ngunit hindi pa rin ako nakakatulog. Marahil ay dahil sa liwanag at musikang pinapakinggan ko.Sana'y kasi akong tahimik at malamlam ang ilaw o 'di kaya'y madilim kapag matutulog.Pinalitan ko ang pinapakinggan sa nakakaantok na kanta. Unti-unti naman itong umepekto sa akin, subalit mabilis akong napabangon nang may maramdamang mahinang pagkalabit sa aking balikat.Sisigaw sana ako sa takot kaya lang ay mukha ni Mateo ang sumalubong sa akin pagtanggal ko ng kumot, na tumatakip sa aking buong katawan."Ano'ng ginagawa mo dito?" Nahihilakbot kong tanong.Para akong aatakehin sa puso sa pambibigla ni Mateo."Sorry. Pumasok na ako dahil hindi ka nagbubukas kanina
Hi! Kumusta kayo? I hope you guys are having a good day today. Gusto ko mag-thank you sa mga mambabasa na patuloy na nagbibigay ng gems. Maraming salamat. Nawa'y napapakilig kayo ni Mateo at Sandra. As much as possible gusto ko gawing affordable ang bawat chapters at worth it. Sana napapasaya kayo ng akda ko. My next update will be on November, next month. Focus muna po ako ngayon sa pag-re-review for my board exam. Wish me luck and please include me in your prayers 😊 Yours Truly, Rina P.S hindi na-i-pa-publish. Need daw ng more than 100 words. Baka pwede na. Haha 😂
Katulad ng sinabi ng mag-asawang Benito ay nagtungo kami sa dalawa pa'ng lupain na pagtataniman ng mga cacao.Halos isang oras ang layo nito sa mansyon, kaya naman habang nasa byahe ay naipapaliwanag ko na sa kanila ang ilang mga bagay tungkol sa negosyo."We'll going to visit Hacienda Miraflor one of these days," nakangiting saad ni Ginoong Alfredo.Marami silang tanong tungkol sa hacienda, kaya hindi maiwasan na mailwento ko sa kanila ang tungkol sa pag-ibig ni Arman sa akin, na naging dahilan upang mailipat sa pangalan ko ang buong ari-arian nito.Hindi ko na dinetalye pa iyon dahil naiilang ako kay Mateo. Kapatid niya si Arman at hindi ko maiwasan ang isipin na hindi ko sinasadyang magkaroon ng relasyon sa kanilang dalawa."Matapos mamatay ni Arman ay hindi ka na umibig muli?" tanong ni Ginang Lorie, na nakaupo sa tabi ng asawa nito. Kami ni Mateo ay nasa likod nila at sa unahan naman si Manong Elmer at isang babae na ayon sa mag-asawa ay sekre
Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang nagpawala ng takot ko sa aswang kagabi, ang payo ba ni Mateo o ang cold treatment niya? Kanina pa ako gising ngunit masyado pang maaga kaya inubos ko na lamang ang aking oras sa pagtingin sa kabuuan ng kwarto. Napakalaki nito at iisipin mong master's bedroom pero ayon sa mag-asawa ay kwarto ito ng panganay nilang anak. Maswerte ang kanilang mga anak dahil mayroon silang mabuting mga magulang, kompletong pamilya at masaganang buhay. Matapos ang ilan minuto pa'ng pagmumuni-muni ay napagpasyahan ko nang bumangon. Hindi ko alam kung mayroon pa ba kaming lakad ngayon kasama ang mag-asawa, pero ayon sa kanila ay nais nila kaming ipasyal sa isla. Dumiretso sa banyo upang maligo. Bago sana kami mamasyal ay gusto ko munang tapusin ang mga gawain sa opisina na ipinapa-send sa akin ni Lesie. Para na nga siyang boss kung makapag-utos at ako naman ang kan'yang sekretarya. Ang problema ko lang ay pap
Who says I don't have a choice? "Kanina pa kita tinatawagan Mateo!" Bakas ko ang inis sa tono ng pananalita ng aking misis. Bumusina ako sa mabagal na pagpapatakbo ng sasakyan sa aking unahan. Mabilis akong nag-overtake dito. Naghuhuramentado na ang asawa ko sa galit. "Mahal, I'm sorry dumaan pa ako sa opisina. You know I can't just leave my job and come over to see you when you call." Napaka-demanding niya nitong mga nagdaang araw. Gusto niya na sa isang tawag lang ay naroon na ako sa tabi niya, kahit pa naroon siya sa probinsya, na dalawang oras ang layo sa Hacienda Miraflor. "Isa pa ay pinahanap mo ako ng mangga." Pinasadahan ko ng tingin ng manggang hilaw na nakalagay sa isang supot ng plastic. Napapailing na lamang ako kapag naaalala kung paano ako humingi nito sa may-ari ng punong mangga na nadaanan ko kanina. Detalyado ang gusto ni Cassandra. Gusto niya ng mangga na mayroong pa'ng tangkay at dahon. Ang tangkay na i
"Cassandra, are you sure about it? Maayos naman na ang lahat. Nakakulong na si Veronica at wala nang banta sa buhay n'yo." Napirmahan ko na ang mahalagang dokumentong hiningi ko kay Lesie subalit iyon pa din ang katanungan niya."Mateo will not accept it for sure," ani Attorney Sheldon na nandito sa opisina dahil kinailangan ko ang kan'yang pirma."Sigurado ako. I think about it a couple of times. Isa pa'y hindi niya na ito matatanggihan dahil pirmado ko na."Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso kami ni Mateo sa sementeryo. Sa dami ng mga nangyari ay nararapat lamang na bisitahin namin si nanay at si Arman pati na rin ang ama nila ni Mateo."Daddy. Tatawagin na kitang daddy dahil sabi ni Manang Dory ay iyon din naman ang itinuturo mo sa akin na tawagin ko sa'yo. Dad at kuya Arman, tapos na. We finally beat Ate Veronica and the devil inside her. Malaya at ligtas na ulit ang Hacienda Miraflor na pinaghirapan niyong buuin."Napangiti ako sa sinabi
Hawak-hawak si Veronica at ang gatilyo ng baril ay paatras kaming naglakad ni tatay palabas ng silid. Umaatras ang mga tauhan sa takot na totohanin ko ang pagbaril sa kanilang amo.Hindi ko gustong pumatay dahil masama iyon, subalit sa puntong ito ay desidido na ako.Pagbaba ng hagdanan ay sinalubong kami ng mga tauhan ni Veronica, na nagbabantay sa labas. Subalit kaagad din silang umatras nang makitang bihag ko ang amo nila."'Tay buksan n'yo na po ang pintuan." Utos ko kay Tatay na mabilis niya naman tinugunan."Mga walang kwenta kayo! Kunin n'yo ako sa babaeng ito!" bulyaw ni Veronica sa mga tauhan niya subalit puro porma lamang ng baril nila sa akin ang nagagawa ng mga ito.Tagumpay na nabuksan ni tatay ang pintuan, nang maramdaman ko ang samyo ng hangin sa aking likod mula sa labas."Mateo! Salamat," sigaw ni tatay dahilan upang mabilis akong mapalingon.Marami na ang pulis sa labas at kasama na roon si Mateo. Nakahinga ako nang
Sanay ako na pumirma ng sandamakmak na papeles sa buong araw, subalit ang ipinapagawa ni Veronica ang napakahirap sa lahat.Pinagmasdan ko si tatay, habang kinakalagan ng isa sa mga tauhang ang aking tali sa kamay. Panay ang pagpalag niya sa tauhan na pilit siyang hinahawakan sa braso. Siya at si Mateo na lamang ang mayroon ako. Ayoko na mawala ang isa man sa kanila.Hindi ko maikakaila na nagtanim ako ng sama ng loob kay tatay, dahil minsan sa buhay ko ay hindi siya naging mabuting ama. Iniwan niya kami ni nanay dahilan upang mapilitan akong magtrabaho sa club. Subalit, kagaya nga ng sinasabi nila, everything happens for a reason. Nakilala ko si Arman dahil sa pagtatrabaho sa club, na siyang nagbigay sa akin ng magandang buhay ngayon. Dahil dito ay nakilala ko din si Mateo.Nagawa man kaming iwanan noon ni tatay ay muli niya naman ipinaramdam sa akin ang pagmamahal nang mawala si nanay. Sapat na iyon makabawi siya sa akin."Pirmahan mo na!" sigaw ni Vero
Kanina pa ako pabalik-balik nang lakad sa aking opisina ngunit hindi pa rin ako makapag-isip ng idadahilan kay Cassandra. Ayoko na sana magsinungaling sa kan'ya pero kinakailangan.Tumunog ang aking telepono. Isang mensahe mula may Sheldon. Tinatanong kung nasaan na ako.I suppose I have no choice but to tell a lie. It will be the last, I promise.Mayroong police operation na gagawin sa isang abandonandong bodega. Isang hindi nagpakilalang tao, na nakakita daw kay Veronica, ang nagbigay sa amin ng impormasyon.Ayokong ipaalam iyon kay Cassandra dahil panigurado akong sasama siya. Delikado ang operasyon at nagpumilit lamang kami ni Sheldon sa mga pulis na sumama.Nang pumasok ako sa opisina ni Sandra parang ayoko na lang umalis. Suddenly, I want to go home with her. Subalit hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataon na mahuli ang taong nag-iisang hadlang para maikasal ako sa babaeng pinakamamahal ko."I'll meet my siblings." Alam ko'ng maha
Mr. Morales wife was under the witness protection program. Bilang bihag ni Veronica ay nasaksihan niya ang kasamaan na ginawa nito. Humiling sa amin ang abogado ni Mr. Morales na pati ito ay gawing witness subalit si Attorney Sheldon na mismo ang tumanggi.Habang patuloy ang paglilitis sa kaso at paghahanap kay Veronica ay bumalik kami ni Mateo sa trabaho. Ipinasara niya na ang kan'yang negosyo at sa totoo lang ay labis akong nalulungkot para sa kan'ya. Mas madalas na siyang nasa opisina at nagtatrabaho kasama ko."Mahal," tawag niya sa akin nang marahan nitong binuksan ang pintuan ng aking opisina. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita siya.It was a stressful but a blessful day. Nagsisimula na kaming tumanggap ng mga bagong kliyente at umaasa kami na magtutuloy-tuloy na ito."Yes?" Tumayo na ako upang ihanda ang aking gamit. Mag-aalas sais na nang gabi."Hindi pa ako uuwi. Pinatawag ko na si Kuya Joel. Siya muna ang maghahatid
“Manang, nand’yan na po ba si Mateo?” tanong ko kay manang Dory nang salubungin niya ako sa pungad ng mansyon.“Wala pa hija,” sagot niya.Kagaya nang nagdaang mga araw ay malalim na ang gabi kung umuwi si Mateo. Hanggang ngayon ay pilit niya pa din na nilulutasan ang problemang kinakaharap ng kan’yang negosyo.Ang mga materyales na ipinadala sa kanila ay mababa ang kalidad taliwas sa nakasulat sa kontrata. Mariin na itinanggi ng supplier na sa kanila nagmula ang mga produkto. Kilala ang supplier ni Mateo na mayroong mga de-kalidad na materyales. Inimbestigahan ngayon ang pagkakaroon ng anomalya sa transaksyon.Kinuha ko ang aking cellphone. Mayroong mensahe doon si Mateo, ipinapaalam na pauwi na siya. Napangiti ako.“Ipaghahanda na kita ng hapunan.”Kahit na maraming ginagawa ang aking nobyo ay hindi pa din ito pumapalya na ipaalam sa akin kung nasaan na siya at kung ano ang kan’yang gin
We drove straight home after dinner. Mabagal lamang ang pagmamaneho ni Mateo dahil panay ang pagsagot nito ng mga tawag, kaya hindi ko napigilan ang pumikit. Dumilat lamang ako nang natahimik siya, subalit hindi niya pa man naibababa ang telepono ay isang panibagong tawag muli ang dumating.Kumunot ang kan’yang noo nang makita ang numero doon bago bumaling sa akin.Attorney Sheldon was calling him. Madalang na tumawag ito nang gabi sa kan’ya, maliban na lamang kung mahalagang bagay ang sasabihin nito.“Hello Sheldon, napatawag ka?”Inilagay niya sa loudspeaker ang telepono kaya naririnig ko ang ingay sa kabilang linya.“Where are you?” Humihingal ang boses nito.Tiningnan ako ni Mateo bago siya sumagot. “We’re heading home.”“Alright, keep your guards up. Kumikilos na naman si Veronica.”Humina ang pagmamaneho ni Mateo. Ako na ang sumagot kay Attorney. I know the
Hindi ako pinatahimik ng senaryong nakita namin ni Mateo sa sementeryo ng ilang gabi. Subalit hindi niya ako pinabayaan at palaging ipinaparamdam sa akin na nasa tabi ko lamang siya.Matapos ang pag-iimbestiga ng mga pulis ay wala silang nakuhang matinong ebidensya na magtuturong si Veronica ang may gawa noon. Gayunpaman, ay pinaigting pa din ang paghahanap dito.Hindi na nasundan ang pananakot na iyon ngunit naging mas maingat pa din kami.Ang plano kong bumalik na sana sa sarili kong bahay ay hindi natuloy dahil sa nangyari.Si tatay ay nasa probinsya at binilinan ko itong doon muna manatili. Ayokong pati siya ay madamay sa kasamaang idinudulot sa amin ni Veronica.Lumipas ang sumunod na mga araw na hindi kami nagpaapekto sa ginawang pananakot at pagbabanta ni Veronica. Hatid at sundo pa din ako ni Mateo sa opisina pero nang nakaraan ay si Kuya Joel ang nagmaneho para sa akin dahil naging abala siya sa negosyo, bagay na naiintindihan ko."