"Sigurado ka ba'ng kaya mong magmaneho ngayong gabi? Kung bukas ka na lang kaya nang maaga umuwi?"
Ang nag-aalalang mukha ni Manang Dory ang pumigil sa akin palabas ng mansyon.
Linggo ngayon at tuwing weekend ay sa Hacienda Miraflor na ako natutulog. Natutuwa nga ang mga katiwala ng mansyon dahil mayroon na daw silang pagsisilbihan bukod sa pagpapanatili ng kalinisan sa buong kabahayan.
Hindi na lingid sa kanilang kaalaman ang sinapit kong kabiguan kay Mateo. Kahit pa hindi ko ito pormal na naipakilala sa kanila ay malugod naman silang natuwa nang ibalita kong ikakasal na ako rito. Kaya ganoon na lang ang kanilang pag-aalala sa akin nang malaman na hindi na ito natuloy.
"Kaya ko po manang, hindi pa naman po ganoon kalakas ang ulan."
Kung tutuusin ay maaari na akong dito magpalipas ng gabi kaya lang ay sarado pa din ang maikling daan mula rito hanggang sa bahay. Ayon sa balita ay mas lalo pa'ng lalakas ng ulan hanggang bukas ng umaga at kung h
Limang minuto ang naging byahe namin patungong presinto. Kaagad na gumawa ng report ang pulis na naroon habang ipinapasalaysay muli sa akin at doon sa lalaking may-ari ng kotse ang nangyari kanina, na animo'y isang malaking aksidente."Ikaw Miss Cassandra Vidal ay nabangga ang kotseng minamaneho ni Mr. Troy Montalban dahil ayon sa iyong salaysay ay hindi mo maaninag ang daan dahil sa lakas ng ulan at madilim sa lugar," pagbubuod ng pulis sa aming salaysay kanina.Tumango na lamang ako habang panaka-naka ang sulyap sa orasang nakasabit sa pader. Malakas pa din ang ulan at sa wari ko'y hindi na talaga ito titila ngayong gabi."Ano po ba ang gusto ninyong mangyari sir?" tanong nito sa lalaki na ang pangalan ay Troy.Tiningnan muna ako nito ngunit nang taasan ko siya ng parehong kilay ay bumaling ito sa pulis."Kung kakasuhan ko po ba siya sir, ilang taon din po kaya siyang makukulong?"Napaawang ang labi ko sa seryoso niyang pagtatanong.
Suot ang akong kulay maroon na pares ng pajama ay pinagmasdan ko ang sarili sa salamin.Magulo ang buhok, bakas ang kaunting itim sa ilalim ng mata at ang bahagyang pagbawas ng timbang. Ito ang aking nakikita.Sinubukan kong iangat ang magkabilang gilid ng aking labi upang makabuo ng isang ngiti ngunit hindi iyon umabot hanggang sa mata."Kumusta ka?" tanong ko sa aking sarili.Hindi pa ako okay. Ilang buwan na ba? Is it a year?Tama si Lesie I should start moving forward."Good morning!" Nakangiti kong bati kay tatay at kahit labag sa aking loob ay isang matamis na ngiti ang ibinigay ko kay Vivian.Bakas sa mukha nila ang pagkagulat lalo na nang umupo ako upang sumabay sa kanila sa pagkain ng agahan."Manang isa pa'ng plato para sa anak ko," masayang utos ni tatay.Si Vivian naman ay tila manghang-mangha na pinagmamasdan ang ayos ko ngayon.Nakasuot ako ng puting white top na naka-tuck-in sa pulang fi
"Good morning.""Hello.""Magandang umaga po."Halos hindi matapos si Troy sa kakabati sa mga empleyado kong nakakasalubong namin. Kaunti na lang ay iisipin ko nang kakandidato siyang mayor sa bayan namin.Siya ang pinapunta ni Mr. Theodere Montalban sa opisina upang dumalo sa board meeting. Hindi lamang kasi kami mag-su-supply ng cacao sa bakeshop nila ngunit nais din ng kan'yang mga magulang na ibenta ang mismong tsokolate namin sa ibang bansa kung nasaan ang mga branches nila.Ngayon nga'y ililibot ko siya sa Hacienda Miraflor at pagawaan ng Armira Chocolate. Hindi ko lang inaasahan na para pa lang artista o pulitiko itong si Troy dahil halos lahat ng babaeng empleyado ko ay tumigil sa pagtipa sa kanilang mga laptop ng dumaan kami sa harapan nila upang batiin siya.Alam niya naman ang daan patungong Hacienda Miraflor kaya't nagkan'ya-kan'ya na lamang kaming sasakyan.Bukas na ang maikling daan patungo doon kaya mabilis kaming nakar
Ang walang tigil na pagtunog ng aking telepono ang umistorbo sa aking pagtulog. Alas-tres pa lamang ng umaga ngunit inuulan na ako ng tawag."Manang Dory?" Binalot ako ng kaba nang makita ang pangalan ni Manang Dory sa telepono kaya kaagad ko itong sinagot.Ang ingay sa kabilang linya ang bumungad sa akin."Manang?" ulit ko nang hindi siya magsalita."Sandra, nasusunog ang bodega!" humahangos nitong sabi.Mabilis akong nagbihis at bumaba. Hindi ko na ginising pa si Kuya Joel at pinaharurot ang kotse patungong hacienda.Halos magkasabay lamang kami na dumating ni Attorney Sheldon doon.Maitim na usok na ang naabutan namin dahil naapula na ang apoy."Ano po'ng nangyari? May nasaktan po ba sainyo?" tanong ko kaagad kay Manang Dory."Wala hija. Ang bodega lang ang nasunog pero walang nasaktan." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.Subalit kaagad din naman iyong naputol nang makita kong abo na lamang ang na
Wala akong nagawa kun'di ang sumama sa night life na sinasabi ni Troy.Ayaw ko naman pabayaang mag-isa ang sekretarya ko. Paano kung malasing siya? Sigurado akong magagalit sa akin si Attorney Sheldon kapag hinayaan kong uminom nang may kasamang lalaki ang nobya niya.Sa The Wave's Bar kami nagtungo. Sa labas pa lang ang naririnig na ang lakas ng musika at hiyawan ng taong nagsasayawan.Napangiwi ako nang maamoy ang alak at sigarilyo. Samantalang si Lesie naman na nasa unahan ko ay panay na ang pagsabay sa beat ng tugtog habang naglalakad.Sa taas kami pumwesto. Kaagad na ininom ni Lesie ang ladies drink na in-order ni Troy, samantalang sa akin naman ay hindi ko pa nagagalaw."Hindi sa akin nag-re-reply si Sheldon! Sabi niya araw-araw kami mag-uusap pero hanggang ngayon wala!" Biglang sabi ni Lesie pagkatapos ng apat na shots ng tequila.Napapailing akong tumingin kay Troy na ngumingisi lang sa mga pinagsasabi ng kaibigan ko.Wala san
"Wala na po ba tayong mapapakinabangan pa sa mga 'yan?" Nanlulumo na ang pakiramdam ko habang tinititigan ang mga bulok nang bunga ng cacao.Nang isang araw pang sinusolusyonan ng mga magsasaka ang mga peste ngunit bawat araw na lumilipas ay tila dumarami ito. Ngayon nga ay nagsilagas na ang ilang bunga.Maaari na sana itong anihin sa susunod na araw ngunit hindi inaasahan ng mga magsasaka na mapapasok ng mga peste ang kalahati ng plantasyon."Wala na po. Inani na din po namin ang mga natitira pa'ng cacao upang kahit papaano'y mapakinabangan." Maging si Mang Carpio at ilang magsasaka ay bakas din ang lungkot sa mga mukha dahil sa sinapit ng farm.Ang mga naani pang mga cacao ay ipinadala pa din namin sa ilang supplier ngunit ipinabalik ito ng iba dahil sa hindi ito katulad ng mga dati pa naming inihahatid sa kanila."Kukuha raw sila ng supply ng cacao sa ibang plantasyon. Ang iba ay binigyan pa sila ng mas mababang halaga baka hindi maglaon ay iyon
Tatlumpong minuto na kaming naghihintay kay Veronica Solis sa conference room subalit 'ni anino nito ay wala pa.Gustuhin ko man na tawagan ito ay hindi ko magawa.Isang malaking tulong ang ibibigay ni Veronica sa hacienda kaya nararapat lamang na maghintay kami nang walang reklamo.Nang isang araw ay nagkausap na kami sa pamamagitan ng telepono. Malayo sa una naming pagkikita noon ay malumanay at mabait ang paraan ng kan'yang naging pakikipag-usap sa akin.Humingi kaagad siya ng tawad at ipinaabot niya din ito sa mga tauhan sa hacienda. Ayon sa kan'ya ay matahimik at simple na siyang namumuhay sa America kasama asawa at isang anak.Kinalimutan niya na raw at labis na pinagsisihan ang pagkakaroon noon ng masamang interes sa Hacienda Miraflor. Sinabi niya rin na natutuwa siyang malaman na nakakagawa na kami ng sariling produkto ng tsokolate, na siyang natikman niya sa isang filipino store."Nais kong makabawi sa'yo at kay Kuya Arman. Na
"Ang kapal ng mukha ng ex mo!" bulyaw kaagad ni Lesie nang makapasok kami sa loob ng aking opisina.Sinabihan ko si Mateo na mamaya na lamang kami mag-uusap."Kung umakto siya parang hindi ka niya iniwanan noon nang walang pasabi. He didn't even apologize sa naudlot niyong kasal."Parang mas galit pa sa akin si Lesie sa tono ng pananalita niya. Pabaling-baling din ito nang lakad sa harapan ko."He said sorry." Naalala ko pa ang huling mensahe na ipinadala niya nang araw bago ang aming kasal.Tinaasan ako ng parehong kilay ni Lesie at umupo sa swivel chair na nasa aking harapan."Talaga?" Hindi ko pa iyon naikwento sa kan'ya."He texted me the day before our supposed wedding."Ibinaling ko ang mga mata sa mga papeles na nasa aking lamesa. Nagkunwari akong may binabasa doon upang makaiwas sa mga susunod pang tanong ni Lesie. Mausisa siya lalo na sa nararamdaman ko kaya sigurado akong hindi siya titigil sa pagtatanong.
Who says I don't have a choice? "Kanina pa kita tinatawagan Mateo!" Bakas ko ang inis sa tono ng pananalita ng aking misis. Bumusina ako sa mabagal na pagpapatakbo ng sasakyan sa aking unahan. Mabilis akong nag-overtake dito. Naghuhuramentado na ang asawa ko sa galit. "Mahal, I'm sorry dumaan pa ako sa opisina. You know I can't just leave my job and come over to see you when you call." Napaka-demanding niya nitong mga nagdaang araw. Gusto niya na sa isang tawag lang ay naroon na ako sa tabi niya, kahit pa naroon siya sa probinsya, na dalawang oras ang layo sa Hacienda Miraflor. "Isa pa ay pinahanap mo ako ng mangga." Pinasadahan ko ng tingin ng manggang hilaw na nakalagay sa isang supot ng plastic. Napapailing na lamang ako kapag naaalala kung paano ako humingi nito sa may-ari ng punong mangga na nadaanan ko kanina. Detalyado ang gusto ni Cassandra. Gusto niya ng mangga na mayroong pa'ng tangkay at dahon. Ang tangkay na i
"Cassandra, are you sure about it? Maayos naman na ang lahat. Nakakulong na si Veronica at wala nang banta sa buhay n'yo." Napirmahan ko na ang mahalagang dokumentong hiningi ko kay Lesie subalit iyon pa din ang katanungan niya."Mateo will not accept it for sure," ani Attorney Sheldon na nandito sa opisina dahil kinailangan ko ang kan'yang pirma."Sigurado ako. I think about it a couple of times. Isa pa'y hindi niya na ito matatanggihan dahil pirmado ko na."Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso kami ni Mateo sa sementeryo. Sa dami ng mga nangyari ay nararapat lamang na bisitahin namin si nanay at si Arman pati na rin ang ama nila ni Mateo."Daddy. Tatawagin na kitang daddy dahil sabi ni Manang Dory ay iyon din naman ang itinuturo mo sa akin na tawagin ko sa'yo. Dad at kuya Arman, tapos na. We finally beat Ate Veronica and the devil inside her. Malaya at ligtas na ulit ang Hacienda Miraflor na pinaghirapan niyong buuin."Napangiti ako sa sinabi
Hawak-hawak si Veronica at ang gatilyo ng baril ay paatras kaming naglakad ni tatay palabas ng silid. Umaatras ang mga tauhan sa takot na totohanin ko ang pagbaril sa kanilang amo.Hindi ko gustong pumatay dahil masama iyon, subalit sa puntong ito ay desidido na ako.Pagbaba ng hagdanan ay sinalubong kami ng mga tauhan ni Veronica, na nagbabantay sa labas. Subalit kaagad din silang umatras nang makitang bihag ko ang amo nila."'Tay buksan n'yo na po ang pintuan." Utos ko kay Tatay na mabilis niya naman tinugunan."Mga walang kwenta kayo! Kunin n'yo ako sa babaeng ito!" bulyaw ni Veronica sa mga tauhan niya subalit puro porma lamang ng baril nila sa akin ang nagagawa ng mga ito.Tagumpay na nabuksan ni tatay ang pintuan, nang maramdaman ko ang samyo ng hangin sa aking likod mula sa labas."Mateo! Salamat," sigaw ni tatay dahilan upang mabilis akong mapalingon.Marami na ang pulis sa labas at kasama na roon si Mateo. Nakahinga ako nang
Sanay ako na pumirma ng sandamakmak na papeles sa buong araw, subalit ang ipinapagawa ni Veronica ang napakahirap sa lahat.Pinagmasdan ko si tatay, habang kinakalagan ng isa sa mga tauhang ang aking tali sa kamay. Panay ang pagpalag niya sa tauhan na pilit siyang hinahawakan sa braso. Siya at si Mateo na lamang ang mayroon ako. Ayoko na mawala ang isa man sa kanila.Hindi ko maikakaila na nagtanim ako ng sama ng loob kay tatay, dahil minsan sa buhay ko ay hindi siya naging mabuting ama. Iniwan niya kami ni nanay dahilan upang mapilitan akong magtrabaho sa club. Subalit, kagaya nga ng sinasabi nila, everything happens for a reason. Nakilala ko si Arman dahil sa pagtatrabaho sa club, na siyang nagbigay sa akin ng magandang buhay ngayon. Dahil dito ay nakilala ko din si Mateo.Nagawa man kaming iwanan noon ni tatay ay muli niya naman ipinaramdam sa akin ang pagmamahal nang mawala si nanay. Sapat na iyon makabawi siya sa akin."Pirmahan mo na!" sigaw ni Vero
Kanina pa ako pabalik-balik nang lakad sa aking opisina ngunit hindi pa rin ako makapag-isip ng idadahilan kay Cassandra. Ayoko na sana magsinungaling sa kan'ya pero kinakailangan.Tumunog ang aking telepono. Isang mensahe mula may Sheldon. Tinatanong kung nasaan na ako.I suppose I have no choice but to tell a lie. It will be the last, I promise.Mayroong police operation na gagawin sa isang abandonandong bodega. Isang hindi nagpakilalang tao, na nakakita daw kay Veronica, ang nagbigay sa amin ng impormasyon.Ayokong ipaalam iyon kay Cassandra dahil panigurado akong sasama siya. Delikado ang operasyon at nagpumilit lamang kami ni Sheldon sa mga pulis na sumama.Nang pumasok ako sa opisina ni Sandra parang ayoko na lang umalis. Suddenly, I want to go home with her. Subalit hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataon na mahuli ang taong nag-iisang hadlang para maikasal ako sa babaeng pinakamamahal ko."I'll meet my siblings." Alam ko'ng maha
Mr. Morales wife was under the witness protection program. Bilang bihag ni Veronica ay nasaksihan niya ang kasamaan na ginawa nito. Humiling sa amin ang abogado ni Mr. Morales na pati ito ay gawing witness subalit si Attorney Sheldon na mismo ang tumanggi.Habang patuloy ang paglilitis sa kaso at paghahanap kay Veronica ay bumalik kami ni Mateo sa trabaho. Ipinasara niya na ang kan'yang negosyo at sa totoo lang ay labis akong nalulungkot para sa kan'ya. Mas madalas na siyang nasa opisina at nagtatrabaho kasama ko."Mahal," tawag niya sa akin nang marahan nitong binuksan ang pintuan ng aking opisina. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita siya.It was a stressful but a blessful day. Nagsisimula na kaming tumanggap ng mga bagong kliyente at umaasa kami na magtutuloy-tuloy na ito."Yes?" Tumayo na ako upang ihanda ang aking gamit. Mag-aalas sais na nang gabi."Hindi pa ako uuwi. Pinatawag ko na si Kuya Joel. Siya muna ang maghahatid
“Manang, nand’yan na po ba si Mateo?” tanong ko kay manang Dory nang salubungin niya ako sa pungad ng mansyon.“Wala pa hija,” sagot niya.Kagaya nang nagdaang mga araw ay malalim na ang gabi kung umuwi si Mateo. Hanggang ngayon ay pilit niya pa din na nilulutasan ang problemang kinakaharap ng kan’yang negosyo.Ang mga materyales na ipinadala sa kanila ay mababa ang kalidad taliwas sa nakasulat sa kontrata. Mariin na itinanggi ng supplier na sa kanila nagmula ang mga produkto. Kilala ang supplier ni Mateo na mayroong mga de-kalidad na materyales. Inimbestigahan ngayon ang pagkakaroon ng anomalya sa transaksyon.Kinuha ko ang aking cellphone. Mayroong mensahe doon si Mateo, ipinapaalam na pauwi na siya. Napangiti ako.“Ipaghahanda na kita ng hapunan.”Kahit na maraming ginagawa ang aking nobyo ay hindi pa din ito pumapalya na ipaalam sa akin kung nasaan na siya at kung ano ang kan’yang gin
We drove straight home after dinner. Mabagal lamang ang pagmamaneho ni Mateo dahil panay ang pagsagot nito ng mga tawag, kaya hindi ko napigilan ang pumikit. Dumilat lamang ako nang natahimik siya, subalit hindi niya pa man naibababa ang telepono ay isang panibagong tawag muli ang dumating.Kumunot ang kan’yang noo nang makita ang numero doon bago bumaling sa akin.Attorney Sheldon was calling him. Madalang na tumawag ito nang gabi sa kan’ya, maliban na lamang kung mahalagang bagay ang sasabihin nito.“Hello Sheldon, napatawag ka?”Inilagay niya sa loudspeaker ang telepono kaya naririnig ko ang ingay sa kabilang linya.“Where are you?” Humihingal ang boses nito.Tiningnan ako ni Mateo bago siya sumagot. “We’re heading home.”“Alright, keep your guards up. Kumikilos na naman si Veronica.”Humina ang pagmamaneho ni Mateo. Ako na ang sumagot kay Attorney. I know the
Hindi ako pinatahimik ng senaryong nakita namin ni Mateo sa sementeryo ng ilang gabi. Subalit hindi niya ako pinabayaan at palaging ipinaparamdam sa akin na nasa tabi ko lamang siya.Matapos ang pag-iimbestiga ng mga pulis ay wala silang nakuhang matinong ebidensya na magtuturong si Veronica ang may gawa noon. Gayunpaman, ay pinaigting pa din ang paghahanap dito.Hindi na nasundan ang pananakot na iyon ngunit naging mas maingat pa din kami.Ang plano kong bumalik na sana sa sarili kong bahay ay hindi natuloy dahil sa nangyari.Si tatay ay nasa probinsya at binilinan ko itong doon muna manatili. Ayokong pati siya ay madamay sa kasamaang idinudulot sa amin ni Veronica.Lumipas ang sumunod na mga araw na hindi kami nagpaapekto sa ginawang pananakot at pagbabanta ni Veronica. Hatid at sundo pa din ako ni Mateo sa opisina pero nang nakaraan ay si Kuya Joel ang nagmaneho para sa akin dahil naging abala siya sa negosyo, bagay na naiintindihan ko."