Tatlumpong minuto na kaming naghihintay kay Veronica Solis sa conference room subalit 'ni anino nito ay wala pa.
Gustuhin ko man na tawagan ito ay hindi ko magawa.
Isang malaking tulong ang ibibigay ni Veronica sa hacienda kaya nararapat lamang na maghintay kami nang walang reklamo.
Nang isang araw ay nagkausap na kami sa pamamagitan ng telepono. Malayo sa una naming pagkikita noon ay malumanay at mabait ang paraan ng kan'yang naging pakikipag-usap sa akin.
Humingi kaagad siya ng tawad at ipinaabot niya din ito sa mga tauhan sa hacienda. Ayon sa kan'ya ay matahimik at simple na siyang namumuhay sa America kasama asawa at isang anak.
Kinalimutan niya na raw at labis na pinagsisihan ang pagkakaroon noon ng masamang interes sa Hacienda Miraflor. Sinabi niya rin na natutuwa siyang malaman na nakakagawa na kami ng sariling produkto ng tsokolate, na siyang natikman niya sa isang filipino store.
"Nais kong makabawi sa'yo at kay Kuya Arman. Na
"Ang kapal ng mukha ng ex mo!" bulyaw kaagad ni Lesie nang makapasok kami sa loob ng aking opisina.Sinabihan ko si Mateo na mamaya na lamang kami mag-uusap."Kung umakto siya parang hindi ka niya iniwanan noon nang walang pasabi. He didn't even apologize sa naudlot niyong kasal."Parang mas galit pa sa akin si Lesie sa tono ng pananalita niya. Pabaling-baling din ito nang lakad sa harapan ko."He said sorry." Naalala ko pa ang huling mensahe na ipinadala niya nang araw bago ang aming kasal.Tinaasan ako ng parehong kilay ni Lesie at umupo sa swivel chair na nasa aking harapan."Talaga?" Hindi ko pa iyon naikwento sa kan'ya."He texted me the day before our supposed wedding."Ibinaling ko ang mga mata sa mga papeles na nasa aking lamesa. Nagkunwari akong may binabasa doon upang makaiwas sa mga susunod pang tanong ni Lesie. Mausisa siya lalo na sa nararamdaman ko kaya sigurado akong hindi siya titigil sa pagtatanong.
"Troy pasensya ka na kay Lesie, nag-aaya ng iba," kaagad kong paghingi ng paumanhin kay Troy nang makasakay kami sa loob ng kotse.Sa aming likod ay ang sasakyan ni Mateo."Okay lang naman. Besides, kilala n'yo naman siya. Siya ba 'yong bagong myembro ng board?"Hindi ko pa naikwekwento sa kan'ya ang tungkol kay Mateo."Oo," tipid kong sagot."Ex-boyfriend at run-away groom ni Sandra. Multo ang lalaking 'yan. Ghoster!" dagdag pa ni Lesie dahilan upang mangunot ang noo ni Troy.Tiningnan ko nang masama ang madaldal kong kaibigan, na nasa shotgun seat. Lumingon siya sa akin at nakakaloko pa'ng ngumiti."Loko pala siya kung gan'on," tila naiinis na sabi ni Troy.Siya na ang palagi namin nakakasama ni Lesie sa halos lahat ng lakad namin sa labas. Masasabi kong kaibigan ko na din siya."Kaya nga lalasingin natin siya." Mariin akong napapikit sa sinabi ni Lesie. Sinasabi ko na nga ba, may masama siyang binabalak kaya isi
Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako kinabukasan dahil sa ikalawang beses na pagbalik ni manang sa tapat ng aking kwarto upang gisingin ako.Hindi niya naman ako kinakatok sa kwarto lalo na sa umaga kung wala siyang kailangan.Papungas-pungas ang matang nagtungo ako sa pinto."Magandang umaga po," bati niya.Nginitian ko siya pabalik.Pakiramdam ko'y lumulutang ako dahil sa kakulangan ng tulog.Matindi talaga ang epekto ng alak sa akin kahit kaunti lang naman ang ininom ko."Nasa labas po si Sir Mateo, may meeting daw po kayo."Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya. Tila nawala ang pagkaantok ko."Sigurado po kayo manang?" Alam ko naman na hindi nagagawang magbiro sa akin ng mga kasambahay namin pero hindi ko pa rin maiwasan na magduda sa sinabi niya."Sa katunayan nga po, kanina pa siya nasa ibaba. Sinabi ko po na tulog pa kayo pero maghihintay daw po siya."Tumingin ako sa orasa
"He's late. Kung pinag-usapan na natin ang tungkol sa hacienda sana'y tapos na tayo." Ang reklamong iyon ni Mateo ang nagsilbing background music ni Troy habang humahangos itong tumatakbo palapit sa amin sa may pintuan ng factory.Akala ko'y hindi niya nabasa ang text message ko dahil isang oras na kaming naglilibot ni Mateo sa loob ng pabrika."I'm sorry, I'm late," he apologized as he was only looking at me.Kung tutuusin ay hindi niya naman kailangang humingi ng tawad dahil ako itong humihingi ng pabor na handa niya naman sakyan."Let's start then, para makapag-usap na kami Cassandra," sabat ni Mateo sa amin.Hindi siya pinansin ni Troy at inakbayan ako papasok ng pabrika.Mabilis siyang maglakad na animo'y sinasadya talagang iwan si Mateo.Tumigil kami sa sanitation area upang magbihis at maglagay ng net sa buhok at gloves naman sa kamay."Wait, ayusin ko lang 'to," ani Troy habang pinapasok sa loob ng hair net ang ilang hi
It was a rainy Sunday when Mateo came into our house.Si Manang ang nagbukas ng gate para makapasok siya, subalit sa hamba pa lang ng aming pintuan ay hinarangan na siya ni tatay."Ano'ng ginagawa mo dito?" Sa tinig ni tatay ay alam kong galit ito.Pumagitna ako sa kanila."Nandito po ako para sunduin si Sandra," magalang na pagkakasabi ni Mateo."Bakit?" Bago pa man makasagot si Mateo ay bumaling na sa akin si tatay nang hawakan ko ang braso niya."Nakipagbalikan ka ba dito? Sasaktan ka lang nito ulit." Kung makapagsalita ang aking ama ay parang wala sa aming harapan si Mateo.Hindi ko rin naman siya masisisi dahil totoong nasaktan ako.Itinago ko iyon sa mga tao maging kay tatay. Hindi niya ako tinanong o kinumusta man lang tungkol sa nangyari kaya buong akala ko ay hindi siya nag-alala sa akin. But seeing him get mad at the man who hurt her daughter gives me so much comfort. Pakiramdam ko'y wala nang sinuman ang makakapanaki
I took a leave from the office for about three days. I spend my time working with people on the farm. "Doon ka na kaya sa mansyon, naiilang na magtrabaho ang mga tao sa'yo dahil nakatutok ka dito," ani Troy. Pinagmasdan ko ang paligid. Nasa kabilang bayan ako kung saan namin nabili ang bakanteng lupa. Nagsisimula nang linisan ng mga magsasaka ang masukal na lupain upang mapagtaniman ng mga cacao. Mga bagong magsasaka na dito lang din sa bayan ang binigyan namin ng trabaho. Tama nga si Troy panay ang tingin nila sa akin, kumpara sa hacienda na kahit nandoon ako ay hindi nahihiyang magpahinga kung nakakaramdam ng pagod. Tumalikod ako at nagpaalam kay Mang Carpio. Kailangan ko na din naman bisitahin ang pabrika para sa bagong recipe ng tsokolate na gawa ni Troy nang nakaraan. Nagsimula lang iyon sa biruan pero tinotoo niya na. "Kailangan ka na daw sa opisina," sabi ni Troy nang makasakay kami ng kan'yang kotse pabalik ng Hacienda Miraflor.
Bumalik na ako sa opisina nang sumunod na mga araw para sa mga trabahong naiwan. Kahit ano man na pag-iwas ko kay Mateo ay magkikita at magkikita pa din kami. "Miss Cassandra, at 5 pm meeting with the supplier of seeds, pesticides, fertilizers and etcetera," masayang pagpapaalala sa akin ni Cassandra nang sumapit ang hapon. Unti-unti ko nang natatanaw ang pag-asa ng Hacienda Miraflor, kahit wala pa kaming gaanong kliyente dahil kinukuha muli namin ang tiwala ng mga ito. Higit sa lahat ay naghihintay pa kami na maging matatag ang plantasyon. Alas-sinko nang hapon ay nasa isang farm na ako sa karatig lalawigan. "Magandang hapon Miss Cassandra," bati sa akin ng may-ari ng farm na si Lucas. Maliit lamang ang farm ngunit sa tingin ko'y kompleto naman ang mga produktong i-su-supply nila sa akin. "Magandang hapon din. Tara na." Ako na ang nag-aya dito na ipakita ang mga kakailanganin kong produkto para sa plantasyon dahil
Naging abala ang Hacienda Miraflor sa pag-aayos ng venue kung saan gaganapin ang training at seminar para sa mga magsasaka.Malaking tulong ito para madagdagan ang kaalaman ng mga trabahador ng hacienda."Wala yata si Troy," ani Manang Dory habang nasa kusina kami ni Mateo at kumakain ng meryendang inihanda niya.Kami lamang ni Mateo ang narito para i-organisa ang aktibidad."Busy po," simple kong sagot.Sinalinan kami ng tubig ni manang sa aming mga baso bago ito umupo sa harapan namin."Ikaw pala si Mateo," aniya habang nakatitig kay Mateo, na tumigil sa pagsubo ng pagkain upang ngitian si manang."Opo," tipid na sagot nito.Hindi ko pa sila pormal na naipapakilala dahil pumupunta rin naman dito si Mateo, sa isip ko'y kilala na siya ni manang."Bata pa lamang noon si Arman ay naninilbihan na ako dito sa mansyon. Alam ko kung paano mahalin ni Don Victornino si Doña Miraflor kaya noong nawala ito ay hindi na