Chapter 72“Bakit ba ang sungit mo?” Niyuko ni Van ang ulo at umupo ito ng maayos para tignan si Belinda ng maigi, pero napakagat na lang si Van sa labi niya nang makita ang masamang tingin na ipinukol ni Belinda sa kanya.Nakaayos na ulit ang upuan na kanina ay ginawang kama ni Van kaya parehas na silang nakaupo sa upuan.“Bakit ba ang ganda mo?” Van asked while biting his lips and while looking at Belinda. Mas lalong tinignan ni Belinda ng masama si Van dahil sa sinabi nito, pero ang totoo ay halos kumabog na ng mabilis ang dibdib ni Belinda sa sinabi ni Van.Iba talaga ang epekto kay Belinda kung si Van na ang nagsalita. Imbes na pansinin ang sinabing iyon ni Van ay agad lang na tumayo na lang si Belinda.“Sa comfort room lang ako.” Hindi na hinintay at tinignan ni Belinda si Van at agad lang na umalis.Nang tuluyang makapasok si Belinda ay kagat-kagat niya ang labing tinignan ang sarili. Hindi pa rin siya makapaniwala na ginawa nila ang bagay na iyon sa loob ng eroplano. Sobrang p
Van sighed as he remembered what was happening in his life again. Habang iniisip niya ang mga nangyayari sa buhay niya, biglang gusto na lang niyang kausapin si Belinda at sabihing magkalayo-layo na at huwag nang bumalik. It sounded so immature that he thought of running away, pero talagang nahihirapan na si Van sa nangyayari sa buhay niya.Van didn’t open his phone even though they were already in their hotel room. Ayaw niyang makatanggap ng tawag mula sa pamilya niya at kay Zy. He wants to focus on Belinda today and the remaining days of this trip.Ayaw niyang maistorbo sila ng kung sino.“Tigman mo!” Lumapit si Belinda kay Van na nakaupo sa high chair sa harap ng lamesa sa kusina. Hawak-hawak ni Belinda ang isang sandok kung saan nakalagay ang sabaw na niluluto niya, pero ang sabaw na iyon ay nilagyan ni Belinda ng maraming suka. Van didn’t know that; biglang gusto ni Belinda na lang inisin si Van.Pagkalapit ni Belinda, agad na hinawakan ni Van ang bewang nito para mapalapit. Haba
Chapter 74“Kaya siguro ang lupit ng buhay sa akin kasi darating ka para pagaanin ang buhay ko, para iparamdam sa akin na kamahal mahal ako,” Belinda said as her tears flowed."Salamat. Maraming salamat kasi dumating noong mgaa oras na iyon. Siguro, kung hindi ka dumating noong araw na iyon, mababaliw ako."Napayuko si Belinda saka napapikit. Bigla itong natawa ng kaunti at pinunasan ang luha sa mata niya.“Sorry, OA na ba?” natatawang ani ni Belinda, pero hindi nagbago ang expression ni Van.Nakatitig lang si Van kay Belinda gamit ang malambot at sobrang pungay na mga mata. Muli ay kinakain nanaman si Van ng konsensya dahil sa mga kasinungalin niya kay Belinda. Belinda shouldn't say those words to Van. In fact, Van shouldn't be saying sorry to Belinda.Nakagat na lang ni Belinda ang labi nang makita ang tingin ni Van sa kanya.“Oh? Anong tingin yan?” Van sighed and pulled Belinda. Hinila niya si Belinda at saka niyakap. Napatingala na lang tuloy si Van habang yakap-yakap si Belinda
Kinabukasan, walang gana ang dalawa sa paglabas. It was like they already enjoyed that one day yesterday that they didn't think of going somewhere again.Parang sa lahat ng nangyari kahapon, gusto na lang nilang mag-enjoy ng sila lang dalawa sa loob ng hotel.They just spent their time together inside their hotel. Walang kasawaan silang nag-usap ng kung ano-ano at nag-asaran.The next day, they already had the strength again to go somewhere.“So this is the Louvre Museum? The most visited museum in the world?” Manghang nilibot ni Belinda ang buong tingin sa paligid. Maraming tao at kanya-kanya sila sa pagkuha ng litrato.“Bakit ba palagi ka na lang namamangha sa mga nakikita mong lugar? Try looking at the mirror, you'll see the most beautiful view in this world.”Napangiwi si Belinda. “Tumigil ka nga. Nambobola ka nanaman. Hindi ka ba nagsasawa?”“Hanggang kailan mo ba sasabihin at iisiping nambobola lang ako? You're really prettier than anyone and any place we go.”Nilagay ni Belinda
Matagal bago kumalma si Belinda. Belinda didn't know why she became so emotional after that dream. Halos hindi siya humiwalay ng yakap kay Van habang iniisip pa rin ang panaginip.It looked so real na talagang natakot siya na totoong iiwan siya ni Van at hindi siya mahal ni Belinda.Hindi alam ni Belinda kung kailan nagsimula o paano, but Belinda was really afraid that Van was really going to leave her. Pagkatapos ng mga masasayang alaala na naramdaman niya mula nang makilala niya si Van ay pakiramdam niya hindi na niya kaya kung sakali mang iwan siya nito.Belinda was still clear in her mind kung saan sila nagsimula, but Belinda wanted to be selfish. Gusto niyang huwag siyang iwan ni Van dahil hindi man niya inaasahan, masyado na siyang nakadepende kay Van. masyado siyang sinanay ni Van kaya kahit na isipin lang na iiwan siya ni Van ay halos manghina na siya.“H-Huwag mo akong iiwan.” Hindi na umiiyak si Belinda, pero malinaw sa boses niya ang sobrang panginginig nito. Napapahikbi pa
“Ang baho mo!” Nalaglag ang panga ni Van nang marinig ang sinabi ni Belinda. They are already in their bed.Nakahiga na si Belinda kaya tumabi si Van. He is about to hug Belinda, para matulog na rin sa tabi niton pero hindi natuloy nang biglang sabihin iyon ni Belinda. Hinawakan ni Belinda ang ilong niya nang sinubukan ulit ni Van na lumapit sa kanya.“No! Ang baho mo. Doon ka! Lumayo ka!” Hindi alam ni Belinda kung bakit parang naduduwal siya sa amoy ni Van. Amoy na hindi niya maintindihan. Nababahuan siya kay Van gayong bagong ligo naman ito, pati siya ay talagang naguguluhan sa sarili niya.Van starts smelling himself. “I'm not. Hindi ako mabaho.” Hindi mapigilan ni Van ang tingnan si Belinda ng may pagtatanong.“What's happening with you? A while ago, you said mabaho iyong carbonara, and now? What? Ako? Mabaho? Damn it. Do you know that this is the first time na nasabihan akong mabaho?” Natatawang ani ni Van, pero natigil din sa pagtawa nang makitang hindi man lang natawa si Bel
Nanghihinang napahawak si Belinda sa pader nang sinubukan niyang tumayo. Nahihilo na rin si Belinda. Belinda tried everything para pumunta sa sink. Agad siyang naghugas at naghilamos, and then she looked at her face.Umawang na lang ang labi ni Belinda nang mapatitig siya sa mukha niya."What is really happening to me?" Nanghihinang tanong niya at saka pumikit ng mariin. She did everything to stand up straight and leave the bathroom kahit na nanghihina siya at nahihilo pa rin.Pagdating sa kwarto at sa kama, agad siyang humiga. She closed her eyes and tried everything to make herself calm. Ilang minutong tahimik ang paligid. Ilang minutong nakapikit lang si Belinda hanggang sa mapamulat siya at agad napaupo.Biglang nanlaki ang mata niya at kinuha ang phone. She started looking at the calendar on her phone. Nanginginig pa ang kamay ni Belinda habang nakahawak na sa cellphone niya hanggang sa mapatakip na lang siya sa labi nang makita kung anong petsa sa araw na iyon.Magtatapos na a
“Where are you going?” Lia looked at Warren when he asked that.Paglabas kasi ni Lia sa kwarto nila Belinda ay agad siyang nagtungo sa pinto para lumabas at bumili ng pregnancy test for Belinda.Lia already wanted to buy a pregnancy test, and Lia was really excited to know the result. Gusto niya na agad makabili non para masigurado na nila kung buntis na nga ba si Belinda.If Belinda is pregnant, isa si Lia sa magiging masaya dahil alam niyang magiging mabuting magulang si Belinda and Lia knows how Belinda deserves to be happy and build her own family. Masyado nang masakit ang mga pinagdaanan ni Belinda kaya gusto ni Lia na maging masaya na si Belinda.Sa sobrang tagal na nilang pagsasama ay alam ni Lia kung gaano kagusto ni Belinda ang makaramdam ng pagmamahal mula sa pamilya niya, but even if Belinda did everything para maging proud ang papa niya, wala pa rin itong kwenta para sa papa niya.So knowing that she can freely feel that love if she is really pregnant made Lia really happy
Mariing pumikit si Cheska at hinimas ang batok niya, sinusubukang kalmahin ang sarili. Pero nang marinig niya ang pag-andar ng makina, agad siyang sumakay sa front seat, hindi na nag-isip pa. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya—parang may kung anong sumasakal sa dibdib niya habang pinagmamasdan si Azrael na tila ba hindi siya nakikita.Pagkaupo niya sa passenger seat, agad niyang nilingon si Azrael. Walang emosyon ang mukha nito, at tila ba tumagos ang katahimikan ng buong sasakyan sa balat niya."Hindi ba talaga kita makakausap ng matino?" Tanong ni Cheska at napapikit dahil sa suot nitong earbud, hindi siya sigurado kung naririnig ba siya nito o ano.Hindi na nakatiis si Cheska. Inabot niya ang kanang tainga ni Azrael at biglang inalis ang isang earbud. Kasabay ng pag-alis niya roon ay ang biglang pag-ikot ng mukha ng lalaki para tignan siya, puno ng iritasyon at pagkabigla.“What the fvck you fvcking think are you doing?” Inis na ani ni Azrael, masyadong diretso
Paglabas ni Cheska ng pinto ay agad siyang luminga sa magkabilang direksyon ng hallway, hinahanap ang pamilyar na porma ni Azrael. Mabilis ang pintig ng puso niya—hindi niya alam kung dahil ba sa kaba, inis, o… baka pareho, ewan, pati siya ay talagang nagugulugan sa nararamdaman. Kaso sa magkabilang dereksyon iyon ay wala siyang nakitang Azrael.“Ang bilis naman niya?” bulong ni Cheska sa sarili, bitbit ang iritang hindi niya maipaliwanag.Napahawak na lang si Cheska sa sintido. Dalawa ang elevator doon at sa dalawang hallway din ang daan kaya hindi niya alam kung alin sa dalawa ang sinakyan ni Azrael o tinungo nito.“Dito na nga lang!” Inis na ani Cheska sa sarili. Bahagyang nabunutan siya ng tinik nang makita niya ang pamilyar na likod nito—nakatayo, nakaharap sa elevator, at tila malapit nang sumakay. Mabilis ang lakad ni Azrael at may mga bumating nurse pa nga dito, dahil nga kilala ito doon, pero wala man lang itong pakealam o pinansin man lang. Diretso lang. Walang tingin. Walan
“Huwag ka kasi mag-alala. Kaya ko ang sarili ko, at mabait naman iyong boss kong iyon kahit medyo bugnutin. Kaya relax ka lang diyan."Ngumiti si Cheska pagkatapos sabihin iyon. Naiintindihan naman ni Cheska kung bakit nag-aalala ang kaibigan. Hindi rin naman ito ang unang beses na subra ang pag-aalala ng kaibigan dahil sa lalake.Bumuntong-hininga si Cris, halatang napapaisip.“Kaya kumain na lang tayo nito. Sayang din, at saka para kang tanga magtampo—Shit!”Napasinghap si Cheska nang maramdaman ang malamig at malagkit na icing ng yema cake sa pisngi niya. Napapikit siya sa gulat, halos hindi makapaniwalang pinahiran din siya ni Cris ng yema cake sa mukha, gaya ng ginawa niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, naglalagablab ang titig, at unti-unting inangat ang ulo papunta kay Cris.Nakita niya itong may mahinang tawa habang hawak pa ang daliring may natirang icing, kitang-kita ang kalokohan sa mukha. Parang batang nakaiskor ng kalokohan.“Cris...” seryoso ang boses niya, m
"Kamusta po ang kapatid ko, Doc? Okay lang naman po siya, hindi ba? Matagal na din po kasi kami rito at palaging na dedelay ang operasyon ng kapatid ko. Medyo nag-aalala na rin po kasi ako at ang laki na ng bill namin dito. Nagmukha na ngang hotel itong hospital para sa amin ng kapatid ko kaya gustong gusto ko na pong malaman kung bumubuti na po ang lagay ko." Tuloy tuloy na tanong ni Cheska dahil nabalitaan niyang tapos na ang panibagong test na ginawa nila sa kapatid niya.Ngumiti ang doctor bago sumagot,“Bumubuti ang lagay ng kapatid mo, so we are really happy to say that we are going to schedule the operation for him next month, first week.”Nagliwanag ang mukha ni Cheska sa narinig mula sa doctor. Hindi ito iyong tita ni Azrael dahil naka-leave daw ito—kaya’t iba ang naka-assign na doktor na sumuri at dumalo sa kapatid niya ngayon. Ngunit kahit iba ang kausap niya, dala pa rin ng balitang iyon ang matinding ginhawa at pag-asa.“And na-inform na din namin si Dr. Villariva. We su
Napasulyap si Cheska kay Azrael, and Azrael just sighed. Biglang lumambot ang tingin nito at hindi tulad kanina na halos umigting na ang panga.“I’m really happy na nandito ka ngayon para sa anak ko,” masayang ani Daviah habang hindi pa rin binibitawan si Cheska. “Nandito sana ako para pagalitan siya. Pasensya ka na sa anak ko, ha. Nalaman ko kasing puro trabaho ang inaatupag nitong mga nakaraang araw. Hindi man lang siya makapaglaan ng oras para sayo. Sana hindi ka magsawa sa kanya.”Napatingin si Azrael sa ina, agad na sumabat, “Saan mo ba kasi nalaman yan, Ma? I told you, napag-usapan na namin ng girlfriend ko na kapag tungkol sa trabaho ay ayos lang kung—”“No way! Ayos lang? I told you, magsasawa siya kapag palagi kang busy sa trabaho!” Pagalit na ani ng kanyang ina kaya napahawak sa batok si Azrael.“She won’t. Hindi siya magsasawa sa akin and I am making my way para magkasama naman kami—and you don’t need to meddle in our relationship, Ma.” Mahinahong sagot ni Azrael, ngunit bu
“Get a day off today. Spend time with your girlfriend! Hindi ka naman kailangan sa kompanya kaya–”“Kailangan ako sa kompanya, Ma. I’m the boss–”“Come on! Hindi ikakabagsak ng kompanya ang isang day off ng boss!”Naalimpungatan si Cheska nang makarinig ng pag-uusap at pagtatalo sa kung saan.Mabigat ang talukap ng mga mata niya habang dahan-dahan itong iminulat. Ang una niyang napansin ay ang malambot na kutson ng sofa sa ilalim ng kanyang likod. May kumot na nakabalot sa kanya, at may unan sa ilalim ng ulo niya.Kumunot ang noo ni Cheska. Hindi niya maalala kung kailan siya nahiga nang maayos doon, pero masarap ang pakiramdam ng init ng kumot—parang may sumilong na yakap sa buong katawan niya. Sinalubong din siya ng mahinang aroma ng nilulutong pagkain—bawang na piniprito, longganisang medyo nanunuyot na sa kawali, at ang pinong halimuyak ng piniritong itlog. Lahat ng iyon ay humaplos sa kanyang ilong, tila inaakay siya na bumangon na.Napaupo siya, marahang itinulak ang kumot at na
Binuka ni Cheska ang labi, handang magsalita ulit—siguro para kontrahin siya, siguro para lang mapanatili ang kaunting distansya sa pagitan nila. Pero sa huli, isang mahabang buntong-hininga na lang ang pinakawalan niya. Tinitigan niya si Azrael, hindi gumalaw, hindi rin siya gumawa ng anumang hakbang para paalisin ito sa pagkakahiga sa kanyang hita.Alam naman kasi talaga ni Cheska na pagod na ito, kahit sino ay mapapagod pagkatapos ng nangyari kanina. Ni hindi nga naisip ni Cheska na hanggang ngayon ay gising pa ito gayong kanina pa niya nakikita ang pagod sa mata niya at gusto ng magpahiga.Hinigit ni Cheska ang paghinga at sinubukang sumulyap na lang sa ibang direksyon, pilit pinipigilan ang anumang emosyong bumabalot sa dibdib niya. Sinisubukang huwag mag-isip at hayaan na lang ito sa pwesto nito.Pero ilang sandali, kinagat ni Cheska ang labi at hindi mapigilan ang mapatitig ulit dito. Nakapikit na, pero hindi matukoy ni Cheska kung tulog na ba ito o ano.Napatingin siya sa mukh
Tahimik si Cheska habang nagluluto. Halos hindi niya magawa ang huminga ng malalim. Ilang beses na siyang napapahawak sa pisngi niyang alam niyang namumula dahil sa sobrang init ng pakiramdam niya sa mukha. Hindi niya alam kung dahil ba 'yun sa kalan o sa... nangyari kanina.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyare at lalo na sa inaasta niya mismo.Hindi niya makalimutan ang biglaan, marahas ngunit sabay rin na banayad na halik ni Azrael. Gulong-gulo pa rin siya sa sarili niya—at hindi lang dahil doon. Pati na rin sa kung paano siya tumugon, kung paano siya... napalapit at hinayaan ito na halikan siya ng ganoon kalalim. Sa isang taong hindi naman niya karelasyon dahil peke lang naman ang namamagitan sa kanila.Humigpit ang hawak ni Cheska sa sandok.Naririnig niya ang bawat tik-tak ng wall clock, parang ang lakas-lakas. Samantalang si Azrael—nakaupo lang sa gilid ng countertop, nakasandal, nakangiti, at... pinapanood siya. At dahil nga sa pinapanood siya nito,
Napatigil siya. Tahimik. Seryoso ang boses. Seryoso ang mukha. Wala na ang pilyong ngiti. Nakatitig lang si Azrael sa kanya—diretso, walang iwas. Kaya namutla bigla ang mga salitang gusto sanang ilabas ni Cheska. Parang may pumisil sa dibdib niya.“But I want to kiss you, only you this time,” mariing ani ni Azrael.Parang tumigil ang oras para kay Cheska. Lahat ng ingay sa paligid niya ay nawala. Ang naririnig lang niya ay ang tibok ng puso niya at ang tinig ni Azrael na tila dumiretso sa puso niya at hindi sa tenga. Napalunok siya, pero hindi siya kumibo. Hindi niya alam kung alin sa mga nararamdaman niya ang dapat unahin—galit, takot, o ‘yung matagal na niyang pilit itinatanggi na nararamdaman niya para sa lalaking nasa harapan niya ngayon.Masyado syang nagulat sa mga sinabi ni Azrael at hindi niya alam kung dapat ba niya iyong paniwalaan o ano.Isang hakbang lang ang pagitan nila. Isang hakbang na pwedeng burahin at itawid ng kahit sinong may lakas ng loob. At si Azrael—walang pag