Rate this story for more updates po. Salamat po sa lahat ng suporta niyo.
Chapter 71“What the hell is this?” Pinunasan ni Daviah ang luha niya nang pumasok si Lander sa dining table. Kasunod niya si Vivian, ang bunsong kapatid ni Azi. Nakangiti itong pumasok, pero biglang nawala ang ngiti nang makita ang kalat sa sahig. Pareho silang wala kanina nang magising si Daviah, at nabalitaan niyang maaga silang umalis. Mukhang kararating lang nila ngayon. Tinanggal ni Lander ang suot na headphones at kunot-noong tinignan ang mga pagkaing nagkalat sa sahig. Nang walang sumagot mula sa mga kasambahay o kay Daviah, tinignan niya ang mga kasambahay. “Nagtatanong ako kung anong nangyari dito?” seryosong tanong ni Lander sa kanila. Nagtinginan ang mga kasambahay, halatang nagtuturuan kung sino ang unang magsasalita. They all scared reason why Daviah sigh.Nang wala pa ring umimik, lalong kumunot ang noo ni Lander. Samantala, tahimik lang si Vivian, pero ramdam ni Daviah ang tingin nito sa kanya. Hindi tulad ng titig ng kanilang ina, Vivian look at her gentle.“Wa
"Ang dami mong sugat, pero mabuti na lang maliliit lang, but the problem is itong mga napaso, subrang namumula na sila," nag-aalalang ani ni Vivian habang nakatingin sa sugat ni Daviah.Hindi nagawang magsalita ni Daviah dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Ngayon ang unang beses na magkakaroon siya ng interaction sa kapatid ni Azi."Masakit ba?" Tanong nito, pero agad din namang nagsalita agad na animo'y hindi na kailangan ng sagot ni Daviah. "Of course, masakit." Ani nito.Nang may magdala ng first aid, agad at hindi na nag-aksaya si Vivian sa paggamot kay Daviah, she immediately start.“Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Mama. Sorry, Ate Daviah,” mahinahon at ramdam sa boses ni Vivian ang paghingi ng tawad habang abala siya sa paglalagay ng ointment sa mga paso at sugat ni Daviah. Daviah couldn’t help but stare at Vivian. Parehas sila ng mata ng Kuya Azi niya, and she looked so fragile. “May rumi po ba sa mukha ko?” Dahil sa pagtitig ni Daviah, hindi na napigi
“Kumain ka na?” Azi asked nang lumayo si Daviah sa pagkakayakap.“Hindi pa siya kumain, Kuya. What if sa labas na lang tayo kumain? Sa may bulaluhan, I'm sure hindi pa nakakapunta roon si Ate Daviah,” nakangiting sabi ni Vivian sa gilid, and she look so excited.“You want bulalo?” tanong naman ni Azi kay Daviah.Daviah nodded and just smiled. Nanliit ang mata ni Azi at tinitigan si Daviah, hanggang sa mapanguso na lang si Daviah at umiwas ng tingin dahil hindi niya natatagalan ang titig nito.Azi was about to say something, pero hindi niya naituloy nang bumukas ang pinto sa di-kalayuan, and it was Lander.Pati si Lander ay natigilan nang makita sila Azi. Lander looked at Azi, pagkatapos noon ay tinignan naman niya si Daviah.“Wala ka bang sasabihin sa fiancé mo?” mariing tanong ni Lander kay Daviah.“What is it?” tanong naman ni Azi habang hindi mapigilan ang kunot-noo. Si Vivian naman ay natahimik na lang sa tanong ng Kuya Lander niya.“N-nasabi ko kasi kanina na gutom na ako, i-iyon
Masaya si Daviah pagkatapos ng araw na iyon kahit sobrang dami ng nangyari. She's happy dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama ang mga kapatid ni Azi at mapalapit sa kanila kahit papaano.Pagkatapos nilang kumain, pumasyal pa sila sa ilang bahagi ng probinsya, kaya naman sandaling nakalimutan ni Daviah ang mga pagpapahirap at insulto na nangyari kanina sa kanya.“Look! This is a good one,” sabi ni Vivian habang pauwi na sila, sabay pakita ng kuha sa camera niya. It was a picture of Azi hugging Daviah from the back while both of them were looking ahead. Lumipat si Vivian sa isa pang litrato, at ang isang iyon ay si Daviah na nakatingin sa dagat habang si Azi naman ay nakatingin kay Daviah, animo'y mas maganda pa ang tanawin niya kaysa sa tanawing tinatanaw ni Daviah. “I look so damn crazy in love with you there,” biglang sabi ni Azi na busy sa pagda-drive pero nasulyapan ang ipinakitang litrato ni Vivian. Napangiwi naman si Vivian sa narinig. “Seriously, Kuya Azi? Sobr
Nanghihinang naghilamos si Daviah ng mukha at saka tiningnan ang sarili sa salamin. Nagising siya na masama ang pakiramdam niya kahit na maayos naman ang pagtulog niya ngayong gabi, maaga nga siyang nakatulog kaya hinfi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng panghihina.Gusto niyang sumuka, pero wala namang lumalabas sa kanya. Nakaramdam din siya ng pagkahilo, na talaga namang dumagdag pa sa pagpahina sa kanya. Hindi siya sakitin kaya hindi niya mapigilan ang manibago sa pagsama ng kanyang pakiramdam. Binsa ni Daviah ang labi at saka ito huminga ng malalim. Ilang beses niya iyong ginawa, nagbabakasakaling bumuti ang pakiramdam niya.But even though she didn’t feel okay, naligo na siya at bumaba. It was only 7 AM nang tuluyan siyang bumaba. Ayaw niyang maulit ang nangyari kahapon na alas otso na siya nagising, kaya naman galit na galit si Geneva sa kanya. Hindi lang mapigilan ni Daviah anv mapangiti nang unang bumungad sa kanya ay si Azi na nasa sala, nakikipag-usap sa Papa nito
Sa dalampasigan, dama ni Daviah ang kakaibang saya. Nasa beach na sila, at magtatagal sila sa resthouse na pag-aari ng mga Buenavista. “Kumain ka pa, Daviah. We have many foods here,” sambit ni Geneva dito habang tinuturo ang mga pagkain. Nakangiting tumango si Daviah dahil talagang masaya siya sa mabait na pakikitungo nito. Hindi alam ni Daviah kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo ng Mama ni Azi sa kanya, pero ang importante sa kanya sa ngayon ay nagiging maayos na ang tungo ng mama ni Azi sa kanya. Ang makipag usap ito ng ganoon ay talaga namang nagpapasaya na jay Daviah.“Salamat, Tita,” Daviah said nang abutan pa siya ng pagkain ni Geneva.“If you want barbeque, lumapit ka lang kay Zara at humingi,” sambit pa ni Geneva at saka tinuro si Zara na busy sa pagluluto ng barbeque. “Sabihan mo lang ako kapag gusto mo ng barbeque, dadalhan kita diyan,” ani din ni Zara habang nakangiti. Binasa ni Daviah ang labi dahil hindi pa rin siya makapaniwala. She’s thinking this is not
Huminga si Daviah ng malalim. Hindi siya makapaniwala na makakaramdam siya ng ganitong ginhawa. Subrang ginhawa.Parang mas magaan na ang lahat sa pagitan niya at ng pamilya ni Azi. Kanina pa sila nagtatawanan, nagkukulitan, at tila tanggap na tanggap na siya ng mama ni Azi kaya talagang sobrang gaan na ng pakiramdam ni Daviah. “Ilan ang gusto mong anak?” “Huh?” Gulat na sinulyapan ni Daviah si Azi nang bigla niya itong itanong pagkatapos ng mahabang katahimikan nila. Parang nabingi siya at biglang ppakiramdam nito ay mali na ang narinig.Inangat ni Azi ang tingin at tinignan si Daviah. “Tinatanong kita kung ilan ang gusto mong anak,” pag-uulit nito na ikinakurap-kurap ni Daviah at tuluyang hindi makapagsalita. Hearing those words makes Daviah feel heaven. “Y-You want me to be a mother of your child?” Hindi alam ni Daviah kung bakit iyon ang lumabas na tanong sa labi niya, but she really couldn't believe it. Hearing those is really shocking at talaga namang nakakakapagpabili
Chapter 78Umasa si Daviah, hindi niya iyon maitatago sa sarili niya. She really thought everything was okay. Naniwala siyang okay na ang lahat, but turns out like this.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Daviah habang nilalabanan ang pagkahilo. Masama nanaman ang pakiramdam niya, but then she tried to look okay. She braced herself, placing her hand on the cold, tiled wall for balance. Muli siyang huminga nang malalim habang hinihilot ang ulo niya. After that, when she assured herself that she could go out of the cubicle kung nasaan siya, lumabas na siya, carefully fixing her long sleeves before stepping out.Pagbukas niya ng pinto, nagulat siya nang bumungad si Zara sa kanya, nakasandal sa sink, her arms crossed, and a smug smile playing on her lips, animoy inaasahan na niya na siya ang makikita niya sa paglabas nito sa cubicle.Hindi pinansin ni Daviah si Zara, but Zara start talking.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis?” ani Zara, her voice dripping with disda
Mariing pumikit si Cheska at hinimas ang batok niya, sinusubukang kalmahin ang sarili. Pero nang marinig niya ang pag-andar ng makina, agad siyang sumakay sa front seat, hindi na nag-isip pa. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya—parang may kung anong sumasakal sa dibdib niya habang pinagmamasdan si Azrael na tila ba hindi siya nakikita.Pagkaupo niya sa passenger seat, agad niyang nilingon si Azrael. Walang emosyon ang mukha nito, at tila ba tumagos ang katahimikan ng buong sasakyan sa balat niya."Hindi ba talaga kita makakausap ng matino?" Tanong ni Cheska at napapikit dahil sa suot nitong earbud, hindi siya sigurado kung naririnig ba siya nito o ano.Hindi na nakatiis si Cheska. Inabot niya ang kanang tainga ni Azrael at biglang inalis ang isang earbud. Kasabay ng pag-alis niya roon ay ang biglang pag-ikot ng mukha ng lalaki para tignan siya, puno ng iritasyon at pagkabigla.“What the fvck you fvcking think are you doing?” Inis na ani ni Azrael, masyadong diretso
Paglabas ni Cheska ng pinto ay agad siyang luminga sa magkabilang direksyon ng hallway, hinahanap ang pamilyar na porma ni Azrael. Mabilis ang pintig ng puso niya—hindi niya alam kung dahil ba sa kaba, inis, o… baka pareho, ewan, pati siya ay talagang nagugulugan sa nararamdaman. Kaso sa magkabilang dereksyon iyon ay wala siyang nakitang Azrael.“Ang bilis naman niya?” bulong ni Cheska sa sarili, bitbit ang iritang hindi niya maipaliwanag.Napahawak na lang si Cheska sa sintido. Dalawa ang elevator doon at sa dalawang hallway din ang daan kaya hindi niya alam kung alin sa dalawa ang sinakyan ni Azrael o tinungo nito.“Dito na nga lang!” Inis na ani Cheska sa sarili. Bahagyang nabunutan siya ng tinik nang makita niya ang pamilyar na likod nito—nakatayo, nakaharap sa elevator, at tila malapit nang sumakay. Mabilis ang lakad ni Azrael at may mga bumating nurse pa nga dito, dahil nga kilala ito doon, pero wala man lang itong pakealam o pinansin man lang. Diretso lang. Walang tingin. Walan
“Huwag ka kasi mag-alala. Kaya ko ang sarili ko, at mabait naman iyong boss kong iyon kahit medyo bugnutin. Kaya relax ka lang diyan."Ngumiti si Cheska pagkatapos sabihin iyon. Naiintindihan naman ni Cheska kung bakit nag-aalala ang kaibigan. Hindi rin naman ito ang unang beses na subra ang pag-aalala ng kaibigan dahil sa lalake.Bumuntong-hininga si Cris, halatang napapaisip.“Kaya kumain na lang tayo nito. Sayang din, at saka para kang tanga magtampo—Shit!”Napasinghap si Cheska nang maramdaman ang malamig at malagkit na icing ng yema cake sa pisngi niya. Napapikit siya sa gulat, halos hindi makapaniwalang pinahiran din siya ni Cris ng yema cake sa mukha, gaya ng ginawa niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, naglalagablab ang titig, at unti-unting inangat ang ulo papunta kay Cris.Nakita niya itong may mahinang tawa habang hawak pa ang daliring may natirang icing, kitang-kita ang kalokohan sa mukha. Parang batang nakaiskor ng kalokohan.“Cris...” seryoso ang boses niya, m
"Kamusta po ang kapatid ko, Doc? Okay lang naman po siya, hindi ba? Matagal na din po kasi kami rito at palaging na dedelay ang operasyon ng kapatid ko. Medyo nag-aalala na rin po kasi ako at ang laki na ng bill namin dito. Nagmukha na ngang hotel itong hospital para sa amin ng kapatid ko kaya gustong gusto ko na pong malaman kung bumubuti na po ang lagay ko." Tuloy tuloy na tanong ni Cheska dahil nabalitaan niyang tapos na ang panibagong test na ginawa nila sa kapatid niya.Ngumiti ang doctor bago sumagot,“Bumubuti ang lagay ng kapatid mo, so we are really happy to say that we are going to schedule the operation for him next month, first week.”Nagliwanag ang mukha ni Cheska sa narinig mula sa doctor. Hindi ito iyong tita ni Azrael dahil naka-leave daw ito—kaya’t iba ang naka-assign na doktor na sumuri at dumalo sa kapatid niya ngayon. Ngunit kahit iba ang kausap niya, dala pa rin ng balitang iyon ang matinding ginhawa at pag-asa.“And na-inform na din namin si Dr. Villariva. We su
Napasulyap si Cheska kay Azrael, and Azrael just sighed. Biglang lumambot ang tingin nito at hindi tulad kanina na halos umigting na ang panga.“I’m really happy na nandito ka ngayon para sa anak ko,” masayang ani Daviah habang hindi pa rin binibitawan si Cheska. “Nandito sana ako para pagalitan siya. Pasensya ka na sa anak ko, ha. Nalaman ko kasing puro trabaho ang inaatupag nitong mga nakaraang araw. Hindi man lang siya makapaglaan ng oras para sayo. Sana hindi ka magsawa sa kanya.”Napatingin si Azrael sa ina, agad na sumabat, “Saan mo ba kasi nalaman yan, Ma? I told you, napag-usapan na namin ng girlfriend ko na kapag tungkol sa trabaho ay ayos lang kung—”“No way! Ayos lang? I told you, magsasawa siya kapag palagi kang busy sa trabaho!” Pagalit na ani ng kanyang ina kaya napahawak sa batok si Azrael.“She won’t. Hindi siya magsasawa sa akin and I am making my way para magkasama naman kami—and you don’t need to meddle in our relationship, Ma.” Mahinahong sagot ni Azrael, ngunit bu
“Get a day off today. Spend time with your girlfriend! Hindi ka naman kailangan sa kompanya kaya–”“Kailangan ako sa kompanya, Ma. I’m the boss–”“Come on! Hindi ikakabagsak ng kompanya ang isang day off ng boss!”Naalimpungatan si Cheska nang makarinig ng pag-uusap at pagtatalo sa kung saan.Mabigat ang talukap ng mga mata niya habang dahan-dahan itong iminulat. Ang una niyang napansin ay ang malambot na kutson ng sofa sa ilalim ng kanyang likod. May kumot na nakabalot sa kanya, at may unan sa ilalim ng ulo niya.Kumunot ang noo ni Cheska. Hindi niya maalala kung kailan siya nahiga nang maayos doon, pero masarap ang pakiramdam ng init ng kumot—parang may sumilong na yakap sa buong katawan niya. Sinalubong din siya ng mahinang aroma ng nilulutong pagkain—bawang na piniprito, longganisang medyo nanunuyot na sa kawali, at ang pinong halimuyak ng piniritong itlog. Lahat ng iyon ay humaplos sa kanyang ilong, tila inaakay siya na bumangon na.Napaupo siya, marahang itinulak ang kumot at na
Binuka ni Cheska ang labi, handang magsalita ulit—siguro para kontrahin siya, siguro para lang mapanatili ang kaunting distansya sa pagitan nila. Pero sa huli, isang mahabang buntong-hininga na lang ang pinakawalan niya. Tinitigan niya si Azrael, hindi gumalaw, hindi rin siya gumawa ng anumang hakbang para paalisin ito sa pagkakahiga sa kanyang hita.Alam naman kasi talaga ni Cheska na pagod na ito, kahit sino ay mapapagod pagkatapos ng nangyari kanina. Ni hindi nga naisip ni Cheska na hanggang ngayon ay gising pa ito gayong kanina pa niya nakikita ang pagod sa mata niya at gusto ng magpahiga.Hinigit ni Cheska ang paghinga at sinubukang sumulyap na lang sa ibang direksyon, pilit pinipigilan ang anumang emosyong bumabalot sa dibdib niya. Sinisubukang huwag mag-isip at hayaan na lang ito sa pwesto nito.Pero ilang sandali, kinagat ni Cheska ang labi at hindi mapigilan ang mapatitig ulit dito. Nakapikit na, pero hindi matukoy ni Cheska kung tulog na ba ito o ano.Napatingin siya sa mukh
Tahimik si Cheska habang nagluluto. Halos hindi niya magawa ang huminga ng malalim. Ilang beses na siyang napapahawak sa pisngi niyang alam niyang namumula dahil sa sobrang init ng pakiramdam niya sa mukha. Hindi niya alam kung dahil ba 'yun sa kalan o sa... nangyari kanina.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyare at lalo na sa inaasta niya mismo.Hindi niya makalimutan ang biglaan, marahas ngunit sabay rin na banayad na halik ni Azrael. Gulong-gulo pa rin siya sa sarili niya—at hindi lang dahil doon. Pati na rin sa kung paano siya tumugon, kung paano siya... napalapit at hinayaan ito na halikan siya ng ganoon kalalim. Sa isang taong hindi naman niya karelasyon dahil peke lang naman ang namamagitan sa kanila.Humigpit ang hawak ni Cheska sa sandok.Naririnig niya ang bawat tik-tak ng wall clock, parang ang lakas-lakas. Samantalang si Azrael—nakaupo lang sa gilid ng countertop, nakasandal, nakangiti, at... pinapanood siya. At dahil nga sa pinapanood siya nito,
Napatigil siya. Tahimik. Seryoso ang boses. Seryoso ang mukha. Wala na ang pilyong ngiti. Nakatitig lang si Azrael sa kanya—diretso, walang iwas. Kaya namutla bigla ang mga salitang gusto sanang ilabas ni Cheska. Parang may pumisil sa dibdib niya.“But I want to kiss you, only you this time,” mariing ani ni Azrael.Parang tumigil ang oras para kay Cheska. Lahat ng ingay sa paligid niya ay nawala. Ang naririnig lang niya ay ang tibok ng puso niya at ang tinig ni Azrael na tila dumiretso sa puso niya at hindi sa tenga. Napalunok siya, pero hindi siya kumibo. Hindi niya alam kung alin sa mga nararamdaman niya ang dapat unahin—galit, takot, o ‘yung matagal na niyang pilit itinatanggi na nararamdaman niya para sa lalaking nasa harapan niya ngayon.Masyado syang nagulat sa mga sinabi ni Azrael at hindi niya alam kung dapat ba niya iyong paniwalaan o ano.Isang hakbang lang ang pagitan nila. Isang hakbang na pwedeng burahin at itawid ng kahit sinong may lakas ng loob. At si Azrael—walang pag