Napatigil siya.Nakagat niya ang kanyang labi nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Azrael — hindi iyon galit, hindi rin iyon simpleng inis. May kakaiba sa mga mata ng binata, isang bagay na hindi niya maipaliwanag — isang halo ng sakit, hinanakit, at isang bagay na ayaw pa nitong ilantad.Hindi siya nagsalita. Hindi siya gumalaw. Parang sa isang iglap, ang malamig na simoy ng hangin ay naging mabigat at nakakakaba.Hindi niya na rin alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob, pero nagpatuloy siya, kahit pa nararamdaman niya na baka lalo niyang saktan ang sarili niya.“Nga pala…” mahina niyang umpisa, pilit ngumingiti pero nanginginig ang tinig. “Kailan matatapos itong pagpapanggap ko bilang girlfriend mo? Naniniwala naman na siguro sila at hindi na nila iisipin na… bakla ka o ano…”"Gusto mo ng matapos?" Seryoso niyang tanong.Napatingin siya sa gilid, pilit na nilulunok ang sakit na bigla na lang sumiksik sa dibdib niya. Kung siya lang, gusto niyang manatili sa tabi nito lalo na
Gulat na gulat si Cheska, pero ang mga mata niya ay unti-unti niyang pinikit. Dinama niya ang bawat segundo ng malumanay at masuyong halik ni Azrael—isang halik na hindi pilit, hindi madalian. Walang pagmamadali, walang pag-aalinlangan. Isang halik na tila sinasambit ang mga salitang hindi kailanman nabanggit.Ang kamay ni Cheska, na kanina lamang ay hindi alam kung saan hahawak, ay unti-unti ring gumapang papunta sa batok ni Azrael. Hinaplos niya iyon ng dahan-dahan, waring sinasalo ang bawat sandali na hindi niya inakalang darating. Hindi na siya basta tumatanggap ng halik—she started fighting his kisses, sumasabay sa ritmo ng damdamin niya. May kirot ng pangamba sa dibdib niya, ngunit higit doon ay ang umaapaw na damdamin na hindi na niya kayang itago.Mas lalo niyang naramdaman ang paglapit ni Azrael, halos mawala na ang espasyo sa pagitan nilang dalawa. Lumalim ang halik nito, para bang may gustong iparating na hindi nito masabi sa salita. Ang kamay ni Azrael ay nakapahinga sa mag
“Mag-iingat kayo.” Nakangiting ani ng mama ni Azrael kina Cheska nang ihatid na nila ito sa labas. Naramdaman ni Cheska ang init ng yakap ni Daviah—isang yakap na puno ng pag-aaruga, parang yakap ng isang tunay na ina.“Tatawag ako kapag naihatid ko na siya sa hospital.” Ani naman ni Azrael, pero hindi man lang pinansin iyon ni Cheska at niyakap si Daviah ng mahigpit, waring ayaw pa nitong kumalas.“Kapag sinaktan ka nitong anak kong ito, magsumbong ka sa akin dahil ako ang babatok sa kanya. And you are always welcome to come here, okay? Just tell Azrael if you want to visit here, open ang bahay na ito kahit wala kami.” Malambing pero may halong pananakot na biro ni Daviah, habang hinahaplos pa ang likod ni Cheska.“Ma, stop it. Bakit ko naman siya sasakt—” Sabat ni Azrael, pero agad na pinutol ni Cheska iyon.“Hindi ko na po kailangan magsumbong sa inyo kung sakali, kasi kung saktan man niya ako, ako na po ang babatok na may kasamang suntok sa anak niyo.” Cheska jokely said, ngunit na
Chapter 72Tinignan ni Cheska ang kamay niya, hawak pa rin iyon ni Azrael. Mahigpit, pero may ingat ang paghawak nito ng mariin.“Umayos ka nga sa pagdadrive.” Si Cheska at sinubukang kunin ang kamay niyang hawak ni Azrael, para mahawakan niya ng maayos ang manobela, pero hinigpitan lang iyon ni Azrael, hindi hinayaang mabitawan iyon. Nabigla pa siya nang halikan ni Azrael ang likod ng palad nito, marahan, para bang pinipirmi ang presensya niya sa kanyang mundo.“Azrael—”“Sinong mas gwapo sa amin?” Umawang ang labi ni Cheska sa biglang tanong niya. Tinignan ni Cheska si Aiden na ngayon ay nakapikit na at tulog. Kinagat niya ang labi at naoanguso dahil wala naman kasi talaga itong sinabi na gwapo si Aiden at gusto niya ito, hindi niya lang alam kung anong trip ng kapatid ni Azrael at sinabi niya iyon.“At talagang kailangang tignan mo muna siya bago sumagot?” Biglang sarkastikong ani ni Azrael, umigting ang panga at parang nagtatampo. "Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang na mas gwapo a
Wala sa tono nito ang alinlangan. “Is that enough for you to hear and not think of any questions about it? O gusto mo pang ipaliwanag ko iyong mga nararamdaman ko na… sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan kung paano bigla ko na lang naramdaman?"“Minsan ko lang ito sasabihin kaya makinig ka.” Huminga pa si Azrael ng malalim, animo’y nag-iipon ng lakas ng loob. Inayos pa niya ang upo, para bang gustong tumindig at ipagsigawan ang nararamdaman.Napalunok si Cheska at hindi alam ang sasabihin o kung kailangan ba niyang magsalita. Hindi niya alam. Bago lang naman kasi sa kanya ang ganitong mga bagay. Lumaki siya na ang nasa isip ay makakuha ng pera para sa kapatid niya, para sa pamilya niya, hindi niya inisip na magkakaroon ng ganitong pangyayari sa buhay niya, na magkakagusto siya sa taong hindi niya kalevel at biglang aamin sa kanya.Masyado siyang nasanay sa bardagulan nilang dalawa ni Azrael kaya hindi niya alam ang sasabihin o gagawin.“I feel safe every time I am with you. I feel
Azrael:I want to come tonight, but I still have a meeting. Pupunta ako diyan bukas mag-uusap tayo and I want to hear your asnwer about us. Goodnight. I love you.Nahigit ni Cheska ang paghinga habang nakatitig sa natanggap niyang mensahe mula kay Azrael. Gabi na, at hindi na nga siya umaasang magte-text ito lalo na at alam niyang abala ito sa sunod-sunod na meetings—isang bagay na napapakinggan na rin niya sa mga usapan ng pamilya nila. Pero heto’t nag-message pa rin ito sa kanya. Hindi lang basta mensahe… kundi mensaheng may laman—may damdamin."Haist, Azrael." Wala sa sariling ani ni Cheska habang nakangiti.Kinagat ni Cheska ang labi habang nakatitig sa tatlong salitang nasa huli ng mensahe. "I love you." She still couldn’t believe it. Ilang ulit na niyang binasa ang mga salitang iyon, pero parang bawat ulit ay may bago itong dulot sa puso niya. Tumitibok ito nang sobrang lakas, para bang hindi na niya kayang pigilan ang ngiti sa kanyang mga labi.Subrang lumulundag ang puso niya
“Chesa?” gulat na ani ni Aiden nang magtama ang tingin nilang dalawa. Pumasok siya at nang makapsok ay agad namang sumara ang elevator.“Cheska, hindi Chesa,” mariing sagot ni Cheska, tinatma ang tawag nito sa kanya habang napapako ang tingin sa pasa sa mukha ng binata. “Whatever,” maikli pero mapait na tugon ni Aiden habang napangiwi sa sakit ng panga niya. Napahawak pa siya sa pisngi dahil sa pagsakit non at may kasama iyong mahihinang mura.Si Cris naman ay kunot-noo, palipat-lipat ang tingin sa dalawa. Ramdam ang tensyon, pero pinili na lang na manahimik. Halata sa mga mata niya ang pag-uusisa—at pag-aalala para kay Cheska.“Anong nangyari diyan?” tanong ni Cheska, di na mapigilan ang pag-aalala. Alam niyang hindi siya dapat manghimasok, pero hindi niya mapigilan ang sariling magtanong. Hindi lang basta pasa—marami. At hindi lang basta galos sa mukha—may basag sa tingin.“May nakaaway lang ako, pero wala ito. Huwag mo na lang sasabihin kay Kuya, ah. Papagalitan nanaman ako non n
CHAPTER 1Masayang naglakad ng mabilis si Belinda paakyat sa pangalawang palapag kung nasaan ang magiging kwarto nila ng magiging asawa pagkatapos ng kasal.Nakangiti ito at walang mapaglagyan ng saya ang nararamdaman niya dahil hindi siya makapaniwalang bukas na ang kasal nila ng taong mahal niya. Pero naglaho ang saya at napalitan ng kaba nang makarinig siya ng vngol."Sige pa--ah, Danilo. B-Bilisan mo pa!"Sandali siyang natigilan sa paglalakad, pero nang muli niyang narinig ang halinghing at ungol na iyon, humigpit na lang ang hawak ni Belinda sa strap ng bag niya para kumuha ng lakas.Sinubukan niyang huwag mag-isip ng masama. Tinapangan niya ang sarili at mabagal na naglakad papunta sa master bedroom kung saan nanggagaling ang ingay na iyon. Nakabukas ang pinto at sa mismong pintuan ay may pulang panty. Nanginig ang kamay niya habang tahimik na sumilip sa siwang at doon ay malinaw niyang nakita ang nangyayari sa loob."G-Ganyan nga! Ahh! Ang galing mo.... Ugh!"Kitang-kita niya
“Chesa?” gulat na ani ni Aiden nang magtama ang tingin nilang dalawa. Pumasok siya at nang makapsok ay agad namang sumara ang elevator.“Cheska, hindi Chesa,” mariing sagot ni Cheska, tinatma ang tawag nito sa kanya habang napapako ang tingin sa pasa sa mukha ng binata. “Whatever,” maikli pero mapait na tugon ni Aiden habang napangiwi sa sakit ng panga niya. Napahawak pa siya sa pisngi dahil sa pagsakit non at may kasama iyong mahihinang mura.Si Cris naman ay kunot-noo, palipat-lipat ang tingin sa dalawa. Ramdam ang tensyon, pero pinili na lang na manahimik. Halata sa mga mata niya ang pag-uusisa—at pag-aalala para kay Cheska.“Anong nangyari diyan?” tanong ni Cheska, di na mapigilan ang pag-aalala. Alam niyang hindi siya dapat manghimasok, pero hindi niya mapigilan ang sariling magtanong. Hindi lang basta pasa—marami. At hindi lang basta galos sa mukha—may basag sa tingin.“May nakaaway lang ako, pero wala ito. Huwag mo na lang sasabihin kay Kuya, ah. Papagalitan nanaman ako non n
Azrael:I want to come tonight, but I still have a meeting. Pupunta ako diyan bukas mag-uusap tayo and I want to hear your asnwer about us. Goodnight. I love you.Nahigit ni Cheska ang paghinga habang nakatitig sa natanggap niyang mensahe mula kay Azrael. Gabi na, at hindi na nga siya umaasang magte-text ito lalo na at alam niyang abala ito sa sunod-sunod na meetings—isang bagay na napapakinggan na rin niya sa mga usapan ng pamilya nila. Pero heto’t nag-message pa rin ito sa kanya. Hindi lang basta mensahe… kundi mensaheng may laman—may damdamin."Haist, Azrael." Wala sa sariling ani ni Cheska habang nakangiti.Kinagat ni Cheska ang labi habang nakatitig sa tatlong salitang nasa huli ng mensahe. "I love you." She still couldn’t believe it. Ilang ulit na niyang binasa ang mga salitang iyon, pero parang bawat ulit ay may bago itong dulot sa puso niya. Tumitibok ito nang sobrang lakas, para bang hindi na niya kayang pigilan ang ngiti sa kanyang mga labi.Subrang lumulundag ang puso niya
Wala sa tono nito ang alinlangan. “Is that enough for you to hear and not think of any questions about it? O gusto mo pang ipaliwanag ko iyong mga nararamdaman ko na… sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan kung paano bigla ko na lang naramdaman?"“Minsan ko lang ito sasabihin kaya makinig ka.” Huminga pa si Azrael ng malalim, animo’y nag-iipon ng lakas ng loob. Inayos pa niya ang upo, para bang gustong tumindig at ipagsigawan ang nararamdaman.Napalunok si Cheska at hindi alam ang sasabihin o kung kailangan ba niyang magsalita. Hindi niya alam. Bago lang naman kasi sa kanya ang ganitong mga bagay. Lumaki siya na ang nasa isip ay makakuha ng pera para sa kapatid niya, para sa pamilya niya, hindi niya inisip na magkakaroon ng ganitong pangyayari sa buhay niya, na magkakagusto siya sa taong hindi niya kalevel at biglang aamin sa kanya.Masyado siyang nasanay sa bardagulan nilang dalawa ni Azrael kaya hindi niya alam ang sasabihin o gagawin.“I feel safe every time I am with you. I feel
Chapter 72Tinignan ni Cheska ang kamay niya, hawak pa rin iyon ni Azrael. Mahigpit, pero may ingat ang paghawak nito ng mariin.“Umayos ka nga sa pagdadrive.” Si Cheska at sinubukang kunin ang kamay niyang hawak ni Azrael, para mahawakan niya ng maayos ang manobela, pero hinigpitan lang iyon ni Azrael, hindi hinayaang mabitawan iyon. Nabigla pa siya nang halikan ni Azrael ang likod ng palad nito, marahan, para bang pinipirmi ang presensya niya sa kanyang mundo.“Azrael—”“Sinong mas gwapo sa amin?” Umawang ang labi ni Cheska sa biglang tanong niya. Tinignan ni Cheska si Aiden na ngayon ay nakapikit na at tulog. Kinagat niya ang labi at naoanguso dahil wala naman kasi talaga itong sinabi na gwapo si Aiden at gusto niya ito, hindi niya lang alam kung anong trip ng kapatid ni Azrael at sinabi niya iyon.“At talagang kailangang tignan mo muna siya bago sumagot?” Biglang sarkastikong ani ni Azrael, umigting ang panga at parang nagtatampo. "Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang na mas gwapo a
“Mag-iingat kayo.” Nakangiting ani ng mama ni Azrael kina Cheska nang ihatid na nila ito sa labas. Naramdaman ni Cheska ang init ng yakap ni Daviah—isang yakap na puno ng pag-aaruga, parang yakap ng isang tunay na ina.“Tatawag ako kapag naihatid ko na siya sa hospital.” Ani naman ni Azrael, pero hindi man lang pinansin iyon ni Cheska at niyakap si Daviah ng mahigpit, waring ayaw pa nitong kumalas.“Kapag sinaktan ka nitong anak kong ito, magsumbong ka sa akin dahil ako ang babatok sa kanya. And you are always welcome to come here, okay? Just tell Azrael if you want to visit here, open ang bahay na ito kahit wala kami.” Malambing pero may halong pananakot na biro ni Daviah, habang hinahaplos pa ang likod ni Cheska.“Ma, stop it. Bakit ko naman siya sasakt—” Sabat ni Azrael, pero agad na pinutol ni Cheska iyon.“Hindi ko na po kailangan magsumbong sa inyo kung sakali, kasi kung saktan man niya ako, ako na po ang babatok na may kasamang suntok sa anak niyo.” Cheska jokely said, ngunit na
Gulat na gulat si Cheska, pero ang mga mata niya ay unti-unti niyang pinikit. Dinama niya ang bawat segundo ng malumanay at masuyong halik ni Azrael—isang halik na hindi pilit, hindi madalian. Walang pagmamadali, walang pag-aalinlangan. Isang halik na tila sinasambit ang mga salitang hindi kailanman nabanggit.Ang kamay ni Cheska, na kanina lamang ay hindi alam kung saan hahawak, ay unti-unti ring gumapang papunta sa batok ni Azrael. Hinaplos niya iyon ng dahan-dahan, waring sinasalo ang bawat sandali na hindi niya inakalang darating. Hindi na siya basta tumatanggap ng halik—she started fighting his kisses, sumasabay sa ritmo ng damdamin niya. May kirot ng pangamba sa dibdib niya, ngunit higit doon ay ang umaapaw na damdamin na hindi na niya kayang itago.Mas lalo niyang naramdaman ang paglapit ni Azrael, halos mawala na ang espasyo sa pagitan nilang dalawa. Lumalim ang halik nito, para bang may gustong iparating na hindi nito masabi sa salita. Ang kamay ni Azrael ay nakapahinga sa mag
Napatigil siya.Nakagat niya ang kanyang labi nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Azrael — hindi iyon galit, hindi rin iyon simpleng inis. May kakaiba sa mga mata ng binata, isang bagay na hindi niya maipaliwanag — isang halo ng sakit, hinanakit, at isang bagay na ayaw pa nitong ilantad.Hindi siya nagsalita. Hindi siya gumalaw. Parang sa isang iglap, ang malamig na simoy ng hangin ay naging mabigat at nakakakaba.Hindi niya na rin alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob, pero nagpatuloy siya, kahit pa nararamdaman niya na baka lalo niyang saktan ang sarili niya.“Nga pala…” mahina niyang umpisa, pilit ngumingiti pero nanginginig ang tinig. “Kailan matatapos itong pagpapanggap ko bilang girlfriend mo? Naniniwala naman na siguro sila at hindi na nila iisipin na… bakla ka o ano…”"Gusto mo ng matapos?" Seryoso niyang tanong.Napatingin siya sa gilid, pilit na nilulunok ang sakit na bigla na lang sumiksik sa dibdib niya. Kung siya lang, gusto niyang manatili sa tabi nito lalo na
Chapter 68Napalunok si Aiden nang marinig ang boses ng kuya niya. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at nagkunwaring walang sinabi kay Cheska. Habang si Cheska ay hindi nakagalaw agad dahil sa pag-iisip. Hindi niya alam kung ano iyon. Hindi niya alam ang ibig sabihin non. Hindi niya alam kung bakit nasabi nito ang mga iyonHindi niya alam kung ano ang pinapatama ni Aiden kanina. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng lola, ng pera, ng lahat ng iyon. Parang isang malaking tanong ang bumalot sa isipan niya, at hindi niya alam kung saan siya magsisimula para maintindihan ang lahat.“Anong pinag–uusapan niyo?” Napabali lang si Cheska sa huwisyo nang maramdaman ang mainit na haplos sa bewang niya. Parang kuryente ang gumapang sa balat niya kaya napatigil siya sa paghinga. Dahan-dahan siyang tumingin sa gilid niya at doon, nakita niya si Azrael na seryosong nakatingin kay Aiden.May kakaibang lamig sa mga mata nito. Hindi siya galit, pero ramdam mong hindi siya natutuwa sa nadatna
“Ahh. Ang kuya mo naliligo lang. Bumaba lang ako para magpahangin.” Sagot na lang ni Cheska. Tumango si Aiden at saka tinignan ulit ang pinapanood. Aalis na sana si Cheska, papunta sa labas para magpahangin, pero hindi niya nagawa nang muli siyang tawagin ni Aiden.“Hey wait!""Ano iyon?" Tanong naman agad ni Cheska."May itatanong pala ako sa’yo, come here,” ani nito, sabay tingin sa kanya na may kakaibang kislap sa mata. Bakit kailangan pang lumapit?--Sa isip ni Cheska.Kumunot ang noo ni Cheska. Hindi niya alam kung kinabahan ba siya o ano sa tanong nito“Bakit—”“Halika kasi dito. Bakit parang takot ka? Hindi kita kakainin o sasaktan no! Takot ko na lang kay kuya kung masaktan ka kaya wala akong gagawing masama,” ani pa nito. Parang batang hindi mapakali habang may itinatagong kalokohan.May hawak itong isang bowl na popcorn at kumakain nga ito ngayon doon.Napahawak si Cheska sa batok at saka dahan dahan na lang na lumapit sa kinaroroonan ni Aiden.“Maupo ka diyan, may tatanungin