Chapter 64“Why the hell is he looking at you again?” Hindi pinansin ni Daviah ang sinabi ni Daniella sa tabi niya.Kakatapos lang ng pang huling exam nila, and they still have time to go outside bago umuwi, pero mas ginusto ni Daviah na umuwi na dahil alam niyang nasa bahay nila si Azi.“Kanina pa yan, ah. Hindi ba talaga naging effective iyong pinalit sayo kaya ganyan yan makatingin ulit? Nanggigigil ako, subukan ka lang niya guluhin ulit, talagang ipapabugbog ko na yan sa Tito Dave mo.” Sambit pa ni Daniella at talagang punong puno iyon ng inis at babala.Daviah sigh and this time, tinignaan na niya si Kevin na nasa malayo at doon ay nakita niyang nakatingin nga si Kevin sa kanya habang kasama ang mga kaibigan, na minsan na rin niyang nakasama noong sila pa. Kanina pang umaga, palagi silang nagkakasalubong, hindi tuloy matukoy ni Daviah kung magkataon lang iyon o talagang sinadya nito.Nang mapansin ni Kevin ang tingin ni Daviah sa kanya ay agad itong umayos sa pagkakatayo. He was
Napayuko si Daviah at napahilamos ang palad sa mukha, pilit nitong pinapakalma ang sarili pagkatapos nang nangyare sa parking lot ng skwelahan nila. Hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ni Kevin sa kanya at mas lalong hindi niya akalain na makikita niya ang ganoong Kevin. Hindi na talaga ito ang Kevin na nakilala niya noon. Naiiyak si Daviah habang iniisip ang pwede pa nitong gawin kapag hindi siya umalis sa lugar na iyon agad. Nasa garahe na siya ng bahay nila, ngunit hirap pa rin siyang ibalik ang pagiging normal ng paghinga niya. She didn’t want to tell anyone about what happened, lalo na kay Azi. Kinakahiya niyang nangyari iyon, na nagawa siyang halikan ng gagong si Kevin. "Azi shouldn't know about that," mahinang ani ni Daviah habang pilit pinapakalma pa ang sarili. Napabuntong-hininga siya at mabilis na kinuha ang wet wipes na lagi niyang nilalagay sa loob ng sasakyan. Binuksan niya ang lalagyan, kumuha ng isang piraso, at agad na ipinunas iyon sa labi niya nang paulit
Chapter 65Pinilit ni Daviah na huwag matanggal ang ngiti sa labi niya nang makita kung sino ang kasama at kausap ng Mama ni Azi sa sala. Gabi na nang dumating sila ni Azi sa probinsya at ang nadatnan nga ay ang masayang nag-uusap na sina Zara at Geneva. Geneva ang pangalan ng Mama ni Azi.Daviah did asked many question to Azi habang papunta sila sa probinsya, and Daviah asked many question dahil sa gusto niya talagang makuha ang loob ng mama ni Azi at magustuhan siya nito bilang magiging asawa ni Azi.Tinanong ni Daviah kung ano ba ang mga gusto ng mama ni Azi at kung ano ang mga ayaw nito. Azi even told her na hindi naman niya kailangang baguhin ang sarili niya para magustuhan siya ng Mama niya and Daviah know that, pero gusto niya talaga na magustuhan siya ng Mama ni Azi ng buong loob.Habang lumalapit sila sa sala, hindi mapigilan ni Daviah na mapansin kung paanong ang bawat kilos ni Geneva ay puno ng kasanayan at elegansya. Para bang kahit ang simpleng pag-inom ng tsaa ay isang
Ramdam ni Daviah ang paglamig ng paligid. Pakiramdam niya ay para siyang nahuling gumagawa ng hindi tama, kahit isang hawak lang naman iyon. Huminga si Daviah ng malalim.Daviah was about to talk already, pero hindi nito agad nasabi ang gustong sabihin nang marinig niya ang malakas na tikhim ni Geneva. Napatingin si Daviah kay Geneva at napansin niya ang pasimpleng pagtaas ng kilay nito. Daviah is not stupid not to know what that means.Dahan-dahang tinanggal ni Daviah ang kamay niyang nakahawak kay Azi.“Maiwan na namin kayo—” Muling nagsalita si Azi, pero pinutol ni Daviah agad iyon.“It’s okay, Azi. Hmm... Ano, dito na muna siguro ako. Saka alam ko naman ang pasikot-sikot ng mansyon kaya alam ko rin kung saan ako pupunta kahit ako lang mag-isa.”“But—”“You can go to your Papa. Saka hindi pa naman ako inaantok, maaga pa and we still have not had dinner, so I’ll stay here muna at dito na kita hintayin,” malumanay na ani ni Daviah at saka nginitian si Azi para ipakita na ayos lang na
Chapter 67Nakahinga ng maluwag si Daviah nang makita niyang pababa na si Azi sa hagdan kasama ang papa nito. Halos isang oras siya sa taas, at hindi mapakali si Daviah habang nakaupo sa sofa kasama ang mama ni Azi at si Zara.Halos hirap siyang gumalaw kanina pa, pero ngayong nakita na niya si Azi ay biglang lumuwag ang dibdib niya.“Mabuti naman at bumaba na kayong mag-ama. Kanina pa naghihintay ang dinner. Let's go, let's have dinner,” ani Geneva habang umiiling nang makita ang dalawa.“Manang, pakitawag si Lander!” Utos pa nito kay Manang.“Sige po, Ma'am!” Si Manang at agad na na tumango at tumungo sa hadgan.Agad na dumiretso si Azi kay Daviah. Ngumiti si Daviah sa kanya, pero seryosong nakatingin lang si Azi rito.“May nangyare ba? Why are you so serious?” Tanong ni Daviah rito, pero imbes na sagutin ay agad namang siyang tinanong ni Azi.“You okay?” Tanong ni Azi na sandaling nagpangiti kay Daviah.Kahit kailan talaga ay alam nito kung kailan hindi okay si Daviah.Tumango si D
Noong una ay akala ni Daviah ay panaginip lang na may tumatawag sa kanya kaya hindi niya iyon pinansin, pero nagising si Daviah nang maramdaman ang paghalik sa pisngi niya. Kung hindi niya naamoy agad ang pamilyar na pabango ni Azi, paniguradong sisigaw siya, pero naamoy niya agad iyon at talagang nanuot sa kanyang ilong."Love," muling tawag nito. Inaantok na tinignan ni Daviah ang tao sa tabi niya and there she saw Azi, sitting beside her, nakababa ng kaunti ang katawan dahil sa panggigising sa kanta.“I'm sorry, I woke you up,” malambing na ani ni Azi kay Daviah nang dahan-dahan siyang naupo mula sa pagkakahiga.“Bakit? May problema ba?” tanong ni Daviah habang humihikab.They sleep in separate rooms dahil na rin sa kagustuhan ni Geneva, ang mama ni Azi. Azi said that it's fine if they sleep in one room together dahil ikakasal naman na sila. Pero si Daviah mismo ang tumanggi doon dahil alam niyang mas lalo lang magkakaproblema. Masyado ng mainit ang nangyare sa dinner nila, kaya
“Gising na pala ang senyorita,” agad na narinig ni Daviah iyon nang pababa siya sa hagdan. Galing iyon kay Geneva na prenteng nakaupo sa sofa. Hindi tuloy alam ni Daviah kung magpapatuloy siya sa pagbaba o hindi. She suddenly froze at the cold voice of Azi's mother. Bigla siyang natauhan kung nasaan siya at kung ano ang kinakaharap niya. She was too happy about their short conversation with Azi kaninang alauna, kaya talaga namang medyo nakalimutan niya kung gaano siya hindi gusto ng Mama ni Azi.“G-Good morning po.” Kahit natigilan at hindi alam ang gagawin, she still tried to be calm and polite. She tried to smile to Geneva kahit na hindi ito nakangiti, pero ang ngiti nito ay talaga namang nanginginig Binati niya ito at dahan-dahang nagpatuloy sa pagbaba. She tried not to create any noise habang pababa.“Alam mo ba kung anong oras na?” tanong bigla ni Geneva nang hindi tumitingin kay Daviah. “A-Alas otso na po—” “At sa tingin mo, paggising yan ng responsableng babae? At saka,
“Ouch!” Nabitawan ni Daviah ang kutsilyo na hawak niya nang mahiwa ang kanyang kamay. Mangiyak-iyak siyang lumapit sa sink upang hugasan ang sugat. Naghihiwa siya ng karne at hirap siya sa paghiwa dahil iyon ang unang beses na maghihiwa siya ng ganun. Akala niya noong una ay madali lang, pero hindi naman pala ganoon kadali lalo. Kailangan niyang gumawa ng maliliit na hiwa dahil isasahog iyon sa pakbet. Geneva had requested fried fish and pakbet for lunch. However, Daviah really didn’t know how to cook it kaya nag search na lang ito sa internet kung paano ang magluto, hindi lang niya sigurado kung magagawa niya ba iyon ng tama. She couldn’t even manage to slice properly, kaya naman nagkaroon na siya ng maraming sugat sa kamay, maliliit lang naman, pero dahil naparami na ay nararamdaman na ni Daviah ang hapdi. “Sorry, Ma’am Daviah. Gusto po sana namin kayong tulungan, pero baka mapagalitan kami ni Ma’am Geneva,” ani ng isang kasambahay na nakatayo sa gilid. Napangiti si Daviah sa
Mariing pumikit si Cheska at hinimas ang batok niya, sinusubukang kalmahin ang sarili. Pero nang marinig niya ang pag-andar ng makina, agad siyang sumakay sa front seat, hindi na nag-isip pa. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya—parang may kung anong sumasakal sa dibdib niya habang pinagmamasdan si Azrael na tila ba hindi siya nakikita.Pagkaupo niya sa passenger seat, agad niyang nilingon si Azrael. Walang emosyon ang mukha nito, at tila ba tumagos ang katahimikan ng buong sasakyan sa balat niya."Hindi ba talaga kita makakausap ng matino?" Tanong ni Cheska at napapikit dahil sa suot nitong earbud, hindi siya sigurado kung naririnig ba siya nito o ano.Hindi na nakatiis si Cheska. Inabot niya ang kanang tainga ni Azrael at biglang inalis ang isang earbud. Kasabay ng pag-alis niya roon ay ang biglang pag-ikot ng mukha ng lalaki para tignan siya, puno ng iritasyon at pagkabigla.“What the fvck you fvcking think are you doing?” Inis na ani ni Azrael, masyadong diretso
Paglabas ni Cheska ng pinto ay agad siyang luminga sa magkabilang direksyon ng hallway, hinahanap ang pamilyar na porma ni Azrael. Mabilis ang pintig ng puso niya—hindi niya alam kung dahil ba sa kaba, inis, o… baka pareho, ewan, pati siya ay talagang nagugulugan sa nararamdaman. Kaso sa magkabilang dereksyon iyon ay wala siyang nakitang Azrael.“Ang bilis naman niya?” bulong ni Cheska sa sarili, bitbit ang iritang hindi niya maipaliwanag.Napahawak na lang si Cheska sa sintido. Dalawa ang elevator doon at sa dalawang hallway din ang daan kaya hindi niya alam kung alin sa dalawa ang sinakyan ni Azrael o tinungo nito.“Dito na nga lang!” Inis na ani Cheska sa sarili. Bahagyang nabunutan siya ng tinik nang makita niya ang pamilyar na likod nito—nakatayo, nakaharap sa elevator, at tila malapit nang sumakay. Mabilis ang lakad ni Azrael at may mga bumating nurse pa nga dito, dahil nga kilala ito doon, pero wala man lang itong pakealam o pinansin man lang. Diretso lang. Walang tingin. Walan
“Huwag ka kasi mag-alala. Kaya ko ang sarili ko, at mabait naman iyong boss kong iyon kahit medyo bugnutin. Kaya relax ka lang diyan."Ngumiti si Cheska pagkatapos sabihin iyon. Naiintindihan naman ni Cheska kung bakit nag-aalala ang kaibigan. Hindi rin naman ito ang unang beses na subra ang pag-aalala ng kaibigan dahil sa lalake.Bumuntong-hininga si Cris, halatang napapaisip.“Kaya kumain na lang tayo nito. Sayang din, at saka para kang tanga magtampo—Shit!”Napasinghap si Cheska nang maramdaman ang malamig at malagkit na icing ng yema cake sa pisngi niya. Napapikit siya sa gulat, halos hindi makapaniwalang pinahiran din siya ni Cris ng yema cake sa mukha, gaya ng ginawa niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, naglalagablab ang titig, at unti-unting inangat ang ulo papunta kay Cris.Nakita niya itong may mahinang tawa habang hawak pa ang daliring may natirang icing, kitang-kita ang kalokohan sa mukha. Parang batang nakaiskor ng kalokohan.“Cris...” seryoso ang boses niya, m
"Kamusta po ang kapatid ko, Doc? Okay lang naman po siya, hindi ba? Matagal na din po kasi kami rito at palaging na dedelay ang operasyon ng kapatid ko. Medyo nag-aalala na rin po kasi ako at ang laki na ng bill namin dito. Nagmukha na ngang hotel itong hospital para sa amin ng kapatid ko kaya gustong gusto ko na pong malaman kung bumubuti na po ang lagay ko." Tuloy tuloy na tanong ni Cheska dahil nabalitaan niyang tapos na ang panibagong test na ginawa nila sa kapatid niya.Ngumiti ang doctor bago sumagot,“Bumubuti ang lagay ng kapatid mo, so we are really happy to say that we are going to schedule the operation for him next month, first week.”Nagliwanag ang mukha ni Cheska sa narinig mula sa doctor. Hindi ito iyong tita ni Azrael dahil naka-leave daw ito—kaya’t iba ang naka-assign na doktor na sumuri at dumalo sa kapatid niya ngayon. Ngunit kahit iba ang kausap niya, dala pa rin ng balitang iyon ang matinding ginhawa at pag-asa.“And na-inform na din namin si Dr. Villariva. We su
Napasulyap si Cheska kay Azrael, and Azrael just sighed. Biglang lumambot ang tingin nito at hindi tulad kanina na halos umigting na ang panga.“I’m really happy na nandito ka ngayon para sa anak ko,” masayang ani Daviah habang hindi pa rin binibitawan si Cheska. “Nandito sana ako para pagalitan siya. Pasensya ka na sa anak ko, ha. Nalaman ko kasing puro trabaho ang inaatupag nitong mga nakaraang araw. Hindi man lang siya makapaglaan ng oras para sayo. Sana hindi ka magsawa sa kanya.”Napatingin si Azrael sa ina, agad na sumabat, “Saan mo ba kasi nalaman yan, Ma? I told you, napag-usapan na namin ng girlfriend ko na kapag tungkol sa trabaho ay ayos lang kung—”“No way! Ayos lang? I told you, magsasawa siya kapag palagi kang busy sa trabaho!” Pagalit na ani ng kanyang ina kaya napahawak sa batok si Azrael.“She won’t. Hindi siya magsasawa sa akin and I am making my way para magkasama naman kami—and you don’t need to meddle in our relationship, Ma.” Mahinahong sagot ni Azrael, ngunit bu
“Get a day off today. Spend time with your girlfriend! Hindi ka naman kailangan sa kompanya kaya–”“Kailangan ako sa kompanya, Ma. I’m the boss–”“Come on! Hindi ikakabagsak ng kompanya ang isang day off ng boss!”Naalimpungatan si Cheska nang makarinig ng pag-uusap at pagtatalo sa kung saan.Mabigat ang talukap ng mga mata niya habang dahan-dahan itong iminulat. Ang una niyang napansin ay ang malambot na kutson ng sofa sa ilalim ng kanyang likod. May kumot na nakabalot sa kanya, at may unan sa ilalim ng ulo niya.Kumunot ang noo ni Cheska. Hindi niya maalala kung kailan siya nahiga nang maayos doon, pero masarap ang pakiramdam ng init ng kumot—parang may sumilong na yakap sa buong katawan niya. Sinalubong din siya ng mahinang aroma ng nilulutong pagkain—bawang na piniprito, longganisang medyo nanunuyot na sa kawali, at ang pinong halimuyak ng piniritong itlog. Lahat ng iyon ay humaplos sa kanyang ilong, tila inaakay siya na bumangon na.Napaupo siya, marahang itinulak ang kumot at na
Binuka ni Cheska ang labi, handang magsalita ulit—siguro para kontrahin siya, siguro para lang mapanatili ang kaunting distansya sa pagitan nila. Pero sa huli, isang mahabang buntong-hininga na lang ang pinakawalan niya. Tinitigan niya si Azrael, hindi gumalaw, hindi rin siya gumawa ng anumang hakbang para paalisin ito sa pagkakahiga sa kanyang hita.Alam naman kasi talaga ni Cheska na pagod na ito, kahit sino ay mapapagod pagkatapos ng nangyari kanina. Ni hindi nga naisip ni Cheska na hanggang ngayon ay gising pa ito gayong kanina pa niya nakikita ang pagod sa mata niya at gusto ng magpahiga.Hinigit ni Cheska ang paghinga at sinubukang sumulyap na lang sa ibang direksyon, pilit pinipigilan ang anumang emosyong bumabalot sa dibdib niya. Sinisubukang huwag mag-isip at hayaan na lang ito sa pwesto nito.Pero ilang sandali, kinagat ni Cheska ang labi at hindi mapigilan ang mapatitig ulit dito. Nakapikit na, pero hindi matukoy ni Cheska kung tulog na ba ito o ano.Napatingin siya sa mukh
Tahimik si Cheska habang nagluluto. Halos hindi niya magawa ang huminga ng malalim. Ilang beses na siyang napapahawak sa pisngi niyang alam niyang namumula dahil sa sobrang init ng pakiramdam niya sa mukha. Hindi niya alam kung dahil ba 'yun sa kalan o sa... nangyari kanina.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyare at lalo na sa inaasta niya mismo.Hindi niya makalimutan ang biglaan, marahas ngunit sabay rin na banayad na halik ni Azrael. Gulong-gulo pa rin siya sa sarili niya—at hindi lang dahil doon. Pati na rin sa kung paano siya tumugon, kung paano siya... napalapit at hinayaan ito na halikan siya ng ganoon kalalim. Sa isang taong hindi naman niya karelasyon dahil peke lang naman ang namamagitan sa kanila.Humigpit ang hawak ni Cheska sa sandok.Naririnig niya ang bawat tik-tak ng wall clock, parang ang lakas-lakas. Samantalang si Azrael—nakaupo lang sa gilid ng countertop, nakasandal, nakangiti, at... pinapanood siya. At dahil nga sa pinapanood siya nito,
Napatigil siya. Tahimik. Seryoso ang boses. Seryoso ang mukha. Wala na ang pilyong ngiti. Nakatitig lang si Azrael sa kanya—diretso, walang iwas. Kaya namutla bigla ang mga salitang gusto sanang ilabas ni Cheska. Parang may pumisil sa dibdib niya.“But I want to kiss you, only you this time,” mariing ani ni Azrael.Parang tumigil ang oras para kay Cheska. Lahat ng ingay sa paligid niya ay nawala. Ang naririnig lang niya ay ang tibok ng puso niya at ang tinig ni Azrael na tila dumiretso sa puso niya at hindi sa tenga. Napalunok siya, pero hindi siya kumibo. Hindi niya alam kung alin sa mga nararamdaman niya ang dapat unahin—galit, takot, o ‘yung matagal na niyang pilit itinatanggi na nararamdaman niya para sa lalaking nasa harapan niya ngayon.Masyado syang nagulat sa mga sinabi ni Azrael at hindi niya alam kung dapat ba niya iyong paniwalaan o ano.Isang hakbang lang ang pagitan nila. Isang hakbang na pwedeng burahin at itawid ng kahit sinong may lakas ng loob. At si Azrael—walang pag