Chapter 46“Ahhh.” Van looks like a child when he opens his mouth habang naghihintay sa isusubo ni Belinda sa kanya.Halos mapangiwi si Warren habang nakatingin sa pinsan nito. Belinda and Van are sitting in front of Warren at kitang-kita ni Warren kung gaano kalandi ang pinsan niya.“Wala ka bang kamay at nagpapasubo ka pa? What the fvck, Van?” Hindi na maiwasan ni Warren ang sabihin nang subuan.“Inggit ka lang. Wala ka kasing ganito.” Inakbayan pa ni Van si Belinda at ngumisi ng nakakaloko. Napailing na lang si Belinda at siniko si Van sa kalokohan niya.Warren still can't believe it. Hindi siya makapaniwala sa mga galaw na pinapakita ni Van, pati nga ang mga sinabi nito kanina ay talagang parang hindi siya. Ilang buwan lang silang hindi nagkita, pero sobrang laki na nang pinagbago ni Van.Van is too serious in everything. Babaero at walang pakialam sa nararamdaman ng mga nakakasalamuha niya, kaya talagang ang tanawin na pinapakita ni Van kay Warren ay nakapanibago.“Marami namang
Chapter 47 “This is too much! Maayos naman ito, but she wants us to revise again? Hindi ba parang sumusobra na siya?” Lia sarcastically said. Nasa apartment na sila at inuwi ang mga trabahong kailangan nilang gawin. Pagkatapos pagalitan ni Manager Cecilla si Belinda at Lia sa harap ng mga kasamahan nila sa trabaho ay talagang natahimik ang buong department. “Laking pasalamat na lang natin na hindi niya tayo binigyan ulit ng deadline. Let's just revise this again.” Kahit gustong umapila ni Belinda, mas pinili niya na lang ang manahimik at gawin ang inuutos ni Manager Cecilla. Belinda really loves this work, rason kaya ayaw niyang mawala ang trabahong ‘to, and Belinda knows na mahal din ni Lia ang trabahong ‘to kaya mas lalong hindi ito pwedeng mawala sa kanila. Hindi makapaniwalang tinignan ni Lia si Belinda. “Sa ating dalawa, dapat ikaw itong galit na galit at hindi matanggap ang gustong mangyari ni Manager Cecilla. Pinaghirapan mo ang halos lahat ng ‘to, Belinda. Kaunti la
Van immediately stood up when she saw Belinda leave the restaurant, but Zy immediately held Van's arm.“Where are you going? And do you know that girl?” kunot-noong tanong ni Zy habang nakahawak sa braso ni Van.Aalis na sana rin si Lia para habulin si Belinda, but then she saw Van. Natigilan siya at kunot-noong tinignan si Van, bumaba pa ang mata nito sa babaeng nakahawak sa braso ni Van. Isang tingin ay alam na niya agad kung bakit biglang umiyak ang kaibigan.Napapikit si Van at tinanggal ang kamay ni Zy na nakahawak sa kanya.“Yes, I know her. Kausapin ko lang saglit.” Zy still tried to say something, pero mabilis nang umalis si Van para habulin si Belinda.Lia didn't know what to do. May parte sa kanyang gustong puntahan ang babae at magtanong kung sino ito, pero sa pag-aalala kay Belinda ay napasunod ito kay Van nang dumaan ito mismo sa tabi niya.“Sino ba ang babaeng kasama mo?” Hindi na itinago ni Lia ang galit na nararamdaman niya.Hindi pa man lang napapatunayan na nagluluko
Chapter 49"Ano? Wala ka pa bang balak umuwi?" Tinaasan ni Lia ng kilay si Belinda na ngayon ay nakahiga sa sofa habang nakatitig sa TV. Bored na bored na tinitingnan ni Belinda si Lia."Alis diyan, nanonood ako," sabi ni Belinda nang hindi pansinin ang sinabi ni Lia, pero imbes na umalis, mas lalo pang hinaharangan ni Lia ang TV."Lia, ang ganda ng pinapanood ko kaya pwede paganon ka ng kaunti?""Umuwi ka na sa inyo," mariing sambit ni Lia na ikinawang ng labi ni Belinda. Hindi rin pinansin ni Lia ang sinabi ni Belinda at ang gusto na lang ni Lia ay ang pauwiin na si Belinda."Bakit? This is also my apartment kaya bakit ba pinapauwi mo ako?" Nakasimangot na sagot ni Belinda.Napairap si Lia sa sinabi ni Belinda at kung pwede niya lang batukan ang kaibigan ay talagang gianwa na niya sa subrang inis."Gusto ko lang sabihin na may asawa kang tao. 5 days ka nang nandito at hindi umuuwi. Aba, eh, ilang beses ka na ngang binalik-balikan ng asawa mo rito. Sinusuyo ka na't lahat, pero ayaw m
Chapter 50“You look like a shit,” hindi maiwasang sabihin ni Warren nang makita niya ang pinsan na lasing na lasing.“Ano ngang gagawin ko? Hindi nga niya ako pinapansin! Ni mag reply sa text ko, hindi nga niya magawa!” Mariing ani ni Van habang nakayuko at nahihilo. He texted Belinda again and Belinda didn't even reply again.Ilang beses na siyang nag-text sa araw na iyon, pero ni isa ay wala itong nireplyan, kaya napunta si Van sa bar kasama si Warren.Ilang beses na siyang pumunta sa apartment nila. Pati sa trabaho, sinusubukan niyang kausapin ito. Ni wala na nga ngang pakealam si Van kung makita siya ng ina na sunod na sunod kay Belinda.He miss Belinda so much. He miss her scent and all. Halos hindi na nga siya makapag-trabaho ng maayos! Gusto niya na lang na pansinin siya ni Belinda at umuwi na ito sa bahay niya.Nakakuha pa nga ulit ito ng suntok mula sa lolo niya nang hindi pinuntahan ni Van si Zy sa Tagaytay noong mga sumunod na araw at hanggang sa pag-alis nito ay talagaang
Chapter 51Nalaglag ang panga ni Belinda nang may pumasok na video galing kay Van. Akala nga niya ay simpleng text lang iyon, pero mali siya. She was lying on the bed when she opened it, pero tuluyang napaupo nang mapanood iyon sa subrang gulat.“H-Hindi niya ako namimiss. Ako, miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang asawa ko.”Natampal ni Belinda ang noo. Nakapikit at lasing na lasing si Van habang sinasabi iyon.Teka, seryoso bang ang asawa niya ang nasa video at nagsasalita? Hindi na maiwasang isipin iyon ni Belinda.“Baby, sorry na! Umuwi ka na!” Biglang sambit niya na parang bata.Belinda didn't know how to react. It's obvious that it wasn't Van who sent that. Lasing na lasing siya kaya paniguradong hindi siya ang nagsend noon.“Belinda Juarez Villariva! Ba-Bakit hindi mo ako namimiss?” Van drunkenly looked at the camera.Sinubukan pa nitong imulat ang mata niya nang sobrang laki, pero dahil sa sobrang kalasingan, hindi niya iyon magawa ng tama. Pagkatapos niyang mapanood
"Bakit ka sumunod? Hindi ka welcome rito! Alis!” bulyaw ni Lia kay Warren, but instead of leaving, nagpatuloy si Warren sa pagpasok at naupo pa sa sofa.“I want coffee, please,” Warren said while already sitting."Huh? Kapal naman talaga ng mukha mo! Anong you want Coffee? Uutusan mo pa ako? Mukha mo!"Belinda wants to talk to Lia for a while dahil kitang kita niya ang inis sa mukha nito. Belinda still doesn't know what's really the real score between Lia and Warren, pero ang nasisigurado lang ni Belinda ay talagang magkakilala sila.“Lia—”“Let them be here. Let's go inside, please,” Van whispered at kahit na sobra na ang pag-ikot ng paningin ay sinubukan na niyang hilahin si Belinda.Halos mapatili naman si Belinda nang muntik na silang matumba. Van really can't balance himself kaya muntik na silang natumba at dahil naman sa muntikan nang pagtumba ay napatawa lang si Van.Belinda didn't want to leave Lia and Warren lalo na at napansin nito ang sagutan ng dalawa, pero dahil sa paghil
Nang sinubukan ulit ni Belinda ang lumayo at tumayo, hinayaan na siya ni Van. Van just let Belinda. Nanatiling nakahiga si Van nang tuluyang makaupo si Belinda. They both became silent after that.“Hindi ako galit sa'yo.” Nang makakuha ng lakas si Belinda ay nasabi niya iyon.Belinda looked at Van. Nakapatong na ang braso sa mismong mata niya.“Iniiwasan mo ako.”Binasa ni Belinda ang labi gamit ang dila nang marinig iyon galing kay Van. Subrang hina ng pagkakasabi niya, pero rinig na rinig ang hinanakit roon.“Oo, iniiwasan nga kita, pero hindi dahil galit ako. I told you, papaniwalaan ko lahat ng sasabihin mo.” Sandaling tumigil si Belinda sa pagsasalita.“It's just that, pakiramdam ko sumobra ako sa mga sinabi ko sa'yo noong gabing iyon.” Pag-amin ni Belinda, which made Van look at her.“Tapos umiyak pa ako at nagmukhang selos na selos gayong ka meeting mo lang pala iyon.” Biglang nahiya ulit si Belinda at agad na tumayo.Van stared at Belinda after she said that. Napasinghap si Va
Wala sa tono nito ang alinlangan. “Is that enough for you to hear and not think of any questions about it? O gusto mo pang ipaliwanag ko iyong mga nararamdaman ko na… sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan kung paano bigla ko na lang naramdaman?"“Minsan ko lang ito sasabihin kaya makinig ka.” Huminga pa si Azrael ng malalim, animo’y nag-iipon ng lakas ng loob. Inayos pa niya ang upo, para bang gustong tumindig at ipagsigawan ang nararamdaman.Napalunok si Cheska at hindi alam ang sasabihin o kung kailangan ba niyang magsalita. Hindi niya alam. Bago lang naman kasi sa kanya ang ganitong mga bagay. Lumaki siya na ang nasa isip ay makakuha ng pera para sa kapatid niya, para sa pamilya niya, hindi niya inisip na magkakaroon ng ganitong pangyayari sa buhay niya, na magkakagusto siya sa taong hindi niya kalevel at biglang aamin sa kanya.Masyado siyang nasanay sa bardagulan nilang dalawa ni Azrael kaya hindi niya alam ang sasabihin o gagawin.“I feel safe every time I am with you. I feel
Chapter 72Tinignan ni Cheska ang kamay niya, hawak pa rin iyon ni Azrael. Mahigpit, pero may ingat ang paghawak nito ng mariin.“Umayos ka nga sa pagdadrive.” Si Cheska at sinubukang kunin ang kamay niyang hawak ni Azrael, para mahawakan niya ng maayos ang manobela, pero hinigpitan lang iyon ni Azrael, hindi hinayaang mabitawan iyon. Nabigla pa siya nang halikan ni Azrael ang likod ng palad nito, marahan, para bang pinipirmi ang presensya niya sa kanyang mundo.“Azrael—”“Sinong mas gwapo sa amin?” Umawang ang labi ni Cheska sa biglang tanong niya. Tinignan ni Cheska si Aiden na ngayon ay nakapikit na at tulog. Kinagat niya ang labi at naoanguso dahil wala naman kasi talaga itong sinabi na gwapo si Aiden at gusto niya ito, hindi niya lang alam kung anong trip ng kapatid ni Azrael at sinabi niya iyon.“At talagang kailangang tignan mo muna siya bago sumagot?” Biglang sarkastikong ani ni Azrael, umigting ang panga at parang nagtatampo. "Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang na mas gwapo
“Mag-iingat kayo.” Nakangiting ani ng mama ni Azrael kina Cheska nang ihatid na nila ito sa labas. Naramdaman ni Cheska ang init ng yakap ni Daviah—isang yakap na puno ng pag-aaruga, parang yakap ng isang tunay na ina.“Tatawag ako kapag naihatid ko na siya sa hospital.” Ani naman ni Azrael, pero hindi man lang pinansin iyon ni Cheska at niyakap si Daviah ng mahigpit, waring ayaw pa nitong kumalas.“Kapag sinaktan ka nitong anak kong ito, magsumbong ka sa akin dahil ako ang babatok sa kanya. And you are always welcome to come here, okay? Just tell Azrael if you want to visit here, open ang bahay na ito kahit wala kami.” Malambing pero may halong pananakot na biro ni Daviah, habang hinahaplos pa ang likod ni Cheska.“Ma, stop it. Bakit ko naman siya sasakt—” Sabat ni Azrael, pero agad na pinutol ni Cheska iyon.“Hindi ko na po kailangan magsumbong sa inyo kung sakali, kasi kung saktan man niya ako, ako na po ang babatok na may kasamang suntok sa anak niyo.” Cheska jokely said, ngunit n
Gulat na gulat si Cheska, pero ang mga mata niya ay unti-unti niyang pinikit. Dinama niya ang bawat segundo ng malumanay at masuyong halik ni Azrael—isang halik na hindi pilit, hindi madalian. Walang pagmamadali, walang pag-aalinlangan. Isang halik na tila sinasambit ang mga salitang hindi kailanman nabanggit.Ang kamay ni Cheska, na kanina lamang ay hindi alam kung saan hahawak, ay unti-unti ring gumapang papunta sa batok ni Azrael. Hinaplos niya iyon ng dahan-dahan, waring sinasalo ang bawat sandali na hindi niya inakalang darating. Hindi na siya basta tumatanggap ng halik—she started fighting his kisses, sumasabay sa ritmo ng damdamin niya. May kirot ng pangamba sa dibdib niya, ngunit higit doon ay ang umaapaw na damdamin na hindi na niya kayang itago.Mas lalo niyang naramdaman ang paglapit ni Azrael, halos mawala na ang espasyo sa pagitan nilang dalawa. Lumalim ang halik nito, para bang may gustong iparating na hindi nito masabi sa salita. Ang kamay ni Azrael ay nakapahinga sa ma
Napatigil siya.Nakagat niya ang kanyang labi nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Azrael — hindi iyon galit, hindi rin iyon simpleng inis. May kakaiba sa mga mata ng binata, isang bagay na hindi niya maipaliwanag — isang halo ng sakit, hinanakit, at isang bagay na ayaw pa nitong ilantad.Hindi siya nagsalita. Hindi siya gumalaw. Parang sa isang iglap, ang malamig na simoy ng hangin ay naging mabigat at nakakakaba.Hindi niya na rin alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob, pero nagpatuloy siya, kahit pa nararamdaman niya na baka lalo niyang saktan ang sarili niya.“Nga pala…” mahina niyang umpisa, pilit ngumingiti pero nanginginig ang tinig. “Kailan matatapos itong pagpapanggap ko bilang girlfriend mo? Naniniwala naman na siguro sila at hindi na nila iisipin na… bakla ka o ano…”"Gusto mo ng matapos?" Seryoso niyang tanong.Napatingin siya sa gilid, pilit na nilulunok ang sakit na bigla na lang sumiksik sa dibdib niya. Kung siya lang, gusto niyang manatili sa tabi nito lalo na
Chapter 68Napalunok si Aiden nang marinig ang boses ng kuya niya. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at nagkunwaring walang sinabi kay Cheska. Habang si Cheska ay hindi nakagalaw agad dahil sa pag-iisip. Hindi niya alam kung ano iyon. Hindi niya alam ang ibig sabihin non. Hindi niya alam kung bakit nasabi nito ang mga iyonHindi niya alam kung ano ang pinapatama ni Aiden kanina. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng lola, ng pera, ng lahat ng iyon. Parang isang malaking tanong ang bumalot sa isipan niya, at hindi niya alam kung saan siya magsisimula para maintindihan ang lahat.“Anong pinag–uusapan niyo?” Napabali lang si Cheska sa huwisyo nang maramdaman ang mainit na haplos sa bewang niya. Parang kuryente ang gumapang sa balat niya kaya napatigil siya sa paghinga. Dahan-dahan siyang tumingin sa gilid niya at doon, nakita niya si Azrael na seryosong nakatingin kay Aiden.May kakaibang lamig sa mga mata nito. Hindi siya galit, pero ramdam mong hindi siya natutuwa sa nadatna
“Ahh. Ang kuya mo naliligo lang. Bumaba lang ako para magpahangin.” Sagot na lang ni Cheska. Tumango si Aiden at saka tinignan ulit ang pinapanood. Aalis na sana si Cheska, papunta sa labas para magpahangin, pero hindi niya nagawa nang muli siyang tawagin ni Aiden.“Hey wait!""Ano iyon?" Tanong naman agad ni Cheska."May itatanong pala ako sa’yo, come here,” ani nito, sabay tingin sa kanya na may kakaibang kislap sa mata. Bakit kailangan pang lumapit?--Sa isip ni Cheska.Kumunot ang noo ni Cheska. Hindi niya alam kung kinabahan ba siya o ano sa tanong nito“Bakit—”“Halika kasi dito. Bakit parang takot ka? Hindi kita kakainin o sasaktan no! Takot ko na lang kay kuya kung masaktan ka kaya wala akong gagawing masama,” ani pa nito. Parang batang hindi mapakali habang may itinatagong kalokohan.May hawak itong isang bowl na popcorn at kumakain nga ito ngayon doon.Napahawak si Cheska sa batok at saka dahan dahan na lang na lumapit sa kinaroroonan ni Aiden.“Maupo ka diyan, may tatanungi
Chapter 66 Tapos na si Cheska maligo nang maalalang wala nga pala siyang damit. Kinagat niya ang labi at napatulala sa gitna ng banyo. Ang tanging suot niya ay ang twalya na nakabalot sa katawan niya, at kahit pa sigurado siyang walang ibang tao doon, pakiramdam niya ay parang nakahubad pa rin siya.Bahagya siyang napapikit habang pinipilit pag-isipan kung anong gagawin. Hindi siya pwedeng lumabas nang ganito, pero hindi rin siya pwedeng maghintay nang matagal. Kaya sa dulo, wala siyang nagawa kung hindi ang buksan ng kaunti ang pinto at sumilip sa labas.Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto, ay agad na sumulpot si Azrael, na nakayuko pa, kaya sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa. Muntik pa siyang mapasigaw sa gulat."Here’s your clothes. Magbihis ka na at susunod—" Hindi na hinintay ni Cheska na matapos si Azrael sa sasabihin niya. Mabilis niyang kinuha ang mga hawak nitong damit at halos ibagsak ang pinto sa pagmamadali niya.Narinig niya pa ang mahina at napuputol na salita
"What?"Rinig ang sarkastikong pagtawa ni Azrael nang itanong niya iyon."Are you fvcking hearing yourself?" Hindi makapaniwalang dugtong pa nito, ang boses ay mababa pero puno ng nagbabadyang galit.Napalunok si Cheska, pero hindi siya umatras.Pilit niyang pinanatili ang mahinahon niyang anyo kahit na ramdam niya ang panginginig ng dibdib niya."Azrael... Seryoso ako...At saka dapat ay maging masaya ka kasi.." mariin niyang sabi, pilit hindi nagpapadala sa ekspresyon nitong para bang gusto siyang lamunin ng buhay.Pero bago pa siya makapagpatuloy at makatayo, biglang kumilos si Azrael.Hinawakan siya sa magkabilang braso — hindi masakit, pero sapat para hindi siya makakilos — at marahas siyang pina-upo sa kandungan nito.Halos mapatili si Cheska sa gulat, pero walang lumabas na boses mula sa kanya, lalo na nang magtama ang kanilang mga mata sa sobrang lapit."You think you can fvcking make me forget about what happened last night?" mariing bulong ni Azrael, bawat salita ay humahagod