Chapter 5Gusto na lang sana ni Cheska ang manahimik at hintayin na makarating sila sa kabilang kanto, pero dahil hindi nito mapigilan ang sarili ay nagsalita na siya."Woi, sorry na. Masakit pa?" Cheska asked nang sobrang tahimik ni Azrael at parang hindi komportable sa pagmamaneho at pag-upo. Napansin niyang panay ang pikit nito ng mariin habang hawak ang manibela, halatang may dinaramdam."What do you fvcking think?" masungit na sagot ni Azrael, hindi man lang siya tinignan nito. Napanguso si Cheska at napakamot sa batok. Hindi naman kasi niya akalain na mapapalakas ang pagsuntok niya roon at saka sinabihan naman niya ito kaya hindi naman niya purong kasalanan iyon, may kasalanan din siya."Ikaw kasi, sabi ko huwag mong ituloy iyong iniisip mo, tapos tinuloy mo. Hindi ko na kasalanan iyon." "Tsk!" Iyon lang ang naging tugon ni Azrael na para bang walang kabuluhan ang sinabi ni Cheska.Kinagat ni Cheska ang labi at sinubukang huwag nang magsalita dahil parang mas nadadagdagan
Chapter 6 “Teka, saan tayo pupunta?” takang tanong ni Cheska nang mapansin niyang lumiko si Azrael. “Hindi natin alam kung may sumusunod pa sa atin. Kapag iniwan kita sa sinasabi mong kanto at umuwi ka sa bahay niyo ngayon pagkatapos ng nangyafd,, baka ikaw at pamilya mo pa ang malagay sa panganib. Just stay in my condo for tonight,” seryosong ani ni Azrael, pinipigilan ang dumaing dahil ramdam niya ang sakit at hapdi ng tama ng bala sa balikat niya. Tatanggi sana si Cheska, pero sa huli ay naitikom niya ang labi dahil tama naman si Azrael. Mas maigi nga na huwag siyang umuwi ngayong gabi. “Just tonight. Pang-thank you sa ginawa mo. Baka kapag hindi mo iyon ginawa, hinahabol pa rin tayo hanggang ngayon,” hindi nakatinging ani Azrael. “Sige, pero kapag may ginawa kang hindi ko magugustuhan, mababasag ang itlog mo—” “Can you stop using those terms? Tsk!” nakasimangot na ani ni Azrael at saka tinugnan si Cheska, pero agad napaiwas nang makitang nakatingin din ito sa kanya.
Chapter 7 Naalimpungatan si Cheska nang makarinig ng ingay mula sa labas. Tumingin siya sa orasan na nasa side table at halos umawang ang labi nang makita kung anong oras na. It's already 8 am at talagang hindi maitatanggi ni Cheska na napasarap ang tulog niya. Paano ba naman hindi sasarap ang tulog nito kung napakalambot ng kama at naka-aircon pa. Dahan-dahan siyang umupo sa kama, pinakiramdaman ang sarili habang hinaplos ang kanyang mukha. Napabuntong-hininga siya dahil ngayon niya napagtanto na napakaraming nangyare sa buhay niya. Napasulyap lang siya sa pinto dahil rinig pa rin niya ang ingay doon, pero hindi lang klaro. “Ma, let's just go downstairs, huwag dito.” Napakunot ang noo ni Cheska. Kilala niya ang boses na iyon—si Azrael. Pero sino ang kausap niya? Binuksan ng kaunti ni Cheska ang pinto at saka Sumilip doon para makita ang kung anong meron sa labas at nakita niya si Azrael doon na may kausap na babae, mas matanda sa kanya at dahil narinig na niya ang tawag dito, na
Chapter 8 “Ano bang problema mo!” inis na ani ni Cheska kay Azrael at agad na hinila ang kamay. Agad kasing hinila ni Azrael si Cheska para dalhin sa kwarto niya, at nang makapasok ay agad ngang hinila ni Cheska ang kamay niya at tinignan ito nang masama. At ngayong silang dalawa na lang, hindi niya napigilang ipakita ang pagkainis niya sa nangyare. “I'm sorry—” Pero bago pa matapos ni Azrael ang sasabihin ay sumabog na ng tuluyan si Cheska. “Pake ko sa sorry mo? Mag-explain ka na lang kung bakit mo sinabi iyon sa mama mo. Ako? Girlfriend mo? Ibang klase ka ah, nagkita lang tayo kahapin tapos girlfriend mo an agad ako? Saka wala akong pakealam kong mayaman ka o ano! Ano ka? Sinuswerte?! Ako? Girlfriend mo agad! ha! Asa ka!” Napapailing na ani ni Cheska at halos hindi na huminga sa subrang inis at pag-aalburoto, at halos sumakit ang ulo niya habang iniisip ang bagay na iyon. Kahit kailan ay hindi inisip ni Cheska ang pumasok sa isang relasyon, tapos biglang ganito? Pinakilala siya
Chapter 9Gulo?Matatawag ba itong gulo kung malaki ang halagang makukuha niya at maipapagamot na niya ang kapatid niya? Iyon ang hindi mapigilan ni Cheska na isipin. Kanina pa siya parang wala sa katinuan, para kasing ang daming nangyari sa isang gabi lang, na para bang nananaginip lang siya na ewan—at ngayon, may pampaopera na ang kapatid niya.Napabuntong-hininga siya at napaupo sa gilid ng kama ni Azrael. Lumingon siya sa paligid, sa magarbong kwarto na ngayon na talaga namang kahit kailan ay hindi inisip ni Cheska na mapupuntahan niya. Nakakabingi ang katahimikan. Hanggang sa bumukas bigla ang pinto. “Here!” Gulat na sinalo ni Cheska ang hinagis na damit ni Azrael. Halatang kagagaling lang nito sa labas, at siya naman ay nanatili sa loob ng kwarto matapos siyang utusan na huwag lumabas. Napakunot-noo siya.“Ano ’to?” tanong niya bago pa man tingnan ang damit. “Malamang damit. Isn’t that obvious? Magpalit ka na at nagdadatingan na ang pamilya ko. Fix yourself, and please
Chapter 10"Iha, pasensya na kung marami kami ngayon dito. I am really just happy that my son already has a girlfriend, kaya talagang sinabihan ko ang lahat tungkol sayo. Mas marami pa sana ito kung hindi lang nasa ibang bansa at busy ang iba. And also, my husband is not here dahil may dinaluhang meeting, kaya hindi mo siya makikilala ngayon."Halos nawala lahat ng tapang ni Cheska nang makita niya kung gaano karami ang pamilya ni Azrael. Mukhang alam na ni Cheska kung bakit ganito kalaki at kalawak ang condo ni Azrael—dahil kung maliit ito, hindi sila magkakasya lahat."O-Okay lang po at saka m-masaya naman po akong makilala kayo," sinubukan ni Cheska na ngumiti at maging normal ang kilos, pero halos hindi niya magawa nang mabuti dahil alam naman niya sa sarili niya na hindi totoo ang lahat ng ito.Nang matapos sabihin ni Cheska iyon, agad siyang dinumog at nagpakilala isa-isa. Ang iba ay sabay-sabay pa nga sa pagsasabi ng pangalan, kaya halos wala nang matandaan si Cheska sa mga pang
Chapter 11“Gwapo sana, kaso ang gago-gago niya.”Napabuntong-hininga si Cheska habang nakatitig sa hawak niyang cellphone. Napapailing na lang siya sa inis at halo halong nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bubuksan ba niya ito o hindi—baka kasi may makita na naman siyang hindi niya magugustuhan. Kahit pa pilit niyang iwaksi sa isip ang nakita niya, patuloy itong bumabalik, paulit-ulit, na parang isang sirang plaka ang narinig niya kanina na talaga namang paulit ulit na lang sa isip ni Cheska.“Nagbibigay ng cellphone, tapos may nagbebembangan? Kinikilabutan pa rin ako. Ang gandang cellphone tapos may b0ld. Tanga na, gago pa. Paano na lang kung si Tita Daviah ang nakakuha at nagbukas ng phone? Ang tanga niya, sobra.”Napapailing siya habang kinakausap ang sarili at alam din naman niya na mukha na siyang tanga habang kausap ang sarili, pero talagang hindi niya mapigilan ang sarili. Hindi lang inis ang nararamdaman niya—may halong kilamot talaga. Hindi niya inakalang makakakita siya
Chapter 12Zara. Iyon ang pangalan ng kanilang ina.Palaging ganoon ang ina ni Cheska sa kanilang magkapatid. Sa kabila ng pagsusumikap ni Cheska na makatulong sa gastusin, puro masasakit na salita lang ang natatanggap nila mula sa kanilang ina at paulit ulit na panunumbat na walang katapusan.Paulit-ulit na binabanggit ng kanyang ina kung paano siya nagsisisi na sumama sa ama nila noong maayos pa ang buhay nito. Para bang isang pagkakamali ang kanilang pagdating sa mundo. Palagi nitong pinaparamdam na sila ang mismong sumira sa buhay nito.Alam din ni Cheska na dating guro ang kanyang ina sa kanilang probinsya. Lagi nitong sinasabi na may ibang lalaking gusto sana niyang pakasalan noon—at kung siya raw ang nasunod, hindi sana naging ganito ang buhay niya. Isang masakit na katotohanang palaging itinatanim sa isip ni Cheska, na para bang kasalanan nilang magkapatid kung bakit ganoon ang sinapit ng kanilang ina.“A-Ate, magpapagamot na po ako?”Kitang-kita ni Cheska ang pagningning ng mg
Mariing pumikit si Cheska at hinimas ang batok niya, sinusubukang kalmahin ang sarili. Pero nang marinig niya ang pag-andar ng makina, agad siyang sumakay sa front seat, hindi na nag-isip pa. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya—parang may kung anong sumasakal sa dibdib niya habang pinagmamasdan si Azrael na tila ba hindi siya nakikita.Pagkaupo niya sa passenger seat, agad niyang nilingon si Azrael. Walang emosyon ang mukha nito, at tila ba tumagos ang katahimikan ng buong sasakyan sa balat niya."Hindi ba talaga kita makakausap ng matino?" Tanong ni Cheska at napapikit dahil sa suot nitong earbud, hindi siya sigurado kung naririnig ba siya nito o ano.Hindi na nakatiis si Cheska. Inabot niya ang kanang tainga ni Azrael at biglang inalis ang isang earbud. Kasabay ng pag-alis niya roon ay ang biglang pag-ikot ng mukha ng lalaki para tignan siya, puno ng iritasyon at pagkabigla.“What the fvck you fvcking think are you doing?” Inis na ani ni Azrael, masyadong diretso
Paglabas ni Cheska ng pinto ay agad siyang luminga sa magkabilang direksyon ng hallway, hinahanap ang pamilyar na porma ni Azrael. Mabilis ang pintig ng puso niya—hindi niya alam kung dahil ba sa kaba, inis, o… baka pareho, ewan, pati siya ay talagang nagugulugan sa nararamdaman. Kaso sa magkabilang dereksyon iyon ay wala siyang nakitang Azrael.“Ang bilis naman niya?” bulong ni Cheska sa sarili, bitbit ang iritang hindi niya maipaliwanag.Napahawak na lang si Cheska sa sintido. Dalawa ang elevator doon at sa dalawang hallway din ang daan kaya hindi niya alam kung alin sa dalawa ang sinakyan ni Azrael o tinungo nito.“Dito na nga lang!” Inis na ani Cheska sa sarili. Bahagyang nabunutan siya ng tinik nang makita niya ang pamilyar na likod nito—nakatayo, nakaharap sa elevator, at tila malapit nang sumakay. Mabilis ang lakad ni Azrael at may mga bumating nurse pa nga dito, dahil nga kilala ito doon, pero wala man lang itong pakealam o pinansin man lang. Diretso lang. Walang tingin. Walan
“Huwag ka kasi mag-alala. Kaya ko ang sarili ko, at mabait naman iyong boss kong iyon kahit medyo bugnutin. Kaya relax ka lang diyan."Ngumiti si Cheska pagkatapos sabihin iyon. Naiintindihan naman ni Cheska kung bakit nag-aalala ang kaibigan. Hindi rin naman ito ang unang beses na subra ang pag-aalala ng kaibigan dahil sa lalake.Bumuntong-hininga si Cris, halatang napapaisip.“Kaya kumain na lang tayo nito. Sayang din, at saka para kang tanga magtampo—Shit!”Napasinghap si Cheska nang maramdaman ang malamig at malagkit na icing ng yema cake sa pisngi niya. Napapikit siya sa gulat, halos hindi makapaniwalang pinahiran din siya ni Cris ng yema cake sa mukha, gaya ng ginawa niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, naglalagablab ang titig, at unti-unting inangat ang ulo papunta kay Cris.Nakita niya itong may mahinang tawa habang hawak pa ang daliring may natirang icing, kitang-kita ang kalokohan sa mukha. Parang batang nakaiskor ng kalokohan.“Cris...” seryoso ang boses niya, m
"Kamusta po ang kapatid ko, Doc? Okay lang naman po siya, hindi ba? Matagal na din po kasi kami rito at palaging na dedelay ang operasyon ng kapatid ko. Medyo nag-aalala na rin po kasi ako at ang laki na ng bill namin dito. Nagmukha na ngang hotel itong hospital para sa amin ng kapatid ko kaya gustong gusto ko na pong malaman kung bumubuti na po ang lagay ko." Tuloy tuloy na tanong ni Cheska dahil nabalitaan niyang tapos na ang panibagong test na ginawa nila sa kapatid niya.Ngumiti ang doctor bago sumagot,“Bumubuti ang lagay ng kapatid mo, so we are really happy to say that we are going to schedule the operation for him next month, first week.”Nagliwanag ang mukha ni Cheska sa narinig mula sa doctor. Hindi ito iyong tita ni Azrael dahil naka-leave daw ito—kaya’t iba ang naka-assign na doktor na sumuri at dumalo sa kapatid niya ngayon. Ngunit kahit iba ang kausap niya, dala pa rin ng balitang iyon ang matinding ginhawa at pag-asa.“And na-inform na din namin si Dr. Villariva. We su
Napasulyap si Cheska kay Azrael, and Azrael just sighed. Biglang lumambot ang tingin nito at hindi tulad kanina na halos umigting na ang panga.“I’m really happy na nandito ka ngayon para sa anak ko,” masayang ani Daviah habang hindi pa rin binibitawan si Cheska. “Nandito sana ako para pagalitan siya. Pasensya ka na sa anak ko, ha. Nalaman ko kasing puro trabaho ang inaatupag nitong mga nakaraang araw. Hindi man lang siya makapaglaan ng oras para sayo. Sana hindi ka magsawa sa kanya.”Napatingin si Azrael sa ina, agad na sumabat, “Saan mo ba kasi nalaman yan, Ma? I told you, napag-usapan na namin ng girlfriend ko na kapag tungkol sa trabaho ay ayos lang kung—”“No way! Ayos lang? I told you, magsasawa siya kapag palagi kang busy sa trabaho!” Pagalit na ani ng kanyang ina kaya napahawak sa batok si Azrael.“She won’t. Hindi siya magsasawa sa akin and I am making my way para magkasama naman kami—and you don’t need to meddle in our relationship, Ma.” Mahinahong sagot ni Azrael, ngunit bu
“Get a day off today. Spend time with your girlfriend! Hindi ka naman kailangan sa kompanya kaya–”“Kailangan ako sa kompanya, Ma. I’m the boss–”“Come on! Hindi ikakabagsak ng kompanya ang isang day off ng boss!”Naalimpungatan si Cheska nang makarinig ng pag-uusap at pagtatalo sa kung saan.Mabigat ang talukap ng mga mata niya habang dahan-dahan itong iminulat. Ang una niyang napansin ay ang malambot na kutson ng sofa sa ilalim ng kanyang likod. May kumot na nakabalot sa kanya, at may unan sa ilalim ng ulo niya.Kumunot ang noo ni Cheska. Hindi niya maalala kung kailan siya nahiga nang maayos doon, pero masarap ang pakiramdam ng init ng kumot—parang may sumilong na yakap sa buong katawan niya. Sinalubong din siya ng mahinang aroma ng nilulutong pagkain—bawang na piniprito, longganisang medyo nanunuyot na sa kawali, at ang pinong halimuyak ng piniritong itlog. Lahat ng iyon ay humaplos sa kanyang ilong, tila inaakay siya na bumangon na.Napaupo siya, marahang itinulak ang kumot at na
Binuka ni Cheska ang labi, handang magsalita ulit—siguro para kontrahin siya, siguro para lang mapanatili ang kaunting distansya sa pagitan nila. Pero sa huli, isang mahabang buntong-hininga na lang ang pinakawalan niya. Tinitigan niya si Azrael, hindi gumalaw, hindi rin siya gumawa ng anumang hakbang para paalisin ito sa pagkakahiga sa kanyang hita.Alam naman kasi talaga ni Cheska na pagod na ito, kahit sino ay mapapagod pagkatapos ng nangyari kanina. Ni hindi nga naisip ni Cheska na hanggang ngayon ay gising pa ito gayong kanina pa niya nakikita ang pagod sa mata niya at gusto ng magpahiga.Hinigit ni Cheska ang paghinga at sinubukang sumulyap na lang sa ibang direksyon, pilit pinipigilan ang anumang emosyong bumabalot sa dibdib niya. Sinisubukang huwag mag-isip at hayaan na lang ito sa pwesto nito.Pero ilang sandali, kinagat ni Cheska ang labi at hindi mapigilan ang mapatitig ulit dito. Nakapikit na, pero hindi matukoy ni Cheska kung tulog na ba ito o ano.Napatingin siya sa mukh
Tahimik si Cheska habang nagluluto. Halos hindi niya magawa ang huminga ng malalim. Ilang beses na siyang napapahawak sa pisngi niyang alam niyang namumula dahil sa sobrang init ng pakiramdam niya sa mukha. Hindi niya alam kung dahil ba 'yun sa kalan o sa... nangyari kanina.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyare at lalo na sa inaasta niya mismo.Hindi niya makalimutan ang biglaan, marahas ngunit sabay rin na banayad na halik ni Azrael. Gulong-gulo pa rin siya sa sarili niya—at hindi lang dahil doon. Pati na rin sa kung paano siya tumugon, kung paano siya... napalapit at hinayaan ito na halikan siya ng ganoon kalalim. Sa isang taong hindi naman niya karelasyon dahil peke lang naman ang namamagitan sa kanila.Humigpit ang hawak ni Cheska sa sandok.Naririnig niya ang bawat tik-tak ng wall clock, parang ang lakas-lakas. Samantalang si Azrael—nakaupo lang sa gilid ng countertop, nakasandal, nakangiti, at... pinapanood siya. At dahil nga sa pinapanood siya nito,
Napatigil siya. Tahimik. Seryoso ang boses. Seryoso ang mukha. Wala na ang pilyong ngiti. Nakatitig lang si Azrael sa kanya—diretso, walang iwas. Kaya namutla bigla ang mga salitang gusto sanang ilabas ni Cheska. Parang may pumisil sa dibdib niya.“But I want to kiss you, only you this time,” mariing ani ni Azrael.Parang tumigil ang oras para kay Cheska. Lahat ng ingay sa paligid niya ay nawala. Ang naririnig lang niya ay ang tibok ng puso niya at ang tinig ni Azrael na tila dumiretso sa puso niya at hindi sa tenga. Napalunok siya, pero hindi siya kumibo. Hindi niya alam kung alin sa mga nararamdaman niya ang dapat unahin—galit, takot, o ‘yung matagal na niyang pilit itinatanggi na nararamdaman niya para sa lalaking nasa harapan niya ngayon.Masyado syang nagulat sa mga sinabi ni Azrael at hindi niya alam kung dapat ba niya iyong paniwalaan o ano.Isang hakbang lang ang pagitan nila. Isang hakbang na pwedeng burahin at itawid ng kahit sinong may lakas ng loob. At si Azrael—walang pag