Nang matauhan si Belinda sa narinig niya mula kay Van, natawa ito. "Narinig niyo ‘iyon? Gago pala siya, eh. Mahal ko pa raw? Ano siya gold?" Natatawang sambit pa ni Belinda at halos hawakan pa ang tiyan sa sobrang pagtawa. Hawak ang mukha at gilid ng mata dahil sa halos maiyak na siya sa pagtawa, alanganing natawa na lang si Lia para samahan ang kaibigan, pero ilang sandali lang ay napahilot na siya sa sintido dahil para yatang mas maaga siyang tatanda sa dalawang nasa harap niya. "So you moved on?" Si Van na ngayon ay nakangisi pa rin. Hindi agad nakapagsalita si Belinda dahil sa kakatawa, pero nang tuluyang makabawi, inirapan niyang ulit si Van. "Of course! Anong akala mo sa akin? Tanga? Hello, hindi na kita mahal! Limang taon na ang nakalipas, Van. Come on, I am already moved on. May asawa't anak na nga ako, kaya ano namang pumasok sa isip mo para isiping hindi pa ako nakamove on sa iyo? Masyado kang mataas ang tingin sa sarili mo. Ganyan ba ang mga manloloko? Mga filingero
Sa maghapong iyon, busy ang lahat sa usapang kasal nina Lia at Warren. The family planned everything, and it was smooth. Napag-usapan na nila ang lahat kabilang na ang date ng kasal kung iyong nasa invitation na ba talaga o baka pwedeng iurong ng kaunti para mas maging maayos at mapaghandaan ang lahat.“I'm happy na walang sinabing ka-striktuhan si Mommy para sa kasal ni Kuya. Aba kung sumabat siya at pinakita niya kung gaano siya ka istrikto ay paniguradong hindi matatapos ang usapan,” sabi ni Gray, na nakaupo lang sa tabi ni Valerie. Gumabi na nang tuluyang magsama-sama ulit ang magpipinsan at nagtipon sa balcony. Nandoon na ang lahat maliban kina Warren, Lia, at Van. Si Warren at Lia ay nasa kusina kanina habang si Van naman ay nausap ni Edie. They talked at mukhang seryosong seryoso ang naging udapan ni Van at Edie kaya walang nagtangkang lumapit at sabihan si Van na pumunta sa balcony.“Mukhang pasado naman si Lia kay Tita kaya everything will be fine. Napansin niyo ba? Halos ma
It's been almost 2 hours simula noong nagsimula silang uminom. Nagpakuha na nga si Lia ng videoke dahil nagkakasiyahan na ang lahat kahit gabi na, at nang medyo nagtagal, tuluyan nang nagsayawan ang mga lalaki dahil harap ng videoke habang kumakanta.“Kung katawan ko lang ang habol mo…”Belinda and all the girls couldn’t help but laugh nang kumanta si Julious at gumiling-giling pa.“Gago, ang sagwa! Para kang pukpok na lalaki!” Natatawang sabi ni Valerie, pero mas lalo pang napuno ng tawanan nang pati sina Yuhan at Zoren ay sumayaw na rin dahil sa kalasingan.“Grabe, nakakahiya kayo! Mga Francisco ba talaga kayo?” Sabi ni Gray habang nakaangat ang phone niya para i-video ang lahat, pero natatawa naman din.Nang makita ni Julious ang phone ni Gray na nakatutok sa kanya, lumapit pa siya roon at mas giniling pa nang sobra habang kumakanta.Mas lalong napahalakhak si Belinda at halos maiyak na siya sa kakatawa lalo na noong inagaw ni Zoren ang mic kay Julious at siya naman ang kumanta hab
Hindi talaga nagawang magsalita ni Belinda agad lalo na at dahil masyadong seryoso ang pagsambit ni Van sa bawat salitang iyon."Siguro hindi ka maniniwala sa akin kung sabihin ko ngayon na araw-araw sa limang taon na umalis ka, iniisip ko kung kamusta ka na. You would surely not believe me because I was a gago, na manloloko at walang kwenta, but that’s really true, Belinda. Gusto kong malaman ang kalagayan mo araw-araw. Gusto kong malaman kung mabuti ba ang lagay mo. Kung masaya ka ba o iniisip mo pa rin ba ang gagong ako.”Napapikit si Van at agad na nagsisi sa lahat ng sinabi. Hindi niya napigilanvang sarili at nasabi niya ang lahat ng iyon. Ang alak ang nagtulak sa kanya para sabihin ang mga iyon, pero alam din naman niya sa sarili niya na iyon talaga ang gusto niyang itanong.Noong unang nagkita ulit sila, gusto ng itanong ni Van iyon, pero hindi niya magawa dahil talagang na totorpe siya kaya imbes na kamustahin ay puros pang-aasar ang una niyang sinabi.“I know I have no right
Kinabukasan, subrang excited na ang lahat sa pamamasyal na sinabi ni Lia kagabi. Sa sobrang excitement, kahit na may hangover pa ang karamihan at talagang masakit ang ulo, maaga pa rin silang nagising para mag-agahan at para magpaalam sa plano nila ngayong araw.Belinda looked around habang nagsisimula nang kumain ang lahat sa mahabang lamesa na pinahanda ni Lia para sa agahang iyon. Lahat ay naroon kasama ang kanilang mga magulang, pero hindi mapigilan ni Belinda ang maghanap at ilibot ang tingin sa paligid nang mapagtanto niyang wala si Van doon.Kumunot ang noo niya dahil talagang wala pa si Van doon."You okay?" tanong ni Valeria, na nakaupo sa tabi ni Belinda at napansin ang paglinga linga ni Belinda sa paligid. Pati tuloy si Valeria ay napatingin tingin na sa paligid."Oo naman. Ayos lang ako," sagot ni Belinda, sabay tingin sa mga pagkain. She sighed and started getting food para ilagay sa kanyang pinggan at para makakain na rin.Baka tulog pa. Iyon ang nasa isip ni Belinda, ka
Chapter 149“Belinda, join us here!” tawag ni Zyra na nasa medyo malayo at kumukuha ng selfie. Agad namang umiling si Belinda habang nakangiti."Ayos lang ako dito." Malakas na sambit ni Belinda sa mga ito nang lahat sila ay napasulyap kay Belinda.“You should join them and enjoy today, Belinda,” sambit ni Warren nang makita niyang tila ayaw talaga ni Belinda ang makitasaya, sumama at mas gusto pang manatili sa kinauupuan hanggang matapos ang mga pinsan nila sa pagligo at pag-enjoy sa paligid.“Hindi na, dito na lang ako. Saka nag eenjoy naman akong tumingin tingin sa paligid." sagot ni Belinda habang pinanood ang mga pinsan na nasa malayo. Nagkatinginan si Lia at Warren saka sabay na bumuntong-hininga."Kayo? Bakit bumalik agad kayo? You two should enjoyed also." Mabilis na sinulyapan ni Belinda ang dalawa, pero binalik din naman ang tingin kila Julious, Yuhan at Zoren na nagrarambulan habang naliligo sa dagat."Hindi rin nagpaalam si Van sa amin. Kila Valerie at Zyra lang sila nagpa
“Yan lang ba ang order mo? You can order more if you want,” mahinahong sambit ni Zy kay Belinda at ngunitian pa ito.Zy is still the same, maganda, maputi at kitang kita na mabait ito. Alam naman ni Belinda na mabait si Zy, pero dahil sa nangyare, alam niyang dahil lang din iyon sa sakit na naramdamam ni Zy noong mga panahon na iyon.Nasa restaurant na sila, at ang pangalan ng restaurant ay Rodrigos. Sa mismong Sabangan din iyon, kung saan naliligo ang mga pinsan ni Belinda.“Ayos na ‘to sa akin, at saka hindi ako pwedeng magtagal kasi baka hanapin ako ng mga pinsan ko, hindi pa naman ako nagpaalam,” sagot ni Belinda ng mahinahon at hindi niya alam kung ngingiti ba ito pabalik o ano.Hindi pa rin makapaniwala si Belinda na nakita niya si Zy dito. Gulat at hindi maintindihan ang nararamdaman. Iniisip niya kanina na baka magkasama na si Zy at Van, pero biglang magkikita sila ni Zy rito sa lugar na ‘to habang wala na si Van dito sa Ilocos. Talagang hindi inaasahan ang lahat kaya naman wa
Hindi alam ni Belinda ang sasabihin o gagawin, nabibigla siya na nakakapagusap sila ni Zy ng ganito kaayos kahit noong huli ay talagang magulo ang lahat. Galit na galit pa nga si Zy sa kanya noon, tapos ngauon ay nagagawa pa nitong tumawa.“Ang tapang-tapang na lalake, pero parang natorpe ata ang isang iyon, ah." Biglang bulong ni Zy na narinig naman ni Belinda."Zy, I told you, we don't need to talk about this." Si Belinda at umawang ang labi ni Zy dahil napagtanto nitong narinig ni Belinda ang bulong niya. Huminga na lang tuloy si Zy ng malalim bago harapin si Belinda at muling magaalita."Hindi siya nagsabi sayo?" Zy asked."Zy—""My ghad! That guy! He waited for this to happen, tapos umuwi siya dahil lang sa sinabi mong nakamove on ka na? So what is he planning? Maging matandang binata na lang kasi nakamove on ka na?” biro ni Zy at naglalaro sa boses niya ang mapaglarong boses.Kumunot na ang noo ni Belinda. Ang dalawang kilay niya ay halos magkasalubong na.“Huh?” tanong ni Belin
Napaayos si Cheska sa pagkakaupo nang mapansing malapit na sila at dahil naka kotse si Azrael, hindi naman pwedeng ipasok niya ito at ayaw din ni Cheska na makakuha ng attention gayong paniguradong makakarating ito sa mama niya kaya naman sa kanto pa lang ay agad na niyang sinabihan si Azrael na itigil na ang kotse.Tatanggalin sana ni Cheska ang Office coat ni Azrael na suot niya para isauli na, pero bago pa matanggal ni Cheska ay agad nang nagsalita si Azrael."What? Balak mong maglakad pauwi na ganyan ang damit? Sinuot ko yan sayo para may pantakip ka ng katawan tapos tatanggalin mo?"Napanguso si Cheska sa narinig."Kung sana kasi hindi mo ako initusang magpalit, diba? Tapos ngayon ayaw mong maglakad ako ng ganoon ang damit. Talaga lang, ha?" Sarkastikong ani ni Cheska at hindi na tinuloy ang pagtanggal sa office coat ni Azrael."Why don' you just do everything I said without saying anything? ha?" Napairap si Cheska.“Salamat sa paghatid—” Sambit na lang nito, pero natigilan si Che
Chapter 17“Bitawan mo nga ako!” Inis na ani ni Cheska kay Azrael nang patuloy siya nitong hinila papalabas at papunta sa parking lot.And Cheska successfully pulled her hand. Nang tignan siya ni Azrael, tinignan niya ito ng masama. “Ano bang problema mo at ang init-init ng ulo mo?” Umigting ang panga ni Azrael at saka pumikit ng mariin."You!""Me?" Takang tanong ni Cheska. Hindi niya lubos alam kung bakit subrang init ng ulo ni Azrael. Oo at inaasar niya ito kanina, pero tama na bang rason iyon para maging ganito kagalit?"Yes, you! because you have a plan on drinking that alcohol!" Umawang ang labi ni Cheska. "Seryoso ka ba? Doon ka talaga nagagalit ng ganyan?" Hindi makapaniwalang tanong no Cheska.Pinanood ni Cheska kung paano hinilot ni Azrael ang sintido niya bago magsalita.“I told you not to get that drink, pero plano mo paring kunin—”“Malamang! Anong gusto mo? Pahirapan ko pa iyong waiter? Tapos ano? Mawawalan siya ng trabaho dahil lang sa hindi ko tinanggap iyong alak?
Chapter 16Hindi makapaniwalang tinitigan ni Cheska si Azrael, ang isang kilay niya ay bahagyang nakataas habang pilit niyang inuunawa ang ikinikilos nito. Kanina lang ay nakaupo ito sa kabilang dulo ng sofa, pero ngayon ay nasa tabi na niya—nakaakbay pa na parang walang pakialam sa mundo. Hindi niya maiwasang magtaka sa biglaang pagbabago ng mood nito.“Problema mo?” tanong ni Cheska, at sa hindi mawaring dahilan, halos matawa na siya sa inasal ng binata.“Hindi kita pinapasweldo para magtanong. Just stay quiet and sit beside me,” mariin at masungit na sabi ni Azrael.Napanguwi si Cheska sa narinig dahil kailan ay subrang sungit nito, pero hindi maintindihan ni Cheska ang sarili kung bakit niya tinanggal ang kamay ni Azrael.Kung ibang lalaki siguro ang lumapit sa kanya nang ganito kalapit, malamang ay siniko na niya ito, o kaya’y nasapatusan. Pero sa halip na gawin iyon, napahinga lang siya nang malalim at pinagmasdan ang iritadong ekspresyon ni Azrael—ang nakakunot nitong noo, ang
Chapter 15Gusto pang magmatigas ni Cheska dahil para sa kanya ay hassle ang magpalit pa ng damit gayong para sa kanya ay maayos naman na ang damit na suot, pero wala naman siyang magagawa gayong boss naman niya ang nagsabi at nag-utos. At saka kahit naman binabara bara niya iyon at sinsagotsagot ay takot pa rin ito na baka biglang magbago ang isip nito. Plano din kasi ni Cheska na kausapin si Azrael tungkol sa pagpapagamot ng kapatid niya kaya talagang hindi niya maipagkakailang masaya siya sa pagtawag nito.Matapos ang ilang minutong paghihintay, dumating na ang damit na ipinadala ni Azrael. Walang nagawa si Cheska kundi isuot ito, kahit pa ramdam niyang hindi niya ito kailanman isusuot kung siya ang masusunod.Paglabas niya mula sa restroom, agad niyang naramdaman ang kakaibang pakiramdam ng telang bumabalot sa katawan niya. Isang itim na fitted dress ang suot niya—hapit na hapit ito sa kanyang katawan, dinidikitan ang bawat hubog niya sa paraang hindi siya sanay. Ang tela ay manipi
Chapter 14Hindi na nagpalit si Cheska ng damit. Kung ano ang suot niya kanina habang nasa kalsada kasama si Cris, iyon na rin ang dinala niya sa mamahaling bar kung saan siya pinatawag ni Azrael. Naka-itim siyang t-shirt na kupas at maluwag sa kanya, halos mahulog na sa balikat. Ang suot niyang shorts ay mukhang hiniram niya pa sa kung sinong lalaki—lampas tuhod at luma na rin. Naka-black cap siya, pero hindi nito tuluyang natakpan ang mahaba niyang buhok na nakalugay, bumabagay sa overall niyang pormang parang tambay sa kanto.At ngayon, habang naglalakad siya sa loob ng bar, hindi niya maipinta ang mga tingin na ipinupukol sa kanya ng mga tao roon. Napapailing si Cheska dahil parang nanliliit ang mga matang nakatingin sa kanya, na animo’y sa tingin pa lang ay sinasabi nang hindi siya bagay sa lugar na iyon.Napapalatak si Cheska. “Ano bang problema ng mga ‘to? Saka ano namang pake nila?” bulong niya sa sarili at medyo nakaramdam ng inis.Ang mga babae sa paligid ay nakasuot ng mga f
“Huhulaan ko, nag-away na naman kayo ng Mama mo, no?”Hindi tinignan ni Cheska si Cris nang marinig niya ang boses nito. Sa halip tignan ito, nanatili siyang nakatitig sa kalsada, pinagmamasdan ang walang-humpay na daloy ng mga sasakyan. Ang ilaw mula sa mga headlight ay sumasalamin sa kanyang mga mata, pero hindi iyon sapat para tabunan ang lungkot na nararamdaman niya sa lahat ng masasakit na salita mula sa kanyang ina.“Wala siya ngayon, pero kahapon, oo. Ano pa nga ba? Wala namang bago doon. Himala na lang siguro kung hindi kami mag-aaway o magtatalo ng isang araw. Palagi naman kasing mainit ang ulo niya.” Mahina at sarkastikong sagot ni Cheska, kasabay ng mapait na ngiti.Napabuntong-hininga si Cris at umiling. "Masyado ka kasing mabait sa Mama mo. Halos ikaw na lahat ang gumagawa ng pera para kapatid mo at pati sa pagsusugal ni Tita. Huwag mo namang hayaang abusuhin ka niya, Cheska.""Hindi ko naman kayang maging matigas, Cris. Mama ko iyon, eh. Kahit ganoon iyon, mama ko pa r
Chapter 12Zara. Iyon ang pangalan ng kanilang ina.Palaging ganoon ang ina ni Cheska sa kanilang magkapatid. Sa kabila ng pagsusumikap ni Cheska na makatulong sa gastusin, puro masasakit na salita lang ang natatanggap nila mula sa kanilang ina at paulit ulit na panunumbat na walang katapusan.Paulit-ulit na binabanggit ng kanyang ina kung paano siya nagsisisi na sumama sa ama nila noong maayos pa ang buhay nito. Para bang isang pagkakamali ang kanilang pagdating sa mundo. Palagi nitong pinaparamdam na sila ang mismong sumira sa buhay nito.Alam din ni Cheska na dating guro ang kanyang ina sa kanilang probinsya. Lagi nitong sinasabi na may ibang lalaking gusto sana niyang pakasalan noon—at kung siya raw ang nasunod, hindi sana naging ganito ang buhay niya. Isang masakit na katotohanang palaging itinatanim sa isip ni Cheska, na para bang kasalanan nilang magkapatid kung bakit ganoon ang sinapit ng kanilang ina.“A-Ate, magpapagamot na po ako?”Kitang-kita ni Cheska ang pagningning ng mg
Chapter 11“Gwapo sana, kaso ang gago-gago niya.”Napabuntong-hininga si Cheska habang nakatitig sa hawak niyang cellphone. Napapailing na lang siya sa inis at halo halong nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bubuksan ba niya ito o hindi—baka kasi may makita na naman siyang hindi niya magugustuhan. Kahit pa pilit niyang iwaksi sa isip ang nakita niya, patuloy itong bumabalik, paulit-ulit, na parang isang sirang plaka ang narinig niya kanina na talaga namang paulit ulit na lang sa isip ni Cheska.“Nagbibigay ng cellphone, tapos may nagbebembangan? Kinikilabutan pa rin ako. Ang gandang cellphone tapos may b0ld. Tanga na, gago pa. Paano na lang kung si Tita Daviah ang nakakuha at nagbukas ng phone? Ang tanga niya, sobra.”Napapailing siya habang kinakausap ang sarili at alam din naman niya na mukha na siyang tanga habang kausap ang sarili, pero talagang hindi niya mapigilan ang sarili. Hindi lang inis ang nararamdaman niya—may halong kilamot talaga. Hindi niya inakalang makakakita siya
Chapter 10"Iha, pasensya na kung marami kami ngayon dito. I am really just happy that my son already has a girlfriend, kaya talagang sinabihan ko ang lahat tungkol sayo. Mas marami pa sana ito kung hindi lang nasa ibang bansa at busy ang iba. And also, my husband is not here dahil may dinaluhang meeting, kaya hindi mo siya makikilala ngayon."Halos nawala lahat ng tapang ni Cheska nang makita niya kung gaano karami ang pamilya ni Azrael. Mukhang alam na ni Cheska kung bakit ganito kalaki at kalawak ang condo ni Azrael—dahil kung maliit ito, hindi sila magkakasya lahat."O-Okay lang po at saka m-masaya naman po akong makilala kayo," sinubukan ni Cheska na ngumiti at maging normal ang kilos, pero halos hindi niya magawa nang mabuti dahil alam naman niya sa sarili niya na hindi totoo ang lahat ng ito.Nang matapos sabihin ni Cheska iyon, agad siyang dinumog at nagpakilala isa-isa. Ang iba ay sabay-sabay pa nga sa pagsasabi ng pangalan, kaya halos wala nang matandaan si Cheska sa mga pang