CHAPTER 438Mabilis naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay araw na ng sabado. Bukas na nga gaganapin ang surprise birthday party nila Jenny para sa kanilang ama na si Joey. Ngayon nga ay nasa mansyon ng nga Lim si Jenny para kausapin at sunduin ang mga kapatid nya roon. Doon na kasi nya pag stay-in ang mga ito sa resort kung saan nga gaganapin ang party. Sasama na nga rin si Rayver sa mga ito hindi pa nga dapat sya sasama kaso ay wala naman ibang makakasama sila Shiela roon kaya sasama na lamang sya sa mga ito. Kailangan pa kasing bumalik ni Jenny sa mansyon nila dahil baka nga hanapin ito ng kanilang ama at bukas na lamang nga nya ito dadalhin doon.Habang nasa silid nila sila Shiela at ang mga kapatid nya ay kinuha naman iyong pagkakataon ni Jenny para kausapin si Rayver tungkol sa proposal nito."Kumusta ang pinakisuyo ko sa'yo? Ayos na ba ang lahat?" pasimple pa na tanong ni Rayver kay Jenny."Tsk. Oo ayos na ang lahat. Ikaw ha may utang ka sa akin," sagot ni Jenny."Oo.
CHAPTER 439 Pagkaalis ni Jenny ay naiwan na nga roon sila Shiela at Rayver kasama ang mga kapatid nya. Hinayaan na lamang din muna nila Shiela na mag swimming nga roon ang mga kapatid nya sa pool habang sila ni Rayver ay nakaupo lamang din malapit sa mga ito. "Ang saya nila ah. Ayaw mo bang sumali sa kanila?" tanong ni Rayver kay Shiela dahil kanina pa nga ito nakangiti habang pinapanood ang mga kapatid nya. "Ayoko. Dito na lamang ako. Masaya na akong panoorin na lamang sila na nag eenjoy na mag swimming," sagot ni Shiela kay Rayver. Daham dahan naman na tumango si Rayver at hindu na nga sya umimik pa. "Siguro kung narito si nanay ay masaya rin sya ngayon lalo na at napatawad na namin si tatay. Sayang nga lang at huli na ang lahat. Ni hindi na naranasan man lang ni nanay ang maginhawang buhay na gusto kong iparanas sa kanya," sabi pa ni Shiela dahil muli na naman nyang naalala ang kanyang ina. Kahit kasi ilang buwan na ang nakakalipas simula ng mamatay ang kanilang ina ay hind
CHAPTER 440Kinabukasan ay maaga naman na nagset up sa resort kung nasaan ngayon sila Shiela para sa gaganapin ngang surprise party para sa kanilang ama. Mamayang hapon pa naman ang party kaya may oras pa ang mga tao na naroin para mag ayos para mas lalo nilang mapaganda pa ang pag set up doon.Maaga nga rin nagising sila Shiela pati ang mga kapatid nya dahil natutuwa nga sila na manood sa giangawa ng mga nagseset up roon. Hindi naman din kasi sila sanay na pumunta sa nga party kaya naman natutuwa sila kapag nay nga nakikita silang nagsest up ng ganon at kapag may mga party.Si Rayver naman ay may nilapitan na isang staff roon at kinausap nya nga ito tungkol doon sa plano nya at naka ayos na rin daw iyon kaya agad na rin syang bumalik kung nasaan sila Shiela."Excited na ba kayo para mamaya?" tanong ni Rayver kila Shiela at sa mga kapatid nito ng makalapit sya sa mga ito. Yinakap pa nga rin nya si Shiela mula sa likuran nito kaya naman napangiti na lamang si Shiela rito."Oo excited n
CHAPTER 441Samantala naman sa mansyon nila Joey ay nagtataka naman sya dahil nauna pa nga si Jenny na magising sa kanya at talagang ito pa nga ang nag asikaso ng kanilang pagkain ngayon umaga."Good morning anak," bati ni Joey sa kanyang anak. "Ang aga mo naman yatang nagising ngayon," nagtataka pa na sabi ni Joey dahil hindi naman talaga ganito si Jenny at madalas pa nga ay sya ang naghihintay dito tuwing umaga."Good morning din po dad," bati rin naman ni Jenny sa kanyang ama at saka sya lumapit sa kanyang ama at agad na humalik sa pisngi nito. "Syempre po maaga po ako ngayon dahil espesyal po para sa inyo ang araw na ito.," nakangiti pa na sabi ni Jenny saka sya may kinuha na box sa kalapit na upuan nya. "Happy birthday dad. Your the best dad ever," bati pa ni Jenny sa kanyang ama at saka nya iniabot dito ang kanyang regalo.Nagulat naman si Joey at sandaling napaisip dahil hindi na nga nya namalayan na kaarawan nga pala nya ngayon. Napangiti na lamang din sya ng bigla nga syang
CHAPTER 442Pagkatapos mag asikaso ng kanyang sarili ay agad naman ng lumabas ng kanyang silid si Jenny at agad na nga rin syang bumaba ng hagdan. Sakto naman na pagkababa nya ng hagdan ay lumabas ang kanyang ama mula sa opisina nito na nasa kanilang bahay lamang."Mukhang ayos na ayos ang anak ko ah," sabi ni Joey kay Jenny ng makita nya ito at napansin nga nya na ayos na ayos nga ito. Natawa naman si Jenny sa sinabi ng kanyang ama. Umikot pa nga sya sa harapan ng kanyang ama."Maganda ba ako dad?" ranong pa ni Jenny at nagpacute pa nga sya sa kanyang ama. Natawa naman si Joey sa kanyang anak."Syempre naman. Palagi ka namang maganda anak," nakangiti pa na sagot ni Joey. "Saan ba tayo pupunta anak at ayos na ayos ka?" tanong pa ni Joey."Basta dad. Gusto ko mag relax ka po muna ngayong araw dahil birthday mo. Ako na po ang bahala sa pamamasyal natin ngayon," sagot ni Jenny sa kanyang ama saka sya lumapit dito at agad na ikinawit ang kanyang kamay sa braso ng kanyang ama. "Let's go da
CHAPTER 443Pagkasakay nila sa kanilang sasakyan ay sinenyasan lamang ni Jenny ang kanilang driver at alam Na nga nito kung saan sila pupunta. Ito kasi ang isinasama nya kapag pumupunta sya sa resort kaya alam na nito kung saan na sila pupunta ngayon.Habang nasa daan ay hindi naman maiwasan ni Joey ang mapakunit ng noo lalo na ng lumalayo na talaga sila.at iba na ang daan na kanilang dinadaanan at hindi na nga sya pamilyar sa lugar na ito."Saan ba tayo pupunta anak? Bakit parang malayo na tayo?" nagtataka pa na tanong ni Joey kay Jenny."Basta dad. May pupuntahan lang tayo at tiyak ako na mag eenjoy ka roon. Kaya mag relax ka lang muna r'yan," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa kanyang ama."Anak sabihin mo na lamang kasi kung saan tayo pupunta. Hindi ako lalo mapapakali nyan eh," pangungulit ni Joey sa kangmyang anak. Bahagya naman na natawa si Jenny sa kanyang ama at napapailing pa nga sya dahil para itong bata na panay ang linga sa bintana. May kinuha naman si Jenny sa kanyang ba
CHAPTER 444"Masaya po ba kayo sa surpresa ko sa inyo dad?" tanong ni Jenny sa kanyang ama pagkabitaw nila sa kanilang pagyayakapan.Agad naman na nginitian ni Joey si Jenny saka nya ito hinalikan sa tuktok ng ulo."Sobrang saya anak. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon. Maraming maraming salamat anak dahil ginawa mong espesyal ang araw na ito para sa akin," sagot ni Joey kasabay ng pag agos ng masagana nyang luha at luha iyon ng dahil sa saya.Agad naman na napangiti si Jennt dahil sa sinabi ng kanyang ama dahil masaya sya na unti unti ay nakakabawi na nga sya rito dahil dati ay sya lagi ang sinusurpresa nito kapag kaarawan nya."Masaya ako dad dahil napasaya kita at pati na rin ang nga kapatid ko," sagot ni Jennt saka sya tumingin kila Shiela.Nagtataka naman na andundan ng tingin ni Joey ang tinitingnan ni Jenny at nagtataka pa sya dahil parang magkakakilala na nga ang mga ito. At saka nya narealize na mukhang magkakaayos na nga ang mga anak nya."T-teka nga. Magkakaayo
CHAPTER 445Matapos mag usap nila Dave at Joey ay nag ikot pa naman doon si Joey at nakita nga nya ang ilan sa mga mga kaibigan nya at kasosyo sa negosyo kaya naman linapitan na rin nya ang nga ito. Napapangiti na nga lamang talaga sya dahil ginawa talaga ito ng kanyang anak para sa kanya at hindu nya talaga ito inaasahan.Sa di kalayuan ay naroon naman sila Shiela kasama ang mga kapatid nya at masayang masaya nga sila ngayon dahil naging successful nga ang naging surprise ni Jenny sa kanilang ama. Kasama rin nila sa kanilang table si Jenny na kanina pa abala sa kanyang phone."Ate Jenny kanina ka pa tahimik dyan ah," sabi ni Shiela sa ate Jenny nya."Ha? May katext lang ako," sagot naman ni Jenny saka nya agad ng itinago ang kanyang phone. "Shiela wait lang ha. Mag CR lng ako," pagpapaalam.na muna nya kay Shiela. Agad naman na tumango si Shiela rito.Pagkaalis ni Jenny sa kanilang table ay agad naman na nyang kinausap ang isang staff doon at agad ng pinaayos ang kasunod na set up ng
CHAPTER 489"Bakit ka ba nagkakaganyan na bata ka ha? Napapansin kong nagiving mainitin na ang iyong ulo nitong mga nakaraang araw," sabi ni Walter sa kanyang anak at saka sya naglakad papalapit sa table nito at saka naupo sa upuan na nasa harapan ng kanyang anak."Sorry dad," mahinang sagot ni Zeus sa kanyang ama."May problema ka ba anak? Pwede mo naman iyong sabihin sa amin ng mommy mo. Kung may problema dito sa kumpanya ay maaari ka naman naming tulungan," sabi pa ng ama ni Zeus sa kanya.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Zeus at saka nya seryosong tumingin sa ka yang ama."Si Amara po kasi dad. Napag usapan naman na po namin na sya ang mag aasikaso ng mga kakailanganin namin sa kasal tutal ay gusto nyang magpakasal kami ay sa Pilipinas. Pero tumawag po ako sa kanya ang sagot nya sa akin ngayon ay magpapahinga raw po muna sya bago nya iyon asikasuhin," sagot ni Zeus sa kanyang ama at ang tono pa ng pananalita nya ay parang nagpapaawa sa kanyang ama."Si Ama
CHAPTER 488"Hindi ka na nakasagot ate? Tama ako diba?" nakangisi pa na tanong ni Amanda sa ate Amara nya. "Iwanan mo na lang kasi yang si Zeus mo na yan. Team kuya Dylan ako. Kahit sila mommy ay ayaw rin dyan sa Zeus mo na yan kasi hindi rin nila gusto ang ugali nyan," dagdag pa ni Amanda at napapa irap pa nga ito habang sinasabi iyon.Napabuntong hininga naman si Amara at hindi nagsalita at saka sya sumisid muli sa pool. Nanatili lamang naman si Amanda sa kanyang pwesto at pinanood ang ate Amara nya at hinintay na bumalik ito sa kanyang pwesto."Ano nahimasmasan ka na ba ate?" tanong ni Amanda sa ate nya ng bumalik na nga ito sa kanyang pwesto.Naupo naman na muna si Amara sa gilid ng pool katabi ng kanyang kapatid at saka sya bumuntong hininga."Alam mo Amanda hindi mo pa kasi nararanasan na magmahal kaya mo nasasabi ang nga bagay na yan. Ngayon madali lang sabihin sa'yo ang mga iyan pero kapag nagmahal ka na ay malalaman mo na hindi madali ang magdesisyon tungkol sa ganyang bagay,
CHAPTER 487Pagkatapos ngang kumain nila Amara at Bianca ay nagpasya naman si Amara na tumambay na muna sa kanilang garden habang ang kanyang ina ay bumalik na nga sa kanilang kusina at ipinagpatuloy na nga nito ang kanyang ginagawa kanina.Habang nagpapahangin nga si Amara ay bigla namang tumunog ang kanyang phone at nakita nga nya na ang kanyang nobyo na si Zeus ang tumatawag sa kanya thru video call. Napabuntong hininga pa nga muna sya bago nya sinagot ang tawag nito."Hi love," nakangiti pa na bati ni Amara sa kanyang nobyo."Kumusta ka r'yan? Nag asikaso ka na ba ng mga kailangan natin para sa kasal?" agad na tanong ni Zeus mula sa kabilang linya."Love kararating ko pa lang dito kahapon at balak ko na magpahinga na muna at sa mga susunod na linggo ko na lamang aasikasuhin ang mga kakailanganin natin sa kasal," mahinahon pa na sagot ni Amara sa kanyang nobyo."What? Diba kaya nga kita pinayagan na umuwi ng Pinas ay para mag asikaso ng kasal natin. Bakit hindi mo muna unahin yun b
CHAPTER 486"Anak maaari ka naman ng tumigil dito sa bansa at wag ng bumalik pa ng London. Kung tutuusin nga ay kahit hindi ka naman na magtrabaho ay ayos lamang. Kaya ka lang naman namin pinapunta roon ay para mag enjoy ka roon. Pero kung gusto mo talaga na nagtrabaho pa rin ay marami namang ospital dito at pwede naman na dito ka na lamang magtrabaho," pambabasag ni Bianca sa katahimikan nilang mag ina.Muli ay napabuntong hininga na lamang si Amara at saka sya ngumiti sa kanyang ina."Mom masaya naman po ako sa piling ni Zeus. Siguro po ay sadyang hindi lang maganda ang unang beses nyong pagkikita pero promise mom mabait po talaga sya," pagtatanggol pa ni Amara kay Zeus."Mahal mo ba talaga si Zeus?" seryosong tanong muli ni Bianca sa kanyang anak."Mom hindi po ako magpapakasal sa kanya kung hindi ko po sya mahal," nakangiti pa na sagot ni Amara sa kanyang ina. Pero kahit na nakangiti nga ito ay hindi naman nakaligtas sa paningin ni Bianca ang lungkot sa mata ng kanyang anak."Ikaw
CHAPTER 485Kinabukasan ay halos tinanghali na talaga ng gising si Amara dahil totoong napasarap nga ang kanyang tulog at talagang namiss nya rin ang dati nyang silid.Pagkatapos rin kasi nilang kumain kahapon pagka uwi nila ay agad na nga syang pumunta sa dati nyang silid at pagkapasok nga nya roon ay kitang kita naman na talagang alaga sa linis ang mga gamit nya roon dahil talagang maayos ang lahat ng gamit doon. At dahil talagang namiss nya ang silid nyang iyon ay naglinis naman na sya kaagad ng kanyang katawan at agad na nahiga at hindi na nga nya namalayan pa na napasarap na nga talaga ang kanyang tulog.Pagkabangon nga ni Amara ay agad na nga nyang ginawa ang kanyang morning routine bago sya tuluyang lumabas ng kanyang silid upang kumain ng agahan dahil ramdam na nga nya ang pagkalam ng kanyang tyan dahil maaga aga pa nga sila kumain kahapon.Pagkababa ni Amara ay agad na nga syang dumiretso sa kanilang kusina at naabutan nga nya roon ang kanyang ina na nagluluto."Good morning
CHAPTER 484Ilang oras din ang tinagal ng byahe ni Amara pabalik ng pinas at buong oras yata na iyon ay wala ng ginawa si Amara kundi ang matulog na lamang sa byahe.Subsob din kasi sya sa trabaho sa London bukod kasi sa pagmomodel nga nya ay dumuduty na rin sya bilang nurse sa isang ospital doon kaya halos wala rin talaga syang pahinga minsan. Kaya ngayon nga ay bumawi talaga sya ng tulog at sinulit nya ang mahabang byahe na yun at talaga namang natulog na lamang sya ng natulog.Pagkalapag ng eroplano na sinasakyan ni Amara ay nakatanaw pa nga sya sa bintana kung saan sya malapit na nakapwesto ay napapangiti na lamang talaga sya dahil sa wakas makalipas ang limang taon ay bumalik na nga siya sa lupang sinilangan nya.Pagkababa ng eroplano ay agad na nga nyang inasikaso ang mga dapat nyang asikasuhin at kinuha na rin nya ang mga bagahe nya. Pagkatapos noon ay malawak ang ngiti sa kanyang labi na lumabas ng airport at ramdam na ramdam na nga nya ang mainit na klima at masasabi na nga t
CHAPTER 483 "Oo kuya. Pasensya ka na talaga. Nadadala lamang din talaga ako sa init ng ulo ko kaya ako nakakapanigaw ng mga empleyado," sagot ni Dylan sa kuya Rayver nya. Nginitian naman na ni Rayver si Dylan at umaasa nga sya na maayos nito ang anumang problema nito ngayon para hindi na madamay pa ang nga empleyado nito. "Oo nga pala. Kaya rin ako pumunta rito ay dahil birthday ng mga pamangkin mo sa susunod na linggo. Hindi kita maabutan sa mansyon kaya sindya na lamang talaga kita rito sa iyong opisina para sabihin iyon. Sa isang resort iyon gaganapin at hindi pwedeng wala ka roon kaya ngayon pa lang ay ipacancel mo na ang lahat ng meeting mo sa araw na iyon sa iyong sekretarya," pag iiba ni Rayver sa kanilang usapan. Mag lilimang taon na kasi ang kambal na anak nila Rayver at Shiela at sa isang resort nga gaganapin ang birthday party ng kambal at para na rin bonding nila dahil nga madalan na nga silang magkasama sama ng kanyang mga kapatid dahil may kanya kanya na nga silang n
CHAPTER 482"Bakit ganito na naman ang report nyo? Ulitin nyo nga iyan at ayusin nyo naman. Palagi na lamang ganyan ang ibinibigay nyo sa akin na report," bulyaw ni Dylan sa isa sa kanyang nga empleyado."O-opo sir. P-pasensya na po. Uulitin na l-lamang po namin," kandautal naman na sagot ng empleyado ni Dylan sa kanya at halata mo nga rito na sobra itong natatakot kay Dylan."Tsk. Dapat lang. Sige na umalis ka na dito sa harapan ko," sagot ni Dylan na pasigaw pa rin.Dali dali naman na lumabas ng opisina ni Dylan ang empleyado nyang iyon na halata mong natakot talaga kay Dylan.Napapahilot na lamang talaga sa kanyang sintido si Dylan dahil parang biglang sumakit iyon dahil sa report ng kanyang empleyado.Limang taon na nga ang nakalilipas ng umalis ng walang paalam si Amara sa kanya at sa loob ng limang taon na iyon ay naging madalas nga ang pagiging mainitin ng ulo ni Dylan sa kanyang nga empleyado.Madalas din ay sinisigawa nya ang mga empleyado nya kaya takot na takot talaga ang
CHAPTER 481MAKALIPAS ANG LIMANG TAON........Mabilis naman na lumipas ang nga araw, linggo, buwan at taon at ngayon nga ay limang taon ng namamalagi si Amara sa London.Naging masaya naman ang buhay nya sa loob ng limang taon na yun at in-enjoy nya na lamang talaga ang buhay nya sa London.Sa nakalipas din na limang taon ay nakatapos na nga sya sa kanyang pag aaral sa kursong nursing at masayang masaya nga sya dahil kahit na nahahati nga minsan ang kanyang oras ay nagawa nya pa rin na pagsabayin ito pati na tin ang kanyang pagmomodelo.Naging model na rin talaga si Amara sa London ng isang sikat na brand ng mga damit at meron pa nga na ibang brand na gusto syang kunin kaso ay hindi nya nga iyon tinanggap dahil sa kanyang pag aaral. Sapat naman na daw kasi sa kanya ang kinikita nya sa pagmomodelo at hindi na nga sya humihingi pa sa kanyang nga magulang ng kanyang allowance dahil malaki na rin talaga ang kanyang kinikita sa pagmomodelo nya. At isa pa rin sa dabilan nya kaya hindi nya t