CHAPTER 437"Shiela tinatanong kita. Paano kapag inaya ka ng magpakasal ni Rayver papayag ka ba? Handa ka na ba na lumagay sa tahimik kasama sya at bumuo ng pamilya?" tanong pa muli ni Jenny ng hindi pa sumagot si Shiela. Napakurap kurap naman si Shiela ng magsalita nga muli ang ate Jenny nya."Ha? B-bakit mo naman natanong yan ate?" kandautal pa na tanong ni Shiela kay Jenny.Bigla namang nawala ang ngiti sa labi ni Jenny dahil hindi kaagad sumagot si Shiela sa kanyang tanong."Wala lang natanong ko lang. Bakit hindi ka pa ba handa? Mahal mo naman si Rayver diba at alam ko na nagmamahalan talaga kayong dalawa. Ayaw mo pa ba na bumuo ng pamilya kasama sya? May pag aalinlangan ka pa ba?" tanong pa muli ni Jenny dahil pansin nya na may pag aalinlangan pa si Shiela at hindi kaagad nakasagot sa tanong nya.Napabuntong hininga naman si Shiela saka nya tipid na nginitian ang ate Jenny nya."Ate Jenny mahal ko si Rayver. At hindi lang mahal kundi Mahal na mahal ko sya. At sino ba namang baba
CHAPTER 438Mabilis naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay araw na ng sabado. Bukas na nga gaganapin ang surprise birthday party nila Jenny para sa kanilang ama na si Joey. Ngayon nga ay nasa mansyon ng nga Lim si Jenny para kausapin at sunduin ang mga kapatid nya roon. Doon na kasi nya pag stay-in ang mga ito sa resort kung saan nga gaganapin ang party. Sasama na nga rin si Rayver sa mga ito hindi pa nga dapat sya sasama kaso ay wala naman ibang makakasama sila Shiela roon kaya sasama na lamang sya sa mga ito. Kailangan pa kasing bumalik ni Jenny sa mansyon nila dahil baka nga hanapin ito ng kanilang ama at bukas na lamang nga nya ito dadalhin doon.Habang nasa silid nila sila Shiela at ang mga kapatid nya ay kinuha naman iyong pagkakataon ni Jenny para kausapin si Rayver tungkol sa proposal nito."Kumusta ang pinakisuyo ko sa'yo? Ayos na ba ang lahat?" pasimple pa na tanong ni Rayver kay Jenny."Tsk. Oo ayos na ang lahat. Ikaw ha may utang ka sa akin," sagot ni Jenny."Oo.
CHAPTER 439 Pagkaalis ni Jenny ay naiwan na nga roon sila Shiela at Rayver kasama ang mga kapatid nya. Hinayaan na lamang din muna nila Shiela na mag swimming nga roon ang mga kapatid nya sa pool habang sila ni Rayver ay nakaupo lamang din malapit sa mga ito. "Ang saya nila ah. Ayaw mo bang sumali sa kanila?" tanong ni Rayver kay Shiela dahil kanina pa nga ito nakangiti habang pinapanood ang mga kapatid nya. "Ayoko. Dito na lamang ako. Masaya na akong panoorin na lamang sila na nag eenjoy na mag swimming," sagot ni Shiela kay Rayver. Daham dahan naman na tumango si Rayver at hindu na nga sya umimik pa. "Siguro kung narito si nanay ay masaya rin sya ngayon lalo na at napatawad na namin si tatay. Sayang nga lang at huli na ang lahat. Ni hindi na naranasan man lang ni nanay ang maginhawang buhay na gusto kong iparanas sa kanya," sabi pa ni Shiela dahil muli na naman nyang naalala ang kanyang ina. Kahit kasi ilang buwan na ang nakakalipas simula ng mamatay ang kanilang ina ay hind
CHAPTER 440Kinabukasan ay maaga naman na nagset up sa resort kung nasaan ngayon sila Shiela para sa gaganapin ngang surprise party para sa kanilang ama. Mamayang hapon pa naman ang party kaya may oras pa ang mga tao na naroin para mag ayos para mas lalo nilang mapaganda pa ang pag set up doon.Maaga nga rin nagising sila Shiela pati ang mga kapatid nya dahil natutuwa nga sila na manood sa giangawa ng mga nagseset up roon. Hindi naman din kasi sila sanay na pumunta sa nga party kaya naman natutuwa sila kapag nay nga nakikita silang nagsest up ng ganon at kapag may mga party.Si Rayver naman ay may nilapitan na isang staff roon at kinausap nya nga ito tungkol doon sa plano nya at naka ayos na rin daw iyon kaya agad na rin syang bumalik kung nasaan sila Shiela."Excited na ba kayo para mamaya?" tanong ni Rayver kila Shiela at sa mga kapatid nito ng makalapit sya sa mga ito. Yinakap pa nga rin nya si Shiela mula sa likuran nito kaya naman napangiti na lamang si Shiela rito."Oo excited n
CHAPTER 441Samantala naman sa mansyon nila Joey ay nagtataka naman sya dahil nauna pa nga si Jenny na magising sa kanya at talagang ito pa nga ang nag asikaso ng kanilang pagkain ngayon umaga."Good morning anak," bati ni Joey sa kanyang anak. "Ang aga mo naman yatang nagising ngayon," nagtataka pa na sabi ni Joey dahil hindi naman talaga ganito si Jenny at madalas pa nga ay sya ang naghihintay dito tuwing umaga."Good morning din po dad," bati rin naman ni Jenny sa kanyang ama at saka sya lumapit sa kanyang ama at agad na humalik sa pisngi nito. "Syempre po maaga po ako ngayon dahil espesyal po para sa inyo ang araw na ito.," nakangiti pa na sabi ni Jenny saka sya may kinuha na box sa kalapit na upuan nya. "Happy birthday dad. Your the best dad ever," bati pa ni Jenny sa kanyang ama at saka nya iniabot dito ang kanyang regalo.Nagulat naman si Joey at sandaling napaisip dahil hindi na nga nya namalayan na kaarawan nga pala nya ngayon. Napangiti na lamang din sya ng bigla nga syang
CHAPTER 442Pagkatapos mag asikaso ng kanyang sarili ay agad naman ng lumabas ng kanyang silid si Jenny at agad na nga rin syang bumaba ng hagdan. Sakto naman na pagkababa nya ng hagdan ay lumabas ang kanyang ama mula sa opisina nito na nasa kanilang bahay lamang."Mukhang ayos na ayos ang anak ko ah," sabi ni Joey kay Jenny ng makita nya ito at napansin nga nya na ayos na ayos nga ito. Natawa naman si Jenny sa sinabi ng kanyang ama. Umikot pa nga sya sa harapan ng kanyang ama."Maganda ba ako dad?" ranong pa ni Jenny at nagpacute pa nga sya sa kanyang ama. Natawa naman si Joey sa kanyang anak."Syempre naman. Palagi ka namang maganda anak," nakangiti pa na sagot ni Joey. "Saan ba tayo pupunta anak at ayos na ayos ka?" tanong pa ni Joey."Basta dad. Gusto ko mag relax ka po muna ngayong araw dahil birthday mo. Ako na po ang bahala sa pamamasyal natin ngayon," sagot ni Jenny sa kanyang ama saka sya lumapit dito at agad na ikinawit ang kanyang kamay sa braso ng kanyang ama. "Let's go da
CHAPTER 443Pagkasakay nila sa kanilang sasakyan ay sinenyasan lamang ni Jenny ang kanilang driver at alam Na nga nito kung saan sila pupunta. Ito kasi ang isinasama nya kapag pumupunta sya sa resort kaya alam na nito kung saan na sila pupunta ngayon.Habang nasa daan ay hindi naman maiwasan ni Joey ang mapakunit ng noo lalo na ng lumalayo na talaga sila.at iba na ang daan na kanilang dinadaanan at hindi na nga sya pamilyar sa lugar na ito."Saan ba tayo pupunta anak? Bakit parang malayo na tayo?" nagtataka pa na tanong ni Joey kay Jenny."Basta dad. May pupuntahan lang tayo at tiyak ako na mag eenjoy ka roon. Kaya mag relax ka lang muna r'yan," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa kanyang ama."Anak sabihin mo na lamang kasi kung saan tayo pupunta. Hindi ako lalo mapapakali nyan eh," pangungulit ni Joey sa kangmyang anak. Bahagya naman na natawa si Jenny sa kanyang ama at napapailing pa nga sya dahil para itong bata na panay ang linga sa bintana. May kinuha naman si Jenny sa kanyang ba
CHAPTER 444"Masaya po ba kayo sa surpresa ko sa inyo dad?" tanong ni Jenny sa kanyang ama pagkabitaw nila sa kanilang pagyayakapan.Agad naman na nginitian ni Joey si Jenny saka nya ito hinalikan sa tuktok ng ulo."Sobrang saya anak. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon. Maraming maraming salamat anak dahil ginawa mong espesyal ang araw na ito para sa akin," sagot ni Joey kasabay ng pag agos ng masagana nyang luha at luha iyon ng dahil sa saya.Agad naman na napangiti si Jennt dahil sa sinabi ng kanyang ama dahil masaya sya na unti unti ay nakakabawi na nga sya rito dahil dati ay sya lagi ang sinusurpresa nito kapag kaarawan nya."Masaya ako dad dahil napasaya kita at pati na rin ang nga kapatid ko," sagot ni Jennt saka sya tumingin kila Shiela.Nagtataka naman na andundan ng tingin ni Joey ang tinitingnan ni Jenny at nagtataka pa sya dahil parang magkakakilala na nga ang mga ito. At saka nya narealize na mukhang magkakaayos na nga ang mga anak nya."T-teka nga. Magkakaayo
CHAPTER 455Sa kabilang silid naman kung nasaan si Rayver ay hindi na nga ito mapakali pa at pabalik balik na nga ito na naglalakad doon."Bro baka naman pwede na maupo ka na lamang. Nahihilo na kami sa'yo e," sabi ni Kenneth kay Rayver. Kasama rin kasi si Kenneth at Reign sa mga abay nila Rayver at Shiela. Ilang buwan na rin kasi ang nakalilipas ng manganak si Reign kaya naman hindi talaga ito pumayag na hindi sya magiging abay sa kasal ng kakambal nya at ni Shiela."Bro bakit ba ang bagal ng oras. Gusto ko na ngang hilahin na ang oras para makasal na kami ni Shiela," sagot naman ni Rayver kay Kenneth.Natawa naman si Kenneth dahil sa sinabi ni Rayver. Noong sila kasi ni Reign ang ikinasal ay hindi rin sya mapakali at inaasar nga sya noon ni Rayver. Kaya naman ngayon ay sya naman ang tatawa tawa rito dahil hindi na nga ito mapakali."Bro relax ka lang. Maghintay ka na lamang ng oras dahil nar'yan lang naman si Shielasa kabilang silid at inaayusan," natatawa pa na sabi ni Kenneth kay
CHAPTER 454"Dad.""Tay."Nagkatinginan naman sila Shiela at Jenny dahil sabay pa nga nilang natawag ang kanilang ama at natawa pa nga sila dahil magkaiba nga ang tawag nila sa kanilang ama. Nakasanayan na kasi ni Shiela na tatay ang tawag nya sa kanilang ama kaya hindi na nga nya iyon pinaltan pa.Agad naman na pumasok si Joey sa loob at napangiti na nga lamang sya ng makita nya ang dalawa nyang anak na napakaganda at nakasuot na ng traje do boda. "Ang gaganda naman ng mga anak ko. Hindi na ba talaga magbabago ang nga isip nyo? Talaga bang magpapakasal na kayo?" tatawa tawa pa na sabi ni Joey sa kanyang mga anak kaya nan lalo ng natawa sila Shiela at Jenny dahil doon."Dad naman ang tagal na nga po namin itong hinintay tapos uurong pa kami. Syempre hindi na po," sagot ni Jenny sa kanyang ama."Oo nga po tay. Ready na nga po kami kaya hinding hindi na po talaga kami uurong," sagot naman ni Shiela.Agad naman na napangiti si Joey at saka sya lumapit sa dalawa nyang anak."Binibiro k
CHAPTER 453Araw na nga ngayon ng kasal nila Rayver at Shiela at syempre pati na rin nila Jenny at Greg.Maagang maaga naman na nagising sila Shiela at Jenny na magkasama lamang sa iisang silid doon. Marami naman na silid doon pero mas pinili nilang dalawa na magsama sa iisang silid dahil parang bonding na rin daw nilang dalawa iyon bago sila mag asawa.Parehas pa na may ngiti sa labi ang dalawa na bumangon sa kanilang kama."This is it Shiela. Ikakasal na tayo," tila kinikilig pa na sabi ni Jenny kay Shiela. Natawa naman si Shiela sa kanyang ate Jenny dah kita mo talaga na kilig na kilig nga ito."Oo nga ate. Eto na talaga. Totoo na to. Ilang oras na lamang at ikakasal na tayo. Magiging Mrs. Lim na ako at ikaw naman ay magiging Mrs. Santos na," ngiting ngiti rin naman na sagot ni Shiela sa kanyang kapatid."Ngayon pa lang ay binabati na kita Shiela. Alam ko na magiging mabuting asawa ka kay Rayver at magiging mabuting ina ka sa mga magiging anak nyo," nakangiti pa na sabi ni Jenny ka
CHAPTER 452Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan. At ngayon nga ay nasa Baguio na ang buong pamilya nila Shiela at ganon din naman ang buong pamilya nila Rayver at Greg dahil sa isang araw na nga gaganapin ang kasalan.Napagpasyahan nga nila na maaga na nga silang pumunta sa Baguio para naman makapagpahinga pa muna sila roon bago ang kasalan. Gusto rin kasi nila na makapag enjoy na muna doon bago ang kanilang kasal at bonding na rin nila ito sa kani kanilang pamilya."Ate Shiela ang ganda pala talaga rito sa Baguio," daldal ni April sa kanyang ate Shiela habang iginagala pa nga nito ang kanyang paningin. Nasa isang park kasi sila ngayon at naka upo lamang habang ang iba nga nilang mga kapatid ay naisipan na mag bike doon."Oo nga eh. Kahit ako ay nagandahan din talaga rito at isa pa ay malamig ang klima rito," sagot naman ni Shiela."Bakit narito kayong dalawa? Bakit hindi kayo sumama sa mga kapatid ninyo?" tanong na ni Joey na bagong dating lamang sa pwesto nila Shiela dahi
CHAPTER 451Matapos nga ng party na iyon ay agad naman ng nag usap usap ang pamilya nila Shiela at Rayver. Pag uusapan na nga nila ngayon ang tungkol sa kasal. Kasama nga rin nila roon sila Jenny at Greg na mukhang balak rin na sumabay nga sa kasal nila Shiela at Rayver."Dad pumayag na po kayo na sabay na lamang po kami na ikasal ni Shiela. Tutal ay parehas lang din naman kami na ikakasal kaya bakit hindi na lamang po namin pagsabayin pa. Parang mas masaya kapag double wedding," sabat na ni Jenny sa kanilang pag uusap.Ayaw kasi ni Joey na pagsabayin ang kasal ila Jenny at Shiela. Para kasing mas gusto nya na magkabukod nyang ihahatid sa altar ang kanyang mga anak. Napatingin naman si Joey sa mga magulang nila Rayver at Greg para makita kung ano ang komento ng mga ito."Sa akin ay ayos lamang naman na pagsabayin ang kanilang kasal. Mukha ngang mas masaya iyon e," sabi ni Aira ng mapansin nyang nakatingin sa kanila si Joey."Okay lang din naman sa akin ang double wedding. Hindi pa ri
CHAPTER 450Nagsilapitan na rin naman kila Greg at Jenny ang kanilang mga magulang. At una na ngang bumati sa kanila ay ang ama ni Jenny."Congratulations sa inyo Greg at Jenny," nakangiti pa na sabi ni Johnny sa mga ito.Gad naman na napangiti si Jenny at agad na yumakap sa kanyang ama."Thank you dad," sagot ni Jenny habang nanatili syang nakayakap sa kanyang ama.Napabuntong hininga naman si Johnny at nangingiti pa nga sya kay Jenny."Sinong mag aakala na dalawang anak ko pa pala ngayon ang aayain na magpakasal ng kanilang mga nobyo," natatawa pa na sabi ni Johnny.Natawa naman si Jenny at Shiela dahil sa sinabi ng kanilang ama. Pinalapit nga rin ni Johnny si Shiela at yinakap nga rin nya ito."Masayang masaya ako ngayon dahil sa wakas ay magkakasundo na nga kayo at mukhang pati ang mga mapapangasawa nyo ay magkakasundo rin. Gustuhin ko man na tutulan muna ang nais ng inyong nga nobyo para makasama ko pa kayo pero ayoko naman na hadlangan ang inyong kaligayahan kaya kahit na medyo
CHAPTER 449Nagtataka man sa sinasabi ni Greg ay hindu na lamang iyon pinansin pa ni Jenny."Naku wag nga nating agawan ng eksena sila Shiela at Rayver. Moment nila ito," sabi pa ni Jenny."Okay lang yan ate. Mukhang moment mo naman ngayon. Kaya keri lang yan," tila kinikilig pa na sabi ni Shiela kaya naman nagkatawanan sila roon.Ang ibang mga bisita naman ay tila kinikilig na rin at parang nararamdaman na rin nila ang kung ano ang mangyayare."Babe alam ko na kelan lang naman nagsimula ang relasyon natin. Pero kahit na ganoon ay alam mo naman na matagal na kitang gusto at matagal na talaga kitang mahal. Pero ganon pa man ay wala akong pakialam pa sa kung gaano katagal ang relasyon nating dalawa dahil ang mahalaga sa akin ay mahal kita at mahal mo ako," seryosong sabi ni Greg kay Jenny.Seryoso naman na pinapakinggan ni Jenny ang nga sinasabi ni Greg at hindi na nga nya maiwasa pa na mapaluha ng bigla na lamang lumuhod sa kanyang harapan si Greg."Babe hindi ko na ito pahahabain pa.
CHAPTER 448"Oo. Kahit hindi mo sabihin ay iingatan ko talaga si Shiela dahil mahal na mahal ko yan," sagit naman ni Rayver."Saglit nga. Anong utang?" sabat na ni Shiela dahil naguguluhan sya sa mga ito. "Wag mo sabibin na alam mo rin ito ate Jenny," nakataas pa ang kilay na sabi ni Shiela. Agad naman na natawa si Jenny roon habang tumatango pa sya rito."Yes sis. Kasabwat nya ako rito. Kaya may utang sya sa akin ngayon dahil tinulungan ko sya," natatawa pa na sagot ni Jenny. Agad naman na anaptingin si Shiela sa gawi ni Rayver."Mahal hindi ko naman kasi ito kayang gawin ng mag isa dahil alam ko na mahahalata mo kapag ako ang kumilos kaya nakiusap na lamang ako kay Jenny na tulungan ako," paliwanag na kaagad ni Rayver."Bakit napaka defensive mo?" Natatawa pa na sabi ni Shiela. Napakamot naman sa kanyang ulo si Rayver dahil sa sinabi ng kanyang nobya."Mahal nagpapaliwanag lamang ako," sagot ni Rayver kay Shiela."Basta may utang kayo sa akin na dalawa ha. Kahit pamangkin na lang an
CHAPTER 447Matapos magpropose ni Rayver kay Shiela ay tuwang tuwa naman sila Jenny at ang mga kapatid nila dahil doon. Masayang masaya nga si Jenny para sa kanyang kapatid dahil talaga namang deserve ni Shiela na mahalin dahil totoong napakabait nga nito at wala ka talagang masabi sa ugali nito. Wala rin naman syang nararamdaman na inggit ngayon sa kanyang kapatid dahil talaagng naka move on na nga sya kay Rayver at masayang masaya nga sya para sa mga ito ngayon.Nagpalakpakan naman ang lahat ng naroon dahil sa kanilang nasaksihan na pagpopropose ni Rayver kay Shiela. Masaya rin ang mga ito para kila Rayver dahil karamihan talaga sa mga bisita na anroon ay mga kakilala rin naman nila.Agad naman na nagsilapit sila Aira at Dave kila Shiela at Rayver at agad na nga nilang binati ang nga ito. Kasama na nga rin nilang lumapit doon sila Reign at Kenneth pati na rin si Dylan na napakaseryoso lagi ng mukha."Congratulations sa inyo. Sa wakas ay mag aasawa na rin ang pihikan kong anak," sab