CHAPTER 424"Oo ate. Tapos na kaming pumili," nakangiti pa na sagot ni Shiela kay Jenny.Napakunot naman ang noo ni Jenny dahil iis alamang ang dalang basket ng mga ito na puno."Nasaan yung sa inyo?" tanong ni Jenny kay Shiela dahil si Sherwin nga ang may dala ng basket."Nandito na ate. Pinagsama sama na lamang namin dito para isang bitbitan na lamang," sagot ni Shiela.Nagulat naman si Jenny sa sinabi ni Shiela at pagtingin nya sa basket na dala ni Sherwin ay ni hindi pa nga iyon napuno tapos magkakasama na raw lahat ng pinamili ng nga ito roon. Napakamot na lang talaga sa ulo nya si Jenny kahit na hindi naman iyon makati."Ayaw nyo ba talagang mamili rito?" tanong pa ni Jenny sa mga ito. Sabay sabay naman na nagsitango sila Shiela kaya naman natawa na lamang si Jenny dahil doon."Okay fine. Sige sa susunod ay sa tyangge na tayo pupunta at hindi rito," natatawa pang sabi ni Jenny.Agad na rin naman na binayaran ni Jenny ang mga pinamili nila at saka sila umalis na sa mall dahil bal
CHAPTER 425Pagkarating nila Rayver at Shiela sa mansyon aya agad na nga na nagsipunta sa kani kanilang mga silid ang mga kapatid ni Shiela.Natatawa pa nga si Shiela dahil kita nya na antok na antok na talaga ang mga ito dahil hindi naman sanay na magpuyat ang mga ito. Kaya habang paakyat sa hagdan ay pipikit pikit na nga ang mga ito.Nang tuluyan ng makaakyat ang mga kapatid ni Shiela aya agad naman na linapitan ni Rayver ang kanyang nobya at agad na yinakap ito mula sa likuran.Nagulat naman si Shiela sa ginawa ni Rayver pero napangiti na lang din sya dahil namiss nya nga ang binata. Simula kasi ng tumira sya sa mansyon ay nasanay na nga sya na palagi nya itong kasama kaya ngayon na maghapon nga silang hindi nagkita at nagkasama ay namiss nya nga ito."Namiss kita," buling ni Rayver sa punong tainga ni Shiela saka nya ito hinalik halikan sa batok.Tila naman nagtayuan ang mga balahibo ni Shiela sa katawan nya dahil sa paraan ng pagkakasabi ni Rayver at sinabayan pa na hinahalik hal
CHAPTER 426"Tsk. Nabitin ka lang kamo kaya ka ganyan. O sige na aakyat na ako. Matulog na rin kayong dalawa. Sa susunod kasi ay wag kayo kung saan saan na la.ang gagawa ng milagro para walang makakita sa inyo," tatawa tawa pa na sabi ni Aira bago ito tuluyan ng umakyat papunta sa kanilang kwarto.Bigla namang pinamulahan muli ng mukha si Shiela dahil sa sinabi ni Aira habang si Rayver naman ay tatawa tawa kaya naman nahampas na lamang talaga sya sa braso ni Shiela."Ikaw kasi. Inaawat na kita kanina ayaw mo pa rin magpaawat. Nakakhiya ang mommy mo pa talaga ang nakakita sa atin," inis na sabi ni Shiela kay Rayver."Okay lang yan. Naiintindihan naman tayo ni mommy at isa pa ay tama naman sya. May relasyon tayo kaya normal lang na maghalikan tayong dalawa. Wala naman pati tayong ginagawang masama kaya wag ka ng mainis pa r'yan," sagot naman ni Rayver at saka sila umakyat ng hagdan ni Shiela habang naka akbay pa rin sya rito.Nagpatianod na rin naman si Shiela kay Rayver at inihatid pa
CHAPTER 427"Ahm.. A-ano kasi. G-gusto sana kitang ayain na mamasyal kanina kaya ako naparito kaso ay wala ka naman pala," kandautal pa na sabi ni Greg. "Ay. Oo nga pala flowers for you," dagdag pa ni Greg at kamuntik pa nyang makalimutang iabot sa dalaga ang binili nyang bulaklak para rito.Agad naman na tinanggap ni Jenny iyon ng may ngiti sa labi at bahagya pa nga nya iyong inamoy."Salamat. Pasensya ka na kung naghintay ka ng matagal ha. Sa susunod kasi mag text ka man lang sa akin na pupunta ka rito para hindi naman ikaw ang nasusurprise kasi wala ako," biro pa ni Jenny sa binata.Natawa naman si Greg sa sinabi ni Jenny at napatango pa nga siya."Oo. Sige next time ay tatawagan muna kita bago ako pumunta rito. Lesson learn magpaalam kapag may isusurpresa," tatawa tawa na sagot ni Greg sa dalaga. Natawa naman si Jenny dahil sa sinabi ng binata dahil hindi na nga naman surprise yun kapag sinabi sa kanya."Pano yan gabing gabi na. Hindi na tayo makakalabas pa," sabi ni Jenny kay Gre
CHAPTER 428Kinabukasan ay maaga naman na tinawagan ni Jenny ang kanyang kapatid na si Shiela. Excited na kasi syang ibalita rito ang nangyare kagabi na sinagot na nga nya si Greg."Masaya ako para sa'yo ate Jenny. Sa wakas ay nahanap mo na ang lalakeng talagang nagmamahal sa'yo ng tapat," nakangiti pa na sagot ni Shiela sa kanyang ate matapos nitong ikwento na sinagot na nga nito si Greg."Salamat Shiela. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam ng ganito noh? Yung mahal ka talaga ng isang tao at hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa kanya dahil buong puso ka nyang mamahalin" sagot din naman ni Jenny na todo pa rin ang ngiti hanggang ngayon dahil pakiramdam nga nya ay nakalutang sya sa alapaap dahil doon. "Oo naman ate. Sobrang sarap talaga sa pakiramdam lalo na at wala ka ng kagalit o kasamaan ng loob," sagot din naman ni Shiela rito."Oo nga pala. Pwede ba kayo mamayang gabi ni Rayver? Ituloy sana nating yung binabalak natin na double date. Nabanggit ko na rin naman yun kay Greg
CHAPTER 429Kinagabihan naman noon ay naghahanda na sila Rayver at Shiela para umalis dahil pupunta sila sa double date nila kasama nga ang ate Jenny ni Shiela. Natawagan na kasi nya ito kanina matapos makausap si Rayver at pumayag nga ito kaya naman ngayon ay pupunta na nga sila sa restaurant na sinabi ni Jenny sa kanya."Sigurado ka ba rito? Hindi ka ba naiilang na kasama natin ang kapatid mo na minsang sinubukan akong agawin sa'yo?" tanong pa ni Rayver kay Shiela habang hinihintay nya ang dalaga na matapos mag ayos ng sarili at narito nga sila ngayon sa silid ng dalaga.Napatigil naman si Shiela sa kanyang ginagawa. Humarap naman si Shiela kay Rayver at saka sya napabuntong hininga at saka sya lumapit dito at hinawakan nga nya ang kamay ng kanyang nobyo."Mahal naka move on na si ate Jenny sa'yo at tanggap na nya na hindi ka para sa kanya kaya walang dahilan para mailang ako sa kanya. At isa pa ay kapatid ko sya at alam ko naman na nagbago na talaga sya. At hindi lang basta nagbag
CHAPTER 430Nang maupo na nga sila ay agad naman ng isinerve ang kanilang pagkain kaya kumain na rin muna silang apat.Habang kumakain naman sila ay napapatingin naman si Shiela sa ate Jenny nya at kita nga nya sa mata ng kanyang kapatid na masaya ito na kasama ang nobyo nito na si Greg. Kita nya rin talaga kaagad na bigla itong nagbago kung dati ay kay Rayver nga ito naghahabol ngayon ay si Greg naman ang panay ang dikit sa ate Jenny nya. Kaya ngayon ay masaya na nga si Shiela dahil naka move on na nga talaga ang ate Jenny nya kay Rayver."Kumain ka na," bulong ni Rayver kay Shiela ng mapansin nya na tinititigan ni Shiela si Jenny. Agad naman na napatingin si Shiela kay Rayver at saka nya ito matamis na nginitian saka sya nagpatuloy na sa kanyang pagkain.Matapos nilang kumain na apat ay nanatili pa muna sila roon. Sa labas din kasi naka set up ang table nila kaya presko ang hangin doon."Kumusta ka naman Mr. Madrigal?" tanong na ni Greg kay Rayver matapos nga nilang kumain."Ayos la
CHAPTER 431Mabilis naman na lumipas ang nga araw at isang linggo na nga ang nakararaan matapos na magkaayos ayos ang magkakapatid na sila Shiela at Jenny at pati na rin ang nga nakababatang kapatid ni Shiela.Isang linggo na rin ang matulin na lumipas at naging payapa at maayos na ang kanilang mga buhay. Masaya na sila Rayver at Shiela dahil nga hindi na sila ginugulo pa ni Jenny dahil may sarili na nga ring love life si Jenny. Si Jenny naman ay masaya na rin ngayon sa piling ni Greg. Pinaalam na rin ni Jenny sa kanyang ama na mayroon na nga silang relasyon ni Greg at masayang masaya nga rin ito para sa kanilang dalawa dahil botong boto nga talaga si Joey kay Greg para sa kanyang anak na si Jenny.Abala naman ngayon si Joey sa kanyang opisina ng bigla ngang kumatok sa kanyang opisina opisina ang kanyang sekretarya at ang sabi nga nito ay may bisita nga raw sya at walang iba iyon kundi si Rayver kaya agad na nga nya itong pinapasok."Good afternoon po Mr. Garcia," agad na bati ni Ra
CHAPTER 527Kinaumagahan ay nagising nga si Dylan ng pasado alas syete na ng umaga. Pupungas pungas pa nga siya na bumangon siya pero ng maalala nga niya na pupuntahan nga pala niya ang pinakamamahal niyang si Amara ay parang biglang nabuhay ang dugo niya.Agad na nga syang naligo at nag ayos ng kanyang sarili at agad na naghanda upang umalis. Nakasuot na nga rin sya ng pang opisina dahil balak nya munang sumaglit sa kanyang opisina bago sya pumunta sa mansyon nila Amara. Pagkababa nga nya ng hagdan ay naabutan naman nya ang kanyang ina sa sala ng kanilang mansyon habang nagbabasa ng mga magazine."Dylan anak gising ka na pala. Hindi ko na namalayan pa ang pag uwi mo kahapon. Kumusta pala si Amara?" agad na sabi ni Aira kay Dylan ng makita nga nya ito na papalapit sa kanya."Good morning po mom," bati ni Dylan sa kanyang ina at saka nga sya humalik sa pisngi nito. "Gabing gabi na rin po kasi ako nakauwi kagabi mom dahil dinala ko po si Amara sa ospital kahapon pero ayos naman na po sy
CHAPTER 526Pagkalabas naman ni Dylan ng silid ni Amara ay agad na nga syang bumaba ng hagdan at pagkababa nga niya ay agad nga niyang nakita ang mga magulang ni Amara sa sala na mukhang seryosong nag uusap."Ahm... Excuse mo po Tito Gino, tita Amara uuwi na po muna ako at babalik na lamang po ako mamaya," pagpapaalam na ni Dylan sa magulang ni Amara pagkababa nya ng hagdan.Agad naman na napatingin sila Gino at Bianca kay Dylan na nakayuko na ang ulo.."Sabi ng tita Bianca mo ay may gusto ka raw sabihin sa akin hijo. Ano ba yun?" tanong ni Gino kay Dylan.Bigla namang napalunok ng sarili nyang laway si Dylan at saka sya huminga ng malalim at saka sya nag angat ng kanyang tingin."Opp tito. G-gusto ko po sanang magpaalam sa inyo dahil gusto ko ong ligawan si Amara. At gusto ko po sanang hingin ang basbas nyo na pumapayag po kayo," magalang na sabi ni Dylan sa ama ni Amara at talagang tumingin siya sa mata nito para maramdaman nito na seryoso sya sa kanyang sinasabi rito.Titig na titi
CHAPTER 525Ilang oras nga rin na namalagi si Amara sa ospital at talagang pinaubos nga rito ang laman ng kanyang dextrose. At talaga rin namang pinanindigan ni Dylan na hindi sya aalis diin at talagang binantayan nga nya si Amara roon.Halos gabi na nga rin talaga bago nga nakalabas ng ospital si Amara at rinesetahan na lang din naman sya ng kanyang doktor ng ilang gamot para nga muling bumalik ang kanyang lakas. Ayaw na rin naman kasi talaga nilang magtagal pa roon si Amara dahil nga mas gusto rin nila na nasa bahay nga nila ito.Pagkarating nga nila sa mansyon ng mga Dela Cueva ay agad na nga na inihatid muna ni Dylan si Amara sa silid nito."Salamat nga pala sa pagbabantay sa akin doon sa ospital," sabi ni Amara kay Dylan."Wala iyon. Sabi ko naman sa'yo ay hindi ako aalis sa tabi mo hindi ba?" nakangiti pa na sagot ni Dylan kay Amara. "Kumusta pala ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba?" tanong pa ni Dylan sa dalaga."Hindi naman na. Medyo okay oaky naman na ang pakiramdam ko hind
CHAPTER 524Nang tuluyan na ngang nakaalis ang doktor ay agad na nga ring lumapit si Dylan kay Amara at saka nya nga ito matamis na nginitian."Magpahinga ka na muna dahil hindi ka pa maaaring lumabas dito dahil kailangan mong ubusin ang laman ng dextrose na yan," sabi ni Dylan. "Wag kang mag alala dahil dito lamang ako at hindi ako aalis dito," sabi ni Dylan kay Amara at saka nya nga ito hinalikan sa ulo nito.Agad naman na napangiti si Amara kay Dylan dahil sa sinabi nito."Salamat Dylan ha," sabi ni Amara. "Pasensya ka na kung naabala ka pa namin. Pwede mo naman akong iwan na muna dito dahil nar'yan naman sila mommy," dagdag pa nya."Hindi Amara. Dito lang ako hanggang sa makauwi ka na. Hayaan mong makabawi ako sa'yo kahit papaano," sagot ni Dylan sa dalaga at saka nga sya naupo sa may tabi ni Amara.Napangiti na nga lamamg talaga si Amara at hindi na nga sya nagsalita pa. Hinayaan na lamang din nya si Dylan doon dahil mukhang hindi talaga magpapaawat ang isang ito at talagang mag
CHAPTER 523"Bakit? May problema ba?" puno ng pag aalala na tanong ni Dylan kay Amara ng maupo nga ulit ito at nakita nga nya na nakapikit nga ito."W-wala lamang ito. Nahilo lang ako bigla marahil ay dahil ito sa madalas akong nakahiga lamang," mahinang sagot ni Amara sa binata.Napabuntong hininga naman si Dylan at saka nya naaawang tiningnan si Amara."Ang mabuti pa siguro ay dalhin na muna kita sa ospital. Alam ko na dahil nga siguro yan sa pagmumukmok mo rito ng ilang araw pero kasi baka dehydrated ka na kaya ka nagkakaganyan," sabi ni Dylan at saka sya tumingin sa tita Bianca nya para magpasaklolo na pumayag ito sa gusto nya.Agad naman na napansin ni Bianca na nakatingin nga sa kanya si Dylan kaya naman napabuntong hininga na lamang din sya dahil mukhang tama nga ito. Pansin nya na rin kasi na medyo bumagsak nga ang katawan ni Amara at mukhang kailangan nga muna nila itong dalhin sa ospital."Sa tingin ko ay tama ka r'yan Dylan. Dapat nga siguro nating dalhin si Amara sa ospita
CHAPTER 522Ilang sandali pa nga silang nanatiling magkayakap habang parehas nga rin silang hilam ng luha ang mga mata.Unti unti naman na bumitaw si Dylan sa pagkakayakap nya kay Amara at saka nya nga pinunasan ang luha ng dalaga gamit ang kanyang daliri at saka sya matamis na ngumiti rito."Mahal na mahal kita Amara. Wag mo ng uulitin pa ito ha. Ayokong nakikita kang nahihirapan at nasasaktan ng ganyan kaya ingatan mo palagi ang sarili mo," sabi ni Dylan kay Amara. Agad naman na tumango si Amara rito."Oo. Hindi ko na ito uulitin at wala na rin namang dahilan para gawin ko pa ulit ang bagay na ito," sagot ni Amara at saka nya matamis na nginitian ang binata. "Mahal na mahal din kita Dylan at alam mo naman na yan noon pa man kaya naman sobrang saya ko ngayon dahil sa wakas ay nasuklian mo na rin ang pagmamahal ko sa'yo," dagdag pa ni Amara at muli nga ay tumulo na naman ang luha nya."Sorry kung nasaktan kita," sabi ni Dylan at saka nya hinalikan sa noo si Amara. "Mahal na mahal kita
CHAPTER 521Titig na titiig naman si Amara kay Dylan at nagtataka nga siya sa sinasabi nito. Ang alam nya kasi ngayon ay ikakasal na ito sa iba kaya bakit nga ito mag aalala pa sa kanya ng ganito."Bakit? Para saan pa?" tanong ni Amara kay Dylan. "Ang mabuti pa ay pabayaan mo na lamang ako Dylan. Wag mo na akong alalahanin dahil lilipas din naman ito at makakalimutan din naman kita. Sadyang nagpapalipas lamang ako ng nararamdaman kong ito at darating ang araw na makakalimutan ko na rin ang nararamdaman ko para sa'yo dahil siguro nga ay hindi talaga tayo para sa isa't isa," dagdag pa ni Amara kasabay ng pagpatak ng kanyang luha dahil sa sobra talaga syang nasasaktan sa mga nangyayare sa kanila ni Dylan. Agad din naman ng pinunansan ni Mara ang kanyang luha dahil ayaw nyang makita ni Dylan na umiiyak sya ng dahil dito."Hindi ko maaatim na pabayaan ka na lamang ng ganyan Amara," sagot ni Dylan at saka sya naupo sa kama ni Amara para magpantay sila ng dalaga at saka nga nya hinawakan ang
CHAPTER 520Pagkabukas nga ni Bianca ng pintuan ng silid ni Amara ay medyo madilim nga roon dahil dim light lamang ang nakabuhay na ilaw nito at sarado pa nga ang nga bintana nito kahit na mataas na ang araw pero agad din naman nilang nakita na nakahiga nga si Amara sa kama nito at nakakumot pa."Mom mamaya na lamang po ako kakain," mahinang sabi ni Amara ng marinig nga nya na nagbukas ang pinto ng kanyang silid. Wala naman kasing ibang pumapasok roon ng basta basta na lamang kundi ang kanyang ina at si Amanda lamang pero sa mga oras nga na ito ay alam nyang wala ang kanyang kapatid kaya alam nyang ang kanyang ina ang nagbukas noon. Alam nya rin na hindi naman puounta ng ganoong oras ang kanyang ama dahil alam nya na nasa opisina nga ito.Magsasalita na nga sana si Bianca ng bigla nga syang pigilan ni Dylan at sinenyasan sya nito na wag sasagot kaya hindi nga sya nagsalita at tumango na nga lamang sya kay Dylan. Nagpasya na rin si Bianca na lumabas na muna at hayaan na lamang muna nya
CHAPTER 519"Nasa kanilang mansyon lamang si Amara sabi ng tita Bianca mo at ilang araw na daw itong nagmumukmok doon simula ng malaman nga nito na ipagkakasundo ka namin sa ibang babae. Mukhang nasaktan natin ang damdamin ni Amara anak," malungkot pa na sagot ni Aira kay Dylan."Mom gusto ko po syang puntahan. Kailangan ko po syang makausap para malaman nya ang totoo. Kailangan nyang malaman na hindi nyo po ako ipinagkasundo at hindi ako ikakasal sa ibang babae," sabi ni Dylan sa kanyang ina at hindi na nga nya napansin pa ang pagpatak ng kanyang luha at luha ito sa sobrang saya dahil sa mga nalaman nya."Gusto ko pong sabibin kay Amara ngayon kung gaano ko po sya kamahal mom," dagdag pa ni Dylan.Agad naman na napangiti si Aira dahil sa sinabi ni Dylan at pinunasan pa nga nya ang luha ni Dylan na lumandas sa pisngi nito gamit ang kanyang kamay."Alam ko naman kung gaano mo kamahal si Amara anak kaya hinding hindi kita pipigilan na kausapin sya ngayon," nakangiti pa na sbai ni Aira a