CHAPTER 426"Tsk. Nabitin ka lang kamo kaya ka ganyan. O sige na aakyat na ako. Matulog na rin kayong dalawa. Sa susunod kasi ay wag kayo kung saan saan na la.ang gagawa ng milagro para walang makakita sa inyo," tatawa tawa pa na sabi ni Aira bago ito tuluyan ng umakyat papunta sa kanilang kwarto.Bigla namang pinamulahan muli ng mukha si Shiela dahil sa sinabi ni Aira habang si Rayver naman ay tatawa tawa kaya naman nahampas na lamang talaga sya sa braso ni Shiela."Ikaw kasi. Inaawat na kita kanina ayaw mo pa rin magpaawat. Nakakhiya ang mommy mo pa talaga ang nakakita sa atin," inis na sabi ni Shiela kay Rayver."Okay lang yan. Naiintindihan naman tayo ni mommy at isa pa ay tama naman sya. May relasyon tayo kaya normal lang na maghalikan tayong dalawa. Wala naman pati tayong ginagawang masama kaya wag ka ng mainis pa r'yan," sagot naman ni Rayver at saka sila umakyat ng hagdan ni Shiela habang naka akbay pa rin sya rito.Nagpatianod na rin naman si Shiela kay Rayver at inihatid pa
CHAPTER 427"Ahm.. A-ano kasi. G-gusto sana kitang ayain na mamasyal kanina kaya ako naparito kaso ay wala ka naman pala," kandautal pa na sabi ni Greg. "Ay. Oo nga pala flowers for you," dagdag pa ni Greg at kamuntik pa nyang makalimutang iabot sa dalaga ang binili nyang bulaklak para rito.Agad naman na tinanggap ni Jenny iyon ng may ngiti sa labi at bahagya pa nga nya iyong inamoy."Salamat. Pasensya ka na kung naghintay ka ng matagal ha. Sa susunod kasi mag text ka man lang sa akin na pupunta ka rito para hindi naman ikaw ang nasusurprise kasi wala ako," biro pa ni Jenny sa binata.Natawa naman si Greg sa sinabi ni Jenny at napatango pa nga siya."Oo. Sige next time ay tatawagan muna kita bago ako pumunta rito. Lesson learn magpaalam kapag may isusurpresa," tatawa tawa na sagot ni Greg sa dalaga. Natawa naman si Jenny dahil sa sinabi ng binata dahil hindi na nga naman surprise yun kapag sinabi sa kanya."Pano yan gabing gabi na. Hindi na tayo makakalabas pa," sabi ni Jenny kay Gre
CHAPTER 428Kinabukasan ay maaga naman na tinawagan ni Jenny ang kanyang kapatid na si Shiela. Excited na kasi syang ibalita rito ang nangyare kagabi na sinagot na nga nya si Greg."Masaya ako para sa'yo ate Jenny. Sa wakas ay nahanap mo na ang lalakeng talagang nagmamahal sa'yo ng tapat," nakangiti pa na sagot ni Shiela sa kanyang ate matapos nitong ikwento na sinagot na nga nito si Greg."Salamat Shiela. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam ng ganito noh? Yung mahal ka talaga ng isang tao at hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa kanya dahil buong puso ka nyang mamahalin" sagot din naman ni Jenny na todo pa rin ang ngiti hanggang ngayon dahil pakiramdam nga nya ay nakalutang sya sa alapaap dahil doon. "Oo naman ate. Sobrang sarap talaga sa pakiramdam lalo na at wala ka ng kagalit o kasamaan ng loob," sagot din naman ni Shiela rito."Oo nga pala. Pwede ba kayo mamayang gabi ni Rayver? Ituloy sana nating yung binabalak natin na double date. Nabanggit ko na rin naman yun kay Greg
CHAPTER 429Kinagabihan naman noon ay naghahanda na sila Rayver at Shiela para umalis dahil pupunta sila sa double date nila kasama nga ang ate Jenny ni Shiela. Natawagan na kasi nya ito kanina matapos makausap si Rayver at pumayag nga ito kaya naman ngayon ay pupunta na nga sila sa restaurant na sinabi ni Jenny sa kanya."Sigurado ka ba rito? Hindi ka ba naiilang na kasama natin ang kapatid mo na minsang sinubukan akong agawin sa'yo?" tanong pa ni Rayver kay Shiela habang hinihintay nya ang dalaga na matapos mag ayos ng sarili at narito nga sila ngayon sa silid ng dalaga.Napatigil naman si Shiela sa kanyang ginagawa. Humarap naman si Shiela kay Rayver at saka sya napabuntong hininga at saka sya lumapit dito at hinawakan nga nya ang kamay ng kanyang nobyo."Mahal naka move on na si ate Jenny sa'yo at tanggap na nya na hindi ka para sa kanya kaya walang dahilan para mailang ako sa kanya. At isa pa ay kapatid ko sya at alam ko naman na nagbago na talaga sya. At hindi lang basta nagbag
CHAPTER 430Nang maupo na nga sila ay agad naman ng isinerve ang kanilang pagkain kaya kumain na rin muna silang apat.Habang kumakain naman sila ay napapatingin naman si Shiela sa ate Jenny nya at kita nga nya sa mata ng kanyang kapatid na masaya ito na kasama ang nobyo nito na si Greg. Kita nya rin talaga kaagad na bigla itong nagbago kung dati ay kay Rayver nga ito naghahabol ngayon ay si Greg naman ang panay ang dikit sa ate Jenny nya. Kaya ngayon ay masaya na nga si Shiela dahil naka move on na nga talaga ang ate Jenny nya kay Rayver."Kumain ka na," bulong ni Rayver kay Shiela ng mapansin nya na tinititigan ni Shiela si Jenny. Agad naman na napatingin si Shiela kay Rayver at saka nya ito matamis na nginitian saka sya nagpatuloy na sa kanyang pagkain.Matapos nilang kumain na apat ay nanatili pa muna sila roon. Sa labas din kasi naka set up ang table nila kaya presko ang hangin doon."Kumusta ka naman Mr. Madrigal?" tanong na ni Greg kay Rayver matapos nga nilang kumain."Ayos la
CHAPTER 431Mabilis naman na lumipas ang nga araw at isang linggo na nga ang nakararaan matapos na magkaayos ayos ang magkakapatid na sila Shiela at Jenny at pati na rin ang nga nakababatang kapatid ni Shiela.Isang linggo na rin ang matulin na lumipas at naging payapa at maayos na ang kanilang mga buhay. Masaya na sila Rayver at Shiela dahil nga hindi na sila ginugulo pa ni Jenny dahil may sarili na nga ring love life si Jenny. Si Jenny naman ay masaya na rin ngayon sa piling ni Greg. Pinaalam na rin ni Jenny sa kanyang ama na mayroon na nga silang relasyon ni Greg at masayang masaya nga rin ito para sa kanilang dalawa dahil botong boto nga talaga si Joey kay Greg para sa kanyang anak na si Jenny.Abala naman ngayon si Joey sa kanyang opisina ng bigla ngang kumatok sa kanyang opisina opisina ang kanyang sekretarya at ang sabi nga nito ay may bisita nga raw sya at walang iba iyon kundi si Rayver kaya agad na nga nya itong pinapasok."Good afternoon po Mr. Garcia," agad na bati ni Ra
CHAPTER 432"Opo. Pangako ko po iyan na pakamamahalin at aalagaan ko po ang inyong anak. At hinding hindi ko po sya iiwan sa hirap man po o sa ginhawa pangako ko po iyan. Maraming salamat po. Maraming maraming salamat po talaga Mr. Garcia," sagot pa ni Rayver dito."Tsk. Tatay ako ng gusto mong pakasalan bakit Mr. Garcia pa rin ang tawag mo sa akin? Pwede mo akong tawagin na Daddy o kaya naman ay Papa pero si Shiela kasi ay nakasanayan na ang pagtawag sa akin ng tatay kaya ikaw na ang bahalang pumili r'yan," natatawa pa na sabi ni Joey.Bahagya rin naman na natawa si Rayver at napapailing pa nga sya ng marealize nya ang tinawag nya sa ama ng kanyang nobya."Sige po tay. Maraming salamat po ulit tay," nakangiti pa na sagot ni Rayver sa ama ni Shiela.Hindi na rin naman nagtagal pa roon si Rayver at umalis na rin naman din sya kaagad dahil sadyang tumakas lamang sya sa kanyang opisina. Hindi naman nya kasi pwedeng sabihin kay Shiela na sa ama nito sya pupunta dahil baka magtaka pa iyon.
CHAPTER 433Hinintay lamang naman ni Rayver na tuluyang makaalis sila Shiela at saka nya seryosong hinarap ang kanyang ina."Mom nakausap ko na po si Mr. Garcia tungkol sa balak kong pagpopropose kay Shiela at pumayag naman na po sya," nakangiti pa na pagbabalita ni Rayver sa kanyang ina."Talaga anak? Kung gayon ay magandang balita yan," sagot ni Aira sa kanyanga anak. "Kelan mo ba balak na magpropose kay Shiela?" tanong pa ni Aira.Napatingin naman si Rayver sa hawak nyang imbitasyon para sa kaarawan ng ama ni Shiela. Bigla nyang naisip na sa mismong araw rin na yun sya magpropose kay Shiela. "Naisip ko lang po mom. Kung isabay ko na lamang po kaya ang pagpropose ko kay Shiela sa araw ng birthday ng kanyang ama. Dun po kasi ay siguradong kumpleto ang pamilya nya. Kakausapin ko na lamang po siguro si Jenny tungkol sa bagay na ito," sagot naman ni Rayver sa kanyang ina.Dahan dahan naman na tumango si Aira sa kanyang anak at saka nya ito matamis na nginitian."Ikaw ang bahala anak. B
CHAPTER 529"Hay naku. Sige na nga," sumusukong sagot ni Aira sa mga ito. "Basta Bianca si Amara ay para na kay Dylan ha," sabi pa ni Aira."Oo naman. Kayo pa ba? E mas kampante na ako sa inyong pamilya," sagot ni Bianca sa kanyang matalik na kaibigan.Maya maya nga habang nag uusap usap nga sila roon ay bumaba naman na si Amara mula sa kanyang kwarto at nagulat pa nga sya ng makita nga nya na naroon na nga rin si Dylan."Tita Aira narito po pala kayo," sabi ni Amara at saka nga sya lumapit sa tita Aira nya at saka sya humalik sa pisngi nito."Yes hija narito ako dahil namimiss na kita. Kumusta ka naman na? At bakit ilang araw ka ng hindi nagpapakita sa akin?" sagot ni Aira kay Amara."P-pasensya na po t-tita Aira. M-masama po kasi ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw," pagdadahilan ni Amara sa tita Aira nya."Sumama ang pakiramdam? O masama ang loob?" nakataas pa ang kilay na tanong ni Aira sa dalaga.Nagulat naman si Amara sa sinabi ng tita Aira nya at para ngang bigla syang
CHAPTER 528Pagkarating ni Dylan sa mansyon ng nga Dela Cueva ay agad na nga siyang pumasok sa loob dahil kilalang kilala naman na talaga sya ng mga kasambahay at gwardya doon kaya malaya nga syang maglabas masok sa mansyon ng tita Binca nya. Pero ganoon na lamang nga ang gulat ni Dylan ng pagkapasok nga nya sa loob ng mansyon ng tita Bianca nya ay nakita nga nya ang kanyang ina roon."Mom?" sabi ni Dylan at gulat na gulat pa nga talaga siya. "A-ano pong ginagawa nyo rito?" nauutal pa na tanong ni Dylan sa kanyang ina dahil hindi nya nga inaasahan na naroon nga ito.Tatawa tawa naman si Aira ng makita nga nya ang reaksyon ng kanyang anak ng makita nga sya nito roon.Kanina kasi pagkaalis ni Dylan sa kanilang mansyon ay agad na nga syang nag ayos ng kanyang sarili at agad na nga syang nagpunta sa mansyon ng kanyang kaibigan na si Bianca. Plano naman talaga nyang pumunta roon ngayon kaso ang balak nya sana ay hapon pa sya pupunta pero bigla ngang nagbago ang isip niya at umaga pa nga
CHAPTER 527Kinaumagahan ay nagising nga si Dylan ng pasado alas syete na ng umaga. Pupungas pungas pa nga siya na bumangon siya pero ng maalala nga niya na pupuntahan nga pala niya ang pinakamamahal niyang si Amara ay parang biglang nabuhay ang dugo niya.Agad na nga syang naligo at nag ayos ng kanyang sarili at agad na naghanda upang umalis. Nakasuot na nga rin sya ng pang opisina dahil balak nya munang sumaglit sa kanyang opisina bago sya pumunta sa mansyon nila Amara. Pagkababa nga nya ng hagdan ay naabutan naman nya ang kanyang ina sa sala ng kanilang mansyon habang nagbabasa ng mga magazine."Dylan anak gising ka na pala. Hindi ko na namalayan pa ang pag uwi mo kahapon. Kumusta pala si Amara?" agad na sabi ni Aira kay Dylan ng makita nga nya ito na papalapit sa kanya."Good morning po mom," bati ni Dylan sa kanyang ina at saka nga sya humalik sa pisngi nito. "Gabing gabi na rin po kasi ako nakauwi kagabi mom dahil dinala ko po si Amara sa ospital kahapon pero ayos naman na po sy
CHAPTER 526Pagkalabas naman ni Dylan ng silid ni Amara ay agad na nga syang bumaba ng hagdan at pagkababa nga niya ay agad nga niyang nakita ang mga magulang ni Amara sa sala na mukhang seryosong nag uusap."Ahm... Excuse mo po Tito Gino, tita Amara uuwi na po muna ako at babalik na lamang po ako mamaya," pagpapaalam na ni Dylan sa magulang ni Amara pagkababa nya ng hagdan.Agad naman na napatingin sila Gino at Bianca kay Dylan na nakayuko na ang ulo.."Sabi ng tita Bianca mo ay may gusto ka raw sabihin sa akin hijo. Ano ba yun?" tanong ni Gino kay Dylan.Bigla namang napalunok ng sarili nyang laway si Dylan at saka sya huminga ng malalim at saka sya nag angat ng kanyang tingin."Opp tito. G-gusto ko po sanang magpaalam sa inyo dahil gusto ko ong ligawan si Amara. At gusto ko po sanang hingin ang basbas nyo na pumapayag po kayo," magalang na sabi ni Dylan sa ama ni Amara at talagang tumingin siya sa mata nito para maramdaman nito na seryoso sya sa kanyang sinasabi rito.Titig na titi
CHAPTER 525Ilang oras nga rin na namalagi si Amara sa ospital at talagang pinaubos nga rito ang laman ng kanyang dextrose. At talaga rin namang pinanindigan ni Dylan na hindi sya aalis diin at talagang binantayan nga nya si Amara roon.Halos gabi na nga rin talaga bago nga nakalabas ng ospital si Amara at rinesetahan na lang din naman sya ng kanyang doktor ng ilang gamot para nga muling bumalik ang kanyang lakas. Ayaw na rin naman kasi talaga nilang magtagal pa roon si Amara dahil nga mas gusto rin nila na nasa bahay nga nila ito.Pagkarating nga nila sa mansyon ng mga Dela Cueva ay agad na nga na inihatid muna ni Dylan si Amara sa silid nito."Salamat nga pala sa pagbabantay sa akin doon sa ospital," sabi ni Amara kay Dylan."Wala iyon. Sabi ko naman sa'yo ay hindi ako aalis sa tabi mo hindi ba?" nakangiti pa na sagot ni Dylan kay Amara. "Kumusta pala ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba?" tanong pa ni Dylan sa dalaga."Hindi naman na. Medyo okay oaky naman na ang pakiramdam ko hind
CHAPTER 524Nang tuluyan na ngang nakaalis ang doktor ay agad na nga ring lumapit si Dylan kay Amara at saka nya nga ito matamis na nginitian."Magpahinga ka na muna dahil hindi ka pa maaaring lumabas dito dahil kailangan mong ubusin ang laman ng dextrose na yan," sabi ni Dylan. "Wag kang mag alala dahil dito lamang ako at hindi ako aalis dito," sabi ni Dylan kay Amara at saka nya nga ito hinalikan sa ulo nito.Agad naman na napangiti si Amara kay Dylan dahil sa sinabi nito."Salamat Dylan ha," sabi ni Amara. "Pasensya ka na kung naabala ka pa namin. Pwede mo naman akong iwan na muna dito dahil nar'yan naman sila mommy," dagdag pa nya."Hindi Amara. Dito lang ako hanggang sa makauwi ka na. Hayaan mong makabawi ako sa'yo kahit papaano," sagot ni Dylan sa dalaga at saka nga sya naupo sa may tabi ni Amara.Napangiti na nga lamamg talaga si Amara at hindi na nga sya nagsalita pa. Hinayaan na lamang din nya si Dylan doon dahil mukhang hindi talaga magpapaawat ang isang ito at talagang mag
CHAPTER 523"Bakit? May problema ba?" puno ng pag aalala na tanong ni Dylan kay Amara ng maupo nga ulit ito at nakita nga nya na nakapikit nga ito."W-wala lamang ito. Nahilo lang ako bigla marahil ay dahil ito sa madalas akong nakahiga lamang," mahinang sagot ni Amara sa binata.Napabuntong hininga naman si Dylan at saka nya naaawang tiningnan si Amara."Ang mabuti pa siguro ay dalhin na muna kita sa ospital. Alam ko na dahil nga siguro yan sa pagmumukmok mo rito ng ilang araw pero kasi baka dehydrated ka na kaya ka nagkakaganyan," sabi ni Dylan at saka sya tumingin sa tita Bianca nya para magpasaklolo na pumayag ito sa gusto nya.Agad naman na napansin ni Bianca na nakatingin nga sa kanya si Dylan kaya naman napabuntong hininga na lamang din sya dahil mukhang tama nga ito. Pansin nya na rin kasi na medyo bumagsak nga ang katawan ni Amara at mukhang kailangan nga muna nila itong dalhin sa ospital."Sa tingin ko ay tama ka r'yan Dylan. Dapat nga siguro nating dalhin si Amara sa ospita
CHAPTER 522Ilang sandali pa nga silang nanatiling magkayakap habang parehas nga rin silang hilam ng luha ang mga mata.Unti unti naman na bumitaw si Dylan sa pagkakayakap nya kay Amara at saka nya nga pinunasan ang luha ng dalaga gamit ang kanyang daliri at saka sya matamis na ngumiti rito."Mahal na mahal kita Amara. Wag mo ng uulitin pa ito ha. Ayokong nakikita kang nahihirapan at nasasaktan ng ganyan kaya ingatan mo palagi ang sarili mo," sabi ni Dylan kay Amara. Agad naman na tumango si Amara rito."Oo. Hindi ko na ito uulitin at wala na rin namang dahilan para gawin ko pa ulit ang bagay na ito," sagot ni Amara at saka nya matamis na nginitian ang binata. "Mahal na mahal din kita Dylan at alam mo naman na yan noon pa man kaya naman sobrang saya ko ngayon dahil sa wakas ay nasuklian mo na rin ang pagmamahal ko sa'yo," dagdag pa ni Amara at muli nga ay tumulo na naman ang luha nya."Sorry kung nasaktan kita," sabi ni Dylan at saka nya hinalikan sa noo si Amara. "Mahal na mahal kita
CHAPTER 521Titig na titiig naman si Amara kay Dylan at nagtataka nga siya sa sinasabi nito. Ang alam nya kasi ngayon ay ikakasal na ito sa iba kaya bakit nga ito mag aalala pa sa kanya ng ganito."Bakit? Para saan pa?" tanong ni Amara kay Dylan. "Ang mabuti pa ay pabayaan mo na lamang ako Dylan. Wag mo na akong alalahanin dahil lilipas din naman ito at makakalimutan din naman kita. Sadyang nagpapalipas lamang ako ng nararamdaman kong ito at darating ang araw na makakalimutan ko na rin ang nararamdaman ko para sa'yo dahil siguro nga ay hindi talaga tayo para sa isa't isa," dagdag pa ni Amara kasabay ng pagpatak ng kanyang luha dahil sa sobra talaga syang nasasaktan sa mga nangyayare sa kanila ni Dylan. Agad din naman ng pinunansan ni Mara ang kanyang luha dahil ayaw nyang makita ni Dylan na umiiyak sya ng dahil dito."Hindi ko maaatim na pabayaan ka na lamang ng ganyan Amara," sagot ni Dylan at saka sya naupo sa kama ni Amara para magpantay sila ng dalaga at saka nga nya hinawakan ang