CHAPTER 305 Nitong mga nakaraang araw kasi ay lihim ng kinakausap ni Kenneth ang mga magulang ni Reign tungkol sa balak nyang pagpropose sa dalaga. Alam naman nya na may mga kailangan pa silang tapusin na mga bagay bagay bago sila magpakasal pero gusto pa rin nya kasing iparanas kay Reign na magpropose sya rito kaya naman ipinilit nya na maisagawa ito at ngayong kaarawan ng kanilang anak ang napili nyang araw para magpropose kay Reign na sobrang mahal na mahal nya. "Mahal hindi man kita naligawan noon pero deserve mo naman na mahalin at maging masaya," sabi pa ni Kenneth saka sya may dinukot na maliit na kahon mula sa kanyang suot na pantalon. Ngumiti naman muna si Kenneth ng ubod ng tamis kay Reign saka nya binuksan ang maliit na kahon at iniharap kay Reign. "You know how much I love you Reign. Ikaw ang dahilan kaya ako masaya ngayon kayo ng anak natin. Palahi mo na lamang iniisip ang kapakanan namin gayong ang sarili mo hindi mo na inisip kung magihing masaya ka ba o hindi. Kaya
CHAPTER 306Mabilis naman na lumipas ang mga buwan at itinuloy na nga nila ang kasal nila Reign at Kenneth. Tapos na rin naman ng asikasuhin ni Reign ang kanyang lisensya bilang doktor habang si Kenneth naman ay unti unti ng natututo na hawakan ang isa sa kumpanya ng kanilang pamilya.Mabilis lamang naman silang nagplano sa kanilang kasal dahil sa mapera nga rin sila ay madali na lang din ang lahat para sa kanila na maisaayos ang kanilang kasal dahil kaya naman nilang magbayad ng malaking halaga para lamang mapabilis iyon.Hihirit pa nga sana si Aira na sa sunod na taon na lamang ang kasal kaso ay hindi na nagpapigil pa sila Reign at Kenneth dahil gusto na rin talaga nilang magsama na dalawa at balak na rin nilang sundan na si Kurt.Araw na ng kasal ngayon nila Kenneth at Reign at ready na ang lahat at tanging si Reign na lamang ang hinihintay nila sa simbahan."Matagal pa ba si Reign? Dapat kasi sabay na lamang kami na pumunta rito eh," naiinip ng sabi ni Kenneth kay Rayver na kasam
CHAPTER 307Isa isa naman na nagsilapit kila Reign at Kenneth ng kanilang mga bisita upang batiin sila. Lahat ay pawang masaya para sa dalawa lalo na ang kanilang mga kaibigan."Congratulations mga anak ko," nakangiti pang bati ni Aira kay Reign at Kenneth ng malapitan nila ito ni Dave."Thanks mom," sagot naman ni Reign."Eto nga pala ang regalo namin sa inyo," sabi pa ni Aira saka may iniabot kay Reign na sobre. "Ano po ito mom?" tanong na ni Reign at nag aalangan pa nga sya kung tatanggapin ba nya iyon o hindi."Tingnan mo," nakangiti pang sabi ni Aira saka nya kinuha ang kamay ni Reign at inilagay sa kamay nito ang sobre na iniaabot nya.Napilitan naman na kunin ni Reign ang sobre kahit na ayaw nya sana itong kunin dahil sobrang dami naman ng naibigay sa kanila ng kanyang ina. Pagkabukas ng sobre ay nagulat naman si Reign ng makita nila na ticket ang laman ng sobre "Trip to Korea?" tanong ninReign sa kanyang ina. Tumango tango naman si Aira rito habang nakangiti."Yes anak. Trip
CHAPTER 308Dali dali naman na bumitaw si Kurt sa kanyang ina at dahil malapit lang si Shiela kay Rayver ay agad itong yumakap kay Rayver."Yan talo ka na Kurt," tatawa tawang sabi ni Shiela kay Kurt."Ang daya mo naman nana Shiela e. Malapit ka kay tito Rayver kaya ikaw ang nauna," nakasimangot ng sagot ni Kurt kaya naman natawa na lamang sila roon pero si Rayver ay parang naistatwa na lamang sa kinatayuan nya dahil hindi pa rin bumibitaw si Shiela sa pagkakayakap sa kanya.Napatikhim naman si Rayver habang titig na titig sya sa mukha ni Shiela. Bigla namang napabitaw si Shiela sa pagkakayakap nya kay Rayver."Naku sorry po sir," hinging tawad ni Shiela at inayos pa nya ang suot na damit ni Rayver at parang bigla syang nahiya dahil ang tagal pala nyang nakayakap dito.Hindi naman nakaimik si Rayver at lalo pa syang natulala ng lumapit lalo ang mukha ng dalaga sa kanya kaya naman napalunok na lamang sya ng sarili nyang laway lalo na ng makita nya ng malapitan ang mapulang labi ng dala
CHAPTER 309 Special Chapter Pagkatapos ng kasal nila Reign at Kenneth ay agad na silang dumiretso sa Korea upang maghoneymoon. Nakabook na kasi ang ticket nila ng araw na yun papunta Korea kaya naman pagkatapos ng receotion ay nagpalit lamang sila ng damit at agad ng dumiretso sa airport. "Matulog ka na muna. Alam kong pagod ka," sabi ni Kenneth kay Rdign habang hawak hawak nya ang kamay ng asawa. Narito na sila ngayon sa eroplano at ilang oras din ang byahe nila bago makarating ng Korea. "Oo. Ikaw rin matulog ka na lamang din muna. Sa ating dalawa ay ikaw ang mas pagod dahil alam kong abala ka rin sa opisina mo," nakanhiti tin namang sabi ni Reign sa asawa. Tumango naman dito si Rayver. "I love you mahal," sabi ni Kenneth. "I love you too mahal," sagot naman ni Reign saka sya dinampian ng magaan na halik ni Kennetg sa labi saka sila parehas na natulog. Halos buong byahe ata nila Reign at Kenneth ay natulog lamang sila dahil ngayon nila ramdam ang pagod nila matapos ang kanil
CHAPTER 310Rayver & ShielaPagkatapos ng kasal nila Kenneth at Reign ay agad na silang dumiretso sa kanilang honeymoon sa Korea. Ginamit na kaagad nila ang regalong trip to Korea ng mommy Aira nila at halos isang linggo rin sila na mag stay doon kaya naman iniwanan muna nila sa pangangalaga ng magulang ni Reign na si Aira si Kurt at syempre kasama nito ang nana Shiela nya.Sa isang condo unit na kasi nakatira sila Reign at Kurt dahil nasanay nga sila na nakabukod kaya kumuha si Reign ng unit kung saan sila tumutuloy na mag ina ngayon pati na rin si Shiela. Hindi na rin talaga binitawan ni Reign si Shiela at ito pa rin ang nag aalaga sa anak nya dahil kampante talaga sya na si Shiela ang nag aalaga sa anak nya dahil talagang mapagkakatiwalaan na nya ito kay Kurt.Pagkatapos ng kasal ay dumiretso na sila Aira ng uwi sa mansyon kasama si Kurt at habang nasa byahe na sila ay nakatulog na nga ang bata habang nakakandong kay Shiela.Pagkarating nila sa mansyon ay tulog pa rin si Kurt kaya
CHAPTER 311Nang makatulog na muli si Kurt ay napabuntong hininga na lamang si Shiela at muli ay hinawakan nya ang labi nya at muli nyang naalala ang ginawang paghalik sa kanya ni Rayver kanina. Napapikit na lamang sya ng mariin dahil first kiss nya iyon at hindi nya inaasahan na sa kakambal pa mismo ng kanyang amo nya ito makukuha at parang gusto na lamang nyang maiyak sa isipin na iyon dahil hindi pa nga sya nagkakaroon ng nobyo ay nahalikan na sya.Matagal naman na nya rin kasing napapansin na madalas syang titigan ni Rayver at binabalewala nya na lamang iyon dahil ang akala nya ay kinikilala lamang sya nito pero alam naman nya na alam nito na apo sya ng dating kasambahay ng mga ito na si Manang Hellen.Kahit na may gumugulo sa isipan nya ay tumayo na lamang din si Shiela upang asikasuhin ang mga ilang gamit na dala nila ni Kurt dahil isang linggo rin sila maglalagi roon at bukas nga ay kailangan nyang bumalik sa tinitirhan nilang unit para kumuha pa ng mga gamit nila ni Kurt dahil
CHAPTER 312"P-pasensya ka na nga pala sa nagawa ko kahapon. Hindi ko intensyon na matakot ka sa akin," hinging paumanhin na ni Rayver kay Shiela dahil sa ginawa nyang paghalik dito kahapon. Tatakutin lamang sana nya kasi sana ang dalaga pero hindi na nya napigilan pa ang kanyang sarili at nahalikan nga nya ito."P-po? A-ayos lang po yun. K-kalimutan na lamang po natin yun," kandautal pa na sagot ni Shiela sa binata saka sya nag iwas ng tingin dito pero ang totoo ay halos hindi sya nakatulog ng maayos kagabe dahil sa ginawang paghalik sa kanya ng binata at hanggang ngayon nga ay parang pakiramdam nya ay parang nakalapat pa rin ang malambot na labi ng binata sa labi nya.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Rayver saka nya binitawan ang baba ni Shiela bago sya naupo sa upuan na naroon. Nasundan na lamang ni Shiela ng tingin si Rayver."A-ano po ba ang gusto nyong pag usapan natin? K-kung wala naman na po kayong sasabihin ay baka po pwede na po tayong bumalik ng ma
CHAPTER 499Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Amara. At saka sya muling tumingin sa kanyang ina na naging blangko bigla ang mukha at alam naman nya ang dahilan noon at ito ay dahil sa isasagot nya sa tanong ng tita Aira nya."Ahm. T-tita Aira ang totoo po nyan. Ahm.." hindi naman maituloy ni Amara ang kanyang sasabihin dahil alam nya na hindi matutuwa ang tita Aira nya rito. Pagtingin naman nya sa gawi ni Dylan ay prentr nga itong nakaupo sa sofa na naroon at halatang hinihintay nga rin nito ang kanyang magiging sagot."Bakit hija? Ano ba yang sasabihin mo?" tila hindi na makapaghintay na tanong ni Aira kay Amara.Napatingin naman muli si Amara sa tita Aira nya at saka sya muling bumuntong hininga dahil no choice naman talaga sya kundi sabihin ang totoo sa tita Aira nya dahil ayaw naman nya na magalit o magtampo pa ito sa kanya."Ahm. Tita Aira i-ikakasal na po kasi ako," mahinang sagot ni Amara. "K-kaya po ako umuwi ng bansa ay dahil sa mag aasikaso po ako ng
CHAPTER 498"Narito lang pala kayong dalawa. Kanina ko pa kayo hinahanap narito lang pala kayo. Mukhang nagkamustahan na kayong dalawa a," nakangiti pa na sabi ni Aira habang naglalakad nga sya palapit kila Amara at Dylan.Kanina pa kasi nya hinahanap si Amara dahil matagal na nga itong hindi bumabalik gayong nagpaalam lamang naman ito na mag CR kaya naman agad na nga nya itong hinanap at dito lang pala nya ito makikita sa tabing dagat kasama ang kanyang anak na si Dylan."Ahm. O-opo tita. Nagkita po kasi kami kanina r'yan kaya nagkayayaan po na pumunta rito para magpahangin at nagkamustahan na rin po," nakangiti pa na sagot ni Amara kay Aira. "Diba Dylan?" baling naman ni Amara kay Dylan at siniko pa nga nya ito dahil hindi nga ito nagsasalita man lang at nanatiling nakatitig pa nga ito sa kanya.Bumuntong hininga naman si Dylan at ang itsura nito ay para ngang nalugi dahil nga hindi pa nya tapos kausapin si Amara ay dumating na nga ang kanyang ina."Yes mom. Nagkamustahan lamang po
CHAPTER 497"Hindi ako nagbibiro Dylan. Totoo ang sinasabi ko sa'yo. Ikakasal na talaga ako. At kaya ako nagbalik ng bansa ay para mag asikaso ng nga kailangan namin sa kasal ng nobyo ko," seryoso na sagot ni Amara kay Dylan at bakas nga sa mata nito ang lungkot.Napaawang naman ang bibig ni Dylan dahil sa sinabi ni Amara at napakurap kurap pa nga sya kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi nya dahil parang hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang narinig."H-hindi. H-hindi totoo yan," sabi ni Dylan kasabay ng pag iling nya. "Nagbibiro ka lang Amara. Hindi yan totoo diba?" dagdag pa ni Dylan at hindu talaga sya naniniwala sa sinabi ni Amara.Napabuntong hininga naman si Amara at saka nya hinawakan sa kamay si Dylan at saka nya muling tinitigan sa mga mata ang binata."Nagsasabi ako ng totoo Dylan. Ikakasal na talaga ako," sabi ni Amara kay Dylan. "Oo mianahal kita kaya nga nagawa kong umalis para naman walang maging sagabal sa pag abot ng nga pangarap mo. Gusto kong maging masaya ka ka
CHAPTER 496Napaawang naman ang bibig ni Amara dahil sa kanyang mga narinig at tila ba parang bigla syang naestatwa sa kanyang kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Totoong hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang mga narinig na sinabi ni Dylan."D-Dylan b-bakit mo to sinasabi ngayon?" kandautal pa na sabi ni Amara. "Nagbibiro—" hindi naman na naituloy pa ni Amara ang kanyang sasabihin ng bigla nga syang kabigin ni Dylan sa kanyang bewang at agad na naglapat ang kanilang mga labi.Naging banayad naman ang paghalik ni Dylan kay Amara at napapapikit pa nga ito na wari mo ay ninanamnam ang mga labi ni Amara.Nanlaki na lamang talaga ang mga mata ni Amara dahil sa ginawa ni Dylan na paghalik sa kanya. Hindi nya talaga ito inaasahan at hindi nga nya malaman kung tutugon ba sya o hindi sa ginagawa nitong paghalik sa kanya.At dahil nga nabitin sa pagsasalita si Amara kanina ay nakaawang nga ang kanyang bibig kaya naman malayang naipasok ni Dylan ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Amara
CHAPTER 495"Nakabubuti? Paano mo nasabing nakabubuti para sa atin iyon?" kunot noo pa na tanong ni Dylan kay Amara.Bumuntong hininga naman si Amara at saka sya pumunta sa harapan ni Dylan at saka sya humarap dito at seryosong tiningnan ang binata."Oo mas nakabubuti yun para sa atin kaya ko iyon ginawa. Diba sabi mo noon sa akin ay magiging abala ka na sa kumpanya nyo. Ayoko naman na maging sagabal sa pagtupad ng mga pangarap mo kaya mas minabuti ko na lamang na lumayo sa'yo dahil alam mo naman kung gaano kita kagusto noon diba? Kaya nga palagi akong pumupunta sa'yo kaya naisip ko na kung lalayo ako ay makakapag focus ka sa mga ginagawa mo," paliwanag ni Amara kay Dylan."Tingin mo tama ang ginawa mo? Parang bigla mo na lang akong kinalimutan Amara. Limang taon Amara. Limang taon na wala kang paramdam. Hinihintay ko na ikaw ang unang tatawag man lang sa akin dahil ikaw ang umalis ng basta na lang pero ni ho ni ha ay wala akong narinig sa'yo," tila naiinis ng sabi ni Dylan kay Amara
CHAPTER 494Habang abala naman ang lahat sa panonood sa palabas ng clown at sa mga palaro roon ay tahimik lamang naman na nakatanaw si Dylan sa gawi ni Amara. Katabi nga nito ang kanyang ina na halos ayaw ng bitawan pa ang dalaga Hindi nya nga talaga ito nalapitan man lang kanina dahil nga tinawag na sila kanina dahil magsisimula na nga ang party ng kanyang pamangkin. Kaya ngayon ay hanggang tanaw tanaw na lamang talaga muna sya kay Amara at maghihintay na lamang sya ng tamang tyempo na malapitan at makausap nya nga ito.Nang mapansin nga ni Dylan na tumayo si Amara at nagmamadaling umalis sa tabi ng kanyang ina ay halos humaba naman ang leeg nya at tinanaw nya nga kung saan pupunta si Amara at ng makita nga nya kung saan ito pumunta ay agad naman na syang tumayo at pasimpleng umalis sa kanyang pwesto at dahan dahan na sinundan si Amara kung saang gawi ito nagpunta.Pagkatapos naman na umihi ni Amara ay saglit pa nga syang tumingin sa salamin na naroon din sa loob ng Cr at saglit pa
CHAPTER 493Agad naman na napatingin sila Aira sa gawi ng pinto kung saan naroon ang nagsalita na iyon. At maging si Dylan ay biglang natigilan ng marinig nga nya ang boses na iyon dahil kilalang kilala nya kung kaninong boses nga iyon."Oh my god Amara," sigaw ni Aira at agad pa nga itong tumayo at agad na linapitan si Amara at yinakap ng mahigpit.Agad naman na ginantihan ng yakap ni Amara ang tita Aira nya dahil namiss nya nga rin talaga ito.Nakangiti naman si Bianca habang pinapanood ang anak nya at ang kaibigan nya. Alam nyang sobrang saya ni Aira ngayon na makita muli si Amara dahil parang anak na nga rin ang turing nito kay Amara."Bakit naman kasi ngayon ka lang bumalik hija? Ayaw mo na ba sa amin kaya ka umalis ng ganon ganon na lamang?" himig nagtatampo na sabi ni Aira ng bumitaw sya sa pagkakayakap nya kay Amara."Sorry po talaga tita Aira kung umalis po ako noon ng biglaan at hindi nagpapaalam. Gusto ko po kasing subukang mamuhay ng hindi umaasa kila mommy at daddy kaya k
CHAPTER 492Pagkatapat sa silid kung saan naroon si Aira ay tumigil naman na muna si Bianca at saka nya liningon si Amara at saka nya ito matamis na nginitian. Nang ngumiti naman pabalik si Amara ay saka naman kumatok si Bianca sa pintuan ng naturang silid at saka nya nga ito binuksan."Isurprise natin ang tita Aira mo anak. Dyan ka na muna ha. Tatawagin na lamang kita o kaya naman ay humanap ka ng tyempo na papasok ka roon ng hindi napapansin ng tita Aira mo," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara dahil naisian nga nya na isurprise ang kanyang kaibigan nya dahil alam nga nya na miss na miss na nito si Amara at tiyak na matutuwa nga ito kapag nakita nito na kasama nga nya si Amara ngayon.Pagkabukas nga ni Bianca ay agad nga nyang nakita si Aira at ang buong pamilya nito sa silid na iyon. Agad naman na napangiti si Aira ng makita nga nya na si Bianca ang nagbukas ng pintuan kasama ang asawa at anak nitong si Amanda."Mabuti naman at narito ka na. Akala ko talaga ay hindi na kayo
CHAPTER 491"Grabe anak sobrang tagal mo naman. Kanina pa kaya kami naghihintay sa'yo rito ng daddy mo," sabi ni Bianca ng makita nga nya na pababa na ng hagdan si Amara habang bitibitnga nito ang maliit na bag na naglalaman ng damit nito dahil baka mag over night na nga rin sila roon sa resort na iyon."Sorry mom. Hindi po kasi ako makapag decide kung ano poang susuotin ko," sagot ni Amara at tila ba bigla syang nahiya sa magulang nya dahil napatagal talaga sya sa pagpili ng isusuot nya.Tumayo naman na si Bianca at saka sya lumapit kay Amara at saka sya bumuntong hininga at hinaplos ang buhok ni Amara at saka nay ito nginitian."Alam ko na kinakabahan ka na makaharap sila muli. Wag kang mag alala at hindi naman galit sa'yo ang tita Aira mo dahil naipaliwanag ko naman na sa kanya ang lahat at naiintindihan ka naman nya noon pa," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara."Alam ko naman po na mabait si tita Aira pero nahihiya pa rin po ako mom," sagot ni Amara sa kanyang ina."Wag mo