CHAPTER 202Pagkarating nila Aira, Dave at ng mga bata sa bahay ng mga magulang ni Aira ay katahimikan naman ang sumalubong sa kanila roon. Hinanap pa ng paninhinnni Aira ang nga magulang nya pero wala talaga ito roon.Pinapasok na rin kasi sila ng guard na naroon kaya naman dire diretso na silang pumasok sa loob ng bahay ng magulang ni Aira."Mom, Dad," tawag ni Aira sa magulang nya ng wala silang nadatnan na tao sa kanilang salas. Agad naman silang linapitan ng isa sa mga kasambahay roon ng marinig ang boses ni Aira."Ma'm Aira kayo po pala. Nasa garden po sila sir Ramon at ma'm Cheska doon na po nila kayo hinihintay," pag imporma ng kasambahay nila roon."Salamat po manang," nakangiti naman na sagot ni Aira sa kasambahay.Sabay sabay naman na silang naglakad papunta sa garden ng kanilang bahay habang magkakahawak pa ang kanilang mga kamay.Pagkarating nila sa garden ay naabutan naman nila na nag aayos ng lamesa ang ina ni Aira roon kasama ang ilang kasambahay. Habang ang kanyang
CHAPTER 203"Pasensya na kayo ha. P-pero matanong ko lang. Nagkabalikan na ba kayong dalawa?" hindi na maiwasang tanong ni Cheska kila Aira at Dave dahil pangalawang beses ng pumunta ni Aira sa kanila na kasama si Dave.Nagkatinginan naman sila Aira at Dave bago sumagot si Aira."Gusto na po namin ayusin ang pamilya namin. Kaya hanggat maaari po ay gusto naming maging maayos ang lahat bago namin buohin muli ang pamilya namin."Napangiti naman ang mag asawang Cheska at Ramon dahil sa sinabi ni Aira."Kung gayon ay masaya kami para sa inyong dalawa. Sana ay maging maayos na ang pamilya nyo ngayon," sagot ni Ramon. "Sana rin ay mapatawad mo na kami sa mga nagawa namin noon sa'yo anak. Patawad kung naging pabaya kaming magulang sa iyo," dagdag pa ni Cheska.Seryoso pa silang nag uusap usap ng biglang dumating si Trina at nagsalita."Bakit bigla ata akong nakalimutan ng pamilya ko? May reunion pala ngayon dito pero hindi yata ako naimbitahan ng sarili kong pamilya," mataray na sabi ni Trin
CHAPTER 204Pagkaalis ni Trina sa kanilang bahay ay dumiretso na kaagad sya sa bar na pagmamay ari ni Paulo para maglabas ng sama ng loob.Habang nagmamaneho pa nga si Aira ay hindi na nya naiwasan pa na umiyak dahil sa mga nalaman nya kani kanina lang. Hindi nya matanggap na mayroon na palang mga anak sila Dave at Aira. Lalo tuloy syang nainis sa isipin na wala na lalong pag asa pa na bumalik sa kanya si Dave dahil sa may mga anak na ito at si Aira."Hey! Bakit umiiyak ang magandang binibini na yan?" agad na sabi ni Paulo ng pumasok si Trina sa kanyng opisina at humahagulhol.Hindi naman muna umimik si Trina at talagang umiyak muna sya ng umiyak. Hinayaan naman na muna sya ni Paulo na umiyak na labis na ipinagpasalamat ni Trina dahil hindi pa nya kayang magsalita dahil totoong nagulat sya sa mga nalaman nya kanina.Nang mapansin ni Paulo na medyo kalmado na si Trina ay saka nya ito linapitan."Ayos ka lang ba? Pwede mong sabihin sa akin ang problema mo," sabi ni Paulo kay Trina mata
CHAPTER 205"Grabe ibang iba na talaga ang kapatid mo. Halos hindi ko na talaga sya makilala ngayon dahil sa pinapakita nyang ugali," hindi makapaniwala na bulalas ni Dave kay Aira. Narito na sila ngayon sa unit nila Aira at nagpasya na si Dave na doon na lamang ulit magpalipas ng magdamag. Ang mga bata naman ay nakatulog na kaagad pagkauwi nila dahil gabing gabi na rin naman kasi."Kahit ako hindi ko na rin sya nakilala. Ibang iba na talaga ngayon ang kapatid ko. Masyado talaga syang nabulag sa pagmamahal nya sa'yo," sagot ni Aira kay Dave."Tsk. Hindi ko kasalanan yon. At hindi ko naman pwedeng diktahan ang puso ko kung sino ang dapat mahalin," sagot ni Dave saka sya lumapit kay Aira na nakatayo sa harap ng salamin habang nagsusuklay. Yinakap pa nya ito mula sa likuran."Ikaw ang mahal ko Aira at hindi ko pinagsisisihan na minahal kita. Oo minahal ko si Trina noon pero tapos na kami at matagal na akong walang nararamdaman para sa kanya," dagdag pa ni Dave.Bumuntong hininga naman s
CHAPTER 206"Oo siguro nga noong una ay sa'yo si Dave pero hindi na ngayon dahil ako na ang mahal nya. At wala akong inaagaw sa'yo dahil kusa nya akong minahal," sagot ni Aira kay Trina."Talaga ba? Hindi mo sya inagaw? Inahas mo nga lang pala sya diba," galit na sagot ni Trina habang nanlilisik ang mga mata nito."Wala akong inagaw o inahas sa'yo Trina. Tanggapin mo na lang na hindi ka na talaga mahal ni Dave at ako na ang mahal nya ngayon," sagot ni Aira kay Trina. Lalo namang umusok ang ilong ni Trina sa galit kaya naman muli na nyang sinugod si Aira akmang sasabunutan na sana nya ito pero mas mabilis si Aira at naitulak sya ng malakas kaya naman napasalampak sya sa sahig."Tama lang yan sa'yo. Alam mo hindi kita maintindihan Trina. Akala ko ba ayos na tayo noon at tanggap mo na ako na ang mahal ni Dave. Pero bakit? Bakit mo nagawa sa akin ang bagay na yun? Bakit nagawa mo akong iset up sa isang lalake? Anong klaseng kapatid ka?" hindi na naiwasang bulalas ni Aira sa kanyang kapat
CHAPTER 207"Anong nangyayare rito?" agad na sigaw ni Dave ng makapasok sya sa kanyang opisina at nadatnan nya na sinasabunutan ni Trina si Aira.Hindi naman nagpatinag si Trina at diretso pa rin sya sa pagsabunot kay Aira kaya naman dali dali ng lumapit si Dave sa mga ito para awatin."Trina tama na yan," sigaw ni Dave habang inaawat na nya ang dalawa.Parang wala namang naririnig si Trina at patuloy lamang sya sa pagsabunot kay Aira na patuloy sa pagdaing dahil totoong nasasaktan na sya sa paraan ng pagsabunot sa kanya ni Trina.Agad naman na hinawakan ni Dave ang kamay ni Trina para bitawan na nito si Aira. Agad na rin naman nyang napaghiwalay ang magkapatid.Yinakap naman kaagad ni Dave si Aira ng bitawan na ni Trina ang buhok nito."Ayos ka lang ba?" agad na tanong ni Dave kay Aira na nakayakap na sa kanya. Tanging pagtango lamang naman ang ginawa ni Aira bilang sagot sa tanong ni Dave sa kanya. Nanginginig pa ang katawan nya dahil sa ginawa sa kanya ni Trina."Ano sa tingin mo a
CHAPTER 208Pagkapasok nila Dave at Aira sa kanilang kwarto ay agad na inilock ni Dave ang pintuan habang si Aira naman ay pabagsak na naupo sa kanilang kama."Dave natatakot ako," sabi ni Aira kay Dave. "B-baka kung anong gawin ni Trina at baka idamay pa nya ang mga bata," dagdag pa nya at hindi na nya naiwasan pa na maiyak dahil sa takot na nararamdaman nya."Sshhhh. Wag kang matakot Aira nandito lang ako at hindi ko kayo pababayaan ng mga bata. Wag kang mag alala dahil pinapaayos ko na sa abogado ko ang mga kailangan para masampahan na natin ng kaso sila Trina at Paulo sa lalong madaling panahon," sagot ni Dave kay Aira. Tumango tango naman si Aira at pinunasan ang kanyang luha."Ibang iba na talaga si Trina ngayon. Pero hindi rin talaga natin sya masisisi kung bakit sya naging ganyan ngayon. Siguro nga ay kasalanan din natin kaya sya nagkaganyan," sagot ni Aira."Wala kang kasalanan Aira. Nagmamahalan tayo ng mga panahon na yon at ayaw ko namang maging madaya sa kanya kaya nga ako
CHAPTER 209Lumipas pa ang ilang araw at tuluyan na ngang lumabas ang warrant of arrest laban kila Trina at Paulo.Sobrang saya naman nila Aira at Dave dahil sa wakas ay mahuhuli na sila Trina at Paulo at mabibigyan na ng hustisya ang ginawa ng mga ito kay Aira noon.Nasa opisina ngayon sila Aira at Dave at nakaantabay sila sa tawag ng abogado ni Dave. Sinabihan kasi ito ni Dave na tumawag sa kanya at ibalita kung ano na ang nangyayare sa prisinto.Hindi naman mapakali si Dave dahil hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya ngayon."Pwede ba Dave maupo ka nga. Nahihilo ako sa'yo eh," sita na ni Aira dahil kanina pa pabalik balik ng paglakad si Dave sa harapan nya."Bakit kasi ang tagal naman ata tumawag ni attorney. Hindi pa ba nila nahuhuli ang dalawang yun?" kunot noo na sagot ni Dave at muli ay nagpalakad lakad ito sa may harapan ni Aira."Dave mahuhuli nila sila Trina kaya maupo ka na lamang muna r'yan at hintayin na lamang natin ang tawag ni attorney," sagot ni Aira."Pumunta