CHAPTER 207"Anong nangyayare rito?" agad na sigaw ni Dave ng makapasok sya sa kanyang opisina at nadatnan nya na sinasabunutan ni Trina si Aira.Hindi naman nagpatinag si Trina at diretso pa rin sya sa pagsabunot kay Aira kaya naman dali dali ng lumapit si Dave sa mga ito para awatin."Trina tama na yan," sigaw ni Dave habang inaawat na nya ang dalawa.Parang wala namang naririnig si Trina at patuloy lamang sya sa pagsabunot kay Aira na patuloy sa pagdaing dahil totoong nasasaktan na sya sa paraan ng pagsabunot sa kanya ni Trina.Agad naman na hinawakan ni Dave ang kamay ni Trina para bitawan na nito si Aira. Agad na rin naman nyang napaghiwalay ang magkapatid.Yinakap naman kaagad ni Dave si Aira ng bitawan na ni Trina ang buhok nito."Ayos ka lang ba?" agad na tanong ni Dave kay Aira na nakayakap na sa kanya. Tanging pagtango lamang naman ang ginawa ni Aira bilang sagot sa tanong ni Dave sa kanya. Nanginginig pa ang katawan nya dahil sa ginawa sa kanya ni Trina."Ano sa tingin mo a
CHAPTER 208Pagkapasok nila Dave at Aira sa kanilang kwarto ay agad na inilock ni Dave ang pintuan habang si Aira naman ay pabagsak na naupo sa kanilang kama."Dave natatakot ako," sabi ni Aira kay Dave. "B-baka kung anong gawin ni Trina at baka idamay pa nya ang mga bata," dagdag pa nya at hindi na nya naiwasan pa na maiyak dahil sa takot na nararamdaman nya."Sshhhh. Wag kang matakot Aira nandito lang ako at hindi ko kayo pababayaan ng mga bata. Wag kang mag alala dahil pinapaayos ko na sa abogado ko ang mga kailangan para masampahan na natin ng kaso sila Trina at Paulo sa lalong madaling panahon," sagot ni Dave kay Aira. Tumango tango naman si Aira at pinunasan ang kanyang luha."Ibang iba na talaga si Trina ngayon. Pero hindi rin talaga natin sya masisisi kung bakit sya naging ganyan ngayon. Siguro nga ay kasalanan din natin kaya sya nagkaganyan," sagot ni Aira."Wala kang kasalanan Aira. Nagmamahalan tayo ng mga panahon na yon at ayaw ko namang maging madaya sa kanya kaya nga ako
CHAPTER 209Lumipas pa ang ilang araw at tuluyan na ngang lumabas ang warrant of arrest laban kila Trina at Paulo.Sobrang saya naman nila Aira at Dave dahil sa wakas ay mahuhuli na sila Trina at Paulo at mabibigyan na ng hustisya ang ginawa ng mga ito kay Aira noon.Nasa opisina ngayon sila Aira at Dave at nakaantabay sila sa tawag ng abogado ni Dave. Sinabihan kasi ito ni Dave na tumawag sa kanya at ibalita kung ano na ang nangyayare sa prisinto.Hindi naman mapakali si Dave dahil hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya ngayon."Pwede ba Dave maupo ka nga. Nahihilo ako sa'yo eh," sita na ni Aira dahil kanina pa pabalik balik ng paglakad si Dave sa harapan nya."Bakit kasi ang tagal naman ata tumawag ni attorney. Hindi pa ba nila nahuhuli ang dalawang yun?" kunot noo na sagot ni Dave at muli ay nagpalakad lakad ito sa may harapan ni Aira."Dave mahuhuli nila sila Trina kaya maupo ka na lamang muna r'yan at hintayin na lamang natin ang tawag ni attorney," sagot ni Aira."Pumunta
CHAPTER 210Pagkarating nila Dave at Aira sa bahay ng magulang ni Aira ay agad na silang pumasok sa loob at nadatnan ni Aira ang kanyang ina na nasa sala habang abala ito sa kanyang phone."Mom nasaan po si Trina?" agad na tanong ni Aira sa kanyang ina kaya naman agad na napatingin sa kanya si Cheska."Aira anak," agad na sabi ni Cheska saka nya sinalubong sila Aira at Dave."Nasaan po si Trina ngayon mom?" tanong pa ulit ni Aira habang nagpapalinga sa paligid."Hindi ko nga alam kung nasaan ang kapatid mo na yun ngayon. Kanina ko pa sya tinatawagan pero hindi naman nya sinasagot. Nagpaalam lang sya sa akin noong nakaraang araw na magbeach daw sila ng mga kaibigan nya. Hindi ko sana sya papayagan pero hindi talaga sya nagpapigil dahil ng magpaalam sya ay paalis na sya at may dalang mga gamit kaya naman hinayaan ko na lanang dahil baka gusto lamang mag relax," mahabang paliwanag ni Cheska kay Aira. "Pero kanina ay may mga pulis na pumunta rito at hinahanap sya. Ano ba ang nangyayare?"
CHAPTER 211Pagkaalis naman nila Aira at Dave sa bahay ng mga magulang ni Aira ay dumiretso na sila sa unit nila Aira."Kaiangan nating magdoble ingat ngayon lalo na at hindi pa nahuhuli sila Trina at Paulo. Mabuti pa siguro ay manatili ka na lamang sa unit nyo ng mga bata. Ako na lamang ang bahalang kumilos ngayon," sabi ni Dave kay Aira habang nasa daan na sila pauwi. Tumango tango naman si Aira."Mabuti pa nga siguro. Mahirap na at baka idamay pa ni Trina ang mga bata. Hindi pa naman natin alam ang tumatakbo sa isip ng kapatid ko na yun at baka kung ano pa ang maisipan nyang gawin," sagot ni Aira kay Dave."Wag kang mag alala at hindi ko patitigilin ang mga kapulisan na hanapin sila Trina. Hindi ako makapapayag na hindi nila mapagbayaran ang ginawa nila sa'yo," sagot ni Dave.Hindi naman na sumagot pa si Aira at nag iisip sya kung saan ba maaaring nagtago ang kanyang kapatid. Naipanalangin na lamang nya na sana ay biglang magbago ang isip ng kanyang kapatid at sumuko na lamang kusa
CHAPTER 212Nang makalayo na si Trina kay Paulo ay agad na nyang kinuha ang kanyang phone at nagulat pa sya ng makita nya na napakaraming missed calls at messages mula sa kanyang mommy Cheska hindi nya kasi ito napapansin kanina dahil naka silent ito. Babalewalain na sana nya iyon pero biglang nag vibrate ang kanyang phone dahil nga nakasilent lamang ito at nakita nya na tumatawag ang kanyang mommy.Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ni Trina bago nya sinagot ang tawag ng kanyang ina."Hello Trina anak. Salamat naman at sinagot mo na ang tawag ko. Nasaan ka ba? Nag aalala na kami sa'yo. Saan ka ba nagpupunta?" sunod sunod na tanong ni Cheska kay Trina ng sagutin nito ang kanyang tawag."Mom wag po kayong mag alala. Nagbabakasyon lamang po ako," balewalang sagot ni Trina sa ina. " Ano po ba ang problema at napatawag po kayo?" tanong pa ni Trina sa ina na animo'y walang alam sa mga nangyayare."Umuwi ka na muna Trina," utos na ni Cheska sa anak."No mom. Saka na laman
CHAPTER 213Tumawa naman ng mapakla si Trina saka sya dahan dahan na lumapit kay Paulo."Nahihibang ka na ba talaga Paulo? Bakit mo naman naisip na pakasalan ako? Dahil ba may nangyayare palage sa atin?" natatawa pa na sabi ni Trina kay Paulo.Hindi naman nakaimik si Paulo at seryoso nyang tinitigan sa mata si Trina."Hindi porket may nangyayare sa atin palagi ay magpapakasal na ako sa'yo Paulo. Hindi ba malinaw sa'yo na bayad ko lamang iyon sa lahat ng ginawa mo para sa akin at isa pa ay ginagawa din natin yun dahil gusto lang nating maligayahan parehas at mailabas ang init ng katawan natin. Malinaw din naman siguro sa'yo na wala tayong relasyon diba?" seryosong sabi ni Trina kay Paulo at nakipaglabanan pa sya ng titigan dito."Wala ka na ba talagang balak na magbago Trina? Wala ka bang balak na tumigil na dyan sa paghihiganti mo? Hindi pa ba sapat na nagkawalay sila Aira at Dave ng ilang taon? Hindi pa rin ba malinaw sa'yo na ayaw na sa'yo ni Dave at si Aira na ang mahal nya," seryo
CHAPTER 214"Wala pa rin bang balita sa paghahanap kila Trina at Paulo?" tanong ni Aira kay Dave na bagong dating lamang sa kanilang unit. Doon na talaga napagpasyahan ni Dave na tumira sa unit nila Aira dah hindu sya mapalagay kapag hindi nya makasama ang kanyang mag iina sa iisang bahay lamang. Napabuntong hininga naman si Dave."Wala pa rin daw. Hindi pa rin nila nahahanap sila Trina at Paulo," malungkot na sagot ni Dave kay Aira.Dalawang araw na rin kasi ang lumipas simula ng paghahanapin ng mga kapulisan sila Trina at Paulo. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang lead kung nasaan ang mga ito kaya naman hindi mawala wala ang takot sa dibdib ni Aira dahil baka kung ano na naman ang maisipan ni Trina na gawin.Sa dalawang araw na lumipas na iyon ay nanatili na lamang din si Aira sa kanilang unit at hindi iniiwanan ang mga bata. Napagkasunduan din nilang dalawa ni Dave na hindi na muna sya papasok sa opisina para mabantayan ang mga bata.Ibinalita na rin ng ina ni Aira sa kanya na na