CHAPTER 205"Grabe ibang iba na talaga ang kapatid mo. Halos hindi ko na talaga sya makilala ngayon dahil sa pinapakita nyang ugali," hindi makapaniwala na bulalas ni Dave kay Aira. Narito na sila ngayon sa unit nila Aira at nagpasya na si Dave na doon na lamang ulit magpalipas ng magdamag. Ang mga bata naman ay nakatulog na kaagad pagkauwi nila dahil gabing gabi na rin naman kasi."Kahit ako hindi ko na rin sya nakilala. Ibang iba na talaga ngayon ang kapatid ko. Masyado talaga syang nabulag sa pagmamahal nya sa'yo," sagot ni Aira kay Dave."Tsk. Hindi ko kasalanan yon. At hindi ko naman pwedeng diktahan ang puso ko kung sino ang dapat mahalin," sagot ni Dave saka sya lumapit kay Aira na nakatayo sa harap ng salamin habang nagsusuklay. Yinakap pa nya ito mula sa likuran."Ikaw ang mahal ko Aira at hindi ko pinagsisisihan na minahal kita. Oo minahal ko si Trina noon pero tapos na kami at matagal na akong walang nararamdaman para sa kanya," dagdag pa ni Dave.Bumuntong hininga naman s
CHAPTER 206"Oo siguro nga noong una ay sa'yo si Dave pero hindi na ngayon dahil ako na ang mahal nya. At wala akong inaagaw sa'yo dahil kusa nya akong minahal," sagot ni Aira kay Trina."Talaga ba? Hindi mo sya inagaw? Inahas mo nga lang pala sya diba," galit na sagot ni Trina habang nanlilisik ang mga mata nito."Wala akong inagaw o inahas sa'yo Trina. Tanggapin mo na lang na hindi ka na talaga mahal ni Dave at ako na ang mahal nya ngayon," sagot ni Aira kay Trina. Lalo namang umusok ang ilong ni Trina sa galit kaya naman muli na nyang sinugod si Aira akmang sasabunutan na sana nya ito pero mas mabilis si Aira at naitulak sya ng malakas kaya naman napasalampak sya sa sahig."Tama lang yan sa'yo. Alam mo hindi kita maintindihan Trina. Akala ko ba ayos na tayo noon at tanggap mo na ako na ang mahal ni Dave. Pero bakit? Bakit mo nagawa sa akin ang bagay na yun? Bakit nagawa mo akong iset up sa isang lalake? Anong klaseng kapatid ka?" hindi na naiwasang bulalas ni Aira sa kanyang kapat
CHAPTER 207"Anong nangyayare rito?" agad na sigaw ni Dave ng makapasok sya sa kanyang opisina at nadatnan nya na sinasabunutan ni Trina si Aira.Hindi naman nagpatinag si Trina at diretso pa rin sya sa pagsabunot kay Aira kaya naman dali dali ng lumapit si Dave sa mga ito para awatin."Trina tama na yan," sigaw ni Dave habang inaawat na nya ang dalawa.Parang wala namang naririnig si Trina at patuloy lamang sya sa pagsabunot kay Aira na patuloy sa pagdaing dahil totoong nasasaktan na sya sa paraan ng pagsabunot sa kanya ni Trina.Agad naman na hinawakan ni Dave ang kamay ni Trina para bitawan na nito si Aira. Agad na rin naman nyang napaghiwalay ang magkapatid.Yinakap naman kaagad ni Dave si Aira ng bitawan na ni Trina ang buhok nito."Ayos ka lang ba?" agad na tanong ni Dave kay Aira na nakayakap na sa kanya. Tanging pagtango lamang naman ang ginawa ni Aira bilang sagot sa tanong ni Dave sa kanya. Nanginginig pa ang katawan nya dahil sa ginawa sa kanya ni Trina."Ano sa tingin mo a
CHAPTER 208Pagkapasok nila Dave at Aira sa kanilang kwarto ay agad na inilock ni Dave ang pintuan habang si Aira naman ay pabagsak na naupo sa kanilang kama."Dave natatakot ako," sabi ni Aira kay Dave. "B-baka kung anong gawin ni Trina at baka idamay pa nya ang mga bata," dagdag pa nya at hindi na nya naiwasan pa na maiyak dahil sa takot na nararamdaman nya."Sshhhh. Wag kang matakot Aira nandito lang ako at hindi ko kayo pababayaan ng mga bata. Wag kang mag alala dahil pinapaayos ko na sa abogado ko ang mga kailangan para masampahan na natin ng kaso sila Trina at Paulo sa lalong madaling panahon," sagot ni Dave kay Aira. Tumango tango naman si Aira at pinunasan ang kanyang luha."Ibang iba na talaga si Trina ngayon. Pero hindi rin talaga natin sya masisisi kung bakit sya naging ganyan ngayon. Siguro nga ay kasalanan din natin kaya sya nagkaganyan," sagot ni Aira."Wala kang kasalanan Aira. Nagmamahalan tayo ng mga panahon na yon at ayaw ko namang maging madaya sa kanya kaya nga ako
CHAPTER 209Lumipas pa ang ilang araw at tuluyan na ngang lumabas ang warrant of arrest laban kila Trina at Paulo.Sobrang saya naman nila Aira at Dave dahil sa wakas ay mahuhuli na sila Trina at Paulo at mabibigyan na ng hustisya ang ginawa ng mga ito kay Aira noon.Nasa opisina ngayon sila Aira at Dave at nakaantabay sila sa tawag ng abogado ni Dave. Sinabihan kasi ito ni Dave na tumawag sa kanya at ibalita kung ano na ang nangyayare sa prisinto.Hindi naman mapakali si Dave dahil hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya ngayon."Pwede ba Dave maupo ka nga. Nahihilo ako sa'yo eh," sita na ni Aira dahil kanina pa pabalik balik ng paglakad si Dave sa harapan nya."Bakit kasi ang tagal naman ata tumawag ni attorney. Hindi pa ba nila nahuhuli ang dalawang yun?" kunot noo na sagot ni Dave at muli ay nagpalakad lakad ito sa may harapan ni Aira."Dave mahuhuli nila sila Trina kaya maupo ka na lamang muna r'yan at hintayin na lamang natin ang tawag ni attorney," sagot ni Aira."Pumunta
CHAPTER 210Pagkarating nila Dave at Aira sa bahay ng magulang ni Aira ay agad na silang pumasok sa loob at nadatnan ni Aira ang kanyang ina na nasa sala habang abala ito sa kanyang phone."Mom nasaan po si Trina?" agad na tanong ni Aira sa kanyang ina kaya naman agad na napatingin sa kanya si Cheska."Aira anak," agad na sabi ni Cheska saka nya sinalubong sila Aira at Dave."Nasaan po si Trina ngayon mom?" tanong pa ulit ni Aira habang nagpapalinga sa paligid."Hindi ko nga alam kung nasaan ang kapatid mo na yun ngayon. Kanina ko pa sya tinatawagan pero hindi naman nya sinasagot. Nagpaalam lang sya sa akin noong nakaraang araw na magbeach daw sila ng mga kaibigan nya. Hindi ko sana sya papayagan pero hindi talaga sya nagpapigil dahil ng magpaalam sya ay paalis na sya at may dalang mga gamit kaya naman hinayaan ko na lanang dahil baka gusto lamang mag relax," mahabang paliwanag ni Cheska kay Aira. "Pero kanina ay may mga pulis na pumunta rito at hinahanap sya. Ano ba ang nangyayare?"
CHAPTER 211Pagkaalis naman nila Aira at Dave sa bahay ng mga magulang ni Aira ay dumiretso na sila sa unit nila Aira."Kaiangan nating magdoble ingat ngayon lalo na at hindi pa nahuhuli sila Trina at Paulo. Mabuti pa siguro ay manatili ka na lamang sa unit nyo ng mga bata. Ako na lamang ang bahalang kumilos ngayon," sabi ni Dave kay Aira habang nasa daan na sila pauwi. Tumango tango naman si Aira."Mabuti pa nga siguro. Mahirap na at baka idamay pa ni Trina ang mga bata. Hindi pa naman natin alam ang tumatakbo sa isip ng kapatid ko na yun at baka kung ano pa ang maisipan nyang gawin," sagot ni Aira kay Dave."Wag kang mag alala at hindi ko patitigilin ang mga kapulisan na hanapin sila Trina. Hindi ako makapapayag na hindi nila mapagbayaran ang ginawa nila sa'yo," sagot ni Dave.Hindi naman na sumagot pa si Aira at nag iisip sya kung saan ba maaaring nagtago ang kanyang kapatid. Naipanalangin na lamang nya na sana ay biglang magbago ang isip ng kanyang kapatid at sumuko na lamang kusa
CHAPTER 212Nang makalayo na si Trina kay Paulo ay agad na nyang kinuha ang kanyang phone at nagulat pa sya ng makita nya na napakaraming missed calls at messages mula sa kanyang mommy Cheska hindi nya kasi ito napapansin kanina dahil naka silent ito. Babalewalain na sana nya iyon pero biglang nag vibrate ang kanyang phone dahil nga nakasilent lamang ito at nakita nya na tumatawag ang kanyang mommy.Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ni Trina bago nya sinagot ang tawag ng kanyang ina."Hello Trina anak. Salamat naman at sinagot mo na ang tawag ko. Nasaan ka ba? Nag aalala na kami sa'yo. Saan ka ba nagpupunta?" sunod sunod na tanong ni Cheska kay Trina ng sagutin nito ang kanyang tawag."Mom wag po kayong mag alala. Nagbabakasyon lamang po ako," balewalang sagot ni Trina sa ina. " Ano po ba ang problema at napatawag po kayo?" tanong pa ni Trina sa ina na animo'y walang alam sa mga nangyayare."Umuwi ka na muna Trina," utos na ni Cheska sa anak."No mom. Saka na laman
CHAPTER 484Ilang oras din ang tinagal ng byahe ni Amara pabalik ng pinas at buong oras yata na iyon ay wala ng ginawa si Amara kundi ang matulog na lamang sa byahe.Subsob din kasi sya sa trabaho sa London bukod kasi sa pagmomodel nga nya ay dumuduty na rin sya bilang nurse sa isang ospital doon kaya halos wala rin talaga syang pahinga minsan. Kaya ngayon nga ay bumawi talaga sya ng tulog at sinulit nya ang mahabang byahe na yun at talaga namang natulog na lamang sya ng natulog.Pagkalapag ng eroplano na sinasakyan ni Amara ay nakatanaw pa nga sya sa bintana kung saan sya malapit na nakapwesto ay napapangiti na lamang talaga sya dahil sa wakas makalipas ang limang taon ay bumalik na nga siya sa lupang sinilangan nya.Pagkababa ng eroplano ay agad na nga nyang inasikaso ang mga dapat nyang asikasuhin at kinuha na rin nya ang mga bagahe nya. Pagkatapos noon ay malawak ang ngiti sa kanyang labi na lumabas ng airport at ramdam na ramdam na nga nya ang mainit na klima at masasabi na nga t
CHAPTER 483 "Oo kuya. Pasensya ka na talaga. Nadadala lamang din talaga ako sa init ng ulo ko kaya ako nakakapanigaw ng mga empleyado," sagot ni Dylan sa kuya Rayver nya. Nginitian naman na ni Rayver si Dylan at umaasa nga sya na maayos nito ang anumang problema nito ngayon para hindi na madamay pa ang nga empleyado nito. "Oo nga pala. Kaya rin ako pumunta rito ay dahil birthday ng mga pamangkin mo sa susunod na linggo. Hindi kita maabutan sa mansyon kaya sindya na lamang talaga kita rito sa iyong opisina para sabihin iyon. Sa isang resort iyon gaganapin at hindi pwedeng wala ka roon kaya ngayon pa lang ay ipacancel mo na ang lahat ng meeting mo sa araw na iyon sa iyong sekretarya," pag iiba ni Rayver sa kanilang usapan. Mag lilimang taon na kasi ang kambal na anak nila Rayver at Shiela at sa isang resort nga gaganapin ang birthday party ng kambal at para na rin bonding nila dahil nga madalan na nga silang magkasama sama ng kanyang mga kapatid dahil may kanya kanya na nga silang n
CHAPTER 482"Bakit ganito na naman ang report nyo? Ulitin nyo nga iyan at ayusin nyo naman. Palagi na lamang ganyan ang ibinibigay nyo sa akin na report," bulyaw ni Dylan sa isa sa kanyang nga empleyado."O-opo sir. P-pasensya na po. Uulitin na l-lamang po namin," kandautal naman na sagot ng empleyado ni Dylan sa kanya at halata mo nga rito na sobra itong natatakot kay Dylan."Tsk. Dapat lang. Sige na umalis ka na dito sa harapan ko," sagot ni Dylan na pasigaw pa rin.Dali dali naman na lumabas ng opisina ni Dylan ang empleyado nyang iyon na halata mong natakot talaga kay Dylan.Napapahilot na lamang talaga sa kanyang sintido si Dylan dahil parang biglang sumakit iyon dahil sa report ng kanyang empleyado.Limang taon na nga ang nakalilipas ng umalis ng walang paalam si Amara sa kanya at sa loob ng limang taon na iyon ay naging madalas nga ang pagiging mainitin ng ulo ni Dylan sa kanyang nga empleyado.Madalas din ay sinisigawa nya ang mga empleyado nya kaya takot na takot talaga ang
CHAPTER 481MAKALIPAS ANG LIMANG TAON........Mabilis naman na lumipas ang nga araw, linggo, buwan at taon at ngayon nga ay limang taon ng namamalagi si Amara sa London.Naging masaya naman ang buhay nya sa loob ng limang taon na yun at in-enjoy nya na lamang talaga ang buhay nya sa London.Sa nakalipas din na limang taon ay nakatapos na nga sya sa kanyang pag aaral sa kursong nursing at masayang masaya nga sya dahil kahit na nahahati nga minsan ang kanyang oras ay nagawa nya pa rin na pagsabayin ito pati na tin ang kanyang pagmomodelo.Naging model na rin talaga si Amara sa London ng isang sikat na brand ng mga damit at meron pa nga na ibang brand na gusto syang kunin kaso ay hindi nya nga iyon tinanggap dahil sa kanyang pag aaral. Sapat naman na daw kasi sa kanya ang kinikita nya sa pagmomodelo at hindi na nga sya humihingi pa sa kanyang nga magulang ng kanyang allowance dahil malaki na rin talaga ang kanyang kinikita sa pagmomodelo nya. At isa pa rin sa dabilan nya kaya hindi nya t
CHAPTER 480Sa London naman ay masayang nagkukwentuhan sila Amara at ang ate Charmaine nya. Nasa isang restaurant kasi sila ngayon at trineat nga nila ang kanilang nga sarili dahil sa naging maayos ang pagmomodel ni Amara at mukhang kukuhanin na nga talaga ito bilang model doon."Mukhang unti unti mo ng matutupad ang pangarap mo na maging model ah. Pero syempre wag mo rin kakalimutan ang iyong pag aaral,," nakangiti pa na sabi ni Charmaine sa kanyang pinsan."Oo nga ate eh syempre naman hindi ko rin pababayaan ang pag aaral ko.. Ang saya saya pala ng ganito noh? Kahit medyo pagod ay ayos lang. Ang sarap din pala i-treat ang iyong sarili gamit ang pera na pinaghirapan mo," nakangiti pa na sabi ni Amara."Oo naman. Ang sarap sa feeling noh? Kaya nga natuwa na ako rito e. Kahit na mag isa lang ako na narito ay nag eenjoy naman ako sa mga ginagawa ko. Tingnan mo naman almost three years na ako na narito mag isa sa London," sagot ni Charmaine sa kanyang pinsan na ngiting ngiti pa rinDahil
CHAPTER 479"Bro sabihin mo nga sha akin? Kasalanan ko ba kung bakit umalish si Amara ng bansa ng hindi man lang nagpapa alam sa akin?" tanong ni Dylan sa kaibigan nya at halata mo na nga sa boses nito na lasing na lasing na nga ito."Tsk. Gusto mo ba talagang sagutin ko ang tanong mo na iyan Dylan?" nakangisi at naiiling pa na tanong ni Richard kay Dylan."Oo. Shagutin mo ako. Bakit? Bakit kailangan nyang gawin iyon?" sagot ni Dylan sa kaibigan."Sa tingin ko bro ay kasalanan mo naman talaga kung bakit bigla na lang umalis si Amara ng hindi nagpapa alam sa'yo. Alam naman natin na noon pa man ay may gusto na sya sa'yo pero ikaw— para kang bato na hindi makaramdam sa nararamdaman ni Amara para sa'yo at binabaliwala mo ang feelings nya. Syempre babae si Amara at kahit hindi nya sabihin ay nasasaktan din yun sa pambabalewala mo sa kanya. Kaya hindi mo rin talaga sya masisisi kung bakit sya umalis ng bansa ng walang paalam sa'yo," seryosong sagot ni Richard sa kanyang kaibigan.Hindi nam
CHAPTER 478"O sige na. Aalis na rin ako at sadyang kinamusta lamang kita rito. Hindi ko naman akalain na iba pala ang problema mo," natatawa pa na sabi ni Rayver at saka sya naglakad papunta sa pintuan ng opisina ni Dylan pero bago nga sya lumabas ay saglit pa nga muna syang tumigil at humarap sa gawi ng kanyang kapatid."Kung ako sa'yo ay tatawagan ko na sya. Maganda si Amara at hindi malabo na maraming magkagusto sa kanya at baka sa huli ay ikaw naman ang masaktan kapag may mahal na si Amara na iba," makahulugan pa na sabi ni Rayver kay Dylan at saka sya tuluyang lumabas ng opisina ng kanyang kapatid.Pagkaalis nga ng kuya Rayver ni Dylan ay muli nga nyang tinitigan ang kanyang phone at nag iisip pa rin sya kung tatawagan ba nya o hindi si Amara.Pero naisip nga rin nya na dapat ang dalaga ang tumawag sa kanya dahil ito ang kusang umalis ng bansa at kung may balak talaga ito na kausapin sya para magpaliwanag ay tatawag naman ito sa kanya.Napabuntong hininga naman si Dylan at sa hu
CHAPTER 477Habang nasa opisina naman ngayon si Dylan at abala sa kanyang ginagawa ay hindi naman sya mapakali dahil talagang gumugulo sa isipan nya si Amara.Simula pa kasi kagabi ng nalaman nga nya mula sa tita Bianca nya na umalis na pala ng bansa si Amara ay hindi na talaga sya mapakali pa at hindi nga nya maintindihan ang kanyang sarili dahil doon.Nakailang bunting hininga na nga rin sya at ilang beses na nga rin nyang tiningnan ang phone nya dahil hindi nya alam kung tatawagan ba nya o hindi si Amara.Habang nasa malalim na pag iisip naman si Dylan ay bigla ngang bumukas ang pinto ng kanyang opisina kaya naman agad nga syang napatingin doon."Kumusta ang kapatid ko? Mukhang ayos naman yata ang nga naituro ko sa'yo a," nakangiti pa na sabi ni Rayver sa kanyang bunsong kapatid pagkapasok nya sa opisina nito.Hindi naman naka imik kaagad si Dylan at nanatili lamang syang nakatitig sa kanyang kuya Rayver.Napakunot naman ang noo ni Rayver dahil sa itsura ni Dylan at ni hindi nga ma
CHAPTER 476Bago nga matulog si Amara ay napagpasyahan nga nya na tawagan na muna ang kanyang ina para kamustahin ang mga ito at para na rin ibalita ang pagside line nya ngayon bilang modelo. Tamang tama naman at umaga na roon sa Pilipinas ngayon habang sila sa London ay patulog naman na.Naka ilang ring pa naman nga ang tawag ni Amara bago nga ito sinagot ng kanyang ina."Hi mom," bati kaagad ni Amara sa kanyang ina."Amara pasensya ka na at kakagising ko pa lamang. Kumusta ka r'yan?" namamaos pa ang boses na sagot ni Bianca sa kanyang anak at halata mo nga talaga na bagong gising ito."Ayy. Sorry po mom. Naistorbo ko po yata ang tulog nyo," sagot naman ni Amara."It's okay baby. Kumusta ka r'yan?" sagot ni Bianca sa kanyang anak."Ayos lang naman po ako rito mom," sagot ni Amara sa kanyang ina. "Oo nga po pala mom gusto ko lang pong sabihin sa inyo na sumama po ako aky ate Charmaine sa pagmomodel nya at sumide line po ako roon kanina," pagbabalita pa ni Amara sa kanyang ina."Talag