CHAPTER 198Kinabukadan pagkagising naman ni Dave ay kinuha nya ang kanyang phone at napakunot na lamang ang noo nya ng makita nya roon ang maraming missed calls ng kanyang ama.Agad naman nya na idinial ang number ng kanyang ama dahil baka may emergency kaya ito tumatawag sa kanya kagabe. Nakailang ring pa bago sinagot ng kanyang ama ang kanyang tawag."Hello dad. May problema po ba? Pasensya na po kayo at hindi ko po nasagot ang tawag nyo kagabe. Nakasilent po kasi ang phone ko," paliwanag agad ni Dave sa kanyang ama."Son wala namang problema. May gusto lamang sana akong itanong sa'yo kagabe kaya ako tumatawag sa'yo," sagot naman ni Clint mula sa kabilang linya. "Ano po yun dad?" "It's about Aira," sagot ni Clint kay Dave.Napalingon naman si Dave sa gawi ni Aira na natutulog pa rin sa tabi nya. Napabuntong hininga naman si Dave bago sya sumagot sa kanyang ama."Dad pwede po ba mamaya na lamang po tayo mag usap tungkol sa bagay na yan," sagot ni Dave dahil hindi pa nga pala nya n
CHAPTER 199Pagkatapos mag usap nila Dave at ng kanyang ama na si Clint. Agad naman na nagpahanda si Clint ng maraming pagkain para sa kanilang dinner dahil ang sabi nga ni Dave ay darating sila roon nila Aira kasama ang mga bata ng dinner.Sobrang saya ni Clint ng sabihin iyon ni Dave dahil matagal na nilang hinibiling na magkaroon sila ng apo. Doble pa ang saya nila dahil hindi lang isa ang ibinigay sa kanila ni Dave kundi dalawa dahil kambal ang naging anak nito at ni Aira."Talaga? P-pupunta sila rito kasama ang mga apo natin?" hindi makapaniwala na sabi ni Divina ng ibalita sa kanya ni Clint na darating nga sila Dave at Aira pati ang kambal."Oo kaya nagpapahanda na ako ng para sa dinner natin mamaya," sagot ni Clint sa kanyang asawa."Naku kung ganon ay kailangan ko pala munang umalis. Kailangan kong bumili ng ipangreregalo ko sa mga apo natin," sagot ni Divina saka ito dire diretsong pumunta sa kanilang kwarto upang magbihis at mukhang wala itong balak magpapigil.Iiling iling
CHAPTER 200"A-Aira s-sorry sa nagawa ko sa'yo noon. Sana ay mapatawad mo ako at totoong nagsisisi na ako sa padalos dalos ko na desisyon noon. Pasensya ka na at talagang nagulat lamang ako noon kaya ko nagawa ang bagay na yun sa'yo," hinging patawad ni Divina kay Aira."Kalimutan na po sana natin yun. Totoo po na nasaktan ako sa mga nangyare noon dahil wala po ni isa sa inyo ang nakinig sa akin. Pero ngayon po ay handa ko na pong kalimutan ang lahat ng yon para po sa pamilya ko," sagot ni Aira."T-talaga? Ibig mo bang sabihin ay p-pinapatawad mo na ako?" tanong ni Divina kay Aira."Para po sa pamilya ko magpapatawad po ako," sagot ni Aira. "Pero pasensya na po kayo kung hindi na po kagaya ng dati ang magiging trato ko sa inyo," dagdag pa ni Aira. Tumango tango naman si Divina."Naiintindihan kita hija. Pero salamat at napatawd mo ako," sagot ni Divina saka ito lumapit kay Aira at agad na yumakap dito."Ahm. Mom Dad. Eto nga po pala si Rayver at Reign. Mga anak namin ni Aira," sabat n
CHAPTER 201Lumipas pa ang mga araw at naging maayos naman ang buhay nila Aira at Dave pati na rin ng mga bata. Nagpasya na rin si Aira na ipakilala na rin sa mga magulang nya ang kanyang mga anak. Lagi naman syang tinatawagan ng kanyang ina para kumustahin gayon din ang kanyang ama pero hindi pa rin nya nababanggit sa mga ito ang tungkol sa kanyang mga anak. Kaya ng isang beses na tumawag ito sa kanya at iniimbitahan ulit sya ng mga ito na mag dinner doon ay kinuha na nyang pagkakataon iyon para isama ang mga anak nya upang ipakilala ang mga ito sa kanyang mga magulang."Hindi pwede na hindi ko kayo sasamahan Aira. Baka mamaya ay kung ano pa ang gawin ng magaling mong kapatid sa iyo at sa mga anak natin," sabi ni Dave kay Aira ng sabihin nito sa kanya na pupunta sila ng mga bata sa bahay ng magulang nya."Dave kaya ko naman at isa pa ay hindi ko naman hahayaan na masaktan sila ni Trina," sagot ni Aira."No. Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo," pinal na sabi ni Dave kay Aira."Okay f
CHAPTER 202Pagkarating nila Aira, Dave at ng mga bata sa bahay ng mga magulang ni Aira ay katahimikan naman ang sumalubong sa kanila roon. Hinanap pa ng paninhinnni Aira ang nga magulang nya pero wala talaga ito roon.Pinapasok na rin kasi sila ng guard na naroon kaya naman dire diretso na silang pumasok sa loob ng bahay ng magulang ni Aira."Mom, Dad," tawag ni Aira sa magulang nya ng wala silang nadatnan na tao sa kanilang salas. Agad naman silang linapitan ng isa sa mga kasambahay roon ng marinig ang boses ni Aira."Ma'm Aira kayo po pala. Nasa garden po sila sir Ramon at ma'm Cheska doon na po nila kayo hinihintay," pag imporma ng kasambahay nila roon."Salamat po manang," nakangiti naman na sagot ni Aira sa kasambahay.Sabay sabay naman na silang naglakad papunta sa garden ng kanilang bahay habang magkakahawak pa ang kanilang mga kamay.Pagkarating nila sa garden ay naabutan naman nila na nag aayos ng lamesa ang ina ni Aira roon kasama ang ilang kasambahay. Habang ang kanyang
CHAPTER 203"Pasensya na kayo ha. P-pero matanong ko lang. Nagkabalikan na ba kayong dalawa?" hindi na maiwasang tanong ni Cheska kila Aira at Dave dahil pangalawang beses ng pumunta ni Aira sa kanila na kasama si Dave.Nagkatinginan naman sila Aira at Dave bago sumagot si Aira."Gusto na po namin ayusin ang pamilya namin. Kaya hanggat maaari po ay gusto naming maging maayos ang lahat bago namin buohin muli ang pamilya namin."Napangiti naman ang mag asawang Cheska at Ramon dahil sa sinabi ni Aira."Kung gayon ay masaya kami para sa inyong dalawa. Sana ay maging maayos na ang pamilya nyo ngayon," sagot ni Ramon. "Sana rin ay mapatawad mo na kami sa mga nagawa namin noon sa'yo anak. Patawad kung naging pabaya kaming magulang sa iyo," dagdag pa ni Cheska.Seryoso pa silang nag uusap usap ng biglang dumating si Trina at nagsalita."Bakit bigla ata akong nakalimutan ng pamilya ko? May reunion pala ngayon dito pero hindi yata ako naimbitahan ng sarili kong pamilya," mataray na sabi ni Trin
CHAPTER 204Pagkaalis ni Trina sa kanilang bahay ay dumiretso na kaagad sya sa bar na pagmamay ari ni Paulo para maglabas ng sama ng loob.Habang nagmamaneho pa nga si Aira ay hindi na nya naiwasan pa na umiyak dahil sa mga nalaman nya kani kanina lang. Hindi nya matanggap na mayroon na palang mga anak sila Dave at Aira. Lalo tuloy syang nainis sa isipin na wala na lalong pag asa pa na bumalik sa kanya si Dave dahil sa may mga anak na ito at si Aira."Hey! Bakit umiiyak ang magandang binibini na yan?" agad na sabi ni Paulo ng pumasok si Trina sa kanyng opisina at humahagulhol.Hindi naman muna umimik si Trina at talagang umiyak muna sya ng umiyak. Hinayaan naman na muna sya ni Paulo na umiyak na labis na ipinagpasalamat ni Trina dahil hindi pa nya kayang magsalita dahil totoong nagulat sya sa mga nalaman nya kanina.Nang mapansin ni Paulo na medyo kalmado na si Trina ay saka nya ito linapitan."Ayos ka lang ba? Pwede mong sabihin sa akin ang problema mo," sabi ni Paulo kay Trina mata
CHAPTER 205"Grabe ibang iba na talaga ang kapatid mo. Halos hindi ko na talaga sya makilala ngayon dahil sa pinapakita nyang ugali," hindi makapaniwala na bulalas ni Dave kay Aira. Narito na sila ngayon sa unit nila Aira at nagpasya na si Dave na doon na lamang ulit magpalipas ng magdamag. Ang mga bata naman ay nakatulog na kaagad pagkauwi nila dahil gabing gabi na rin naman kasi."Kahit ako hindi ko na rin sya nakilala. Ibang iba na talaga ngayon ang kapatid ko. Masyado talaga syang nabulag sa pagmamahal nya sa'yo," sagot ni Aira kay Dave."Tsk. Hindi ko kasalanan yon. At hindi ko naman pwedeng diktahan ang puso ko kung sino ang dapat mahalin," sagot ni Dave saka sya lumapit kay Aira na nakatayo sa harap ng salamin habang nagsusuklay. Yinakap pa nya ito mula sa likuran."Ikaw ang mahal ko Aira at hindi ko pinagsisisihan na minahal kita. Oo minahal ko si Trina noon pero tapos na kami at matagal na akong walang nararamdaman para sa kanya," dagdag pa ni Dave.Bumuntong hininga naman s
CHAPTER 412"Ayos lang naman ako. Medyo nagkaroon lang ng problema sa pamilya kaya don't worry i'm fine," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa binata. "Ikaw ano nga pala ang ginagawa mo rito? Bakit napadalaw ka yata," tanong pa ni Jenny kay Greg dahil nagulat talaga sya sa biglang pagsulpot ng binata sa kanilang bahay. Nakakasama naman nya ito minsan kapag nalabas silang magkakaibigan pero ilang nga sya rito dahil umamin nga ito sa kanya noon pa na may gusto ito sa kanya."Ahm. Wala lang. Gusto lamang kitang kumustahin at bisitahin na rin dahil hindi na nga kita nakikita," sagot naman ni Greg kay Jenny.Tumango tango lang naman si Jenny sa binata at saka nya inamoy ang bulaklak na ibinigay ni Greg sa kanya at napapapikit na lamang sya dahil sa mabangong amoy ng mga bulaklak.Napangiti naman si Greg ng mapansin nya na mukhang good mood ngayon si Jenny at hinahayaan lamang sya nito na mag stay sa tabi nito. Dati kasi ay umiiwas talaga ito sa kanya kaya nakuntento na lamang sya sa pasulyap
CHAPTER 411Pagkagaling ni Joey sa opisina ay agad naman na rin syang dumiretso ng uwi sa kanilang mansyo at nagulat pa nga sya ng pagkarating nya sa kanilang bahay ay nay magarang sasakyan na nakaparada sa labas ng kanilang gate kaya naman napakunot na lang ang noo nya dahil may iba yatang tao sa kanilang bahay kaya naman dali dali na nyang ipinark ang kanyang sasakyan.Pagkapasok nya sa kanilang bahay ay agad nyang nakita ni manang Lina kaya naman agad na nya itong linapitan."Manang kanino po yung sasakyan na nasa labas ng mansyon?" agad na tanong ni Joey kay manang Lina."Joey nar'yan ka na pala," gulat pa na sabi ni Manang Lina kay Joey dahil hindi nga nya napansin ang paglapit nito sa kanya."Kanino po ang sasakyan na nasa labas manang?" muli ay tanong ni Joey rito."Ah yun bang sasakyan sa labas? Sa bisita iyon ni Jenny," sagot ni manang Lina."Kaibigan ni Jenny? Sino? Nasaan sila?" sunod sunod pa na tanong ni Joey kay manang Lina."G-Greg? Oo tama Greg ang rinig ko kanina na
CHAPTER 410Matapos makapag usap nila Rayver at ng ama ni Shiela ay agad na rin naman na umalis si Joey sa opisina ng binata dahil may mga kailangan pa rin syang asikasuhin sa kanyang sariling kumpanya.Habang papaalis pa nga si Joey sa kumpanya ni Rayver ay hindi na maalis alis pa ang ngiti sa kanyang labi dahil parang nakahinga na sya ng maluwang ngayon dahil sa mga nangyayare ngayon sa pagitan nya at ng kanyang mga anak.Ito lamang naman talaga ang tangi nyang hiling sa ngayon ang magkaayos sila ng kanyang mga anak kay Lina at magkaayos din ang mga ito at si Jenny. Alam nya na medyo mahihirapan talaga si Jenny lalo na at ang lalaking pinakamamahal nito ay nobyo ng kanyang kapatid pero umaasa sya na makakapag move on kaagad ang kanyang anak na si Jenny.Pagkarating ni Joey sa kanyang kumpanya ay maraming paper works kaagad ang tumambad sa kanya sa loob ng kanyang opisina. Natambak kadi itong mga trabaho nya noong mga nakaraang araw pa dahul nga hindi sya makapag focus sa kanyang gin
CHAPTER 409"Good morning anak. Ahm. Narito ako dahil gusto ko sanang sabihin sa'yo na nakausap ko na rin nga pala ang kapatid mong si Jenny at nagkaayos na rin kami at gusto ka nga raw nya sanang makausap. P-pwede ka ba anak?" sabi ni Joey kay Shiela. Nagulat naman si Shiela sa sinabi ng kanyang ama at napabuntong hininga na lamang nga sya saka sya dahan dahan na tumango rito."S-Sige po tay. Sabihan nyo na lamang po ako kung kailan at saan po kami mag uusap ni Jenny," sagot ni Shiela sa kanyang ama kahit na ang totoo ay nag aalangan sya dahil hindi pa naman nya lubos na kilala si Jenny at ayon na nga rin sa sinabi ni Reign noon ay iba nga ang ugali ng kapatid nya na yon."Salamat anak. Sige sasabihan na lamang kita kung kailan nya gusto na magkita kayong dalawa. Salamat anak at pumayag ka na magkausap kayong dalawa. Sana ay maging maayos na rin kayong dalawa labis ko talagang ikakatuwa kapag nangyari nga ang bagay na yun," nakangiti pa na sagot ni Joey kay Shiela.Tanging pagngiti
CHAPTER 408Kinabukasan naman ay maaga ngang nagising si Joey at nagpaluto nga sya ng masarap na agahan sa kanilang mga kasambahay para sa kanila ni Jenny.Nagulat naman si Jenny na pagkababa nya ng kanilang hagdan ay natanaw na nga nya ang kanyang ama na nasa kanilang dining table at mukhang hinihintay nga sya nito dahil hindi pa nagagalaw ang mga pagkain doon. Kaya naman agad na nyang linapitan ito."Good morning dad," bati kaagad ni Jenny sa kanyang ama saka sya humalik sa pisngi nito. "Wala po ba kayong pasok sa opisina ngayon dad?" tanong pa ni Jenny sa kanyang ama."Meron pero pwede naman akong magpalate dahil kumpanya naman natin iyon kaya hawak ko naman ang oras ko," sagot ni Joey kay Jenny. "At isa pa ay gusto kitang makasabay kumain ng agahan dahil matagal tagal na rin yung huling kain natin na magkasabay. Kaya maupo ka na para makakain na tayo," dagdag pa ni Joey at saka nya ipinaghila ng upuan si Jenny."Salamat dad," sabi namna ni Jenny matapos syang maupo.Napangiti nama
CHAPTER 407"Don't worry dad. Hindi naman na po ako magagalit at naiintindihan ko na po kayo kaya okay lang po na bumawi kayo sa kanila. At ang tungkol naman po sa amin ni Shiela ay hindi ko naman po maipapangako na agad agad kaming magkakapalagayan ng loob dahil alam nyo naman po kung ano ang sitwasyon naming dalawa ngayon pero pipilitin ko po na makapag move on na para na lamang po sa ikatatahimik ng lahat," sagot naman ni Jenny sa kanyang ama.Nagulat naman si Joey sa sinabi ni Jenny at napangiti na nga lamang sya dahil doon dahil ang buong akala nya ay mahaba habang paliwanagan na naman ang mangyayare sa kanilang mag ama ngayon."T-totoo ba yang sinasabi mo anak? S-seryoso ka ba na ayos na sa'yo na bumawi ako sa mga kapatid mo?" hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Joey kay Jenny.Napangiti naman si Jenny sa kanyang ama dahil kita nya ang gulat na gulat na reaksyon nito dahil sa kanyang sinabi."Yes dad. Seryoso po ako sa sinabi ko," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa kanyang ama
CHAPTER 406Napangiti naman si manang Lina dahil sa sinabi ni Joey. Masaya sya dahil kahit papaano ay ngumingiti na ulit si Joey nito kasing mga nakalipas na mga araw ay palagi itong balisa at halata mo na sa mukha nito ang stress. Alam nya naman kasi ang pinagdaraanan nito ngayon dahil nga naikwento na nito sa kanya ang mga nangyari noon kaya naiintindihan nya rin naman talaga ang mga anak ni Joey kay Nelia dahil napabayaan nya nga talaga ang mga ito."Masaya ako at nakausap mo na pala ang isa sa mga anak mo. Sana nga ay magkaayos ayos na kayo para naman maging masaya na kayo muli," sagot ni Manang Lina kay Joey dahil kita nga nya na napapabayaan na rin ni Joey ang kanyang sarili dahil sa kaiisip nito sa mga problema nito sa kanyang mga anak."Salamat po manang," nakangiti pa na sagot ni Joey sa matanda."Subukan mo ring kausapin ngayon si Jenny at baka ngayon ay magkaintindihan na nga kayong dalawa. Basta habaan mo na lamang ang pasensya sa anak mo na yan dahil alam mo naman ang uga
CHAPTER 405Napabuntong hininga na lamang sila Ashley at Sherwin dahil sa sinabi ng kanilang nakababatang kapatid. Alam nila na hindi na nito masyado nakasama pa ang kanilang ama noon dahil napakaliit pa nito ng iwan sila ng kanilang ama noon."Sorry April. Pasensya ka na kung hindi ka man lang namin naisip. Alam naman namin na sabik ka na kay tatay. Pasensya ka na kung pinangunahan kami ng nararamdaman dahil totoo naman na nakakasama ng loob ang ginawa ni tatay dahil pinaasa nga nya si nanay," sagot ni Ashley kay April saka nya ito linapitan at agad na yinakap.Agad naman na gumanti ng yakap si April sa kanyang ate Ashley at hindi na nga nya napigilan pa na mapaiyak. Hindi na nga rin napigilan ni Sherwin ang kanyamg sarili at agad na nga rin syang napalapit kay April at saka nya ito yinakap din."Sorry April. Hayaan mo at pipilitin namin ang aming mga sarili na tanggapin at patawarin muli si tatay. Dahil tama ka wala na nga si nanay dapat ay hindi na rin tayo pumayag na pati si tatay
CHAPTER 404"Ate ano pong pag uusapan natin? May problema po ba?" agad ng tanong ni Ashley sa kanyang ate Shiela.Napabuntong hininga naman na muna si Shiela saka sya naupo na rin sa tabi ng kanyang mga kapatid."Gusto ko kasi kayong makausap tungkol kay tatay," sagot ni Shiela sa mga kapatid nya at kita pa nya na natigilan bigla ang kanyang mga kapatid lalo na si Sherwin ng marinig nito ang salitang tatay."Bakit ate? Kinausap ka ba nya kanina para kumbinsihin na sumama tayo sa kanya? Ate naman alam mo naman ang ginawa nya noon diba? Pinabayaan nya tayo noon kaya nangyare kay nanay yun," naiinis ng sagot ni Ashley sa ate Shiela nya."Hindi nya ako kinausap para sa bagay na yun. Makining na muna kayo sa akin," sagot ni Shiela."E ano ate? Anong sinabi nya sa'yo?" sabat naman na ni Sherwin.Napabuntong hininga naman si Shiela dahil inaasahan naman na nya kanina pa na ganito ang magiging reaksyon ng mga kapatid nya kapag kinausap nya ang nga ito ng tungkol sa kanilang ama."Please makin