Nang makarating kami sa bahay ay si tita at ang kambal lang naroon. Nasa school pa ang dalawa.Pagpasok ko ay agad akong tinanong ni tita. "Aye ang aga mo naman atang umuwi ngayon?" Tanong niya sa akin."May kasama po ako tita," sagot ko sa kanya."Kasama? Sino?" "Si Luke po tita," sagot ko.Tumingin si tita sa akin. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng tingin na 'yon. Kaya umiling ako para iparating sa kanya na hindi ko pa sinabi kay Luke ang tungkol sa mga bata."Nasaan siya?""Luke pumasok ka na nga," mataray ko na tawag sa kanya.Nakita ko naman na sumilay ang ngiti sa labi ni tita. Alam ko na natutuwa ito."Magandang araw ko tita.""Magandang araw din sa 'yo. Matagal rin tayong hindi nagkita," sabi sa kanya ni tita.Tumingin ako kay Luke at nakita ko na may dumaan na lungkot sa mga mata niya."Naku past is past na pumasok kana dito. Bawal ka'ng magtagal sa pintuan dahil may buntis dito. Diba Caye?""O-Oo," nag-aalangan na sagot ko."Sino po tita?" Tanong ni Luke."Si Aye," sagot
Hindi ko namalayan ang oras naging abala kasi ako sa paglilinis sa mga silid namin. Hindi ko alam kung ano ang nanyari sa mga-ama dahil hinayaan ko lang sila kanina. Paglabas ko ay bumaba kaagad ako. Nakita ko sila na natutulog sa sofa habang nasa bisig ni Luke ang dalawang bata. Napangiti ako dahil kumportable ang mga anak niya sa kanya kahit hindi nila alam na si Luke ang daddy nila."Ganun ba ako ka busy sa paglilinis at hindi ko sila naalala?" Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa sarili ko.Hinayaan ko na lang sila. Nakikita ko rin na parang puyat si Luke. Pumunta ako sa kusina. Balak ko kasi ihanda ang mga rekado para hapunan namin.Palabas ako sa kusina ng may naririnig akong ingay. Dumating na pala ang mga bata at ngayon ay masayang nakikipag-kwentuhan kay Luke."Hi mga anak nandito na pala kayo. Magpalit na muna kayo ng damit bago makipaglaro kay daddy niyo hindi pa naman siya uuwi," sabi ko sa dalawa kong anak."Okay po mama," sagot nila sa akin."Daddy dito ka lang ha," sabi
!!Warning Matured Content Rated SPG!!Kanina pa ako dito sa loob ng banyo. Pinag iisipan ko kung lalabas na ba ako. Dahil alam ko naman na nandito si Luke pero dahil sa katangahan ko kaya nalalagay ako sa ganitong sitwasyon.Siguro wala na ito kaya lumabas na ako para makapagbihis na. Lumabas akong nakatapis lang. Nagulat pa ako dahil nandito pa si Luke at tulog sa tabi ng mga bata.Dahan dahan akong pumunta sa cabinet para kumuha ng damit ko. Dahil natutulog na si Luke at sa tingin ko ay malalim na ang tulog niya kaya dito na lang siguro ako magbihis.Tinanggal ko na ang towel sa katawan ko at isuot ko ang bestida ko. Pero bago ko pa maibaba ang bestida ko ay pumulupot ang mga braso ni Luke sa bewang ko.Nataranta ako dahil hindi ko alam kong ano gagawin ko. At kung saan ang una kung tatakpan dahil wala pa akong suot na panloob."L-Luke ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" nauutal kong tanong sa kanya. "I really missed you baby," bulong nito sa tenga ko na nagbigay sa akin ng kakai
Tinanghali na ako ng gising. Masakit din ang katawan ko. Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa karupukan ko. Nakakainis! Bakit ba kasi bumibigay ako sa kanya? Grabe ang energy niya kagabi parang walang kapaguran. Hinayaan ko na lang siya. Siguro kahit tulog ako ay patuloy itong gumagalaw sa ibabaw ko. Nagising ako ng madaling araw pero patuloy parin ito. Nakita ko siya sa pagitan ng hita ko.Madaling araw na kami natapos. Sa loob ng mahigit dalawang taon ay ngayon lang ulit ako nadiligan. Sumakit ang balakang ko at nahihirapan akong bumangon.Nagtataka rin ako dahil walang nang-gising sa akin. Pinilit kong bumangon kahit nanginginig ang tuhod ko. "Magtiis ka dahil ginusto mo 'yan," ani ko sa sarili.Kahit na masakit ang katawan ko ay pinilit ko parin na bumangon para makapunta sa banyo at makaligo. Sa ilang araw na pangungulit sa akin ni Luke ay nakalimutan ko na sabado na pala ngayon at walang pasok ang mga bata.Habang nasa loob ako ng banyo ay hindi ko mapigilang titigan ang saril
Ang saya ko dahil pumayag siya na dumalaw ako sa kanila kahit na alam ko na napipilitan lang siya pero atleast pumayag siya. Kuntento na ako at masaya.Pagdating namin sa bahay nila nasa school pa ang dalawang bata. Patanghali pa lang at mamayang hapon pa ang uwian ng mga ito. Ang kambal lang ang nandito ng makita ko sila may kung ano na naman sa akin na hindi ko matukoy o maipaliwanag. Ang saya ko ng makita ko sila ulit."Hey little kiddos!" Sabi ko sa kanila. "Daddy.." Tawag sa akin ng isang kambal.Nakita kong napaiwas ng tingin si Caye."You can call me daddy," nakangiting sabi ko dito."Pasensya kana hindi nila alam ang sinasabi nila," saad sa akin ni Caye."It's okay baby mas gusto ko nga na daddy ang itawag nila sa akin." Masaya ito sa sinabi ko. Pumapalakpak pa ito. Natuwa rin ako kaya hinalikan ko ito. Ang isang kambal ay tahimik lang.Ang gwapo ng kambal siguro ay gwapo rin ang daddy nila.Wala akong makuhang sagot mula kay Caye dahil siguro galit siya sa ama ng mga ito.
Simula noong nakaraan ay hindi na nagpakita sa akin si Luke. Wala ng nang-gugulo sa akin.Hindi ko alam pero parang nakonsensya ako sa mga nasabi ko sa kanya. Alam ko naman na hindi niya sinasadya nadala lang ako ng inis ko kaya nabulyawan ko siya tapos hindi ko siya pinansin."Argh! Bahala siya." Hindi ko maiwasang mainis. Ewan ko ba pero bigla na lang akong nagsasalita ng mag-isa.Nandito ako sa opisina ko habang inaayos ang lahat ng orders. Ngayon din ang balik ni Jeff galing manila kaya niyaya niya akong mag date kami bukas ng gabi.Buo na ang desisyon ko na sabihin sa kanya ang nakaraan ko. Ayoko ng maglihim sa kanya namiss ko din siya dahil matagal siyang nasa Maynila.Kagaya ng araw araw kung ginagawa ay bahay at trabaho lang lagi ang routine ko.Hindi ako pumasok ngayong araw dahil naghanda ako ng dadalhin ko sa date namin ni Jeff napili kasi naming pumunta doon park. Maganda kasi doon dahil magpapasko na madaming pailaw doon. Nais kong pumunta doon para maiba naman ang vibe.
Sa ilang buwan na nagdaan ay lagi kong nakikita ang babae na buntis sa tapat namin. Nag aayos sila lagi para sa bakeshop na bubuksan nila.Natutuwa ako sa kanya kasi lagi nalang siyang nakangiti napakamasiyahin niya higit sa lahat napakaamo ng mukha niya ang ganda niya.May nakikita akong dalawang batang babae at sa tingin ko ay mga anak niya. Malaki narin ang tiyan niya pero kahit minsan hindi ko nakita na may kasama siyang lalaki o asawa niya.Kaya noong nag-opening sila ay binigyan ko sila ng pagkain. Nakita ko na kanina pa sila busy. Sabi pa sa akin ng inutusan ko ay nahihiya daw itong tanggapin pero no'ng huli ay tinanggap din."Chef nahihiya po si Miss ganda na tanggapin iyong bigay niyo. Ito po pala ipinabibigay sa inyo," saad sa akin ng staff ko."Okay thank you," sabi ko dito sabay kuha ng box ng cupcakes.Ibingay ko ang iba sa staff ko. Kumain din ako ng isa. Sobrang sarap pala ng gawa nilang cupcakes. Gusto kong sabihan si mommy na sa kanila na lang bumili.Hindi ko maintin
Naging maayos kami ni Jeff naging malinaw ang lahat sa pagitan namin. Bumalik na sa dati ang buhay ko kasama ng mga anak ko. Pero si Luke hanggang ngayon hindi parin nagpapakita o nagpaparamdam sa akin. Nalaman ko rin na siya pala ang nagpapadala sa akin ng mga bulaklak at cake. Dahil sa pagtataka ko ay tinanong ko ang numero ng tumatawag sa branch sa kabila."Hello Allen pwede mo ba ibigay sa akin ang numero ng laging nag-oorder tapos pinapadala dito. Mga dalawang linggo na ang lumipas," sabi ko dito."Hello po ate, Sige po ito po 09123456***. Iyan po ang numero ng laging nag-oorder ate," sagot niya sa akin."Sige Allen salamat," sabi ko.Napasabot ako sa buhok ko. "Ahh! Ikaw lang pala Luke ang nagpapadala sa akin. Sir*ulo ka talaga kahit kailan."Iniiwasan ko na nga siyang isipin pero naiisip ko parin talaga siya. "Tumigil ka! Bakit namimiss mo na ba siya?" Tanong ko sa sarili ko."Hindi a! Bakit ko naman mamimiss ang lalaking 'yon?" Kausap ko sa sarili ko. "Hindi mo namimiss per
LUKE POVNgayon ang araw ng proposal ko sa asawa ko. Nais ko siyang pormal na ayain magpakasal. Alam ko na pangarap rin nito na ikasal ulit kaya pinaghandaan ko talaga ito.Humingi ako ng tulong sa pamilya ko at sa mga empleyado sa Blake Company. Masasabi ko na deserve ng asawa ko ang mabigyan ng magandang proposal. Sinubukan kong kumanta para sa kanya. Ewan ko ba kahit alam ko na mahal niya ako ay hindi ko parin maiwasan na kabahan.I'm so happy cuz she said Yes. Pero ang perpektong gabi namin ay napalitan ng kaba at pagkataranta dahil bigla na siyang sumigaw dahil manganganak na siya.Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba ko. Naawa ako sa asawa ko tuwing dumadaing ito kaya kinakausap ko ang baby namin. Sobrang pasasalamat ko kay God dahil hindi niya kami pinabayaan.Hindi niya pinabayaan ang mag-ina ko at naipanganak ng mabilis at maayos si Clyden Blake. Isang malusog na sanggol na lalaki. Masaya ako sa pag-aalaga sa mga anak ko,. Ito ang pamilya na nais ko hangga
CAYE'S POVSimula nang malaman ko na buntis ako ay paiba iba na ang mood ko. Madalas kakaiba ang mga trip ko pero malaki ang pasalamat ko sa asawa ko dahil nandiyan siya lagi sa tabi ko para alagaan at intindihin ako.Sobrang laki ng pinagbago niya. Kung noon na bago pa lang kami magkakilala ay napaka suplado nito at palagi na lang galit. Ngayon naman ay ikinulit niya. Sa mga buwan na kasama ko siya ay masasabi ko na lalo ko siyang minahal ngayon ko narealized na hindi ko mapagkakaila na noong una ko siyang makita ay nakuha na niya agad ang atensyon ko, lalo na ang puso ko.Nakikita ko ang pagmamahal niya sa dalawang babae kong anak at sa kambal. Lagi siyang naglalaan ng oras para sa mga ito. Nakasanayan na rin namin na tuwing araw ng linggo ay family day namin. Namamasyal at nagsasaya kami kapag sunday.Panay takbo na rin ang kambal at matatas na talaga silang magsalita.Mabigat na ang tiyan ko dahil kabuwanan ko. Tungkol naman sa negosyo ko maayos naman ito at si tita Nene ang nama
LUKE'S POVSobra-sobra ang saya na nararamdaman ko nang malaman ko na buntis ang asawa ko. Mag two months na pala siyang buntis na hindi man lang namin nalaman.Ngayon babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya noong ipinagbubuntis niya ang kambal. Madalas ay nagrereklamo na ito sa akin dahil para ko daw siyang ginagawang baby. Dahil nagiging OA na daw ako.May mga pagkakataon kasi na nahihirapan ako na intindihin siya. Dahil narin sa paiba iba ang mood niya kada araw. Ang weird din ng mga kinakain niya minsan. Pagkatapos iiyak kapag hindi ko siya sinabayan sa trip niya.Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang ginagawa niya dati noong panahon ng paglilihi siya.Dito ako sa office ngayon madami akong tambak na trabaho. Tulog pa ang asawa ko nang umalis ako kaya nag iwan na lang ako ng note.Dito na rin kami nakatira sa Maynila. Uuwi na lang kami sa Iloilo kapag nanganak na siya. Maayos naman ang negosyo niya sa pamamahala ni tita Nene.Maghapon akong nasa opisina ko ng tumawag
Matapos kong kumain ng singkamas ay nagpasya kaming sunduin ang mga bata sa bahay nila mommy. Nagulat pa ako parang may fiesta sa kanila dahil sa dami ng pagkain na nakalagay sa mesa. Tumingin ako sa asawa ko pero nginitian lang niya ako. Pagpasok namin ay sinalubong ako ni mommy sabay yakap sa akin."Mabuti naman at maaga kayo anak tara na sa hapag at para makakain na tayo," masayang sabi nito sa akin."Sino po may birthday mommy?" Tanong ko dito."Wala anak gusto ko lang magluto ng marami," sagot nito sa akin."Parang may fiesta po," sabi ko dito."Masaya kasi kami anak kasi kumpleto tayo."Umupo na ako sa tabi ng asawa ko. Ang layo na ni mommy sa dating siya gano'n din si daddy. Simula nang naging lolo sila masasabi ko na hindi naman pala sila masamang tao.Sadyang mahal lang nila ang anak nila. Hinalikan ko muna ang lahat ng mga anak ko. Apat na sila at may paparating na naman. Oo buntis ako at kanina ko nalaman nang umalis kasi ang asawa ko ay nagising ako bumaba ako sa kusina.
Bumukas ang gate at ipinasok ko ang sasakyan ko. Bumaba na ako pero nagulat ako dahil bigla na lang may tumamang palaso sa harapan ko.Halos matumba ako sa gulat."F*cking Sh*t!" Bulalas ko bigla.Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at may sumunod pa ulit na palaso na tumama malapit sa paa ko.Hinanap ko kung saan galing ang palaso. Nang tumingin ako sa paligid ay nakita ko ang asawa ko sa terrace. At nakatutok sa akin ang pana niya.Ngayon ko lang ulit ito nakita ng ganu'n kaseryoso habang walang akong maaninag na awa sa mga mata niya."Baby let me explain please, 'wag mo naman itutok sa akin 'yan.""Tapos ano magsisinungaling ka. H'wag mo na akong paikotin pa!" Sigaw niya sa akin."Baby anak 'yon ng ninong ko ganu'n lang talaga siya tuwing nag-uusap kami minsan nanghahampas habang nagkukwento. Wala lang cyon sa akin dahil para ko na siyang kapatid. Please baby ibaba mo na 'yan," pakiusap ko sa kanya."Hampas ba 'yon? Hinihimas niya ang braso mo. Bakit hindi mo tinanggal 'yong kama
CAYE'S POVNagising ako nang gabi na. Nang dumating ang asawa ko ay hindi ko parin siya pinapansin kahit na nagbigay na siya ng napakaraming ice cream."How's your day baby?" Tanong niya sa akin.Nanatili akong tahimik. Hindi ko siya sinagot."May problema ba tayo?" Tanong niya ulit sa akin. Akmang lalapit ito sa akin pero mabilis akong tumayo at lumabas sa silid namin.Pinuntahan ko ang kambal at hindi ko pinansin ang asawa ko. Nakikita ko pa lang siya ay naiinis na ako kaagad sa kanya. Araw-araw ay gano'n ang nanyayari. Sa tingin ko ay nagtatampo rin siguro ito dahil hindi man lang ako kinukulit.Sa couch narin ito natutulog. Hindi siya nagtangkang tumabi sa akin.Isang linggo na kaming hindi masyadong nag-uusap ng asawa ko. Lagi akong tulog ewan ko ba pero antok na antok talaga ako. Ngayong araw ay hiniram ni mommy ang mga bata kaya wala akong kasama ngayon dito. Simula nang maging okay kami ay mommy na ang tawag ko sa kanya. Tanggap na rin niya ang dalawa kong anak.Dahil sa mag-
LUKE POVPumunta ako sa presinto pagkarating ko roon ay nakita kong nag mamakaawa ang kasambahay namin kay Rico."Sir inutusan lang po ako. Sir maawa po kayo sa akin," umiiyak na bulalas niya kay Rico.Biglang uminit ang ulo ko sa narinig ko. Mabilis akong lumapit sa kanila."Sino ang nag-utos sa 'yo?" Galit na tanong ko sa kanya."Sir Luke maawa po kayo sa akin. H'wag niyo po akong ipakulong inutusan lang po ako ni Miss Elle," aniya sa akin.Naikuyom ko ang kamao ko sa galit na naramdaman ko ngayon."Pasalamat ka at walang nanyaring masama sa asawa ko. Dahil kung mayro'n mabubulok ka dito sa kulungan," galit na sabi ko sa kanya.Iniwan ko ito at nag-usap kami ni Rico. Inutusan ko rin ito na pakawalan na ang kasambahay na 'yon. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa condo unit ni Elle.Doon ko nasaksihan kung paano siya nawawala sa sarili. Kasama niya ang lalaking sa pagkakaalam ko ay kaibigan niya."I'm really sorry bro. May sakit si Elle and she need to go back. Hindi n
Nataranta ako dahil hindi ko makita si Simon. Kahit si Luke ay bigla na lang napamura sa inis."F*ck! Baby hanapin natin si Simon. This is my fault," sinisisi niya ang sarili niya."Hanapin na lang natin siya love," ani ko sa kanya. Inikot namin ang buong palaruan. Ang lahat ng takot at pangamba ko ay biglang naglaho nang makita ko ang anak ko na masayang nakikipaglaro sa isang bata doon sa pinaka sulok.Mabilis kong ito dinaluhan at kinarga. "Baby bakit ka naman umalis doon? Natakot si mommy," kausap ko sa kanya. Ngumiti ang anak ko at hinalikan ako sa pisnge.Napangiti naman ako. Mabilis akong pumunta sa pwesto ng asawa ko. Sinalubong niya kami ng isang mahigpit na yakap. "Don't do that again Simon. Nag-alala ang mommy at daddy," kausap rin niya sa anak namin."I think we need to go home na baby," aniya sa akin."Mabuti pa love para makapag pahinga ang mga bata," sagot ko sa kanya.Lumabas na kami sa palaruan at bumiyahe na pauwi sa mansiyon nila. Habang nasa daan kami ay tulog na
Bumalik kami ng Maynila. Doon mismo kami umuwi sa mansiyon nila. Hindi ko alam kung ano ang plano ng asawa ko. Hindi namin isinama ang dalawang bata tanging ang kambal lang.Kapag naging okay na ang lahat ay susunduin niya ang dalawa. Malapit na kami at sobra ang kaba na nararamdaman ko ngayon."Love are you sure about this? Kinakabahan ako," sabi ko sa kanya."Of course baby. H'wag kang mag-alala tatlong araw lang tayo dito. Aayusin ko ang lahat," aniya sa akin. Pagdating namin ay sinalubong kami ng mommy niya pero hindi niya ito pinansin. Nakita ko na nasaktan ang mommy niya.Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa niya. Ngayon ay naiisip ko ang binabalak niyang gawin. Alam ko na nais niyang ipakita sa mga magulang niya na wala silang magagawa laban sa kanya."Kumusta po kayo?" Tanong ko sa mommy niya."I'm fi—""Baby pumasok kana. Kailangan ng magpahinga ng kambal," saad sa akin ng asawa ko. Hindi na niya pinatapos magsalita ang mommy niya.Medyo nailang ako sa nanyari hindi ko alam ko