JOSHUA POV CAFETERIA SA CAMPUS Nakamasid lang ako sa ginagawang pangungulit ni Jameson kay Julie, hindi ko maiwasang mapatitig sa kagandahan niya. Na-cha-challenge din ako sa kaniya dahil sa pagiging suplada niya. Ayoko kasi sa lahat yung babaeng halos ihain na ang sarili sa ibang lalaki kagaya ng ibang babae na lumalapit sa akin. Hindi ako maarte sa pagpili ng babae kaya hindi pa ako nag-gi-girlfriend hanggang ngayon pero lagi kong pinahahalagahan ko ang payo palagi sa akin ni Mommy na hindi isang laruan ang mga babae na pagkatapos pagsawaan ay itatapon na lang basta. Mataas ang respeto ko mga babae dahil ayokong mangyari sa kapatid kong babae ang gagawin ko sa makakakarelasyon ko kaya naman hanggang tingin lang ako hangga’t hindi pa ako siguradong ito na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Saksi ako sa pagmamahalan ni Mommy at Daddy . Iniidolo ko ang mga ito kung paano nila pangalagaan ang isa't-isa. “Jake ano ba ni Jameson si Julie?! Bakit kanina pa niya kinukulit s
JOSHUA POV "Kuya Guard naiwan ko po ang susi ng kotse ko sa locker room. Babalikan ko lang po mabilis lang ako pramis. Pagkakuha ko ay lalabas na din ako!" desperado kong pakiusap sa security guard na naka-assign ng mga oras na yun. Sarado na ang buong campus, naka lock na din ang gate kaya hindi ako sigurado kung papayag ito. Pinarada ko kasi ang aking kotse sa katabi na restaurant sa aming campus kanina. Mabuti na lamang at may taglay itong kaibitan at pinayagan ako sa aking pakiusap. “Sige iho pero bilisan mo lang. Hindi ko naman maaaring buksan ang ilaw gamitin mo na lang itong flash light ko kung gusto mo.” Sabi pa ng matandang security guard sa akin. “Okay na po siguro tong cellphone ko . Mabilis lang po ako tatakbuhin ko na lang ang locker area tutal sa pangatlong room lang naman ito." sagot ko naman sa kanya. "salamat po talaga sa inyo." Binuksan ko na ang flashlight sa aking cellphone, at saka ako mabilis na tumakbo papasok sa loob ng campus . Tinungo ko ang direksyon ku
JOSHUA POV Weekends na naman ang bilis lang ng araw parang kelan lang ay kakapasok ko pa lang sa eskwelahan ngayon ay pahinga na naman. Hindi muna ako bumangon sa higaan hinayaan kong tumama sa aking mukha ang sinag ng araw na nagmumula sa siwang ng kurtina. Hindi mawala sa isip ko ang ngyari kahapon sa locker room. Awang awa ako kay Julie. Nais ko sana siyang kamustahin pero walang paraan dahil hindi ko alam ang kaniyang numero sa telepono , naka private naman ang kaniyang mga social media account. Napapakapit ako sa aking ulo, “iba ka talaga Julie” napapangiti kong sabi sa aking sarili. Maya maya pa ay biglang mag ring naman ang aking cellphone. Nakita kong tumatawag si Mommy sa akin. Tumayo ako at naglakad patungo sa Veranda bago ko ito sinagot. “Hi Mommy! Kamusta po kayo diyan?” Masigla kong tanong kay Mommy. Tinapat naman niya kay Daddy ang telepono " Hi Dad!" Kuamway naman ito sa akin, as usual busy na naman si Daddy kakatingin sa stocks exchange kaya tutok na naman siya sa
“Aba bastos tong gag*ng to aa! “ hinila niya ang aking braso at muli niya akong sinuntok sa pagkakataong ito ay hindi ko na ito pinalampas pa. Sinuntok ko din ito pabalik. Nagkagulo na kaming lahat, hindi naman ako pinabayaan ni Jake tinulungan ako nito 5 laban sa 2 ang naging bilang namin. 5 sila Kevin at kaming 2 lang ni Jake ang lumaban , dito ko napagtanto na hindi maasahan itong sila Jameson pagdating sa ganitong bagay. Umiwas ito at inangat ang kaniyang kamay tanda na hindi siya kasali sa away na iyon.“Wooohh! Kay Kevin ako!”“Kay Joshua ako. Go Joshua!” Akin na ang pusta mo. Malakas na naghihiyawan ang mga kapwa namin estudyante sa kanilang nasaksihan na akala mo ay nanood ng isang entertainment movie. Tuloy ang aming pagsusuntukan ng marinig namin ang malalakas na pag pito mula sa aming security guard. Agad naman kaming nagbitaw sa pagsigaw ng security guard. Gunit gunit ang aming damit at duguan ang aking mga labi gayundin si Kevin na duguan ang kaniyang kilay."Hindi na ta
"Sino ka para ganyanin ang anak ko! lapastangan!" Nakatiim bagang na sabi ni Daddy. "Im sorry Mr. Eduardo pero hindi niyo ata naturuan ng maayos ang anak ninyo, kaya dahil sa pagiging bastos niya ay kailangan na namin siyang i -kick out sa eskwelahang ito. Hindi siya nababagay dito" mayabang na sagot ni Mr. Suarez kay Daddy. Hindi naman sumagot si Daddy bagkus ay humarap siya sa amin at tinanong ang aking kaibigan"Jake ano bang nangyari dito?" "Naku tito ,sila Kevin naman po talaga ang nangunguna, unang beses na sinuntok nila si Joshua hinayaan na nga sila pero hindi pa rin tumigil talagang hinabol pa nila si Joshua kaya nakipag rambulan na po kami. Napaka-bully naman talaga ng grupo niyan pati yan ding si Mizzy" nakakapit si Jake sa kaniyang panga habang nagkukwento kay Daddy. "Have you heard what this student say Mr. Suarez?" seryosong tanong ni Daddy kay Mr. Suarez, kilala ko ang Daddy ko hindi siya mahilig sumuong sa kahit na anong away namin ni Lindsay pero iba na kasi ang si
JULIE POVBalitang balita sa buong campus ang nangyari kila Mizzy, hindi ko inaasahan na ganoon pala kayaman itong si Joshua. Ganun pa man ay hindi iyon ang dahilan kung bakit nais kong magpasalamat sa kaniya. Dahil sa humigit kumulang 2 taon na pagtitiis mula sa pambu-bully nila Mizzy sa akin sa wakas ay magkakaruon na ako ng katahimikan. Ito na ang huling araw nila Mizzy sa campus, kasabay ng kanilang pag-alis ang pag-iimpake ng kaniyang Daddy dahil sa pagkakatanggal nito sa trabaho ng dahil sa pangyayari sa pagitan nila Kevin at Joshua.Mabilis na lumipas ang isang taon. Nagtapos na naman ang aming klase, naging mapayapa na ang eskwelahan sa pagkakaalis nila Mizzy, naging magaan para sa lahat ng estudyanteng tapusin ang school year ng walang iniiwasan. "Julie mamaya yung party sa bahay wag kayong mawawala aah! asahan ko kayo?" sabi ni Jameson sa akin, nagpupumilit ito na papuntahin ako sa kanilang bahay"naku Jameson hindi ako sure, madami pa kasi akong gagawin bukas!" pagdadahila
JULIE POV Kasabay ng pag-alis nila Joshua mula sa party na hinanda ni Jameson ay sya din naming pag-alis.. Napagdesisyunan naming umuwi na din dahil sa sobrang kalasingan nila Jameson ay nagiging makulit na ang mga ito. Dumagsa na din ang mga bisita niyang gumagamit ng weeds , naging mapilit din si Joshua na sumabay na kaming umuwi sa kanila kaya naman sabay sabay na din kaming nagpaalam kila Jameson. Pilit man kaming awatin ni Jameson ay nagmatigas si Joshua sa kaniyang uuwi na kaming magkakasabay dahil sa takot din siya sa kayang gawin ni Joshua ay hindi na siya nagpumilit pa. Napapatitig naman ako kay Joshua sa lahat ng pinapakita niyang kabaitan sa akin. Sumabay naman ako sa sasakyan kila Nicole. Kahit na nag insist si Joshua na ihatid ako sa aming bahay ay hindi ako pumayag sa kadahilanang ayokong makita siya ni Mommy. Sinabihan ko siyang kila Nicole na lang ako sasabay. Pagdating sa aming subdivision, hindi naman na ako nagpahatid kay Nicole hanggang sa tapat ng aming bahay p
Binaba naman ni Kevin at mayabang na pinuntahan ang sasakyang humarang sa aming harapan. Kinatok niya ang salamin ng sasakyang iyon. Laking gulat niya ng lumabas mula sa driver seat si Joshua. Maski ako ay nagulat sa kanyang pagsulpot. Hindi ko inaasahang darating ito sa oras na kakailanganin ko siya. "anong ginagawa mo dito Joshua?" natatarantang tanong ni Kevin. Kita sa mukha nito ang takot ng makita si Joshua. Hindi niya maintindihan kung babalik ba siya ng sasakyan o mananakbo papalayo. "Hindi pa ba kayo nadadala?! Ibaba niyo na si Julie ng hindi na tayo magkagulo!" matapang pero mahinahon na pagkakasabi ni Joshua kay Kevin. Agad naman napabalik sa sasakyan si Kevin. Gusto pa sana nitong patakbuhin ang sasakyan pero humarang si Joshua sa harapan nito. Walang nagawa sila Kevin kundi ang pababain ako at humarurot papalayo kay Joshua. Kilala niya si Joshua, kaya siyang patumbahin nito at alam na alam niya iyon dahil naranasan na niyang makasuntukan itong si Joshua noon sa campus.