Unexpected Meet Up
Xander's POV
Sampung taon na ang nakararaan...
Kadarating ko lang noon mula abroad. Kinailangan ko kasing umuwi muna para dumalo sa kasal ni Kuya Kyle. Kasalukuyang binabaybay ng aking kotse ang kahabaang kalye sa aming subdivision ng isang itim na van ang mabilis na lumabas sa isang mansyon na naroroon. Hindi ko na sana iyon papansinin ngunit bigla kong naalala na ang mansyong iyon ay pagmamay-ari nila Zari.
'Bumalik tayo. Bilis.'
Kaagad namang minaniobra pabalik ng aking driver ang kotse. Sa malayo pa lang ay pansin ko ng bukas ang malaki nitong gate. 'Josh, hindi maganda ang kutob ko.'
'Ganoon din ako, Second Young Master.'
'Maging alerto ang lahat.' Sabi ko sa aking mga bodyguards.
Pinahinto ko ang kotse, isang bahay mula sa mansyon at dahan-dahan kaming bumaba. Tahimik ngunit alerto kaming pumasok sa loob ng bakuran.
'Second Young Master... may nakahandusay na mga katawan sa banda roon.'
Nakaramdam ako ng kaba sa aking narinig. 'I-check n'yo ang loob. Bilis.'
Nilapitan ko ang nakahandusay na mga katawan. At ganoon na lang ang aking pagkagulat ng makilala ko kung sino ang mga ito.
'Tito.' Tawag ko dito at kaagad ko itong dinaluhan. Hinawakan ko ang palapulsuhan nito ngunit wala na akong maramdaman. Katabi nito si Tita na katulad nito ay wala na ring buhay. 'Hanapin n'yo ang Young Miss.'
'Second Young Master, hindi po namin makita ang Young Miss.' Sabi ng isa sa mga bodyguards ko makalipas ang ilang minutong paghahanap. 'Halughugin n'yong muli ang buong paligid. Kung namatay din siya, naririto lang din ang kanyang katawan.'
Kaagad namang tumalima ang aking mga bodyguard. Isa-isang hinalughog ang bawat parte ng bahay. Makalipas ang limang minuto, nagbalik ang mga ito at nagsabing wala talaga itong matagpuang ibang labi sa buong paligid.
'Marahil ay nakatakas siya.' Sambit ko. 'Mag-imbestiga kayo sa mga karatig-lugar. Pero bago iyon dalhin muna ninyo ang katawan nila Tito sa punerarya.''Josh, anong oras nga pala ang flight ko mamaya?' Tanong ko dito matapos akong maalimpungatan. Nakaidlip pala ako.
'Alas otso ng gabi, Second Young Master.'
'Good. Mahaba pa ang oras.' Sabi ko dito habang nakatingin sa suot kong Rolex. Alas tres pa lang kasi ng hapon. Inabot ko ang aking coat at saka 'yun isinuot. 'Dumaan muna tayo saglit sa L Institute.'
'Okay, Second Young Master.'
Within forty-five minutes ay narating na namin ang L Institute.
'Good afternoon, Second Young Master.' Masayang bati sa akin ng receptionist ng makita nitong papalapit ako.
'Good afternoon.' Balik na sagot ko naman dito. 'Nasa opisina niya ba si Dr. Sandoval?'
'Yes, Second Young Master.' Sagot nito.
'Pakiabisuhan naman s'ya na papunta na ako.'
Nagdial ito saglit sa telepono at saka may kinausap. 'Second Young Master, nainform ko na ang secretary ni Dr. Sandoval. Puwede n'yo na s'yang puntahan sa opisina n'ya.'
'Thank you.'
'You're welcome, Second Young Master.'
Naglakad na ako patungo sa opisina ni Dr. Sandoval. Habang binabaybay ko ang hallway, bigla akong napahinto sa paglalakad. 'Josh.'
'Yes, Second Young Master.' Nagtatakang sagot nito.
'Pakicheck kung nasa opisina pa n'ya si Dra. Lopez.' Seryoso kong utos dito.
'Okay, Second Young Master.' Pigil ang ngiti na sagot ni Josh. 'Sabi ko na nga ba eh. Hindi rin nakatiis.'
'Ano 'yun, Josh?'
'Wala, Second Young Master. Maiwan ko muna kayo at magtatanong lang ako sa mga naririto.'
Tumango lang ako dito at saka naglakad ng muli. Malapit na ako sa opisina ni Dr. Sandoval ng matanaw ko sa dulong side ng hallway si Zari. May kausap itong lalaki. Mukhang seryoso at masinsinan ang kanilang pinag-uusapan. Marahil ay isa ito sa mga staff ng L Institute base na rin sa suot nitong puting lab coat.
'Second Young Master.' Narinig kong tawag sa akin. 'Nand'yan ka lang pala.'
Nalingunan ko si Dr. Sandoval. Nakalapit na pala ito sa kinatatayuan ko.
'Sinong tinatanaw mo d'yan, Second Young Master?' Curious na tanong nito saka bumaling rin ng tingin sa dulong side ng hallway.
'Wala. Akala ko kakilala ko.' Tugon ko sabay tulak dito pabalik sa opisina nito.
'Kala ko naman nakita mo na ang magiging Ms. Right mo kaya ka natulala d'yan.' Nanunukso pang sabi nito.
Tsk! Napapailing na lang ako sa sinasabi nito. High school classmate ko si Dr. Kurt Sandoval. Isa ito sa mga matalik kong kaibigan. Makulit. Maharot. Pero matalino. Ganyan ko ito ilarawan. Pangarap talaga nitong maging doktor dati pa. Kaya nga hindi na ako nagulat ng malaman kong ganap na doktor na ito ngayon.
Si Dr. Kurt Sandoval ay isang instructor at head ng pediatrics department ng L Institute.
'Masyado kasing mataas ang standard mo, bro. Kaya hanggang ngayon wala ka pa ring girlfriend.' Patuloy pa ring sabi nito. 'You're turning thirty this year... baka nakakalimutan mo.'
'Yeah, I know.' Sagot ko dito habang papaupo sa couch na naroroon sa loob ng opisina nito. Palibhasa may asawa na ang kumag kaya ganito na lang magcomment sa akin.
'Maiba tayo.' Natatawang sabi nito. 'What brought you here?'
'Nothing in particular.'
Tsk! Narinig kong palatak nito. 'Bro, wala ka sigurong magawa sa opisina mo kaya ako itong napili mong abalahin.' Napapailing na sabi nito.
'Buti alam mo.' Natatawang sabi ko dito. 'May kailangan lang akong asikasuhin na malapit dito kaya I drop by.'
'Ahh...' Tatango-tangong reaksyon nito.
Tok! Tok!
Napahinto ang pag-uusap namin ni Kurt ng bumungad si Josh sa pinto.
'Second Young Master, nandito pa ang Young Miss.'
'Okay.' Sagot ko kay Josh saka tumayo. 'Kurt, I'll go ahead. Sa ibang araw na lang natin ipagpatuloy ang kwentuhan.'
Hindi ko na nahintay ang tugon ni Dr. Kurt sa akin dahil mabilis na akong lumabas ng kanyang opisina.
xxxxx
Zari's POV
Seryoso at masinsinan kaming nag-uusap ni Dr. Reyes ng maramdaman kong may nakatingin sa akin. Ngunit imbis na pansin kung sino iyon ay minabuti ko na lang na huwag na.
'Kung may iba pa kayong concern regarding sa bago nating project, Uncle Mart... don't hesitate to approach me.'
Si Dr. Mart Reyes ay matalik na kaibigan ng aking ama at isa rin ito sa mga senior researcher nila sa L Institute.
'Sure, hija.' Sagot nito. 'I'll remember that. Mauna na rin ako sa'yo at babalik pa ko sa lab.'
Tumango ako kay Uncle Mart bilang tugon. Nang maiwan ako ay hindi ko mapigilang tumingin sa gawi na kung saan ko naramdamang may nakatingin kanina. Wala naman akong nakitang tao roon kaya napakibit balikat na lang ako at bumalik sa opisina.
'Young Miss, someone's looking for you?' Sabi ni Stella sa intercom makalipas ang ilang minuto.
'Okay. Papasukin mo.'
Nagtungo ako sa pantry. Coffee time na. Kaya magtitimpla muna ako ng kape. 'Saglit lang.' Sabi ko ng marinig kong bumukas ang pinto. Wala akong narinig na response sa kung sinomang pumasok kaya mabilis ko ng tinapos ang paggawa ng kape.
Pagbaling ko... 'S***!' Nabuhos ang dala kong kape sa dibdib ng taong kaharap ko.
'Sorry.' Sabi ko habang mabilis na inabot ang tissue na ipangpupunas ko dito.
'It's okay, babe.' Sagot nito. 'Alam ko namang hindi mo sinasadya.' Nabigla ako ng mabosesan ito. Si Xander pala.
'S***!' Mariing sabi ko. Mas lalo akong nataranta. Pero hindi ako nagpahalata. 'Take off your shirt... faster.'
Tumalima naman ito sa utos ko. Iniwan ko ito saglit para kunin ang first aid kit. Pagbalik ko ay natanggal na nito ang suot na pang-itaas. Binuksan ko ang first aid kit at kinuha ang burn ointment doon.
'S***!' Sabi ko ng makitang mapula ang bahagi ng d****b nitong natapunan ng kape. Maputi si Xander kaya kitang-kita iyon. S***! Napakainit pa naman ng kapeng ginawa ko. 'Please bear the pain.' Bulong ko habang dahan-dahang nilalagyan ng ointment ang d****b nito. Habang ginagawa ko 'yon ay hinihipan ko para maibsan ng kaunti ang kirot na nararamdam nito.
'Babe... don't feel guilty.' Bulong nito sa akin. 'Ako naman ang may kasalanan.'
'Eh, bakit nga kasi sinalubong mo ko?' Naiinis na sabi ko dito.
'Ang tagal mo kasi. Kaya nacurious ako kung anong ginagawa mo.'
'Ahhh...' Sabi ko at medyo diniinan ng bahagya ang pagpapahid ng gamot sa d****b nito. 'Curiosity killed the cat.'
'Ouch!'
Natawa ako sa reaksyon ni Xander kaya muli kong inulit ang aking ginawa. 'Babe... masakit kaya.'
'Dapat lang 'yan sa'yo. Pasaway ka kasi.'
'Ahh... ganon.' Hinila ako ni Xander palapit sa kanya.
'Hey! 'Yung d****b...' Nabitin ang iba ko pang sasabihin ng halikan nito ang aking labi. Hindi ko 'yon inaasahan kaya hindi ako napakagreact. Kinailangan pa akong kagatin nito ng bahagya para makuha ang response ko. Napaawang ang aking labi dahilan para samantalahin nito ang pagkakataon. Sinuyo ng labi nito ang labi kong kinagat nito kanina. Matamis at tila nanghihikayat ang paraan nito ng paghalik. Kaya hindi ko napigilan ang tumugon dito.
Sa pagtugon kong iyon ay mas lumalim pa ang paghalik ni Xander sa akin. Mas naging mapusok pa ito. 'Xander...' Pigil kong sabi dito ng maramdaman kong bumaba na ang labi nito sa leeg ko. 'Please.'
'Please, what babe?' Narinig kong bulong nito habang patuloy pa rin sa paghalik sa leeg ko.
'Please... stop.' Hinihingal kong sagot dito.
'Are you sure, babe?'
'Yes.' Hinihingal ko pa ring sagot dito.
Huminto si Xander sa ginagawa at mataman akong tinitigan. Tumingin din ako sa kanya ng diretso. 'Okay.' Mayamaya'y narinig kong sabi nito. Humalik muna ito sa aking noo bago bumitaw ng pagkakayap sa aking baywang.
Nakahinga ako maayos ng gawin nito iyon. Buti na lang may pagpipigil pa ko sa aking katawan at maging ito rin. Dahil kung hindi, paniguradong may nangyari na sa amin ngayon. Yes! As in ngayon! At dito pa sa loob ng opisina ko.
It's ComplicatedZari's POV'Dalhin mo na 'tong burn ointment.' Sabi ko kay Xander matapos kong maayos ang nagulo kong damit. Tumingin ako sa gawi nito. Nakasuot na ito ng damit pang-itaas at kasalukuyang nagsusuot ng coat. 'Okay.' Napansin kong tabingi ang necktie nito kaya lumapit ako para ayusin 'yun. 'Thanks.' 'You're welcome.' At saka ko inabot ang burn ointment dito. 'Pahiran mo ng tatlong beses sa isang araw. Huwag mong pabayaan. Baka magpeklat.''Tatandaan ko.' Sagot nito sabay halik muli sa akin. 'Aba't... nakakarami ka na.' Inis kong sabi dito.'See you later, babe.' Nakangiting sabi nito bago lumabas ng aking opisina.Napabuntong hininga ako habang naguguluhan. Gusto kung mainis sa sarili ko. Bakit? Kasi hinahayaan kong gawin ni Xander ang mga bagay na hindi naman dapat. 'Yung halikan ako. 'Yung yakapin. Wala naman kaming relasyon in the first place. So... bakit ako pumapayag?'Ha! Zari... why?' Tanong ko sa aking sarili. Sa totoo lang, hindi ko rin talaga alam kung bak
Siblings MeetingXander's POVPagdating ko sa airport, sa office ng Air Pacific ako dumiretso. Ang Air Pacific ay under ng Araneta Group of Companies. Ang nakatatanda kong kapatid na si First Young Master Kyle ang CEO nito. 'Good afternoon, Michelle.' Bati ko sa front desk officer na naroroon. 'Busy pa ba si Kuya Kyle as of the moment?''Good afternoon, Second Young Master.' Ganting bati rin nito sa akin. 'May tinatapos lang na meeting ang First Young Master. Pero nagbilin s'ya na dumiretso na daw kayo sa opisina n'ya.''Okay. Thanks.''You're welcome, Second Young Master.'Nagtungo na ko sa opisina ni Kuya Kyle. Pagpasok ko roon ay naabutan kong prenteng nakaupo sa couch si Dave habang nagbabasa ng magazine. Si Dave ang pangatlo sa aming magkakapatid. Ito naman ang namamahala sa mga negosyo ng pamilya na may kinalaman sa recreation industry.'Bro...' Bati nito sa akin.'Good thing you're here, Dave.''Tinawagan ako ni Kuya Kyle. May dinner meeting nga daw kayong dalawa. Ang sabi ko,
The ConventionZari's POVPasado alas diyes y medya na ng gabi ng marating namin ang Golden Cove. Ang Golden Cove ay isang five-star hotel. Sa malaking conference hall nito gaganapin ang convention na aking dadaluhan.Bago kami nagtungo ni Stella sa kanya-kanya naming silid ay nagbilin muna ako sa kanya ng ilang mahalagang bagay. Magkatabi lang naman ang silid naming dalawa. Kaya just in case na may kailangan ako sa kanya ay accesible naman. Maganda ang naging tulog ko kaya maaga akong nagising kinabukasan. Nagcheck muna ako ng ilang email messages bago ako gumayak.Mag-aalas siete na ng umaga ng katukin ako ni Stella sa aking silid. May kasama itong hotel staff na may tulak-tulak na cart na naglalaman ng mga pagkain.Sabay na kaming nag-almusal ni Stella. After noon ay nagretouch lang ako ng aking make-up at nagtungo na kami sa conference hall.Abala ang mga tao roon ng kami'y dumating yet they are accommodating. Inihatid kami ng event manager sa aking respective seat. From there, n
EmergencyZari's POV'Dra. Zari.' Salubong sa akin ng event manager matapos kong mag-discuss. May dala itong bouquet ng tulips. 'Maraming salamat, Dra. sa pagpapaunlak na maging guest speaker ka namin sa araw na ito. Nag-enjoy ang mga attendees at maging kami rin.' Inabot nito sa akin ang dala nitong tulips.'You're welcome and it's my honor.' Sabi ko dito. 'Masaya ako at maraming naka-appreciate ng talk ko.' 'By the way, Dra. Zari nais ng management na personal kayong pasalamatan regarding sa pagiging successful ng event na ito. Kaya inaanyayahan namin kayo for dinner with the boss.''Sure no problem.' Kaagad kong sagot dito ng biglang tumunog ang cellphone ko. 'Excuse me for a while. Sasagutin ko lang ito saglit.''Sige, Dra. Zari.'Lumayo ako ng kaunti sa karamihan. Isang unknown number ang nakaflash sa screen ng aking cellphone. 'Hello.' Sagot ko dito. 'Hello, Young Miss.' Sabi ng nasa kabilang linya.'Sino 'to?' Tanong ko. 'Saka anong kailangan nila?''Young Miss, si Mara 'to.
The AccidentZari's POVMasaya, presko ang hangin, malapit sa kalikasan, at saka maraming puwedeng paglibangan. Ito ang mga naranasan ko habang namamalagi ako sa lupain ni Uncle James. Kasakasama ko sa paglibot sa buong lugar ang anak nitong si Mara. Kaidaran ko lang ito kaya mabilis kaming nagkapalagayan ng loob. Nagkaroon ako ng bagong kaibigan.Sa paglipas ng mga araw, unti-unti kong natanggap na wala na talaga ang mga magulang ko. Nabawasan na ang kirot sa aking puso. Nawala na ang habag ko sa aking sarili. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakamove-on na pala ako.Malaking tulong ang ipinakitang suporta at pagmamahal ni Uncle James at Mara sa akin. Sila ang nagsilbing karamay ko. 'Young Miss, nandito na tayo.' Sabi ni Stella na pumutol sa malalim kong pag-iisip.'Okay.' Bumaba kaming dalawa sa kotse. Natanaw kong nakaupo si Mara sa di-kalayuan. Lumapit ako dito.'Mara.' Tawag ko. Lumingon ito sa akin at saka umiiyak na yumakap. 'Don't worry. Everything will be okay.'Hinayaa
Enemies to LoversXander's POV'Nasaan kayo?''Pabalik na sa hotel.' Sagot ng nasa kabilang linya.'Okay.' Pinalipas ko muna ang sampung minuto, bago ako lumabas ng aking silid.'Second Young Master, nakabalik na ang Young Miss sa kanyang silid.' Ulat ni Josh habang nakasunod sa akin. Hindi ako umimik bagkus ay didiretso akong naglakad patungo sa silid ni Zari.'Hintayin mo na lang ako dito, Josh.' Bilin ko dito saka ko binuksan ang pinto ng silid ni Zari gamit ang hotel room card.'Okay, Second Young Master.' Narinig ko pang sagot ni Josh. Mag-uusap lang naman kami ni Zari ng masinsinan. Kaya napilitan akong pumasok sa silid niya. Dahil kung hindi ko ito gagawin ay malamang sa malamang na iiwasan lang ako nito.Tahimik sa loob ng silid. 'Zari.' Tawag ko dito ngunit walang sumasagot. Humakbang pa ko papasok hanggang sa makita ko ang kanyang kama. Walang tao roon. Nasaan kaya ang babaeng 'yon?Nang biglang... 'Ahhh...' Nalingunan ko si Zari. Ibinato nito sa akin ang isang vase. Buti n
My SaviorZari's POV'Young Miss... Are you...' Nag-aalalang bungad ni Stella sa pinto. Binuksan nito ang pinto ng silid ko gamit ang emergency hotel room card. 'Narinig kong may nabasag mula dito.''I'm fine, Stella.' Sagot ko dito habang winawalis ang mga bubog sa sahig. 'Aksidenteng natabig ko ang vase.''Ako ng gagawa n'yan, Young Miss.' Sabi nito habang papalapit sa akin.'Hindi na, Stella. Magpahinga ka na. Ako ng bahala dito.'Batid kong ayaw pa nitong iwan ako. 'Kaya ko na 'to. Salamat.''Sige, Young Miss.' Sabi nito habang papalabas ng silid. 'Kung may iba pa kayong kailangan, tawagan n'yo lang ako.' Tumango ako dito bilang sagot. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na itong makalabas. Napansin ko kasing paikot-ikot ang mga mata nito sa loob ng silid. 'So... tayo na lang ulit ang nandito.' Bulong ni Xander sa likuran ko sabay yakap. 'Alam mo ikaw, mapagsamantala ka.' Sabi ko dito.'Hey! How come?' Tanong nito habang inihaharap ako sa kanya. 'Wala naman akong ginawa na laba
Tiring DayXander's POVNaisandal ni Zari ang nanginginig nitong katawan sa akin ng tuluyan ng makalayo ang taong humahabol dito. 'Xander...' Tawag nito sa pangalan ko. May bahid ng takot ang boses nito. Dama ko 'yon kaya hinapit kong lalo ang katawan nito sa akin.'Babe.' Nag-aalalang sagot ko dito. Ang pagkakasandal nito sa akin ay maihahambing sa lantang gulay. Na anumang sandali ay maaari itong mabuwal. Walang pagdadalawang isip na binuhat ko ito paalis sa silid na iyon.Dinala ko ito sa aking silid. Tuluyan na rin itong mawalan ng malay. Kaya sa kama ko ito idineretso. Doon ko ito inihiga ng maayos. 'Magpahinga ka muna, babe.' Bulong ko dito. 'Huwag kang mag-alala. Hindi kita iiwan.' Kinumutan ko muna ito bago ako kumuha ng isang upuan at pumuwestong maupo malapit dito.Napatitig ako kay Zari. Wala ng bakas ng anumang takot sa mukha nito ngayon. Kalmado at payapa na itong natutulog. Napabuntong hininga ako. Hindi ko makalimutan ang reaksyon nito kanina habang tumatakbo ito sa kah
Uncle James WhereaboutsZari's POV'Tulad ng?' Seryosong tanong sa akin ni Xander.'Matutulungan mo kong tukuyin kung sino talaga ang salarin sa pagpatay sa mga magulang ko. Matutulungan mo kong hanapin si Uncle James.' Wika ko. 'Saka matutulungan mo rin akong alamin kung sino ang tao sa likod ng mga nangyayari sa akin recently.'Diretso akong tumingin kay Xander matapos kong sabihin iyon. Naghihintay sa kung anong magiging komento nito. Hindi ito kaagad tumugon. Nananatili itong tahimik. Tuloy hindi ko mawari kung payag ba 'to o hindi. Ang hirap namang mag-assume.Walang anu-ano ay biglang tumawa si Xander. 'Anong nakakatawa?' Takang tanong ko dito.'Babe, masaya lang ako na ganyan ka pala katiwala sa 'kin.''Ikaw lang kasi ang alam kong pupuwedeng pagkatiwalaan ko bukod kay Stella.' Sabi ko. 'So? Payag ka bang tulungan ako?''Oo naman, babe. Hindi ka naman na iba sa akin. Kaya willing na willing akong tulungan ka.''Salamat.' Nakangiti kong sabi dito. 'Yung tungkol sa payment, i-sen
Help MeZari's POV'Ano ba naman 'yan. Minsan na nga lang mayaya sa bar... hindi pa nakapag-enjoy.' Sabi ko habang naglalakad kami ni Xander ng magkaholding-hands. Niyaya kasi ako nito na lumabas muna para makalanghap ng sariwang hangin. Natawa si Xander. 'Bakit parang ang sama yata ng loob mo?''Paanong hindi, eh 'yung dalawa na 'yun paasa. Matapos magyaya dito, iniwan na lang akong mag-isa.' Naiinis at tuloy-tuloy kong sabi. Ramdam ko ng tipsy na ko. Kung anu-ano na kasing sinasabi ko.'Hayaan mo na. May ibang pagkakataon pa naman, babe.' Komento ni Xander habang inaalalayan akong maupo sa naroroong wooden bench. Napabuntong-hininga na lang ako. 'Hay! Ano pa nga ba? By the way, paano mo pala nalaman na nandito kami?''Coincidence.' Nakangiting sagot nito. 'Kapapasok pala namin ng matanaw kayo ni Josh sa dulong bahagi ng bar.''Tsk! Ang talas talaga ng paningin ni Josh. May pagkamatang-lawin.''I agree. Kaya nga isa s'ya sa pinakamagaling kong bodyguard at agent.'Mayamaya'y napah
Dave and CelineZari's POV'Nandito na tayo.' Nakangiting pahayag ni Alyssa. To end our get-together, naisipan nitong magbar-hopping naman kami.'Nice place.' Komento ko naman habang inililibot ang aking mga mata sa loob ng bar.Kaunti lang ang tao doon. Hindi katulad ng ibang bar na crowded. Ang sabi ni Alyssa, by membership daw kasi ang policy doon. Kaya limited lang ang puwedeng makapasok.'Yeah.' Segunda naman ni Celine. 'Saka safe tayo dito. Kahit na malasing tayo okay lang.'Under kasi ng Araneta Group ang establishment na ito. Kaya walang magtatangkang manakit o mambastos sa amin dito lalo pa't kasama namin si Alyssa.'Girls, shall we start the fun?' Nakangiting tanong ni Alyssa matapos maiserve ang ilang bote ng lady's drink. Ito na rin ang nagbukas ng mga iyon at nagsalin sa baso.Tawa lang ang naging sagot namin ni Celine. 'Okay dahil wala kayong objection, walang uuwi ng hindi lasing.' Patuloy pa na sabi ni Alyssa.'Cheers.' Sabay-sabay pa naming sabi sa isa't isa habang ha
Being DesperateXander's POV'Boss, may nakita kami.' Sabi ng isa sa mga agents ko.Nagmamadali akong lumapit sa kanila. Isang sikretong basement ang kanilang nakita. Sa unang tingnin hindi iyon mapapansin. Natatabunan kasi ito ng mga halamang baging.'Second Young Master, mukhang hindi ito basta-bastang mapapasok. Ginagamitan kasi ito ng passcode at iris scan.' Pahayag ni Josh.'Tingin ko hindi lang ordinaryong basement 'yan. Marahil ay may kaugnayan 'yan sa mga Lopez.' Sabi ko. 'Ibalik n'yong muli sa pagkakaharang ang mga halaman. Hindi natin 'yan mapapasok sa ngayon.'I made a mental note. Itatanong ko ang bagay na 'to kay Zari.Nagpunta kami sa bandang likuran ng mansyon. Wala naman akong napansing kakaiba roon. Kaya sinabihan ko sila na pasukin namin ang mismong loob.Nababalutan ng mga puting tela ang mga muebles doon. Ngunit kahit na ganun ay mababakas pa rin ang kasimplehan at eleganteng aura ng buong mansyon. Wala mang nakatira doon ay napapanatili ng caretaker na maayos ang l
Initial InvestigationZari's POV'Okay. Then, see you in two days.' Bulong ko kay Xander habang nakayakap ito sa akin.'Wala man lang ba 'kong goodbye kiss.' Ungot na sabi nito.Hinalikan ko na lang 'to ng mabilis sa labi para magtigil na. 'There.''Tsk! I didn't know na ganyan ka pala ka-clingy, Kuya Xander.' Narinig kong komento ni Alyssa na nakasilip na pala sa amin. 'Hayaan mo na ko, brat.' Sagot naman ni Xander sa kapatid. 'Alis na ko, babe.' Hinalikan muna ako nito sa pisngi bago bumaling sa kapatid. 'Brat, be good and behave.''Kuya Xander, naman. Anong akala mo sa 'kin batang paslit.' Natawa na lang si Xander sa reaksyon ni Alyssa. 'Sige na. Pumasok na kayo sa loob.''Bye, Kuya. Ingat ka.'Nang makaalis na si Xander ay nagmamadali naman akong hinila ni Alyssa papasok ng bahay. Pinaupo muna ako nito sa sofa bago nakahalukipkip na nagtanong. 'Kayo na ba ni Kuya Xander? Kailan pa? Bakit hindi namin alam?''Saglit lang. Magpapaliwanag ako.' Natatawa kong sagot sa sunod-sunod ni
Overnight Get-TogetherZari's POVSa wakas, weekends na. Ang totoo n'yan kahapon pa ko abala. Kahapon ko kasi ginawa ang paggo-grocery. Plinano kong maigi ang mga bibilhin ko. Hindi naman mapili sa pagkain sina Alyssa at Celine. Kaya hindi ako nahirapang mamili.Nagulat pa nga si Xander ng sunduin ako. Para daw akong nag-panic buying sa dami ng aking pinamili. Natawa lang ako sa naging reaksyon nito. Balak ko kasing punuin ng stocks ang aking ref at pantry.Excited na ko sa pagdating nina Alyssa at Celine. On the way na daw kasi ang mga ito. Pamayamayapa'y dumating na nga ang dalawa. Si Mark daw ang naghatid sa kanila. May dalang custard cake si Alyssa habang blueberry muffins naman ang kay Celine.'Ang dami n'yo namang dala.' Sabi ko habang ibinababa nila sa dining table ang kahon ng custard cake at muffins.'Kaunti lang ito, Ate Zari.' Nakangiting sabi ni Alyssa saka nakipagbeso-beso sa akin.'Mga favorite natin 'to. Kaya paniguradong mauubos 'to, Ate Zari.' Segundang hirit din ni C
Dinner DateXander's POV'Kumpirmado, Second Young Master.' Ulat na sabi ni Josh sa akin. 'Nandito nga s'ya.''Mabuti kung ganun. Gusto ko s'yang makita.'Nasa isang secluded area kami. Dito matatagpuan ang ospital na nagkanlong kay Uncle James matapos itong maaksidente. Sinamahan ako ni Josh sa silid na kinaroroonan nito. Kasalukuyan pala itong nasa ICU.'Matapos s'yang marescue ng team, dito nila s'ya dinala. Mga galos lang ang natamo n'ya mula sa aksidente. Ngunit dahil nananatili s'yang unconscious hanggang sa ngayon napilitan silang ilipat s'ya dito sa ICU.' Paliwanag ni Josh. 'For closed monitoring.''May chance pa daw ba s'yang magising?' 'Fifty-fifty, Second Young Master. Maaaring nasa state of shock pa daw ang pasyente. Makakatulong daw ang pagkausap dito ng ilang kaanak.' Sabi ni Josh. 'Ipapaalam n'yo na ba 'to sa Young Miss?''Kung kinakailangan.' Sagot ko. 'Pero hindi n'ya dapat malaman na ako ang tumulong sa kanya na mahanap si Uncle James. Si Stella na ang bahala. Alam
Alyssa and MarkXander's POVKasalukuyang papunta ako sa lokasyon ng photo shoot ng Everlasting. Ayon kasi kay Stella, naroroon daw sila ni Zari. Balak ko 'tong sunduin para sabay na kaming mananghalian.Masaya ako habang papasok doon. Lahat ng nakakasalubong ko ay binabati ako at tangong may kasamang ngiti naman ang tugon ko sa kanila. Ngunit ganun na lang ang pagkawala ng ngiti ko ng maabutan ko si Zari na may katabing isang guwapong lalaki. Nagtatawanan pa ang mga ito habang may kung anong pinag-uusapan.Dala ng bugso ng damdamin, inilang hakbang ko lang ang distanya ko sa kanila. Mabilis kong binuhat si Zari na para lang akong nagbuhat ng sako ng bigas at saka ko ito dire-diretsong inilabas. Kita ko sa reaksyon ng mga naroroon ang pagkabigla. Ngunit wala man lang ni isa sa kanila ang nakapigil sa akin. 'Xander... ano ba?' Inis na sabi nito sa akin. 'Ibaba mo nga ko.'Hindi ko 'to pinakinggan. Bagkus ay tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Huminto lang ako ng marating ko ang parki
I'm JealousZari's POVMaaga akong gumayak ngayong araw na ito. Schedule kasi ng photo shoot ng bago naming brand ambassador.Nagpahatid ako kay Stella sa lugar kung saan ito magaganap. Nadatnan kong abala doon ang lahat. Binati nila ako at saka muling bumalik sa kani-kanilang mga ginagawa.Nagtungo ako sa mismong pinakaset ng photo shoot. Maganda ang pagkakaayos noon. Tamang-tama lang sa theme na kailangan namin. Summer-inspired jewelry collection kasi ang bago naming ilulunsad. 'Hi, Ate Zari.'Lumingon ako. It was Celine. Siya ang magiging brand ambassador namin for this latest collection ng Everlasting. Nakangiti itong lumapit sa akin at nakipagbeso-beso.'Hello, Celine.' Nakangiting bati ko din dito. 'I'm happy to see you.''I'm happy to see you, too.' Lingid sa kaalaman ng iba, Alyssa, Celine, and I were friends. Nabuo ang friendship namin during school days pa. Ahead ako sa kanila at that time, pero madalas kaming nagkikita at nagkakasama sa mga school activities. Kaya nagkaroo