Dominant XanderZari's POVNagising ako na tuyong-tuyo ang aking lalamunan. Tubig. Nais kong uminom ng tubig. Naghanap ako sa bedside table ngunit wala akong nakita doon. Nalingunan ko si Xander sa aking tabi. Himbing na himbing ito sa pagkakatulog habang nakasandal.'Xander...' Tawag ko dito. Inabot ko ang suot nitong polo at bahagyang hinila.Nagising naman ito. 'Babe.' Nag-aalalang umayos ito ng pagkakaupo sa kama. 'Gising ka na pala.''Nauuhaw ako.' Sabi ko dito.'Saglit lang, babe. Ikukuha kita ng tubig.' Tumayo ito at saka lumapit sa mesang kinalalagyan ng isang pitsel ng tubig at baso. Kinuha nito ang mga iyon at muling bumalik sa aking harapan. Nakaupo na ko noon sa gilid ng kama.Nagsalin ito ng tubig sa baso at saka iyon iniabot sa akin. Uhaw na uhaw ako kaya naubos ko ang laman ng baso. 'Gusto mo pa ba?' Tanong nito.Tumango ako. Sinalinan nitong muli ang baso at ininom ko naman 'yon.'Salamat.' Sabi ko dito matapos iabot ang basong wala ng laman.'You're welcome. Nagugutom
Surprise VisitXander's POV'Josh, pasundan mo 'yung dalawa.' Wika ko matapos lumabas ng silid ko sina Zari at Stella. Bigla akong kinutuban. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa pag-alis ng dalawa. 'Huwag kamo nilang iwawala sa paningin nila si Zari.''Okay, Second Young Master.'Inhale! Exhale! Ikinalma ko ang aking sarili. Xander! Walang mangyayaring masama kay Zari. Tigilan mo na 'yang pagiging paranoid mo. Kinuha ko ang mga papeles na dala ni Josh kanina. For signing na daw ang mga 'yon. Doon ko na lang itinuon ang aking atensyon. Lumipas ang oras. Namalayan ko na lang na alas dos na ng hapon. Inihinto ko muna ang aking ginagawa at inabot ang aking cellphone.Nagsimula akong magtype ng message. Nasaan si Zari? Saka ko pinindot ang send button. Mayamaya ay nagreply ito. Isang larawan iyon. Kuha 'yon ni Zari sa isang restaurant habang kumakain. Okay. Bantayan n'yo s'yang maigi. Message kong muli. Nagthumbs up naman ito bilang reply.Nakahinga ako ng maluwag. Nabawasan ang aking pag
The Charity BallXander's POV'Hey! What happened? Why the long face?' Tanong ko kay Zari ng mapansin kong kanina pa 'to walang imik magmula ng umuwi.'Nothing.' Tipid na sagot nito.'I don't think so.' Sabi ko dito. Naupo ako sa tabi nito. 'Care to tell me? Malay mo makatulong ako.'Alam ko na ang nangyari dito kanina. Gusto ko lang na kusa itong mag-open up. Wala naman kasi ako sa posisyon para pangunahan ito tungkol sa mga negosyo nito.Tumingin ito sa akin at nagsimulang magkuwento. Tahimik lang akong nakikinig. Hinayaan ko 'tong magsalita ng magsalita. 'I know that I'm not perfect. Pero, it doesn't mean na hindi ko sineseryoso ang mga negosyo namin.' Wika nito. 'I always care. Ito ang bread and butter ng parents ko. Ito na lang ang natitirang alaala nila sa akin.'Niyakap ko ito. 'Don't be too hard on yourself, babe. Kung anuman ang makita at marinig mong hindi maganda, isantabi mo lang. What matters most is that you do your best.'Tumango ito habang nakayakap sa akin. 'Besides n
Xander's FamilyZari's POVDahil prestihiyosong maituturing ang charity ball na ito, naglipana sa paligid ang mga reporter, photographer, news personnel at media enthusiast sa entrance pa lang ng venue. Nakahawak ako sa braso ni Xander habang naglalakad kami sa red carpet. 'Are you alright?' Bulong nito sa akin habang kaliwa't kanan ang pagkuha sa amin ng litrato ng mga naroroong photographer.'Don't worry. I'm used to it.' Nakangiti ko pang sagot dito. 'Yun nga lang, required ba kong masanay sa mga matang nakatingin sa 'kin na may bahid ng inggit at selos?' Tukoy ko sa grupo ng mga kababaihan na masama ang tingin sa akin sa di-kalayuan.Napangiti ito. 'Don't mind them, babe.' Sabay hapit pa nito sa bewang ko.'But how? Eh, parang gusto na nila kong lapain ng buhay.' Exaggerated kong sabi dito habang patuloy sa paglalakad. 'Tuloy parang gusto ko ng magsisi na sumabay pa ko sa'yo.'Natawa ito sa sinabi ko. 'Bakit tawa lang ang reaksyon mo?' Tanong ko dito habang pinanlalakihan ito ng
Emergency OperationXander's POVMasasabi kong iba ang naging charity ball experience ko tonight. Mas masaya. Mas nag-enjoy ako. Taon-taon naman akong dumadalo, kami ng buong pamilya pero never ko pang naramdaman 'yung kakaibang excitement na nararamdaman ko ngayon kumpara sa mga previous charity ball.Maybe because Zari was here. She adds a little spice sa medyo seryosong ambiance ng buong charity ball. Madalas na nakatingin at nag-oobserba lang ako sa mga gawi nito. She easily get along with my family. Siguro dahil hindi naman talaga s'ya totally stranger sa mga ito. Our parents used to be business partners. Madalas na magkakasama ang mga ito noon sa mga iba't ibang business activities. Naalala ko pa ngang sabi ni mommy dati, proud na proud daw ito na naging kaibigan nito ang mga magulang ni Zari. Kaya nga ganun na lang ang lungkot nito ng malamang pinatay ang mag-asawa.Our family business partnership doesn't stop there. Kahit wala na ang mga magulang ni Zari ay patuloy pa ring si
Rest DayZari's POVWala akong kibo habang nasa biyahe kami ni Xander. Inaalala ko kasi ang aking pasyente. Si Mrs. Benedicto. Breast cancer survivor ito. Sa edad nitong kuwarenta y siete ay napagtagumpayan nito ang laban sa sakit na iyon. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nalagay na naman sa bingit ng alanganin ang buhay nito. Natagpuan na lang daw itong walang malay sa loob ng banyo. Maaaring nadulas ito. Ayon kay Dr. Domingo na s'yang sumuri dito, kinakailangan daw nito ng agarang operasyon. Nakitaan daw ito ng pamumuno ng dugo sa utak.At bilang dating doktor nito at head ng neurology department, ako ang naatasang magsagawa ng operasyon nito.'Babe, are you alright?' Nag-aalalang tanong ni Xander sa akin. Hindi na siguro nito matiis ang katahimikan ko.'I'm fine. Nagulat lang talaga ako sa pangyayari.' Sagot ko dito. 'Si Mrs. Benedicto ay para ko na ring ina. She was my mentor.''I see. Kaya pala ganyan na lang ang pag-aalala mo.' Tumango ako dito. 'Matulog ka muna. Para m
Liars Go To HellZari's POVNagising ako sa pangangawit ng aking leeg. Paanong hindi eh sa couch nga pala ako natulog. May silid-tulugan naman ako sa opisina. Talagang inilaan iyon sa akin para sa mga pagkakataon na kinakailangan kong mag-overnight stay sa L Institute. Pero hindi ko 'yon ginamit kagabi dahil wala naman talaga akong balik na doon matulog. Umupo ako ng maayos. Dahan-dahan kong ini-stretch ang aking leeg. Sa ginawa kong 'yon ay bahagyang nabawasan ang pangangawit ng aking leeg. Tumingin ako sa suot kong relo. Alas kuwatro na ng umaga.Nagtungo ako sa banyo. Naghilamos at saka nagpalit ng damit. Balak kong umuwi muna sa bahay. Ngunit bago 'yon ay dumaan muna ako sa recovery room. Nailipat na kasi doon si Mrs. Benedicto.'Good morning, team.' Bati ko sa mga naka-duty. 'How's the patient?''Good morning, Dra. Zari.' Ganting bati din nila.'Maayos naman ang lagay ni Mrs. Benedicto, Dra. Zari. Normal ang lahat ng kanyang mga vital signs at mabilis din ang response ng kanyang
Avoiding XanderXander's POVKatatapos lang ng meeting ko sa isang kliyente. Ang lokasyon n'yon ay malapit lang sa isang branch ng wellness spa na mina-manage ko. Kaya naisipan kong dumaan doon.Nang makapasok ako sa loob ay nakasalubong ko si Mariz Rodriguez sa hallway. Isa itong socialite at nagmula din sa mayamang pamilya.'Hi, Xander.'Tinanguan ko lang ito at diretso ng naglakad. Wala akong balak na kausapin ito. Hindi naman kami ganun kalapit sa isa't isa. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod nitong ginawa. Bigla na lang akong niyakap nito.'Bakit ba ang aloof mong masyado?' Tanong pa nito sa akin.'That's because he doesn't like you.' Sagot ng isang pamilyar na boses. Nalingunan ko si Zari. Nakatayo ito ilang dipa mula sa amin. 'Hi, babe.' Nakangiting bati nito habang papalapit. 'Bakit hindi ka man lang nagmessage na nandito ka na pala?' Sabay hawi nito sa braso ni Mariz na nakayakap pa rin sa akin. Hindi ako nakaimik sa ginawa nito.'Hey! How dare you?' Sabi ni Mariz na nabi
Dreadful News Zari's POV Matapos kong mabasa ang buong report kaagad akong nagpasama kay Stella sa lugar kung saan naroroon si Uncle James. Ayon kasi sa report, naka-confine daw ito sa isang pribadong ospital. Walang pagsidlan ang tuwa sa aking puso. Good news 'yon para sa akin. Uncle James is alive. Pagdating ko sa ospital, nalaman kong nasa ICU pala si Uncle James. Good thing dahil hindi naman daw ito kritikal. Normal naman daw ang lahat ng mga vital signs nito. Hearing all of this... pakiramdam ko gumaan ang dalahin ko. Nabawasan ng kaunti ang aking pag-aalala kay Uncle James. Sa sobrang saya ko nga, napatawag kaagad ako kay Xander. Ikinuwento ko dito na natagpuan ko na si Uncle James. 'That's good to hear, babe.' Komento nito. 'Masaya ako at nabawasan kahit papaano ang iyong alalahanin.' 'Tama ka. Ang laki ng iginaan ng pakiramdam ko. Knowing that Uncle James is alive... ang laking factor nun.' 'Ngayong nakita mo na si Uncle James, anong susunod mong plano?' Tanong nito
Uncle James WhereaboutsZari's POV'Tulad ng?' Seryosong tanong sa akin ni Xander.'Matutulungan mo kong tukuyin kung sino talaga ang salarin sa pagpatay sa mga magulang ko. Matutulungan mo kong hanapin si Uncle James.' Wika ko. 'Saka matutulungan mo rin akong alamin kung sino ang tao sa likod ng mga nangyayari sa akin recently.'Diretso akong tumingin kay Xander matapos kong sabihin iyon. Naghihintay sa kung anong magiging komento nito. Hindi ito kaagad tumugon. Nananatili itong tahimik. Tuloy hindi ko mawari kung payag ba 'to o hindi. Ang hirap namang mag-assume.Walang anu-ano ay biglang tumawa si Xander. 'Anong nakakatawa?' Takang tanong ko dito.'Babe, masaya lang ako na ganyan ka pala katiwala sa 'kin.''Ikaw lang kasi ang alam kong pupuwedeng pagkatiwalaan ko bukod kay Stella.' Sabi ko. 'So? Payag ka bang tulungan ako?''Oo naman, babe. Hindi ka naman na iba sa akin. Kaya willing na willing akong tulungan ka.''Salamat.' Nakangiti kong sabi dito. 'Yung tungkol sa payment, i-sen
Help MeZari's POV'Ano ba naman 'yan. Minsan na nga lang mayaya sa bar... hindi pa nakapag-enjoy.' Sabi ko habang naglalakad kami ni Xander ng magkaholding-hands. Niyaya kasi ako nito na lumabas muna para makalanghap ng sariwang hangin. Natawa si Xander. 'Bakit parang ang sama yata ng loob mo?''Paanong hindi, eh 'yung dalawa na 'yun paasa. Matapos magyaya dito, iniwan na lang akong mag-isa.' Naiinis at tuloy-tuloy kong sabi. Ramdam ko ng tipsy na ko. Kung anu-ano na kasing sinasabi ko.'Hayaan mo na. May ibang pagkakataon pa naman, babe.' Komento ni Xander habang inaalalayan akong maupo sa naroroong wooden bench. Napabuntong-hininga na lang ako. 'Hay! Ano pa nga ba? By the way, paano mo pala nalaman na nandito kami?''Coincidence.' Nakangiting sagot nito. 'Kapapasok pala namin ng matanaw kayo ni Josh sa dulong bahagi ng bar.''Tsk! Ang talas talaga ng paningin ni Josh. May pagkamatang-lawin.''I agree. Kaya nga isa s'ya sa pinakamagaling kong bodyguard at agent.'Mayamaya'y napah
Dave and CelineZari's POV'Nandito na tayo.' Nakangiting pahayag ni Alyssa. To end our get-together, naisipan nitong magbar-hopping naman kami.'Nice place.' Komento ko naman habang inililibot ang aking mga mata sa loob ng bar.Kaunti lang ang tao doon. Hindi katulad ng ibang bar na crowded. Ang sabi ni Alyssa, by membership daw kasi ang policy doon. Kaya limited lang ang puwedeng makapasok.'Yeah.' Segunda naman ni Celine. 'Saka safe tayo dito. Kahit na malasing tayo okay lang.'Under kasi ng Araneta Group ang establishment na ito. Kaya walang magtatangkang manakit o mambastos sa amin dito lalo pa't kasama namin si Alyssa.'Girls, shall we start the fun?' Nakangiting tanong ni Alyssa matapos maiserve ang ilang bote ng lady's drink. Ito na rin ang nagbukas ng mga iyon at nagsalin sa baso.Tawa lang ang naging sagot namin ni Celine. 'Okay dahil wala kayong objection, walang uuwi ng hindi lasing.' Patuloy pa na sabi ni Alyssa.'Cheers.' Sabay-sabay pa naming sabi sa isa't isa habang ha
Being DesperateXander's POV'Boss, may nakita kami.' Sabi ng isa sa mga agents ko.Nagmamadali akong lumapit sa kanila. Isang sikretong basement ang kanilang nakita. Sa unang tingnin hindi iyon mapapansin. Natatabunan kasi ito ng mga halamang baging.'Second Young Master, mukhang hindi ito basta-bastang mapapasok. Ginagamitan kasi ito ng passcode at iris scan.' Pahayag ni Josh.'Tingin ko hindi lang ordinaryong basement 'yan. Marahil ay may kaugnayan 'yan sa mga Lopez.' Sabi ko. 'Ibalik n'yong muli sa pagkakaharang ang mga halaman. Hindi natin 'yan mapapasok sa ngayon.'I made a mental note. Itatanong ko ang bagay na 'to kay Zari.Nagpunta kami sa bandang likuran ng mansyon. Wala naman akong napansing kakaiba roon. Kaya sinabihan ko sila na pasukin namin ang mismong loob.Nababalutan ng mga puting tela ang mga muebles doon. Ngunit kahit na ganun ay mababakas pa rin ang kasimplehan at eleganteng aura ng buong mansyon. Wala mang nakatira doon ay napapanatili ng caretaker na maayos ang l
Initial InvestigationZari's POV'Okay. Then, see you in two days.' Bulong ko kay Xander habang nakayakap ito sa akin.'Wala man lang ba 'kong goodbye kiss.' Ungot na sabi nito.Hinalikan ko na lang 'to ng mabilis sa labi para magtigil na. 'There.''Tsk! I didn't know na ganyan ka pala ka-clingy, Kuya Xander.' Narinig kong komento ni Alyssa na nakasilip na pala sa amin. 'Hayaan mo na ko, brat.' Sagot naman ni Xander sa kapatid. 'Alis na ko, babe.' Hinalikan muna ako nito sa pisngi bago bumaling sa kapatid. 'Brat, be good and behave.''Kuya Xander, naman. Anong akala mo sa 'kin batang paslit.' Natawa na lang si Xander sa reaksyon ni Alyssa. 'Sige na. Pumasok na kayo sa loob.''Bye, Kuya. Ingat ka.'Nang makaalis na si Xander ay nagmamadali naman akong hinila ni Alyssa papasok ng bahay. Pinaupo muna ako nito sa sofa bago nakahalukipkip na nagtanong. 'Kayo na ba ni Kuya Xander? Kailan pa? Bakit hindi namin alam?''Saglit lang. Magpapaliwanag ako.' Natatawa kong sagot sa sunod-sunod ni
Overnight Get-TogetherZari's POVSa wakas, weekends na. Ang totoo n'yan kahapon pa ko abala. Kahapon ko kasi ginawa ang paggo-grocery. Plinano kong maigi ang mga bibilhin ko. Hindi naman mapili sa pagkain sina Alyssa at Celine. Kaya hindi ako nahirapang mamili.Nagulat pa nga si Xander ng sunduin ako. Para daw akong nag-panic buying sa dami ng aking pinamili. Natawa lang ako sa naging reaksyon nito. Balak ko kasing punuin ng stocks ang aking ref at pantry.Excited na ko sa pagdating nina Alyssa at Celine. On the way na daw kasi ang mga ito. Pamayamayapa'y dumating na nga ang dalawa. Si Mark daw ang naghatid sa kanila. May dalang custard cake si Alyssa habang blueberry muffins naman ang kay Celine.'Ang dami n'yo namang dala.' Sabi ko habang ibinababa nila sa dining table ang kahon ng custard cake at muffins.'Kaunti lang ito, Ate Zari.' Nakangiting sabi ni Alyssa saka nakipagbeso-beso sa akin.'Mga favorite natin 'to. Kaya paniguradong mauubos 'to, Ate Zari.' Segundang hirit din ni C
Dinner DateXander's POV'Kumpirmado, Second Young Master.' Ulat na sabi ni Josh sa akin. 'Nandito nga s'ya.''Mabuti kung ganun. Gusto ko s'yang makita.'Nasa isang secluded area kami. Dito matatagpuan ang ospital na nagkanlong kay Uncle James matapos itong maaksidente. Sinamahan ako ni Josh sa silid na kinaroroonan nito. Kasalukuyan pala itong nasa ICU.'Matapos s'yang marescue ng team, dito nila s'ya dinala. Mga galos lang ang natamo n'ya mula sa aksidente. Ngunit dahil nananatili s'yang unconscious hanggang sa ngayon napilitan silang ilipat s'ya dito sa ICU.' Paliwanag ni Josh. 'For closed monitoring.''May chance pa daw ba s'yang magising?' 'Fifty-fifty, Second Young Master. Maaaring nasa state of shock pa daw ang pasyente. Makakatulong daw ang pagkausap dito ng ilang kaanak.' Sabi ni Josh. 'Ipapaalam n'yo na ba 'to sa Young Miss?''Kung kinakailangan.' Sagot ko. 'Pero hindi n'ya dapat malaman na ako ang tumulong sa kanya na mahanap si Uncle James. Si Stella na ang bahala. Alam
Alyssa and MarkXander's POVKasalukuyang papunta ako sa lokasyon ng photo shoot ng Everlasting. Ayon kasi kay Stella, naroroon daw sila ni Zari. Balak ko 'tong sunduin para sabay na kaming mananghalian.Masaya ako habang papasok doon. Lahat ng nakakasalubong ko ay binabati ako at tangong may kasamang ngiti naman ang tugon ko sa kanila. Ngunit ganun na lang ang pagkawala ng ngiti ko ng maabutan ko si Zari na may katabing isang guwapong lalaki. Nagtatawanan pa ang mga ito habang may kung anong pinag-uusapan.Dala ng bugso ng damdamin, inilang hakbang ko lang ang distanya ko sa kanila. Mabilis kong binuhat si Zari na para lang akong nagbuhat ng sako ng bigas at saka ko ito dire-diretsong inilabas. Kita ko sa reaksyon ng mga naroroon ang pagkabigla. Ngunit wala man lang ni isa sa kanila ang nakapigil sa akin. 'Xander... ano ba?' Inis na sabi nito sa akin. 'Ibaba mo nga ko.'Hindi ko 'to pinakinggan. Bagkus ay tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Huminto lang ako ng marating ko ang parki