Dreadful News Zari's POV Matapos kong mabasa ang buong report kaagad akong nagpasama kay Stella sa lugar kung saan naroroon si Uncle James. Ayon kasi sa report, naka-confine daw ito sa isang pribadong ospital. Walang pagsidlan ang tuwa sa aking puso. Good news 'yon para sa akin. Uncle James is alive. Pagdating ko sa ospital, nalaman kong nasa ICU pala si Uncle James. Good thing dahil hindi naman daw ito kritikal. Normal naman daw ang lahat ng mga vital signs nito. Hearing all of this... pakiramdam ko gumaan ang dalahin ko. Nabawasan ng kaunti ang aking pag-aalala kay Uncle James. Sa sobrang saya ko nga, napatawag kaagad ako kay Xander. Ikinuwento ko dito na natagpuan ko na si Uncle James. 'That's good to hear, babe.' Komento nito. 'Masaya ako at nabawasan kahit papaano ang iyong alalahanin.' 'Tama ka. Ang laki ng iginaan ng pakiramdam ko. Knowing that Uncle James is alive... ang laking factor nun.' 'Ngayong nakita mo na si Uncle James, anong susunod mong plano?' Tanong nito
The Family TragedyZari's POV'Ahh...' Sabi ko habang dahan-dahang bumabangon. Naupo muna ako at saka isinandal ang aking likuran sa headrest ng kama. 'What happened to me?' Tanong ko sa sarili habang nakapikit pa ang mga mata. 'Bakit ang sakit ng katawan ko?' Marahan kong inunat ang aking mga braso. 'Baka naman sa pagkakahiga ko.' Matapos gawin iyon ay nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng maramdamang hubad ako. Mabilis kong hinablot ang kumot at itinakip sa aking sarili. 'Why I'm naked?' Naguguluhang tanong ko habang mahigpit na hawak ang kumot. 'OMG, Zari... anong ginawa mo?' Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi ngunit wala talaga akong maalala. 'Where are my clothes?' Iniikot ko ang paningin sa loob ng silid. Sa paanan ang kama ay naroroon ang aking floral dress at undergarments. Mabilis akong tumayo at agarang isinuot ang mga ito. Namataan ko naman ang kanyang itim na purse sa ibabaw ng bedside table. Dinampo
Unforgettable NightZari's POVNang makaalis ang binata at ang mga bodyguard nito ay nagmamadali rin akong bumalik sa underground basement. Binuksan ko ang isang cabinet doon. Naglalaman ito ng mga debit cards, pera, at cellphone. Kumuha ako ng mga iyon at inilagay sa isang sling bag. Inilaan iyon ng aking mga magulang for emergency purposes. Matapos igayak ang iba ko pang kailangan ay lumabas na ako ng underground basement. Naglakad ako palabas ng aming bakuran. 'Pangako, Mom... Dad... babalik akong muli sa bahay na ito balang araw.' Sambit ko at muling tinanaw ang aming bahay. 'Kailangan ko ng tulong.' Bulong ko sa sarili. 'Si Uncle James. Alam kong matutulungan niya ako.' Si Uncle James ay ang retired butler ng aming pamilya. Ayon sa kuwento ng aking ama noon, ito daw ay naninilbihan na sa kanilang pamilya magmula pa sa kanyang lolo hanggang sa henerasyon ng kanyang ama. Isa daw ito sa mga pinagkakatiwalaang tao ng kanilang pamilya. Sa pagkakatanda ko, isang taon pa lamang ang
Childhood EnemyXander's POVNagising ako sa pagtunog ng aking cellphone. Dahan-dahan akong bumangon at kinuha iyon sa bedside table. Si Josh ang caller. 'Hello...' Sagot ko dito.'Second Young Master... pasensya na sa istorbo. May kailangan lang kayong pirmahang dokumento.''Sige... magkita tayo sa lobby ng resort.' Sagot ko at ini-end na ang tawag na iyon. Napabaling ako ng tingin sa babaeng nakahiga sa kama. Himbing na himbing pa si Zari sa pagkakatulog. Nilapitan ko ito at hinawi ang buhok nitong humarang ng bahagya sa maganda nitong mukha. 'See you later, babe.' Bulong ko dito at saka ito hinalikan sa noo. Dinampot ko ang aking damit at saka iyon isinuot. Tiningnan kong muli si Zari bago ako tuluyang lumabas ng silid.Pagdating ko sa lobby ay naroroon na si Josh. Iniabot nito sa akin ang dokumentong nangangailangan ng aking pirma. 'Hintayin n'yo na ko. May kukunin lang ako saglit.' Sabi ko matapos iabot kay Josh ang pinirmahan kong dokumento. 'Okay, Second Young Master.'Iniw
Unexpected Meet UpXander's POVSampung taon na ang nakararaan...Kadarating ko lang noon mula abroad. Kinailangan ko kasing umuwi muna para dumalo sa kasal ni Kuya Kyle. Kasalukuyang binabaybay ng aking kotse ang kahabaang kalye sa aming subdivision ng isang itim na van ang mabilis na lumabas sa isang mansyon na naroroon. Hindi ko na sana iyon papansinin ngunit bigla kong naalala na ang mansyong iyon ay pagmamay-ari nila Zari.'Bumalik tayo. Bilis.' Kaagad namang minaniobra pabalik ng aking driver ang kotse. Sa malayo pa lang ay pansin ko ng bukas ang malaki nitong gate. 'Josh, hindi maganda ang kutob ko.''Ganoon din ako, Second Young Master.''Maging alerto ang lahat.' Sabi ko sa aking mga bodyguards.Pinahinto ko ang kotse, isang bahay mula sa mansyon at dahan-dahan kaming bumaba. Tahimik ngunit alerto kaming pumasok sa loob ng bakuran. 'Second Young Master... may nakahandusay na mga katawan sa banda roon.'Nakaramdam ako ng kaba sa aking narinig. 'I-check n'yo ang loob. Bilis.'
It's ComplicatedZari's POV'Dalhin mo na 'tong burn ointment.' Sabi ko kay Xander matapos kong maayos ang nagulo kong damit. Tumingin ako sa gawi nito. Nakasuot na ito ng damit pang-itaas at kasalukuyang nagsusuot ng coat. 'Okay.' Napansin kong tabingi ang necktie nito kaya lumapit ako para ayusin 'yun. 'Thanks.' 'You're welcome.' At saka ko inabot ang burn ointment dito. 'Pahiran mo ng tatlong beses sa isang araw. Huwag mong pabayaan. Baka magpeklat.''Tatandaan ko.' Sagot nito sabay halik muli sa akin. 'Aba't... nakakarami ka na.' Inis kong sabi dito.'See you later, babe.' Nakangiting sabi nito bago lumabas ng aking opisina.Napabuntong hininga ako habang naguguluhan. Gusto kung mainis sa sarili ko. Bakit? Kasi hinahayaan kong gawin ni Xander ang mga bagay na hindi naman dapat. 'Yung halikan ako. 'Yung yakapin. Wala naman kaming relasyon in the first place. So... bakit ako pumapayag?'Ha! Zari... why?' Tanong ko sa aking sarili. Sa totoo lang, hindi ko rin talaga alam kung bak
Siblings MeetingXander's POVPagdating ko sa airport, sa office ng Air Pacific ako dumiretso. Ang Air Pacific ay under ng Araneta Group of Companies. Ang nakatatanda kong kapatid na si First Young Master Kyle ang CEO nito. 'Good afternoon, Michelle.' Bati ko sa front desk officer na naroroon. 'Busy pa ba si Kuya Kyle as of the moment?''Good afternoon, Second Young Master.' Ganting bati rin nito sa akin. 'May tinatapos lang na meeting ang First Young Master. Pero nagbilin s'ya na dumiretso na daw kayo sa opisina n'ya.''Okay. Thanks.''You're welcome, Second Young Master.'Nagtungo na ko sa opisina ni Kuya Kyle. Pagpasok ko roon ay naabutan kong prenteng nakaupo sa couch si Dave habang nagbabasa ng magazine. Si Dave ang pangatlo sa aming magkakapatid. Ito naman ang namamahala sa mga negosyo ng pamilya na may kinalaman sa recreation industry.'Bro...' Bati nito sa akin.'Good thing you're here, Dave.''Tinawagan ako ni Kuya Kyle. May dinner meeting nga daw kayong dalawa. Ang sabi ko,
The ConventionZari's POVPasado alas diyes y medya na ng gabi ng marating namin ang Golden Cove. Ang Golden Cove ay isang five-star hotel. Sa malaking conference hall nito gaganapin ang convention na aking dadaluhan.Bago kami nagtungo ni Stella sa kanya-kanya naming silid ay nagbilin muna ako sa kanya ng ilang mahalagang bagay. Magkatabi lang naman ang silid naming dalawa. Kaya just in case na may kailangan ako sa kanya ay accesible naman. Maganda ang naging tulog ko kaya maaga akong nagising kinabukasan. Nagcheck muna ako ng ilang email messages bago ako gumayak.Mag-aalas siete na ng umaga ng katukin ako ni Stella sa aking silid. May kasama itong hotel staff na may tulak-tulak na cart na naglalaman ng mga pagkain.Sabay na kaming nag-almusal ni Stella. After noon ay nagretouch lang ako ng aking make-up at nagtungo na kami sa conference hall.Abala ang mga tao roon ng kami'y dumating yet they are accommodating. Inihatid kami ng event manager sa aking respective seat. From there, n
Dreadful News Zari's POV Matapos kong mabasa ang buong report kaagad akong nagpasama kay Stella sa lugar kung saan naroroon si Uncle James. Ayon kasi sa report, naka-confine daw ito sa isang pribadong ospital. Walang pagsidlan ang tuwa sa aking puso. Good news 'yon para sa akin. Uncle James is alive. Pagdating ko sa ospital, nalaman kong nasa ICU pala si Uncle James. Good thing dahil hindi naman daw ito kritikal. Normal naman daw ang lahat ng mga vital signs nito. Hearing all of this... pakiramdam ko gumaan ang dalahin ko. Nabawasan ng kaunti ang aking pag-aalala kay Uncle James. Sa sobrang saya ko nga, napatawag kaagad ako kay Xander. Ikinuwento ko dito na natagpuan ko na si Uncle James. 'That's good to hear, babe.' Komento nito. 'Masaya ako at nabawasan kahit papaano ang iyong alalahanin.' 'Tama ka. Ang laki ng iginaan ng pakiramdam ko. Knowing that Uncle James is alive... ang laking factor nun.' 'Ngayong nakita mo na si Uncle James, anong susunod mong plano?' Tanong nito
Uncle James WhereaboutsZari's POV'Tulad ng?' Seryosong tanong sa akin ni Xander.'Matutulungan mo kong tukuyin kung sino talaga ang salarin sa pagpatay sa mga magulang ko. Matutulungan mo kong hanapin si Uncle James.' Wika ko. 'Saka matutulungan mo rin akong alamin kung sino ang tao sa likod ng mga nangyayari sa akin recently.'Diretso akong tumingin kay Xander matapos kong sabihin iyon. Naghihintay sa kung anong magiging komento nito. Hindi ito kaagad tumugon. Nananatili itong tahimik. Tuloy hindi ko mawari kung payag ba 'to o hindi. Ang hirap namang mag-assume.Walang anu-ano ay biglang tumawa si Xander. 'Anong nakakatawa?' Takang tanong ko dito.'Babe, masaya lang ako na ganyan ka pala katiwala sa 'kin.''Ikaw lang kasi ang alam kong pupuwedeng pagkatiwalaan ko bukod kay Stella.' Sabi ko. 'So? Payag ka bang tulungan ako?''Oo naman, babe. Hindi ka naman na iba sa akin. Kaya willing na willing akong tulungan ka.''Salamat.' Nakangiti kong sabi dito. 'Yung tungkol sa payment, i-sen
Help MeZari's POV'Ano ba naman 'yan. Minsan na nga lang mayaya sa bar... hindi pa nakapag-enjoy.' Sabi ko habang naglalakad kami ni Xander ng magkaholding-hands. Niyaya kasi ako nito na lumabas muna para makalanghap ng sariwang hangin. Natawa si Xander. 'Bakit parang ang sama yata ng loob mo?''Paanong hindi, eh 'yung dalawa na 'yun paasa. Matapos magyaya dito, iniwan na lang akong mag-isa.' Naiinis at tuloy-tuloy kong sabi. Ramdam ko ng tipsy na ko. Kung anu-ano na kasing sinasabi ko.'Hayaan mo na. May ibang pagkakataon pa naman, babe.' Komento ni Xander habang inaalalayan akong maupo sa naroroong wooden bench. Napabuntong-hininga na lang ako. 'Hay! Ano pa nga ba? By the way, paano mo pala nalaman na nandito kami?''Coincidence.' Nakangiting sagot nito. 'Kapapasok pala namin ng matanaw kayo ni Josh sa dulong bahagi ng bar.''Tsk! Ang talas talaga ng paningin ni Josh. May pagkamatang-lawin.''I agree. Kaya nga isa s'ya sa pinakamagaling kong bodyguard at agent.'Mayamaya'y napah
Dave and CelineZari's POV'Nandito na tayo.' Nakangiting pahayag ni Alyssa. To end our get-together, naisipan nitong magbar-hopping naman kami.'Nice place.' Komento ko naman habang inililibot ang aking mga mata sa loob ng bar.Kaunti lang ang tao doon. Hindi katulad ng ibang bar na crowded. Ang sabi ni Alyssa, by membership daw kasi ang policy doon. Kaya limited lang ang puwedeng makapasok.'Yeah.' Segunda naman ni Celine. 'Saka safe tayo dito. Kahit na malasing tayo okay lang.'Under kasi ng Araneta Group ang establishment na ito. Kaya walang magtatangkang manakit o mambastos sa amin dito lalo pa't kasama namin si Alyssa.'Girls, shall we start the fun?' Nakangiting tanong ni Alyssa matapos maiserve ang ilang bote ng lady's drink. Ito na rin ang nagbukas ng mga iyon at nagsalin sa baso.Tawa lang ang naging sagot namin ni Celine. 'Okay dahil wala kayong objection, walang uuwi ng hindi lasing.' Patuloy pa na sabi ni Alyssa.'Cheers.' Sabay-sabay pa naming sabi sa isa't isa habang ha
Being DesperateXander's POV'Boss, may nakita kami.' Sabi ng isa sa mga agents ko.Nagmamadali akong lumapit sa kanila. Isang sikretong basement ang kanilang nakita. Sa unang tingnin hindi iyon mapapansin. Natatabunan kasi ito ng mga halamang baging.'Second Young Master, mukhang hindi ito basta-bastang mapapasok. Ginagamitan kasi ito ng passcode at iris scan.' Pahayag ni Josh.'Tingin ko hindi lang ordinaryong basement 'yan. Marahil ay may kaugnayan 'yan sa mga Lopez.' Sabi ko. 'Ibalik n'yong muli sa pagkakaharang ang mga halaman. Hindi natin 'yan mapapasok sa ngayon.'I made a mental note. Itatanong ko ang bagay na 'to kay Zari.Nagpunta kami sa bandang likuran ng mansyon. Wala naman akong napansing kakaiba roon. Kaya sinabihan ko sila na pasukin namin ang mismong loob.Nababalutan ng mga puting tela ang mga muebles doon. Ngunit kahit na ganun ay mababakas pa rin ang kasimplehan at eleganteng aura ng buong mansyon. Wala mang nakatira doon ay napapanatili ng caretaker na maayos ang l
Initial InvestigationZari's POV'Okay. Then, see you in two days.' Bulong ko kay Xander habang nakayakap ito sa akin.'Wala man lang ba 'kong goodbye kiss.' Ungot na sabi nito.Hinalikan ko na lang 'to ng mabilis sa labi para magtigil na. 'There.''Tsk! I didn't know na ganyan ka pala ka-clingy, Kuya Xander.' Narinig kong komento ni Alyssa na nakasilip na pala sa amin. 'Hayaan mo na ko, brat.' Sagot naman ni Xander sa kapatid. 'Alis na ko, babe.' Hinalikan muna ako nito sa pisngi bago bumaling sa kapatid. 'Brat, be good and behave.''Kuya Xander, naman. Anong akala mo sa 'kin batang paslit.' Natawa na lang si Xander sa reaksyon ni Alyssa. 'Sige na. Pumasok na kayo sa loob.''Bye, Kuya. Ingat ka.'Nang makaalis na si Xander ay nagmamadali naman akong hinila ni Alyssa papasok ng bahay. Pinaupo muna ako nito sa sofa bago nakahalukipkip na nagtanong. 'Kayo na ba ni Kuya Xander? Kailan pa? Bakit hindi namin alam?''Saglit lang. Magpapaliwanag ako.' Natatawa kong sagot sa sunod-sunod ni
Overnight Get-TogetherZari's POVSa wakas, weekends na. Ang totoo n'yan kahapon pa ko abala. Kahapon ko kasi ginawa ang paggo-grocery. Plinano kong maigi ang mga bibilhin ko. Hindi naman mapili sa pagkain sina Alyssa at Celine. Kaya hindi ako nahirapang mamili.Nagulat pa nga si Xander ng sunduin ako. Para daw akong nag-panic buying sa dami ng aking pinamili. Natawa lang ako sa naging reaksyon nito. Balak ko kasing punuin ng stocks ang aking ref at pantry.Excited na ko sa pagdating nina Alyssa at Celine. On the way na daw kasi ang mga ito. Pamayamayapa'y dumating na nga ang dalawa. Si Mark daw ang naghatid sa kanila. May dalang custard cake si Alyssa habang blueberry muffins naman ang kay Celine.'Ang dami n'yo namang dala.' Sabi ko habang ibinababa nila sa dining table ang kahon ng custard cake at muffins.'Kaunti lang ito, Ate Zari.' Nakangiting sabi ni Alyssa saka nakipagbeso-beso sa akin.'Mga favorite natin 'to. Kaya paniguradong mauubos 'to, Ate Zari.' Segundang hirit din ni C
Dinner DateXander's POV'Kumpirmado, Second Young Master.' Ulat na sabi ni Josh sa akin. 'Nandito nga s'ya.''Mabuti kung ganun. Gusto ko s'yang makita.'Nasa isang secluded area kami. Dito matatagpuan ang ospital na nagkanlong kay Uncle James matapos itong maaksidente. Sinamahan ako ni Josh sa silid na kinaroroonan nito. Kasalukuyan pala itong nasa ICU.'Matapos s'yang marescue ng team, dito nila s'ya dinala. Mga galos lang ang natamo n'ya mula sa aksidente. Ngunit dahil nananatili s'yang unconscious hanggang sa ngayon napilitan silang ilipat s'ya dito sa ICU.' Paliwanag ni Josh. 'For closed monitoring.''May chance pa daw ba s'yang magising?' 'Fifty-fifty, Second Young Master. Maaaring nasa state of shock pa daw ang pasyente. Makakatulong daw ang pagkausap dito ng ilang kaanak.' Sabi ni Josh. 'Ipapaalam n'yo na ba 'to sa Young Miss?''Kung kinakailangan.' Sagot ko. 'Pero hindi n'ya dapat malaman na ako ang tumulong sa kanya na mahanap si Uncle James. Si Stella na ang bahala. Alam
Alyssa and MarkXander's POVKasalukuyang papunta ako sa lokasyon ng photo shoot ng Everlasting. Ayon kasi kay Stella, naroroon daw sila ni Zari. Balak ko 'tong sunduin para sabay na kaming mananghalian.Masaya ako habang papasok doon. Lahat ng nakakasalubong ko ay binabati ako at tangong may kasamang ngiti naman ang tugon ko sa kanila. Ngunit ganun na lang ang pagkawala ng ngiti ko ng maabutan ko si Zari na may katabing isang guwapong lalaki. Nagtatawanan pa ang mga ito habang may kung anong pinag-uusapan.Dala ng bugso ng damdamin, inilang hakbang ko lang ang distanya ko sa kanila. Mabilis kong binuhat si Zari na para lang akong nagbuhat ng sako ng bigas at saka ko ito dire-diretsong inilabas. Kita ko sa reaksyon ng mga naroroon ang pagkabigla. Ngunit wala man lang ni isa sa kanila ang nakapigil sa akin. 'Xander... ano ba?' Inis na sabi nito sa akin. 'Ibaba mo nga ko.'Hindi ko 'to pinakinggan. Bagkus ay tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Huminto lang ako ng marating ko ang parki