It's been three months since Logan courted me. Hindi siya nagkulang ng araw na ihatid ako sa kumpanya at sunduin. He always gives me flowers when he remembers the date he started courting me. Hindi ako nagsisi na nakilala ko siya. In fact, ang saya ko dahil siya 'yong taong palaging nandito para sa akin. And he proves to me that he is better than Logan. He showers me with love and care. At 'yon ang nagtulak sa akin upang ibigay ang nararapat sa kanya. "Uy, gaga ka!" Hinampas ni Kristine ang balikat ko. "Talaga bang nagsama kayo ni Logan sa Villa niya? Grabe ka naman..." She groaned when I just raised my brows. Hindi siya updated, pero kung makaimbistiga, daig pa ng reporters. "Do you really love him na?" Kinalabit niya ang tagiliran ko. "Kasi kung hindi... puwedeng ako na lang?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Babaeng 'to, daming alam. Hindi naman puwedeng hatiin namin si Logan. Siyempre sa akin 'yon. Mahal ko na, eh!Mabuti na lang dahil wala si Valerie this week at may pinunta
"I am hiring you as my personal model," Mr. Art said. "Dahil ikaw lang ang nakikita kong may potential sa pag-aawit at pagmomodelo. And I want you to collaborate with me on this project," nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa. Mabait naman si Mr. Art. Kaya sa palagay ko, maayos ang kinalalagyan niya kung papasukin niya ang trabahong iyon."Thank you," Logan said while brushing his index finger on the back of my palm. Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango. "I'll set a schedule for our next meeting at sa taping," dagdag pa ni Mr. Art bago kami nakaalis. As we were heading home, ngiting-ngiti si Logan dahil sa meeting nila ni Mr. Art. Ang saya ko rin dahil sa kaniya. Mayaman naman si Logan, but he loves his passion. Dahil doon siya masaya, dapat maging masaya rin ako, 'di ba?Hindi ako makatulog kahit na inaantok ako. Gusto kong pumikit ngunit didilat ulit. Tahimik na rin ang kuwarto ni Logan, kaya inisip kong tulog na siya. Bigla ko na lang naalala si Papa. Ilang linggo na akong
Niyaya ako ni Kristine sa birthday ng boyfriend niya. Nagpaalam na rin ako kay Logan tungkol rito. Pumayag naman siya at binilhan pa ako ng dress na kulay pula na susuotin ko raw. Palapit na rin ang birthday ko, at dahil doon, gusto kong sa mismong araw na iyon, si Logan ang kasama ko sa pagdiriwang. Gusto kong sa birthday kong ito, hindi na ulit ako kakain kasama ang mga bata sa kalye. Gusto kong mas maging memorable iyon. He is a billionaire. He has his SUV, owns a villa and lot, and most of all, isa siyang superstar. Kaya kahit sinong babae, magkakagusto sa kanya at hahangaan siya. He is living under the roof of the Blackwood family, known as the richest people in La Trevor. "Tawagan mo ako kung uuwi ka na," bilin ni Logan bago humalik sa pisngi ko. "Susunduin kita. Gusto ko ring marinig ang boses mo. Aking prinsesa, huwag kang masyadong lalaklak ng alak. Iponin mo na lang 'yan dahil ako ang magpa-party para sa iyo." Kumindat siya bago ako tuluyang pinakawalan. Tumango lang
The way he stares at me brings back the fear and tears I buried yesterday. Unti-unting bumalik ang mga alaalang pilit kong kinalimutan. Ang mga salitang sinabi niyang naglibing sa akin. How can I move on kung ganito ang ipinapakita niya? “Vivianne... give me a chance, let's do it again.” Nagsalubong ang mga kilay niya, ngunit lumamlam ang kanyang mga mata. I saw it. It turned out to be red. At hindi ko gustong makita siyang umiiyak sa harapan ko. “I never meant to hurt you. I meant to save you from...” “From the happiness I'm supposed to deserve?” Tuluyan ko nang pinakawalan ang nag-uunahang mga luha ko. My chest tightened. “Hindi mo alam kung gaano ako naghirap makalimutan ka lang! Hindi mo alam kung paano ako umiiyak gabi-gabi at pinilit intindihin kung anong wala sa akin na meron sa iba? Anong meron sa kanila na wala sa akin?” Mas lalong humigpit ang pagkapit ko sa aking handbag dahil sa galit na umahon sa puso ko. “I think... you deserve someone whom you truly deserve. Kaya h
No'ng binastos ako ni Valerie, niligtas ako ni Logan. At marami... maraming beses, paulit-ulit niya akong sinagip na hindi ko na alam kung paano ko siya masusuklian. Kahit na magpasalamat, parang hindi pa rin sapat. Siya ang naging tagapagligtas ko mula nang kami'y mag-college. Siya ang anghel sa buhay ko na ipinadala sa akin ng Diyos. Gusto kong ipakita kay Larson na importante ako. At nais kong patunayan 'yon. Gusto kong ipakita sa kanya kung gaano pala kahalaga ang sinayang niya. "Alam kong may iniisip ka." Umupo si Logan sa tabi ko at hinarap ang payapang dagat. "You can tell me. Huwag kang mahiya sa 'kin. Dahil parang mag-asawa na tayo." Napatawa ako sa sinabi niya. Parang mag-asawa? Talaga?"Huwag tayong mag-usap tungkol sa problema, Logan. Nandito tayo sa Antique para mag-celebrate ng isang bagay." Birthday ko ngayon. Kaya ang ipinangako kong sasagutin ko siya mismo sa birthday ko ay dapat matuloy. "Tama ka." Tumango siya at kinagat ang ibabang labi habang nakatitig sa akin
"Paano mo nalaman ang birthday ko, Logan?" Agad niyang ibinaling ang tingin niya sa akin mula sa pagtitig niya sa kaniyang laptop. Tumaas ang isang kilay niya bago ibinaba ang mga kamay niya sa mesa. "Why would I forget your birthday? Ni mga batang-kalye noon inuutusan ko para hatidan ka ng pagkain. Kasi gusto mo... ikaw lang mag-isa. Nagagalit ka sa akin kapag lumalapit ako dahil sabi mo... aawayin ka ng mga babaeng may gusto sa akin," litanya niya. Pinagsalikop niya ang kaniyang mga daliri at itinukod sa mesa. "But I never took my eyes off you. Palagi akong nakasunod sa 'yo, Vivianne." Saglit akong napatigil sa pagnguya ng kinain kong cake at umiwas ng tingin sa kaniya. "Because you thought that you were alone? Without knowing that I am saving you from those bullies?" Para akong binuhusan ng tubig nang marinig 'yon. I was once pushed away by Logan. Kahit na magkaibigan man kami no’n, nag-aaway pa rin kami. Pero honestly, siya ang pinaka-close friend ko. "Pero matapang ka. You h
Our memories in Antique are surely unforgettable. Kaya noong umuwi kami, sobrang natutuwa ako. As Logan kept hugging me until we arrived at his villa. Doon kami tumatambay kapag wala siyang trabaho at naging pahingahan na rin namin ‘yon. Ano na ba 'to? Kahit sa trabaho, si Logan pa rin ang iniisip? Tumingin ako kay Kristine na tutok na tutok sa cell phone niya, ngumiti pang mag-isa. "Kristine!" Agad siyang lumingon noong tinawag ko siya. Pulang-pula ang mukha niya. Aaminin ko man, ganito rin ang mukha ko kapag may hinahangaan. "What, Vivianne?" She raised her brows bago tinaob ang cell phone niya. Akala niya aagawin ko ‘yong pinapangarap niyang lalaki, si Andrew. E, mas pogi pa roon si Logan. Lumapit ako sa kanya at sinilip ang laman ng cell phone. But my jaw dropped when I saw my man. Si Logan?! Kaya pala kahit si Andrew, hindi kayang pasiglahin ‘tong si Kristine. Dahil... hindi pa rin makapag-move on sa superstar niya. Well, boyfriend ko na 'yon. "Sorry na beshy..." she
Hindi na bago sa akin na maalala si Logan kapag wala siya sa tabi ko. Parang naging cycle na rin ito ng araw ko. Everything will never end without remembering his soft chuckles every time he fetches me, his chiseled chest, sturdy shoulders, and his voice, which brings me peace. Magandang sikat ng araw sa umaga. Habang pinapanood ko ito, nakita ko kung paano si Logan ay ngumiti nang maliwanag. Kahit na wala siya, nararamdaman ko ang kanyang presensya kapag naaalala ko ang ating routine na magkasama. Pero minsan, nararamdaman ko ring may kulang sa araw ko kung wala siya. Hindi naman puwedeng isama ko siya palagi. May sarili siyang responsibilidad sa kanyang pamilya. Kailangan siya ng ina niya. Para akong bata, tumatalon mula sa lupa at sumasayaw sa hangin. Sa aking gray leggings at sports bra, hindi ko maikakaila na ang aking katawan ay maganda ang pagkakaporma. Maliit lang ako, hindi dahil sa nagda-diet ako, kundi dahil kulang ako sa kain at pagod. "Miss, baka naman..
As I woke up, Logan was sleeping beside me. I was at their house again. Ang bahay na minsan... sinubukan kong lisanin. Dahil ang sakit eh. It is really hard to hear someone telling me I didn't belong here. Nakatatakot na kasing umupo sa harap ni Charlotte, sa harap nina Larson at pamilya niya habang ako... sinusubukang takpan ang tainga upang maiwasan ang nais nilang sabihin. "I've heard the news, and it saddened me." Nasa hapag-kainan kami nang sabihin 'yon ni Ms. Ellaine. "Si Minuette, niyuyurakan ng kaibigan mo. Nakikita ko ang news kanina, and it almost ruined my son's name." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil parang ako ang naiipit rito. I was trying to avoid their eyes, yet it always sought mine. Kaya nilabanan ko na lang at pinatatag ang damdamin ko. Huminga ng malalim si Mr. Tadeo bago muling sumubo ng pagkain. Umiling naman si Mrs. Ellaine at sumipsip ng tubig. "If that were to happen again, I will take a risk to ruin whoever ruins them." As if that was her fin
Wala namang nangyari sa 'min ni Logan. We aren't fighting either. But he didn't talked to me. Hindi niya ako tinutugunan sa mga chats ko. I understand his busy days, but I can't bear waiting his text or update. Miski ang Crescent studio, wala pang updates. It's been two days. I tried to dialed his number, but it is always busy. I swear, hindi kami ng-away o nagkasagutan. It's just... it's just both of us has role to play. Pero ni update wala? I filled his messenger with my chats, just to inform him that I am doing okay. At kinukumusta ko rin siya, kung okay lang ba siya, nakakain ba siya ng maayos, bakit hindi siya umuuwi, at kung ano ang ginagawa niya. Above all, hindi ko alam kung nasa'n siya. Kaya matapos 'yong isang araw kong natulala sa opisina, dinaaanan ko ang building kung saan siya nagtrabaho. Ngunit inabutan na lang ako ng dapit-hapon, hindi siya lumabas. It means...wala siya ro'n. "Vivianne! I've been calling for you!" Sigaw ni Kristine sa akin no'ng makalabas siya sa t
Hinatid ko siya sa condo niya pagkatapos ng ginagawa namin. Nakipag-chat ako kay Logan upang sunduin ako, ngunit abala ang kanyang telepono. Hindi niya sinasagot kaya mag-isa akong tumayo sa gilid ng daan upang mag-abang ng sasakyan. Nakatayo akong nag-iisa habang pinapanood ang mga sasakyang dumadaan sa akin. Kung mamalasin nga naman, ni isa walang humintong sasakyan para sa akin. Lahat puno. Paano kasi, malapit na ang April Fool's, baka kalokohan nilang daan-daanin lang ako. Ang hangin na humuhuni sa aking mga tainga ay nagdudulot sa akin ng pangangatog. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinagkrus ang mga kamay sa ilalim ng dibdib. Tanging ang liwanag ng mga sasakyan ang tanging tiningnan ko kapag sila'y nagpreno o nagbigay tanda. Ang mga pulang ilaw na kumikislap ay nagbabalik sa akin sa panahon ng kaguluhan. Kung saan kayraming nangyayari sa buhay ko na ayaw kong balikan. "Vivianne..." Agad akong lumingon nang may tumawag sa akin. Pero gulat kong ibinaling ang tingin ko sa
"Nasa'n si Andrew? Sabi ko na ba. Hindi ka naman sana magda-drama kung walang nangyayari sa inyo." "Nagpaalam siya sa akin na aalis muna siya. He asked for space. But... I gave it to him. Hinayaan ko siya, Viv. I let my man go." Ramdam ko 'yong sakit na dinaramdam niya. But I could only caress his back, na baka tatahan na siya."Mabait naman si Andrew. Hindi niya magagawang iwan ka nang walang dahilan. Besides, klaro naman na space lang ang hinihingi niya. You gave it to him, and I know it is not easy for him." Kapag space lang, hindi ibig sabihin noon ay tapos na ang kayo. Sometimes, we need to understand the words or phrases to avoid misunderstanding. Namamaos na ang boses niya. "Kaya kailangan kita. Ikaw lang kasi 'yong meron ako. 'Yong pinapakinggan ako kapag nagpapaliwanag ako." Kumawala siya sa akin at dahan-dahang pinunasan ang mga luha niya. "Tatlong araw akong umiyak sa Sunset Park, nagbabakasakaling makita kita roon. Pero wala ka. But I understand you. May asawa ka na, e
Parang kaydali lang noong nagtago ang araw. Logan ran and took something from his car. Pagdating niya, may bitbit na siya. It was a... Guitar. "Kakantahan kita, alam kong maganda ito." Bumalik siya sa pagkakaupo at kinalabit ang string ng gitara. It made a sound, making me smile. Logan even closed his eyes while playing the song. His voice was deep, clear, and attractive. I enjoyed watching his face. He was like an angel that God sent for me. He was so... adorable to me, making me fall for him so deeply. I sat beside him. Tuluyan nang nagtago ang araw kasabay noon ang pagtatapos ng kantang inaawit ni Logan. Niyakap niya agad ako pagkatapos noon. Ed Sheeran. Photograph. "You like it?" he asked and pulled me closer to him. Agad niyang pinatakan ng halik ang noo ko at mahigpit akong niyakap. Kahit paulit-ulit, o kaya'y minu-minuto na lang akong niyayakap, parang naa-addict na ako noon. He has these warm arms which stopped me from shivering. I nodded to him, smiling while sn
Gumalaw siya. Umayos siya ng tayo ngunit hindi niya talaga ako nilingon. Narinig ko ang sunod-sunod niyang singhap, ngunit hindi niya ako tinapunan ng kahit na sandaling pansin man lang. Binasa ko ang pang-ibabang labi ko. Bigla, parang naging mabigat ang mga balikat ko. Parang may pinasan akong mabigat dahilan ng biglaang pagkapit ko dito. Malungkot akong tumalikod at tinahak ang daan palabas sa bahay niya. First visit pa lang namin, pero...tampuhan na agad.Pumunta ako sa batong kinaupuan ko kanina. Kinuha ko ang cellphone ko at ang headband. Ang ihip ng hanging dumadampi sa aking balat ay wari tinatangay ang lungkot sa puso ko. Ipinikit ko ang aking mga mata habang dimadamdam iyon, kasabay ng malumanay na tugtog ng musika. Wala akong dalang jacket, kaya no'ng bandang lulubog na ang araw, malamig na ang simoy ng hangin. Ngunit ininda ko iyon sa paraan ng pagyakap sa aking sarili upang mariing matunghayan ang pagtago ng araw.Noong nagsimulang magtago ang sinag ng araw, tila nagpaala
Pumasok kami sa bahay ni Logan. He opened the door and the glossy floor welcomed us. Halatang bagong gawa ang bahay dahil naaamoy ko pa ang pintura nito. But the things inside were very attractive in my eyes. The paintings on the walls: a sunset hiding behind the horizon, his family picture, and... the last one is..."Our college picture?" I muttered to myself. Paano napunta 'yan dito? Nakangiti ako roon, si Logan naman ay nakatingin sa akin. He formed a finger-heart while his eyes were on me.I bit my lower lip, preventing myself from giggling. I thought Logan and I didn’t have this picture anymore. Dahil sinubukan kong kunin 'yong picture na 'yon mula sa photographer, wala na raw siyang hawak na ganoon."If you were confused about that picture," Logan interjected, "I’ve kept that in my pocket since the day we graduated. I hid it on my phone and turned it into a portrait after six years. Isn't it nice?" Lumapit siya sa picture at hinaplos ang mahahabang daliri ko sa mukha ko sa pictu
"Why...did you run away from me, Vivianne? Kung alam ko lang sanang dito ka pala pupunta, e 'di pinasok na kita sa bathroom kanina. Hindi na sana kita hinayaang matikman pa ni Larson ang mga labi mo! I claimed it! It was me who owned it first, right?"Gusto kong umiyak ulit. But Logan's so worried. Kung iiyak ako, how can I tell him why? May kinapa siya sa bulsa niya at nakita kong panyo iyon. It fell on the floor when his eyes met mine. Nanginginig ako sa takot na baka mawala siyang bigla sa akin at mahulog ako sa kamay ni Larson. Akmang dadamputin ko na 'yong panyo nang bigla rin siyang yumuko at pinagsalikop ang mga daliri namin. He stood up. Gano’n din ako. Agad niyang hinawakan ang baba ko at inangat 'yon. Lumakbay ang mga mata ko sa buong sulok ng mukha niya, ang puso ko naman ay nagsitambol sa kaba. Then, his lips landed on mine, kissing me roughly while releasing a soft moan. "Did he kiss you like this? Ganito ka ba niya hinalikan kanina? What else does he do to you, wifey?
Logan and I planned to visit the place he wants me to see. Excited na excited siya sa pupuntahan namin. Paano na lang siguro kung ako na mismo ang makakita no’n? Curious din naman ako. Pagkakita ko pa lang sa excitement sa mata niya, parang nadadala na rin ako. I also wanted to fly over there to see the beauty of the place. I wanted to gaze at the picturesque Logan, urging me to look.Basta't pagkagising ko, walang Logan sa aking tabi. Kaya dali-dali akong umahon sa kama at naghanda. I was rushing through the bathroom, but my feet were glued to the floor upon realizing that someone was inside. Rinig ko pa ang lagaslas ng tubig sa loob. Since glass ‘yong pintuan, kitang-kita ko ang anino ni Logan sa loob.Sisilipin ko pa sana nang biglang bumukas iyon at iniluwa si Logan na walang suot pang-itaas. My eyes widened in shock, but I managed to put my palm on my face, forestalling my eyes from peeking at even a small part of his body. "What?" He mouthed at me. "Parang gulat na gulat ka, ah?