“Table number 3! 10 minutes na ‘yong order nila, bakit ang tagal?” sigaw ni Cianne sa kitchen staffs na nagpagitla sa mga ito.Nagkatinginan ang mga ito na animo’y nagtataka sa pagtaas ng boses niya.Sinundan s’ya ni Stacy, ang manager ng kan’yang restaurant.“Miss Cianne, nag-change order po kasi ang table number 3 kaya hindi pa na-se-serve,” pagpapaliwanag nito na para ba’ng inaamo ang galit nang amo.“Just tell the staffs to give their best service every single day. Hindi iyon sa una lang. Ano na lang ang sasabihin ng mga customer natin na nangako tayo na mabilis ma-serve ‘yong food pero hindi naman natin tutuparin? Umaasa ‘yong mga customers, tapos bibiguin lang natin? We must be sensitive enough to think that we might hurt them,” puno ng emosyon niyang saad.Umawang ang labi ni Stacy na animo’y ikinabigla ang mahabang litanya ng kan’yang amo, na tila malayo na sa sitwasyon ang pinapatungkulan.“I mean, we might disappoint them, because they’re hungry,” mabilis na pagdugtong ni Ci
Pinulupot ni Cianne ang kan’yang braso sa beywang ni Shaun upang alalayan ito sa paglalakad patungo sa guestroom. Dala ng kalasingan, nahirapan ito’ng balansehin ang paglalakad kung kaya pati siya ay nadadala sa tuwing nagpapasuray-suray ito.“Gosh! Thank you!” Huminga siya nang malalim nang sa wakas ay tagumpay na nadala sa guestroom si Shaun.Sinilip niya ito nang ibagsak nito ang katawan sa kama. Nakapikit na ito kaya malaya niyang napagmasdan ang mukha.Mag-da-dalawang linggo na rin simula nang umalis siya sa poder ni Shaun. Hindi niya maikakaila sa sarili na namimiss n’ya ito. Kung hindi nga lang masama ang umangkin ng asawa ng iba ay baka ginawa n’ya na, ngunit malinaw pa naman ang isipan n’ya. Kahit pa mayroon silang anak ni Shaun ay sa tama pa din s’ya papanig.Wala sa ayos ang damit nito, na mukhang pagkagaling sa opisina ay dumiretso na sa bar upang uminom.Dumako ang kan’yang mata sa paa nito. Nakasuot pa ito ng sapatos kaya walang pag-aalinlangan n’ya iyong hinubad.Kahit
Agad na kumawala si Cianne sa mga bisig ni Shaun nang maunang magising kinabukasan.Dumiretso s’ya sa banyo upang maghilamos. Baka sakaling mahimasmasan s’ya sa nangyari kagabi. Napakapusok n’ya. Bakit s’ya nagpadala sa nararamdaman? Hindi pa nga malinaw ang estado ng kasal ni Shaun kay Heria. Masyado n’ya nang binababa ang sarili para lang pagbigyan ang kan’yang puso.Siguradong sermon ang aabutin n’ya kapag nalaman ng kan’yang mga kapatid ang naging relasyon sa may asawa nang si Shaun.Sa isiping iyon ay dali-dali siyang bumalik sa kama at kahit hindi pa sumisikat ang araw ay pilit n’ya nang ginising ang lalaki.“Shaun, gising na.” Niyugyog n’ya ang katawan nito ngunit umungol lang ito.Sinubukan n’ya pa’ng muli. Hindi p’wedeng malaman ng kan’yang mga kapatid na doon nagpalipas ng gabi si Shaun.Minulat nito ang mga mata ngunit mabilis din na pumikit.“Bumangon ka na at umuwi sa bahay mo.”Muli nitong minulat ang mga mata ngunit pumikit din kaagad na animo’y nasisilaw kahit wala nam
Nilapag ni Cianne ang tray na naglalaman ng dalawang tasa ng kape sa lamesa sa sulok ng kan’yang restaurant.Malaki ang ngiti ni Shaun habang pinagmamasdan s’yang gawin iyon.Umupo s’ya sa harapan nito. Inanyayahan n’ya itong makipagkita sa kan’ya upang pag-usapan ang magiging set-up nila pagdating sa kambal.Pinanood n’ya muna itong sumimsim ng kape, kasunod ang mas lumawak pa’ng ngiti sa labi.“I miss this,” pagtukoy nito sa kape na s’ya mismo ang nagtimpla.“Let’s start this para matapos na tayo kaagad.”Tuloy pa din ang paglalagay n’ya nang pader sa pagitan nila lalo pa’t wala s’yang ideya sa estado ng relasyon nito kay Heria. Pakiramdam n’ya tuloy ay parang naghihintay s’yang humiwalay ito sa tunay na asawa para maging legal na ang relasyon nila.“Kaya ako nakipagkita sa’yo para magkasundo tayo sa araw na p’wede mong kunin ang mga bata.”Ang totoo ay mas gusto n’yang pag-usapan iyon kasama ang kani-kanilang mga abogado, ngunit dahil ayaw naman ni Shaun na gawing ganoon kakomplika
Mabigat ang kasagutan na binigay n’ya, ngunit wala nang mas bibigat pa kung hindi n’ya pagbibigyan ang nararamdaman.Hinanda n’ya ang mga gamit ng bata para sa unang araw na kay Shaun muna ang mga ito kagaya nang napagkasunduan nila.“Please, update me,” bilin n’ya kay Shaun na malaki ang ngiting sinalubong sila.Naghihintay ito sa labas ng bahay nila. Hindi niya na pinapasok dahil hindi pa nakakaalis ang mga kapatid n’ya.“Mommy, please come with us.”“Please.”Pinagdaop pa ng kambal ang mga palad nila upang hikayatin siya. Simula pa iyon kaninang umaga ngunit gusto niya pa din sundin ang limitasyon n’ya.Umupo siya upang magpantay sa kambal. Ginawaran n’ya ito ng halik sa pisngi.“This will be our set-up. There will be days that you’ll going to be with your dad, and days that I’ll be with you.” Hindi siya magaling magpaliwanag sa mga bata tungkol sa mga komplikadong bagay kagaya ng sitwasyon nila.Bakas sa mukha ng dalawang bata na naguguluhan sa sinabi niya kaya mahina siyang nataw
“I swear kapag hindi ka talaga nag-update tungkol sa mga bata, I won’t let them spend their days with you,” pagalit na saad ni Cianne kay Shaun nang sunduin nito ang mga bata.Hindi niya na naman napigilan ang sarili nang nakaraan. Nagpadala na naman s’ya sa bugso ng damdamin.Mahinang tumawa si Shaun, na ikinairap n’ya. Paanong nagagawa nitong magaan lang ang sitwasyon nila? Samantalang s’ya ay wala nang katahimikan ang isipan sa pag-aalala sa mangyayari kung matutuklasan ni Heria ang ginawa nilang dalawa.Natakot yata si Shaun sa banta n’ya kaya sa mga lumipas pa’ng araw ay palagian na ito’ng nagpapadala ng mensahe sa kan’ya patungkol sa mga bata. Sumobra pa nga yata dahil kahit nasa kan’yang poder naman ang kambal ay tumatawag pa din ito.“Can I drop by? I have something for you.”Kakauwi n’ya pa lang ng bahay nang tumawag ito. Sinalubong s’ya ng kambal kaya narinig nito ang boses ng ama.“Say hi to daddy.” Sabay naman bumati ang makukulit na bata.Kinuha niya din kaagad ang cellph
Abala si Shaun na basahin at pirmahan bawat papeles na pinapasok ng kan’yang sekretarya sa opisina. Gayunpaman, pakiramdam n’ya ay mabagal pa din ang oras. Sabik na s’yang bisitahin ang mga anak at si Cianne.Napangiti siya nang mapagtantong pumabor pa sa kan’ya ang desisyon ni Cianne, na ihinto n’ya muna ang paghiram sa kambal. Paano’y malaya na s’yang nakakadalaw sa bahay nito, araw-araw at kahit anong oras. Wala na din ito’ng nagawa, kun’di pagbuksan s’ya ng pintuan.Perpekto na sana ang lahat kung hindi lang s’ya nagdesisyon na pakasalan si Heria noon.Palagi pa din silang nagkikita sa opisina dahil palagi din nitong kasama ang kan’yang madrasta. Walang epekto ang pag-iwas n’ya dito.“Hi babe!” Kagaya nang mga nagdaang araw, sa opisina niya pumupunta si Heria kapag tapos na itong samahan ang kan’yang madrasta.Lumapit ito sa desk n’ya at akmang hahalik nang umatras s’ya.Pagak itong natawa sa kilos n’ya.“My gosh! Don’t you dare do that to me in public,” naiiling nitong sabi na um
Matapos matulog ng mga bata ay inaya ni Shaun si Cianne na lumabas kahit malalim na ang gabi.“Shaun, we talked about it, right? If it’s not about the kids, hindi tayo mag-uusap. What’s more pa ‘yong mag-aaya ka’ng lumabas nang tayo lang? Of course it’s a no.”Gusto niyang pagtawanan ang mahabang litanya nito, ngunit mas lalo lang s’yang nalungkot sa mga oras at pagkakataon na nasasayang sa kanila dahil sa mga maling desisyon at taong nakapaligid sa kan’ya.“It’s about Matt’s case.”Naunang bumaba si Cianne nang maiparada niya ang sasakyan sa parking area ng coffee shop. Sumunod siya at umupo sa pandalawahang upuan sa sulok. Nag-order muna sila ng kape at cake.“Anong tungkol sa kaso ni Matt?” Dama niya ang pagpapahalaga ni Cianne sa kaso ng kan’yang kakambal. Natutuwa siyang isipin na hindi na s’ya nag-iisa sa pagkamit ng tunay na hustisya. Higit sa lahat, hindi na lang s’ya ang naghahangad na makawala sa sitwasyon na kinakalugmukan nila.Hiling niya na kasabay nang pagtuklas nila sa
Matapos makapag-empake para sa maagang byahe pauwi kinabukasan ay bumaba si Cianne sa reception area upang ayusin na ang mga babayaran sa ilang araw na pag-stay sa hotel.“Bayad na po ma’am,” anunsyo ng receptionist na kinakunot ng kan’yang noo.Inulit niya pa ang pagsabi ng room number, at pinakita pa sa kan’ya ang record nito na nagsasabing wala na s’yang kailangan bayaran pa.Hindi niya maalala na may inutusan siyang magbayad doon, hanggang sa lumitaw sa kan’yang harapan si Shaun.Binuksan niya ang wallet at kumuha ng pera doon na katumbas ng bill niya sa hotel.Tumaas ang parehong kilay ni Shaun nang iabot niya ang pera.“I can pay for our hotel bill.”Nilagay nito ang mga kamay sa bulsa pagkatapos ay tinanggihan ang bayad niya.“I’ll just ask my staff to transfer the payment to your account.”“You don’t have to. It’s my responsibility as your husband to provide for you needs and wants,” sagot nito na kinaawang ng bibig n’ya.Husband? Napangisi siya sa sinabi nito, pagkatapos ay u
Nang masigurong tulog na ang dalawang bata sa family room ng hotel na kinuha ni Cianne ay lumabas siya ng terasa. Malamig ang samyo ng hangin na sumalubong sa kan’ya, kaya mas binalot niya pa ang sarili ng roba. Lumapit siya sa railings at sinimsim ang alak sa kopitang kan’yang hawak.Tinanaw niya ang liwanag ng bawat tahanan sa bulubunduking parte ng lugar. Magandang tanawin iyon sa gabi. Nang magsawa ay binaba niya naman ang tingin sa infinity pool sa ibaba. Nasa isang resort sila sa Baguio. Mula sa Romblon ay doon sila dumiretso kasama ang mga anak. Hindi na muna siya sumama sa mga kapatid pauwi dahil kailangan niya pa ng kaunting panahon para sa sarili.Inaasahan niya nang babalik si Shaun dahil sa mga bata. Hindi niya nga lang akalain na makikita pa ito ng kambal na may kasamang ibang babae. Maging siya ay ganoon din. Ano pa nga bang aasahan niya, na siya pa din ang mahal nito? Mas pinili nga nitong magtiis sa piling ni Heria kaysa tumakas kasama siya.“Psst.”Ang kan’yang tahimi
Sa sinapit ng ama ni Shaun, nakaramdam siya ng pangamba. Hindi niya gustong maging kagaya ng kinahinatnan ng pagmamahalan ng kan’yang mga magulang ang sa kanilang dalawa ni Cianne. Ayaw niyang maulit ang nakaraan.Mas lalong lumakas ang loob niya na magpatuloy sa paghahanap sa kan’yang mag-iina, kahit hanggang sa pagputi man ng buhok niya.“Sir, good news. Nakakuha na ako ng record sa airport. Hindi lumabas ng bansa si Cianne. Nasa Baguio sila ng mga bata.”Agad niyang kinancel ang flight patungo sa ibang bansa nang marinig ang magandang balita mula sa private investigator.Nagpatulong siya sa kaibigan na si Josh upang magpahatid sa Baguio gamit ang private plane nito. Ayaw niyang magsayang pa ng panahon.Pagdating doon ay tinungo niya ang hotel na tinuluyan ng kan’yang mag-iina ayon na din sa impormasyon na binigay sa kan’ya.“I’m sorry sir, but we can’t disclose any information to you,” ani babaeng receptionist.Malungkot siyang napangiti.Tinitigan niya ang babae na animo’y ilang
Nilaan ni Shaun ang natitira sa buong araw sa puntod ng kan’yang kakambal at ina. Kwenento niya lahat ng nangyari, at kahit papaano ay gumaan ang kan’yang pakiramdam.Kinabukasan, bitbit ang pulonpon ng rosas, ay nagtungo siya sa bahay ng pamilya ni Cianne. Hindi na siya nag-abala pa’ng tumawag o magpadala man lang ng mensahe dahil natatakot syang baka hindi rin nito sagutin.Nakakailang door bell na siya at busina ngunit walang nagbubukas ng gate. Nakakapanibago iyon dahil nasanay siya na isang pagkatok lang sa gate ay may nagbubukas na.Makalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan niyang magtungo na lamang sa restaurant ng babae. Sa labas pa lang ay sinipat niya na ang mga kotseng nakaparada ngunit wala doon ang sasakyan na pagmamay-ari ni Cianne, gayunpaman ay pumasok pa din siya.Abala ang mga staff sa pag-asikaso ng mga customer kung kaya nahirapan siyang maghanap ng tyempo upang magtanong sa mga ito. Hanggang sa lumabas ang manager mula sa kitchen at walang pag-aalinlangan siyang
Nagbigay ng tatlong katok sa pintuan ng opisina ni Don Felipe si Shaun bago pinapasok ang sarili. Pormal siyang magpapaalam na hindi na sya magtatrabaho sa kompanya at puputulin na ang kan’yang ugnayan dito.Sigurado siyang may ideya na ito sa pagpunta niya dahil kalat na sa medya ang pagtanggal sa kan’yang ama bilang myembro ng political party na suportado ng pamilya ni Heria. Maging ang shares nito sa kompanya ay binawi na. Alam niyang ibubunton sa kan’ya ni Don Felipe ang sisi.Sinalubong siya nito nang matalim na tingin at nagdidilim na ekspresyon. Wala siyang naramdaman na takot o kahit kaunting pangamba.Nilapag niya sa lamesa nito ang sobre na naglalaman ng kan’yang resignation letter.“Anong ginawa mo?” mapanganib nito’ng tanong.“I’m cutting ties with you.” Wala siyang balak na magpasindak pa dito.Marahas nito’ng pinalo ang lamesa dahilan upang mahulog sa sahig ang babasaging baso na naglalaman ng alak, na siyang iniinom nito umagang-umaga.“You’re a Gonzalvo! You can’t cut
“Sir, baka po sumakit na ang ngipin n’yo.” Halos maubos na ni Shaun ang cookies nang hatiran siya ng tubig ni Manang Alice sa kwarto.Lumalalim na ang gabi ngunit hindi siya makatulog. Makailang-ulit niya na yatang binabasa ang marriage contract nila ni Cianne, na mas lalong nagdadagdag ng mga bagong katanungan sa isip niya.Paano siya naikasal kay Heria gayong kasal na siya kay Cianne?Masaya siya sa nadiskubre, hindi niya iyon ikakaila. Gayunpaman, hindi siya sigurado kung tunay ba ang marriage certificate na hawak niya.Tinawagan niya na kanina ang private investigator upang alamin kung lehitimo pa ang papeles. Panalangin niyang totoo ito.Gayunpaman, totoo man o hindi, alam niyang ang kan’yang kakambal na si Matt ang gumawa ng paraan upang makita nita ang papel na iyon. Sigurado siyang sinasabi nito’ng huwag niyang sukuan ang pagmamahal para kay Cianne.Kailangan niyang maging handa pagkatapos ay pangako niyang ipaglalaban na ang pagmamahalan nila.Kinabukasan din, isang magandang
Tinitigan ni Shaun ang dalawang cookie jar sa pantry na wala pa’ng bawas ‘ni isa. Simula nang ibigay iyon ni Cianne ay hindi niya pa nabubuksan. Samantalang noon ay hindi tumatagal ng isang araw sa kan’ya ang cookies na gawa ng babae.Malungkot siyang napangiti. Paanong ang pagkain na iyon na dati’y nagbibigay ng katahimikan sa puso niya ay simbolo na ngayon ng malungkot na alaala.Sinara n’ya ang pantry at pumanhik na sa taas. Nasa dating bahay siya kung saan noon nanirahan si Cianne at Matt. Madalang na siyang pumasok sa opisina at paminsan-minsan na lang nakikipagkita kay Heria.Bigla ay para siyang nawalan nang gana sa kahit anuman na bagay.Nauunawaan niya ang kagustuhan ni Cianne na lumayo para maging malaya na ang pagmamahalan nila bilang isang pamilya, gayunpaman, hindi iyon ang tipo ng pamumuhay na nais niyang ibigay sa kan’yang mag-iina. Hindi niya gusto ang ideya na habangbuhay silang magtatago kay Don Felipe at Heria.Gusto niyang mabigyan nang malayang buhay ang kambal, k
Sinara nang maayos ni Cianne ang cookie jar pagkatapos ay nilagay sa paper bag. Marami ang laman ng isang jar ngunit alam niyang kayang-kaya iyong ubusin ni Shaun sa isang upuan lang kaya dinagdagan niya pa ng isa.Hindi pa man nagtatagal nang umuwi ang kan’yang mga staff ay dumating na si Shaun sa restaurant. Mayroon ito’ng maliit na ngiti sa labi nang makita s’yang nakaupo sa lamesang pandalawahan sa loob.Siya ang nagpapunta dito sa kan’yang restaurant. Matapos ang nangyari kagabi ay lalong sumidhi ang damdamin niyang magkaroon ng kaliwanagan ang lahat.“Kumain ka na ba?” tanong niya nang umupo ito sa harapan n’ya.Umiling ito.“Me too. Gusto mo ba magluto for our dinner?” Bakas niyang tinatantya nito kung paano siya papakitunguhan kaya nais niyang maging magaan lang ang lahat kahit papaano.“Sige ba.”Sabay silang nagtungo sa kitchen. Naupo lamang siya at hinayaan ito’ng magluto ng sariling recipe ng lasagna at garlic bread.Hindi niya napigilan ang pagsilip ng ngiti sa kan’yang l
Kahit pa ipagtabuyan ni Cianne si Shaun ay hindi pa rin s’ya nito iniwan. Hinintay siya nitong matapos sa ginagawa sa restaurant at umalalay sa kan’yang pagmamaneho pauwi.Umalis lang ito nang masigurong nasa loob na s’ya ng kan’yang bahay.Pagkauwi ay agad niyang tinungo ang kambal. Marami na naman itong mga pasalubong mula sa ama. Halatang bumabawi sa mga oras na sana’y nilaan nito sa kambal imbes na kay Heria.Mariin siyang pumikit nang maisip ang huli. Paano nga kung si Heria na talaga ang makakasama ni Shaun habangbuhay? Wala na siyang magagawa kun’di tanggapin iyon, lalo pa’t kung parte ng buhay ni Shaun ang babae ay magiging parte na din ito ng buhay ng kambal.Pumasok na siya sa sariling kwarto. Nilapag niya ang bag sa kama nang mapansin ang pulonpon ng bulaklak na hyacinth na naroon.Kinuha niya ito at binuksan ang card na nakaipit.Cianne,I know that sorry isn’t enough to justify the days I haven’t connected with you, but please know that I’m not giving up on us. Kung ano