Biglang nanlamig ang pakiramdam ni Cianne nang magpakilala ang babae. Nilahad nito ang kamay sa kan’yang harapan na makalipas lamang ang ilang segundo ay binawi din nang mapansin na wala siyang balak makipagkamay dito.“You looked shock and confuse. Is it because, you didn’t know that he’s married or you’re surprised that I found where he hides you?”“I’m sorry miss, but I don’t know what you’re saying.” Mas pipiliin niya munang magtiwala kay Shaun kaysa sa sinasabi ng babae na ngayon niya pa lang nakita at nakausap.“Let me guess. He left at four am, right? I am at Chicago for almost two years. Kanina, at 5am was my arrival here the the Philippines. He fetched me. Kumain kami bago n’ya ako ihatid sa bahay. Sayang nga lang dahil may importanteng conference s’ya, because if not, I’m sure we’ll spent the whole day together. Anyway, he promised to date me later tonight.”Nagsalubong ang kan’yang kilay. Gusto niyang isipin na artista ito sa galing umarte. Mukhang totoo ang mga sinasabi, n
Walang tigil ang pag-ring ng cellphone ni Cianne ngunit paulit-ulit n’ya din itong pinapatay.Simula sa bahay ng kan’yang ama, hanggang sa restaurant ay tumatawag na si Shaun, pero ‘ni isa ay wala s’yang sinagot.Alam n’yang kailangan n’ya pa din pakinggan ang paliwanag nito, kahit pa sa tingin n’ya ay hindi na iyon makakabawas pa sa sakit na nadarama niya.Muli n’yang pinasadahan ng tingin ang mga larawang pinadala sa kan’ya ni Heria kaninang madaling araw. Makikita sa larawan si Shaun katabi ang babae. Tila isang dinner set-up iyon kasama ang pamilya ni Shaun. Lahat sila ay may magandang ngiti sa larawan. Taliwas ang kan’yang nakita sa sinabi ng lalaki na investors ang i-memeet nito kasama ang ama.Pinahid niya ang butil ng luhang umalpas sa kan’yang mata. Akala niya ay ubos na ang luha n’ya, mayroon pa pala.Bumaba na s’ya sa restaurant ngunit hindi pa man s’ya nakakapasok ay nakaabang na ang binata sa kan’ya.Nangangalumata ito. Bakas sa itsura nito na wala pa’ng tulog. Ang damit
Sandaling pinikit ni Shaun ang mga mata habang nakasandal sa headrest ng swivel chair. Kanina pa mahapdi ang kan’yang mga mata. Alam niyang hindi lang iyon dahil sa kakulangan ng tulog kun’di sa mga luhang nais nang tumulo.Puyat, pagod, at lungkot ang pilit niyang nilalabanan.Masakit para sa kan’ya ang paglalayas ng kan’yang mag-iina sa poder niya. Gustuhin n’ya man na pilitin si Cianne na bumalik ay alam n’yang wala s’yang magagawa pa. Kasalanan niya din naman kung bakit ito lumayo sa kan’ya.‘Ni hindi niya na nga nagawang pabulaanan ang mga akusa nitong pagsisinungaling n’ya. Ang totoo’y tinawagan s’ya ng madrasta upang sabihin na mayroong biglaang conference sa ibayong lungsod kaya kinailangan n’yang umalis nang maaga. Hindi n’ya akalain na si-net up lang s’ya nito upang sunduin si Heria.Hindi na s’ya nagtataka na maling impormasyon ang nakarating kay Cianne. Malakas ang kutob n’yang mula iyon kay Heria.Pinagsisisihan n’ya ang pagdalo sa family dinner nila, na kung hindi dahil
Nakatingin si Shaun sa pulang ilaw ng traffic lights nang malalim na nag-iisip. Alam niyang hindi ganoon kadali ang makipaghiwalay kay Heria.Kasabay nang pagkulay berde ng traffic lights ay ang pagtunog ng kan’yang cellphone. Ang kan’yang madrastang si Mina ang tumatawag. Nagdadalawang-isip siya kung sasagutin iyon o hindi. Dis-oras na nang gabi, kinutuban s’yang baka importante iyon tungkol sa kan’yang ama.“Shaun, pwede mo ba kaming sunduin dito sa HighEast Bar?”Malakas ang music sa background at tunog lasing na ang madrasta. Sinabi niya ditong tatawagan na lang ang ama upang s’yang sumundo ngunit mabilis itong tumanggi at sinabing masama ang pakiramdam ng kan’yang ama.Sa huli’y pinuntahan n’ya ito na siyang pinagsisihan niya din kaagad nang makitang kasama nito si Heria na halos wala nang malay sa sobrang kalasingan. Kung maaari lang magmaneho pabalik ay gagawin n’ya ngunit huli na nang makita s’ya at mabilis na sumakay ang dalawa sa kan’yang kotse.Alam n’yang set-up naman muli
“Table number 3! 10 minutes na ‘yong order nila, bakit ang tagal?” sigaw ni Cianne sa kitchen staffs na nagpagitla sa mga ito.Nagkatinginan ang mga ito na animo’y nagtataka sa pagtaas ng boses niya.Sinundan s’ya ni Stacy, ang manager ng kan’yang restaurant.“Miss Cianne, nag-change order po kasi ang table number 3 kaya hindi pa na-se-serve,” pagpapaliwanag nito na para ba’ng inaamo ang galit nang amo.“Just tell the staffs to give their best service every single day. Hindi iyon sa una lang. Ano na lang ang sasabihin ng mga customer natin na nangako tayo na mabilis ma-serve ‘yong food pero hindi naman natin tutuparin? Umaasa ‘yong mga customers, tapos bibiguin lang natin? We must be sensitive enough to think that we might hurt them,” puno ng emosyon niyang saad.Umawang ang labi ni Stacy na animo’y ikinabigla ang mahabang litanya ng kan’yang amo, na tila malayo na sa sitwasyon ang pinapatungkulan.“I mean, we might disappoint them, because they’re hungry,” mabilis na pagdugtong ni Ci
Pinulupot ni Cianne ang kan’yang braso sa beywang ni Shaun upang alalayan ito sa paglalakad patungo sa guestroom. Dala ng kalasingan, nahirapan ito’ng balansehin ang paglalakad kung kaya pati siya ay nadadala sa tuwing nagpapasuray-suray ito.“Gosh! Thank you!” Huminga siya nang malalim nang sa wakas ay tagumpay na nadala sa guestroom si Shaun.Sinilip niya ito nang ibagsak nito ang katawan sa kama. Nakapikit na ito kaya malaya niyang napagmasdan ang mukha.Mag-da-dalawang linggo na rin simula nang umalis siya sa poder ni Shaun. Hindi niya maikakaila sa sarili na namimiss n’ya ito. Kung hindi nga lang masama ang umangkin ng asawa ng iba ay baka ginawa n’ya na, ngunit malinaw pa naman ang isipan n’ya. Kahit pa mayroon silang anak ni Shaun ay sa tama pa din s’ya papanig.Wala sa ayos ang damit nito, na mukhang pagkagaling sa opisina ay dumiretso na sa bar upang uminom.Dumako ang kan’yang mata sa paa nito. Nakasuot pa ito ng sapatos kaya walang pag-aalinlangan n’ya iyong hinubad.Kahit
Agad na kumawala si Cianne sa mga bisig ni Shaun nang maunang magising kinabukasan.Dumiretso s’ya sa banyo upang maghilamos. Baka sakaling mahimasmasan s’ya sa nangyari kagabi. Napakapusok n’ya. Bakit s’ya nagpadala sa nararamdaman? Hindi pa nga malinaw ang estado ng kasal ni Shaun kay Heria. Masyado n’ya nang binababa ang sarili para lang pagbigyan ang kan’yang puso.Siguradong sermon ang aabutin n’ya kapag nalaman ng kan’yang mga kapatid ang naging relasyon sa may asawa nang si Shaun.Sa isiping iyon ay dali-dali siyang bumalik sa kama at kahit hindi pa sumisikat ang araw ay pilit n’ya nang ginising ang lalaki.“Shaun, gising na.” Niyugyog n’ya ang katawan nito ngunit umungol lang ito.Sinubukan n’ya pa’ng muli. Hindi p’wedeng malaman ng kan’yang mga kapatid na doon nagpalipas ng gabi si Shaun.Minulat nito ang mga mata ngunit mabilis din na pumikit.“Bumangon ka na at umuwi sa bahay mo.”Muli nitong minulat ang mga mata ngunit pumikit din kaagad na animo’y nasisilaw kahit wala nam
Nilapag ni Cianne ang tray na naglalaman ng dalawang tasa ng kape sa lamesa sa sulok ng kan’yang restaurant.Malaki ang ngiti ni Shaun habang pinagmamasdan s’yang gawin iyon.Umupo s’ya sa harapan nito. Inanyayahan n’ya itong makipagkita sa kan’ya upang pag-usapan ang magiging set-up nila pagdating sa kambal.Pinanood n’ya muna itong sumimsim ng kape, kasunod ang mas lumawak pa’ng ngiti sa labi.“I miss this,” pagtukoy nito sa kape na s’ya mismo ang nagtimpla.“Let’s start this para matapos na tayo kaagad.”Tuloy pa din ang paglalagay n’ya nang pader sa pagitan nila lalo pa’t wala s’yang ideya sa estado ng relasyon nito kay Heria. Pakiramdam n’ya tuloy ay parang naghihintay s’yang humiwalay ito sa tunay na asawa para maging legal na ang relasyon nila.“Kaya ako nakipagkita sa’yo para magkasundo tayo sa araw na p’wede mong kunin ang mga bata.”Ang totoo ay mas gusto n’yang pag-usapan iyon kasama ang kani-kanilang mga abogado, ngunit dahil ayaw naman ni Shaun na gawing ganoon kakomplika
“Wear your smile young gentlemen,” saad ni Christine sa kambal nang magsimula nang magpaso ang mga ito.Ilang minuto pa ang lumipas. Dali-dali nang nilapitan ng organizer ang puting kotseng may bulaklak sa harapan. Kumatok siya sa bintana.Ang kinakabahang si Cianne ang lulan nito. Gayunpaman, hindi mapapansin sa kan’yang mukha ang kaba dahil natatakpan iyon ng puting belo.“Let’s go.”Sa hudyat ng organizer ay bumaba na siya. Huminto siya sa tapat ng nakasarang pintuan. May ilang tao sa paligid niya. Ang iba ay nag-aayos ng kan’yang suot na puting gown, habang ang ilan naman ay kumukuha ng litrato. Panay ang salita ng organizer, subalit wala siyang maintindihan. Panay na lang ang kan’yang pagtango at pagngiti.Samu’t-saring emosyon ang nararamdaman niya. Masaya, kinakabahan, nasasabik, hindi niya na mabatid. Subalit isa lang ang sigurado, panatag ang puso niya.Dahan-dahan na bumukas ang pintuan. Tumambad sa kan’ya ang kulay asul na bulaklak na disenyo sa gitna ng simbahan.“This is
“The kids are fighter! Hindi ko inaasahan na dalawang session pa lang ay bumabalik na ang sigla nila. They still have trauma pero with your guidance, napalaki ng chance na makalimutan nila ang nangyari,” balita ng psychiatrist kay Shaun nang lumabas na ang mga bata sa opisina nito matapos ang counseling.Nang araw ng sana’y kasal nila ni Cianne ay nagising siya sa magandang balita mula sa pribadong imbestigador. Natunton na nito ang kinaroroonan ng mga bata at kasalukuyan nang ni-re-rescue ang kambal. Tandang-tanda niya pa ang galak n’ya ng araw na iyon nang lumabas siya ng kwarto upang ibalita iyon sa kan’yang asawa, subalit ang sayang kan’yang nadama ay mabilis na napalitan ng takot nang mabasa ang note na iniwan nito.Nangako ito’ng babalik kasama ang mga bata.Kinutuban siya nang masama lalo pa nang ibalita ng pribadong imbestigador na hindi nila nakita si Cianne sa lugar kung nasaan ang kan’yang mga anak.Sa tulong ng mga cctv footages ay nasundan niya, kasama ang mga otoridad, a
Higit isang oras pa lang si Cianne na nakahiga sa kama ay dahan-dahan na s’yang bumangon. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa labas. Dapat sana’y hindi siya nakakatulog sa kasabikan ng kasal, hindi dahil sa labis na pag-aalala sa kambal.“Saan ka pupunta?” paos na tanong ni Shaun sa kan’ya na kagaya niya ay hirap din makatulog.Ang totoo’y ayaw pa sana nitong umuwi, pinilit niya lang para magawa niya ang plano.“Magpapahangin lang ako sandali sa labas,” pagsisinungaling niya.Kapag ganoon kasi ang sinasabi niya, alam na kaagad ni Shaun na gusto niyang mapag-isa kahit sandali lang.Mabilis ang ginawa n’yang pagkilos, gayunpaman, hindi niya nakalimutan ang mag-iwan ng note. Anuman ang mangyari, pinapangako n’yang ililigtas niya ang mga anak.Nang makalabas ay agad siyang sumakay sa kotseng kan’yang nabook. Nagpahatid siya sa malapit na pier. Nagpasalamat siyang naabutan niya pa ang unang byahe.Ayaw niyang mag-aksaya kahit kaunting panahon, kaya ang isang oras na byahe ng barko ay napa
“Hindi ba p’wedeng sabay na lang tayong pumunta sa simbahan bukas?” tanong ni Shaun kay Cianne habang inaayos ng huli ang gagamitin ng mga bata bukas sa kasal.Inabot niya kay Manang Alice ang mga sapatos at matapos magbilin ay hinarap niya ang parang batang si Shaun na naghihintay ng atensyon niya.“Hindi nga p’wede. Gusto mo ba’ng tumutol pa bukas si ate sa kasal dahil hindi natin sinunod ang pamahiin ng mga magulang namin noong nabubuhay pa sila?” pagtataray niya. Paano’y kagabi pa ito nangungulit sa kan’ya.Ngumuso ito pagkatapos ay lumapit at niyakap siya mula sa tagiliran.Inamoy nito ang leeg niya at dumampi ng isang mabilis na halik doon. Sa gulat ay siniko niya ang tiyan nito, dahilan para dumaing ito at lumayo.“I-reserve mo nga ‘yang landi mo pagkatapos ng kasal bukas.”Imbes na sumeryoso ay tumawa pa si Shaun. Tila natutuwa pa ito na naaasar siya.Maya pa’y dalawang sunod na busina ang narinig nila sa labas. Tinanaw nila iyon mula sa bintana.Kinuha niya ang kan’yang bag n
“Mommy, I got three stars!” masayang balita ni Sean habang nakataas ang kamay na may tatlong tatak ng stars.“Me too, mommy!” Tinaas din ni Kean ang sa kan’ya.Nakangiting ginulo ni Cianne ang buhok ng dalawang bata. Kahit anong pagod niya talaga sa trabaho ay nawawala sa tuwing sinasalubong siya ng kambal.“Don’t erase it yet. Daddy will be home soon. Show it to him.”Masayang bumalik sa kwarto ang mga ito habang sinusundan n’ya ng tingin. Karaniwan nang sabay nilang sinusundo ni Shaun sa paaralan ang dalawa ngunit naging abala ang huli sa kompanya. Hinahabol din nitong matapos ang mga mahahalagang bagay bago ang araw ng kanilang kasal.“I forgot the papers,” saad niya sa sarili nang makalimutan sa kotse ang mga papeles na kan’yang inuwi upang pirmahan.Nagtungo siya sa garahe upang kunin ang naiwang dokumento nang mapansin ang kotseng nakaparada sa tapat ng kanilang bahay.Naglakad siya palapit sa gate. Takip-silim na ngunit naaaninag niya pa din ang sasakyan, kaya nasabi niyang pa
“Daddy, when are you going home?” nakalabing tanong ng kambal kay Shaun nang tumawag ito kinagabihan.Unang araw nito sa business trip na pinaalam kay Cianne nang nakaraan.“The day after tomorrow my twins,” nakalabing sagot din nito.Natawa si Cianne sa itsura ng asawa. Para itong batang iniwan sa paaralan at gusto nang umuwi.“Akala ko ba isang araw ka lang d’yan?” Sumingit siya sa usapan at seryosong nagtanong. Kunot ang kan’yang noo na tila tutol na um-extend pa ito ng isang araw doon.Gusto n’ya lang takutin ang asawa.Mukhang tagumpay dahil mabilis na naglaho ang ngiti nito sa labi at animo’y naalarma.“Mahal, kasi may event sa kabilang resort. I was invited, I couldn’t say no dahil nandoon din si Alvaro, ‘yong investor na matagal na namin gusto kunin ni dad, remember? But if you want me now beside you, as much as I want you here, I’ll book a ticket now going home.” Tumayo pa ito at nilalagay na ang ilang gamit sa bag.Parang mas nagmukha pa tuloy ito’ng sabik na bumalik sa kani
Wala sa isipan ni Cianne ang engrandeng kasal. Nang sinabi nga ni Shaun na nais nitong ibigay ang pangarap niyang kasal, ay wala siyang ibang maisip kundi isang simpleng seremonya sa simbahan. Ganoon siguro kapag kontento ka na sa buhay. Sapat na sa kan’ya na umuwi sa bahay kasama ang mga anak at asawa pagkatapos nang nakakapagod na araw.Kagaya nang kan’yang nais, simpleng pag-iisang dibdib sa simbahan ay pinaplano niya kasama ang wedding organizer na kinuha ni Shaun.Kahit anong busy ng lalaki ay nagagawa pa din siyang samahan nito sa mga paghahanda.“Hindi kaya maumay nito kaagad ang mga bisita? What do you think, mahal?” tanong sa kan’ya ni Shaun nang mag-food tasting sila.Tumango siya bilang pag-sang-ayon. Nakakailang desert na sila ngunit wala pa din pumapasa sa panlasa ng lalaki.“Okay na ‘to,” saad ni Shaun sa panghuling desert na tinikman nila.Hindi iyon gaanong swak sa panlasa niya kaya bahagya siyang umiling sa asawa.Lumapit ito sa kan’yang tainga ay bumulong.“The visit
Paulit-ulit na nilalagay ni Shaun sa kan’yang isipan ang sinapit ng kan’yang kakambal an si Matt habang pinagmamasdan ang hinang-hina nang si Don Felipe. Tila ba pilit niyang pinapaalala sa sarili na dahil sa nakaratay na matanda ay nawala ang mga mahal niya sa buhay. Subalit tila wala iyong epekto nang tuluyan nang pumatak ang luha mula sa kan’yang mga mata. Unti-unti ay napalitan ang galit ng awa.“Salamat dahil pumunta ka.”Mabilis niyang pinunasan ang luha. Pinapatigas niya ang eskpresyon kahit pa nanlalambot ang kan’yang puso.“Patawarin mo ako sa mga nagawa ko, lalo na kay Matt. Alam kong hindi maiibsan ng paghingi kong ito ng tawad ang sakit na naidulot saiyo nang nangyari pero gusto kong malaman mo na labis akong nagsisisi.” Hindi malinaw ang pananalita nito ngunit dama niya ang sinseridad sa boses nito.Ano pa nga ba ang magiging rason nito para maging masama gayong pisikal na ito’ng nasasaktan dahil sa karamdaman?“Saiyo din Cianne. Patawad kung muntik ko nang mapahamak ang
“Ang kukulit ng mga apo ko, Shaun,” nakangiting reklamo ng ama ni Shaun nang ihatid nito ang mga bata mula sa eskwela.Pinagmasdan niya ang ama na maupo sa sofa habang marahan na hinihilot ang tagiliran. Hindi niya mapigilan ang mas lalong paglawak ng ngiti. Natutuwa siyang makita na kahit papaano ay umaaliwalas na ang mukha ng ama. Paano’y abswelto na ito sa kasong korapsyon. Tanging ang madrasta at lolo niya na lamang ang iniimbestigahan.“Napapayag mo ba si Mr. Chen na mag-invest sa negosyong pinaplano mo?” tanong nito pagkalaon.Tumango siya. “Yes dad, and please say negosyo natin. You’re part of it.”Kagaya ng relasyon nila ni Cianne ay nagsisimula na din siyang buuin ang kan’yang career. Head chef pa din naman siya ng kan’yang nobya, ngunit tuwing sabado o kung may espesyal na okasyon na lamang iyon. Paano’y gumagawa na siya ng pangalan sa larangan ng culinary, dahilan upang maging mas abala siya.Marami na siyang produktong pagkain na naimbento, karaniwang mga ready to eat na p