Isang desisyon ang nabuo ni Cianne matapos kausapin ang ama.Alam niyang lubhang delikado ang pananatili malapit sa mga Gonzalvo dahil kay Don Felipe, ngunit hindi niya rin kakayanin na magtago kasama ang mga anak at iwanan ang mga kapatid habang bumabagsak ang kompanya. Sigurado din s’yang hindi titigil si Shaun sa paghahanap sa kanila at paggawa ng paraan para mapalabas lang siya kung saan niya man balak magtago. Lalo pa ngayon na malinaw nang ito ang ama ng mga bata.Sasabay na lang siguro siya sa agos.Bumalik siya sa bahay at naabutan si Shaun na paalis pa lamang.“Pumapayag na ako’ng manirahan sa poder mo para makasama ang mga anak ko. Hindi na ako makikipaglaban para sa full custody ng mga bata, basta ibalik mo lang ang mga investors ng kompanya namin.”‘Ni hindi niya magawang salubungin ang tingin ng lalaki. Paano’y maluha-luha na siya habang binibitiwan ang desisyong nagawa sa harap nito. Pakiramdam niya ay nakakaawa siya. Para ba’ng nagbabayad siya sa isang kasalanan na hini
Kinabukasan ay pinagtimpla niya muli ng kape si Shaun. Animo’y sanay na itong gawin n’ya iyon kahit pa nang mga nagdaang araw ay kailangan pa s’yang pagdilatan o takutin nito para sumunod siya.Pumasok ito sa trabaho habang silang mag-iina ay naiwan muli sa bahay.Wala naman itong ibinilin na hindi siya maaaring lumabas, kaya binihisan niya ang mga anak upang isama sa pagbisita sa ama. Wala naman siyang balak na tumakas dahil kung gagawin niya iyon para na din niyang inalay ang kompanya.Isa pa’y may nahanap na s’yang paraan para malunasan ang problemang kinakaharap.“Miss, sorry pero bawal kang lumabas na kasama ang mga bata. Kung ikaw lang pwede, pero kung kasama sila ay hindi.”Hindi niya inaasahan na pagbukas ng pinto ay bubungad sa kan’yang harapan ang dalawang kaibigan ni Shaun na si Pablo at Josh.Napairap na lang s’ya.“Wala ba kayong mga trabaho?” mataray niyang tanong dito.Paano’y parang napakadami nitong oras para mag-aksaya pa na bantayan s’ya.Kapag sinabi nitong wala ay
Kinabukasan ay bumyahe na sila pabalik sa mansyon. Maayos na iyon kaysa manatili sila ng mga anak sa isa pa’ng bahay ni Shaun, dahil pakiramdam niya ay susulpot bigla si Don Felipe doon ano mang oras.Sa byahe ay hindi niya maiwasan tingnan sa kan’yang tabi ang nagmamanehong si Shaun.Simula nang bumalik siya sa poder nito ay naging magaan na ang itsura nito. Alam niyang hindi pa lubusang nilalamon ng kasamaan ang pagkatao ng lalaki, at malaking ambag doon ang presensya ng mga bata.Sinilip niya sa likod ang kambal na natutulog habang nakakalong sa dalawang katulong. Kapag nagtagumpay siya sa plano ay magagawa niya din maibigay dito ang nakasanayan na nilang gawin sa araw-araw noon.Kailangan niyang mapaniwala si Shaun na wala s’yang kinalaman sa pagkamatay ni Matt, na ang pagkuha niya ng pera nito ay ayon sa inutos sa kan’ya ni Don Felipe. Bago iyon, kailangan niya munang maibalik ang tiwala nito sa kan’ya.Kapag nagtagumpay siya ay papanig na ito sa kan’ya. Hahayaan na s’ya nitong m
“Fine! Pero para na lang sana sa mga bata. Ang totoo kasi n’yan, miss na ni dad ang mga apo n’ya. I’m sure Kean and Sean want to see their grandfather too. Balak ko sana silang dalhin muna kay dad. Siguro naman papayag ka?”Pinalamlam niya pa ang mga mata na parang ang kambal kapag may gustong makuha. Umiwas ng tingin si Shaun at umayos ng upo. Hindi niya alam kung epektibo ba iyon o nandidiri sa ginawa n’ya.Hindi yata bagay sa kan’ya.“If it’s for the kids, papayag ako, basta kasama ako. I won’t cage them there. Ikaw lang naman ang may kasalanan kay Matt.”Sumimangot s’ya sa panghuling sinabi nito.“Wala nga ako’ng kasalanan!”“Kailan ba ‘yan?”Binago nito kaagad ang usapan. Bahala itong marindi sa kan’ya basta hindi siya magsasawang igiit ang totoo dito.“Bukas.”“Then, I’ll drive you.”Hindi niya alam kung ikakatuwa n’ya ba iyon o hindi. Gayunpaman, mas mabuti na iyon kaysa hindi talaga siya makalabas man lang.Hindi na siya makikipagtalo pa.Binasa niya na ang ikalawang kondisyon
Kinabukasan din ay tinupad ni Shaun ang kasunduan na ibabalik na sa kan’ya ang cellphone. Sabik niyang binuksan iyon. Tadtad iyon ng mensahe na hindi naman pinakialamang buksan ng lalaki.Bukod doon ay ginawa din nito ang sinabing sasamahan sila sa pagbisita sa kan’yang ama.Ang totoo ay parang nagdadalawang-isip siya. Hindi naman sa ayaw niya nang bisitahin ang ama ngunit nag-aalala siyang baka naroon ang dalawang nakakatandang kapatid na babae at baka sugurin si Shaun dahil sa galit dito.Hindi niya naman masisisi ang mga ito, ngunit gusto niya lang mag-ingat. Baka mapurnada pa ang kan’yang plano kapag nagkataon.Gayunpaman, natagpuan niya na lang ang sarili na nakaupo na sa harapan ng sasakyan habang kalong-kalong si Kean. Ang isa pa’ng kambal na si Sean ay nasa likod kasama si Tere, na pinasama ni Shaun upang may makatulong daw s’ya sa pag-aalaga sa bata sa byahe, kahit kayang-kaya niya naman na s’ya lang.“Liliko ka d’yan.”Paalis pa lang sila ay sinabi niya na dito ang address n
Sabik si Cianne na makakwentuhan ang ama kagaya nang pagdaldal ng kambal dito, ngunit hindi niya magawang maging komportable sa sariling pamamahay. Naiilang s’ya sa presensya ni Shaun sa harap ng kan’yang ama, kahit pa mabait naman ang pinapakita nito.Maraming pinahandang pagkain para sa pananghalian ang kan’yang ama. Kagabi pa lang kasi ay tinawagan niya na ito para sabihin na bibisita sila ng mga anak. Kahit hirap gumalaw ang kan’yang ama at bahagyang nanghihina na din dahil sa mga komplikasyon dulot nang pagkaka-stroke ay hindi pa din ito pinanghihinaan ng loob. Naroong nag-the-theraphy pa din ito, at palaging nakikihalubilo sa mga kasama sa bahay.Gayunpaman, labis-labis ang pagsisikap nilang magkakapatid na huwag itong mabigyan nang kahit anumang sama ng loob. Kaya kahit maliit na problema sa kompanya ay hindi nila sinasabi dito. Sinisikap nilang resolbahin iyon sa alam nilang paraan.Kaya ang presensya ni Shaun sa pamamahay nila ay labis niyang pinag-aalala. Hindi niya nasabiha
Wala naman masama kung sasabihin na ni Shaun sa kan’yang mga anak na ito ang tunay nilang ama, ngunit abot langit pa din ang kaba ni Cianne nang maiwan silang apat sa playroom ng mga bata.Pagkauwi ni Shaun galing sa trabaho kinabukasan ay inaya na siya nito’ng kausapin ang tatlong gulang na mga anak.Ang totoo ay natatakot siya sa magiging reaksyon ng mga ito. Kung mauunawaan ba ang sasabihin nila? Magtatampo ba o matutuwa?Hindi pa nagtatagal ay tuluyan na ngang sinabi nito na siya ang tunay na ama sa mga bata.Sa lahat ng reaksyon na kagabi niya pa iniisip ay ‘ni isa walang pinakita ang dalawa.Tulala lang ito kay Shaun at pagkaraan ng ilang sandali ay bumalik na sa paglalaro. Tila wala itong naintindihan sa narinig.“Mga anak, si Daddy Shaun ang inyong tunay na ama.” Tinagalog niya pa ang sinabi ni Shaun kahit naturuan niya naman ng basic english ang mga anak.“We know po mom, that’s why we called him dad,” saad ni Sean.“And we looked like him,” dagdag ni Kean.Pareho silang nag
“What’s this?”Umagang-umaga ay nakasimangot na mukha ang sinalubong ni Shaun kay Cianne nang abutan niya ito ng papaitan.“Maganda ‘yan para sa hang-over.”Maaga siyang gumising para lang ipagluto ang binata.Hindi siya concern dito, bagkus ay nagsisimula na siyang isakatuparan na makuha ang loob nito.Naiiling na tinabig ni Shaun ang mangkok. Halata sa mukha na hindi maganda ang gising nito.“Just tell Manang to bring me coffee.”Nakabihis pang-opisina na ito kahit maaga pa sa oras nang alis. Karaniwan kasing hinihintay muna nito ang mga bata bago ito mag-agahan.“Ako na lang ang magtitimpla,” pagboboluntaryo n’ya. Siya naman talaga ang nagtitimpla ng kape para dito hindi niya lang alam kung bakit parang biglang nag-iba ang mood nito.“Do as I say,” maotoridad nitong sabi na nagpatahimik sa kan’ya.Mas lalo niya pa’ng napagtantong seryoso nga ito at hindi lang nagsusungit nang dali-daling kumilos si Manang Alice para sundin ang sinabi nito.Iniwan niya na lamang ang lalaki doon. Say
“Wear your smile young gentlemen,” saad ni Christine sa kambal nang magsimula nang magpaso ang mga ito.Ilang minuto pa ang lumipas. Dali-dali nang nilapitan ng organizer ang puting kotseng may bulaklak sa harapan. Kumatok siya sa bintana.Ang kinakabahang si Cianne ang lulan nito. Gayunpaman, hindi mapapansin sa kan’yang mukha ang kaba dahil natatakpan iyon ng puting belo.“Let’s go.”Sa hudyat ng organizer ay bumaba na siya. Huminto siya sa tapat ng nakasarang pintuan. May ilang tao sa paligid niya. Ang iba ay nag-aayos ng kan’yang suot na puting gown, habang ang ilan naman ay kumukuha ng litrato. Panay ang salita ng organizer, subalit wala siyang maintindihan. Panay na lang ang kan’yang pagtango at pagngiti.Samu’t-saring emosyon ang nararamdaman niya. Masaya, kinakabahan, nasasabik, hindi niya na mabatid. Subalit isa lang ang sigurado, panatag ang puso niya.Dahan-dahan na bumukas ang pintuan. Tumambad sa kan’ya ang kulay asul na bulaklak na disenyo sa gitna ng simbahan.“This is
“The kids are fighter! Hindi ko inaasahan na dalawang session pa lang ay bumabalik na ang sigla nila. They still have trauma pero with your guidance, napalaki ng chance na makalimutan nila ang nangyari,” balita ng psychiatrist kay Shaun nang lumabas na ang mga bata sa opisina nito matapos ang counseling.Nang araw ng sana’y kasal nila ni Cianne ay nagising siya sa magandang balita mula sa pribadong imbestigador. Natunton na nito ang kinaroroonan ng mga bata at kasalukuyan nang ni-re-rescue ang kambal. Tandang-tanda niya pa ang galak n’ya ng araw na iyon nang lumabas siya ng kwarto upang ibalita iyon sa kan’yang asawa, subalit ang sayang kan’yang nadama ay mabilis na napalitan ng takot nang mabasa ang note na iniwan nito.Nangako ito’ng babalik kasama ang mga bata.Kinutuban siya nang masama lalo pa nang ibalita ng pribadong imbestigador na hindi nila nakita si Cianne sa lugar kung nasaan ang kan’yang mga anak.Sa tulong ng mga cctv footages ay nasundan niya, kasama ang mga otoridad, a
Higit isang oras pa lang si Cianne na nakahiga sa kama ay dahan-dahan na s’yang bumangon. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa labas. Dapat sana’y hindi siya nakakatulog sa kasabikan ng kasal, hindi dahil sa labis na pag-aalala sa kambal.“Saan ka pupunta?” paos na tanong ni Shaun sa kan’ya na kagaya niya ay hirap din makatulog.Ang totoo’y ayaw pa sana nitong umuwi, pinilit niya lang para magawa niya ang plano.“Magpapahangin lang ako sandali sa labas,” pagsisinungaling niya.Kapag ganoon kasi ang sinasabi niya, alam na kaagad ni Shaun na gusto niyang mapag-isa kahit sandali lang.Mabilis ang ginawa n’yang pagkilos, gayunpaman, hindi niya nakalimutan ang mag-iwan ng note. Anuman ang mangyari, pinapangako n’yang ililigtas niya ang mga anak.Nang makalabas ay agad siyang sumakay sa kotseng kan’yang nabook. Nagpahatid siya sa malapit na pier. Nagpasalamat siyang naabutan niya pa ang unang byahe.Ayaw niyang mag-aksaya kahit kaunting panahon, kaya ang isang oras na byahe ng barko ay napa
“Hindi ba p’wedeng sabay na lang tayong pumunta sa simbahan bukas?” tanong ni Shaun kay Cianne habang inaayos ng huli ang gagamitin ng mga bata bukas sa kasal.Inabot niya kay Manang Alice ang mga sapatos at matapos magbilin ay hinarap niya ang parang batang si Shaun na naghihintay ng atensyon niya.“Hindi nga p’wede. Gusto mo ba’ng tumutol pa bukas si ate sa kasal dahil hindi natin sinunod ang pamahiin ng mga magulang namin noong nabubuhay pa sila?” pagtataray niya. Paano’y kagabi pa ito nangungulit sa kan’ya.Ngumuso ito pagkatapos ay lumapit at niyakap siya mula sa tagiliran.Inamoy nito ang leeg niya at dumampi ng isang mabilis na halik doon. Sa gulat ay siniko niya ang tiyan nito, dahilan para dumaing ito at lumayo.“I-reserve mo nga ‘yang landi mo pagkatapos ng kasal bukas.”Imbes na sumeryoso ay tumawa pa si Shaun. Tila natutuwa pa ito na naaasar siya.Maya pa’y dalawang sunod na busina ang narinig nila sa labas. Tinanaw nila iyon mula sa bintana.Kinuha niya ang kan’yang bag n
“Mommy, I got three stars!” masayang balita ni Sean habang nakataas ang kamay na may tatlong tatak ng stars.“Me too, mommy!” Tinaas din ni Kean ang sa kan’ya.Nakangiting ginulo ni Cianne ang buhok ng dalawang bata. Kahit anong pagod niya talaga sa trabaho ay nawawala sa tuwing sinasalubong siya ng kambal.“Don’t erase it yet. Daddy will be home soon. Show it to him.”Masayang bumalik sa kwarto ang mga ito habang sinusundan n’ya ng tingin. Karaniwan nang sabay nilang sinusundo ni Shaun sa paaralan ang dalawa ngunit naging abala ang huli sa kompanya. Hinahabol din nitong matapos ang mga mahahalagang bagay bago ang araw ng kanilang kasal.“I forgot the papers,” saad niya sa sarili nang makalimutan sa kotse ang mga papeles na kan’yang inuwi upang pirmahan.Nagtungo siya sa garahe upang kunin ang naiwang dokumento nang mapansin ang kotseng nakaparada sa tapat ng kanilang bahay.Naglakad siya palapit sa gate. Takip-silim na ngunit naaaninag niya pa din ang sasakyan, kaya nasabi niyang pa
“Daddy, when are you going home?” nakalabing tanong ng kambal kay Shaun nang tumawag ito kinagabihan.Unang araw nito sa business trip na pinaalam kay Cianne nang nakaraan.“The day after tomorrow my twins,” nakalabing sagot din nito.Natawa si Cianne sa itsura ng asawa. Para itong batang iniwan sa paaralan at gusto nang umuwi.“Akala ko ba isang araw ka lang d’yan?” Sumingit siya sa usapan at seryosong nagtanong. Kunot ang kan’yang noo na tila tutol na um-extend pa ito ng isang araw doon.Gusto n’ya lang takutin ang asawa.Mukhang tagumpay dahil mabilis na naglaho ang ngiti nito sa labi at animo’y naalarma.“Mahal, kasi may event sa kabilang resort. I was invited, I couldn’t say no dahil nandoon din si Alvaro, ‘yong investor na matagal na namin gusto kunin ni dad, remember? But if you want me now beside you, as much as I want you here, I’ll book a ticket now going home.” Tumayo pa ito at nilalagay na ang ilang gamit sa bag.Parang mas nagmukha pa tuloy ito’ng sabik na bumalik sa kani
Wala sa isipan ni Cianne ang engrandeng kasal. Nang sinabi nga ni Shaun na nais nitong ibigay ang pangarap niyang kasal, ay wala siyang ibang maisip kundi isang simpleng seremonya sa simbahan. Ganoon siguro kapag kontento ka na sa buhay. Sapat na sa kan’ya na umuwi sa bahay kasama ang mga anak at asawa pagkatapos nang nakakapagod na araw.Kagaya nang kan’yang nais, simpleng pag-iisang dibdib sa simbahan ay pinaplano niya kasama ang wedding organizer na kinuha ni Shaun.Kahit anong busy ng lalaki ay nagagawa pa din siyang samahan nito sa mga paghahanda.“Hindi kaya maumay nito kaagad ang mga bisita? What do you think, mahal?” tanong sa kan’ya ni Shaun nang mag-food tasting sila.Tumango siya bilang pag-sang-ayon. Nakakailang desert na sila ngunit wala pa din pumapasa sa panlasa ng lalaki.“Okay na ‘to,” saad ni Shaun sa panghuling desert na tinikman nila.Hindi iyon gaanong swak sa panlasa niya kaya bahagya siyang umiling sa asawa.Lumapit ito sa kan’yang tainga ay bumulong.“The visit
Paulit-ulit na nilalagay ni Shaun sa kan’yang isipan ang sinapit ng kan’yang kakambal an si Matt habang pinagmamasdan ang hinang-hina nang si Don Felipe. Tila ba pilit niyang pinapaalala sa sarili na dahil sa nakaratay na matanda ay nawala ang mga mahal niya sa buhay. Subalit tila wala iyong epekto nang tuluyan nang pumatak ang luha mula sa kan’yang mga mata. Unti-unti ay napalitan ang galit ng awa.“Salamat dahil pumunta ka.”Mabilis niyang pinunasan ang luha. Pinapatigas niya ang eskpresyon kahit pa nanlalambot ang kan’yang puso.“Patawarin mo ako sa mga nagawa ko, lalo na kay Matt. Alam kong hindi maiibsan ng paghingi kong ito ng tawad ang sakit na naidulot saiyo nang nangyari pero gusto kong malaman mo na labis akong nagsisisi.” Hindi malinaw ang pananalita nito ngunit dama niya ang sinseridad sa boses nito.Ano pa nga ba ang magiging rason nito para maging masama gayong pisikal na ito’ng nasasaktan dahil sa karamdaman?“Saiyo din Cianne. Patawad kung muntik ko nang mapahamak ang
“Ang kukulit ng mga apo ko, Shaun,” nakangiting reklamo ng ama ni Shaun nang ihatid nito ang mga bata mula sa eskwela.Pinagmasdan niya ang ama na maupo sa sofa habang marahan na hinihilot ang tagiliran. Hindi niya mapigilan ang mas lalong paglawak ng ngiti. Natutuwa siyang makita na kahit papaano ay umaaliwalas na ang mukha ng ama. Paano’y abswelto na ito sa kasong korapsyon. Tanging ang madrasta at lolo niya na lamang ang iniimbestigahan.“Napapayag mo ba si Mr. Chen na mag-invest sa negosyong pinaplano mo?” tanong nito pagkalaon.Tumango siya. “Yes dad, and please say negosyo natin. You’re part of it.”Kagaya ng relasyon nila ni Cianne ay nagsisimula na din siyang buuin ang kan’yang career. Head chef pa din naman siya ng kan’yang nobya, ngunit tuwing sabado o kung may espesyal na okasyon na lamang iyon. Paano’y gumagawa na siya ng pangalan sa larangan ng culinary, dahilan upang maging mas abala siya.Marami na siyang produktong pagkain na naimbento, karaniwang mga ready to eat na p