Chapter 120 - Bakit parang kinakabahan ka?“Bakit nawala ka kanina?” tanong ni Trevor habang nakahiga kami sa kama.“Tumakas lang ako sandali para makipagkita kay ex.” biro ko.“Megan! Ayan ka na naman!” inis na sabi ni Trevor. “Ikaw talaga, hindi na mabiro.” sabi ko. “Actually, na-corner ako ng ex mo!”“Ha?!? Me ginawa ba siya sa iyo? Sinaktan ka ba niya?” worried na tanong ni Trevor.“Saktan? Ako pa? Baka siya pa ang bugbugin ko dahil sa galit ko!” matapang kong sabi. “Pero hindi ko ginawa yun. Hindi ako magpapakababa sa level niya. Pinakiusapan niya akong mag-usap daw kami kahit sandali lang.”“Bakit daw? Para saan?” kinakabahang tanong ni Trevor.“Uy! Bakit parang kinakabahan ka?” galit kong sabi. “Ang sabi niya, naanakan mo raw siya!”“Ano!?! Hindi ako ganun ka irresponsible para maanakan siya!” gulat na sabi ni Trevor kaya bigla itong napaupo sa kama at napahawak sa kanyang mukha na parang aburido. “O ano, magsalita ka!” sigaw ko. Hindi ko na mapigilan ang tawa ko da
Chapter 121 - I still love youIsang araw nakatangap ako ng email mula kay Atty. Felix de Guzman. May reunion daw ang B.S. Circle Club ng UP Diliman at gagawin ito sa Ang Bahay ng Alumni sa UP Diliman. Araw ito ng Sabado at gaganapin mula 2pm – 6pm.Tinawagan ko si James tungkol sa reunion dahil sa UP din ito nagtapos. Batchmate sila ni Robert pero nauna sila sa akin ng dalawang taon. “Hello, James! May natanggap ka bang invitation sa reunion natin sa B.S. Circle Club?” tanong ko.“May email akong natanggap. Pupunta ka? Ako pupunta kasama ko si Brianna.” sagot niya.“Ayoko sanang dumalo kaya lang gusto ko ring makita at makibalita sa mga kaeskuwela ko doon lalung-lalo na sa mga miyenbro ng club nating B.S. Circle. Di ba doon ko kayo nakilala ni Robert noon?” paalala ko kay James.“Oo nga! Kahit B.S. Biology ang course mo at kami ay B.S. Accountancy ni Robert ay naging miyembro tayo ng B.S. Circle sa Arts and Sciences noon.” sabi ni James. “Ano pupunta ka? Nakadalo na ako minsan
Chapter 122 - Lalayasan ko kayo!Nang matapos ang unang tugtog ay may sumunod agad na isang pang sweet music din. Hindi ako binitiwan ni Robert dahil nais niyang ipagpatuloy ang pagsasayaw namin. Maya-maya ay may tumapik sa kanyang balikat at “Can I have this dance with my wife?” sabi ni Trevor.Nagkatitigan sina Trevor at Robert pero nagparaya rin si Robert. Wala naman siyang magawa, asawa ko ang humiling ng sayaw. Sumayaw kami ni Trevor pero wala kaming imikan. Pagkatapos naming sumayaw ni Trevor ay ipinakilala ko siya sa mga nasa table namin.“This is Alex, a Mechanical Engineer, si Medy isang Registered Head Nurse sa New York at si Charley. Mga sisters, my husband Trevor Tee.” pakilala ko sa kanila.“Acheng! Mas guwapo pala kay Robert ang dyowa mo!” sabi ni Alex. “Alam mo Trevor, sina Robert at Megan kasi ang inseparable mag-sweethearts noon college days pa namin. Akala nga namin sila ang magkakatuluyan.” “Ganun ba? Sorry na lang siya at ako ang nakasungkit kay Megan.” pabir
Chapter 123 - Gago pala yang ex mo!Gabi na ng magpaalam si James kay Trevor at sinabing susubukan rin niya ulit na tawagan ako sa aking cellphone. Lalo namang hindi makatulog si Trevor sa kakaisip kung nasaan na ako o baka may nangyari sa akin. Dalawang araw at dalawang gabi na akong hindi umuuwi ng bahay. Dalawang araw na ring hindi pumapasok sa opisina si Trevor.Kinabukasan, muling tumawag si Trevor sa ospital pero ang sabi sa kanya ay wala ako roon. Tinawagan rin niya si James kung may balita tungkol sa akin. Wala ring maisagot si James. “Kapag mamayang tanghali wala pang balita tungkol kay Megan, pupunta na ako sa police station para i-report ito.” sabi ni Trevor kay James. “Baka may masamang nangyari sa kanya!”“Kasalanan ko na naman ito! Megan! Nasaan ka na???” sabi ni Trevor sa sarili habang sinasabunutan niya ang kanyang buhok.Alas onse na ng umaga ng makauwi ako sa bahay. Si Taylor na naglalaro sa may sala ay nakita ang pagdating ko kaya tuwang-tuwa ito ng makita ako
Chapter 124 - Baka bitter!”“Trevor, love! Gising na! Papasok ka pa sa office.” sabi ko habang niyuyugyog ko siya.“Megan, inaantok pa ako!” reklamo ni Trevor. “Bukas na lang ako papasok. Ipahatid mo na lang si Steven kay Kuya Jun sa school at hintayin na rin niya ito hanggang uwian.”“Sige, matulog ka na lang ulit.” sabi ko. Hindi pa siguro nakaka-recover si Trevor sa dalawang araw niyang walang tulog at stress kaya pinabayaan ko na lang itong matulog.Pumasok na si Steven sa school habang ako naman ay naghahandang pumasok sa ospital. Nagbibihi ako ng, “Papasok ka?” tanong ni Trevor.“Oo. Tatlong araw akong wala sa ospital. Kailangang pumasok ako ngayon.” sabi ko.“Wait ka lang at ihahatid kita.” sabi ni Trevor.Hinatid nga ako ni Trevor sa Asian Hospital. Akala ko ay hanggang parking lot lang niya ako ihahatid pero hanggang sa office clinic ko ay sinamahan pa niya ako. Bago siya umalis ay hinalikan pa niya ako sa pisngi na nakita naman ng mga staff ko.“Owww! Ang sweet nyo n
“Walanghiya ka! Malandi! Ano na lang ang sasabihin ng mga kapitbahay natin? Ng mga kakilala natin? Ng mga kamag-anak natin? Buntis ka! Dalagang-ina? Doktora ka pa naman! Tangang doktora! Hindi mo ginamit ang pinag-aralan mo!” pasiigaw na sabi ng galit na galit na Tatay ko.”Ikaw pa naman ang inaasahan namin ng Nanay mo na makakatulong sa amin sa pag-aaral ng mga kapatid mo!” dagdag pa ni Tatay. Dahil sa sobrang galit ay napagbuhatan ako ng kamay ng Tatay ko. Magkapatid na sampal na halos ika-walang malay ko ang dumapo sa aking pisngi.“Nasaan ang ama ng magiging anak mo? Wala! Pinabayaan ka na? Hindi namin kilala kung sino ang boyfriend mo! Ni anino ng lalaking iyan ay di namin nasilayan dito! Tapos yan ang sasabihin mo sa amin? Buntis ka?”pasiigaw na sabi ng galit na galit ngTatay ko. Halos marinig ng mga kapitbahay namin ang kaguluhan sa loob ng bahay namin. Ang Nanay ko naman na hindi makapaniwala sa nangyari sa akin ay iyak ng iyak at walang masabi.“Lumayas ka! Layas! Ayaw ko ng m
Ang isang gabing kaligayahang pinagsaluhan namin ni Robert ay saglit lang at napalitan ng lungkot at kaba dahil dalawang buwan na akong walang menstruation. Nag self-testing ako.... POSITVE. Sabi ko baka mali ito. Kaya't nagdesisyon akong magpa-pregnancy test sa isang klinika. Positive pa rin ang resulta. Na-shock ako. “Paano na ang mga pangarap ko? Paano pa ako nagiging isang magaling na doktor? Paano na ang pamilya ko, ang mga kapatid kong pag-aaralin ko pa? Ako pa naman ang pangany sa anim na magkakapatid. Magandang halimbawa ba ang ginawa ko? Nabuntis ng hindi pa kasal? Dalagang-ina? Napaka-tanga ko! Ni hindi pa nga kilala ng mga magulang ko si Robert! Tapos ito?” pagmumuni-muni ko. Nung araw ring iyon, tinawagan ko si Robert at sinabing magkita kami. Nagtatarabaho na si Robert sa isang kilalang Law Firm, ang SyCip Salazar Hernandez & Gatmaitan Law Firm bilang isang Corporate Lawyer. Dalawang taon na syang.pumapasok dito bilang paghahanda sa pag take-over nya sa kanilang mga nego
After almost 17 hours sa eroplano, nasa Pilipinas na kami. Ah..... iba pa rin ang pakiramdam kapag nasa sariling bansa ka. Mga hand carry luggages lang ang bitbit namin ni Steven dahil naipadala ko na in advance ang mga gamit namin sa States. Si James Sy, ang aking bestfriend magmula pa noong UP days namin, ang nag-asikaso ng lahat ng kakailanganin ko dito sa Pilipinas. Isa na syang Senior Partner CPA sa isang malaking kumpanya, ang SGV & Co. na me tie-up sa Ernst & Young LLP / New York. Inasikaso nya ang titirahan naming condo na binili ko, mga basic appliances and furnitures, pati na ang kasambahay na makakasama namin, at iba pa kakailanganin namin dito sa Pilipinas. Sa Ninoy Aquino International Airport, Terminal 2 kami lumapag, mga 7 o'clock am. Excited na si Steven sa pagbaba ng eroplano. Susuduin kami ni James sa airport at mula dito ay tutuloy na kami sa condo. Maliban kay James, walang nakakaalam ng pag-uwi naming ito. Lalong walang nakakaalam ng tungkol sa anak ko. Sa loob