Chapter 125 - Hello, love? Nasaan ka na?Fifty years old na si Trevor, two weeks from now. Napagpasyahan kong bigyan siya ng birthday bash sa bahay namin. Inimbita ko ang mga kaibigan, ka-opisina at mga kamag-anak naming dalawa. Konti lang ang invited mga singkwenta siguro para medyo private ang party. Areglado na ang catering service na kinuha ko at sila na ang bahala sa lahat. Mula sa set-up ng mesa at upuan, pagkain, inumin, cakes at décor sa garden kung saan gagawin ang party.Three days bago ang birthday ni Trevor, pagka-off ko sa ospital ay pumunta ako sa Makati para bilihan siya ng regalo. Big bike ang dala kong sasakyan para mabilis at walang trapik. Pumarada ako sa Glorrieta dahil wala namang ibang paradahan sa Makati na malapit sa Cartier store. Balak ko kasing regaluhan siya ng isang Santos de Cartier watch. Bumaba ako sa level 1 ng Glorietta 4 at naglakad palabas dito papuntang Cartier store. Habang naglalakad ako ay nakita ko si Trevor na may kasamang isang babae na ma
“Walanghiya ka! Malandi! Ano na lang ang sasabihin ng mga kapitbahay natin? Ng mga kakilala natin? Ng mga kamag-anak natin? Buntis ka! Dalagang-ina? Doktora ka pa naman! Tangang doktora! Hindi mo ginamit ang pinag-aralan mo!” pasiigaw na sabi ng galit na galit na Tatay ko.”Ikaw pa naman ang inaasahan namin ng Nanay mo na makakatulong sa amin sa pag-aaral ng mga kapatid mo!” dagdag pa ni Tatay. Dahil sa sobrang galit ay napagbuhatan ako ng kamay ng Tatay ko. Magkapatid na sampal na halos ika-walang malay ko ang dumapo sa aking pisngi.“Nasaan ang ama ng magiging anak mo? Wala! Pinabayaan ka na? Hindi namin kilala kung sino ang boyfriend mo! Ni anino ng lalaking iyan ay di namin nasilayan dito! Tapos yan ang sasabihin mo sa amin? Buntis ka?”pasiigaw na sabi ng galit na galit ngTatay ko. Halos marinig ng mga kapitbahay namin ang kaguluhan sa loob ng bahay namin. Ang Nanay ko naman na hindi makapaniwala sa nangyari sa akin ay iyak ng iyak at walang masabi.“Lumayas ka! Layas! Ayaw ko ng m
Ang isang gabing kaligayahang pinagsaluhan namin ni Robert ay saglit lang at napalitan ng lungkot at kaba dahil dalawang buwan na akong walang menstruation. Nag self-testing ako.... POSITVE. Sabi ko baka mali ito. Kaya't nagdesisyon akong magpa-pregnancy test sa isang klinika. Positive pa rin ang resulta. Na-shock ako. “Paano na ang mga pangarap ko? Paano pa ako nagiging isang magaling na doktor? Paano na ang pamilya ko, ang mga kapatid kong pag-aaralin ko pa? Ako pa naman ang pangany sa anim na magkakapatid. Magandang halimbawa ba ang ginawa ko? Nabuntis ng hindi pa kasal? Dalagang-ina? Napaka-tanga ko! Ni hindi pa nga kilala ng mga magulang ko si Robert! Tapos ito?” pagmumuni-muni ko. Nung araw ring iyon, tinawagan ko si Robert at sinabing magkita kami. Nagtatarabaho na si Robert sa isang kilalang Law Firm, ang SyCip Salazar Hernandez & Gatmaitan Law Firm bilang isang Corporate Lawyer. Dalawang taon na syang.pumapasok dito bilang paghahanda sa pag take-over nya sa kanilang mga nego
After almost 17 hours sa eroplano, nasa Pilipinas na kami. Ah..... iba pa rin ang pakiramdam kapag nasa sariling bansa ka. Mga hand carry luggages lang ang bitbit namin ni Steven dahil naipadala ko na in advance ang mga gamit namin sa States. Si James Sy, ang aking bestfriend magmula pa noong UP days namin, ang nag-asikaso ng lahat ng kakailanganin ko dito sa Pilipinas. Isa na syang Senior Partner CPA sa isang malaking kumpanya, ang SGV & Co. na me tie-up sa Ernst & Young LLP / New York. Inasikaso nya ang titirahan naming condo na binili ko, mga basic appliances and furnitures, pati na ang kasambahay na makakasama namin, at iba pa kakailanganin namin dito sa Pilipinas. Sa Ninoy Aquino International Airport, Terminal 2 kami lumapag, mga 7 o'clock am. Excited na si Steven sa pagbaba ng eroplano. Susuduin kami ni James sa airport at mula dito ay tutuloy na kami sa condo. Maliban kay James, walang nakakaalam ng pag-uwi naming ito. Lalong walang nakakaalam ng tungkol sa anak ko. Sa loob
Namamahay marahil ako at naninibago sa time zone sa pagitan ng Amerika at Pilipinas kung kaya't hindi ako nakatulog ng maayos. Samantalang si Steven ay mahimbing na ang tulog. Sabado ngayon at alas-kwatro na ng madaling araw. Pumunta ako sa balkonahe ng condo at tinanaw ang kapaligiran. Hmmm... mukha ngang maganda dito at tanaw ang swimming pool sa ibaba mula sa kinalalagyan namin sa 10th floor.Dahil maaga pa, nagpasya akong maghanda na ng almusal, para pag gising ni Steven ay magkakapag-agahan na sya at aayain kong magswimming sa pool sa ibaba. Seven o'clock nagising si Steven at habang nag-aalmusal ay sinabi kong, “Why don't we try out the swimming pool downstairs?” Excited na umoo si Steven kung kaya't alas otso ay nasa pool na kami. Walang katao-tao sa swimming area kaya't para kaming mga bata ni Steven na nag-swimming. Marunong ng lumagoy si Steven, four years old pa lang sya ay nag-aral ng lumangoy sa States.Sa di kalayuan ay may lalaking nagmamasid sa amin. “Akala ko ay maaga
Samantala sa tabi ng pool, naiwan si Robert na namamangha sa mga pangyayari. Totoo ngang bumalik na si Megan... ang mahal niyang si Megan. Pitong taon na ang nakalipas magmula ng biglang umalis ito sa bahay nila sa Makati. Ipakikilala sana nya ito sa kanyang mga magulang at upang ipaalam sa mga ito ang plano nyang pakasalan si Megan. Alam nyang tututol ang Baba at Mama nya na pakasalan si Megan. Hindi naman matapobre ang kanyang mga magulang subalit, may pangalan itong inaalagaan at syempre and nais nilang mapangasawa ko ay nabibilang sa alta-sosyedad,. Mayaman na tulad namin at higit sa lahat, dapat ay Chinese rin.Naaalala pa nya ang mga sinabi ng Baba at Mama niya tungkol ke Megan, bagama't hindi pa nila ito nakikilala o nakakaharap man lang. Pulos panlalait at nakakababa ng pagkatao ang mga narinig nito. Naaala pa nya.“Bakit mo dinala rito ang babaeng yan?” tanong ni Mama. Sabi naman ng Baba nya, “Wala akong pakialam kung isa syang doktora, mahirap pa rin sya. Ang gusto kong ma
CHAPTER 6“What a beautiful morning! Ang dami ko pa palang aasikasuhin, today. I have to enroll Steven to a public school near here this morning then I will report at St. Luke's Medical Center in the afternoon to submit my credentials.” bulalas ni Megan. Nilista ko ang mga itinerary ko for the day para hindi ako magahol sa oras. Ginising ko si Steven na katabi ko sa kama at paglabas namin ay nakahanda na ang breakfast. “Good morning, Ate Rose.” bati ko sa kasambahay ko. “Mam, nakahain na po ang almusal, kain na po kayo.” wika ni Rosa. “ Sumabay ka na sa aming kumain, tatatlo lang naman tayo rito. “ sabi ko. Habang kumakain ay nag-ring ang doorbell. Tinignan ni Ate Rose kung sino ang nag-doorbell at sinabing si James pala.“Good morning, Megan! Good morning Steven! Aba taman-tama pala ang dating ko! Makikikain na rin ako.” bati ni James. Nag-setup pa ng isang plato at kubyertos si Ate Rose sa mesa para makakain din si James. Habang kumakain ay nabangit ni James na nasa parking
CHAPTER 7Hatingabi na hindi pa rin ako makatulog. Umiisip ako ng paraan kung paano ako makikipagkita kina Tatay at Nanay. Bigla kong naisip na anibersaryo pala ng kasal nila isang linggo mula ngayon. Tamang-tama ang okasyong iyon para makipagkita sa kami ni Steven sa kanila at maipakikilala ko rin ang aking anak. Tinawagan ko si James sa cellphone nito. “Hello, Megan. Me problema ba? Hatingabi na!” parang inaantok pang sagot ni James.“So sorry James sa pagtawag ko ng dis-oras ng gabi. Naisip kong wedding anniversary pala nina Tatay at Nanay sa 19th ng buwang ito. Di ba napagandang okasyon iyon para makipagkita na kami ni Steven sa kanila?” excited na sabi ko. “Okay, I will arrange the venue on the 19th at sekreto kong kakausapin ang kapatid mong si Andy. Siya naman ang lagi kong kausap tuwing magbibigay ako ng pera para sa kanila na galing sa iyo.” sabi ni James na tila wala pa sa wisyo. “I will drop by at your place tomorrow para mapag-usapan natin ang details. Goodnight.