Share

Chapter 126

Chapter 126 - Tarantado pala yang asawa mo!

Madaling araw na ng maalimpugatan ako. Masakit ng buo kong katawan. Itinaas ko ang kamay kong naka-plaster cast ng mapansin kong katabi ko sa kama ang tulog na si Robert.

“Robert?” paggising ko sa kanya at hinawakan ko ang kanyang noo.

“Megan? Bakit? Gutom ka na ba? Ano ang masakit sa iyo?” pag-aalala ni Robert.

“Masakit lang ang ulo at buong katawan ko. Salamat at sinamahan mo ako dito.” sabi ko. “Nauuhaw ako!”

Pinainom ako ng tubig ni Robert at inalalayan pa niya ang ulo ko habang umiinom ako. “Salamat!” sabi ko.

“You put me to hell, Megan! Nanghina ako ng makitang kitang nire-revive sa ER kagabi. At duguan ang mukha mo.” sabi ni Robert. “Hindi ko kayang mawala ka! Ano ba talaga ang nangyari?”

Muli na naman akong umiyak, “Si Trevor, nakita ko kahapon sa Glorietta, May kasamang babae at may anak pa! Tinawagan ko siya sa cellphone at sabi niya nasa opisina siya. Kaya tinanong ko siya kung sino ang babaeng katabi niya na binilihan pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status