Para akong nanliit dahil sa mala-dyosa at mala-anghel na fiance ni Wayde na bumaba ngayon sa double staircase. Walang sino man ang hindi napalingon ng ipakilala si Catalina Marie Ortega bilang fiance ng dati kong nobyo. Ang ganda n'ya. Wait, understatement ang salitang 'yon para sa kanya. Para s'yang prinsesa, hindi lang sa taglay n'ya kagandahan kundi pati na rin sa mahinahon at mayumi n'yang galaw. Kung ipagtatabi kaming dalawa ay baka magmukha akong basurahan kesa tao. Ako na ang mananakit sa feelings ko. "Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Devan. "Itatanong mo talaga 'yan sa akin?" inis kong saad na mahina n'yang ikinatawa. Para kasing nang-iinis s'ya sa tanong n'yang iyon. Kitang-kita ko kung paano matamis na ngitian ni Wayde ang fiance n'ya. Puno ng pagmamahal at paghanga ang mga mata n'ya habang hinihintay si Catalina sa ibaba ng hagdan. Parang may mga tumamang palaso sa dibdib ko ng makita ang paghalik ni Wayde sa labi ni Catalina bago n'ya hawakan ang kamay ng dala
"If you want me to listen to you then you also have to do things for me Ms. Alvarez. Mahalaga ang bawat oras ko kaya naman kailangan mo 'yong paghirapang makuha sa akin." He said with his stoic voice. Sumandal s'ya sa office table n'ya habang niluluwagan ang suot n'yang kurbata. Napayuko ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. "D-Do things like what?" "I will listen to you once you satisfy me." Muli akong napaangat ng tingin sa kanya. "S-Satisfy you?" Kumunot ang noo. Alam ko ang gusto n'yang ipahiwatig pero gusto kong kompirmahin kung tama ba ang nasa isip ko o baka naga-assume lang ako. "Huwag kang magkunwaring hindi mo alam ang sinasabi ko, Pixie." Nag-igting ang panga n'ya sa galit. Pixie? Ito ang unang beses na tinawag n'ya ako sa pangalan ko. Simula ng magkakilala kami ay palaging doll or chaka na ang itinatawag n'ya sa akin. Noong una ay naiirita ako sa tuwing naririnig ko 'yon sa labi n'ya pero nang umusbong ang pagtingin ko sa kanya ay doon ako nag-assume na es
Katangahan na nga 'to. Sumama ako sa kanya para gawin ang bagay na pagsisihan ko na naman sa huli. Mamaya ay mag-iinarte ako at iiyak sa banyo kapag kinain ako ng konsensya ko. Ang tanga-tanga ko! Catalina don't deserve to be fooled like this. Kahit kagabi ko lang s'ya na kilala ay alam ko na mabait s'ya. Kung alam siguro ni Marcia ang pinaggagagawa ko ay baka nabatukan n'ya na ako or worst. "Itigil mo nga 'yan," iritabling pahayag ni Wayde. Doon ko lang napagtanto na inuuntog ko na pala ang ulo ko sa katabi kong bintana. Napaayos ako ng upo saka s'ya pasimpling sinilip. Sa limang taon naming hindi pagkikita ay maraming ipinagbago ang lalaking 'to. Hindi lang sa pag-uugali kundi pati na rin sa pisikal na aspeto. Bumaba ang tingin ko sa braso n'ya. Nakaangat kasi hanggang siko ang long sleeve n'ya kaya naman kitang-kita ko ang maugat n'yang braso na nagpadagdag pa lalo ng kakisigan n'ya. "F*ck! Stop staring at me, b*tch!' Mabilis akong napaiwas ng tingin sa kanya. Tss. Anong karap
"Hey sis! Long time no see." "P-Pennie?" "Your one and only pretty sister." Nakangisi n'yang saad habang nakaangat ang isa n'yang kilay na ang sarap ahitin. Ano naman ang ginagawa ng 'sang 'to rito? Tumayo ako saka s'ya hinarap. Mag-aayos kasi ako ng stocks ng mga delata at noodles sa grocery store na pinagtatrabahuhan ko nang dumating s'ya. Kung tama ang pagkakatanda ko ay mahigit dalawang taon na rin nang huli ko s'yang makita. Hindi ko akalaing lumuhod ako noon sa harap n'ya para lang makahiram ng pera para sa pagpapagamot ng anak ko. Binigyan n'ya naman ako pero pinahiya n'ya muna ako sa maraming tao bago isampal sa mukha ko ang pera n'yang hindi man lang nabayaran ang isang araw na hospital bills ng anak ko. Sa tuwing naaalala ko ang nangyaring 'yon ay hindi ko mapigilang kaawaan ng paulit-ulit ang sarili ko. Itinaga ko nun sa bato na hindi na ako hihingi ng tulong sa kanya kahit na anong mangyari. Pinasadahan ako ni Pennie ng tingin mula ulo hanggang paa bago n'ya mulin
"Pagkakataon mo na 'to para patayin ako Wayde." "Shut up," singhal n'ya sa akin bago n'ya ako maingat na inilapag sa kama ko. "Uminom ka na ba ng gamot?" tanong n'ya sa akin. Pinigilan kong huwag maging assuming at kiligin pero sa huli ay nanalo ang pagiging marupok ko. Urrggh! Kainis ka self!"Hindi pa. Can you get it for me?""Tss. Saan nakalagay?" "Nasa cabinet sa kusina. Sa blue na jar," sagot ko sa kanya. Nang makaalis s'ya ay kaagad kong kinuha ng phone ko at tinawagan si inay."Napatawag ka hija?""Pauwi na po ba kayo?""Hindi pa. May bagong kalaro kasing nakilala si Wynter sa parke. Niyaya kami ng nanay ng bata na kumain. Baka mayamaya pa kami makauwi. Ayos lang ba 'yon hija?""Opo. Ayos lang po."Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ni inay. Kailangan kong paalisin si Wayde bago pa sila magkita ng anak ko. Oo! Buo na ang desisyon kong itago sa kanya si Wynter. Ayokong idamay ang anak ko sa away naming dalawa. Masasaktan lang si Wynter kapag nalaman n'yang im
"Kelan ang balik mo rito?" tanong ko kay Devan. Pagkatapos ng shift ko sa restaurant n'ya ay sumama ako sa kanya rito sa airport para ihatid s'ya."Hindi pa nga ako nakakaalis ay pagbabalik ko na kaagad ang itinatanong mo. Na-touch naman ako," pabiro n'yang pahayag na nagpaikot ng mga mata ko. "Ang totoo n'yan ay hindi ko pa alam kung kelan ang balik ko rito. Matagal pa siguro. Pumunta lang naman kasi ako rito para sa engagement party ni Wayde at Catalina. Tsaka kahit walang supervision ko ang restaurant rito ay maganda naman ang agos ng negosyo kaya sa pinas muna talaga ako maglalagi." "Devan, pwede bang huwag mo munang banggitin kay Marcia na nagkita tayo rito? Gusto ko s'yang i-surprise kasama si Wynter pagbalik ko.""Yeah. Sure. Mag-iingat kayo rito. Kapag may problema kayo ay tawagan mo lang ako. Isa pa nga pala, balitaan mo kaagad ako kapag pabalik na kayo sa pinas."Tumango ako. "Thanks, Devan." Lumapit ako sa kanya at yinakap s'ya. "Mami-miss kita.""Iyan talaga ang h
"Sh*t!" Napamura ako sa gulat at muntik ko na rin mabitawan ang hawak kong kape nang makita ang isang pigura ng lalaki na prenteng nakaupo sa may dining area. Pinaningkitan ko s'ya ng mata at doon ko na kompirmang si Wayde ang lalaking ito.Kanina pa ba s'ya nand'yan? Tsk. Magkakasakit talaga ako sa puso ng dahil sa kanya. Kung saan-saan na lang s'ya sumusulpot. May lahi ba s'yang kabute?Muntik ko ng makalimutan na dito nga pala s'ya natulog kagabi. Hindi ba s'ya nakatulog ng maayos? Kasalanan n'ya dahil nagpumilit s'yang magsumiksik dito. Pwede n'ya namang bisitahin si Wynter kahit kelan n'ya gusto nang hindi kailangang natutulog dito tuwing gabi."K-Kape? Gusto mo ba ng kape?" tanong ko sa kanya."Yeah, sure.""3-in-1 lang ang meron kami." Marahan s'yang tumango kaya naman kaagad ko s'yang tinalikuran para ipagtimpla s'ya ng kape.Alas-quatro palang ng umaga. Hindi naman ako nagigising ng gan'tong oras pero dahil maaga akong nakatulog kagabi ay maaga rin akong nagising ngayo
"Wynter!" tawag ko sa anak ko paglabas n'ya sa classroom nila. Tumakbo s'ya papalapit sa akin saka s'ya yumakap sa hita ko. Nang umalis si inay ay nagpasya akong tumigil na rin sa pagtatrabaho para maalagaan ko ang anak ko. Sa ngayon ay iyon ang pinaka-magandang desisyon na nagawa ko. Ang sarap sa pakiramdam na ako na ang nakabantay kay Wynter at nag-aasikaso sa kanya. Babawi ako sa mga oras na nawala sa aming dalawa. Simula kasi ng mag-2 years old si Wynter ay si inay na ang palaging nakabantay sa kanya kaya naman gagawin ko ang lahat para makabawi sa mga pagkukulang ko sa anak ko.Tinupad ni Wayde ang ipinangako n'yang susustentuhan n'ya ang anak n'ya habang wala akong trabaho. Hindi s'ya nagkulang sa perang ibinibigay n'ya sa amin. Ang totoo n'yan ay sobra-sobra pa nga ang inilalagay n'ya sa bank account ko. Nakakahiya kaya kinausap ko s'yang bawasan ang ibinibigay n'ya sa amin pero hindi s'ya pumayag.Naisip kong itabi na lang 'yon para sa future ni Wynter. "Mama, I want
"Wayde, ano ba?!" Hinampas ko ang braso n'yang nakapulupot sa tiyan ko. Imbis na alisin ay mas humigpit pa lalo ang yakap n’ya sa akin."Hmm. Bango-bango naman ng misis ko."Isiniksik ni Wayde ang mukha n'ya sa leeg ko saka n'ya ako dinampian ng magagaang halik. Mula sa leeg ay naglakbay sa labi n'ya sa batok at balikat ko. Naka-off shoulder white dress ako kaya naman may access s'ya sa balikat ko."Wayde! Baka may makakita sa atin!" suway ko sa kanya pero hindi s'ya nagpatinag at todo landi pa rin sa akin. Ipinagpatuloy n'ya ang pagsingot at paghalik sa leeg ko kaya naman nag-init na rin ang katawan ko.This man really knew how to tempt me!Nasa kusina kami ngayon samantalang nasa may garden naman ang lahat ng mga bisita namin. 1st birthday celebration kasi ngayon ni Miru kaya may kaunting salo-salo kasama ang pamilya at kaibigan naming ni Wayde.Sa dalawang taon na lumipas simula ng maikasal kami ni Wayde ay walang araw na hindi ako nagpapasalamat sa Diyos dahil sa ibinigay n’yang pa
Confirmed! Iniiwasan n'ya nga ako!Nang makita kasi ako ni Pixie ay bigla na lang s'yang yumuko at nagtago sa likuran ng kaibigan n'ya. Masyado ba kong aggressive para yayain s'yang maging bed partner ko? Pero hindi ko naman s'ya pipilitin kong hindi pa s'ya handa.Damn you, Wayde! Sa lahat ng pwede mong hingin na kondisyon sa kanya ay 'yon pa talaga?"Luh! Anyare sa'yo?" tanong sa akin ni Mavey. Hindi ko namalayan na sinasabunutan ko na pala ang sarili ko. "You're acting fishy, Wini. Very very fishy.""Parang s'ya hindi.""Huh? What do you mean bakla?" kunot-noong taong sa akin ni Mavey."Balita ko may bagong manliligaw na naman si Keegan."Gusto kong humagalpak ng tawa ng makita ko ang pagbusangot ng mukha ni Mavey pero pinigilan ko. Baka kasi mas lalo lang s'yang ma-badtrip sa akin."Nabihag na naman ng ganda n'ya ng eyes ni crush. Ilang beses n'ya na akong inaagawan ng crush, Wini. Kung ipakulam ko na kaya ang babaitang 'yon?""Si Keegan ba talaga ang ipapakulam mo o ang mga manlil
"We traced her every movement but this is not enough to arrest her. Pwede natin s'yang kwestyunin pero hindi natin s'ya maikukulong. Kailangang kompirmahin ng dalawa n'yang tauhan na s'ya nga ang may pakana sa pag-kidnap kay Pixie para madiin s'ya at maipakulong," pahayag ni Atty. Salcedo. "We can't let her escape! Gawin mo ang makakaya mo para hindi na makapaglakad sa lupa ang hay*p na 'yon!" asik ko. "We don't have witness and evidence, Mr. Johnsons." "Wala pang kasiguraduhan kung kelan magigising si Pixie at kung hihintayin natin s'ya ay baka makatakas lang ang kapatid n'ya," saad ni kuya Willard. "Siguradong kabado na ang babaing 'yon ngayon," komento naman ni Devan. "I have a suggestion." Sabay-sabay na nabaling ang tingin naming lahat kay kuya Willard. "She might confess on her own." "Paano?" tanong ko. "By letting her visit her sister." "What? No! I won't risk Pixie's safety!" sigaw ko. Hindi ko gusto ang planong 'yon ni kuya Willard pero kung kapalit nun ang hustisya
"I can't believe she has a boyfriend. Hahaha! Sa itsura n'yang 'yan ay may pumatol pa talaga sa kanya." Pennie mockingly said. Nakikinig lang ako sa kanya habang pinagsasalitaan n'ya ng masasamang salita ang kapatid n'ya. I want to unhear it, pero sa kasamaang palad ay wala akong remote para i-mute ang bibig ng kaibigan ko. "Balita ko 6 months na sila. Tsk. Tingnan lang natin kung umabot pa sila ng isang taon." Isang mapaglarong ngisi ang gumuhit sa labi ni Pennie. Sigurado akong may masama na naman s'yang binabalak at kung hindi ako nagkakamali ay balak n'yang sirain ang relasyong meron ang kapatid n'ya sa boyfriend nito. Sa ilang taon naming pagkakaibigan ni Pennie ay alam ko na ang takbo ng utak n'ya. Yes, I like Pixie pero hindi ako nagtangkang sirain ang relasyong meron sila ng boyfriend n'ya. I'm happy for her. Nang magka-boyfriend s'ya ay ako ang unang nakaalam. Stalker yarn? I'm just fond of her. Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko ang mga reaksyong gumugihit sa mukha n'y
"W-WHAT? Are you out of your mind!" asik ng ina ni Catalina ng sabihin amin sa kanyang iuurong na namin ang kasal. "Catalina! Is this your idea?" "Desisyon po namin 'to pareho," pahayag ko na mas lalong nagpakunot ng noo ng dalawang matada. "N-No. Hindi pwede. Matagal na natin 'tong napagplanuhan. Hindi na pweding iurong ang kasal!" "Stop it mom," suway ni Catalina sa ina n’ya. "You shut your mouth young lady! Baka naman pinilit mo itong si Wayde na huwag magpakasal sa'yo. Alam ko ang takbo ng kukute mo, Catalina! Alam kong matagal mo nang ayaw sa kasalang ito!" asik ng ama ni Catalina. "Hindi lang po s'ya ang nagdesisyon dito." "No Wayde, alam kong pinilit ka lang ni Catalina. Don't worry, we’ll talk to her." "No. Our decision is final. Walang kasalan na magaganap. I'll pay for the damages if I have to." "W-Wayde," "I already have a child. Papayag ba kayong maikasal sa akin ang anak n'yo kung may anak na ako?" Bumakas ang matinding gulat sa mukha ng dalawang matanda dahil s
WAYDE "Wayde?" Bakas ang gulat sa mukha ni Janus nang makita ako. Buhat n'ya ngayon ang isang sanggol na sa tingin ko ay anak n'ya. "W-What brought you here?" tanong n'ya bago ibaling kina Mavey at Keegan ang tingin n'ya. "Do you have spare time? I need to talk to you." "Y-Yeah. Sure. Pasok kayo." Nilakihan n'ya ang pagkakaawang ng pinto para makapasok kaming tatlo. Sa tulong ni Mavey ay mabilis naming nahagilap ang kinaroroonan ni Janus. Prioridad ko pa rin ang paghahanap kay Pixie sa mga oras na ‘to at hindi ako titigil hangga't hindi ko s’ya natatagpuan. Sa ngayon ay kailangan ko munang malinawan sa totoong nangyari sa kanila ni Janus bago ako magpadala sa emosyon ko. Alam kong huling-huli na ako. Dapat noon pa ay hinarap ko na si Janus pero wala nang magagawa ang pagsisisi ko ngayon. Inilapag muna ni Janus ang natutulog n'yang anak sa crib bago maupo sa kaharap kong sofa. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Janus. Nandito ako para marinig ang totoong n-namamagitan sa iny
"SA'YO 'to?" tanong n'ya sa akin pagpasok n'ya sa condo unit ko. "Oo. Dito ka muna. Bukas na lang kita ihahanap ng hotel mo. Okay lang naman sa'yo, diba?" "Yes. I'd rather stay here pero hindi ba ako makakaabala sa'yo? Wait, may iba ka bang kasama rito?" "Wala. Sa ngayon ay ikaw lang." Tumango-tango s'ya habang inililibot ang tingin sa loob ng condo ko. "Alam ba nilang nandito ka sa pilipinas?" "Si Wayde lang ang nakakaalam." "Okay. Magpahinga ka na muna. I'll take you to your room." Sumunod s'ya sa akin hanggang sa makarating kami sa bakanteng kwarto sa condo ko. "T-Thanks. Ahm, Devan. Are you mad at me?" "N-No. Why would I?" "B-Because I publicly announce my feelings for you." "No. Rest, Cat. Let's talk later." Nang isara n'ya ang pinto ay doon na ako napasabunot sa sarili ko. Kanina pa nagwawala ang puso ko dahil sa naging confession n'ya but here I am being cold and mean to her. The f*ck why? I want to pull her close to me and kiss her pero kabaliktaran nun ang ginagawa
"DEVAN! You're here!" tuwang-tuwa n'yang saad nang makita n'ya ako sa opening ng restaurant ng kapatid n'ya. "I'm glad you're here." "Hmm? Really, why?" "Eh kasi wala akong makausap dito. Nakatayo lang ako rito, tumatango kapag may bumabati. It's awkward for me." Para s'yang bata na nagsusumbong sa nanay n'ya. Cute. "Napansin ko nga. You look bored here." "Sinabi mo pa!" "Let's go out." "O-Okay. Ahm. Okay lang naman sigurong umalis ako diba?" "Oo. Nand'yan naman ang manager ng resto kaya ayos lang." She chuckled and clung to my arm. "Let's go." S'ya na ang humila sa akin palabas ng restuarant kaya mahina akong napatawa. Para s'yang nakalaklak ng enervon sa taas ng energy n'ya. "Where are you taking me?" "Hindi ko pa alam. May gusto ka bang puntahan?" "You tell me. Mag-recommend ka ng lugar na sa tingin mo ay mai-enjoy ko bukod sa mall." "Hmm. Let's see." Kaagad kong pinaharurot ang minamaneho kong sasakyan hanggang sa makarating kami sa harap ng hotel building n'ya. "Iu
DEVAN "Don't f*cking touch my wife!" asik sa akin ni Willard. Kumunot ang noo ko bago ako mapabuntonghininga.Hanggang ngayon ba ay pinagseselosan n'ya pa rin ako? Ako na pinsang buo ng asawa n'ya? Really?Hinila n'ya papalayo sa akin si Marcia saka n'ya ito isinubsob sa dibdib n'ya. Edi kayo na may lovelife!"Ano ka ba naman, hon! Pinsan ko 'yan!" sita ni Marcia sa asawa n'ya saka nito mahinang hinampas ang braso ng lalaki."Kahit na. He's still a guy!"Damn! Patay na patay ang hinayupak sa pinsan ko."Ilang taon na nga ulit kayong kasal?" I asaked them."3 years," sagot ni Marcia. "Anyway, ikaw na ang bahala sa baby namin. Magdi-date lang kami ng asawa ko. Sinasabi ko sa'yo, Devan, kapag pinabayaan mo ang anak ko ako mismo ang maghuhukay ng lupa na hihimlayan mo. Mark my word," pagbabanta ni pinsan kaya napakamot na lang ako sa batok ko."Tss. Oo na. Anong akala mo sa akin? Hindi marunong mag-alaga ng bata?" May halong pagmamayabang na pahayag ko na ikinangiwi ni Willard. Halatang