"Sh*t!" Napamura ako sa gulat at muntik ko na rin mabitawan ang hawak kong kape nang makita ang isang pigura ng lalaki na prenteng nakaupo sa may dining area. Pinaningkitan ko s'ya ng mata at doon ko na kompirmang si Wayde ang lalaking ito.Kanina pa ba s'ya nand'yan? Tsk. Magkakasakit talaga ako sa puso ng dahil sa kanya. Kung saan-saan na lang s'ya sumusulpot. May lahi ba s'yang kabute?Muntik ko ng makalimutan na dito nga pala s'ya natulog kagabi. Hindi ba s'ya nakatulog ng maayos? Kasalanan n'ya dahil nagpumilit s'yang magsumiksik dito. Pwede n'ya namang bisitahin si Wynter kahit kelan n'ya gusto nang hindi kailangang natutulog dito tuwing gabi."K-Kape? Gusto mo ba ng kape?" tanong ko sa kanya."Yeah, sure.""3-in-1 lang ang meron kami." Marahan s'yang tumango kaya naman kaagad ko s'yang tinalikuran para ipagtimpla s'ya ng kape.Alas-quatro palang ng umaga. Hindi naman ako nagigising ng gan'tong oras pero dahil maaga akong nakatulog kagabi ay maaga rin akong nagising ngayo
"Wynter!" tawag ko sa anak ko paglabas n'ya sa classroom nila. Tumakbo s'ya papalapit sa akin saka s'ya yumakap sa hita ko. Nang umalis si inay ay nagpasya akong tumigil na rin sa pagtatrabaho para maalagaan ko ang anak ko. Sa ngayon ay iyon ang pinaka-magandang desisyon na nagawa ko. Ang sarap sa pakiramdam na ako na ang nakabantay kay Wynter at nag-aasikaso sa kanya. Babawi ako sa mga oras na nawala sa aming dalawa. Simula kasi ng mag-2 years old si Wynter ay si inay na ang palaging nakabantay sa kanya kaya naman gagawin ko ang lahat para makabawi sa mga pagkukulang ko sa anak ko.Tinupad ni Wayde ang ipinangako n'yang susustentuhan n'ya ang anak n'ya habang wala akong trabaho. Hindi s'ya nagkulang sa perang ibinibigay n'ya sa amin. Ang totoo n'yan ay sobra-sobra pa nga ang inilalagay n'ya sa bank account ko. Nakakahiya kaya kinausap ko s'yang bawasan ang ibinibigay n'ya sa amin pero hindi s'ya pumayag.Naisip kong itabi na lang 'yon para sa future ni Wynter. "Mama, I want
"Wow! So pretty, papa!" Manghang pahayag ni Wynter habang inililibot ang tingin sa buong condo unit ng ama n'ya. Kahit ako ay nagulat rin sa ganda at lawak ng buong lugar. Times 5 ata ang laki nito sa dati naming apartment.Nahiya ako bigla dahil doon n'ya napiling matulog tuwing gabi samantalang meron naman s'yang gan'to kalaking lugar."Lets's go upstair, baby. Tingnan natin ang room mo.""I have my own room, papa?""Of course."Humagikgik ang anak ko at yumakap sa leeg ng ama n'ya. Pasimple kong iniangat ang phone ko ay kinuhanan sila ng picture pero nakalimutan kong i-off ang shutter sound ng camera ko kaya naman napalingon sa gawi ko si Wayde.Sh*t!"A-Ano? R-Ringtone ko 'yon!" depensa ko. Nag-init ang buo kong mukha dahil sa pagsilay ng nakakaloko n'yang ngiti sa labi. Mabilis kong itinago sa bag ko ang phone ko at sumunod na lang sa kanila paakyat sa pangalawang palapag.Tuwang-tuwa si Wynter ng makita ang kwarto n'ya. Kahit kahapon lang ni Wayde sinabi ang paglipat n
Paano ko sasabihin ang totoo kay Wayde kung maayos na ang relasyon nila ni Esmeralda bilang mag-ina? Gusto kong maging honest sa kanya pero natatakot akong masira ang masayang buhay ni Wayde ngayong tanggap na s'ya ng step-mother n'ya. "Wayde," tawag ko sa kanya. "Hmm?" usal n'ya. Abala ang kamay n'ya sa pagsuklay sa buhok ko gamit ang mga daliri n'ya. Nakapaunan ako sa dibdib n'ya habang mahigpit ang yakap sa bewang n'ya. We are naked underneath the sheet. We made love again and again until we're fully satisfied. Talagang ipinaramdam namin ang pangungulila at magmamahal namin sa isa't isa matapos naming mawalay ng halos limang taon. Action is better than words ika nga nila, at sa nangyari sa amin ngayon ay natalo nito ang salitang mahal kita. "P-Please don't leave me. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka ulit sa akin...kayo ni Wynter." I know that I'm being desperate–ang makiusap sa kanya kahit hindi naman ganun ka-secure ang relasyon namin dahil may fiance na s'ya per
"I should be the one giving you a reward and not the other way around." Natatawang pahayag ni Wayde habang hinahaplos ang bewang ko. Nakaupo kasi ako sa ibabaw n'ya habang inaalis ang pagkakabutones ng suot n'yang damit.Nagawa ko kasing makakuha ng laruan mula sa claw machine kanina kaya gusto n'ya akong bigyan ng reward pero s'ya ang gusto kong bigyan ng papremyo dahil sa mga pagsusumikap n'ya para sa amin ng anak n'ya. He's always tired and busy this past 2 weeks kaya naman kinuha ko ang pagkakataong ito para pasayahin s'ya sa abot ng makakaya ko. "Damn. I'm already arouse. Tinitingnan palang kita ah," saad n'ya habang pinapasadahan ng tingin ang katawan ko. "I remember this lingerie. Ito rin ang suot mo 5 years ako noong birthday ko." Himala nga dahil kasyang-kasya pa sa akin ang lingerie na 'to. "Yup. I couldn't throw it away. Suot ko 'to noong unang gabi nating dalawa. Niregalo ko sa'yo ang virginity ko dahil mahal na kita noon pa man." "You were the best gift ever, do
I'm freaking out. Hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko sa mga oras na ‘to. Kanina ko pa kinakagat ang kuko ko habang pabalik-balik ng lakad sa maliit na kwartong kinalalagyan ko. Magang-maga na rin ang mga mata ko kakaiyak mula pa kaninang paggising ko. Gusto kong gumawa ng paraan para makatakas pero walang bintana rito na pwede kong labasan bukod sa pintong binabantayan ni Alex sa labas. "Hey sis!" Mabilis akong napalingon sa pinto nang marinig ang nakakairitang boses ng kapatid ko. Nag-igting ang panga ko ng makita ang ngisi n'ya sa labi. Ngiting tagumpay ang lintik. S'ya ba? S'ya ba ang nag-utos kay Alex kidnap-in ako? Akmang susugurin ko na sana s'ya ng bigla n'yang itapat sa mukha ko ang hawak n'yang pistol. "Calm down, sis. Sit down, keep calm and f*cking listen to me before I plant a bullet on your head." Napaatras ako palayo sa kanya nang maglakad s'ya papalapit sa akin. Napatigil lang ako sa paghakbang nang tumama ang binti ko sa gilid ng kama. "Sit," ut
I need to escape. I need to find a way to get out of here, dahil kung hindi ay baka sa lugar na rin na 'to ako ilibing ni Pennie. She's insane. Walang dudang makakaya n'ya akong patayin dahil sa matinding pagkainggit at galit n'ya sa akin. Nang wala na akong marinig na ingay sa labas ay kaagad akong bumaba sa kama at lumapit sa pinto. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto at pinakinggang mabuti kung gising pa o tulog na ang dalawang asong ungol nang ungol kanina. Nang masiguradong knockout na ang dalawa ay nagpasya akong pihitin ang doorknob ng pinto. Katulad ng inaasahan ay naka-lock ito mula sa labas. Sinilip ko ang maliit na siwang sa gilid at doon ko nakitang hindi lang doorknob ang ginamit na pang-lock sa kwarto ko, meron ding kandado sa labas kaya walang kwenta kong susungkitin ko lang ang doorknob. Inilipat ko ang tingin ko sa buong kwarto para maghanap ng iba pang pweding lusutan. Chineck ko ang sahig, kisame at mga dingding. Siguradong maririnig nila ako sa labas kapag nagta
Nang dalhin ako ni Pennie sa banyo ay doon na ako nag-isip ng paraan. Kaninang paglabas namin sa kwarto ay nakita kong mabuti ang loob ng buong bahay. Katulad ng inaasahan ko ay maliit lang itong hide out nila. May isang pinto sa sala at meron din sa kusina. Dalawa ang pwede kong daanan palabas pero ang problema ay ang mga nagkalat n'yang tauhan. Nilibot ko ang tingin sa banyo at doon ko napansin ang exhaust fan na nakakabit sa pader. Kapag nagawa ko 'tong alisin ay siguradong may pagkakataon akong makakalabas dito. Binuksan ko ang gripo at malakas na pinabuhos ang tubig sa balde. Gagamitin ko ang ingay ng tubig para pagtakpan ang gagawing kong ingay sa pagtanggal ng exhaust fan. "Kaya ko 'to," bulong ko sa sarili ko. Sampung minuto na ata ang ginugol ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawang tanggalin ang pagkakasiksik ng exhaust fan sa pader. Mabilis akong napalingon sa may pinto ng marinig ko ang ilang katok doon. "Hoy! Bilisan mo naman d'yan! Taeng-tae na ako!" sig