AIA'S POV Nanglalambot akong pumasok saaming bahay. Iniwan ako ng lolo ni Dark sa coffee shop. Wala akong dalang pera ng sumakay ako ng Gr*b. Mabuti na lang mabait si manong driver, pinahiram nya ako ng cellphone para matawagan ko si Shella. Mabuti na lang din at sinagot nya ang tawag ko. Nag send na lang sya ng bayad ko kay manong true e-money. Nasa sala si lola at Melay nanunood ng T. V ng dumating ako. Naupo ako sa tabi nila. “Apo san kayo nag punta ng Boss mo? Sumama ka pa pala sakanya.” yon ang akala ni lola. “Dyan lang po sa convinience store lola may binili lang ako.” sinakyan ko na lang ang maling akala niya. Wala akong balak sabihin sakanya ang totoo. Ayoko syang mag alala baka atakihin pa sya sa puso. “Namumutla ka pa apo. Mabuti pa'y umakyat ka na sa kwarto mo at matulog ulit para makapag pahinga ka.” Agad naman akong tumalima kay lola. “opo la.” tumayo na ako at nanlalatang umakyat sa hagdanan. Pakiramdam ko ay naubos lahat ng lakas ko ngayong araw. Na
AIA'S POV “Okay ka lang ba Aia?” Tanong saakin ni Dr. Aldrin. Nasa canteen kami Ngayon at kumakain.Pilit naman akong ngumiti sakanya kahit ang totoo'y kanina pa ako nababagabag sa kakaisip kay sir Dark. Marahil napansin ni Dr. Aldrin ang pagkabalisa ko kaya nya ako tinanong kung okay lang ako. “O-okay lang ako.” sagot ko saka itinuon ang atensyon ko sa pagkain ko.“iniisip mo ba si Dark?” nag angat ako ng tingin ko sakanya.“Huh? H-hindi ah.” Kotang kota na talaga ako sa kasinungalingan! Minus 100 na talaga ako sa langit! “Ilang taon ka ng secretary ni Dark?” tanong nya saakin bago sumubo ng kanyang pagkain.“9 years na.” sagot ko sakanya.“Kung ganon matagal ka na pala sakanya.”Tumango ako bilang pag sangayon.“Ganon na nga. Eh ikaw? Matagal na ba kayong magkakilala ni Sir Dark? Napansin ko kasi na Dark lang ang tawag mo sakanya.”He smiled. “Yes. Mag kababata kami.”“Kaya pala.”sagot ko saka sumubo ng pagkain ko.“Mukhang close kayo ni Dark.” aniya.“Hmm, parang ganon na nga. M
AIA'S POV Ngayon na ang araw ng aming team building. After one week ng aming confrontation ni sir Dark ay nag bago na nga ang pakikitungo namin sa isa't isa. Tumanggi na rin akong ihatid sundo nya. Sa una ay nakaka panibago at nakaka ilang pero nasasanay na rin naman ako sa bagong set up namin. Pormal na lang ang pag uusap namin sa lahat ng bagay. Para akong nagsisimula ulit sa umpisa. Pakiramdam ko ay para akong bagong pasok na empleyado. Sana pala sa una pa lang ito na ang ginawa ko. Sana pala sa una pa lang ay hindi ko na hinayaang maging close kami sa isa't isa para sana hindi na kami nagkaroon ng problema at sana hindi ganito ka awkward ang nangyayari. Dahil nga hindi na ako sumasabay kay Boss ay napansin iyon ni lola. “Apo bakit nga pala hindi ka na hinahati sundo ng Boss mo? May problema ba sainyo?” tanong saakin ni lola habang ginagayak ko ang mga dadalahin kong gamit para sa aming team-building. 4am pa lang pero gising na ako at naghahanda para sa mga dadalahin ko. 8am pa
3rd PERSON'S POV “Finally my son you're awake!” maluha luhang bulalas ni Cassandra. Naka tunghay sya ngayon sa anak nyang si Light. Bagamat hirap pa itong tumayo at mag salita ay walang mapag lagyan ang labis na kasiyahan ng kanyang puso na makita itong nagmumulat na ng mga mata at naigagalaw na ang mga daliri sa kamay. For 10 years hindi sya nawalan ng pagasa na magigising pa ang kanyang anak. Noong araw na sabihin ng mga doctor na comatose si Light ay halos mawala sya sa katinuan! Pero bilang isang ina ay kailangan nyang magpakatatag! Kahit sinabihan sya ng mga doctor na maliit na ang tyansang magising pang muli ang anak nya ay hindi sya bumitaw! He is her son! Her only son! Lahat ng proseso para mag conceive ng baby ay ginawa nya para lang mag kaanak! She has a blighted ovum! Hindi naging madali para sakanila ni Drake ang maka buo ng baby. Naka ilang trial sila ng IVF (In Vitro Fertilization) bago nabuo si Light. Tapos ganito lang ang sasapitin nya? Paulit ulit nyang kinu
3rd PERSON'S POV “What are you doing here Selena?” bulong ni Dark sa tenga ng babae. Dahil sa ginawa nyang pag lapit ng mukha kay Selena at pag bulong sa tenga nito ay aakalain ng makakakita sakanila na sila ay sweet sa isa't isa. Nakaramdam naman ng pag kailang si Aia ng makita ang ginagawa ng dalawa kaya minabuti nya ng magpaalam na babalik na sa mga kasamahan. “Ahm, sir maiwan ko na po kayo. Babalik na ako sakanila.” mabilis na tumalikod si Aia at naglakad pabalik sa mga katrabaho. Wala naman nagawa si Dark kundi sundan na lang ng tingin ang papalayong si Aia. Matamang pinagmamasdan ni James ang babae sa harapan nya. Sa ginagawa nito ngayong pag lingkis sa kaibigan nya ay mukhang balewala lang sa babae ang presensya nya! Hindi man lang ba ito nakakaramdam ng pagkabalisa lalo na at ang taong nakaniig nya ng ilang ulit ay kasama ang kanyang fiance? Wala ba itong kahihiyan man lang para sa sarili? “I said what are you doing here?” pag uulit ni Dark sa tanong na na-int
3rd PERSON'S POV Nakagawa sila ng pitong grupo na may tig sampung myembro. Matapos makapag set ng group members ay napag pasyahan na nilang bumalik na muna sa unit nila para makapag ayos ng kani-kanilang gamit. Sa bawat isang Unit ay tatlo silang umuukupa. Bukas ng umaga nila sisimulan ang mga activities nila. Sa ngayon ay magpapahinga muna sila para may lakas para bukas dahil hapon na rin sila natapos sa ginawa nila. Magkasama sa unit si Marie, Belle at Aia. Si Dok Aldrin naman ay naka bukod ng kanyang unit. Ganon din si Selena na kumuha ng VIP room habang si Georgia ay bumukod din ng unit dahil ayaw ni Selena ng may kasama sa kwarto. “Bababa rin daw tayo mamayang 8pm dahil nagpa catering daw si Sir Dark.” Imporma ni Aia sa mga kasama. Tinawagan sya ng boss nya para utusan na ipaalam sa lahat na nag pa cater ang amo nila. “Hindi ka man lang ba magbibihis muna Aia?” habol sakanya ni Marie ng makitang lalabas na kaagad sya ng kanilang silid. “Mamaya na lang. Sasabihan ko mun
3rd PERSON'S POV “Buti nakabalik ka agad.” Bati sakanya ni Belle ng iluwa sya ng pinto. Naka upo ito sa kama at nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya. Mukhang kagagaling lang nito sa banyo. Sa loob ng kwarto ay may 3 Single size na kama kaya hindi sila magkakatabi. Inukupahan na ng dalawa nyang kasama ang magkabilang gilid na higaan kaya sakanya napunta ang nasa gitnang kama. Kinuha nya ang kanyang maleta na inilagay nya sa gilid ng pinto kanina bago sya lumabas. Inilapag nya iyon sa kama at binuksan. Kumuha sya sa maleta nya ng isusuot na pamalit na damit. Nanlalagkit na sya kaya mag ha-half bath na muna sya bago mahiga ng tuluyan sa kama. Tumingin sya sa kabilang side ng kama. Naroon si Marie nakahiga at mukhang nakatulog na nga. Kaya pala tahimik na ang isang iyon. Tiningnan nya ang kanyang relo. 6pm pa lang naman at may 2 hours pa bago sila pinabababa. “Magpahinga ka muna Belle. May 2hrs pa naman bago kayo mag hapunan.” aniya kay Belle na nagbabasa na ng pocket book sa
3rd PERSON'S POV 6am pag gising nila ay nag asikaso na silang maligo at magbihis. Bawat grupo ay may color coding na tshirt. Kina Aia ay kulay Violet. Sa ibang team ay Blue, red, yellow, green, white at pink. Tinernohan naman ni Aia ng jogger pants at rubber shoes ang suot na tshirt para maginhawa syang makakilos mamaya sa kanilang activities. Pagkatapos iblower ng kanyang buhok ay tinirintas nya iyon. Nag pahid sya ng sunblock sa kanyang mukha at sa katawan. Tiyak na masusunog ang balat nila sa sikat ng araw lalo at nasa beach sila. Pinatungan nya ang mukha ng press powder at nag lipstick lang ng nude. Hindi sya mahilig mag lagay ng kolorete sa mukha. Sapat na sakanya ang maging presentable sya at malinis tingnan. 7am ay bumaba na sila para kumain ng breakfast. Pitong mahabang mesa ang puno ng iba't ibang klase ng putahe ng pagkain at karamihan ng dishes doon ay mga sea foods. Ang bawat isang mesa ay may labing dalawang upuan. Magkakasama silang tatlo ni Belle at Marie na
AIA'S POV “Pupuntahan ko muna si lola.” sagot ko kay Dark. “Manang samahan mo si Aia sa kwarto ng lola nya.” Iniwan ko muna si Aira kay Dark tutal naman ay aliw na aliw ang anak ko sa kanyang ama. Siguro kahit hindi sya nag hahanap ng ama saakin ay nasasabik pa rin sya sa presensya ng isang tunay na ama. Dinala ako ng kasambahay sa second floor. Malawak ang itaas na palapag, may anim na kwarto. Sa dulong bahagi ako dinala ni Manang. “Ma'am dito po ang kwarto ng iyong lola, dito naman po sakabila ang iyong kwarto. Sa tapat na naman po ang kwarto ni Sir Dark at sa tabi naman po ang kwarto ni Aira.” Tiningnan ko ang mga kwartong itinuro ni Manang. Bakit naman naisipan pang bigyan ni Dark ng sariling kwarto si Aira, pwede naman na magkasama na kami ng anak ko sa iisang kwarto? Bumaling ako sa kasambahay. “Sige po Manang salamat po.” turan ko. “Kapag may kailangan po kayo ma'am ay ipage nyo lang po ako. Bawat kwarto po ay may pager para kung sakaling kailangan nyo po ak
3RD PERSON'S POV “Oh Aia apaka aga mo naman umuwi? Tanghali pa lang ah.” puna sakanya ng Tyang Magda nya ng makapasok sya sa bakuran nila Emil. Na patingin pa si Magda sa itim na Montero sa labas ng bakuran. “Tyang sa loob na po tayo mag usap.” hikayat ni Aia. Nilingon pa ri ni Magda ang sasakyan na noon ay may mga lalaking naka itim ng lumabas. Maagap na isinara ni Aia ang pinto ng bahay. “Aia, ano bang nangyayari? Bakit may mga lalaking naka itim sa labas, kasama mo ba sila?” nagtatakang tanong ni Magda. “Tyang ang anak ko nasaan po?” sahalip ay tanong nya ng mag palinga linga sya at hindi makita si Aira. Inatake na sya ng nerbyos. “Nasa kwarto, katutulog lang.” sagot nito sakanya. Dali dali nyang pinuntahan ang anak sa kwarto at nakitang mahimbing nga iyong natutulog kaya naka hinga na sya ng maluwag. "Tyang Magda kaninong mga kotse yung nasa labas. Ang dami ring lalaking naka itim.” Ani Emilio na kapapasok lang ng bahay. Galing ito sa bukid at nag patanim. Lumabas
3rd PERSON'S POV “Here's the result of my investigation to Angela Ira Cerez.” iniabot sakanya ni Troy ang folder na naglalaman ng datos tungkol sa nagkalap nyang impormasyon kay Aia makalipas ang limang taon. “Lumipat sila dito sa Palayan Nueva Ecija six years ago. I found out na dati mo syang secretary. Binenta nila ang bahay sa Manila at ginamit iyon pambili ng bahay at lupa maging ng maliit na bukid dito. Nabuntis sya at nanganak ng batang babae 5 years ago. Ang pangalan ng Bata ay Angel Riegn Cerez. Walang nakasulat na ama ang bata sa kanyang birth certificate. Walang naging trabaho si Angela Ira sa loob ng anim na taon. Nag focus lang sya sa pag aalaga ng anak niya at kumukuha ng Pangangailan sa kinikita nya sa sari-sari store at sa bukid. Two weeks ago ay isinugod ang lola nya sa ospital kaya kinailangan nyang mag hanap buhay para tustusan ang panggastos sa ospital ng kanyang lola. Masyadong Simple at payak ang buhay ni Angela Ira A.K.A Aia. Walang masyadong ganap sa buhay n
3RD PERSON'S POV “Wow mommy! There's so many toys!” Tuwang tuwa si Aira ng napadaan sila sa toy station. “Mommy I want that bear, mommy! Look at that bear it's huge and color pink!” namimilog ang mga mata nya ng makita ang halos malaki pa sa kanyang bear. Tumakbo sya doon at tiningnan ang bear sa malapitan. Sumunod naman si Aia sa anak. Lumingon si Aira sakanya at nag puppy eyes. Pinagsalikop din nito ang mga palad. “Mommy please can you buy that for me? Please mommy..” Lumapit sakanila ang sale's lady. “Miss magkano yang ganyan kalaking bear?” “Five thousand po Ma'am ang regular price nyan pero dahil naka sale kami, nakaless ten percent po sya ngayon.” sagot ng sale's lady. Napanganga si Aia sa presyo ng bear. Kapag binili nya iyon ay wala na silang ipambibili ng school supply. Kahit sabihing less ten percent iyon at mahal pa din. Five hundred pesos lang naman ang ma li-less. Hindi nya pa rin afford. “Sorry baby we can't buy that for now.” baling nya kay Aira. Lumabi ang
AIA'S POV Gusto kong Tuktukan ang sarili ko sa ka**ngahan na nagawa ko. Hindi ko na namalayan ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Nasanay na kasi akong Dark ang tawag ko sakanya. Ngayon ay binabato ako ni Dorothy ng kakaibang tingin. Sumandal naman si Dark sa likod ng kanyang swivel chair at humalukipkip. “Cge pwede ka ng mag lunch break.” pagbibigay nya ng permiso saakin. Nauna na akong tumalikod at lumakad palabas ng pinto habang tahimik naman na na kasunod saakin si Dorothy. “Aia.. “ tawag nito saakin. Nilingon ko naman ito at ngumiti sakanya na parang walang nangyaring kakaiba kanina. “Anong tinawag mo kay Sir Elija kanina?” tanong nya saakin. Nakagat ko ang ibabang labi. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Tyak na mag uusisa sya. “Huh? S-sir Dark.” pagsisinungaling ko. Siguro kong may parangal ang pagiging sinungaling ay ako na ang mag outstanding! “Dark lang narinig ko.” aniya. “Sir Dark yon, napiyok kasi ako kanina kaya medyo mahina pagkaka bigkas ko ng sir.” sig
3rd PERSON'S POV “Ma'am salamat po.” umiiyak na nagpasalamat ang security guard kay Aia. Di na kumibo pa si Aia at tumuloy na sa loob restaurant. Pakiramdam nya na uulit na naman ang nangyari noon. Ayaw nyang mapag isipan na meron namamagitan sakanila ni Dark lalo na at kasintahan nito si Jane. Dumiretso sya sa locker room para ilagay ang gamit nya. Doon din muna sya tatambay habang naghihintay sa dalawa nyang kasama. “Sa office ka dumiretso pagkatapos mong mag ayos.” napapitlag sya ng marinig ang boses ni Dark. Nahawakan nya ang kanyang dibdib sa pagkabigla. “Ano ba Dark! Papatayin mo ba ako sa nerbyos? Bigla bigla ka na lang sumusulpot dyan.” inirapan nya ito. Tumaas naman ang sulok ng labi ni Dark. “Hindi mo man lang naramdaman ang pag pasok ko? Sino ba kasing iniisip mo? Yon bang naghahatid sundo sayo?” mahihimigan ng selos ang tono ni Dark. Bakit nya naman naisip na si Vince ang iniisip nya? Natawa ng pagak si Aia. “Anong pinagsasabi mo dyan?” “Tell me who is he Aia
AIA'S POV “Excuse.” malamig na turan ni Dark saakin. Gumilid naman ako para bigyan sya ng daan. Nang mabaling naman ako kay kuyang guard ay kakaibang tingin ang iginawad nya saakin. Ngumisi ito at saka umiling iling. Hindi ko na pinansin kung ano bang ingini-ngisi nya. Lumabas na rin ako ng exit dahil muli kong naalala si Vince. Naka hinga ako ng maluwag ng makita ko syang matiyagang nakaupo sa motor nya at naghihintay saakin. Agad akong lumapit sakanya. “Vince sorry.” agad kong turan. Ngumiti naman sya saakin. Mukhang madami kang ginawa nahuli ka na ng labas.” Nakagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko masabi sakanya na nakatulog ako sa loob ng opisina ng Boss ko. Ayaw kong mag isip sya ng masama. Nagliwanag sa kinatatayuan namin ng bumukas ang headlight ng isang sasakyan. Kapwa kami napalingon ni Vince sa sasakyan. Nakita ko sa loob ng wind shield si Dark ng dumaan sya saamin. “Yun ba ang Boss mo?” tanong saakin ni Vince. Tumango naman ako. “Oo.” “Grabe naman
AIA'S POV “Clean my office.” Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. “pero sir hindi po-” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ang galit nyang mga mata na masama ang pagkaka tingin saakin. “Ayaw mo?” sarkastiko nyang tanong. Huminga ako ng malalim at marahan iyong pinakawalan. Tumalikod ako at akmang lalabas sa office nya ng magsalita sya. “Where are you going Aia?” tanong nito. “Kukuha po ako ng gamit panlinis.” sagot ko. Naglapat ang kanyang mga labi, tila napahiya naman sya sa sinabi ko. Pumunta ako sa stock room kung saan nilalagay ang mga panlinis. Nakasalubong ko sina Mildred at Rainier na pabalik na sa dining area. “Tih anong gagawin mo dyan sa mga panlinis?” tanong ni Rainier saakin. “Pinag lilinis ako ng boss natin sa opisina nya.” Malamig kong tugon. “Mukhang pinag iinitan ka ni Sir Elijah.” Ani Mildred. Hindi na lang ako kumibo at iniwan na sila. “Mukhang mainit ang ulo ng atih ko.” narinig ko pang turan ni Rainier. Pag balik ko sa opisina
3rd PERSON'S POV Napabuga ng hangin si Dark. Dismayado nyang tinitigan si Aia na nakayuko sa harap nya. “You go to the service area and help Dorothy prepare the orders.” he commands. “Si-sir?” nagtataka nyang tanong dito. Bakit bigla ay doon sya inilagay? Hindi naman sya gumawa ng gulo. Sa pagkakaalam nya ay kahit naiinis na sya sa bastos na lalaking yon ay pilit nya parin iyong kinakausap ng maayos. Sya lang naman itong biglang sumulpot at gumawa ng eksena. Ni hindi nya nga alam na naroon na pala ang Boss nya sa likod nya. “Are you deaf? Palalampasin ko ang gulong nangyari ngayon Aia. Kaya kung pwede lang pumunta ka na roon. Now.” hindi man iyon pasigaw pero rinig pa rin ng mga customers at ng mga katrabaho nya na lahat ay sakanya na nakamasid. Nakaramdam sya ng pagka pahiya. Gusto nya mang ipag tanggol ang sarili ay pinili na lang ni Aia na manahimik at sundin na lang ang gusto ni Dark para hindi na humaba pa ang usapan. Hindi rin naman sya mananalo. Iyo ang Boss at empleya