3rd PERSON'S POV “Buti nakabalik ka agad.” Bati sakanya ni Belle ng iluwa sya ng pinto. Naka upo ito sa kama at nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya. Mukhang kagagaling lang nito sa banyo. Sa loob ng kwarto ay may 3 Single size na kama kaya hindi sila magkakatabi. Inukupahan na ng dalawa nyang kasama ang magkabilang gilid na higaan kaya sakanya napunta ang nasa gitnang kama. Kinuha nya ang kanyang maleta na inilagay nya sa gilid ng pinto kanina bago sya lumabas. Inilapag nya iyon sa kama at binuksan. Kumuha sya sa maleta nya ng isusuot na pamalit na damit. Nanlalagkit na sya kaya mag ha-half bath na muna sya bago mahiga ng tuluyan sa kama. Tumingin sya sa kabilang side ng kama. Naroon si Marie nakahiga at mukhang nakatulog na nga. Kaya pala tahimik na ang isang iyon. Tiningnan nya ang kanyang relo. 6pm pa lang naman at may 2 hours pa bago sila pinabababa. “Magpahinga ka muna Belle. May 2hrs pa naman bago kayo mag hapunan.” aniya kay Belle na nagbabasa na ng pocket book sa
3rd PERSON'S POV 6am pag gising nila ay nag asikaso na silang maligo at magbihis. Bawat grupo ay may color coding na tshirt. Kina Aia ay kulay Violet. Sa ibang team ay Blue, red, yellow, green, white at pink. Tinernohan naman ni Aia ng jogger pants at rubber shoes ang suot na tshirt para maginhawa syang makakilos mamaya sa kanilang activities. Pagkatapos iblower ng kanyang buhok ay tinirintas nya iyon. Nag pahid sya ng sunblock sa kanyang mukha at sa katawan. Tiyak na masusunog ang balat nila sa sikat ng araw lalo at nasa beach sila. Pinatungan nya ang mukha ng press powder at nag lipstick lang ng nude. Hindi sya mahilig mag lagay ng kolorete sa mukha. Sapat na sakanya ang maging presentable sya at malinis tingnan. 7am ay bumaba na sila para kumain ng breakfast. Pitong mahabang mesa ang puno ng iba't ibang klase ng putahe ng pagkain at karamihan ng dishes doon ay mga sea foods. Ang bawat isang mesa ay may labing dalawang upuan. Magkakasama silang tatlo ni Belle at Marie na
AIA'S POV “You are pregnant Aia.” iniabot saakin ni Dr. Aldrin ang result ng examination ko. Para akong binagsakan ng langit at lupa ng makita ko ang nakalagay na “Positive” sa pregnancy test. Kami lang dalawa ang nasa loob ng clinic dahil pinabalik na rin ni Dr. Aldrin si Marie sa mga kasama namin. Tumingin ako ng diretso kay Dr. Aldrin. Wala akong mabanaag na ano mang emosyon mula sakanya. Hindi ko mabasa ang iniisip nya tungkol saakin. Nahihiya ako sakanya. “Dr. Aldrin maaari bang ilihim natin ang result ng check up ko? Ayokong may makaalam ng bagay na ito.” balisang balisa ako at hindi ko alam ang gagawin. Kung ang iba ay masaya na malaman na buntis sila, kabaliktaran naman iyon para saakin. Maraming tumatakbo sa isip ko gaya ng ano ng susunod kong gagawin? Paano ko ito sasabihin kay lola? Paano kapag nalaman ni Sir Dark? “Even to Dark?” makahulugan nyang tanong saakin. Tumango ako. Desidido na ako. Hindi pwedeng malaman ni Dark ang pagbubuntis ko dahil tiyak na magug
AIA'S POV “Aia heto ng almusal mo.” kagigising ko lang ng lumapit saakin si Belle. May hawak iyong tray na naglalaman ng pagkain. Naupo sya sa gilid ng kama ko. Naglalaman ang tray ng Java rice, sunny side up egg and beef tapa. “Napaka MAALALAHANIN naman pala talaga ni Sir Dark at inutusan pa si Belle na pa dalahan ka ng pagkain.” makahulugang saad ni Marie na nakaupo sa higaan nya at nagsusuklay ng buhok. binigyang diin nya talaga ang salitang maalalahanin. Bakit ba kasi naisipan pang padalhan ako ng pagkain ni Sir Dark? Okay naman na ako at kaya ko ng bumaba. Tinanggap ko ang tray ng pagkain na iniabot saakin ni Belle. “Kanina pa ba kayo gising?” Tiningnan ko ang aking relo alasais na ng umaga. “Kanina pang 4am kami gising ni Marie. Nag jogging kami sa labas.” paliwanag ni Belle. “Kumain na ba kayo?” tanong ko sakanila. “Hindi pa nga. Pupunta pa lang kami sa restaurant para mag almusal.” sagot naman ni Marie na naipusod na ang kanyang buhok. “Girl nakakainggit ka! B
AIA'S POV “Ayoko ko kasing isipin nila na masyado akong pa importante. Hindi na nga ako nakasali sa activity kahapon tapos ngayon hindi pa rin ako makakapag participate...” nahihiya kong paliwanag ko kay Dr. Aldrin. Nakatanaw sya sa mga naglalaro ng Volleyball ng magsalita sya. “Kapag lagi nating iisipin ang sasabihin ng ibang tao hindi tayo magiging masaya. People are people. Kahit ano pang gawin natin, mabuti man yan o masama meron at meron pa rin silang masasabing negatibo. Madalas ang bukang bibig nila ay yung mga bagay lang na papabor sakanila at yung mabebenipisyohan sila. Habang ikaw, nalilimitahan mo yung sarili mong kaligayahan dahil lagi mong iniisip yung makakabuti lang para sakanila pero hindi na nakakabuti sayo.” matalinhaga nyang saad. Napaisip ako sa sinabi nya. Tama naman sya. “Masyado na ba akong people pleaser Dok?” tanong ko sakanya. Naupo sya sa tabi ko. “Base on my observation, medyo.” sagot nya na sa mga nag vo-volley ball pa rin nakatingin. So inoob
3rd PERSON'S POV “What a romantic scene I've ever witnessed in my entire life!” ngising asong turan ni James habang lumalagok ng alak sa baso. Ang tinutukoy nito ay eksena kung saan hinalikan ni Dark si Aia sa maraming tao. Sinamaan sya ng tingin ni Dark na sumisimsim din ng alak. “Stop Messing with me James.” Katanghaliang tapat pero narito sila sa bar ng resort at umiinom. Sila lang dalawa ang tao doon dahil sarado ang Bar ng ganitong oras. tumawa ng malakas si James. “Whoa! I'm just giving complements, I'm not messing with you dude.” “Nasan na naman ba yang si David?” pag iiba ng usapan ni Dark. “May sarili yong mundo hindi ka na nasanay sa isang yon. Tyak na nakikipag landian na naman yon sa prospect nya.” nailing nitong saad. “G*go talaga!” bulalas ni Dark na muling tumungga ng alak. Samantalang si Selena naman ay nasa kanyang kwarto at nakasubsob sa kanyang unan habang patuloy pa rin sa pag iyak. Hinahaplos haplos ni Georgia ang kanyang likod upang aluhin sya. “Ms
3rd PERSON'S POV “Apo umamin ka saakin mahal mo ba ang Sir Dark mo?” masinsinang tanong ng kanyang lola. Nagyuko si Aia. “Lola, kaya nga diba sabi ko sayo noon pa hindi kami pwedeng dalawa kasi magkaka layo kami ng estado sa buhay. Sa una alam ko na kung saan ako dapat lumugar kaya nga hanggat kaya ko, ayoko mag laan ng damdamin para sakanya.” paliwanag nya sa kanyang lola habang nilalaro nya ang kanyang nga kamay. “Eh kung ganon, bakit ka pinuntahan ng Arnulfo na iyon at sinasabing layuan mo ang apo nya kung wala naman palang namamagitan sainyo ng apo nya?” nagtatakang tanong ng lola nya. Napabuntong hininga si Aia. Ayaw nya mang sabihin ang totoo sa lola nya ngunit sa palagay nya ay kailangan nya ng sabihin ang lahat dito. “Lola umamin na si Sir Dark ng nararamdaman nya para saakin. Nung nasa Vigan kami ay hinalikan nya ako sa harap ng mga katrabaho ko kaya naging laman kami ng usapan na sa palagay ko, yun ang naging dahilan para makarating sa lolo nya ang nangyari.” paliwanag
AIA'S POV Pinalis ko ang mga kamay nyang naka hawak saakin. “Sir Dark Ano ba kasing gusto mong mangyari?” naiinis kong turan sakanya. “Aia I want you! you're all I want.. Please Aia wag mo naman akong pag tulakan.. Hindi ko kaya..” pagsusumamo nya saakin. “Sir Dark ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi kita mahal? Please naman sir Dark wag mo naman akong pahirapan ng ganito.. tumigil ka na sa lakokohan mo.” na iistress kong turan sakanya. Hindi ko kinaya ang sumunod na ginawa ni Sir Dark. Lumuhod sya sa harapan ko at muling hinawakan ang mga kamay ko.Lumuluha syang tumingala saakin. “No Aia I Love you so much.. Mahal na mahal kita Aia.. Hindi ako nagloloko.. Kung hindi ka pa handang mahalin ako, maghihintay ako Aia kahit gaano katagal just please dont pushed me away.. Hindi ko kaya Aia.. Mahal na mahal kita..” Paulit ulit nyang pagmamakaawa saakin habang umiiyak. Hindi ko na rin kinaya ang pinipigilan kong emosyon. Kumawala na nga ang mga luha ko saaking mga mata. Pilit
AIA'S POV “Pupuntahan ko muna si lola.” sagot ko kay Dark. “Manang samahan mo si Aia sa kwarto ng lola nya.” Iniwan ko muna si Aira kay Dark tutal naman ay aliw na aliw ang anak ko sa kanyang ama. Siguro kahit hindi sya nag hahanap ng ama saakin ay nasasabik pa rin sya sa presensya ng isang tunay na ama. Dinala ako ng kasambahay sa second floor. Malawak ang itaas na palapag, may anim na kwarto. Sa dulong bahagi ako dinala ni Manang. “Ma'am dito po ang kwarto ng iyong lola, dito naman po sakabila ang iyong kwarto. Sa tapat na naman po ang kwarto ni Sir Dark at sa tabi naman po ang kwarto ni Aira.” Tiningnan ko ang mga kwartong itinuro ni Manang. Bakit naman naisipan pang bigyan ni Dark ng sariling kwarto si Aira, pwede naman na magkasama na kami ng anak ko sa iisang kwarto? Bumaling ako sa kasambahay. “Sige po Manang salamat po.” turan ko. “Kapag may kailangan po kayo ma'am ay ipage nyo lang po ako. Bawat kwarto po ay may pager para kung sakaling kailangan nyo po ak
3RD PERSON'S POV “Oh Aia apaka aga mo naman umuwi? Tanghali pa lang ah.” puna sakanya ng Tyang Magda nya ng makapasok sya sa bakuran nila Emil. Na patingin pa si Magda sa itim na Montero sa labas ng bakuran. “Tyang sa loob na po tayo mag usap.” hikayat ni Aia. Nilingon pa ri ni Magda ang sasakyan na noon ay may mga lalaking naka itim ng lumabas. Maagap na isinara ni Aia ang pinto ng bahay. “Aia, ano bang nangyayari? Bakit may mga lalaking naka itim sa labas, kasama mo ba sila?” nagtatakang tanong ni Magda. “Tyang ang anak ko nasaan po?” sahalip ay tanong nya ng mag palinga linga sya at hindi makita si Aira. Inatake na sya ng nerbyos. “Nasa kwarto, katutulog lang.” sagot nito sakanya. Dali dali nyang pinuntahan ang anak sa kwarto at nakitang mahimbing nga iyong natutulog kaya naka hinga na sya ng maluwag. "Tyang Magda kaninong mga kotse yung nasa labas. Ang dami ring lalaking naka itim.” Ani Emilio na kapapasok lang ng bahay. Galing ito sa bukid at nag patanim. Lumabas
3rd PERSON'S POV “Here's the result of my investigation to Angela Ira Cerez.” iniabot sakanya ni Troy ang folder na naglalaman ng datos tungkol sa nagkalap nyang impormasyon kay Aia makalipas ang limang taon. “Lumipat sila dito sa Palayan Nueva Ecija six years ago. I found out na dati mo syang secretary. Binenta nila ang bahay sa Manila at ginamit iyon pambili ng bahay at lupa maging ng maliit na bukid dito. Nabuntis sya at nanganak ng batang babae 5 years ago. Ang pangalan ng Bata ay Angel Riegn Cerez. Walang nakasulat na ama ang bata sa kanyang birth certificate. Walang naging trabaho si Angela Ira sa loob ng anim na taon. Nag focus lang sya sa pag aalaga ng anak niya at kumukuha ng Pangangailan sa kinikita nya sa sari-sari store at sa bukid. Two weeks ago ay isinugod ang lola nya sa ospital kaya kinailangan nyang mag hanap buhay para tustusan ang panggastos sa ospital ng kanyang lola. Masyadong Simple at payak ang buhay ni Angela Ira A.K.A Aia. Walang masyadong ganap sa buhay n
3RD PERSON'S POV “Wow mommy! There's so many toys!” Tuwang tuwa si Aira ng napadaan sila sa toy station. “Mommy I want that bear, mommy! Look at that bear it's huge and color pink!” namimilog ang mga mata nya ng makita ang halos malaki pa sa kanyang bear. Tumakbo sya doon at tiningnan ang bear sa malapitan. Sumunod naman si Aia sa anak. Lumingon si Aira sakanya at nag puppy eyes. Pinagsalikop din nito ang mga palad. “Mommy please can you buy that for me? Please mommy..” Lumapit sakanila ang sale's lady. “Miss magkano yang ganyan kalaking bear?” “Five thousand po Ma'am ang regular price nyan pero dahil naka sale kami, nakaless ten percent po sya ngayon.” sagot ng sale's lady. Napanganga si Aia sa presyo ng bear. Kapag binili nya iyon ay wala na silang ipambibili ng school supply. Kahit sabihing less ten percent iyon at mahal pa din. Five hundred pesos lang naman ang ma li-less. Hindi nya pa rin afford. “Sorry baby we can't buy that for now.” baling nya kay Aira. Lumabi ang
AIA'S POV Gusto kong Tuktukan ang sarili ko sa ka**ngahan na nagawa ko. Hindi ko na namalayan ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Nasanay na kasi akong Dark ang tawag ko sakanya. Ngayon ay binabato ako ni Dorothy ng kakaibang tingin. Sumandal naman si Dark sa likod ng kanyang swivel chair at humalukipkip. “Cge pwede ka ng mag lunch break.” pagbibigay nya ng permiso saakin. Nauna na akong tumalikod at lumakad palabas ng pinto habang tahimik naman na na kasunod saakin si Dorothy. “Aia.. “ tawag nito saakin. Nilingon ko naman ito at ngumiti sakanya na parang walang nangyaring kakaiba kanina. “Anong tinawag mo kay Sir Elija kanina?” tanong nya saakin. Nakagat ko ang ibabang labi. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Tyak na mag uusisa sya. “Huh? S-sir Dark.” pagsisinungaling ko. Siguro kong may parangal ang pagiging sinungaling ay ako na ang mag outstanding! “Dark lang narinig ko.” aniya. “Sir Dark yon, napiyok kasi ako kanina kaya medyo mahina pagkaka bigkas ko ng sir.” sig
3rd PERSON'S POV “Ma'am salamat po.” umiiyak na nagpasalamat ang security guard kay Aia. Di na kumibo pa si Aia at tumuloy na sa loob restaurant. Pakiramdam nya na uulit na naman ang nangyari noon. Ayaw nyang mapag isipan na meron namamagitan sakanila ni Dark lalo na at kasintahan nito si Jane. Dumiretso sya sa locker room para ilagay ang gamit nya. Doon din muna sya tatambay habang naghihintay sa dalawa nyang kasama. “Sa office ka dumiretso pagkatapos mong mag ayos.” napapitlag sya ng marinig ang boses ni Dark. Nahawakan nya ang kanyang dibdib sa pagkabigla. “Ano ba Dark! Papatayin mo ba ako sa nerbyos? Bigla bigla ka na lang sumusulpot dyan.” inirapan nya ito. Tumaas naman ang sulok ng labi ni Dark. “Hindi mo man lang naramdaman ang pag pasok ko? Sino ba kasing iniisip mo? Yon bang naghahatid sundo sayo?” mahihimigan ng selos ang tono ni Dark. Bakit nya naman naisip na si Vince ang iniisip nya? Natawa ng pagak si Aia. “Anong pinagsasabi mo dyan?” “Tell me who is he Aia
AIA'S POV “Excuse.” malamig na turan ni Dark saakin. Gumilid naman ako para bigyan sya ng daan. Nang mabaling naman ako kay kuyang guard ay kakaibang tingin ang iginawad nya saakin. Ngumisi ito at saka umiling iling. Hindi ko na pinansin kung ano bang ingini-ngisi nya. Lumabas na rin ako ng exit dahil muli kong naalala si Vince. Naka hinga ako ng maluwag ng makita ko syang matiyagang nakaupo sa motor nya at naghihintay saakin. Agad akong lumapit sakanya. “Vince sorry.” agad kong turan. Ngumiti naman sya saakin. Mukhang madami kang ginawa nahuli ka na ng labas.” Nakagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko masabi sakanya na nakatulog ako sa loob ng opisina ng Boss ko. Ayaw kong mag isip sya ng masama. Nagliwanag sa kinatatayuan namin ng bumukas ang headlight ng isang sasakyan. Kapwa kami napalingon ni Vince sa sasakyan. Nakita ko sa loob ng wind shield si Dark ng dumaan sya saamin. “Yun ba ang Boss mo?” tanong saakin ni Vince. Tumango naman ako. “Oo.” “Grabe naman
AIA'S POV “Clean my office.” Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. “pero sir hindi po-” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ang galit nyang mga mata na masama ang pagkaka tingin saakin. “Ayaw mo?” sarkastiko nyang tanong. Huminga ako ng malalim at marahan iyong pinakawalan. Tumalikod ako at akmang lalabas sa office nya ng magsalita sya. “Where are you going Aia?” tanong nito. “Kukuha po ako ng gamit panlinis.” sagot ko. Naglapat ang kanyang mga labi, tila napahiya naman sya sa sinabi ko. Pumunta ako sa stock room kung saan nilalagay ang mga panlinis. Nakasalubong ko sina Mildred at Rainier na pabalik na sa dining area. “Tih anong gagawin mo dyan sa mga panlinis?” tanong ni Rainier saakin. “Pinag lilinis ako ng boss natin sa opisina nya.” Malamig kong tugon. “Mukhang pinag iinitan ka ni Sir Elijah.” Ani Mildred. Hindi na lang ako kumibo at iniwan na sila. “Mukhang mainit ang ulo ng atih ko.” narinig ko pang turan ni Rainier. Pag balik ko sa opisina
3rd PERSON'S POV Napabuga ng hangin si Dark. Dismayado nyang tinitigan si Aia na nakayuko sa harap nya. “You go to the service area and help Dorothy prepare the orders.” he commands. “Si-sir?” nagtataka nyang tanong dito. Bakit bigla ay doon sya inilagay? Hindi naman sya gumawa ng gulo. Sa pagkakaalam nya ay kahit naiinis na sya sa bastos na lalaking yon ay pilit nya parin iyong kinakausap ng maayos. Sya lang naman itong biglang sumulpot at gumawa ng eksena. Ni hindi nya nga alam na naroon na pala ang Boss nya sa likod nya. “Are you deaf? Palalampasin ko ang gulong nangyari ngayon Aia. Kaya kung pwede lang pumunta ka na roon. Now.” hindi man iyon pasigaw pero rinig pa rin ng mga customers at ng mga katrabaho nya na lahat ay sakanya na nakamasid. Nakaramdam sya ng pagka pahiya. Gusto nya mang ipag tanggol ang sarili ay pinili na lang ni Aia na manahimik at sundin na lang ang gusto ni Dark para hindi na humaba pa ang usapan. Hindi rin naman sya mananalo. Iyo ang Boss at empleya