Lisa POV
Sa hindi ko malaman na dahilan, kinakabahan ako. Ang kaba ko ngayon, hanggang langit na yata!
Nakatitig siya sa akin. Tinitignan ako. Sinusuri ako. Mas lalo akong kinabahan sa ginagawa niya. May puting folder sa ilalim ng kanyang mga kamay na magkasalikop sa ibabaw ng lamesa.“So, Lisa gusto kong sabihin sa iyo na may business proposal ako for you.” Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Hindi ko agad naintindihan iyon.Kaya ba niya ako pinatawag dito sa kwarto niya?“A-ano po? Pero wala po akong business,” nalilitong tanong ko. Hindi ko maintindihan talaga ang gusto niyang i-punto.Tumawa siyang nakataas ang dalawang kilay sa harap ko. “Hindi. Ako ang may io-offer na job sa iyo. Okay! Okay! Rephrase na ‘tin. . . Lisa, may offer akong job sa iyo na sigurado akong magugustuhan mo.”Umayos siya ng upo sa kanyang upuan. Tumingin sa paligid namin. Nandito kami sa balcony ng kanyang kwarto. Dito niya ako pinapunta kanina nang pagbuksan niya ako ng pinto. Ang akala ko may iuutos lang siya sa akin gaya ng madalas niyang gawin. Ilang sandali pa muna niya akong pinaghintay dito, bago niya ako samahan sa pag-upo.
“Aah! Okay po!” Natatawang hinawakan ko ang buhok kong inililipad ng hangin.
“This is not an ordinary job, Lisa.” Mula sa pagkakasandal sa upuan, lumapit ito sa akin at binuksan ang folder na hawak.“Katulong po ba? Taga-laba? Kayang-kaya ko po ‘yan!” magiliw kong agad na sagot. Nginitian ko siya kahit hindi niya naman ito nakikita dahil nasa papel na hawak nakatuon ang kanyang atensyon.“No. Dito sa offer ko na ito, hindi mo kailangan maglaba, magluto o ano pa man. Lahat ng mga pangangailangan mo kaya kong ibigay. Lahat! Basta gawin mo lang nang mabuti ang pag-uusapan na’tin ngayon. And the rest– it’s all mine.” Tinaas niya ang dalawang kamay niya habang sinasabi ang huli. Pinatunog ang nangawit na leeg.Anong trabaho ba iyon? Wala daw ako gagawin?Gusto niya bang maging estatwa lang ako!?
Hindi makapaniwalang tiningnan ang seryoso niyang mukha. Walang ang itsura niyang palabiro at maloko. Para siyang nasa isang mahalagang meeting o business deal.“A-ano po ba ang work na offer niyo sa akin?” curious na tanong ko.Oh, Em! Hindi kaya illegal? Baka gusto niya akong maging drug dealer!!Hintatakot kong sigaw sa utak ko.
“Be my wife, Lisa.”
Ibinaba nito ang tingin sa akin at Inusog niya sa akin ang hawak na folder. Tumitig ako doon. Kunot ang noo. Nang tingnan ko siyang muli . . . may nakita akong kaba sa kanya. Napakurapkurap pa siya nang balingan ko.
Nagulat pa nga yata!
“W-wife? Asawa? Bakit mo ako inaayang maging asawa mo!?” tanong ko sa malakas na boses. Nahihibang na ba siya?“Prank na naman po ba ito? Marami pa po ako kailangang gawin, sir.” Tumayo ako, naiinis dahil sa pagkaantala ng mga gawain ko dahil sa prank na ito. Hays!“If you accept my offer, Lisa. Lahat ng pangangailangan mo ako na ang bahala. Lahat.”
Pinagsalikop niyang muli ang kamay sa ibabaw ng lamesa. “Lahat naman nang pag-uusapan na ‘tin ngayon ay documented and recorded. Just sign it and you can live like a dream. Money. A dream house. Cars. Expensive things. I can give you all of that. Kahit ano! Kung gusto mo mag-aral abroad. . . then go! Kung gusto mo ng sariling school after you graduated, then I give you! Papatayuan pa kita!” Itinabingi niya ang ulo.
“Be my wife, Lisa. Ang asawa ko sa papel.” Tumitig siya sa mga mata ko. Buong lakas ng loob niya itong sinabi sa akin na parang ang dali lang nang inaalok niyang trabaho.
Pero– bakit hindi? Ang ganda ng magiging kapalit. Pero . . .
Hindi ako kumibo. Nakatitig lang sa papel na siya na ang naglabas mula sa folder. Binasa ko ito. Isa itong Marriage contract. A marriage contract na may pirma na niya, ngayong araw lang din!“Just pretend, act and do what I say. After a few months or a year– let’s file an annulment. Depende kung kailan ko makukuha ang mana ko. Lahat ng mga sinabi ko, ibibigay ko sa’yo. Kung may gusto ka, sabihin mo lang sa akin. Akong bahala sa ‘yo at sa nanay mo.” pagpapatuloy niya.“Ahm, so kailangan na ’tin . . .ah, mag-ano. . .”Hindi ko matuloy-tuloy ang aking sasabihin. Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko. Nahihiya akong sabihin sa kanya. Narinig ko ang mga tawa niyang napa-iling-iling na agad kong ikinayuko. Kinagat ang labi.
Yee! Kahiya!
“Mag-sex?” pagpapatuloy niya sa gusto kong tanungin. Tumango-tango ako habang nakayuko.“Pwede na ‘tin pag-usapan ‘yan. Gusto mo ba?”Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nakangisi siya sa akin. Bahagyang nakatagilid ang ulo niya na parang wiling-wili sa reaksyon ko.
Narinig kong muli ang mga tawa niya. “You’re so cute. You’re blushing like a teenage girl. I like that.” Napayuko akong muli sa sinabi niya. Walang masabi sa ibinulalas niya.“Kung gusto mo naman– wala ka dapat alalahanin. Tuturuan pa kita kung gusto mo. Willing akong– paligayahin ka. Halata naman na– you’re still a virgin. Am I right, Lisa?”Napamulahan ako sa tanong niyang iyon. Dumoble ang nararamdaman kong hiya. Alam ko naman na hindi ako kagaya ng mga kaibigan niya. Malayong-malayo. Sa ganda. Sa katawan. Sa Yaman at sa estado ng buhay. Malayong-malayo!
Nakita ko noon kung paano sila mag-halikan ni Sabby sa may pool. Hindi ko lubos maisip na ganoon pala humalik. May dila at may kagatan pala!Ilang araw ko din hindi maalis iyon sa isip ko. My virgin eyes! My mind and soul! My goodness!Paano nila nagagawa iyon? Para silang mga gutom na gutom na pitbull na alaga ni sir John. Maging ang isang iyon— kasama si Mam Kat. Silang magkakaibigan sa swimming pool. Sabay-sabay na naghahalikan. Walang pakialam sa mga kasamahan na meron ding ginagawang kababalaghan. O, sa amin na mga katulong na baka makita sila.
Ayaw ko man isipin pero itong isip ko . . . Ang laswa! Ginagaya ko pa nga minsan sa unan. Sinubukan ko itong halikan. Iginagalaw ko ang mga labi ko na parang sa ginagawa nila habang yakap ko ito sa aking dibdib. Nasa ibabaw ko ito at ini-imagine na hina-halikan ako.Baliw na ba ako? Manyak na ba ako kapag ganoon?
“Okay! Kung ayaw mo okay lang din naman. Hindi kita pipilitin. Maraming akong pwedeng i-kama just so you know.” Tumawa siyang muli ng hindi ako umimik. Proud na proud sa kanyang sinabi.
“Hindi naman po sa ganoon, Sir.” mahinang sagot ko. Hindi makatingin sa kanya. Alam kong naka-tingin lang din siya sa akin. Naririnig ko ang mga mapaglarong-ngisi niya sa harap ko.“Alright. I give you a day to decide. Alam ko naman masyadong marami kang dapat i-take in.” Ngumiti siya sa akin. “Sa ‘yo na muna ‘yang kontrata. Read it. Nand’yan na lahat ng mga list na pwede mong makuha at mga privileges mo habang mag-asawa tayo. Kung may gusto kang itanong or ano, lapitan mo lang ako. Pero– this deal is confidential, Lisa. Wala dapat makakaalam nito kahit sino. Sa ating dalawa lang ito. Naiintindihan mo ba?” pahabol niya. Tumingin ako sa gwapo niyang mukha. Sa mga mata niyang mapupungay na may malalabong na mga pilik-mata.Tumango ako nang dahan-dahan na ikinangiti niya sa akin. Inilabas niya ang kanyang mapuputi at mga pantay-pantay na mga ipin.“May rules po ba sa deal na ito?” tanong ko na nagpakunot ng kanyang noo.“Yes. Isa lang naman.” tumango siya ng isang beses at sumandal sa kanyang upuan.“Wow! Isa lang pero ang dami kong makukuha.” Manghang saad ko na inisa-isa ang mga papel na hawak. Meron na ditong nakalagay na bank account application forms sa mga iba’t-ibang mga bangko. May Passport application din at isang cheke na may pangalan na niya at pirma ngunit walang amount na nakalagay dito.“Oo, isa lang. Sana magawa mo.” Walang sabi-sabing saad niya. Tumango lang ako bilang sagot. Patuloy akong tumitingin sa mga papeles. Mangha sa mga ito. Ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong klaseng papeles kaya naman gusto ko silang lahat basahin.“Ano po iyon?” nagtaas ako ng tingin sa kanya na prenteng nakaupo pa rin habang pinapanood ako sa ginagawa ko.“Don’t fall in love with me.”Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Wala akong makitang kahit na anong emosyon sa mga mata niya. Halatang walang biro iyon.Pero bakit nga ba? Wala akong dahilan para ma-in-love sa kanya, no! At mas lalong siya din sa akin.
Natawa ako. Kumunot ang noo niya sa pagtawa ko. “Okay! Deal!” sagot ko na nagpataas ng kanyang kilay.“Pumapayag ka na?” Hindi makapaniwalang tanong niya, napatuwid pa siya ng upo sa harapan ko.Tumango lang ako at hinarap ang marriage contract sa pinakaharap ng mga papeles na hawak ko.“Opo! In one condition.”
Ako naman ang nag-seryoso. Sinipat ko rin ang mukha niya gaya nang ginawa niya sa akin kanina. Nakita kong namangha siya sa ginawa ko. Ngumuso siya ng kaunti at agad din ngumiti bago tumango sa akin. Itinaas nito ang kanyang kamay, inudyukan akong magsalita.
Lisa POV “Nanay, kain na po tayo!” tawag ko sa nanay kong patuloy pa rin sa paggawa ng mga abanikong pamaypay kahit na sa ganitong oras. Napakunot noo ako nang marinig ang mga sunod-sunod niyang pag-ubo. Ang tagal na ng ubo ni nanay hindi pa rin nawawala? Inilapag ko ang plato ng bagong init na ulam namin bago ko siya pinuntahan sa likod bahay kung saan kami madalas gumagawa ng mga pamaypay. “‘Nay, tara na po kain na po tayo.” aya kong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang mga kahon kung saan nilalagay ang mga na tapos na. Nakaka-dalawang kahon na pala siya! Malapit na itong kunin ng mga namamakyaw. Ang usapan kasi madalas, tatlong kahon. Kung bibilangin nasa higit isang libong pamaypay ito na nagawa sa loob ng isang buwan. “Anak, tapusin ko lang itong hawakan. Last na rin ito,” aniya. Nilibot ko pa ang ibang mga materyales, ka-kaunti na lang ang mga ito at kailangan na rin kumuha ng mga panibago. Nilingon ko ang nanay nang muli itong umubo. “Ayos lang po ba kayo? Matagal na ‘yan
Lisa POV Nagtataka man at patuloy sa pagtatanong ang nanay sa sinabi ko, inaya ko na siyang kumain. Kung tama ako baka ngayon siya darating. Gusto kong sumama sa doctor ni nanay para kumpirmahin ang lahat. Kung ano man ang desisyon ni Sir Fier o ni Fier, isasama ko ang nanay at doon ko siya ipapagamot sa Maynila. Kahit nakakahiya man, ito ang una kong hihilingin sa kanya. Ang tulungan kaming mag-ina. Lalo na ang nanay ko. Siya na lang ang pag-asa namin. Ilang pilit pa ang ginawa ko kay nanay bago siya mapapayag na magpa-check-up kami. Sasabihin na lang daw niya ang lahat sa akin pagkatapos. Mas gusto ko pa rin na manggaling ito sa doctor, para malaman ko ang lahat ng dapat kong gawin at itatanong ko na rin kung saan ang mas magandang ospital sa Maynila para sa condition ni nanay. Pag-uwi namin sa bahay, hapon na. Sa bayan na rin kami kumain sa isang fast food chain na mabibilang lang sa kamay kung ilang beses kami nakapasok dito. Mabuti na lang binigay nila ang huling sahod ko kay
Lisa POV Nakayuko ako habang hawak ang mga kamay ko sa aking harapan. Kinakabahan at nahihiya ako sa 'di ko malamang dahilan. Nandito siya sa kubo naming bahay, may dala-dalang kumpol ng bulaklak at tsokolate. Maraming nakatanaw sa aming mga kapitbahay ko. Ang iba ay tinatanong kung sino siya at ang iba naman ay todo kilig na akala mo'y mga sinaniban ng kuryente sa katawan. Kasama na doon si Marie na kunwari isang mahinhing babae pero nakikita ko sa mga mata at nginig ng kanyang mga labi na gusto nitong tumili sa mangha. "Magandang umaga po! Hi, Lisa!" bati niya sa amin pagtapat sa gate naming kahoy. Matamis siyang ngumiti at bahagyang yumuko na akala mo’y sobrang magalang. "Lisa, ang gwapo naman ng iyong nobyo. Pakilala mo naman sa amin." buyo ni Aling Minda na may hawak na walis tingting. "May manliligaw ka pa lang gwapo, Lisa. Hindi mo man lang sinabi sa amin. Hi, pogi!" bating kinikilig naman ng dati naming ka-klaseng bakla na si Markus. Hinawakan ni Marie ang kamay ko para k
Lisa POV “Aminin mo nga sa akin, buntis ka ba?” kalmadong saad ni nanay pero ang mga mata nito namumula sa galit. Ano itong ginawa ko? Baka bigla na lang siyang ma-high blood dito. “Nanay, inom ka po muna ng juice. Wait lang po, kalma lang kayo.” Tumayo ako para ipagsalin siya ng juice sa kanyang baso. “Bakit? Totoo nga? Lisa, kailan mo lang nakilala ang taong iyon. Binigay mo na agad!?” Napa-iling siyang napakamot sa kanyang sintido. Inabot ko sa kanya ang baso na tinignan lang niya at hindi pinansin. Nakatayo ako sa harapan ni nanay, tinitignan ang mukha niyang namumula. Nag-aalala ako sa nakikita kong galit at pagkadismaya sa kanyang hapis na mukha. “Alam ko matanda ka na, may sarili ka ng isip. Pero– anak naman! Hindi naman kita pinagbabawalan makipagrelasyo basta ipakilala mo siya sa akin. Kilalanin mo muna ng mabuti. Pag-isipan mong mabuti kung siya na nga ba bago mo ibigay ang lahat lalo na ang . . .” Napayuko siya, sinapo ang kanyang noo. “Lisa, hindi madaling maging ina,
Lisa POV “Hayaan mo na si kuya, tara na sa loob.” Tinulungan ako ni Lara bitbitin ang mga dala-dala ko. Isang beses kong sinulyapan si Liro na papalayo sa bahay nila, dala niya ang kanyang gitara, bagsak ang mga balikat. “Ito na lahat ng mga sinulat namin. Wala naman quizzes.” Inginuso niya ang mga notebook na ku-kupyahin ko na lang mamaya. Nasa apat na notebook ito na magkakapatong sa lamesa nila. Matagal ko matapos ang pag-aaral ko dahil sampung units lang ang kinuha ko ngayon taon. Nasa pangalawang taon ko na sa college. Nahuhuli na sa mga kasabayan ko na graduating na ngayong taon. Si Marie naman nag-shift ng kurso kaya pareho kaming nasa pangalawang taon pa lang. Dati kasi HRM ang kinuha niya, umayaw ang kanyang mga magulang dahil sa gastos ng kursong ito. Kaya pinili na lang niya ang kurso ko na education. Gaya-gaya kahit na ayaw naman niya at walang tiyaga sa pagtuturo. Sungit kaya noon sa mga bata! Noon pa man gusto-gusto ko na magturo. Kahit sa mga kalaro ko lang, feelin
Lisa POV “I know this may be too late, but I wanted to do it in a right way. Lisa and Mrs. Cortez, forgive me for being a selfish man para alukin ng kasal ang anak po n‘yo ng walang basbas niyo sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Ngayon, gusto ko po i-tama ang lahat.” Lumunok siya at huminga nang malalim. “Lisa, gaya ng sinabi ko sa ‘yo dati, ikaw lang ang babaeng kumuha ng attention ko. Ang babae na gabi-gabing pumapasok sa mga panaginip ko. Ang babaeng hinahanap ko agad paggising ko pa lang sa umaga. Hindi ko alam kung paano nangyari at kailan nagsimula, noon ang gusto ko lang asarin ka. Pagtawanan ang mga silly moments mo. Pero– hindi ko alam na. . .nahuhulog na pala ako sa ‘yo. At ngayon, gusto kong ayain ka, sa harap ng pinakamamahal mong nanay. Ang nanay na dahilan kung bakit may Lisa ako sa buhay ko ngayon.” Dahan-dahan niyang binukas ang pulang kahon. Sa loob nito ang isang singsing na kumikinang sa tuwing maigagalaw niya ito. “Lisa, will you be my companion for the rest of
Lisa POV Ilang araw na simula nang ma-confined ang nanay sa hospital na ito. Magagaling ang mga nurses na umaasikaso sa amin. Nalaman ko na mga topnotchers pala sila sa board exams. Hindi daw basta-basta ang mga nakakapasok na nurses dito. Kung hindi nasa top passer o kaya naman mga nag-aral sa ibang bansa. Napa-wow ako doon. Kaya pala maganda din ang bayad sa isang oras mong namalagi dito. Maganda rin ang mga naging resulta sa mga test ni nanay, mabuti na lang daw at agad namin siya nadala. Nabawasan ang mga komplikasyon at sakit na dapat na mararamdaman ni nanay. Sumailalim na rin siya sa chemotherapy sabay pa ang maraming gamot na kailangan pang inumin. Sa mga araw na iyon nasa tabi niya lang ako. Hindi ako umaalis. Dito na rin ako sa sofa natutulog. Lahat nandito na, pagkain, damit na may kumukuha para ipa-laundry. Utos daw ni Fier iyon. Meron dumating dito na makakasama namin at magiging assistant ni nanay. Siya na din ang taga-bili ng mga kailangan namin dito. Ang sabi niya, s
Lisa POV Tahimik lang ako na nakaupo sa table namin habang masaya silang nagku-kwentuhan. Pangiti-ngiti lang ako sa gilid. Sumasagot kung kailan nila tatanungin. Hindi naman ako makasabay sa lahat ng mga usapan nila. Nahihirapan din ako intindihin ang mga sinasabi nila lalo na’t salitang english, masyado pang mabilis. Hindi sa hindi ako nakakaintindi pero ‘di ako sanay sa bilis na parang ito na ang ginagamit nilang salita sa araw-araw. Nandito kami ngayon sa isang bar, may kumakantang banda sa harapan. Sa tingin ko nga pwede ka pa mag-request sa kanila ng kanta. Okay naman dito, hindi sa inaasahan kong bar. Ang alam ko lang kasi na bar ‘yong may lasingan lang, inuman at may mga umiikot na iba’t ibang kulay ng ilaw at kung totoo nga ang sabi nila na may sumasayaw daw na n*******d. Iyon ang mga naririnig kong usapan nang iba. Dito kasi kalmado lang, nasa pinakataas kami ng building, mahangin at kitang-kita namin ang mga bituin sa langit. Ilan lang ang lamesa dito, may kanya-kanya din
Special Chapter 2 Lisa POV Mula sa pagkakasandal sa dibdib niya umayos ako ng pagkakaupo, tiningnan ang mukha niyang proud sa kanyang mga ginawang kalokohan. “Ang sama-sama mo nga noon! Takot na takot ako sa drone na pinapalipad niyo. . .” Maktol ko. “Ang cute mo kasi inisin. Akalain mo, hindi mo alam ang drone.” Umiiling-iling siya, sinuklay ang buhok niya patalikod. “Akala ko talaga kung ano na iyon. Eroplano na maliit na may mga paa. Nakakatakot kaya tunog niya! Tapos may matang patay-sindi. Red pa nga. . .” “That’s a recording light.” Aniya. “May green pa sa gilid. Wala sa amin ng ganoon.” “Pini-picture-an ka namin ni John. He was taking a shot of you. Nasa akin pa ‘yata mga pictures and videos mo.” Pinalo ko nang malakas ang dibdib niya. Tawa lang siya nang tawa sa tabi ko. Hinuhuli ang kamay kong pinapalo siya sa kanyang kalokohan. Naglalako ako nang time na iyon, oras na rin iyon para pumasok ako sa kanila bilang isang katulong. Part time job ko iyon sa hapon
Special Chapter 1 Fier POV I had just ended my Zoom meeting when my sexy secretary entered the room with my 6th cup of ordered coffee for the morning. I opened my email and found the hundred unread emails waiting to be read. I looked up at her and smiled. She put the steaming hot coffee before me and sat on my lap. “You know I can’t finish what I needed to do when you’re tempting me like this.” She snuggled in me, and I was willing to encircle my hands in her waist. Pinching her a little makes her giggle. “What? Hinatid ko lang naman pinatimpla mo.” She said in an innocent tone. God! I know myself, I can’t control my inner clinginess na nakuha ko sa kanya. My hands are itching to feel her and to touch every inch of her whole being. I never complained though, I like the ways every time she does that. Since she got pregnant, naging mas malambing siya at mahilig sa lambingan. Sa tingin ko that her hormones getting on her nerves. Natawa ako, habang tumatagal, mas nagiging moody siya
Fier POV “Dude, she’s stunning!” Niyugyog ni John ang balikat ko, pilit pinapalingon sa babaeng nagpadala ng drinks sa table namin. Nginisihan ko siya, dahan-dahan nilingon ang babae. I drink up her gift, bottoms up. She smiled, and even with the loud music from the background, I could hear their giggles with her friends. “Not bad,” sagot ko kay John. She’s the type of woman I would love to bed. From her snowy-white skin, curvy body . . . oh men, I picture her moaning under me. Her little skirt caught my attention. “Kung ayaw mo sa akin na lang,” Hindi pa man ako nakakasagot, inabot na niya ang isang basong whisky, dinala iyon kung nasaan ang mga babae. Ngumingisi ako. Okay! I let my man do his thing. But I doubt he can. I always win, you know. Pinanood ko siyang naglakad hanggang sa kausapin ang mga babae. Tinuro nila ako, isa-isa silang tumayo para lumapit sa table namin. Napataas ang kilay ko nang akbayan ni John ang babaeng nagpadala ng madaming drinks. Try hard, bro. “Hi!
Fier POV “Your insane, Sabrina!” I shouted, greeting my teeth. “I’ve warned you enough and asked you to leave everything behind. But— you, you killed my wife!” Hinampas ko sa galit ang mahabang lamesa. Sinipa ko ang plastic na upusan sa harap niya causing her to cry loud. Even louder, that makes me more furious. “Fier. . .” Tangka niyang hahawakan ang kamay ko. Iniwas ko iyon at tinalikuran siya. Nagpipigil ilabas sa kanya ang galit ko. “I-I. . . I swear to God, hindi ko sinasadya.” Para akong lion na humarap sa kanya. Taas baba ang dibdib ko sa galit. God knows how I am hurt right now at the highest level I ever been mad. “Hindi sinasadya? The bullshit, Sabrina. Pumunta ka sa bahay para maghigante sa asawa kong wala namang ginawa sa ‘yo!” “Inagaw ka niya sa akin. Kinuha niya lahat ng dapat para sa akin!” Hysterical niyang saad. Humawak siya sa kanyang ulo. Murmuring words, I didn’t want to pay attention. “Wala siyang inaagaw, Sabrina. Ginawa mo—” “Sa akin ka una pa lang. Ta-ta
Sabrina POV Nakangiting nakaharap ako sa salamin ng aming kwarto. Ang ganda talaga dito! Umikot ako, I slide the curtains para pumasok ang natural na liwanag, binuksan ko din ang salaming sliding door. The fresh air smell like freshly newly leaves. Ang daming stars! “What is this furniture?” I cringed, asking myself. So like promdi ng design. Out of trend na. Papatanggal ko kay Manang ‘to mamaya. I tossed my hair, and I remembered— Shss! Tulog pa pala siya! Well! Ano ba aasahan mo, tumatanda na. . . . Bumalik ako sa banyo para maligo, mamaya lang darating na si Fier ko. Ipagluluto ko siya ng paborito niyang sinigang na hipon. Oh, Em! May hipon kaya? Sitaw? Or tomatoes? Natatarantang nagpabalik-balik ako ng lakad. “What the hell! Bakit ang kalat? My Gad! Itong is Fier talaga, ang kalat, tsk!” Pinulot ko ang mga nahulog sa sahig, bottled of shampoos, bath salt and his razor. Even the towel. Tsk! Naligo ako sa aming bathtub na puno ng memories namin together. Kapag lasing kami at
Fier POV Mula sa likod ng puno, tinanaw ko ang itim na kotse-ng kanina pa namin minamanmanan. Inayos ko ang suot na cap. Kanina pa kami dito, mainit at talaga namang nakakainit ng ulo. I need water but I didn’t have any. Nilingon ko ang nagtitinda sa kabilang side ng kalsada at nakita is Anton na umiinom. “The jerk!” I hiss. Naka-disguise siya as Grab driver. Ako, isang street sweeper, nakasuot ng green long sleeves mula sa municipality ng Manila and black jogging pants. That asshole, provide everything we needed. And I almost, almost give him a punch for these yellow boots na suot ko. Masikip pa ito at hindi kumportable isulot sa ganitong sitwasyon. What most annoying is, the May Mickey Mouse sa magkabilang gilid. Palihim niya akong nilitratuhan at sinend sa e-mail ko with a caption, “Nice one, dude! What a great fashion trend! Need an advertisement; I knew someone named Fiero Madrigal. Just shoot me a mail.” With an emoji wink at the end. So, I sent him my grudgeful reply, “I’ll d
Lisa POV “Gising na mahal na prinsesa,” “Haah!” Mabilis akong napadilat ng mabuhusan ng tubig. Napapasinghap ako. Hinilamos ko ang mukha at nagulat sa ibinato niyang bidet. Tumama ito sa pader. Sa uluhan ko. “Sarap ng buhay! Hindi ka pwedeng matulog, mag-uusap pa tayo.” Hinila niyang muli ang hose ng bidet at pinusitsitan ako ng tubig sa mukha, sa katawan. Iniharang ko ang dalawang kamay ko. “A-anong ginagawa mo d-dito? Paa-no ka nakapasok?” Nalulunod sa tubig na tumatama sa akin. “I am welcome here, dear. Remember?” Sarkastiko niyang sagot. “I missed this place. Ang panget na nga lang dahil nandito ka. Nangangamoy tuloy isda kahit na naliligo ka na nang mga mamahaling shower gels. But still from the fishpond ka pa rin.” Maarteng turo niya sa mga toiletries na nakita niya. Hinawakan niya ang bagong bukas na Chanel6 na regalo sa akin ni Mommy. Tamad niya itong binitawan sa lababo, agad itong nangamoy sa loob ng banyo. “Walang fishpond sa amin, dagat lang.” Umusog ako sa kabilang s
Lisa POV “Pang-ilang bago na ba tayo ng plano?” Irap ni Dad. Ibinaba ang eyeglasses niya sa lamesa. “Easy, tito. I just found this dog Philip, a clever one. Sa dami nang nahawakan kong case, sa kanya ako nagka-interesado kung hanggang saan ang kaya niya.” Ngumuso siyang inikot-ikot ang ballpen sa gitna nang kanyang mga daliri. “Gusto ko na siyang ibaon sa lupa.” Naiinis na saad ni Fier sa tabi ko. Hinawakan ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa. “Sinaktan niya ang asawa ko. Ang nanay— naaksidente siya na plinano nila. For Goddamn sake, I want him to rot in jail! Habang nasa labas siya, hindi ako mapapanatag.” “Man, he will. I will sure you that.” Assurance ni Anton, sabay tingin sa akin. Alanganin siyang ngumiti. “Lisa, ilan beses na ako humingi ng sorry sa nangyari. Sa lahat sa atin, ako ang may kasalanan. I let my guard down and that’s the fruit of it. Minaliit ko ang kakayahan ng dog-tagged na iyon.” Hinging paumanhin niya. “I’m sorry.” Lumunok ako, tama siya, ilan beses na siyang
Lisa POV “Mom, aalis po kayo?” “Ah, yes, hija. May kailangan ka ba?” “Wala naman po. A-akala ko po kasi hindi kayo aalis. Nagluto po ako ng meryenda. Aayain ko po sana kayo.” “Aww, sweetheart. Miss ko na luto mo, pero may lakad kasi kami. Mago-over all damage control kami ng Daddy mo at ni Fier sa Company. Aayusin ang dapat ayusin at i-let go ang dapat i-let go. Kung gusto mo sumama ka na lang sa akin sa office, dalhin na ‘tin ‘yang niluto mo.” “Ah, hindi na po. Makakaabala pa po ako doon. Uuwi naman po si Fier ng maaga ngayon.” “Kung ‘yon ang gusto mo, okay. Paano, I’ll go ahead na. Male-late na kasi ako. Manang, patawag naman ang driver. Bye, hija.” Tumango ako nang halikan niya ako sa pisngi ko. Pinagmasdan ko siyang sumakay ng kanyang magarang sasakyan. Naiwan ako sa bukana ng pintuan na nakatulala. Simula nang mawala ang Nanay, ito ang unang beses na iniwan ako ni Fier dito sa bahay. I sounded like a selfish, pero nakakalungkot. Nakakapanibago. Ang lungkot lang. “Manang, t