Lisa POV
“Aminin mo nga sa akin, buntis ka ba?” kalmadong saad ni nanay pero ang mga mata nito namumula sa galit. Ano itong ginawa ko? Baka bigla na lang siyang ma-high blood dito.
“Nanay, inom ka po muna ng juice. Wait lang po, kalma lang kayo.” Tumayo ako para ipagsalin siya ng juice sa kanyang baso.
“Bakit? Totoo nga? Lisa, kailan mo lang nakilala ang taong iyon. Binigay mo na agad!?”
Napa-iling siyang napakamot sa kanyang sintido. Inabot ko sa kanya ang baso na tinignan lang niya at hindi pinansin. Nakatayo ako sa harapan ni nanay, tinitignan ang mukha niyang namumula. Nag-aalala ako sa nakikita kong galit at pagkadismaya sa kanyang hapis na mukha.
“Alam ko matanda ka na, may sarili ka ng isip. Pero– anak naman! Hindi naman kita pinagbabawalan makipagrelasyo basta ipakilala mo siya sa akin. Kilalanin mo muna ng mabuti. Pag-isipan mong mabuti kung siya na nga ba bago mo ibigay ang lahat lalo na ang . . .” Napayuko siya, sinapo ang kanyang noo. “Lisa, hindi madaling maging ina, alam mo naman iyan. Ang dami dito sa atin na buntis ng maaga tapos, ayun– hiwalay! Paano na lang kung mag-iba siya kalaunan. Ha?” problemadong mahabang lintanya ni nanay. Napanguso ako.
Niyakap ko siya nang makita kong may namumuo ng kislap sa kanyang malalamlam na mga mata. Kahit takot, may kaba . . .may humaplos sa puso ko nang makitang na i-iyak na si nanay, hindi dahil sa nagsinungaling ako o tinago ito . . . kung hindi dahil nag-aalala siya sa magiging buhay ko kung buntis nga ako.
“Nanay, hindi po ako buntis. Kayo naman, oh! Dami niyo na agad sinabi.” Malambing kong hinagod sa kanyang likod.
Gusto kong ma-iyak o matawa sa reaksyon niyang O.A. Pero nanay, eh! Ganyan naman siguro magiging reaksyon nilang lahat kung biglain mo nga ba naman sabihin na ikakasal ka na agad nang hindi pa nakikilala ang magiging asawa mo.
“Kung hindi, e bakit agad-agad naman yata ‘yang pagpapakasal n’yo? Ang sabi niya kanina ilang linggo ka pa lang niyang na kilala. Tapos gusto niyo kasal agad! Ano iyon, sabik na sabik lang? Bakit Lisa may nangyari na ba sa inyo ng lalaking iyon at sarap na sarap kaya gustong magpakasal kaagad sa iyo?” Bahagya siyang lumayo sa akin. Nagpamewang, nanlilit ang mga mata niya sa aking bumaba ang tingin sa tiyan ko.
Ako naman ang nangamatis sa mga sinasabi niya. “‘Nay!” Pag-aawat ko sa mga sasabihin niya pang muli. Dinaig pa niya si Marie sa mga kahalayang pinagsasabi.
Hindi ko nga alam kung ano uunahin sa mga sunod-sunod niyang tanong.
“Walang ganoong nangyayari sa amin, ‘nay! Parang ano lang . . .ah, sa nagpakita siya sa akin ng kabaitan tapos ayon na po. Na palapit na po ako sa kanya. Gwapo naman, ‘di ba ‘nay?”
Pinalo niya ang braso ko sa huling sinabi ko. Wala na ako maisip na idadahilan, e. Pwede na rin siguro iyon? Totoo naman din.
“‘Tong batang ito– sa itsura lang bumigay ka na!? E, paano kung kabaligtaran pala ang ugali niya?” Niyakap ko siyang muli. Natatawa.
“Hindi naman po siguro, ‘nay. Mabait naman siya . . . sa ilang linggo na kasama ko siya, wala naman po siyang pinakitang masama sa akin. Ito nga po oh– willing siyang makilala kayo. Gusto nga din po niya tayo dalhin sa Maynila para sa mas mabilis ninyong pag-galing. Mas maganda naman doon ‘nay, ‘di ba? Mapapagamot na kita, makakapagtrabaho pa ako. Mas marami akong pwedeng apply-an. Hindi kagaya dito sa atin na paglalako lang ng isda, gulay at pangangatulong lang ang madaling trabaho. Doon daw po kasi sabi ni Aling Dyosa, ten thousand na daw po ang sahod ng mga katulong doon with benefits pa! Siya kasi nasa fifteen na daw, plus benefits dahil matagal na siya kila Fier, siya po iyong minsan kinuwento ko sa inyon na suki ko sa bayan na nakatira sa malaking bahay sa dulo. E, ako? Pwede na ako ‘nay sa mga kahera, nasa kolehiyo naman na po ako. Pwede ako magtrabaho habang nag-aaral. Napapagamot pa kita. Willing din daw po si Fier na tulungan tayo sa lahat ng ka-kailanganin na ‘tin doon.”
Hinihingal kong paliwanag sa kanya. Umaasa na kagatin niya ang sinabi ko. Dahil totoo naman lahat ng iyon, maliban sa mabait sa akin ang lalaking iyon. Hindi kaya! Swangit at pilyo kaya ‘yon.
Isa pa, kila Sir John ang bahay na iyon hindi kila Fier. Sinabi ko lang para kungwari– ah, basta!
Wala na akong maisip na dahilan.
“Anak, wala naman akong gusto kung hindi mapabuti ang kalagayan mo at matupad mo ang mga pangarap mo pero ang maging hadlang pa ako sa ‘yo, h’wag na lang. Masaya na ako dito at kaya ko na ito. Hindi ko na kailangan pa pumunta sa mga doktor na iyan. Dito lang gagaling na ako. Gagastos pa tayo, huwag na anak.”
“‘Nay, hindi po! Si Doc. Morsolo na rin po nagsabi at sinabi rin niya sa inyo na ‘di kakayanin ng simpleng klinic niya ang sakit niyo. Kailangan n‘yo po madala sa espesyalista na kayang pagalingin ang karamdaman mo.”
“Ayos na ako dito, anak. H’wag mo na ako alalahanin,” saad niyang hinaplos ang kamay kong nasa kandungan ko, na i-iyak siya. “H’wag mo ibahin ang usapan, Lisa.”
Ay! Patay! Biglang ganoon? Akala ko pa naman nakalusot na ako.
Ginalingan ko pa naman ang pagkumbinsi sa kanya.
“Mahal mo ba siya anak o ginagawa mo lang ito para sa akin? Kung iyon ang dahilan mo— h’wag na! Matanda na rin ako, anak. Ganoon ka rin. Sa edad mo na ‘yan dapat professional ka na. Dapat tapos ka na. Pero ito– nandito ka, inaalala ako. Sorry, anak. Hindi ko kaya suportahan ang pag-aaral mo. Hindi ko na ibibigay ang mga pangangailangang dapat meron ka.”
Umubo siya, kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Tinulungan ko siyang abutin ang basong may juice.
“Hindi po! Sapat na ang lahat ng ginawa niyo sa akin. Ang gusto ko lang gumaling po kayo para magkasama pa tayo ng matagal.” Niyakap ko siya ng mahigpit. Ganoon din siya sa akin.
“Mahal mo nga ba?” tanong niyang ulit.
Gusto kong mapa-irap sa paulit-ulit na tanong niya pero— hindi yata magandang ideya iyon ngayon kaya tumango-tango ako. Pilit na ngumiti sa kanya at pinasaya ang sitwasyon sa pangungulit ko sa nanay ko.
“Kung d’yan ka masaya anak, sige. Pero kikilatisin ko pa iyan, ah?”
Matapos ng pag-uusap namin na iyon, wala nang tanong pa si nanay ngunit gusto daw niya papuntahin ko si Fier dito bukas din. Bumalik ulit ito sa paggawa ng pamaypay at ako naman pumunta sa ka-klase ko sa bayan para humiram ng lecture namin kahapon at ngayon na hindi ko na pasukan.
Pagdating sa bayan pinagtitinginan ako ng mga tindera sa palengke. Maging sa paradahan kanina. Pinagsawalang bahala ko lamang iyon at nagtuloy-tuloy sa bilihan.
“Tsk! Akala mo sinong mahinhin, dinaan din pala si pogi sa katawan.” bulong ng isang sales lady na nagpapaypay sa nadaanan ko. Palihim kong sinulyapan ang pwesto niya. Inismiran ako nito kasabay ng masamang tingin.
“Oo, ikakasal na nga daw sila!”
“Baka buntis!” segunda naman ng isa pang tindera.
“Kamo, pinikot niya. Sino ba naman hindi bibigay, ‘di ba? Gwapo na, mayaman. A-angat ang buhay nila doon. Tsk! Katulong kunwari ang pinasok, lalaki lang pala tinabaho.”
Rinig na rinig ko ang mga sinasabi nila sa likuran ko habang pumipili ako ng mga gagamiting materyales ni nanay.
Ganito ba ang tingin nila agad sa akin? Ang bilis nila akong husgahan, ah! Hinayaan ko na lang sila at mabilis na ipinagpatuloy ang pamimimili. Tinignan ko ang listahang hawak, halos mapaurong ako nang wala pala dito sa bibilhan ko ang kailangan ko. Doon ako tinuro ng tindera kung saan naruruon ang mga babaeng tindera.
Huminga ako nang malalim, kailangan ko bumili. Pinatatag ko ang sarili ko para makayang lumapit sa kanila. Kahit na halos ikatupi ito ng tuhod ko sa kaba.
Ang bilis naman ng balita, kumalat kaagad!
Ilang oras pa lang ang nakalipas at ito, ako na ang punong pinagkakaabalahan ng mga tao sa munti naming bayan.
“Hala, ikakasal ka na pala! Hindi mo man lang sinabi sa akin.” tiling pangungutiya ni Lara. Nakanguso ito kaagad sa akin habang pinagbubuksan ako ng kanilang kawayang bakod.
Nginitian ko siya’t binati. Sinabi ko ang dahilan ko kung bakit ako lumiban sa klase kahapon nang may magsalita.
“Bakit, Lisa? Ang sabi mo wala ka pang balak mag-asawa pero– tsk! Akala ko iba ka sa kanila.”
Nagulat kami nang biglaang saad ni Liro ng madaanan niya kami sa terrace nila ng kanyang kapatid. Lumabas ito at malakas na isinara ang kanilang gate. Yumanig iyon sa lakas. Naggalawan ang mga halaman nilang nakasabit doon.
Nahiya ako, napayuko. Na guilty ako dahil na saktan ko siya.
Lisa POV “Hayaan mo na si kuya, tara na sa loob.” Tinulungan ako ni Lara bitbitin ang mga dala-dala ko. Isang beses kong sinulyapan si Liro na papalayo sa bahay nila, dala niya ang kanyang gitara, bagsak ang mga balikat. “Ito na lahat ng mga sinulat namin. Wala naman quizzes.” Inginuso niya ang mga notebook na ku-kupyahin ko na lang mamaya. Nasa apat na notebook ito na magkakapatong sa lamesa nila. Matagal ko matapos ang pag-aaral ko dahil sampung units lang ang kinuha ko ngayon taon. Nasa pangalawang taon ko na sa college. Nahuhuli na sa mga kasabayan ko na graduating na ngayong taon. Si Marie naman nag-shift ng kurso kaya pareho kaming nasa pangalawang taon pa lang. Dati kasi HRM ang kinuha niya, umayaw ang kanyang mga magulang dahil sa gastos ng kursong ito. Kaya pinili na lang niya ang kurso ko na education. Gaya-gaya kahit na ayaw naman niya at walang tiyaga sa pagtuturo. Sungit kaya noon sa mga bata! Noon pa man gusto-gusto ko na magturo. Kahit sa mga kalaro ko lang, feelin
Lisa POV “I know this may be too late, but I wanted to do it in a right way. Lisa and Mrs. Cortez, forgive me for being a selfish man para alukin ng kasal ang anak po n‘yo ng walang basbas niyo sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Ngayon, gusto ko po i-tama ang lahat.” Lumunok siya at huminga nang malalim. “Lisa, gaya ng sinabi ko sa ‘yo dati, ikaw lang ang babaeng kumuha ng attention ko. Ang babae na gabi-gabing pumapasok sa mga panaginip ko. Ang babaeng hinahanap ko agad paggising ko pa lang sa umaga. Hindi ko alam kung paano nangyari at kailan nagsimula, noon ang gusto ko lang asarin ka. Pagtawanan ang mga silly moments mo. Pero– hindi ko alam na. . .nahuhulog na pala ako sa ‘yo. At ngayon, gusto kong ayain ka, sa harap ng pinakamamahal mong nanay. Ang nanay na dahilan kung bakit may Lisa ako sa buhay ko ngayon.” Dahan-dahan niyang binukas ang pulang kahon. Sa loob nito ang isang singsing na kumikinang sa tuwing maigagalaw niya ito. “Lisa, will you be my companion for the rest of
Lisa POV Ilang araw na simula nang ma-confined ang nanay sa hospital na ito. Magagaling ang mga nurses na umaasikaso sa amin. Nalaman ko na mga topnotchers pala sila sa board exams. Hindi daw basta-basta ang mga nakakapasok na nurses dito. Kung hindi nasa top passer o kaya naman mga nag-aral sa ibang bansa. Napa-wow ako doon. Kaya pala maganda din ang bayad sa isang oras mong namalagi dito. Maganda rin ang mga naging resulta sa mga test ni nanay, mabuti na lang daw at agad namin siya nadala. Nabawasan ang mga komplikasyon at sakit na dapat na mararamdaman ni nanay. Sumailalim na rin siya sa chemotherapy sabay pa ang maraming gamot na kailangan pang inumin. Sa mga araw na iyon nasa tabi niya lang ako. Hindi ako umaalis. Dito na rin ako sa sofa natutulog. Lahat nandito na, pagkain, damit na may kumukuha para ipa-laundry. Utos daw ni Fier iyon. Meron dumating dito na makakasama namin at magiging assistant ni nanay. Siya na din ang taga-bili ng mga kailangan namin dito. Ang sabi niya, s
Lisa POV Tahimik lang ako na nakaupo sa table namin habang masaya silang nagku-kwentuhan. Pangiti-ngiti lang ako sa gilid. Sumasagot kung kailan nila tatanungin. Hindi naman ako makasabay sa lahat ng mga usapan nila. Nahihirapan din ako intindihin ang mga sinasabi nila lalo na’t salitang english, masyado pang mabilis. Hindi sa hindi ako nakakaintindi pero ‘di ako sanay sa bilis na parang ito na ang ginagamit nilang salita sa araw-araw. Nandito kami ngayon sa isang bar, may kumakantang banda sa harapan. Sa tingin ko nga pwede ka pa mag-request sa kanila ng kanta. Okay naman dito, hindi sa inaasahan kong bar. Ang alam ko lang kasi na bar ‘yong may lasingan lang, inuman at may mga umiikot na iba’t ibang kulay ng ilaw at kung totoo nga ang sabi nila na may sumasayaw daw na n*******d. Iyon ang mga naririnig kong usapan nang iba. Dito kasi kalmado lang, nasa pinakataas kami ng building, mahangin at kitang-kita namin ang mga bituin sa langit. Ilan lang ang lamesa dito, may kanya-kanya din
Lisa POV Napa-atras ako. Hawak ko sa aking kamay ang isang mamahaling sapatos ni Sabby. Dahan-dahan ko ibinaba ito sa sementadong parking lot. Nagpasya ako na bumalik na lang sa loob ng building para mamasyal na lang muna sa loob. Ngunit bigo ako, ilang ikot na ang ginawa ko wala pa rin akong mahanap na pwedeng puntahan. Ang iba kasing pwesto dito may membership card na hinahanap muna bago ka nila papasukin sa loob. Sosyal naman masyado. Bawal ang walang pera. Masakit na ang mga paa ko sa kakalakad. Parang gusto ko na nga hubarin ang mataas na takong na suot ko. Ang sarap siguro magpaa-paa dito? Luminga ako sa paligid. Naglakad sa nakalagay na signage kung nasaan ang restroom. Para akong na ginhawaan nang makaupo sa toilet. Inalis ko muna ang suot na sapatos at sumandal sandali doon. Ngalay na ang mga binti ko. Ramdam ko ang paninigas ng mga ito. Itinaas ko ito sa pintuan ng banyo. “Ahh!” Ang sarap ng ungol ko sa naramdamang ginhawa. Mabuti na lang walang tao dito. Anong oras k
Lisa POV Nag-iwas ako nang tingin sa kanya. Ano ba kasi pumasok sa isip ko at sinabi ko iyon? Masama na naman tuloy mga titig niya sa akin. Namayani ang katahimikan sa buong biyahe namin, nagpatugtog siya ng music mula sa speaker ng kanyang mamahaling kotse. Awit ito ng isang banda sa ibang bansa. Ito pala mga gusto niyang mga uri ng musika. Ibang-iba sa lagi kong naririnig na pinapatugtog nila sa probinsya na mga ma-iingay at masasakit sa tengang tugtog. Ni wala nga ako maintindihan sa mga sinasabi sa mga kinakanta doon. Bukod sa ma-ingay, puro pa-sigaw. Rock music yata ang tawag nila doon. “Every pure intention ends when the good times start, Fallin ‘over everything to reach the first time’s spark,” Alam ko ang kantang ito, kanta ito ni Ed Sheeran! Kung ‘di ako nagkakamali . . . Bad Habits ang title nito. Pero ‘di gaya sa original version, ito ay acoustic. Ang sarap pakinggan, damang-dama ang bawat salitang sinasabi. So slow and relaxing kasabay ang pagtugtog ng gitara. Narinig
Lisa POV Mabigat ang katawan kong bumangon nang umaga iyon. Ang huling tingin ko sa orasan kagabi ay pasado alas tres na ng madaling araw nang antukin ako. Pabaling-baling lang ako sa higaan ko kagabi, hindi malaman kung anong posisyon ang aking gagawin. Tumagilid, tumihaya at ang paborito kong posisyon na nakadapa, na walang silbi kagabi dahil hindi ko rin nakuha ang antok ko. Tumayo na ako at nag-hilamos, hindi na ako nag-abala pang magpalit pa ng damit. Naisipan kong magluto ng almusal naming dalawa ngayon. Maaga pa naman, madilim pa nga ang labas nang sumilip ako sa bintana mula sa kwarto ko. Mag-aala sais pa lang ng umaga, sigurado ako na mamaya pa magigising ang lalaking iyon. Kung kagabi mangha ako sa sala niya at sa kwarto ko na puno ng mga bagay na pinapangarap ng ibang babae, dito naman sa kusina niya . . . puno ng mga mamahaling appliances. Tinignan ko ang mga ito. Ang ibang gamit dito ay ‘di ko alam gamitin at kung para saan nga ba ginagamit iyon. Mangha ko silang hinaw
Lisa POV “Wife?” ulit niya sa itinawag ni Fier sa akin. “Babe, si Mommy nga pala.” Pagpapakilala niya sa Mommy niya. Lumunok ako, parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin. Tumaas ang kilay niya sa akin, hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan tanging kilay lang niya ang umaagat. Inalog ako ni Fier, tinignan ko siya. Nagpapatulong. Ngunit tinawanan niya lang ako at niyakap. Nanlalamig din ang hubad niyang katawan na dumikit sa aking katawan. “Mommy naman! Tinatakot mo ang asawa ko!” Naramdaman kong dumampi ang mga labi niya sa tenga ko. May ibinulong siya na hindi ko naintindihan sa sobrang kabang nararamdaman ko. Itinaas niya ang isang kamay niya. A-akala ko makakatikim ako ng sampal gaya sa mga pocketbook na nababasa ko. Tinitigan ko ang kanang kamay niyang baliktad na nakalahad sa akin. May isang singsing siyang suot na kumikinang ito. Napakaputi ng kanyang kamay. Malambot pa. Nakakahiyang hawakan. At ang ganda ng nailpolish niya, ah! kulay red . .
Special Chapter 2 Lisa POV Mula sa pagkakasandal sa dibdib niya umayos ako ng pagkakaupo, tiningnan ang mukha niyang proud sa kanyang mga ginawang kalokohan. “Ang sama-sama mo nga noon! Takot na takot ako sa drone na pinapalipad niyo. . .” Maktol ko. “Ang cute mo kasi inisin. Akalain mo, hindi mo alam ang drone.” Umiiling-iling siya, sinuklay ang buhok niya patalikod. “Akala ko talaga kung ano na iyon. Eroplano na maliit na may mga paa. Nakakatakot kaya tunog niya! Tapos may matang patay-sindi. Red pa nga. . .” “That’s a recording light.” Aniya. “May green pa sa gilid. Wala sa amin ng ganoon.” “Pini-picture-an ka namin ni John. He was taking a shot of you. Nasa akin pa ‘yata mga pictures and videos mo.” Pinalo ko nang malakas ang dibdib niya. Tawa lang siya nang tawa sa tabi ko. Hinuhuli ang kamay kong pinapalo siya sa kanyang kalokohan. Naglalako ako nang time na iyon, oras na rin iyon para pumasok ako sa kanila bilang isang katulong. Part time job ko iyon sa hapon
Special Chapter 1 Fier POV I had just ended my Zoom meeting when my sexy secretary entered the room with my 6th cup of ordered coffee for the morning. I opened my email and found the hundred unread emails waiting to be read. I looked up at her and smiled. She put the steaming hot coffee before me and sat on my lap. “You know I can’t finish what I needed to do when you’re tempting me like this.” She snuggled in me, and I was willing to encircle my hands in her waist. Pinching her a little makes her giggle. “What? Hinatid ko lang naman pinatimpla mo.” She said in an innocent tone. God! I know myself, I can’t control my inner clinginess na nakuha ko sa kanya. My hands are itching to feel her and to touch every inch of her whole being. I never complained though, I like the ways every time she does that. Since she got pregnant, naging mas malambing siya at mahilig sa lambingan. Sa tingin ko that her hormones getting on her nerves. Natawa ako, habang tumatagal, mas nagiging moody siya
Fier POV “Dude, she’s stunning!” Niyugyog ni John ang balikat ko, pilit pinapalingon sa babaeng nagpadala ng drinks sa table namin. Nginisihan ko siya, dahan-dahan nilingon ang babae. I drink up her gift, bottoms up. She smiled, and even with the loud music from the background, I could hear their giggles with her friends. “Not bad,” sagot ko kay John. She’s the type of woman I would love to bed. From her snowy-white skin, curvy body . . . oh men, I picture her moaning under me. Her little skirt caught my attention. “Kung ayaw mo sa akin na lang,” Hindi pa man ako nakakasagot, inabot na niya ang isang basong whisky, dinala iyon kung nasaan ang mga babae. Ngumingisi ako. Okay! I let my man do his thing. But I doubt he can. I always win, you know. Pinanood ko siyang naglakad hanggang sa kausapin ang mga babae. Tinuro nila ako, isa-isa silang tumayo para lumapit sa table namin. Napataas ang kilay ko nang akbayan ni John ang babaeng nagpadala ng madaming drinks. Try hard, bro. “Hi!
Fier POV “Your insane, Sabrina!” I shouted, greeting my teeth. “I’ve warned you enough and asked you to leave everything behind. But— you, you killed my wife!” Hinampas ko sa galit ang mahabang lamesa. Sinipa ko ang plastic na upusan sa harap niya causing her to cry loud. Even louder, that makes me more furious. “Fier. . .” Tangka niyang hahawakan ang kamay ko. Iniwas ko iyon at tinalikuran siya. Nagpipigil ilabas sa kanya ang galit ko. “I-I. . . I swear to God, hindi ko sinasadya.” Para akong lion na humarap sa kanya. Taas baba ang dibdib ko sa galit. God knows how I am hurt right now at the highest level I ever been mad. “Hindi sinasadya? The bullshit, Sabrina. Pumunta ka sa bahay para maghigante sa asawa kong wala namang ginawa sa ‘yo!” “Inagaw ka niya sa akin. Kinuha niya lahat ng dapat para sa akin!” Hysterical niyang saad. Humawak siya sa kanyang ulo. Murmuring words, I didn’t want to pay attention. “Wala siyang inaagaw, Sabrina. Ginawa mo—” “Sa akin ka una pa lang. Ta-ta
Sabrina POV Nakangiting nakaharap ako sa salamin ng aming kwarto. Ang ganda talaga dito! Umikot ako, I slide the curtains para pumasok ang natural na liwanag, binuksan ko din ang salaming sliding door. The fresh air smell like freshly newly leaves. Ang daming stars! “What is this furniture?” I cringed, asking myself. So like promdi ng design. Out of trend na. Papatanggal ko kay Manang ‘to mamaya. I tossed my hair, and I remembered— Shss! Tulog pa pala siya! Well! Ano ba aasahan mo, tumatanda na. . . . Bumalik ako sa banyo para maligo, mamaya lang darating na si Fier ko. Ipagluluto ko siya ng paborito niyang sinigang na hipon. Oh, Em! May hipon kaya? Sitaw? Or tomatoes? Natatarantang nagpabalik-balik ako ng lakad. “What the hell! Bakit ang kalat? My Gad! Itong is Fier talaga, ang kalat, tsk!” Pinulot ko ang mga nahulog sa sahig, bottled of shampoos, bath salt and his razor. Even the towel. Tsk! Naligo ako sa aming bathtub na puno ng memories namin together. Kapag lasing kami at
Fier POV Mula sa likod ng puno, tinanaw ko ang itim na kotse-ng kanina pa namin minamanmanan. Inayos ko ang suot na cap. Kanina pa kami dito, mainit at talaga namang nakakainit ng ulo. I need water but I didn’t have any. Nilingon ko ang nagtitinda sa kabilang side ng kalsada at nakita is Anton na umiinom. “The jerk!” I hiss. Naka-disguise siya as Grab driver. Ako, isang street sweeper, nakasuot ng green long sleeves mula sa municipality ng Manila and black jogging pants. That asshole, provide everything we needed. And I almost, almost give him a punch for these yellow boots na suot ko. Masikip pa ito at hindi kumportable isulot sa ganitong sitwasyon. What most annoying is, the May Mickey Mouse sa magkabilang gilid. Palihim niya akong nilitratuhan at sinend sa e-mail ko with a caption, “Nice one, dude! What a great fashion trend! Need an advertisement; I knew someone named Fiero Madrigal. Just shoot me a mail.” With an emoji wink at the end. So, I sent him my grudgeful reply, “I’ll d
Lisa POV “Gising na mahal na prinsesa,” “Haah!” Mabilis akong napadilat ng mabuhusan ng tubig. Napapasinghap ako. Hinilamos ko ang mukha at nagulat sa ibinato niyang bidet. Tumama ito sa pader. Sa uluhan ko. “Sarap ng buhay! Hindi ka pwedeng matulog, mag-uusap pa tayo.” Hinila niyang muli ang hose ng bidet at pinusitsitan ako ng tubig sa mukha, sa katawan. Iniharang ko ang dalawang kamay ko. “A-anong ginagawa mo d-dito? Paa-no ka nakapasok?” Nalulunod sa tubig na tumatama sa akin. “I am welcome here, dear. Remember?” Sarkastiko niyang sagot. “I missed this place. Ang panget na nga lang dahil nandito ka. Nangangamoy tuloy isda kahit na naliligo ka na nang mga mamahaling shower gels. But still from the fishpond ka pa rin.” Maarteng turo niya sa mga toiletries na nakita niya. Hinawakan niya ang bagong bukas na Chanel6 na regalo sa akin ni Mommy. Tamad niya itong binitawan sa lababo, agad itong nangamoy sa loob ng banyo. “Walang fishpond sa amin, dagat lang.” Umusog ako sa kabilang s
Lisa POV “Pang-ilang bago na ba tayo ng plano?” Irap ni Dad. Ibinaba ang eyeglasses niya sa lamesa. “Easy, tito. I just found this dog Philip, a clever one. Sa dami nang nahawakan kong case, sa kanya ako nagka-interesado kung hanggang saan ang kaya niya.” Ngumuso siyang inikot-ikot ang ballpen sa gitna nang kanyang mga daliri. “Gusto ko na siyang ibaon sa lupa.” Naiinis na saad ni Fier sa tabi ko. Hinawakan ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa. “Sinaktan niya ang asawa ko. Ang nanay— naaksidente siya na plinano nila. For Goddamn sake, I want him to rot in jail! Habang nasa labas siya, hindi ako mapapanatag.” “Man, he will. I will sure you that.” Assurance ni Anton, sabay tingin sa akin. Alanganin siyang ngumiti. “Lisa, ilan beses na ako humingi ng sorry sa nangyari. Sa lahat sa atin, ako ang may kasalanan. I let my guard down and that’s the fruit of it. Minaliit ko ang kakayahan ng dog-tagged na iyon.” Hinging paumanhin niya. “I’m sorry.” Lumunok ako, tama siya, ilan beses na siyang
Lisa POV “Mom, aalis po kayo?” “Ah, yes, hija. May kailangan ka ba?” “Wala naman po. A-akala ko po kasi hindi kayo aalis. Nagluto po ako ng meryenda. Aayain ko po sana kayo.” “Aww, sweetheart. Miss ko na luto mo, pero may lakad kasi kami. Mago-over all damage control kami ng Daddy mo at ni Fier sa Company. Aayusin ang dapat ayusin at i-let go ang dapat i-let go. Kung gusto mo sumama ka na lang sa akin sa office, dalhin na ‘tin ‘yang niluto mo.” “Ah, hindi na po. Makakaabala pa po ako doon. Uuwi naman po si Fier ng maaga ngayon.” “Kung ‘yon ang gusto mo, okay. Paano, I’ll go ahead na. Male-late na kasi ako. Manang, patawag naman ang driver. Bye, hija.” Tumango ako nang halikan niya ako sa pisngi ko. Pinagmasdan ko siyang sumakay ng kanyang magarang sasakyan. Naiwan ako sa bukana ng pintuan na nakatulala. Simula nang mawala ang Nanay, ito ang unang beses na iniwan ako ni Fier dito sa bahay. I sounded like a selfish, pero nakakalungkot. Nakakapanibago. Ang lungkot lang. “Manang, t