Ilang linggo ring nanahimik si Anya sa bahay nila at kahit anong pilit ni Kate na yayain sya sa mansion ay talagang tigas ng tanggi niya. Mabuti na lang at bakasyon na sa klase. Hndi na niya makikita ang anino ng lalaki. Nakakalungkot lang na hindi man lang niya nasaksihan ang pagtatapos nito sa SMA. As if naman importante ang presensiya mo roon; kastigo ng isip niya. Hays! Aniyang natauhan.“Hoy!" Boses na nagpalingon sa kay Anya.Si Magda ay nasa likuran bitbit ang isang bayong ng mga sariwang gulay. Mukhang galing pa ito ng bayan. Malamang naglakad lang ang babae dahil pangitang hinihingal pa ito at pinuputakti ng pawis sa noo. Kasambahay sa Villa si Magda at ulilang pamangkin ni Manang Luding. Halos kaidaran lang ito ni Clark. At sa pagkakaalam niya ay paaral rin ito ng mag-asawang Zantillan. “Ano bang ginagawa mo riyan at para kang espiya na pasilip-silip?” anang babae na nagtataka. Binuksan nito ang gate ng sariling susi. Humakbang si Anya pasunod habang mahigpit na nakahawa
Husmiyo! Ito na nga ba ang pinakaiwas-iwasan niyang mangyari. Gusto tuloy niyang humaruhab ng takbo palayo. Gawa ng kagandahang asal ay marahan siyang bumaling sa lalaki. Kailangan niyang gawin iyon dahil ayaw niyang lumabas na bastos. Pilit na ngiti ang pinakawalan niya sa kabadong ekspresyon. Subalit ay halos gustong lumundag ng puso niya nang mapagmasdan ang binata sa kanyang tabi. His full-out smile pushed dimples into both cheeks. So damn handsome that took her breath away. Gusto tuloy niyang mapasinghap at kiligin. Suot ang simpleng itim na kamiseta na medyo hapit sa katawan na tinernuhan nito ng faded maong pants na tattered at humahakab sa mapipintog nitong mga hita at binti. Idagdag pa ang white designer shoes bilang sapin sa paa, tila modelo na pinilas sa isang kilalang magazine ang lalaki. Masasamyo rin ang gamit nitong mamahaling pabango na sumasama sa hangin at napakabini sa pang amoy. This man is sinfully attractive and chivalrous. Kaya hindi nakapagtatakang marahu
Mabilis ang mga hakbang ni Anya, walang lingon-lingon at animo nakikipag-patintero. At kahit may kabigatan ang dala niyang bayong ay hindi niya alintana. Nagpatuloy siya sa maliksing paglalakad. Natanaw niya kaso ang pick up ni Clark na nakaparada sa harap ng munisipyo.Bumundol agad ang kaba sa kanyang dibdib. Kaya naman ay agaran siyang kumilos. Nagpalinga-linga siya sa pag aakalang baka nasa paligid lamang ang lalaki. At hindi nga sya nagkamali ng sapantaha pagka't ilang saglit lang ay natanaw na nga niya ang binatang palabas mula sa isang coffee shop. Sa likuran nito ay nakasunod ang isang babae na nakilala niyang anak ng dating Mayor na si Demetrio Cruz, na nangangalag Carol. Kung hindi siya nagkakamali ay naging magkasintahan ang dalawa noong mga unang taon ng mga ito sa kolehiyo. Mabilis siyang kumubli sa kalapit na tindahan ngunit sa malas ay napansin na siya ng lalaki. Ilang metro lang naman kasi ang layo niya sa mga ito. Saglit na natigilan si Clark, tila nagulat ito na maki
Nagsalubong ang mga kilay ni Rafael. Naroon ang pagtataka sa biglang pagsulpot ng binatang Zantillan at sa binitawan nitong mga salita sa kanya.“Inuutusan mo ba ako Zantillan? sagot ni Rafael na hindi nagpatinag. Nakipagsukatan ito nang tingin sa bagong dating. “Mayroon ka bang balidong rasones para aking sundin?” dagdag pa ng binata.Si Clark ay nagtagis ang bagang at gustong mapamura. Samantalang si Rafael ay nanatiling kalmado sa kabila nang pagkadisgusto.“Hindi kita inuutusan Samaniego... What I'm trying to say is I never allowed anyone to get away from what is mine. You have to know that." Makahulugang sagot ni Clark.Lalong namang kumunot ang noo ng binatang magsasaka sinulyapan si Anya. Hindi naman makaimik ang dalaga na ninenerbiyos at gustong himatayin. Nilingong muli ni Rafael si Clark.“Sa pagkakaalam ko at Wala naman akong inaangking pag aari mo Zantillan. At hindi bagay si Anya na basta na lang aariin ng sinuman.” may lamang buwelta ni Rafael. “At si Anya ang magpapasya
Binagtas nila ni Clark ang mabako ngunit maluwag na kalsada. Kabilaan ang mga nagtatayugang puno at mga samo't saring mga ligaw na halaman maging mga bulaklak. Mataas ang lugar at pribado kaya walang mangingimi na akyatin ito. The place is so quiet, fresh, and beautiful. Kung saan ang tanging maririnig mo lamang ay mga huni ng mga ibong pipit at kuliglig. Binuksan ni Clark ang bintana ng sasakyan kaya't dumampi ang malamig na hangin sa balat ni Anya. Kay sarap nun sa pakiramdam. Malamig na sa bahaging iyon marahil ay dala na rin ng mga punong tumatakip sa haring araw.Sa wakas ay narating nila ang tuktok ng burol at labis ang pagkamangha ng dalaga. Hindi na nito nahintay na pagbuksan siya ni Clark. Mabilis itong bumaba sa sasakyan at minalas ang kagandahan ng paligid.She was mesmerized by the beauty of nature. Nasa mataas na bahagi sila ng burol at tanaw na tanaw mula roon ang malawak na karagatan. Sa gilid ng burol ay nakahanay ang iba't ibang uri ng mga gumamela na siyang nagsilb
Kung ito siguro ang pakiramdam ng nasa langit. Parang ang sarap asaming wag nang bumaba sa lupa. Kay gaan sa pakiramdam. Para kang nakalutang sa alapaap. Ipinikit ni Anya ang mga mata. Dinama ang luwalhating dulot ng kalikasan. Pagkatapos ay nagpakawala nang malalim na paghinga. Kay sarap namnamin ang ganitong kaalwang pakiramdam. Kalmado at payapa.Iminulat niya ang mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Nagbabadya na ang pag halik ng araw sa lupa. Malapit nang mag dapit-hapon. Niyakap niya ang sarili nang maramdaman ang malamig na hanging humaplos sa kanyang balat.. Dinungaw niya ang kailaliman ng burol. Mula roon ay matatanaw ang pribadong Liang Beach resort na pag-aari ng mga Zantillan.Tinanaw niya ang karagatan. Mangasul-ngasul ang tubig sa dagat. Kay-linaw at kay-linis. The velvety white crystal sand delights the visitors. Kaya't naging pamoso ang resort. Nakaramdam is Anya ng konting pagkahilo kaya't umatras siya nang bahagya para lang bumunggo sa malapad at matigas na
Sa gabi nang anibersaryo ng mag-asawang Senyor Ramon at Senyora Clara Buenavista ay naroon si Anya upang tumulong sa pag-aayos ng mga pagkaing ihahanda na pinangangasiwaan ni Manang Yoly ang tumatayong mayordoma ng pamilya. Halos punong abala ang lahat sa hacienda. Dapat ay kasama niya ang kanyang lola subalit tinamaan ng trangkaso ang matanda. Kaya't pinayuhan niyang manatili na muna sa bahay at magpahinga. Labag man sa kalooban na iwanan niyang mag-isa sa kanilang bahay si Lola Mareng ay ito naman mismo ang nagpumilit na pumaroon s'ya sa hacienda. Ayon sa kanyang Lola ay nakakompromiso na ito at nakakahiya raw sa mag-asawang Buenavista. Lalo na at malaki ang utang na loob nila sa mga ito.Noong mga panahon kasing nagkakasakit ang kayang ina ay ang senyora ang tumulong sa pagpapagamot nito. Bukas palad ang nasabing ginang sa pagtulong sa mga nangangailangan. Kaya't labis ang paghanga nilang mag-lola sa senyora sa kabaitan nitong taglay. Kaya anumang pwedeng maitulong ay ibinabalik
“O Anya, akala ko’y tumuloy ka nang umuwi?” si Manang Yoly na bumungad sa pintuan ng kusina. Mabilis na tumayo ang dalaga mula sa pagkakaupo sa bangkito. Pinagpag nito ang suot na palda at nilingon si Manang Yoly. “B…baka po kasi kailangan niyo pa ng tulong Nang Yoly .” Magalang niyang sagot.“Naku! Maraming salamat anak at kailangan ko ngang talaga.”Sumunod si Anya papasok ng kusina. "Maaari mo ba itong idulot kay Clark? Ang batang iyon kahit kailan ay hindi nahilig sa mga inuming may kulay. ” Natigilan si Anya. Hindi malaman kung tatanggihan ba ang mayordoma. Pinili niyang sundin na lamang ito. Inabot niya ang puting pantaas na mahaba ang manggas. Iyon ang nakita niyang suot-suot ng mga tagasilbi sa ginaganap na pagdiriwang. Agad siyang nagpalit at pagkatapos ay kinuha ang pitsel kay Manang Yoly na noo’y nakakunot-noo.“Namumula ang iyong mga mata, umiyak ka ba Anya?” puna ng matanda. “ May dinaramdam ka ba?”dugtong pa ni Manang Yoly na kinabakasan ng pag-aalala.“Naku, hindi
Pagbukas ng pinto ang naulanigan ni Anya sa likuran. Ngunit nagpatuloy siya sa pagliligpit ng kanyang mga gamit. Kinabukasan kasi ang labas niya sa ospital sa tatlong araw na pamamalagi roon. Ang totoo ay naiinip na siya, ngunit suhestiyon ng doctor na manatili muna s'ya sa ospital ng isang araw pa upang maobserbahan at masigurong magiging maayos at ligtas ang lagay niya at ng dinadala. Kaya naman ay agad syang sumang-ayon sa kanyang attending obstetrician-gynecologist.“Great. You said you'd never leave me huh? I've been looking for you for the whole day." Ani Anya. Nasa tinig ang tampo kay Rence. “Nabigyan na ako ng clearance ni doktor Mariano. Anumang araw ay maaari na tayong lumipad pabalik ng New York." Aniya sa patuloy na pagsasalita. “Our things are all packed up. We're ready to go. Susunduin na lang tayo ng kinuha kong driver."Ngunit wala pa ring pagtugon mula sa likod. Nagtataka na si Anya kaya't bumaling na siya paharap sa lalaki.She froze when she met his gaze. It was Cla
Nakilala ni Rence si Rafael, naalala niyang isa ang lalaki sa mga nagbigay sa kanya ng racing sponsorship. Maliban roon ay malapit itong kaibigan ni Anya. Inutusan nito ang mga guwardiya na bitawan sya na sumunod naman agad.Lumalim naman ang gatla niya sa noo sa sinabi nito. May pagtatanong ang mga mata na binalingan niyang muli si Clark, na noo’y hindi pa rin makabawi sa natuklasan. Lumarawan ang pagdududa kay Rence.“A---anak ka ni Anya?" tanong ng isang babae na sa hinuha niya ay kasing gulang lamang ng kanyang ina. Bagama't nakangiti ay pinangiliran ito ng luha sa mga mata. Sa tabi nito ay isang babae na bagama't kababakasan ng edad ay larawan pa rin ng magandang tindig at kagandahan noong kabataan nito. Suot ang samu't -saring emosyon ay humakbang palapit sa kanya ang dalawang babae. Dito natuon ang buong pansin ni Rence. Na agad rumihistro sa mukha ang labis na pagtataka sa ikinikilos ng mga nakapaligid sa kanya.What the hell is wrong with these people? Tanong niya sa sarili n
Isang malakas na pagsinghap ang namutawi mula sa mesang kinapwestuhan ng mga magulang ni Clark. Literal na napakapit sa dibdib nito si Donya Isabel. Gulilat naman ang Don at labis na nabaghan. Si Kate na nakababatang kapatid ng binata ay totoong na-surpresa sa narinig. Napatayo itong bigla at pinagmasdan si Rence. Maya-maya ay lumambot ang bukas ng mukha nito. Rence is now raging like a bull, na anumang oras ay handang muling sumugod at magpakawala ng isa pang kamao para kay Clark. Clark froze. He shook his head to clear it. He was shocked. He wasn’t even breathing. Did he hear right? Damn it. What on earth is he talking about? The guy is huge like him. And he was claiming Anya as his mother? Disbelief came in his huge eyes. Kumakabog ang dibdib niya sa pagkabigla. Parang bomba na sumasabog sa harap niya ang rebelasyon ni Rence. And It's shattering him into pieces. “She... She's you're…w…what?" he stops stuttering then takes a deep breath and goes on. " Anya's your mother? How com
“Sir, pasensya na po at nagpumilit pumasok. Para pong palos eh, masyadong madulas.” Ang kakamot-kamot sa ulong wika ng sikyu kay Clark. Sa tabi nito ay si Rence na madilim ang mukha. Nang-uusig. Nagulat si Clark nang makita roon ang lalaki. Ito ang kahuli-hulihang tao na inaaasahan niyang makaharap sa gabing iyon.“Sige na, Karding, ako na ang bahala sa kanya.”Tumalima naman ang sikyu na patuloy sa paghingi ng paumanhin.“What do you want?” Clark asked in a cold voice.“We need to talk.” si Rence.“Without even asking me?” buwelta nya.“I don’t ask, I tell.” Magaspang na sagot ni Rence. Gustong mapamura ni Clark sa ka-arogantehan ng lalaki. Ngunit pinili pa rin niyang magpakahinahon. Kung tutuusin ay madali lang para sa kanya na palayasin si Rence sa lugar. Sa isang pitik lang ay may pagkakalagyan sa kanya ang mayabang na lalaking ito. Pero bakit nga ba narito si Rence? Ano ang sadya nito sa kanya? Sa itsura nito ay mukhang nagbabadya ito ng gulo.“It's my engagement party, don’t e
(Taong Kasalukuyan) Mabilis na nagpunas ng mga luha sa mata nito si Anya dahil sa mga bumalik na alaala. Sariwa pa rin ang lahat na parang kahapon lamang nangyari. Buong akala niya'y kaya na niyang dalhin sa dibdib ang naging pagdurusa. Nagkamali siya hindi napaghilom ng panahon ang sugat ng kahapon. “That’s enough. You've drunk too much.” Inagaw ni Rence ang bote ng tequila sa kamay niya.Bumalik rin ang lalaki sa apartment ng dalaga kinahapunan upang makausap sana ng maayos ang babae at tuloy makipag-ayos.He loves Anya and adores her so much.Malaki ang nagawang sakripisyo ng babae para sa kanya. At hindi tamang pagsalitaan niya ito ng mga bagay na makasasakit sa damdamin nito. Naabutan niyang umiinom mag-isa ang dalaga habang nakasalampak sa sahig, ni walang pakialam kung anuman ang wangis nito. Nagtagis ang kanyang bagang.Seeing her weary and hopeless enraged him to murder the one who was responsible for her distress. Umigting ang kanyang panga at kumuyom ang mga kamao. Pil
Napansin ni Anya na medyo hapis ang pisngi ng binata bakas sa mukha na may dinaraing na suliranin. Ang mga tumutubong pinong mga balahibo sa mukha ay tila hindi na nito napagkaka-abalahang ahitin. Kumislap ang mata nito nang makita siya. “Clark?” Mabilis siyang pumaloob sa sasakyan nito. Mabilis na kinabig siya ng nobyo at niyakap nang mahigpit. Kakatwang wala siyang maramdamang galit para rito o kahit konting pagtatampo man lang. Hinagkan siya ng binata sa mga labi. Naipikit niya ang mga mata nang madama ang init ng halik nito na ilang linggo rin niyang pinangulilaan. “ I have missed you, “samo ni Clark sa kanya. Oh God, she missed him too. Saglit na natigilan si Clark pagkuwa’y mataman siyang tinitigan sa mga mata. “Anya, hindi ko pinasisinungalingan ang mga balita,” seryosong wika ng kasintahan. Napasinghap siya. Pakiramdam niya anumang oras ay huhulagpos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Maagap siyang kinabig muli ni Clark. “Oh no, baby, please don’t cry. It'
Gabi na' y hindi pa rin siya dalawin ng antok. Lagpas-lagpasan ang tanaw niya sa bubungan. Habang nakasuot ang matamis na ngiti at animo'y nananaginip ng gising. Ganoon pala ang pakiramdam nang pakikipagniig. Para kang idinuyan sa ligaya. Isang linggo na ang nakalilipas pero pakiramdam niya ay naroon pa rin ang masarap na sensasyon hatid sa. kanya ng nobyo.Lahat ata ng pag-iingat ay ginawa ni Clark para hindi sya masaktan. Masasabi niyang isa na syang ganap na babae ngayon. Sadyang napakamemorable ng gabing iyon. Niyakap niya ang unang tangan at mariing pumikit nang may bigla siyang marinig na pagsipol mula sa labas ng kanilang bahay. Mabilis na bumangon si Anya, kilala niya ang ipit na boses na iyon. Bigla ay nakaramdam sya ng pagkasabik. Lumabas siya ng kuwarto at tinungo ang silid ng Lola Mareng niya. Hinawi niya ang kurtinang nagsisilbi nitong pintuan. Nakita niyang mahimbing nang natutulog ang lola niya bagamat ika-walo pa lamang ng gabi. Marahan at patingkayad siyang humakban
“Are you serious?" Lito at Hindi makapaniwalang urirat ni Clark.Para wala nang marami pang tanong ay binirahan niya ng lakad palayo. Sumunod ang binata na takang-taka sa inaasal niya.“Hey, Anya. Are you breaking up with me or you’re implying something?” habol na tanong ng nobyo.Subalit nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Kunwa ay walang naririnig. Kaya ba niyang aminin sa katipan ang nasaksihan kani-kanina lamang?Kaya ba niyang tanggapin na sa kabila nang pagkakaroon nila ng relasyon ay si Rada pa rin ang nasa puso nito? Sumunod si Clark. Mabilis ang mga hakbang. Nilagpasan siya. Huminto ang binata sa tapat ng pickup nito at binuksan iyon. Saka lang din niya napansin na nasa kinapaparadahan na pala sila ng sasakyan nito. “Sakay.” harap ni Clark sa kanya sa pormal na tono. Ngunit hindi siya natinag o kumilos manlang. Hindi nya pinansin ang lalaki. Nagpatuloy sya sa paghakbang pero humarang ang nobyo.“Ang sabi ko sakay.” Matigas na pahayag ng binata. Mukhang naubusan na rin ng
“O Anya, akala ko’y tumuloy ka nang umuwi?” si Manang Yoly na bumungad sa pintuan ng kusina. Mabilis na tumayo ang dalaga mula sa pagkakaupo sa bangkito. Pinagpag nito ang suot na palda at nilingon si Manang Yoly. “B…baka po kasi kailangan niyo pa ng tulong Nang Yoly .” Magalang niyang sagot.“Naku! Maraming salamat anak at kailangan ko ngang talaga.”Sumunod si Anya papasok ng kusina. "Maaari mo ba itong idulot kay Clark? Ang batang iyon kahit kailan ay hindi nahilig sa mga inuming may kulay. ” Natigilan si Anya. Hindi malaman kung tatanggihan ba ang mayordoma. Pinili niyang sundin na lamang ito. Inabot niya ang puting pantaas na mahaba ang manggas. Iyon ang nakita niyang suot-suot ng mga tagasilbi sa ginaganap na pagdiriwang. Agad siyang nagpalit at pagkatapos ay kinuha ang pitsel kay Manang Yoly na noo’y nakakunot-noo.“Namumula ang iyong mga mata, umiyak ka ba Anya?” puna ng matanda. “ May dinaramdam ka ba?”dugtong pa ni Manang Yoly na kinabakasan ng pag-aalala.“Naku, hindi