Mabilis na lumipas ang apat na taon.
Naghahanda na ang bawat estudyante sa pag aayos ng clearance, habang ang iba ay naghahabol pa ng grades para makapasa. Samantalang sila Alexander at Jessica ay kalmado lang at walang masyadong iniintindi.
Sa darating na graduation kasi, si Alexander ang Magna Cum Laude at si Jessica naman ang Suma Cum Laude. Natapos na nila ng isang araw lang ang clearance nila at ngayon ay nagpapahinga nalang sila at nag iintay na lumipas ang araw.
Hapon, malapit na ang uwian. Naiinip na si Jessica sa room nila kaya naglibot libot siya sa campus nila. Napadaan siya sa building ng Nursing. May narinig siyang nagsalita na babae sa loob ng isang bakanteng classroom. Pamilyar sa kanya ang boses nito kaya na-curious siya at dahan dahang lumapit.
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo para sa akin, at nagpapasalamat ako doon." Turan ni Mara. "Pero Kuya lang talaga ang tingin ko sayo at hindi na magbabago yun." Dugtong pa nito sa kausap.
Mukang nahuhulaan na niya kung sino ang kausap ng dalaga. Kasalukuyang nasa 1st year college ito at kumukuha ng kursong Nursing.
"Pero ang akala ko, okay tayo? Gabi gabi tayong magkausap at masaya naman tayong magkasama. Ang akala ko ay gusto mo din ako, Mara". Sagot ni Alexander.
Sabi ko na nga ba, tinotoo talaga niya ang sinabing magtatapat ng pag ibig kay Mara bago kami makagraduate. Sa isip iyon ni Mara. Natatandaan kasi niyang sinabi ni Alexander sa kanya na hindi na nito kayang pigilan ang nararamdaman kay Mara. Of course, nasaktan siya pero hindi niya ipinakita sa lalake ang sama ng loob at winarning-an nalang niya na baka masaktan ito.
Bilang babae, ramdam ni Jessica na walang gusto si Mara kay Alexander at minsan pa nga niya itong nahuli na nakatitig kay Aaron, ang sumunod na kapatid ni Alexander. Naisip niyang baka mas lamang pa na doon may gusto ang dalaga kesa kay Alexander. Pero hindi nakinig sa kanya ang kaibigan at itinuloy padin pala ang planong pag amin sa nararamdaman nito.
"Masaya akong kausap ka, kuya Alex, pero hanggang doon lang yon. Kahit kelan hindi ko naman binigyan ng malisya ang pakikipag usap sayo at alam kong alam mo rin na hindi ako nagpakita ng kahit anong motibo sa iyo, hindi ba?". Paliwanag ni Mara kay Alexander.
"Pero Mara,sa tagal ng panahon, ni minsan ba ay hindi mo manlang ako nakita bilang isang lalake na higit pa sa kapatid?" Desperadong tanong ni Alexander sa dalaga.
Walang narinig na sagot mula kay Mara, bagkus, nagyuko lang ito ng ulo at saka umiling.
"Hindi ako naniniwala! Natatakot ka lang ba sa mga magulang mo na baka pag higpitan ka nila at tumutol sa atin? O meron kang ibang gusto kaya kahit minsan hindi mo ko nagawang pagtuunan ng pansin?" Pilit na tanong ni Alexander. Bagay na kinainisan ni Jessica dahil ayaw pa din talaga tumanggap ng pagkatalo nito sa babaeing napupusuan.
Bakit ba naman hindi, bukod sa kilalang pamilya nito, isama ang pagiging good-looking, matalino at talentado. Naging hearthrob ito sa school nila simula elementary, high school hanggang mag college. Walang ibang nakapantay dito kundi ang kapatid na si Aaron, na may kakaibang kagwapuhan na taglay din naman.
"Kuya Alex, please, wag mo naman akong pilitin sa bagay na ayoko. Hindi kita mahal o kahit gusto manlang. Kaya sana, tanggapin mo ang desisyon ko at irespeto nalang iyon." Pagkasabi non ay tumalikod na si Mara at akmang lalabas na ng classroom pero pinigilan ni Alexander si Mara at niyakap. Nang akmang hahalikan niya ang dalaga, isang malakas na sampal ang natanggap nito sa babae.
PAK!
Gulat na napasapo nalang si Alexander sa pisngi niya. Hindi inaasahan na magagawa iyon ni Mara sa kanya.
"Bastos ka! Kaya wag kang magtataka kung bakit kahit kelan ay hindi kita magugustuhan! Napakalayo ng ugali mo kay Aaron! Ni minsan hindi niya ginawa sa akin yan at......"
Napahinto ang dalaga sa pag sasalita ng ma-realize niyang halos nasabi na din niya ang totoong dahilan kung bakit hindi niya ito nagustuhan. Ang gulat ay unti unting napalitan ng takot sa mga mata ni Mara ng makita ang mga tingin ni Alexander sa kanya. Titig na noon lang niya nakita sa binata. Galit ito, galit na galit. Parang kayang lumunok nito ng buong tao sa isang iglap lang at bahagyang namumula nadin ang muka nito sa galit.
Napatakbo nalang palabas si Mara sa takot na baka kung ano pang magawa nito sa kanya. Naiwang nakatayo lang sa kinaroroonan niya si Alex. Doon na nagpasiyang pumasok si Jessica at lumapit sa kaibigan.
Hahawakan sana ni Jessica si Alexander sa pisngi kung saan sinampal ito ni Mara pero tinabig ni Alexander ang kamay niya. Pero bestfriend niya ito, hindi siya nangilag, natakot o kahit kinabahan manlang. Punung puno ng awa at pagmamahal ang nararamdaman niya para dito, kaya naman imbes na umalis at iwan itong mag isa, pinilit niyang yakapin c Alexander.
Nagulat pa ito sa ginawa ni Jessica, nagpumiglas ito, pero hindi kumalas sa pagkakayakap c Jessica sa binata. Hanggang maya maya, tumigil na si Alexander sa pag pipiglas at napahikbi nalang.
"Jess". Tawag ni Alexander sa kaibigan.
Doon bumitaw sa pagkakayakap si Jessica at saka pinahid ang luha ng binata. Isang matamis ngunit may halong pait ang ngiting pinakawalan ni Jessica.
"Pwede mo nang sabihin saken na 'I told you so', hindi ako magagalit o mapipikon". Sabi ni Alexander na pilit pinipigilan ang pagpatak ng luha pero hindi siya nagtagumpay dahil sa ilang nakatakas at pumatak sa mga mata. Napaupo nalang sa isa sa mga silya na nandoon si Alexander dahil hanggang ngayon ay nanlulumo pa din siya sa nangyare.
"Lilipas din yan, iiyak mo lang. Wala ka namang ginawang masama, tao ka lang at nagmahal ka. Hindi mali ang magmahal ng maling tao, pero sana matuto ka na sa pagkakamaling ito".
Nagulat c Alexander sa lumabas sa bibig ni Jessica. Nanibago din siya at hindi makapaniwala na ang pilya at isip batang si Jessica, magagawang magsalita ng ganoon sa kanya. Ang mga salitang lalong nagpadurog ng puso ni Alexander. Lalo siyang naiyak at sa pagkakataong ito, siya na mismo ang yumakap kay Jessica.
Dahil nakaupo siya sa harap ni Jessica, sa tiyan ng dalaga siya napayakap, kaya nagmuka siyang batang nagpapaalo sa ina. Hindi naman siya sinaway ni Jessica, bagkus, yumakap din ang dalaga sa kanya na lalong nagpatulo ng luha niya.
Makalipas ang ilang oras sa ganung pwesto, napagdesisyonan na din ni Alexander ang kumalas sa pagkakayakap kay Jessica at tumigil na sa pag iyak. Unang una sa lahat, hindi bagay sa isang katulad niya na may magandang image sa school nila ang umiyak dahil nareject ng isang babae, pangalawa, graduating naman na sila. Magiging busy na siya sa pag aaral kung paano patatakbuhin ang kumpanya at magkakaroon na siya ng dahilan para makalimutan si Mara. Malinaw na sa kanya na kaya hindi siya magustuhan ng dalaga ay dahil may ibang gusto ito. Pero sa dami ng lalake, bakit ang kapatid pa niya. Bakit si Aaron pa na palaging kakompitensya niya sa lahat ng bagay magmula ng maliliit pa lang sila. Naupo sa tabi ni Alexander si Jessica, hinawakan ang kamay ng binata saka tumitig dito ng makahulugan. " Kaya mo yan Lex, basta palagi mong tatandaan, nandito lang ako palagi, hinding hindi kita iiwanan." Sabi ni Jessica. Hindi na din napigilan ni Alexander na hawakan din ang kamay
Alexander's POVNatapos ang Graduation ceremony pero hindi na ulit bumalik si Jessica sa venue. Hanggang sa makauwi ay pilit na tinatawagan ni Alexander ang dalaga ngunit nakapatay ang phone nito. Sinubukan na din niyang tawagan ang kapatid nito pero wala namang sumasagot. Hindi na niya tinangkang kulitin ang mga ito pero late na siya nakatulog dahil sa guilt feelings niya para kay Jessica.Aminado si Alexander na naging selfish ang desisyon niyang pag punta ng America. Matapos kasi siyang ireject ni Mara, kinausap niya ang ama na gusto niyang magpakadalubhasa sa larangan ng negosyo nila at gusto niyang marami pang matutuhan. Nang tanungin siya nito kung ano ang nasa isipan niya, sinabi niyang pupunta siya ng America para kumuha ng magagandang experience sa kumpanya doon para mas mapalawak na din niya ang koneksyon pag siya na ang nagpalakad ng kumpanya.Labis namang ikinatuwa ng ama ang narinig mula sa panganay na anak, sa wakas ay nag seryoso na ito at mag fof
Jessica's POV Masamang masama ang loob ni Jessica kay Alexander. 15 years of friendship, but still, sa iba pa niya unang nalaman ang pag alis nito. And the worse part is, nalaman niya ito a day before his departure. Ang buong akala pa naman niya ay makakasama niya ito at magiging inspirasyon hanggang sa makamit niya ang pangarap na maging Doctor balang araw. Parang nagunaw ang mundo niya ng malaman ang plani nito na pag punta sa America. Nawala lahat ng excitement niya ng araw mismo ng graduation nila. Nawalan na din siya ng gana na tapusin ang seremonya kaya pinili na din niyang umalis nalang. Kinausap din niya ang kapatid na wag na wag sasagutin ang tawag ni Alex kung sakaling tumawag ito. Naguguluhan man pero sumang ayon nalang ang kapatid niyang si Jerry. Buong araw pinatay ni Jessica ang telepono niya. Hindi siya agad umuwi ng bahay sa takot na baka sundan siya ni Alex sa bahay nila at hindi niya alam kung paano haharapin ito, kaya nag ikot muna
Sabay sabay na napatingin ang mag anak na Romano sa ginawang pag tawag ni Jessica sa pangalan ni Alex.Lihim namang napangiti si Althea dahil alam niyang kanina pa ito iniintay ng kuya na at muntik ng mawalan ng pag asa na hindi ito dadating."Oh siya, doon lang muna kami ng makapag usap kayong dalawa" Sabi ng Papa ni Alex. "Yung oras Alexander ha? Baka hindi mo mapansin, maiwan ka pa ng eroplano." Dugtong pa nito at pagpapaalala sa anak."Opo Pa. Salamat". Magalang na sagot naman ni Alex sa ama.Lumapit si Jessica kay Alexander. Matagal silang nakatitig lang sa isa't isa at walang salitang lumalabas sa bibig nilang pareho. Wari'y nagtatantiyahan sila ng nararamdaman ng bawat isa at mukang parehong naubusan ng mga sasabihin. Maari rin naman na sa dami ng gusto nilang sabihin, hindi nila alam kung saan at paano sisimulan.Tinampal ni Jessica ang noo ni Alex at saka sinabing, "Ano? Magtititigan nalang ba tayo dito? Wala ka bang gustong sabihin saken?
Althea's POVBatid ni Althea at ng buong pamilya nila ang nararamdaman ni Jessica para sa kapatid. Hindi ito magaling magtago ng pagmamahal para sa kuya niya pero siguro talagang manhid lang ang kuya niya para hindi mahalata iyon sa tagal ng pagiging magkaibigan ng dalawa.Sa totoo lang, gusto nila si Jessica para sa kuya niya pero iba ang napusuan ni Alexander. Nahulog ito sa matalik na kaibigan ni Althea na si Mara.Mabait din naman si Mara, mabuting tao ito at karapat dapat din maging parte ng pamilya nila. Ang kaso lang ay wala itong anumang nararamdaman para kay Alexander. Simula mag kaisip ito, tanging si Aaron lang ang nakita nito na tamang lalake para sa kanya. Si Aaron ang gitna sa magkakapatid na Romano. Isang taon lang ang pagitan nina Alexander at Aaron, kaya kung minsan, napagkakamalan pa ngang kambal ang dalawa.Alam ni Althea na mahal na mahal ni Mara si Aaron at ang sabi pa sa kanya ng kaibigan ay hinding hindi ito mag papakasal kung hindi
Jessica's POVMabilis na lumipas ang dalawang taon.Kasalukuyang nagtetake ng Master's Degree si Jessica. Isang taon nalang ay matatapos na niya ito at hindi na siya makapag intay na magsimula sa Doctoral's Degree niya. Pagkatapos nun ay magpapakadalubhasa naman siya sa pangarap na maging surgeon.Masaya si Jessica sa tinatakbo ng buhay niya. Nakikita na niya ang pag abot sa pangarap kahit maraming taon pa ang kailangan niyang gugulin para dito. Bukod doon ay constant ang communication nila ni Alexander kahit nasa ibang bansa ito.Tumatawag ang binata once a week sa pamilya nito at ganun din sa kanya. Simpleng kamustahan at biruan na hindi din nagtatagal dahil pagod din sila sa kanya kanya nilang araw. Pag tumawag ito sa gabi ay naghahanda na si Jessica na matulog habang ito naman ay naghahanda palang sa pag sisimula ng busy na araw nito.Sumunod na din dito ang kapatid na si Aaron pagkalipas lang ng isang taon na magpunta ito sa America, kaya hind
Mas mabilis ang dalawang linggo kesa sa dalawang taon, pero pakiramdam ni Jessica ay ilang dekada ang inintay niya sa araw ng pag uwi ni Alexander mula ng sabihin nitong uuwi na siya.Maya't maya ay nakatingin siya sa orasan at hindi gaanong nakapag focus sa summer class niya. Buti nalang ay nandoon din ang kaibigan na si Bridget at palagi siya nitong tinutulungan sa mga na missed niyang lessons nila.Nakilala lang din niya sa summer class si Bridget at mabilis naman silang nagkasundo. Bukod sa kaugali ito ni Alexander na masayang kasama, katulad din niya itong walang kaarte arte sa katawan. Hindi ito pala make-up pero maganda ang dalaga. Mabilis silang nagkasundo at masasabi niyang isa itong anghel na bumaba sa lupa dahil kahit papaano ay hindi siya masyadong nalungkot sa dalawang taon na nakalipas na wala si Alexander sa tabi niya.Pero iba ang nakalipas na dalawang linggo. Para bang napakabagal ng oras at gustong gusto na niyang hilahin ito para matapos na ng
Siniguro ni Jessica na maayos na ang lahat bago siya umalis.Mahigit isang oras siya sa harap ng salamin na nag aayos ng sarili para siguruhin na walang mintis ang detalye sa kanya. Simula sa ayos ng buhok, light make up, damit at sapatos na suot hanggang sa manicure at pedicure niya. Nang makuntento na sa wakas sa nakikita sa harap ng salamin, saka lamang lumabas ng kwarto ang dalaga.Dali dali naman siyang pumunta sa kotse at ng aakmang pasakay na siya dito, tinawag siya ni Manang rose, ang pinakaunang kasambahay nila. "Iha, ere at baunin mo. Bukod sa agahan ay wala naman laman iyang sikmura mo." Sabay abot nito ng maliit na lalagyanan sa kanya. Napangiti naman si Jessica dahil sa thoughtfulness nito simula noon hanggang ngayon. Inabot niya ang binigay nito at nagpasalamat saka nagmamadaling umalis.Dahil lunch time na, naipit sa gitna ng traffic si Jessica. Inis na inis si Jessica dahil napakaaga niyang gumayak pero heto siya at nasa gitna ng heavy traffic. M
Parang batang binully na nakahanap ng kakampi ang itsura at pakiramdam ni Alex ng yakapin siya ni Jessica. Mula ng huling makausap niya ito dalawang linggo na ang nakakaraan ay hindi na siya nakatulog ng maayos.Hindi niya sinabi kay Jessica na makalipas ang ilang bwan na magbalik sila sa America kasama ni Mara ay sinagot na siya nito sa wakas. Gusto sana niyang sorpresahin ang kaibigan kaya nilihim niya ito ng mahabang panahon. Nang 2nd anniversary nila ay tinangka niyang mag propose kay Mara pero nireject siya nito.Nitong mga nakaraang bwan ay nararamdaman na ni Alex ang panlalamig ni Mara sa kanya pero binalewala niya lang ito dahil mahal na mahal niya ang dalaga. Ngayong binigyang tugon na din nito ang matagal niyang iningatan na pag ibig para dito, ayaw naman niyang maging toxic na boyfriend at bigyan ito maraming intindihin sa relasyon nila.Pero hindi naging ganoon ang tugon ng dalaga sa approach niya, nireject pa din nito ang alok na kasal at inamin nit
Parang batang binully na nakahanap ng kakampi ang itsura at pakiramdam ni Alex ng yakapin siya ni Jessica. Mula ng huling makausap niya ito dalawang linggo na ang nakakaraan ay hindi na siya nakatulog ng maayos.Hindi niya sinabi kay Jessica na makalipas ang ilang bwan na magbalik sila sa America kasama ni Mara ay sinagot na siya nito sa wakas. Gusto sana niyang sorpresahin ang kaibigan kaya nilihim niya ito ng mahabang panahon. Nang 2nd anniversary nila ay tinangka niyang mag propose kay Mara pero nireject siya nito.Nitong mga nakaraang bwan ay nararamdaman na ni Alex ang panlalamig ni Mara sa kanya pero binalewala niya lang ito dahil mahal na mahal niya ang dalaga. Ngayong binigyang tugon na din nito ang matagal niyang iningatan na pag ibig para dito, ayaw naman niyang maging toxic na boyfriend at bigyan ito maraming intindihin sa relasyon nila.Pero hindi naging ganoon ang tugon ng dalaga sa approach niya, nireject pa din nito ang alok na kasal at inamin nit
Parang batang binully na nakahanap ng kakampi ang itsura at pakiramdam ni Alex ng yakapin siya ni Jessica. Mula ng huling makausap niya ito dalawang linggo na ang nakakaraan ay hindi na siya nakatulog ng maayos.Hindi niya sinabi kay Jessica na makalipas ang ilang bwan na magbalik sila sa America kasama ni Mara ay sinagot na siya nito sa wakas. Gusto sana niyang sorpresahin ang kaibigan kaya nilihim niya ito ng mahabang panahon. Nang 2nd anniversary nila ay tinangka niyang mag propose kay Mara pero nireject siya nito.Nitong mga nakaraang bwan ay nararamdaman na ni Alex ang panlalamig ni Mara sa kanya pero binalewala niya lang ito dahil mahal na mahal niya ang dalaga. Ngayong binigyang tugon na din nito ang matagal niyang iningatan na pag ibig para dito, ayaw naman niyang maging toxic na boyfriend at bigyan ito maraming intindihin sa relasyon nila.Pero hindi naging ganoon ang tugon ng dalaga sa approach niya, nireject pa din nito ang alok na kasal at inamin nit
Ilang araw lang ang lumipas ay bumalik na din sa America ang magkakapatid na Romano. This time, kasama na si Althea at Mara. Mabigat man kay Jessica ang pag alis ni Alex lalo na at kasama nito si Mara ay sumama pa din siya sa pag hatid sa mga ito.Mas mahihirapan siguro siya pag hindi niya ito nakita bago umalis dahil ilang taon na naman ang lilipas na hindi niya ito makikita. May pangamba din siya na sa pagsama ni Mara doon ay madevelop ang relasyon ng dalawa at tuluyan na ngang mawala ang pag asa na mapansin pa siya ni Alex bilang isang babae at hindi lang basta kaibigan.Pero nagdesisyon na siyang suportahan si Alex ng buong puso kahit hindi siya matutunang mahalin ng binata. Kailangan niyang kayanin ito. Hindi lang para kay Alex kundi para sa sarili na din niya."Jess!" Pagputol ni Bridget sa malalim na pag iisip ni Jessica habang nasa gitna sila ng klase. Ilang linggo na din ang nakalipas ng umalis papuntang America si Alex. Pagkatapos nitong tawagan siya p
Namilog ang mga mata ni Jessica at tila nawala ang antok niya.Hindi naman na bago sa kanila ang magtabi sa pag tulog. Bata pa lamang ay madalas na silang magkatabi sa pag tulog. Kung hindi ito ang makikitulog sa kwarto niya ay siya naman ang matutulog sa kwarto nito. Pero noon iyon. Mahigit dalawang taon na nang huling makatabi niya ito sa pag tulog at iyon ay noong nasa kolehiyo pa lang sila, bago ang graduation. At bago pa ito umalis papuntang America."Are you kidding me?" Tanong ni Jessica nang makabawi sa pagkabigla sa sinabi ni Alex sa kanya."What's wrong? It's not as if ngayon mo lang ako makakatabi at ngayon mo lang ako nakita na ganitong naka boxer shorts lang." Maang na balik tanong nito sa kanya."Lex, we were young then. But things were different now. We're all grown up. And I don't think it's appropriate for you to sleep here with me now." Paliwanag ni Jessica na hindi makatingin sa binata.Binalewala lang nito ang sinabi siya saka i
Mabilis na nagmulat ng mata si Jessica at napabalikwas ng tayo sa kama nang madinig niya ang tinig ni Alexander. "Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Jessica sa binata. "Iniintay ka. Obvious ba?" Sagot sa kanya ng binata. "Ginabi ka naman ata masyado ngayon. Muntik na kong makatulog kakaintay sayo." Dugtong nito na mahahalata ang pagka irita sa muka. "Bakit mo naman ako iniintay? Saka diba sinabi ko naman sayo na may gagawin ako kaya busy ako buong maghapon." Sagot ni Jessica na iniiwas ang tingin kay Alex. Ayaw niyang makita nito ang nanunumbalik na sakit na nararamdaman niya. Bumuntong hininga si Alex at naupo sa kama sa tabi niya. "Jess, I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sayo. Magpapasama naman dapat ako sayo kanina, kaso dumating si Mara at nag presintang samahan ako. Hindi na ko nakatanggi sa kanya." Paliwanag ni Alex habang hindi pa din tumitinag si Jessica. 'Hmp! If I know. Gustong gusto mo naman talagang kasama ang babaen
"Nandyan ka pala, Jess."Sabi ni Alex habang papalapit sa kanya ang binata. Nag iwas ng tingin si Jessica sa binata para maitago ang nararamdaman niya ng mga oras na yon."Sinamahan ko lang ang kaibigan ko para mamili ng mga gagamitin namen sa sorpresa sa birthday ng Mama niya." Mahabang paliwanag niya sa binata. Hindi pa din niya magawang tumingin dito dahil hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa nakikitang pagkakadikit ng dalawa."Ganun ba? Mukang busy ka ngayon ah. Aayain pa naman sana kitang mag dinner sa bahay." Parang nadismayang salita ni Alex. Hindi batid ng binata ang sakit sa mga mata ni Jessica dahil sa hanggang ngayon ay nakakapit pa din sa braso niya si Mara."Oo nga, Jess. Sa isang araw kasi ay aalis na kami papuntang America. Alam mo naman, ilang taon na naman ang aabutin bago kami makabalik dito. Kung suswertehin doon ay baka madagdagan ang taon na ilalagi namen sa New York." Pagbibigay diin ni Mara sa kanya na para bang lalo pa siya
Ang malakas na tunog ng cellphone ni Jessica ang nagpagising sa kanya.Masakit pa ang ulo niya at tinatamad pang bumangon dahil sa naging celebration kagabi sa Romano residence. Tiningnan ni Jessica ang pangalan na nakarehistro sa screen ng cellphone niya. Ang kaibigang si Bridget ang tumatawag. Tiningnan niya ang oras at napasimangot ng makitang alas sais palang ng umaga. Tamad na tamad na sinagot naman niya ang telepono."Hello. Ano ba yun? Ang aga aga mo naman mambulabog eh." Reklamo ni Jessica sa kaibigan."Hindi ako makapaniwalang nakalimutan mo, Jess!" Pagalit na tugon nito sa kanya.Maang na napamulat ng mata naman ang dalaga at pilit na inaalala kung ano nga ba ang meron sa araw na iyon. Maya maya pa ay naalala na ng dalaga at saka napabalikwas ng tayo sa kanyang higaan. "Ow sh*t! I'm sorry baks! Nawala talaga sa loob ko! Eto na at mag aayos na ko. Then I'll be there in a few, okay? See ya' in a bit. Bye!" Nagmamadaling bumangon si Jessica at saka
"Marry me, Jess."Parang bombang sumabog sa tainga ni Jessica ang sinabing iyon ni Aaron. Hindi niya inaasahan ang mga salitang lumabas dito. Napanganga nalang siya sa mga nadinig. Nang makabawi sa pagkagulat ay bigla namang tumawa ng malakas ang dalaga."Aaron, hindi ka pa din nag babago. Palabiro ka pa din. At pati ako ay gusto mo pa talagang pag tripan ano?" Natatawang salita ni Jessica kay Aaron. Pero nawala ang pag tawa niya ng makitang walang ngiti ang sumilay sa mga labi ng lalaki. Seryoso itong nakatingin sa kanya at hindi kumikilos o tumawatawa. Walang bahid ng pag bibiro sa mga mata nito."Okay, seryoso na ko. Wag mo kong idamay dyan sa mga prank mo, Aaron. Hindi tatalab saken yan." Sabi ulit ni Jessica."I'm serious. I am really asking you to marry me." Sagot sa kanya ng binata na wala pa ding halong pag bibiro o kahit katiting na kapilyuhan. Doon napag tanto ni Jessica na seryoso ang binata sa sinabi nito at hindi talaga ito nagbibiro.