Sabay sabay na napatingin ang mag anak na Romano sa ginawang pag tawag ni Jessica sa pangalan ni Alex.
Lihim namang napangiti si Althea dahil alam niyang kanina pa ito iniintay ng kuya na at muntik ng mawalan ng pag asa na hindi ito dadating.
"Oh siya, doon lang muna kami ng makapag usap kayong dalawa" Sabi ng Papa ni Alex. "Yung oras Alexander ha? Baka hindi mo mapansin, maiwan ka pa ng eroplano." Dugtong pa nito at pagpapaalala sa anak.
"Opo Pa. Salamat". Magalang na sagot naman ni Alex sa ama.
Lumapit si Jessica kay Alexander. Matagal silang nakatitig lang sa isa't isa at walang salitang lumalabas sa bibig nilang pareho. Wari'y nagtatantiyahan sila ng nararamdaman ng bawat isa at mukang parehong naubusan ng mga sasabihin. Maari rin naman na sa dami ng gusto nilang sabihin, hindi nila alam kung saan at paano sisimulan.
Tinampal ni Jessica ang noo ni Alex at saka sinabing, "Ano? Magtititigan nalang ba tayo dito? Wala ka bang gustong sabihin saken?" basag ni Jessica sa katahimikan.
"I'm sorry Jess." Sagot naman ni Alex, kitang kita sa mga mata nito ang sinseridad ng sinabi sa dalaga. "Naging masyado akong emosyonal at hindi ko na naisip ang mararamdaman mo. Nawala na din sa loob kong sabihin sayo ang naging desisyon ko pag lipas ng mga araw, pero maniwala ka, wala akong balak ilihim sayo ang pag alis ko." Dugtong pa ng binata.
"Malamang! For sure naman, malalaman at malalaman kong aalis ka!" Sabi ni Jessica sa mataray pero malungkot din na boses. "Pero hindi ko matatanggap yang sorry mo na yan." Sabi pa ng dalaga.
Namilog ang mga mata ni Alex sa narinig na sinabi ni Jessica. "Bakit naman? Nagsosorry na nga yung tao. Pababaunan mo pa ba ako ng mabigat na loob ngayon?"
"Alam mo Lex, napag isip ko lang, sa loob ng 15 years naten na mag kaibigan, lahat ng kilos ko nakadepende sayo. That's why it's hard for me to say Goodbye. Pero mas masakit yung sa iba ko pa nalaman ang pag alis mo." Paliwanag ni Jessica. "Pero kelan ko ba natiis ang ungas na tulad mo? Alam mong hindi ko kayang magalit ng matagal sayo. Pero nagtatampo padin ako. Kaya kahit nasa America ka na, you have to make things up for me." Sa wakas ay ngumiti nang sabi ni Jessica sa binata. May pait ang mga ngiting iyon, pero kahit papano, bakas ang pagpapatawad at pagmamahal niya sa binata.
Napangiti ng maluwag c Alexander at hindi na napigilan ang sarili na yumakap sa kaibigan."Of course I will. I won't forget you, kahit nasaan pa kong lugar. I promise, kahit nasa America na ko, we'll keep in touch. Kahit gaano kabusy ang sched, I will find some time para makapag kwentuhan padin tayo. And for sure, pag uwi ko dito. Babawi ako sayo, big time!" Mga pangakong binitawan ni Alexander kay Jessica.
Kumalas sa pagkakayakap si Jessica."Wag kang mangako, promises are made to be broken. Gawin mo nalang pag nandun ka na at pag balik mo. Ayaw mong tinatawag kitang Xandie dahil sabi mo ang lakas makabeki diba? Pwes, prove to me that you're a man of your word." Sagot ni Jessica kay Alexander sa mababang boses.
Napangiti naman si Alexander sa sinabi ni Jessica."Opo na nga diba? I'll see you soon Jess. I will surely miss you. Pero we'll keep in touch. Wait for me, okay?" Bilin ni Alexander bago siya hawakan sa ulo at sabay na ginulo ang buhok niya.
Yun lang at tumalikod na ito. Naglakad na palayo kay Jessica.
Nanlabo na ang paningin niya dahil natakpan na ng mga luha na nag uunahan tumulo sa mga mata niya. Hindi na lumingon si Alexander. Bagay na alam niyang ayaw nitong makita siyang umiiyak dahil hindi din nito matitiis ang ganong tagpo.
Naramdaman nalang ni Jessica na may humawak sa kamay niya. Si Althea. Napatingin siya dito at doon napansin niya na nasa likuran lang pala nila ang buong pamilya ni Alexander. Napayakap nalang siya kay Althea at tuluyan ng bumuhos ang mga luha niya.
Althea's POVBatid ni Althea at ng buong pamilya nila ang nararamdaman ni Jessica para sa kapatid. Hindi ito magaling magtago ng pagmamahal para sa kuya niya pero siguro talagang manhid lang ang kuya niya para hindi mahalata iyon sa tagal ng pagiging magkaibigan ng dalawa.Sa totoo lang, gusto nila si Jessica para sa kuya niya pero iba ang napusuan ni Alexander. Nahulog ito sa matalik na kaibigan ni Althea na si Mara.Mabait din naman si Mara, mabuting tao ito at karapat dapat din maging parte ng pamilya nila. Ang kaso lang ay wala itong anumang nararamdaman para kay Alexander. Simula mag kaisip ito, tanging si Aaron lang ang nakita nito na tamang lalake para sa kanya. Si Aaron ang gitna sa magkakapatid na Romano. Isang taon lang ang pagitan nina Alexander at Aaron, kaya kung minsan, napagkakamalan pa ngang kambal ang dalawa.Alam ni Althea na mahal na mahal ni Mara si Aaron at ang sabi pa sa kanya ng kaibigan ay hinding hindi ito mag papakasal kung hindi
Jessica's POVMabilis na lumipas ang dalawang taon.Kasalukuyang nagtetake ng Master's Degree si Jessica. Isang taon nalang ay matatapos na niya ito at hindi na siya makapag intay na magsimula sa Doctoral's Degree niya. Pagkatapos nun ay magpapakadalubhasa naman siya sa pangarap na maging surgeon.Masaya si Jessica sa tinatakbo ng buhay niya. Nakikita na niya ang pag abot sa pangarap kahit maraming taon pa ang kailangan niyang gugulin para dito. Bukod doon ay constant ang communication nila ni Alexander kahit nasa ibang bansa ito.Tumatawag ang binata once a week sa pamilya nito at ganun din sa kanya. Simpleng kamustahan at biruan na hindi din nagtatagal dahil pagod din sila sa kanya kanya nilang araw. Pag tumawag ito sa gabi ay naghahanda na si Jessica na matulog habang ito naman ay naghahanda palang sa pag sisimula ng busy na araw nito.Sumunod na din dito ang kapatid na si Aaron pagkalipas lang ng isang taon na magpunta ito sa America, kaya hind
Mas mabilis ang dalawang linggo kesa sa dalawang taon, pero pakiramdam ni Jessica ay ilang dekada ang inintay niya sa araw ng pag uwi ni Alexander mula ng sabihin nitong uuwi na siya.Maya't maya ay nakatingin siya sa orasan at hindi gaanong nakapag focus sa summer class niya. Buti nalang ay nandoon din ang kaibigan na si Bridget at palagi siya nitong tinutulungan sa mga na missed niyang lessons nila.Nakilala lang din niya sa summer class si Bridget at mabilis naman silang nagkasundo. Bukod sa kaugali ito ni Alexander na masayang kasama, katulad din niya itong walang kaarte arte sa katawan. Hindi ito pala make-up pero maganda ang dalaga. Mabilis silang nagkasundo at masasabi niyang isa itong anghel na bumaba sa lupa dahil kahit papaano ay hindi siya masyadong nalungkot sa dalawang taon na nakalipas na wala si Alexander sa tabi niya.Pero iba ang nakalipas na dalawang linggo. Para bang napakabagal ng oras at gustong gusto na niyang hilahin ito para matapos na ng
Siniguro ni Jessica na maayos na ang lahat bago siya umalis.Mahigit isang oras siya sa harap ng salamin na nag aayos ng sarili para siguruhin na walang mintis ang detalye sa kanya. Simula sa ayos ng buhok, light make up, damit at sapatos na suot hanggang sa manicure at pedicure niya. Nang makuntento na sa wakas sa nakikita sa harap ng salamin, saka lamang lumabas ng kwarto ang dalaga.Dali dali naman siyang pumunta sa kotse at ng aakmang pasakay na siya dito, tinawag siya ni Manang rose, ang pinakaunang kasambahay nila. "Iha, ere at baunin mo. Bukod sa agahan ay wala naman laman iyang sikmura mo." Sabay abot nito ng maliit na lalagyanan sa kanya. Napangiti naman si Jessica dahil sa thoughtfulness nito simula noon hanggang ngayon. Inabot niya ang binigay nito at nagpasalamat saka nagmamadaling umalis.Dahil lunch time na, naipit sa gitna ng traffic si Jessica. Inis na inis si Jessica dahil napakaaga niyang gumayak pero heto siya at nasa gitna ng heavy traffic. M
Hindi malaman ni Jessica ang gagawin. Ilang beses niyang pinractice ang mga sasabihin at gagawin sa oras na makaharap muli ang binata pero heto siya ngayon at parang estatwa na hindi makagalaw sa kinatatayuan."Hi gorgeous." Bati ni AlexanderDahan dahang humarap si Jessica sa binata. Nakangiti si Alex sa dalaga pero nawala ito ng makita ang namumuong luha sa mga mata neto.Pak!!!Isang malakas na sampal ang binigay ni Jessica kay Alex. Kinagulat ng lahat ang ginawa niya sa binata. Napalingon ang mga naglalakad sa paligid nila pati ang pamilya ng binata. Pati mismo si Jessica ay hindi malaman ang dahilan kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon."Sorry!" Napatakip sa bibig na sabi ni Jessica kay Alex at lumapit dito sabay hawak sa muka. Sa pag kakataong iyon, mahinang sampal o mas tamang mahinang tapik sa pisngi ang ginawa niya sa muka ng binata."Sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Nagulat lang ako at hindi din makapaniwala na nandit
Masayang nag kwentuhan ang mag anak habang kumakain sa isang sikat na restaurant sa Makati. Kanya kanyang kwento at batian. Para bang sampung taon silang hindi nagkita kita. Si Jessica at Alexander naman ay parang may sariling mundo sa palitan nila ng kwentuhan. Walang nabakanteng minuto sa kanila. Halos hindi na din nila magalaw ang kinakain dahil sa dami ng kwento nila sa isa't isa. Kinwento ni Alexander lahat ng ginagawa niya sa America. Simula ng pumunta ito doon. Mag isa itong naghanap ng trabaho at hindi humingi ng tulong o sustento sa ama. Ang ipon ng binata ang ginamit niyang pang gastos habang nag hahanap ng trabaho. Hindi na niya tinanggihan na gamitin ang bahay nila doon, pero siniguro niyang siya padin ang nagbabayad ng monthly bills ng bahay pati ang pagkain at pang apply apply niya. Noong una ay wala talaga itong mahanap na trabaho kaya nag tyaga itong mag part time job sa isang fast food. Ang libreng oras ng binata ay pinang hahanap niya ng trabaho at
Graduation day.Dumating na nga ang araw ng graduation day nila Althea at Mara.Tapos na ng pag aaral lahat ng anak ng Romano family at mag sisimula na sila sa karera ng totoong buhay nila. Cum Laude si Althea at Magna Cum Laude naman si Mara. Tuwang tuwa ang mag asawang Romano sa achievements ng mga anak nila dahil hanggang sa bunso nila ay nakakuha ng magagandang grades sa pag aaral."Congratulations, Thea!" Bati ni Jessica."Salamat, Jess! Ngayon makikisabay na ako sa paligsahan ng mga kuya ko." Nakangiting sagot nito sa kanya."I know you can do it. Ikaw pa ba?" Pagpapalakas ng loob ni Jessica sa dalaga. Nakangiti ito ngunit hindi naitago ng dalaga ang lungkot na nadarama dahil sasama na ito sa pag punta sa America ng dalawang kapatid."Ayoko sanang umalis, pero wala naman akong choice. Buti nalang at kasama ko dun si Mara kaya kahit papaano ay hindi naman ako masyadong maninibago." Sagot nito na kinagulat ng husto ni Jessica."Ka
"Marry me, Jess."Parang bombang sumabog sa tainga ni Jessica ang sinabing iyon ni Aaron. Hindi niya inaasahan ang mga salitang lumabas dito. Napanganga nalang siya sa mga nadinig. Nang makabawi sa pagkagulat ay bigla namang tumawa ng malakas ang dalaga."Aaron, hindi ka pa din nag babago. Palabiro ka pa din. At pati ako ay gusto mo pa talagang pag tripan ano?" Natatawang salita ni Jessica kay Aaron. Pero nawala ang pag tawa niya ng makitang walang ngiti ang sumilay sa mga labi ng lalaki. Seryoso itong nakatingin sa kanya at hindi kumikilos o tumawatawa. Walang bahid ng pag bibiro sa mga mata nito."Okay, seryoso na ko. Wag mo kong idamay dyan sa mga prank mo, Aaron. Hindi tatalab saken yan." Sabi ulit ni Jessica."I'm serious. I am really asking you to marry me." Sagot sa kanya ng binata na wala pa ding halong pag bibiro o kahit katiting na kapilyuhan. Doon napag tanto ni Jessica na seryoso ang binata sa sinabi nito at hindi talaga ito nagbibiro.
Parang batang binully na nakahanap ng kakampi ang itsura at pakiramdam ni Alex ng yakapin siya ni Jessica. Mula ng huling makausap niya ito dalawang linggo na ang nakakaraan ay hindi na siya nakatulog ng maayos.Hindi niya sinabi kay Jessica na makalipas ang ilang bwan na magbalik sila sa America kasama ni Mara ay sinagot na siya nito sa wakas. Gusto sana niyang sorpresahin ang kaibigan kaya nilihim niya ito ng mahabang panahon. Nang 2nd anniversary nila ay tinangka niyang mag propose kay Mara pero nireject siya nito.Nitong mga nakaraang bwan ay nararamdaman na ni Alex ang panlalamig ni Mara sa kanya pero binalewala niya lang ito dahil mahal na mahal niya ang dalaga. Ngayong binigyang tugon na din nito ang matagal niyang iningatan na pag ibig para dito, ayaw naman niyang maging toxic na boyfriend at bigyan ito maraming intindihin sa relasyon nila.Pero hindi naging ganoon ang tugon ng dalaga sa approach niya, nireject pa din nito ang alok na kasal at inamin nit
Parang batang binully na nakahanap ng kakampi ang itsura at pakiramdam ni Alex ng yakapin siya ni Jessica. Mula ng huling makausap niya ito dalawang linggo na ang nakakaraan ay hindi na siya nakatulog ng maayos.Hindi niya sinabi kay Jessica na makalipas ang ilang bwan na magbalik sila sa America kasama ni Mara ay sinagot na siya nito sa wakas. Gusto sana niyang sorpresahin ang kaibigan kaya nilihim niya ito ng mahabang panahon. Nang 2nd anniversary nila ay tinangka niyang mag propose kay Mara pero nireject siya nito.Nitong mga nakaraang bwan ay nararamdaman na ni Alex ang panlalamig ni Mara sa kanya pero binalewala niya lang ito dahil mahal na mahal niya ang dalaga. Ngayong binigyang tugon na din nito ang matagal niyang iningatan na pag ibig para dito, ayaw naman niyang maging toxic na boyfriend at bigyan ito maraming intindihin sa relasyon nila.Pero hindi naging ganoon ang tugon ng dalaga sa approach niya, nireject pa din nito ang alok na kasal at inamin nit
Parang batang binully na nakahanap ng kakampi ang itsura at pakiramdam ni Alex ng yakapin siya ni Jessica. Mula ng huling makausap niya ito dalawang linggo na ang nakakaraan ay hindi na siya nakatulog ng maayos.Hindi niya sinabi kay Jessica na makalipas ang ilang bwan na magbalik sila sa America kasama ni Mara ay sinagot na siya nito sa wakas. Gusto sana niyang sorpresahin ang kaibigan kaya nilihim niya ito ng mahabang panahon. Nang 2nd anniversary nila ay tinangka niyang mag propose kay Mara pero nireject siya nito.Nitong mga nakaraang bwan ay nararamdaman na ni Alex ang panlalamig ni Mara sa kanya pero binalewala niya lang ito dahil mahal na mahal niya ang dalaga. Ngayong binigyang tugon na din nito ang matagal niyang iningatan na pag ibig para dito, ayaw naman niyang maging toxic na boyfriend at bigyan ito maraming intindihin sa relasyon nila.Pero hindi naging ganoon ang tugon ng dalaga sa approach niya, nireject pa din nito ang alok na kasal at inamin nit
Ilang araw lang ang lumipas ay bumalik na din sa America ang magkakapatid na Romano. This time, kasama na si Althea at Mara. Mabigat man kay Jessica ang pag alis ni Alex lalo na at kasama nito si Mara ay sumama pa din siya sa pag hatid sa mga ito.Mas mahihirapan siguro siya pag hindi niya ito nakita bago umalis dahil ilang taon na naman ang lilipas na hindi niya ito makikita. May pangamba din siya na sa pagsama ni Mara doon ay madevelop ang relasyon ng dalawa at tuluyan na ngang mawala ang pag asa na mapansin pa siya ni Alex bilang isang babae at hindi lang basta kaibigan.Pero nagdesisyon na siyang suportahan si Alex ng buong puso kahit hindi siya matutunang mahalin ng binata. Kailangan niyang kayanin ito. Hindi lang para kay Alex kundi para sa sarili na din niya."Jess!" Pagputol ni Bridget sa malalim na pag iisip ni Jessica habang nasa gitna sila ng klase. Ilang linggo na din ang nakalipas ng umalis papuntang America si Alex. Pagkatapos nitong tawagan siya p
Namilog ang mga mata ni Jessica at tila nawala ang antok niya.Hindi naman na bago sa kanila ang magtabi sa pag tulog. Bata pa lamang ay madalas na silang magkatabi sa pag tulog. Kung hindi ito ang makikitulog sa kwarto niya ay siya naman ang matutulog sa kwarto nito. Pero noon iyon. Mahigit dalawang taon na nang huling makatabi niya ito sa pag tulog at iyon ay noong nasa kolehiyo pa lang sila, bago ang graduation. At bago pa ito umalis papuntang America."Are you kidding me?" Tanong ni Jessica nang makabawi sa pagkabigla sa sinabi ni Alex sa kanya."What's wrong? It's not as if ngayon mo lang ako makakatabi at ngayon mo lang ako nakita na ganitong naka boxer shorts lang." Maang na balik tanong nito sa kanya."Lex, we were young then. But things were different now. We're all grown up. And I don't think it's appropriate for you to sleep here with me now." Paliwanag ni Jessica na hindi makatingin sa binata.Binalewala lang nito ang sinabi siya saka i
Mabilis na nagmulat ng mata si Jessica at napabalikwas ng tayo sa kama nang madinig niya ang tinig ni Alexander. "Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Jessica sa binata. "Iniintay ka. Obvious ba?" Sagot sa kanya ng binata. "Ginabi ka naman ata masyado ngayon. Muntik na kong makatulog kakaintay sayo." Dugtong nito na mahahalata ang pagka irita sa muka. "Bakit mo naman ako iniintay? Saka diba sinabi ko naman sayo na may gagawin ako kaya busy ako buong maghapon." Sagot ni Jessica na iniiwas ang tingin kay Alex. Ayaw niyang makita nito ang nanunumbalik na sakit na nararamdaman niya. Bumuntong hininga si Alex at naupo sa kama sa tabi niya. "Jess, I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sayo. Magpapasama naman dapat ako sayo kanina, kaso dumating si Mara at nag presintang samahan ako. Hindi na ko nakatanggi sa kanya." Paliwanag ni Alex habang hindi pa din tumitinag si Jessica. 'Hmp! If I know. Gustong gusto mo naman talagang kasama ang babaen
"Nandyan ka pala, Jess."Sabi ni Alex habang papalapit sa kanya ang binata. Nag iwas ng tingin si Jessica sa binata para maitago ang nararamdaman niya ng mga oras na yon."Sinamahan ko lang ang kaibigan ko para mamili ng mga gagamitin namen sa sorpresa sa birthday ng Mama niya." Mahabang paliwanag niya sa binata. Hindi pa din niya magawang tumingin dito dahil hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa nakikitang pagkakadikit ng dalawa."Ganun ba? Mukang busy ka ngayon ah. Aayain pa naman sana kitang mag dinner sa bahay." Parang nadismayang salita ni Alex. Hindi batid ng binata ang sakit sa mga mata ni Jessica dahil sa hanggang ngayon ay nakakapit pa din sa braso niya si Mara."Oo nga, Jess. Sa isang araw kasi ay aalis na kami papuntang America. Alam mo naman, ilang taon na naman ang aabutin bago kami makabalik dito. Kung suswertehin doon ay baka madagdagan ang taon na ilalagi namen sa New York." Pagbibigay diin ni Mara sa kanya na para bang lalo pa siya
Ang malakas na tunog ng cellphone ni Jessica ang nagpagising sa kanya.Masakit pa ang ulo niya at tinatamad pang bumangon dahil sa naging celebration kagabi sa Romano residence. Tiningnan ni Jessica ang pangalan na nakarehistro sa screen ng cellphone niya. Ang kaibigang si Bridget ang tumatawag. Tiningnan niya ang oras at napasimangot ng makitang alas sais palang ng umaga. Tamad na tamad na sinagot naman niya ang telepono."Hello. Ano ba yun? Ang aga aga mo naman mambulabog eh." Reklamo ni Jessica sa kaibigan."Hindi ako makapaniwalang nakalimutan mo, Jess!" Pagalit na tugon nito sa kanya.Maang na napamulat ng mata naman ang dalaga at pilit na inaalala kung ano nga ba ang meron sa araw na iyon. Maya maya pa ay naalala na ng dalaga at saka napabalikwas ng tayo sa kanyang higaan. "Ow sh*t! I'm sorry baks! Nawala talaga sa loob ko! Eto na at mag aayos na ko. Then I'll be there in a few, okay? See ya' in a bit. Bye!" Nagmamadaling bumangon si Jessica at saka
"Marry me, Jess."Parang bombang sumabog sa tainga ni Jessica ang sinabing iyon ni Aaron. Hindi niya inaasahan ang mga salitang lumabas dito. Napanganga nalang siya sa mga nadinig. Nang makabawi sa pagkagulat ay bigla namang tumawa ng malakas ang dalaga."Aaron, hindi ka pa din nag babago. Palabiro ka pa din. At pati ako ay gusto mo pa talagang pag tripan ano?" Natatawang salita ni Jessica kay Aaron. Pero nawala ang pag tawa niya ng makitang walang ngiti ang sumilay sa mga labi ng lalaki. Seryoso itong nakatingin sa kanya at hindi kumikilos o tumawatawa. Walang bahid ng pag bibiro sa mga mata nito."Okay, seryoso na ko. Wag mo kong idamay dyan sa mga prank mo, Aaron. Hindi tatalab saken yan." Sabi ulit ni Jessica."I'm serious. I am really asking you to marry me." Sagot sa kanya ng binata na wala pa ding halong pag bibiro o kahit katiting na kapilyuhan. Doon napag tanto ni Jessica na seryoso ang binata sa sinabi nito at hindi talaga ito nagbibiro.