Siniguro ni Jessica na maayos na ang lahat bago siya umalis.
Mahigit isang oras siya sa harap ng salamin na nag aayos ng sarili para siguruhin na walang mintis ang detalye sa kanya. Simula sa ayos ng buhok, light make up, damit at sapatos na suot hanggang sa manicure at pedicure niya. Nang makuntento na sa wakas sa nakikita sa harap ng salamin, saka lamang lumabas ng kwarto ang dalaga.
Dali dali naman siyang pumunta sa kotse at ng aakmang pasakay na siya dito, tinawag siya ni Manang rose, ang pinakaunang kasambahay nila. "Iha, ere at baunin mo. Bukod sa agahan ay wala naman laman iyang sikmura mo." Sabay abot nito ng maliit na lalagyanan sa kanya. Napangiti naman si Jessica dahil sa thoughtfulness nito simula noon hanggang ngayon. Inabot niya ang binigay nito at nagpasalamat saka nagmamadaling umalis.
Dahil lunch time na, naipit sa gitna ng traffic si Jessica. Inis na inis si Jessica dahil napakaaga niyang gumayak pero heto siya at nasa gitna ng heavy traffic. Mabilis pang umusad ang pagong at nag aalala siyang hindi makarating ng tama sa oras kila Althea. Nag update naman siya dito at sinabing wag mag alala dahil kasalukuyan pa naman silang kumakain ng tanghalian.
Kumulo ang tiyan ni Jessica. Naisip niya, dapat pala ay kumain siya kahit na kaunti bago umalis, bagay na pinag sisihan naman niya. Saka niya naalala ang pinabaon sa kanya ni manang Rose. Binuksan niya ito saka nakita ang chicken salad na may kasamang thousand island dressing na ginawa ng matanda. Her favorite! Tuwang tuwa si Jessica na kinain ito habang nasa sasakyan. Kahit papaano ay naibsan nito ang gutom na kanina pa niya tinitiis.
Pasado ala una na nakadating si Jessica sa bahay nila Althea. Bagay na pinagpasalamat niya dahil sakto na nag aasikaso na ang mga ito paalis.
"Hi tita." Bati ni Jessica kay Emily Romano. Ang ina ng magkakapatid na Romano.
"Oh, hija! Kamusta ka. Saktong sakto ang dating mo. Naghahanda na din kami paalis. Ang akala ko hindi ka na makakasama sa pag sundo kay Alex" Ganting bati naman sa kanya ng ginang.
"Nako sobrang traffic po tita! Buti na lang din at naabutan ko pa kayo dito." Sagot naman niya habang papalapit sa ginang para bumeso.
"Sya, maupo ka na sa loob ng sasakyan at tatawagin ko na ang mag ama para makaalis na din tayo. Mahirap na, baka mauna pa sa atin si Alex sa paglapag."
Tumalima naman si Jessica at naupo na sa loob ng sasakyan ng mag anak. Maya maya pa ay sumunod na din ang mag asawang Romano at si Althea sa kotse. Katabi niya si Althea habang nasa unahan ang mag asawa.
"Kamusta na? Lalo kang gumanda ah. Mukang pinag handaan mo talaga ang pag uwi ni kuya." Biro ni Althea sa kanya. Bagay na kinapula naman ng mga pisngi ni Jessica at tumawa nalang para maitago ang nararamdaman.
"Nako, hindi naman. Siguro naging blooming lang ako kasi nawalan ako ng taga kunsumi sa loob ng dalawang taon." Biro din ni Jessica. Naging dahilan naman ito para magtawanan silang apat sa loon ng sasakyan.
Naging maaliwalas naman ang byahe nila papuntang airport. Pero hindi maalis ang excitement kay Jessica dahil minuto nalang ang iniintay niya para magkita ulit sila ni Alex. Panay ang tingin niya sa relo. Lalo na ng makadating na sila sa waiting area ng airport para salubungin si Alex.
Kanda haba ang leeg niya sa pag silip sa mga pasaherong lumalabas at pilit na hinahanap si Alex.
Makalipas ang ilang minuto, nangawit na sa kakasilip at kakaintay si Jessica. Ayaw man niya ngunit tinatawag siya ng kalikasan kaya nag paalam siya na mag pupunta lang sa CR. Dala na din siguro ng sobrang kaba kaya hindi na niya mapigilan ang pantog.
Makalipas ang ilang minuto, dali dali siyang bumabalik sa waiting area para intayin ulit si Alex.
Nakita niya ang mag asawang Romano at si Althea na may kausap na lalake. Hindi siya maaaring magkami. Si Aaron ito. Pero nasan si Alexander? Napahinto siya sa pag lalakad at nag tatakang naglibot ng paningin para makita kung nasan ang binata pero wala siyang nakitang Alex sa paligid.
Lalakad na sana siya palapit sa mag anak para itanong kung nasaan ito ng may isang pamilyar na boses ang nag salita galing sa likod niya.
Napahinto siya sandali at parang huminto ang paligid niya.
"Hi gorgeous."
Hindi malaman ni Jessica ang gagawin. Ilang beses niyang pinractice ang mga sasabihin at gagawin sa oras na makaharap muli ang binata pero heto siya ngayon at parang estatwa na hindi makagalaw sa kinatatayuan."Hi gorgeous." Bati ni AlexanderDahan dahang humarap si Jessica sa binata. Nakangiti si Alex sa dalaga pero nawala ito ng makita ang namumuong luha sa mga mata neto.Pak!!!Isang malakas na sampal ang binigay ni Jessica kay Alex. Kinagulat ng lahat ang ginawa niya sa binata. Napalingon ang mga naglalakad sa paligid nila pati ang pamilya ng binata. Pati mismo si Jessica ay hindi malaman ang dahilan kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon."Sorry!" Napatakip sa bibig na sabi ni Jessica kay Alex at lumapit dito sabay hawak sa muka. Sa pag kakataong iyon, mahinang sampal o mas tamang mahinang tapik sa pisngi ang ginawa niya sa muka ng binata."Sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Nagulat lang ako at hindi din makapaniwala na nandit
Masayang nag kwentuhan ang mag anak habang kumakain sa isang sikat na restaurant sa Makati. Kanya kanyang kwento at batian. Para bang sampung taon silang hindi nagkita kita. Si Jessica at Alexander naman ay parang may sariling mundo sa palitan nila ng kwentuhan. Walang nabakanteng minuto sa kanila. Halos hindi na din nila magalaw ang kinakain dahil sa dami ng kwento nila sa isa't isa. Kinwento ni Alexander lahat ng ginagawa niya sa America. Simula ng pumunta ito doon. Mag isa itong naghanap ng trabaho at hindi humingi ng tulong o sustento sa ama. Ang ipon ng binata ang ginamit niyang pang gastos habang nag hahanap ng trabaho. Hindi na niya tinanggihan na gamitin ang bahay nila doon, pero siniguro niyang siya padin ang nagbabayad ng monthly bills ng bahay pati ang pagkain at pang apply apply niya. Noong una ay wala talaga itong mahanap na trabaho kaya nag tyaga itong mag part time job sa isang fast food. Ang libreng oras ng binata ay pinang hahanap niya ng trabaho at
Graduation day.Dumating na nga ang araw ng graduation day nila Althea at Mara.Tapos na ng pag aaral lahat ng anak ng Romano family at mag sisimula na sila sa karera ng totoong buhay nila. Cum Laude si Althea at Magna Cum Laude naman si Mara. Tuwang tuwa ang mag asawang Romano sa achievements ng mga anak nila dahil hanggang sa bunso nila ay nakakuha ng magagandang grades sa pag aaral."Congratulations, Thea!" Bati ni Jessica."Salamat, Jess! Ngayon makikisabay na ako sa paligsahan ng mga kuya ko." Nakangiting sagot nito sa kanya."I know you can do it. Ikaw pa ba?" Pagpapalakas ng loob ni Jessica sa dalaga. Nakangiti ito ngunit hindi naitago ng dalaga ang lungkot na nadarama dahil sasama na ito sa pag punta sa America ng dalawang kapatid."Ayoko sanang umalis, pero wala naman akong choice. Buti nalang at kasama ko dun si Mara kaya kahit papaano ay hindi naman ako masyadong maninibago." Sagot nito na kinagulat ng husto ni Jessica."Ka
"Marry me, Jess."Parang bombang sumabog sa tainga ni Jessica ang sinabing iyon ni Aaron. Hindi niya inaasahan ang mga salitang lumabas dito. Napanganga nalang siya sa mga nadinig. Nang makabawi sa pagkagulat ay bigla namang tumawa ng malakas ang dalaga."Aaron, hindi ka pa din nag babago. Palabiro ka pa din. At pati ako ay gusto mo pa talagang pag tripan ano?" Natatawang salita ni Jessica kay Aaron. Pero nawala ang pag tawa niya ng makitang walang ngiti ang sumilay sa mga labi ng lalaki. Seryoso itong nakatingin sa kanya at hindi kumikilos o tumawatawa. Walang bahid ng pag bibiro sa mga mata nito."Okay, seryoso na ko. Wag mo kong idamay dyan sa mga prank mo, Aaron. Hindi tatalab saken yan." Sabi ulit ni Jessica."I'm serious. I am really asking you to marry me." Sagot sa kanya ng binata na wala pa ding halong pag bibiro o kahit katiting na kapilyuhan. Doon napag tanto ni Jessica na seryoso ang binata sa sinabi nito at hindi talaga ito nagbibiro.
Ang malakas na tunog ng cellphone ni Jessica ang nagpagising sa kanya.Masakit pa ang ulo niya at tinatamad pang bumangon dahil sa naging celebration kagabi sa Romano residence. Tiningnan ni Jessica ang pangalan na nakarehistro sa screen ng cellphone niya. Ang kaibigang si Bridget ang tumatawag. Tiningnan niya ang oras at napasimangot ng makitang alas sais palang ng umaga. Tamad na tamad na sinagot naman niya ang telepono."Hello. Ano ba yun? Ang aga aga mo naman mambulabog eh." Reklamo ni Jessica sa kaibigan."Hindi ako makapaniwalang nakalimutan mo, Jess!" Pagalit na tugon nito sa kanya.Maang na napamulat ng mata naman ang dalaga at pilit na inaalala kung ano nga ba ang meron sa araw na iyon. Maya maya pa ay naalala na ng dalaga at saka napabalikwas ng tayo sa kanyang higaan. "Ow sh*t! I'm sorry baks! Nawala talaga sa loob ko! Eto na at mag aayos na ko. Then I'll be there in a few, okay? See ya' in a bit. Bye!" Nagmamadaling bumangon si Jessica at saka
"Nandyan ka pala, Jess."Sabi ni Alex habang papalapit sa kanya ang binata. Nag iwas ng tingin si Jessica sa binata para maitago ang nararamdaman niya ng mga oras na yon."Sinamahan ko lang ang kaibigan ko para mamili ng mga gagamitin namen sa sorpresa sa birthday ng Mama niya." Mahabang paliwanag niya sa binata. Hindi pa din niya magawang tumingin dito dahil hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa nakikitang pagkakadikit ng dalawa."Ganun ba? Mukang busy ka ngayon ah. Aayain pa naman sana kitang mag dinner sa bahay." Parang nadismayang salita ni Alex. Hindi batid ng binata ang sakit sa mga mata ni Jessica dahil sa hanggang ngayon ay nakakapit pa din sa braso niya si Mara."Oo nga, Jess. Sa isang araw kasi ay aalis na kami papuntang America. Alam mo naman, ilang taon na naman ang aabutin bago kami makabalik dito. Kung suswertehin doon ay baka madagdagan ang taon na ilalagi namen sa New York." Pagbibigay diin ni Mara sa kanya na para bang lalo pa siya
Mabilis na nagmulat ng mata si Jessica at napabalikwas ng tayo sa kama nang madinig niya ang tinig ni Alexander. "Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Jessica sa binata. "Iniintay ka. Obvious ba?" Sagot sa kanya ng binata. "Ginabi ka naman ata masyado ngayon. Muntik na kong makatulog kakaintay sayo." Dugtong nito na mahahalata ang pagka irita sa muka. "Bakit mo naman ako iniintay? Saka diba sinabi ko naman sayo na may gagawin ako kaya busy ako buong maghapon." Sagot ni Jessica na iniiwas ang tingin kay Alex. Ayaw niyang makita nito ang nanunumbalik na sakit na nararamdaman niya. Bumuntong hininga si Alex at naupo sa kama sa tabi niya. "Jess, I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sayo. Magpapasama naman dapat ako sayo kanina, kaso dumating si Mara at nag presintang samahan ako. Hindi na ko nakatanggi sa kanya." Paliwanag ni Alex habang hindi pa din tumitinag si Jessica. 'Hmp! If I know. Gustong gusto mo naman talagang kasama ang babaen
Namilog ang mga mata ni Jessica at tila nawala ang antok niya.Hindi naman na bago sa kanila ang magtabi sa pag tulog. Bata pa lamang ay madalas na silang magkatabi sa pag tulog. Kung hindi ito ang makikitulog sa kwarto niya ay siya naman ang matutulog sa kwarto nito. Pero noon iyon. Mahigit dalawang taon na nang huling makatabi niya ito sa pag tulog at iyon ay noong nasa kolehiyo pa lang sila, bago ang graduation. At bago pa ito umalis papuntang America."Are you kidding me?" Tanong ni Jessica nang makabawi sa pagkabigla sa sinabi ni Alex sa kanya."What's wrong? It's not as if ngayon mo lang ako makakatabi at ngayon mo lang ako nakita na ganitong naka boxer shorts lang." Maang na balik tanong nito sa kanya."Lex, we were young then. But things were different now. We're all grown up. And I don't think it's appropriate for you to sleep here with me now." Paliwanag ni Jessica na hindi makatingin sa binata.Binalewala lang nito ang sinabi siya saka i
Parang batang binully na nakahanap ng kakampi ang itsura at pakiramdam ni Alex ng yakapin siya ni Jessica. Mula ng huling makausap niya ito dalawang linggo na ang nakakaraan ay hindi na siya nakatulog ng maayos.Hindi niya sinabi kay Jessica na makalipas ang ilang bwan na magbalik sila sa America kasama ni Mara ay sinagot na siya nito sa wakas. Gusto sana niyang sorpresahin ang kaibigan kaya nilihim niya ito ng mahabang panahon. Nang 2nd anniversary nila ay tinangka niyang mag propose kay Mara pero nireject siya nito.Nitong mga nakaraang bwan ay nararamdaman na ni Alex ang panlalamig ni Mara sa kanya pero binalewala niya lang ito dahil mahal na mahal niya ang dalaga. Ngayong binigyang tugon na din nito ang matagal niyang iningatan na pag ibig para dito, ayaw naman niyang maging toxic na boyfriend at bigyan ito maraming intindihin sa relasyon nila.Pero hindi naging ganoon ang tugon ng dalaga sa approach niya, nireject pa din nito ang alok na kasal at inamin nit

Ilang araw lang ang lumipas ay bumalik na din sa America ang magkakapatid na Romano. This time, kasama na si Althea at Mara. Mabigat man kay Jessica ang pag alis ni Alex lalo na at kasama nito si Mara ay sumama pa din siya sa pag hatid sa mga ito.Mas mahihirapan siguro siya pag hindi niya ito nakita bago umalis dahil ilang taon na naman ang lilipas na hindi niya ito makikita. May pangamba din siya na sa pagsama ni Mara doon ay madevelop ang relasyon ng dalawa at tuluyan na ngang mawala ang pag asa na mapansin pa siya ni Alex bilang isang babae at hindi lang basta kaibigan.Pero nagdesisyon na siyang suportahan si Alex ng buong puso kahit hindi siya matutunang mahalin ng binata. Kailangan niyang kayanin ito. Hindi lang para kay Alex kundi para sa sarili na din niya."Jess!" Pagputol ni Bridget sa malalim na pag iisip ni Jessica habang nasa gitna sila ng klase. Ilang linggo na din ang nakalipas ng umalis papuntang America si Alex. Pagkatapos nitong tawagan siya p