I sat down and waited for Enzo while he was ordering coffee for us. Hindi maalis ang lasa ng luya sa bibig ko dahil sa kagagawan nito kaya naman inaya ko na ito sa coffee shop na nasa labas lang naman ng school namin.
Nagmessage na lang din ako kay Lean na mauuna na kami roon ni Enzo, at dahil alam ko naman na magtataka ito kung bakit kami magkasama na dalawa, sinundan ko na agad iyon ng message tungkol sa nangyari.
Sumandal lang ako sa may upuan na naroon habang naghahanap ng magandang movie na panunuorin bukas ng gabi. Since weekend na at wala naman din akong schedule ng photoshoot sa Ai’s, napagdesisyunan namin na mag-overnight kina Lean. We usually do it in our house but for a change, we will sleep at the De Guzman’s residence tomorrow night.
I already prepared my clothes for the sleepover, actually. Sinabihan ko na nga rin si Cherinna na ihanda na ang kanya para siguradong wala kaming magiging aberya. Of course, matchy ang damit naming dalawa.
It’s the perks of having a twin sister.
I looked at Enzo who’s looking at me while frowning. He doesn’t really like ordering when we’re at a different coffee shop. Sa Sweet Desire lang naman talaga sila kumportableng umorder dahil kilala naman na namin ang staff na naroon.
Tinaasan ko siya ng kilay. Anong akala niya, lalapitan ko siya at tutulungan? He made me drink ginger water! Hindi ko talaga gusto ang lasa ‘nun kaya naman naiinis ako sa kanya.
Ibinalik ko na lang ang tingin sa phone ko habang naghahanap pa rin ng movies. Kung si Lean ang papipiliin ko, it’s either si Kevyn ang pipiliin nito o kaya naman ay puro romance. Okay naman sana pero mas okay rin kung may ibang genre naman.
“Hmm…” I hummed as I scroll down on the list of the sci-fi movies that are available.
Nag-angat ako ng ulo nang ilapag ni Enzo ang tray na may laman ng order naming dalawa. Hindi muna niya inorderan si Lean dahil baka matunaw at mawalan iyon agad ng lasa.
“Galit ka?” I asked him. He scoffed and sipped from his coffee. Hindi naman mahilig si Enzo sa frappuccino or iced coffee kaya naman black coffee ang inorder nito. He also ordered two cinnamon rolls.
Now that he’s away from his books, he’s scrolling on his iPad. Kumunot ang noo ko sa kanya at tinignan kung ano naman ang ginagawa nito.
“You’re reading again?” I asked him. Hindi man lang ba ito makakapagkape o kakain ng hindi nagbabasa?
He looked at me. “Hmm?”
I rolled my eyes. “That’s what you always do, you know? Kaya ang dami sigurong may gusto sa’yo kasi ganyan ka,” kumento ko pang muli.
Mas lumalim naman ang kunot ng noo ni Enzo habang nakatingin sa akin. “What? What are you talking about?” tanong nitong muli sa akin bago kinuha ang tinidor at kumuha sa cinnamon roll nito.
“Are you aware that maybe 70% of the school’s population likes you? I mean, you, Kol, Jahann, Theon, Keij and even Kuya Kiro? And around 40% of that 70% are pestering us to know you more,” sabi ko naman sa kanya. Nakatingin lang sa akin si Enzo na para bang may sinasabi akong napakanormal na bagay lang.
“Then just ignore them? Don’t waste your energy on unimportant things,” ani Enzo sa akin. “Let them do what they want. They’re just tiring themselves,” dagdag pa nitong sabi.
Well, that’s true. Wala naman silang pinapansin sa mga iyon. Tanging si Theon at Keij lang naman ang natutuwa sa atensyon na nakukuha ng mga ito sa mga babae sa school namin.
“Hi, Enzo!” lakas-loob na sabi ng babaeng nasa kabilang mesa lang namin. Nilingon ko iyon at tila isang grupo silang may planong magpapansin kay Enzo. Napailing na lang ako dahil alam ko naman na hindi sila magugustuhan ni Enzo.
To be honest, hindi ko naman din alam kung ano ba ang gusto nito sa babae. We never talked about that. Si Keij at Theon, we all know they like girls with curves. Iyon naman ang laging sinasabi ng dalawang iyon. Kuya Kiro likes Ate Caryl. Ang triplets ang hindi namin alam.
Enzo looked at them and just nodded his head a little. Animo naman ay inasinan sa kilig ang mga babaeng naroon. They kept on staring at Enzo and he didn't really mind it. They’re used to it, maybe?
“Wala kang type sa kanila?” dumukwang ako sa lamesa upang ilapit ang mukha kay Enzo at maibulong ko lang ang sasabihin ko. Of course I can say it normally but I am afraid that would embarrass them.
Enzo looked at me and he stared at me for a moment. Ito ang nagkusang ilayo ang ulo sa akin. Kumunot naman ang noo ko. “Arte mo, ah,” sabi ko naman sa kanya bago umupo na ng maayos.
Hindi naman nito sinagot ang tanong ko kaya hindi na rin ako nangulit sa kanya. Tinawagan ko na lang si Lean para alamin kung nasaan na ba ito.
“What? Ang daya, kanina pa kaya kami ni Enzo rito,” nakasimangot kong sabi. Nilingon naman ako ni Enzo. I showed him my palm, telling him I will tell him what happened after the call. Hindi naman ito umimik.
“Whatever. Okay, okay. See you tomorrow, then.”
“Hmm?” Enzo hummed while looking at me. I frowned at him. “May gagawin pa raw si Lean, eh,” sabi ko naman sa lalaki. Tumango lang naman ito. Enzo’s like Jahann. They’re both protective and a little strict but they don’t command us to always be with them.
I looked at him and smiled a little. “So, I guess, I’ll go home now,” sabi ko sa kanya. Ipinasok ko na ulit sa bag ko ang iPad ko at wallet kong nilabas ko pero hindi ko rin nagamit dahil si Enzo ang nagbayad ng binili nito.
“Thank you, ha. Though it’s your fault pa rin. Pinainom mo ako ‘nun,” sabi ko. Inubos ko na lang din ang cinnamon roll na naroon. Cherinna gets mad at me whenever I leave food on my plate.
“I’ll drive you home,” alok ni Enzo sa akin. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. “Seryoso ‘yan?” I asked him and he rolled his eyes. “You can hail a cab if you want, then,” he scoffed.
Natawa naman ako ng mahina dahil napaka ikli ng pasensya ni Enzo. Minsan ay napakahirap nitong biruin, bilib lang talaga ako kay Keij at Theon dahil ang tatapang nila para asarin si Enzo.
“Hmm. Okay, then I will tell Jahann that you let his sister ride in a cab instead of driving her home,” sabi ko naman dito. I know the brother’s code they have. Gaya ng pang-aasar namin sa kanilang tatlo, triplets talaga sila.
Napailing na lang ito bago kinuha ang susi ng sasakyan at dinala ang kape pa nitong hindi pa nauubos. Sumunod na lang ako sa kanya paglabas ng coffee shop habang tanaw pa rin siya ng mga babaeng naroon.
Enzo is actually good looking. Matangkad ito at makisig naman din ang pangangatawan. He likes wearing plain shirt, kahit anong kulay basta plain, ayos lang sa kanya. He’s wearing his eyeglasses and I think that made him look hot.
Well, he’s little Blue De Guzman afterall. Kahit nga may asawa at anak na si Tito Blue ay may mga nagpapapansin pa rito, eh. Ano pa kay Enzo?
Naupo na ako sa harap ng sasakyan nito dahil wala naman si Lean, isinuot ko na agad ang seatbelt ko at ngumiti kay Enzo nang makasakay na rin ito.
Magkalayo ang bahay namin kung tutuusin. Mas sila nila Keij ang pwedeng magsabay dahil nasa iisang subdivision lang naman sila. That’s because of Tita Zyline and Tito Blue.
“Is it really okay to drive me home?” tanong ko kay Enzo. Tila naman napantastikuhan ito sa sinabi ko at tinignan ako. “You’re already in my car, Alyanna Samantha,” he said.
I pouted a little. “I was just asking kasi alam ko naman na malayo,” sabi ko naman dito. “Baka mamaya nagrereklamo ka na pala diyan, ayaw mo lang sabihin sa akin,” usal ko namang muli. Hindi naman kumibo si Enzo sa mga sinabi ko at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.
They live in Makati while we live in Quezon City. Alam ko naman na grabe rin ang traffic kaya tiyak na maiipit si Enzo sa daan.
Hindi naman ito kumikibo habang nagmamaneho kaya ako na lang ang nakialam sa pagpapatugtog ng music. Kung hindi ko gagawin iyon ay baka mabingi ako sa katahimikan.
Etiquette na rin siguro ng mga uupo sa shotgun seat na dapat may good taste sa music at hindi mo tutulugan ang nagmamaneho kahit pa hindi ito kumikibo.
Baka kapag pumikit ako dahil sa katahimikan ni Enzo ay mas mainis pa ito sa akin.
I picked Coldplay songs while he’s driving. Hindi naman ito nagreklamo sa music na pinili ko, also I don’t think Enzo is the type of person na gusto ng mga loud musics.
“You’re managing Blue’s Haven na?” I asked him to make a conversation. Tuwing kumpleto naman kaming magpipinsan at sila ni Lean ay nakakausap ko naman si Enzo, pero madalang siguro ‘yung kami lang dalawa.
“Not yet, just observing the operations,” sagot naman niya sa akin. Tumango-tango ako. “Pero ikaw ang magmamanage nun in the future?” tanong ko ulit sa kanya. I think it’s natural if he will be the one to manage it.
Ganoon din naman sa Ai’s. Si Jahann din ang next in line na magpapatakbo ng negosyo na iyon ni Daddy.
“I think so. If Dad will trust me enough to manage that,” sagot nitong muli sa akin. Gusto kong sumimangot dahil parang wala man lang itong balak pahabain ang usapan namin. Laging tiyak ang sagot nito kaya naman ako ang kailangan umisip ng sunod na itatanong ko sa kanya.
“Pero kung papipiliin ka, ayaw mo?” pag-uusisa ko ulit sa kanya. Kumunot naman ang noo ni Enzo at nilingon ako. “I don’t have any reasons to decline it,” he replied before turning his head back to the road again.
“Hmm… okay,” I shrugged and looked outside, Wala naman na akong maisip na sabihin sa kanya dahil mukhang ayaw naman din niyang makipag-usap. Hindi na lang ako ulit nagsalita habang binabagtas namin ang daan pauwi sa bahay namin.
“I’m hungry,” maya-maya ay si Enzo ang bumasag sa katahimikan.
Nilingon ko ito at tinignan. “You’re what?” hindi ko sigurado kung tama ba ang pandinig ko sa sinabi nito.
“I am hungry,” ulit ni Enzo sa akin. “That cinnamon roll is not enough to keep me full.”
I chuckled softly and nodded a little.
“Where do you want to eat?” tanong ko sa kanya. Kinuha ko naman ang phone ko para maghanap ng restaurant na pwede naming mapuntahan nang hawakan ni Enzo ang kamay ko para kunin ang phone ko sa akin.
“Let’s just look for a drive thru,” he said while his eyes were still on the road.
“Oh… okay…” maliit naman akong tumango. Mabuti na lang din at napakarami ng kainan sa Quezon City at hindi kami mahihirapan na dalawa na maghanap ng makakainan.
Enzo chose Mcdo since it was the first fast food chain that has a drive thru that we saw.
“What do you want to eat?” he asked me. May isa pang sasakyan sa harap namin na umoorder kaya naman may time pa ako para mamili.
“Hmm…” I looked at the boards outside. Kung kakain kami, ito na rin ang hapunan ko ngayon. Hindi ko na kakayanin kumain sa bahay.
“Ano na, Alyanna?” tanong ni Enzo na nainip na yata kahit wala pa namang isang minuto ang nakalipas. Inirapan ko ito bago nagsalita.
“Cheeseburger deluxe, tapos medium fries, diet coke,” sambit ko ng orders ko. Kinuha ko na lang ang phone ko habang umoorder si Enzo. Hinayaan ko na lang ito umorder ng kung anong gusto nito. Siya naman ang magbabayad.
Nang makapagbayad na si Enzo ay sinabihan kami na maghintay na lang muna sa parking lot at ihahatid na lang sa amin ang order namin.
“I thought you don’t like fast food?” I asked him.
“I’ll hit the gym later,” he replied.
“You go to the gym?” hindi maikaila na nagulat ako sa sinabi nito dahil hindi ko naman talaga alam na nagpupunta si Enzo roon. Ang alam kong pinaka-exercise na nito ay jogging at basketball with the others.
“That’s news for you?” ito naman ang kumunot habang nakatingin sa akin. Tumango ako sa kanya. Talaga namang news para sa amin ang bagay na iyon.
“I go to gym thrice a week, I usually do it at night,” pagbabahagi nito. Tumango akong muli sa kanya. “Eh, bakit hindi ka na lang sumabay kina Keij?” Keij and Theon go to the gym regularly. Laging magkasama ang dalawang iyon, kung sasama si Enzo, baka matulungan pa nila si Enzo kung ano ang mga dapat na ginagawa.
“I’m fine on my own, thank you very much,” sagot niya naman sa akin. Hindi naman na ako nagsalita pa dahil malamang ay sungitan pa ako nito kapag pinilit ko.
Ilang sandali pa ay dumating na rin ang order namin. He ordered the exact same thing I ordered. Instead of ordering medium fries, he upgraded it to large. Nag-order din si Enzo ng sundae dahil alam niya na gustong-gusto namin na isinasawsaw ang fries doon.
“Where are we going to eat?” I asked him when he placed the paperbag between us.
“Here,” he shrugged and looked at me. “Do you want to go anywhere else?” tanong niya namang muli sa akin. Umiling ako sa kanya at ngumiti.
“I am fine here,” sagot ko habang kumakain ng french fries.
We’re both silent while eating, he played a Maroon 5 song and I kind of liked it, too, so I didn’t voice out any complaints.
Tahimik lang si Enzo habang kumakain. I noticed the mayo on the side of his lips so I took a tissue and wiped it. Para namang nagulat si Enzo sa ginawa ko.
“Relax, may mayo, oh,” sabi ko sa kanya sabay pakita ng pinunasan ko sa gilid ng labi niya. Kinuha naman na niya sa akin ang tissue at siya na ang nagpunas ng labi nito.
I smiled a little. Hindi lang siguro sanay si Enzo na hindi kasama ang iba at isang tao lang ang kasama kaya parang hindi siya kumportable.
“You always want to be alone, no? Well, you like being with Jahann and Kol, pero sa iba, ayaw mo no? Gusto mo ikaw lang mag-isa,” sabi ko sa kanya bago nagpatuloy sa pagkain.
Nilingon niya naman ako at kumunot ang noo niya sa akin.
“I am with you now…” he said softly while he’s still looking at me.
Nilingon ko naman siya at ngumiti ako sa kanya.
“Yeah, and I hope you are comfortable with me, kasi I am your sister’s best friend,” I smiled widely. Magkakasama pa man din kaming lumaki lahat.
He looked at me and a small smile appeared on his face.
“Yeah, my sister’s best friend,” he mumbled and continued to eat his burger.
“Good morning,” Cherinna chirped happily when I went down to eat breakfast. I looked at her and frowned. Kung iniisip nito na napatawad ko na sila ni Jahann, nagkakamali siya dahil hindi pa. Enzo drove me home last night after we ate at Mcdo’s parking lot. It was a good meal, actually. Bukod sa masarap naman talaga ang pagkain sa Mcdo, okay naman ang naging pagsasama namin ni Enzo. I sent him a message last night telling him to drive safely. Hindi naman ito nagreply sa akin kaya hindi na ako muling nagmessage pa. “You’re still mad? Sorry na, I had a headache yesterday, kaya hinatid na ako ni Jahann pauwi,” nilingon naman nito si Jahann na naglalagay ng pagkain sa plato niya. “You, you’re not going to apologize?” I asked him, frowning. Kumunot naman ang noo ni Jahann sa akin. “Why would I? I already told you to just bring your car yesterday,” sabi naman nito sa akin. “Jahann,” saway ni Cherinna sa lalaki. Imbes na magsalita, nagkibit ng balikat na lamang ito at pinagpatuloy ang pa
I tied my hair in a messy bun as I put lotion on my arms. Nakaupo ako sa may silya sa harap ng vanity mirror ni Lean habang pinapahid ko ang lotion sa katawan ko. Nakapaglinis na ako ng katawan kanina nang umakyat din si Cherinna at Lean, sumabay na ako sa kanila para rin makaiwas kay Enzo. Natigilan ako habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Wala naman itong sinabi kanina tungkol sa nangyari at sa totoo lang, wala namang dapat na ipagsabi rin. Hindi naman big deal ang bagay na iyon. Katawan nga nila Keij at Theon, lagi kong nakikita, eh.Maybe because I am not used to it? Hindi ako sanay makita ang katawan ni Enzo dahil hindi naman talaga ito naghuhubad? At bakit naman din kasi ito maghuhubad sa harap ko, diba? Wala namang dahilan. “Natulala ka diyan?” puna ni Lean sa akin na nakapagbihis na rin. Naglinis na muna kami ng katawan bago kami kumain. Si Enzo na rin ang nag-utos sa amin kaya naman wala kaming nagawang lahat. Mali rin pala talaga ako ng napasukan na kwarto kan
I checked myself in the mirror before I picked my bag and went out of my room. I wore my red dress since we’re planning to go to Blue’s Haven now. Walang pasok kinabukasan kaya naman napag-usapan namin na magpupunta na lang doon ngayon. I am pretty sure that a lot of people are there right now. Madalas naman kasi na maraming tao roon kapag Biyernes ng gabi dahil marami ring mga young professionals ang gustong mag-relax at uminom. And to be honest, Blue’s Haven is one of the best bars in the Metro. Hindi naman kasi cheap ang lugar na iyon at hindi naman din hahayaan ni Tito Blue na maging ganoon ang bar nito. After all, he named it after him. “Ganyan na suot mo?” tanong ni Cherinna sa akin. Sa aming dalawa talaga, mukhang laging ako ang kinukulang sa tela dahil laging nakabalot ang kakambal ko. But to be fair, Cherinna is beautiful nonetheless. Hindi naman ito magkakaroon ng manliligaw ngayon kung wala and I actually like him for him. He’s cute and he looks serious. Ilang beses ko n
Hindi ko pa rin mapigilan na hindi mapasimangot habang hawak ko ang tuwalya ni Keij at ni Theon ngayon. Since they’re part of the varsity team, we always make sure to watch them. But this time, it’s only me who’s here. Sabi nila Cherinna sa akin ay susunod na lang ito sa gymnasium. Hindi ko alam kung totoo ba iyon o na-busy na ito sa manliligaw nitong si Ian. Si Lean naman ay magpupunta rin daw roon pagtapos ng klase nito pero hanggang ngayon ay wala pa rin. “Ang bagal mo naman mag-abot ng tuwalya,” sabi ni Keij sa akin nang kuhanin nito ang tuwalya sa akin. Pinanlakihan ko ito ng mata. “Aba, nakahanap ka ng katulong mo?” tanong ko rito. Ngumisi lang ito sa akin at bumalik na agad sa court dahil mabilis lang naman ang time-out na tinawag ng mga ito. As always, they’re looking at me like I am the enemy here, and I am talking about those girls who kept on cheering for my cousins. May mga banners pa ang mga ito para sa dalawang Dela Cruz na naglalaro sa loob ng court. I scoffed and pl
Paulit-ulit naman ang naging routine namin nang malapit na mag-exam. Binawasan na rin muna namin ang paglabas pero kung nakakahanap kami ng either long weekend o kaya ay kapag gusto lang namin na magsama-sama, pinipilit namin na makapagbakasyon man lang kahit papaano para naman hindi kami ma-burnout sa pag-aaral. Now that Cherinna is officially dating that Ian guy, kung minsan ay wala na akong makasama masyado. Maging si Lean din kasi ay hindi ko madalas mahagilap o kaya naman ay sinasabi nito na may gagawin ito. I am still teasing Jahann about Iris which pisses him off actually. Hindi ko naman tinatago ang kilig na nararamdaman ko kapag inaasar ko si Cherinna kay Ian dahil talaga namang bagay ang dalawang ito. We usually just talk about them since all I can share is my work at Ai’s and whenever we want to go shopping, but about my lovelife or anything? Wala. Wala naman din akong ikukwento sa mga ito. Hindi ko na nga rin natanong si Lean tungkol kay Leo Saavedra na DJ sa Blue’s Hav
I turned around and hugged my pillow tight. Tapos na ang mga exams namin at wala ring pasok ngayon kaya kahit na alam kong alas-nueve na ng umaga ay nakahiga pa rin ako sa kama ko at hindi bumabangon. Narinig ko na ang pagkatok ni Cherinna kanina pero hindi ako bumangon dahil gusto ko talagang matulog pa muna sana. “Alyanna!” tawag muli ni Cherinna sa akin. I looked at the door and frowned. I know I annoy them most of the time but why is that when it’s my time to just stay inside and do my own thing, she will start bugging me. Hindi na ako nag-abala pa na ayusin ang buhok ko at tumayo na ako para pagbuksan si Cherinna. Humihikab pa ako nang buksan ko ang pinto. Kumunot naman ang noo niya sa akin nang makita ako. “You just woke up?” she asked me. Tumango naman ako bago bumalik sa kama ko at muling nahiga. “What is it…? Wala kang date?” tanong ko sa kanya. Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi ni Cherinna dahil sa sinabi ko. I know that Ian is courting her and I am still teasing he
I took a seat beside Enzo who’s frowning again. Hindi ko mapigilang matawa rito dahil mukhang inis na inis na ito na kausap ni Lean ngayon si Kevyn. Well, it was actually a good thing that he’s a friend of Ian, mas naging madali kay Lean na makilala ang lalaki. Si Kol, ako at si Enzo na lang ang naiwan sa lamesa habang ang mga kasama namin ay hindi ko na alam kung nasaan. I saw Theon with someone earlier, though. “Alam mo hayaan mo kaya muna si Lean, no?” sabi ko naman kay Enzo. Nilingon niya ako bago uminom sa baso nito. Napasimangot naman ako rio habang pinagmamasdan ko pa rin ito. “You know, if you will just smile a little more often, mas maraming magkakagusto pa sa’yo…” kumento ko sa kanya. Well, I have been drinking since earlier but it doesn’t mean that I am already drunk. “I don’t want them to like me,” he said, which made me crease my forehead. “Kahit naman ayaw mo, marami silang may gusto sa’yo, eh. Sa inyo nila Kol, actually,” sabi ko pa na nilingon ang pinsan ko na umii
It was almost 7 pm when we reached the restaurant. Si Theon pa rin ang nagmaneho dahil sasakyan naman nito ang ginamit naming apat. Kami lang din ni Lean ang nag-uusap sa buong biyahe namin papunta roon. Magkakasunod kaming pumasok sa loob at hinawakan naman ni Enzo ang siko ko para igiya ako sa lamesa kung saan kami itinuro ng waiter. Naupo na ako kaagad at tumabi naman sa akin si Enzo dahil sa harap ko naupo si Lean. Pareho kaming nasa may gilid ng salaming pader ng restaurant. “You like it here, no?” sabi ko rito. I remember he also brought me here before to eat. Enzo looked at me and nodded his head. Hindi naman din nagtagal ay dumating na ang waiter para kunin ang order naming apat. I looked at the menu and turned my head to Enzo who’s already ordering his food. Tinapik ko naman ito kaagad. “Wait lang kaya, naghahanap pa ako, eh,” sabi ko rito para pigilan ito. Kumunot ang noo nito sa akin. “I am already ordering for us. Do you want something else?” ani Enzo habang naghihint
I was leaning on the doorway while watching Enzo put our things inside his car. He fetched me today since we’re planning to go North for a vacation. It was also a graduation gift of Tito Hunter to him. Nagrent ito ng isang villa para sa amin ni Enzo. Of course, the debate was intense since Mommy doesn’t want me to go alone with Enzo. She kept telling Tito Hunter that his gift was absurd. Hindi naman nagpatalo si Tito Hunter at sinabihan si Mommy na noon namang kabataan nito ay madalas itong natutulog na sa bahay ni Daddy kaya huwag daw itong matakot sa posibleng mangyari sa amin ni Enzo Even Keij was teasing us about this vacation. Ilang beses nitong inasar si Enzo na galingan daw nito dahil minsan lang kami makakapag solo na dalawa. Hindi na lang ito pinansin ni Enzo, si Theon at Lean naman ay nag bakasyon din ngayon. Nauna sila ng alis sa aming dalawa. “You look hot while putting those things in there…” napangiti ako nang kumunot ang noo ni Enzo at tumingin sa akin. Inayos nito
“Lorenzo, come here!” Masayang tawag ko rito nang makita ko itong nasa may garden. Masigla naman itong tumakbo papalapit sa akin kaya mas napangiti ako sa inasal nito. I patted his head and smiled at him. “What are you doing there?” I asked him and he just wiggled his tail. “I still hate the fact that you named him after me,” lumapit naman sa akin si Enzo na may dalang bulaklak at hinalikan ako sa noo. I smiled widely as I carried the dog. Iyon ang pinunta namin noong nagtungo kami sa bahay nila Kol. He asked Kol to keep it so he could surprise me. It was a shih tzu and I named him Lorenzo when I found out it was a male. I was planning to name it Francesca if it was a girl, actually. Para lang mabwisit ko rin si Airi paminsan-minsan. “Why? It’s cute! And I love your name,” I smiled at him and pecked on his lips. “Your practice is done?” tanong ko rito bago inaya ito na pumasok na sa loob ng bahay namin. Nagsisimula na ang rehearsals nila sa graduation kaya sa hapon na lang kami n
“So, what are you planning after your graduation?” tumabi ako kay Enzo matapos kong makuha ang order namin na fries, burger at sundae ice cream. I also ordered diet coke and he’s not very happy with my choice of food today. Kanina pa ito nakasimangot sa akin dahil inaya ko ito na kumain sa fast food chain. He said it was unhealthy and I should not eat these foods thrice a week. Wala naman din siyang nagawa dahil naglakad na ako papasok sa loob ng fast food chain. Malapit na ang graduation nito, ni Lean at ni Theon. Since engineering ang course ni Theon, nagpang-abot na ang graduation nito dahil 5 years ang course nito. Susunod naman na gagraduate ay sina Jahann, Kol at Keij. Si Cherinna ang nahuli sa amin dahil na rin huminto ito nang nagbuntis kay Nikolai. “Are you seriously just going to ignore me?” tanong ko rito habang nakatitig sa lalaki. Hindi naman nagsalita si Enzo kaya tumango na lang ako sa kanya at huminga ng malalim. Sumandal na lang ako at nagsimula na lang na kumain ng
“What are you doing here?”Nakakrus ang mga braso ko sa may dibdib ko habang nakatingin kay Leo na nakasandal sa sasakyan nito. He’s wearing a black hoodie, his hands were inside his hoodie’s jacket. He turned his face to see me and I saw him smile a little. He shrugged and chuckled. “Clearly your brother didn’t understand what I said…” “Uh? What do you mean?” nagtatakang tanong ko naman dito. Lumingon ako sa pinto ng bahay namin dahil baka tawagin ako ni Cherinna o ni Airi dahil lahat sila ay nasa loob na ng dining room.“Look, I know I haven’t really apologized for what I did to you,” panimula ni Leo. Humakbang ito papalapit sa akin. Hindi naman ako gumalaw sa kinatatayuan ko. I was staring at him and trying to assess what I feel for him. Noon, kapag nakikita ko siya, hindi ko mapigilan na hindi kiligin. Just by staring at him makes the butterflies in my stomach go wild. Hindi naman maikakaila ng kahit na sino na talagang gwapo at malakas ang appeal ni Leo. Marami ang may gusto
“Mom, what do you think? Red roses?”I checked the red roses that were on display while talking to my mom. Nagpunta kami ngayon nila Cherinna at Airi para puntahan si Mommy at para na rin mamili ng bulaklak para sa dinner mamaya sa bahay kasama ang mga De Guzman. I received a call from Enzo last night that they will be visiting us. Napag-usapan na rin kasi naming dalawa na sasabihin na namin sa mga magulang namin ang relasyon namin dahil wala naman kaming plano na ilihim talaga iyon sa lahat. We all know what can happen if we keep it from them. Isa pa, wala namang dahilan para hindi namin sabihin ang totoo sa mga ito. I am sure that they will all be happy for us. “These sunflowers looks good,” sabi ni Airi bago tumingin kay Mommy at ngumiti. “Magdadala po ako sa bahay, ah? Para sa room ko,” paalam nito kay Mommy bago nagpatulong sa staff na naroon para makapagbalot ito ng mga bulaklak para sa kakambal ko. “White looks good, too.” Nilingon ko si Cherinna at ang hawak nitong white
“What are you cooking?” I smiled when I leaned on the counter while watching Airi cook. Kakatapos ko lang naman din na maligo at mag-ayos kaya bumaba na rin ako para matignan kung ano ang niluluto ni Airi ngayon. I offered my help earlier but she just shoo me away and told me to just make sure everyone is coming. Hindi naman na ako nagpumilit dahil alam kong wala naman talaga akong talent sa pagluluto. Si Jahann, Cherinna at Airi ang mga biniyayaan ng ganoong talento. “Chicken curry,” sabi naman ni Airi sa akin bago kumuha ng isang kutsara para ipatikim sa akin ang sauce nito. I smiled as I tasted it. “It’s so good!” sabi ko naman dito at matamis na ngumiti. Muli akong naglagay ng sauce nito sa kutsarang binigay sa akin ni Airi nang mahina nitong tapikin ang kamay ko. “Stop it, mauubos mo ‘yan bago pa natin sila makasama, e!” saway naman niya sa akin pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay muling tinikman ang luto nito. “Pwede ka na mag-asawa pero huwag muna!” pang-aasar ko sa
“So, Kol lied to me?” I raised my brow while looking at Enzo who’s cooking our dinner for tonight. I tried calling Kol but he just kept on declining my calls. I think he blocked me, actually. “Just to be fair with Kol, I think he did that for us to talk,” he shrugged and smiled at me. I rolled my eyes and shook my head. “He should’ve just told me the truth instead of lying to me!” sagot ko naman sa lalaki bago muling uminom sa juice na inihanda rin nito kanina. “If he did, I don’t think you will go here, baby. You saw me and Elisha and I think you had thousands of thoughts inside your head, making stories and jumping into conclusions,” Enzo said while chopping the vegetables. Napasimangot ako dahil totoo naman ang sinabi nito sa akin. When I saw him and Elisha, I immediately thought they’re okay and they’re getting comfortable with each other… hindi ko naman maiwasan na hindi makakaramdam ng selos dahil mahal ko si Enzo. “See? You’re frowning, meaning I am right.” Tinignan ko siya
“Where are you planning to take me?” Nilingon ko si Kol na tahimik lang habang nagmamaneho. May twenty minutes na rin siguro kaming nasa daan na dalawa. Kanina ko pa rin naman siya tinatanong kung saan niya ba ako dadalhin pero hindi niya ako sinasagot ng diretso. He’s just telling me to wait and calm myself. Wala naman akong magawa dahil ito ang nagmamaneho. Sumama ako sa kanya dahil sabi niya sa akin ay pag-uusapan namin ang tungkol kay Enzo. Airi was also calling me but I kept on declining it. I know that she’s worried about where I went. Hindi ako nagpaalam sa kanilang dalawa ni Cherinna. Hindi rin ako nagpadala ng kahit na anong mensahe sa kanila nang sumama ako kay Kol. Iniwan ko rin ang sasakyan ko sa may Sweet Desire. Bigla na lang akong nawala.Hindi ko alam kung nakita ba nito at ni Cherinna si Enzo sa loob ng Sweet Desire kasama si Elisha… kung nakita man nila, sa palagay ko ay may ideya naman sila bakit ako nawala bigla.“They were together. That means, they’re okay, rig
“Alyanna.”I was just sitting in front of my vanity mirror while listening to Airi’s voice. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ba siyang kumatok sa kwarto ko magmula kanina pero hindi ako tumatayo o kumikilos man lang sa kinakaupuan ko. Tinakasan ako ng lakas na kumilos man lang mula ng makauwi ako sa bahay namin,I came home alone after I hailed a cab. Sa labas na ako ng subdivision nila Enzo nakahanap ng masasakyan dahil wala naman akong nakikitang pumapasok na taxi sa loob. I also turned off my phone because I know Enzo will call me and look for me. Ganoon naman ang lalaki. Laging ako ang inuuna nito.Alam ko naman na mahirap para kay Enzo ang sitwasyon naming dalawa at ayoko siyang papiliin sa amin at sa pamilya niya dahil na rin alam kong mas mahalaga ang pamilya. I know that. That’s why even though I know that it is hard, I chose to just walk away…I was hugging my knees when I heard Jahann’s voice outside my room. Hindi ko alam na umuwi rin pala ito ngayon. Ang alam k